NAPAHIKAB na naman ako habang naglalakad kaming dalawa ni Bea—my other best friend aside kay Shaun—papuntang cafeteria. Katatapos lang ng morning class naming dalawa.
Bigla akong nakaramdam ng pagod at antok dahil pakiramdam ko, na-drain lahat ng energy and brain cells ko sa early exam and lesson kanina. Gusto ko na sanang umuwi para matulog kaso may pasok pa ako after lunch. Ayokong um-absent dahil may hinahabol akong grades.
Sa sobrang antok ko, hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi ni Bea. Salita lang siya nang salita at mukhang inis sa isang bagay. Pumasok kami sa loob ng cafeteria at humanap agad nang mauupuan.
“Nakakainis, `di ba, Chin? Asar na asar talaga ako kanina.” Padabog pang inilapag ni Bea ang bag niya saka umupo.
Muli akong humikab. “Ano ba iyon? Ano bang kinaiinis mo?”
Tiningnan niya ako na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
“ Jusko . Earth to Chinnie. Hello, are you there?” sabi niya. “Kanina pa ako rant nang rant sa `yo `tapos hindi mo pala alam ang hinihimutok ng butchi ko. Thank you, friend, ha? Ang laking tulong!”
Nag-rolled eyes pa siya kaya bigla akong napatawa.
“Ano nga kasi? Sorry. Inaantok kasi ako. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi.”
“Nagra-rant ako about sa exam natin kanina. May mga lumabas doon na wala sa reviewer natin. Pero for sure, nasagot mo `yon. Beast mode ka mag-review, eh,” sabi niya saka napataas ang kilay. “Hindi ka nakatulog nang maayos? Let me guess, nag-uwi na naman ng babae si Shaun sa condo ninyo, `no? Nag-self-pity ka na naman hanggang madaling araw.”
Hindi patanong ang mga sinabi ni Bea. Sinabi niya iyon in a way na siguradong-sigurado siya na ganoon nga ang ginawa ko buong gabi kaya hindi ako nakatulog nang maayos.
“Grabe ka naman. Hindi naman ako nagse-self-pity, `no!” pagtanggi ko. “And FYI, hindi namin condo iyon. Condo lang ni Shaun iyon. Nakikitira lang ako.”
“So, totoo nga na nag-uwi na naman ng babae `yang si Shaun? Nasaan ba `yang hinayupak na iyan nang mabugbog ko na. Sumosobra na `yan, eh!” galit niyang pagsasalita. “Hindi man lang maging considerate sa feelings mo. `Nyeta. Babayagan ko talaga `yan, Chinnie!”
Mas galit pa talaga si Bea kaysa sa akin sa mga ginagawa ni Shaun. That was why I loved her. Mas affected pa siya palagi tuwing nasasaktan ako.
Si Bea lang ang nag-iisang tao na nakakaalam na in love ako kay Shaun. Malaki kasi ang tiwala ko sa kanya na hindi niya ito ipagsasabi sa iba. Pero kadalasan, siya pa mismo ang kating-kati na sabihin kay Shaun ang totoo kong feelings for him.
Naiinis at nagagalit kasi si Bea tuwing nag-uuwi si Shaun ng babae sa condo. Alam na alam ni Bea na nasasaktan ako tuwing nangyayari iyon kahit hindi ko aminin sa kanya.
She knew I was hurting every time I saw Shaun with another girl.
Ito ang maganda kapag may girl best friend ka, pwede mong sabihin sa kanya ang mga bagay na hindi mo masabi-sabi sa guy best friend mo. Makaka-relate kasi siya since parehas kaming babae.
Ang downside nga lang, eh, parang any moment sasabog na si Bea dahil matagal na siyang asar na asar sa mga ginagawa ni Shaun sa akin. Sa mga bagay na hindi aware si Shaun na nagagawa niya sa akin. Nagpipigil lang siya dahil alam niya ring magiging komplikado ang lahat. Alam niya rin na magagalit ako kapag ginawa niya `yon.
“Paano siya magiging considerate sa feelings ko kung hindi naman niya alam ang nararamdaman ko sa kanya?” tanong ko. “Saka, kaunting tiis lang `to, Bea. Masasanay din ako sa setup naming dalawa.”
“Masasanay? Hello! Two years na niyang ginagawa `yan. Two years na siyang paulit-ulit na nag-uuwi ng babae sa tinitirahan n’yo. Pero nasanay ka ba? Hindi! Never ka kasing masasanay sa ideyang may ibang kasama ang taong mahal mo!” sermon niya. “Palagi ka na lang nasasaktan nang dahil sa hinayupak na `yan. Ano ba, Chinnie. Hanggang kailan ka ba magiging masokista? Umamin ka na nga sa kanya!” dagdag pa niya.
Namilog ang mga mata ko.
“Umamin? No! Never ko `yan gagawin. `Yan ang least na gagawin ko para sa kanya. Hinding-hindi ko aaminin na mahal ko siya more than best friends. Masyadong maraming risk ang naghihintay sa akin. Maraming mawawala. Nakakatakot, Bea. Ayokong magbago ang pakikitungo niya.”
Napataas ang kilay niya. “So, hahayaan mo na lang ang sarili mo na paulit-ulit na nasasaktan sa mga ginagawa niya sa `yo? Para kang timang. Ano bang kinakatakot mo? Eh, for sure, malaki ang chance mo kay Shaun. Ibang-iba siya kung tumingin sa `yo. Palaging ang gentle ng mga mata niya tuwing ikaw ang kaharap niya. He treats you like you are his most precious jewel.”
“Iba niya ako kung tratuhin kaysa sa iba dahil nga best friend niya ako. Iyon lang ang role ko sa buhay niya. Paano kung umamin ako at hindi niya ako kayang mahalin sa kung paanong love ang nararamdaman ko sa kanya. Magbabago ang lahat, Bea. Mawawala na kung anong meron kami.”
At least, sa pagiging mag-best friend naming dalawa ni Shaun, palagi akong nasa tabi niya. Palagi kong nakikita ang pagtawa niya. O kapag malungkot siya, ako ang una niyang nilalapitan. Kailangan kong makuntento sa ganitong setup. Mas tatagal kami sa ganito.
Nasabunutan ni Bea ang sarili niya. Mukha na siyang frustrated dahil sa akin.
“Ako ang nahihirapan sa ginagawa mo, Chinnie, eh. Nasa iisang bahay kayong dalawa. Kasama mo sa isang bahay ang taong mahal mo pero hindi mo man lang masabi-sabi ang nararamdaman mo sa kanya. Torture `yan, friend. Gusto kong umiyak para sa `yo.” Nalungkot ang mukha ni Bea. Mas affected talaga siya kaysa sa akin.
“Masasanay din ako, Bea, don’t worry. Hindi ko lang alam kung kailan pero alam kong masasanay din ako. Mahirap pero alam kong kakayanin ko.” I gave her a weak smile as assurance.
“Hay! Ang hirap talaga ng sitwasyon mo, Chin. Isa `ata `yan sa pinakamahirap na ginagawa mo para sa kanya. Iyong itago ang sakit na nakukuha mo. Ugh! Bwisit na Shaun `to. Nakaka-stress!”
“Hindi naman mahirap itago ang sakit sa puso ko, eh. Alam mo kung anong pinakamahirap na nagawa ko para sa kanya?” Tumingin ako sa mga mata ni Bea.
“Loving him?” tanong niya.
Umiling ako. “No,” I smiled weakly again. “Unloving him. Because I don’t know how to unlove him. I don’t know what I should really need to do to get rid of this love I feel towards him.”
Bigla akong napatingin sa pintuan ng cafeteria nang makita kong pumasok si Shaun kasama ang isang babaeng classmate niya na kalandian niya rin. Nakaakbay si Shaun sa babae.
My heart ached once again.
Papaiwas na ako nang tingin nang biglang mapatingin si Shaun sa akin sabay kumaway. Tumango na lang ako sa kanya. Napatingin din si Ayana—ang babaeng kasama niya—sa akin `tapos bigla akong binigyan ng nakakadiring tingin, saka inirapan.
May dalawang klase nang pakikitungo ang pinapakita sa akin ng mga babaeng nagkakagusto kay Shaun. Una, magiging friendly sila sa akin para maging close rin nila si Shaun. Pangalawa, maiinis sila sa akin dahil iba ako kung tratuhin ni Shaun kaysa sa kanila. Sa akin nila binubunton ang mga galit nila.
Nagtataka lang ako kung bakit sila nagagalit sa akin. Hindi ba dapat ako ang magalit sa kanila? Kasi nayayakap nila si Shaun at nahahalikan. Samantalang ako, hindi ko `yon magawa. Oo, nayayakap ko si Shaun. Oo, nahahalikan ko rin siya sa pisngi. Pero para sa kanya, walang malisya iyon.
“Sumulpot na pala ang manhid ng taon kaya nawala ka na naman sa sarili mo,” pagsasalita ni Bea. “Hay naku, Chin. Ano bang mahirap na huwag na mahalin `yang si Shaun? Eh, kita mo, nakaka-turn off kaya `yan. Kung sino-sinong babae na lang ang palaging kasama. Mas madalas pang magpalit ng babae kaysa sa pagpapalit ko ng napkin, eh.”
Bigla akong natawa, saka napailing-iling. “Haha. Sira ka talaga!”
“Seryoso, Chinnie. Kalimutan mo na lang `yang bwisit na `yan. Kung ayaw mong umamin, puwes, kalimutan mo na lang ang feelings mo sa kanya. Hindi niya deserve ang pagmamahal mo. You deserve more. Don’t settle for less. You deserve much more than him.”
Tumayo na si Bea at nagpunta sa counter para mag-order ng kakainin naming dalawa.
Napadaan siya sa table nina Shaun na kasalukuyang kasama ang mga batchmate niya.
Binati ni Shaun si Bea pero inirapan lang siya nito. Natawa tuloy ako sa sarili ko. Parang gusto nang ihampas ni Bea ang wallet na hawak niya sa mukha ni Shaun sa sobrang inis, eh.
Habang hinihintay kong bumalik si Bea, bigla kong naisip `yong sinabi niya.
Kalimutan ko na lang daw si Shaun. Paano ko iyon gagawin kung palagi ko siyang nakikita araw-araw? Paano ko iyon gagawin kung mukha ni Shaun ang una kong makikita tuwing umaga o huli kong makikita tuwing gabi? Para kong kinalimutan ang sarili kong pangalan kapag ginawa ko iyon.
Sabi rin ni Bea, kalimutan ko na ang feelings ko kay Shaun. Hindi naman ganoon kadali `yon, eh. Kung ganoon lang sana kadali eh, di matagal ko nang ginawa, `di ba? Hindi naman ako masokista. Hindi ko nae-enjoy ang pain and heartache na nakukuha ko kay Shaun.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko sisimulang kalimutan ang feelings ko sa best friend ko. Sa kung paanong paraan ko maiaalis sa puso ko ang nararamdaman ko para sa kanya.
Dahil sa bawat pagtangka kong kalimutan ang feelings ko kay Shaun, paulit-ulit lang na pinapaalala sa akin ng puso ko kung gaano ko siya kamahal at kung gaano ako katanga na mahalin siya.
Naramdaman kong nagtubig na naman ang mga mata ko kaya mabilis ko itong pinunasan. Pero masyado nang huli dahil nakita na ni Bea na medyo napaluha ako.
“`Ayan, umiiyak ka na naman!” naiinis niyang sabi. “Ugh! Nakakagigil talaga `yang si Shaun!”
“Napaluha ako dahil sa antok. Inaantok talaga ako,” pagdadahilan ko.
“Ewan ko sa `yo. Maloloko mo ako pero hindi mo maloloko ang sarili mo.”
Nilapag ni Bea ang pagkain ko sa harap ko `tapos umupo na siya at nagsimulang kumain. Tinanggal ko muna ang mga gulay sa pagkain ko dahil hindi ako masyadong kumakain ng gulay.
Habang kumakain kaming dalawa, bigla ulit siyang nagsalita.
“`Nga pala, may blind date mamaya. Seven PM. Doon sa may bar sa bayan.”
“Blind date?” Napataas ang kilay ko. “Pupunta ka?”
Tiningnan niya ako nang seryoso. “Pupunta tayo!” she emphasized the word tayo.
“Tayo?” Nagulat ako. “Bakit kasama ako? Hindi ako pupunta!”
“Pupunta ka!” mariin niyang sabi. “Oras na para makalimutan mo `yang feelings mo kay Shaun. Huwag kang mag-alala, okay ang mga lalaki na `ando’n. Friends sila ng pinsan ko. Hindi man kasinggwapo ng hinayu ´ pak na si Shaun, at least, hindi sila tarantado, `no!”
“Hala! Kahit na. Ayoko pa rin!”
“At bakit, aber?”
“Hindi ako papayagan ni Shaun diyan. Magagalit `yon panigurado,” pagdadahilan ko.
“Bakit narinig ko ang pangalan ko?”
Parehas kaming napatingin ni Bea nang marinig namin ang boses ni Shaun. Nakatayo na pala siya sa gilid namin na hindi man lang namin naramdaman. Naguguluhan siyang nakatingin sa amin.
Bago umupo si Shaun sa tabi ko, hinalikan niya muna ang ulo ko. Naramdaman kong inamoy niya rin ang buhok ko. Masyado talaga siyang adik sa amoy ng shampoo.
Kitang-kita ko ang pag-rolled eyes ni Bea.
“Sumulpot na ang Shaunget na hinayupak. Bwisit,” bulong ni Bea sa sarili niya pero narinig ko.
“What’s up? Anong meron at narinig ko ang pangalan ko?” tanong ni Shaun nang umupo na siya.
“Wala `yon.” Pinandilatan ko ng mga mata si Bea. “`Di ba, Bea, wala `yon?”
“Anong wala. Meron kaya!” Ugh pahamak. “May pupuntahan kaming blind date mamaya. Kasama si Chinnie. Gagabihin siya ng uwi kaya huwag mo na siyang hintayin. Matulog ka na lang o mambabae. Tutal doon ka naman magaling, `di ba?”
Nawala ang ngiti ni Shaun. `Tapos biglang napakunot ang noo niya.
“Blind date? With who? Pupunta ka, Chin?” tanong niya sa akin. Halatang hindi siya natutuwa sa sinabi ni Bea. “Hindi ka pupunta. Baka kung mapaano ka pa doon!”
Kung hindi ko lang alam na best friend lang ang tingin niya sa akin, iisipin ko na nagseselos na siya. Hay.
“Wow!” amazed in a sarcastic way na sagot ni Bea. “Tatanungin mo siya kung pupunta siya `tapos ikaw din ang magde-decide na hindi siya pupunta. Ano ka niya? Tatay? Bodyguard? Guardian? Boyfriend? Bakit naman bawal siyang pumunta sa ganoon, ha? Single naman siya!”
Parang gusto nang itusok ni Bea `yong tinidor na hawak niya sa mga mata ni Shaun.
“Basta. Hindi siya pupunta sa mga ganoon. Huwag mo nga siyang dalhin sa mga blind date-blind date na `yan, Bea. Kung gusto mong pumunta, eh, di ikaw na lang. Huwag mong idamay si Chinnie!”
Seryoso na ang mukha ni Shaun. Napa-cross arms pa siya habang nakatingin kay Bea.
“Teka nga, bakit ba masyado kang strict, bwisit ka? Nineteen years old na `yang si Chinnie. It’s time for her to have a relationship. To have a serious romance. Huwag mo siyang pigilan!”
Nagkakainitan na sina Shaun at Bea.
“Guys, stop!” pagpigil ko pero hindi nila ako pinansin.
“Best friend niya ako kaya hindi ko siya papayagan. Paano kung ano ang mangyari sa kanya doon? Tingin mo makakatulog ako sa gabing `to na si Chinnie, may kasama na ibang lalaki na unang beses niya pa lang nakita? That’s fucking impossible, Bea. Drop this issue already!”
“You should drop your being over-protective shit first, Shaun. For your information, maaayos na mga lalaki ang sasamahan namin mamaya. They’re way too decent. Decent in a way that you are not and you would never be. Baka mapahamak siya? Puwes, sa tingin mo ba hindi napapahamak ang puso niya dahil sa kamanhidan mong leche ka?”
“Bea!” Napataas na ang boses ko. “Ano ba?”
Ito ang kinaiinis ko kay Bea, eh. Kapag nag-iinit ang ulo niya, hindi na niya napipigilan ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Sana... Sana lang hindi na-gets ni Shaun ang mga pinagsasabi ni Bea. Lalo na iyong mga huli niyang sinabi. Ayokong magkagulo. Hindi pa ako handang umamin kay Shaun.
Hindi pa ako handang malaman kung ano ang magiging reaction niya. No. It was too early.
“Ugh! Bwisit! I really really hate you, Shaun Eliseo Valentin! Maputol sana `yang ano mo!” pikon na sabi ni Bea saka niya kinuha ang bag niya at nag-walk out.
“Bea, wait!” pagtawag ko pero hindi niya ako pinansin.
Hay. Mamaya na lang nga kami mag-uusap. Kailangan niya munang magpalamig ng ulo.
Kaming dalawa na lang ni Shaun ang naiwan sa table namin ni Bea. Mariin akong napapikit.
“Bakit ba galit na galit sa akin `yon? Samantalang noong una niya akong nakilala, crush na crush niya ako, `di ba?” nagtatakang tanong ni Shaun. “Anyway, hindi ka pupunta sa blind date na `yon, Chin. I’m telling you. Hindi kita papayagan.”
Good thing hindi na-gets ni Shaun `yong huling sinabi ni Bea.
Halong seryoso at naiinis ko siyang tiningnan. “At bakit naman hindi ako puwedeng pumunta? Single naman ako, ha?”
Kumunot na naman ang noo niya. Pero hindi pa rin nawawala ang kagwapuhan niya. Kaasar. Kamukhang-kamukha siya ni Tito Ross noong kabataan pa lang ni Tito. Kaso magkaiba silang dalawa. Magkaibang-magkaiba. Walang-walang sinabi si Shaun sa personality ng tatay niya.
“Eh, paano kung mapahamak ka? Hindi mo na alam kung paano mag-isip ang ibang kalalakihan ngayon, `no. Paano kung hindi seryosohan ang hanap nila. Paano kung may gusto lang silang makuha sa `yo? Siguradong masasaktan ka lang. Ayokong masaktan ka!”
You don’t want me to get hurt yet you’re the one who’s already hurting me.
Minsan nakakatawa talaga ang mga pinagsasabi ni Shaun in a way na nakakasakit na.
At sa sobrang sakit na, nakakamanhid na rin. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ang mas nangingibabaw sa akin.
Mapakla akong napatawa.
“Hindi lahat ng lalaki ay katulad mo, Shaun. Hindi lahat ay may motibo. May mga lalaki pa rin na kayang magseryoso sa isang babae. Hindi lahat kagaya mo.”
“So ngayon, ako na ang topic?” inis niyang sabi. “Fine. Oo na. Aminado akong sira-ulo ako. Kaya nga ayokong makahanap ka ng katulad ko. Dahil alam kong iiyak ka lang. At tuwing umiiyak ka, hindi ko alam ang gagawin ko. Nawawala ako sa sarili ko. I don’t want you to get hurt. Damn it. I’m just being over-protective with you because you are my best friend!”
You are my best friend.
`Ayan na naman siya sa salitang best friend. Dalawang salitang sumasampal sa akin ng reyalidad na iyon lang kaming dalawa. Best friend. Hanggang doon lang kami at hindi lalampas doon.
Pinipigilan niya ako hindi dahil nagseselos siya o ayaw niyang may ibang lalaki akong kasama. Pinipigilan niya ako dahil bilang best friend, nag-aalala lang siya.
Bwisit ka. Hindi ko kailangan ang pag-aalala mo. Sa `yong-sa `yo na `yan basta ba, ibalik mo ang puso ko. Ang unfair mo, eh. Binigay ko sa `yo ang puso ko kahit hindi mo alam at hindi mo naman hinihingi pero `yang puso mo, hindi mo naman kayang ibigay sa akin kahit hingin ko pa.
“You’re not being over-protective, Shaun. You are being unfair!” sagot ko. “Let’s say na best friend kita. Pero wala kang karapatan na pigilan ako sa mga gusto kong gawin,” katulad nang wala akong karapatan na pigilan ka sa pambababae mo. “Hindi kita boyfriend. Best friend kita. Best friend lang kita. Know your place. Thank you!”
Tumayo na ako at kinuha rin ang bag ko, saka nag-walkout.
“Chinnie, wait lang. Ano ba? Galit ka na naman, eh. Chinnie, woy!”
Paulit-ulit niya akong tinawag pero hindi ko siya nilingon. Wala akong lakas ng loob na lingunin siya dahil hindi ko alam kung anong klaseng expression ang nasa mukha ko ngayon.
I didn’t want him to find out my feelings.
I was not mad, Shaun. I would never be mad at you. God knows I’ve tried. But I still can’t.
I have loved you so much to the point that I forgot what being mad at you felt like.
I was just hurt. Really really hurt.
It really hurts falling in love with your best friend.