H opeful
SAVANNAH had unleashed her bold self these past three months, kaya ano na lang ba iyong kausapin niya si Ramius para pabalikin sa kanya? Kaya niyang gawin iyon, hindi ba?
Inilibot niya ang mga mata sa loob ng hotel suite kung saan siya pinatuloy ni Ramius. Nandoon na siya, ayaw na niyang umurong.
“You can stay at the beach house, mas komportable doon,” kapagkuwan ay sabi niya sa lalaki, wearing her sweetest smile.
Umiling si Ramius. “I have to go home soon, I have to be with my wife.”
Nabura ang kanyang ngiti. “Scarlett is gone, Ramius. Hiniwalayan ka na niya.”
“You don’t know that,” kontra nito, bahagyang tumaas ang boses.
Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. “Ram, hindi mo ba naisip na maybe destiny is giving us another chance? Tayo naman mula pa sa umpisa, hindi ba?”
“Destiny is a matter of choice, Savannah. It could have been us, but we chose not to fight for it when things got out of hand. Pinili mong layuan ako, pinili ko namang pakasalan ang kakambal mo. Sa palagay ko, iyon talaga ang naiisip nating tamang gawin noong panahong `yon.”
Hindi maitatanggi ni Savannah na tama ang sinabi ni Ramius. Pero kailangan ba nilang panindigan hanggang ngayon ang mga inakala nilang tamang gawin noon?
Nangilid ang kanyang mga luha. “This is all her fault.”
“No,” tanggi ni Ramius. “It was my fault. I chose to have sex with her, I chose to marry her. I’m not going to make excuses anymore.” Lumapit ito sa kanya. “Alam kong malaki ang kasalanan ko sa `yo at galit ka sa akin. I asked for your forgiveness but you refused to give it to me. Pero pinatawad ko na ang sarili ko; pinakawalan ko na ang lahat ng pagsisisi, lahat ng galit. I chose not to live in darkness anymore and I searched for the light instead. At alam mo ba kung ano ang liwanag na natagpuan ko no’ng pinili kong maging masaya? I found out that I actually love Scarlett.”
“Y-you… You love her? Akala ko ba…”
Tuluyan nang napaiyak si Savannah. Hanggang ngayon pala ay nabubuhay pa rin siya sa maling akala. Hanggang ngayon pala ay mali ang pinanghahawakan niyang pag-asa. O kung may pag-asa nga ba talaga, siya lang naman ang nagpupumilit. Ano ba ang inaasahan niya? Na mangyayari ang lahat ng gusto niya kapag nagdesisyon siyang ayusin ang gulong ginawa niya? Ano siya, sinusuwerte?
“How could you love her? She is nothing like me! Ano’ng nakita mo sa babaeng iyon?” hindi niya napigilang sabihin.
“That’s the thing, you see. You don’t really set standards when it comes to love. You just feel it. At mararamdaman mo lang iyon, maaamin mo lang sa sarili mo kung kusa mong bubuksan ang puso mo,” paliwanag ni Ramius. Maingat nitong hinawakan ang magkabilang balikat niya. “I adored you at minahal din kita kagaya ng pagmamahal na ibinigay sa iyo ng lahat ng tao sa paligid mo. I was willing to marry you, to fall in love with you. But I realized something during my marriage with your sister…”
He dreamily sighed. At alam ni Savannah, nararamdaman niya, hindi na magiging kanya ang lalaking ito. Hell, he was not even hers to begin with. Ibinigay lang sa kanya ng mga magulang ang lalaking ito na buong-puso niyang tinanggap. Dahil sa lahat ng mga bigay at utos ng mga ito, si Ramius ang naramdaman niyang pinakatama at pinakatotoo. She thought she could find real happiness with him. Hindi pa rin pala. Ganoon ba talaga kahirap hanapin ang kaligayahan? Bakit mailap iyon sa kanya?
“Kahit ikasal pala tayo, hindi pa rin kita magagawang mahalin dahil naumpisahan ko nang mahalin si Scarlett mula pa no’ng una ko siyang makita,” nakangiting sabi nito. “She is just so real, you know? And I was blinded when I met you. Dahil sa magagandang katangian mo, akala ko noon ikaw ang mamahalin ko—na ikaw dapat ang ibigin ko.”
“I-I thought…” Napahikbi si Savannah. “Akala ko iba ang pagtingin mo sa akin kaysa sa ibang tao. Kapareho ka lang pala ng lahat,” mapait na sabi niya. God, all this time…
“It’s because you always chose to impress all of us. You never showed me any of your weaknesses. Hell, you didn’t even want to argue with me or displease me.” Pinunasan ng lalaki ang mga basang pisngi niya. “True love is seeing everything in a person, both the good and the bad. True love is willing to take a chance, to compromise. No one can truly love you if you keep choosing to only show your good side. Hindi mo ipinakita sa akin ang buong pagkatao mo no’ng tayo pang dalawa, Savannah.”
Nang humagulgol si Savannah ay inalalayan siya ni Ramius na umupo sa kama, saka inakbayan. Ilang saglit din siyang nakasubsob sa mga palad at umiiyak. Hinayaan lang siya ng lalaki.
Umiyak siya nang umiyak. Pero hindi ang pagkawala ni Ramius ang dahilan niyon. Iniiyakan niya ang sariling katangahan, ang pagkapit sa pekeng pag-asa na inakala niya noong una na makakapagligtas sa kanya. It was her who plunged herself into darkness and destruction, only her. Walang makakapagligtas sa kanya kundi ang sarili din niya.
“Natatakot kasi akong hindi magustuhan ng mga tao. I didn’t want to fail, I wanted to be the best, to be perfect. But I don’t want to be like that anymore. I’m n-not really happy. Pakiramdam ko, hindi ako totoong tao; I felt incomplete, I felt so broken inside,” pag-amin niya sa pagitan ng mga paghikbi.
Inakbayan at kinabig siya palapit ni Ramius. “It’s okay. You’re aware of it now. May magagawa ka na ngayon para baguhin ang lahat,” payo pa nito.
“Y-yeah. Hindi na ako magpapanggap. Gagawin ko na ang lahat ng gusto ko. I decided to be free, Ramius.”
“Pero masaya ka ba sa ginagawa mo ngayon? You are being destructive to yourself and to the people who care for you,” nag-aalalang sabi nito.
Sandaling natahimik si Savannah. Huminga siya nang malalim bago nagsalita. “I’m not losing my mind. Hindi ako nababaliw gaya ng inaakala ng pamilya ko.”
“Alam ko. You’re just angry.”
“Alam mo `yong pakiramdam na nagpatong-patong na ang frustrations, bitterness, regrets, at hatred sa isip ko? Pinapakawalan ko lang lahat ang mga iyon. Masarap din palang magwala. Masarap pala sa pakiramdam `yong wala akong pakialam sa mundo.”
Umiling si Ramius. “It’s liberating, yes. Pero nasobrahan ka yata.”
Natawa si Savannah. Naglabas na siya ng facial tissue mula sa bag at pinunasan ang basang mukha.
“Akala ko pa naman, maaangkin na kita,” sabi niya, saka bumuntong-hininga. “Mahal mo na pala si Scarlett. Lucky bitch!”
Surprisingly, Savannah was not feeling that deep hatred for her sister anymore. Pareho lang sila. Gaya niya, nang makilala ni Scarlett si Ramius ay inakala nitong nakatagpo ito ng tunay na kaligayahan. Scarlett grabbed that happiness by the balls and defied all the morality shit. Nagtataka tuloy siya kung bakit pinapakawalan ng kapatid ang lalaki ngayon. It was unlikely for Scarlett to do that for anyone.
“Did you really even love me?” nagdududang tanong ni Ramius. “Parang hindi ko kasi naramdaman.”
Mataman niya itong tiningnan, saka umiling. “I’m afraid Scarlett was right. I just wanted you to be my trophy husband,” pag-amin niya.
“Ouch,” pabirong sabi pa ng lalaki.
“Pero madali ka namang mahalin, Ram. I know I could eventually love you.” Sino ba namang babae ang hindi matutuhang mahalin ang lalaking kagaya nito?
“I don’t think so. Hindi mo ako minahal dahil marami kang insecurities. You have to learn to love yourself first before you can fall in love with somebody else.”
Love herself? Hindi ba at iyon ang ginawa niya sa paglayo sa Pilipinas? She had loved herself too much it almost destroyed her.
Hindi na umimik si Savannah, inayos niya ang buhok at muling pinunasan ang mukha, iniisip kung paano kaya kung pumayag si Ramius sa gusto niyang mangyari? Ni hindi na niya naisip ang kahihinatnan nilang dalawa kung sakali. She was being extremely selfish, following nothing but her inner bitch ever since her heart was broken.
No, no. Hindi naman na talaga buo ang puso niya kahit noon. Na-realize niyang hindi perpekto ang buhay niya mula nang maghiwalay sila ni Ramius. She had flaws, insecurities, nagtatago lang ang lahat ng iyon sa loob niya. Walang makakawasak sa dating sira na.
“May lalaki ring magmamahal sa iyo nang totoo,” mayamaya ay sabi pa ng lalaki.
“Huwag mo nga akong kaawaan!” singhal ni Savannah.
Tumawa ito. “See? That’s what I’m talking about. Learn to be feisty if you need to. Sa palagay ko, natural mo naman ang maging mataray at palaban, pinili mo lang na hindi ilabas.”
Hah! Kung alam lang nito ang lahat ng mga pinaggagagawa niya lately.
“You’re right. My bad qualities was bottled up inside me.” Tumayo na siya. “I have anger issues. I want to deal with this once and for all. K-kailangan ko ng therapy.”
Nagugustuhan man ni Savannah ang tapang at bangis na kailan lang niya nadiskubre sa sarili ay natatakot pa rin siya kung hanggang saan siya dadalhin ng mga iyon. Kailangan niyang matutuhang balansehin ang kanyang personalidad at hindi tuluyang magpawala.
“Puwede kitang samahan bukas kung gusto mo.” Lumungkot ang boses ni Ramius. “After all, iniwan ako ng asawa ko dito para sa iyo. I can’t believe it. Ibinabalik niya lang ako sa iyong parang isang tuta.”
Umismid siya. “Pero ayaw mo namang bumalik.”
He sighed. “Scarlett loves you, Savannah. Kaya niya ito ginawa. She felt responsible for what happened to you. Pero alam natin pareho—base na rin sa mga narinig ko sa iyo—na hindi mo masisisi si Scarlett sa mga ginagawa mo ngayon.”
“I-I know. Tinawagan niya si Mama bago siya umalis, sinabi niyang makikipaghiwalay na raw siya sa iyo. I couldn’t believe it myself, pero natuwa pa rin ako. I thought this was my chance to be with you again, to set things right. Pero mahal mo na pala siya.”
“There is so much to love about your sister if only you were willing to know her better. Just let go of your hatred.”
Ngumiti na uli si Savannah, puno ng panibagong pag-asa ang dibdib. And this time, she knew it wasn’t just false hope.
Hinayaan siya ni Ramius na yakapin ito nang mahigpit, hindi rin umiwas ang lalaki nang banayad niya itong halikan sa bibig.
That kiss was asking for a solid proof. At tama siya, hindi niya naramdaman sa halik ang pag-ibig o kahit na kaunting pagnanasa man lang. Come to think of it, hindi naman talaga niya naramdaman ang mga iyon noong sila pa. Ginusto lang niyang isipin noon na romantic ang mga halikan nila.
Right there and then, Savannah knew that even if Ramius agreed to get back to her, it really wouldn’t work out.
HINDI sigurado si Caleb kung tama ang ginagawa niya. Savannah left him even after he declared his true feelings for her. Pero hayun siya, nagpunta sa beach house para magbaka-sakaling makausap ito. Sinubukan niyang kausapin sa telepono kagabi ang babae pero hindi sinagot ang tawag niya. Ayaw naman niyag mag-text lang.
Para siyang gagong nasa kotse ngayon na nakaparada sa likuran ng isang puno at palihim na tinatanaw si Savannah sa patio ng beach house. Ang babaeng handa niyang pag-alayan ng lahat-lahat ng kaya niyang ibigay, may kasamang ibang lalaki ngayon.
Nakikita niyang masaya ito; tumatawa habang kausap ang lalaki na sa palagay niya ay si Ramius. Gusto niyang sapakin ang sarili. He thought Savannah felt something for him, too. Nagkamali ba siya ng akala? Masyado lang ba siyang umasa? Nauulit na naman ba ang lahat ng nangyari noon sa kanya?
Napamura si Caleb nang may kotseng bumusina mula sa kanyang likuran. Kilala niya ang Porsche SUV na iyon, sa tita iyon ni Savannah. Ayaw na niyang makipagtalo sa mga magulang ng babae. Masyadong maanghang magsalita ang ina nito. Mabigat ang loob na pinaandar niya ang kotse palayo.
“WHAT the fuck, Cal? You can’t just give up on her!” bulalas ni Clarisse nang sabihin ni Caleb ang dahilan kung bakit hindi niya kasama si Savannah sa kanilang family dinner.
“I’m not giving up on her, all right?” paglilinaw niya.
“Then why don’t you go over there, tell her parents to fuck off, and snatch her away?”
Tumawa siya nang mapakla. “You’re crazy.”
“You bet I am!” pagmamalaki naman ng kapatid.
Hindi alam ni Caleb kung pagsisisihan ba ang pagsasabi ng problema kay Clarisse; but so far, medyo gumaan ang dibdib niya. Napakatagal nang panahon na hindi siya nagsasabi ng problema sa mga kapamilya at kaibigan.
“O natatakot ka bang makipagrelasyon uli? Natatakot ka bang kapareho din ni Mayla si Savannah, na masasaktan ka lang sa huli?” panghuhuli pa ni Clarisse.
“Sino ba ang hindi nakakaramdam ng takot `pag nagmamahal? Given na talaga `yon.”
“Cal, look at me. Four ex-boyfriends plus two failed marriages and here I am, still looking for love. Wala na akong pakialam sa tinatawag nilang moralidad o kung ano pa ang tawag diyan sa pinaniniwalaan ng mga conventional na tao. I don’t want to be single forever, I want a husband. I want to spend my lifetime with the right guy. At hindi ako titigil sa paghahanap ng tamang lalaki kahit makasampung ex-husbands pa ako.”
“`Tindi ng fighting spirit,” biro ni Caleb sa kapatid.
Pabirong piningot siya nito. “Pero alam mo, I think si Adam na ang lalaking hinahanap ko.”
Ngumiwi si Caleb. “Sinabi mo rin `yan doon sa dalawang ex-husband mo.”
“No. Seriously! Parang iba siya sa lahat ng lalaking na-involve sa akin.”
He silently agreed. Magalang at mabait si Adam at gustong-gustong kakuwentuhan ang kanyang mga magulang, gaya ngayon na nasa dining room ang mga ito at walang tigil sa diskusyon tungkol sa ano-ano. Wala pang naging karelasyon si Clarisse na naging malapit sa mga magulang niya. Ngumiti na si Caleb. “Well, I wish you luck.”
“Don’t let her go, Cal,” payo naman nito.
“I won’t. I’m just giving her space. Magulo pa ang isip niya, mahihirapan akong kausapin siya. Pero hindi ako titigil hangga’t hindi nagiging kami.”
“Yes! That’s my li’l bro!”