noveltoon logo noveltoon
Bitter

Chapter 7

Ch. 8 / 20 May 08, 2025

M ad

“NEXT Tuesday is Grandma’s birthday.”

Iyon agad ang bungad ng kapatid ni Caleb pagkasagot niya sa tawag nito.

“Alam ko,” kaswal niyang sagot.

“Baka hindi ka na naman um-attend gaya last year, ah. Lola wants to see you this time, Caleb. Don’t just send her a gift.”

“Titingnan ko kung makakapunta ako, all right?”

Clarisse scoffed. Na-imagine niya na umiikot na ang eyeballs ng ate niya.

“Bakit, busy ka ba? Wala ka namang trabaho, `di ba? Isang araw lang iyon sa loob ng isang taon, hindi mo pa magagawan ng paraan?”

“All right, all right! Pupunta na ako. Masaya ka na?” nababanas na pagpayag niya.

Narinig niyang bumuntong-hininga ang kapatid. “Kailan mo ba aayusin ang buhay mo, Cal?” parang napapagod na tanong nito.

Nagkamot sa ulo si Caleb at bumangon na mula sa kama. Mag-aalas-siyete na ng umaga. Alas-otso o alas-nuwebe ang karaniwang gising niya. Napuyat pa naman siya kagabi dahil lumabas sila ni Savannah. Pagkatapos nilang mag-clubbing ay nagyaya ito sa beach. Akala niya, gusto lang nitong tumambay, maglakad, o mag-stargazing, pero may ibang gustong gawin ang babae. Naligo sila sa dagat nang hubo’t hubad. He had done crazy things in his life, but never skinny dipping. Pero malakas ang loob ni Savannah, hindi siya tinantanan hangga’t hindi siya pumapayag. Kung bakit palagi siyang nagpapauto dito.

Shit. Uto-uto. The word was taking him back to that time where a woman turned his life upside down. Dahil nagpauto siya.

“Maayos naman ang buhay ko, kayo lang ang nanggugulo,” sagot ni Caleb.

“You know what I mean,” giit ni Clarisse. “I miss my little brother…” Lumambot ang boses nito.

“I’m not little anymore.”

“You’re still my little brother kahit umabot na tayo sa edad na lampas-singkuwenta. Caleb, hanggang kailan ka magiging ganyan? Akala ko ba nagsawa ka nang magrebelde no’ng nagpa-rehab ka’t nagdesisyon na magpapayat?”

Damn it. Hindi pa rin makalimutan ng kapatid niya ang pinakamadilim na bahagi ng buhay niya. Yes, Caleb turned to drugs and alcohol when his ex-wife left him. Marijuana, ecstasy, at cocaine ang mga sinubukan niyang droga at natikman na rin yata niya ang lahat ng klase ng alak. Tinigilan lang niya iyon nang sabihin ng abogado niya na puwedeng gawing panlaban iyon ni Mayla sa kanya sa korte para makakuha ito ng mas mataas na alimony. Puwede nitong palabasing drug addict na siya habang kasal sila at iyon ang nagtulak sa babae para magtaksil sa kanya.

Pero nang ma-finalize ang divorce ay hindi pa rin magawang bumalik ni Caleb sa dating pamumuhay. Hindi niya kayang bumalik sa pag-aaral. Sinubukan niya at bumagsak lang siya sa mga subject niya.

Pinilit siyang magpa-therapy ng kanyang pamilya. Thankfully, he wasn’t losing his mind yet. He wasn’t also clinically depressed. Pinayuhan siya ng shrink na mag-relax at maghanap ng pagkakaabalahan o libangan. Maraming technique ang itinuro sa kanya para maibsan ang nararamdaman niyang galit, guilt, at lungkot. Nag-suggest naman ang kanyang best friend na si Zeke na subukan daw niyang maglabas ng sama ng loob sa pamamagitan ng pag-e-exercise. As dumb as it may sound, sinunod ni Caleb ang payo ni Zeke. Ginugol niya ang panahon sa pagpunta sa gym kung saan siya inalalayan ng mga trainer, pati na sa kanyang diet. Unti-unti ang pagbabawas niya ng timbang, ang pagpalit ng muscle mass sa kanyang fats.

Inihilamos ni Caleb ang kamay sa mukha. “Hindi ako nagrerebelde. I hate that word, Ate. Hindi na ako teenager para magrebelde.”

“Kung gano’n, ano’ng ginagawa mo sa buhay mo? Matagal ka nang iniwan ni Mayla. Hanggang kailan ka pa magagalit dahil do’n?”

“Kinakalimutan ko na nga ang tungkol diyan, pero pinapaalala mo naman.” Siya naman ang bumuntong-hininga. “See, that’s the reason why I hate attending family gatherings. Ako na lang lagi ang nakikita ninyo, ako na lang lagi ang gusto ninyong pag-usapan.”

“Dahil ikaw lang ang may problema sa family natin, Caleb!”

“Right. At perpekto ang mga buhay n’yo,” sarkastikong sabi niya.

Hindi nakaimik si Clarisse.

“I’m sorry,” bawi agad ni Caleb. “How are you?” pag-iiba niya ng usapan. Ang huling nabalitaan niya sa kapatid ay hindi maganda ang lagay ng marriage nito.

“Divorced. Again,” walang buhay na sagot ni Clarisse.

Hindi na siya nagulat. “Kailan pa?”

“Dalawang buwan na.”

“Ayos lang `yan. Sabi ko naman sa `yo, gago `yon, eh.”

Tumawa ang kapatid niya. “You jerk.”

“Bakit? Totoo naman. Huwag mo na siyang panghinayangan.”

“Of course not. I’m dating somebody right now.”

“Agad-agad?”

Hindi makapaniwala si Caleb kung gaano kabilis mag-move on sa mga nakarelasyon si Clarisse. Wala pang isang taon mula nang makipag-divorce ito sa unang asawa. Ngayon ay divorced na naman ang kapatid sa pangalawang asawa—at may bago na naman itong karelasyon. Hindi na siya magtataka kung mauuwi na naman si Clarisse sa pagpapakasal. Mabuti na lang at hindi pa nito naiisipang mag-anak. Nakakaawa kasi ang mga bata kung nagkataon.

Minsan, naiisip ni Caleb na gayahin ang kapatid, na sumubok uli sa seryosong relasyon. Pero hindi iyon ganoon kadali. Isa pa, magkaiba silang mag-isip ni Clarisse. Masyado rin siyang nag-e-enjoy sa buhay niya ngayon para makipag-commit.

“I’m taking things slow this time, `wag kang mag-alala. At mabait si Adam. Orthodontist siya. Pumunta ka sa party ni Lola para makilala mo siya.”

Nagpaaalam na si Caleb sa kapatid nang may matanggap siyang incoming call. Mula iyon sa isang babae, “Keisha” ang pangalan. Sa totoo lang ay wala na siyang natatandaan na kahit ano tungkol sa babae. Baka nga ito pa ang naglagay ng contact number nito sa kanyang cell phone.

Masigla ang boses nitong bumati sa kanya. “Hey, Cal. It’s me, Kei.”

Pinilit niyang pasiglahin ang boses pero nabigo siya. “Oh, hi.”

“You don’t remember me, do you?”

Mabuti at nakaramdam ito. “I honestly don’t. I’m sorry.”

Tumawa ang babae. “We met at a bar last month. You went out with me and my friend Diana. Do I need to elaborate what happened next?”

Nagkamot ng sentido si Caleb. Sa dami ng mga babaeng nagyaya sa kanyang makipag-sex ay imposibleng maalala niya lahat ang mga iyon.

“It’s all right if you don’t remember. Anyway, I called to ask you if you’d wanna hang out again at my condo. We can invite more of my friends.”

“Thank you, but I’m sorry, I can’t right now.”

“Oh.” Natahimik bigla ang babae. “Well, you know how to reach me if you change your mind,” paalam na nito.

“Yeah, thanks.”

Tumayo na siya at iniitsa ang cell phone sa kutson.

Hindi na bago kay Caleb ang mga phone call na gaya ng kay Keisha—sa mga booty call. Getting laid had been a breeze ever since he lost weight. Mga babae na mismo ang nag-aalay ng mga sarili sa kanya. And he fucking loved it. Bago sa kanya ang karanasang iyon dahil nakasanayan na niya ang rejections mula sa mga kabaro ni Eba noon dahil sa kanyang katabaan. Kaya mababa ang self-esteem niya noon at mahiyain pa siya.

Nagbago ang pakikitungo ni Caleb sa mundo nang makapagbawas siya ng timbang. He went out from sulking over his divorce to actually getting a life. He even learned how to ride a motorcycle, to surf and to ski. He partied hard, joined an orgy club, and banged countless women who couldn’t get enough of him. Naging makamundo siya at doon siya nakahanap ng kasiyahang hindi pa natikman sa tanang buhay niya.

Alas-diyes na ng umaga at naglalaro siya ng computer games nang mag-ring uli ang cell phone niya. Napangiti agad siya nang mapagsino ang caller.

“What’s up, beautiful?” sagot ni Caleb sa tawag ni Savannah.

“Hey! Are you doing something?”

“Naglalaro ng computer games.”

“Wanna come over?”

Lumapad ang kanyang ngiti. “Why?”

“Magpapaturo sana akong mag-bake.”

Natawa siya sa sarkastikong sagot ng babae. She never failed to amuse him.

Just when Caleb thought that he was already getting enough of his worldly escapades, an unexpected thrill came along. He’d say colossal thrill—si Savannah De Villa. Dahil sa babae ay lalo pa siyang nasisiyahan sa buhay niya ngayon. Dalawang linggo na rin silang nagse-sex nang madalas at wala siyang maramdamang pagkasawa dito. If anything, every session was making him want for more. Wala siyang maalalang nakaramdam siya ng ganoon katinding pagnanasa sa kahit sinong babae, kahit pa sa dating asawa niya. He longed for Savannah. He ached for her so much it hurt.

“Out of supply already?” naninitang tanong ni Caleb, may hulang baka marijuana ang gusto nito mula sa kanya. “Kabibigay ko lang sa `yo last week. Hinay-hinay lang sa paggamit—”

“Aren’t you gonna ask what I’m wearing right now?”

Napasipol si Caleb. Agad siyang nag-init sa maharot na boses ng babae.

“What are you wearing?” napapalunok na tanong niya.

Savannah used her best bedroom voice, she was almost purring like a cat in heat. “Nothing. I’m naked right now, Caleb. And, I’m on my bed… rubbing my tits and pussy. But I just don’t wanna fuck myself, you know? I mean, where’s the fun with that?”

“Shit.” Dali-dali siyang tumayo mula sa inuupuang bean bag at kamuntikan pang madapa nang patakbo siyang lumabas ng kuwarto.

Nang muli niyang marinig ang babae ay humihingal na ito, paos na paos ang boses. “I think I’m in heat. I’m pumping two fingers in and out of my cunt now. Oooh, God… Basang-basa na ako, Cal. I feel so hot! But I don’t wanna come this way. Ayoko ng fingers lang. I need a cock. A huge one.”

Halos liparin ni Caleb ang kinapaparadahan ng Ducati sa garahe. “Hold on. I’m on my way.”

TINANGGIHAN ni Savannah ang pakiusap ng ama na makita siya sa video at voice call lang ang pinayagan niyang pag-uusap nila. Alam niyang magfi-freak out ang papa niya kapag nakita ang wild at blonde ombre niyang buhok.

“How are you, anak?” nag-aalalang tanong nito.

“I’m fine, `Pa.”

“Kailan ka uuwi? Nag-aalala akong mag-isa ka lang diyan.”

Pinigilang mapabuntong-hininga ni Savannah. “Hindi ko pa alam kung kailan. Okay lang ako dito, don’t worry about me.”

“You can’t stop me from worrying about you. Ngayon ka lang nawalay sa amin nang ganito katagal, mag-isa ka pa. Kumusta ka na? Baka hindi ka na kumakain.”

“Kumakain po ako sa labas. Saka, marami namang boxed dinners dito. And, I’m learning how to cook, too. So far, hindi ko pa naman nasusunog `tong beach house ni Tita.”

“Ano’ng pinagkakaabalahan mo diyan?”

“Just hanging around. Sa beach, mostly.”

“We miss you, Savannah. Walang araw na hindi ka namin napag-uusapan ng mama mo.”

Parang may kumurot sa kanyang dibdib sa narinig. “I miss you, too,” pag-amin niya. “Pero hindi pa ako uuwi, `Pa. Pakisabi kay Mama na huwag mag-aalala sa akin. I’m a big girl now. Besides, kailangan ko ring matutong mamuhay nang mag-isa.”

“But you don’t have to.”

Napailing si Savannah. Sawa na siyang makinig sa mga magulang kung paano niya patatakbuhin ang sariling buhay. Nasa kabilang panig na siya ng mundo, for God’s sake. She wanted to be left alone.

“Kumusta kayo diyan?” tanong niya na lang para hindi na siya ang mapag-usapan.

“We’re good. Nasa birthday party ng amiga niya ang mama mo. Scarlett and Ramius are in a beach resort in Rosario.”

Kailangan pa bang ibalita sa kanya ang update sa marriage life ng mga taong nanakit sa kanya?

Iniwasan ni Savannah na mainis sa ama. Alam niyang wala itong balak na pasamain ang kanyang loob, nangumusta siya nang pangkalahatan kaya sinagot siya nito. Isa pa, gusto rin sigurong ipaalala ng papa niya sa kanya ang sinabi nito noong umiiyak siya rito pagkatuklas niya sa ginawa nina Scarlett at Ramius—na tanggapin na lang niya ang nangyari. Tanggapin na lang. Putang-ina. Napakadaling sabihin.

And, what? Nasa beach resort ang mga bagong-kasal? Ano ang nangyari? Akala ba niya ay niyaya ni Ramius si Scarlett sa probinsiya at nag-i-stay ang mga ito sa isang lumang bahay sa gitna ng bukid? Iyon ang ibinalita sa kanya noon ni Tita Melody na nakausap daw ni Scarlett sa telepono. She thought Ramius deliberately did that to annoy his scheming wife. Pagkatapos ngayon, biglang nasa beach resort na ang mga ito?

Kunsabagay, ano ba ang pakialam niya kahit tumira pa sa Mars ang dalawa?

Nagsindi si Savannah ng isang bilot ng marijuana nang makapagpaalam siya sa ama. Pabagsak siyang naupo sa recliner chair sa sala at nanggigigil na sunod-sunod na humithit.

Damn it. Would she ever get over her failed relationship? Makaka-move on ba siya? Aaminin niyang lihim niyang hinihiling na sana ay maghiwalay rin sina Ramius at Scarlett. Hindi naman siguro malabong mangyari iyon dahil ayaw ng ex-boyfriend niya sa kanyang kapatid. Init lang ng katawan ang dahilan kaya nakipag-sex si Ramius kay Scarlett. And knowing her sister na hindi nakatatagal sa isang lalaki, alam niyang darating ang araw na magsasawa rin ito kay Ramius. Magsasawa rin si Scarlett sa buhay-may-asawa. Her sister never knew what love was; that bitch lied when she said that she was in love with Ramius. Alam niyang inagaw lang nito si Ramius sa kanya dahil matagal na itong lihim na naiinggit sa kanya.

Narinig siguro ni Caleb mula sa kuwarto ang sunod-sunod na pag-ubo ni Savannah dahil nilabas siya nito sa sala. Umupo ang lalaki sa katabi niyang loveseat, na ang suot lang ay itim na boxer shorts. He looked scrumptious. Ah, hindi niya ito pauuwiin mamaya nang hindi muna sila nagse-sex. Goodness gracious… Hindi inakala ni Savannah na ganoon pala talaga kasarap ang sex. Naisip pa nga niya noon na baka overrated at overhyped lang iyon. Pero hindi, dahil isang napakalaking sorpresa para sa kanya ang hindi maipaliwanag na pakiramdam na dulot niyon. Mas masarap pa ang sex kaysa sa mga pinakamasarap at pinakamahal na pagkaing natikman niya, mas matindi ang tama kaysa sa alak at marijuana. Mas nakakaadik. She couldn’t get enough of it. And, Caleb was a damn good fucker.

Kanina ay matagal talaga silang nag-sex, pina-delay ng lalaki ang pag-orgasm niya. He used a vibrating wand on her clit while he was pumping his cock in and out of her pussy. Tumitigil ito sa paggalaw at inilalayo ang vibrator tuwing nararamdamang malapit na siya sa climax. She had to practically beg him to finish her off because she felt she was being tortured to death.

Isang beses pang humithit si Savannah sa hawak na marijuana bago niya iyon inilapit sa bibig ni Caleb.

“Alam mo bang gumamit lang ako uli nito nang makilala kita?” sabi nito pagkatapos ubuhin mula sa paghithit.

Tumawa siya. “Ako pa ang bad influence ngayon, gano’n? Parang tinanong lang kita noon kung may kilala kang nagbebenta nito.”

Tumawa rin ang lalaki. “Naengganyo lang akong gumamit uli.”

“Right,” biro ni Savannah. “Why can’t you just admit that you can’t just totally shrug this off? This is pretty strong shit. Ang sarap ng tama.” Humalakhak siya. Ramdam na niya ang epekto ng cannabis, pati ang pagpungay ng kanyang mga mata. It was giving her a heightened mood. Yep, she was getting high.

“Sino `yong kausap mo sa telepono, if I may ask?” mayamaya ay usisa ni Caleb.

Paangal siyang sumagot. “My dad.”

“Pinapauwi ka na?”

“Nah. Nami-miss na raw nila ako. Pero kahit pauwiin nila ako, ayoko pa. Ngayon ko lang naranasan ang masarap na buhay na walang inaalalang trabaho o ibang taong mag-iisip nang hindi maganda tungkol sa akin.”

Tumayo si Savannah nang paubos na ang marijuana joint. Lumapit siya kay Caleb at ibinuka naman nito ang bibig nang mahulaan ang gusto niyang gawin: shotgun. Ibinuga niya ang usok ng marijuana sa bibig ng lalaki.

Sabay pa silang naubo.

Tumatawang naupo si Savannah sa kandungan ni Caleb at maalab itong hinalikan sa bibig. “I love what you did to me today,” sabi niya pagkatapos ng halik, habang hinihimas ng isang palad sa dibdib nito. “I like that clit vibrator thingy.”

“I knew you would,” pagyayabang naman ng lalaki.

“Use more sex toys on me next time,” ungot niya. “Sabi ko na sa iyo, gawin mo lang sa akin ang lahat ng gusto mo, eh. I trust you, Caleb. Alam kong wala kang gagawing masakit sa akin at hindi ko magugustuhan.”

“Don’t worry, ako’ng bahala sa `yo. And thank you for trusting me.”

She leaned to kiss him again but Caleb stopped her.

“Ano’ng sinabi ko sa `yo?” malambing pero may kaunting diing paalala nito.

Sumimangot si Savannah. “Na hindi ka makikipag-sex sa akin kapag high ako.”

“Good girl.”