noveltoon logo noveltoon
Bitter

Chapter 18

Ch. 19 / 20 May 08, 2025

L oved

I’M HERE. I want to see you. Now.

Iyon ang natanggap ni Savannah na text ni Caleb pagkatapos nitong tumawag sa kanyang smartphone at naputol ang pagri-ring bago niya nasagot iyon. Yes, she had been waiting for him to call her again. Noong mga unang beses na tumawag ang lalaki ay sinadya niyang huwag muna itong kausapin. Magulo pa ang kanyang isip noon at ayaw niyang mauwi na naman sila sa pagtatalo. Isa pa ay palaging nagagalit ang kanyang mga magulang kapag nababanggit niya ang tungkol kay Caleb, lalo na ang mama niya na hindi maganda ang pakiramdam. Kailangan niya munang magpalamig.

Mahigit isang buwan na rin ang lumipas mula nang huli silang magkita at hindi pa rin pala naggi-give-up ang lalaki sa kanya. Ilang araw na rin siya nitong hindi tinatawagan at inakala niyang hindi na uli ito magpaparamdam. Inisip pa nga niyang baka nakipagbalikan na ito kay Mayla. Natakot siya roon, nasaktan.

Suot ang ternong pink pyjamas ay lumabas si Savannah ng bahay. Alas-onse na ng gabi at tulog na ang mga magulang niya.

And there was Caleb, standing beside his Wrangler jeep, looking gorgeous under the moonlight. Hindi niya inakalang ganoon niya na-miss ang lalaki. Parang nagkaroon ng taling pumaikot at pumiga sa kanyang puso nang makita ito.

“C-Caleb, what are you doing here? Gabing-gabi na,” bungad ni Savannah habang naglalakad palapit dito. Inawat niya ang matinding kagustuhang tumakbo at yumakap dito. Malay ba niya kung ano ang dahilan nito sa pagpunta roon?

“I’m sorry, I know it’s late. H-hindi na kasi ako makapaghintay kung kailan ka uli handang makipagkita sa akin. And, honestly, pagod na ako sa pagtataboy ng mga magulang mo. Wala na akong pakialam kung patayin man nila ako ngayon. I want to see you so badly, Savannah.”

She could feel the weariness of his voice, the longing, and so much more…

Bakit ba iniwasan niya ang posibilidad na iyon ? Caleb was more than just a sin nor an addiction. Hindi lang ang pakikipag-sex niya sa lalaki ang nagpalapit ng kanyang loob dito. Sa lahat ng kilala niya, dito lang siya nagpakatotoo. Ipinakita niya rito ang lahat-lahat ng tungkol sa kanya mula pa sa umpisa, nang wala ni katiting na pagpipigil o pagkukunwari. He saw both the best and worst of her. At si Caleb lang ang nagbigay sa kanya ng pagtanggap at pag-aalaga na walang hinihinging kapalit.

“I-I’m fine. Kung iyan ang ipinunta mo dito. I’m going through counseling, saka malinis na ang sistema ko, salamat sa detox center. I even quit smoking for good,” pagbabalita ni Savannah.

“That’s good to hear.”

Naghintay siya ng kasunod ng sasabihin ng lalaki pero nabigo siya.

Sabi na nga mangungumusta lang siya!

Tumikhim si Caleb, parang may iba pang gustong sabihin pero nagdadalawang-isip. Parang hindi nito pinaghandaan ang pagpunta roon dahil naka-pyjamas din ito tulad niya.

Si Savannah na ang bumasag sa katahimikan. “M-maybe you should go home, Caleb. Matulog ka na.”

Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. “Do you really love him?”

Napaawang ang kanyang bibig.

“Si Ramius. Mahal mo ba talaga siya, Savannah? Please, I really need to know.”

“Ano’ng gagawin mo kapag sinabi kong oo?”

Kitang-kita ni Savannah ang pagdilim ng mukha ng lalaki, pero may iba pa siyang nasisilip sa mga mata nito. Now that she already let go of her anger and she was not under any influence of unhealthy substance, malinaw na siyang nakakapag-isip, nakakapagdesisyon.

“I would walk out of your life and you will never see me again,” sagot ni Caleb na parang pinilit lang na hindi mabasag ang boses.

Savannah’s chest suddenly felt heavy. Isipin pa lang na hindi na niya ito makikita uli ay nasasaktan na siya.

She was a fool to think that she didn’t feel anything special for this man. Sa unang pagse-sex pa lang nila ay nakaramdam na siya ng belongingness, something that she wasn’t expecting to feel because she just wanted pure sex. She also cared for him and he had always been so special to her. Kaya hindi niya ito kayang layuan at kamuhian. At ngayon ay gusto niyang sipain ang sarili dahil isinantabi niya ang damdamin para sa lalaki dahil sa paghabol sa inaakalang pinakawalang kaligayahan.

Her real happiness… It was all here all along, with her.

“That was a lie,” kapagkuwan ay bawi ni Caleb sa sinabi. “Umaasa pa rin akong hindi mo ganoon kamahal si Ramius, na puwede pa kitang agawin sa kanya, at puwede ko pang ipa-realize sa iyo na ako dapat ang mahalin mo.”

Pinigilan ni Savannah ang sarili na ngumiti. “Aagawin mo ako?”

“Why not? Hindi pa naman kayo kasal, hindi ba? May pag-asa pa ako. I gotta try. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo. Isa pa, wala naman daw taong nagpapaagaw talaga.”

She smirked. “Hmn, right. Kusang nagpapaagaw talaga ang mga tao. Like Ramius. Hindi ko naman siya naging pag-aari talaga, so `ayun, willing siyang pumunta sa piling ng kapatid ko.”

Nangislap ang mga mata ng lalaki. Alam na niya kung ano ang nakita niya sa mga mata nito kanina—pag-asa.

“Umuwi na siya, if you want to ask me,” sabi ni Savannah. “Pinauwi ko, actually. Alam ko namang gustong-gusto na niyang makita uli si Scarlett pero nag-decide siyang mag-stay muna dito dahil alam niyang kailangan ko ng kaibigan.”

Sumipol si Caleb, saka tumawa nang mahina. “Sayang, ang dami ko pa namang naiisip gawin para maagaw kita sa kanya.”

Humalukipkip si Savannah. “Really? Like what?”

Nagliyad ito ng dibdib. “Seduction.”

Tumawa siya. “Alam na alam mo talaga ang kryptonite ko.”

Humakbang si Caleb palapit sa kanya. “I was really planning to intrude this house tonight and kidnap you. `Buti nilabas mo rin ako.”

Natawa uli si Savannah. “Kikidnapin mo ako?”

Tumawa rin ang lalaki. “Babe, believe me, I’m that desperate.”

“Ginagawa mo lang yata ito kasi alam mong may nararamdaman din ako para sa iyo,” panghuhuli niya.

“Kung nagawa kong sumugal noon para sa pag-ibig, magagawa ko uli ngayon. Lalong-lalo na sa iyo.”

“You’re too good to me, do you know that?” naluluhang tanong niya. “Too good that I feel I don’t deserve your love. Ang dami kong kasalanan sa iyo. I was nasty and I hurt—”

“I don’t need your apologies, alam ko ang pinapasok ko noong hinayaan kong mahulog ang loob ko sa iyo,” pigil ni Caleb sa paghingi niya ng tawad. “And you deserve all the love in the world, baby.”

“Sa lahat kasi ng mga nagawa kong mali, sa iyo ako nakokonsiyensiya. Wala kang ipinakitang hindi maganda sa akin, you took care of me. Baka kung hindi kita nakilala ay namatay na ako sa drug overdose o napahamak sa kung saan. Gusto kong bumawi. I want to make you happy, Caleb.”

“Just be yourself and stay with me and I’d be happy for the rest of my life.”

“Then I’m all yours, sweetheart.”

Hinapit siya sa baywang ng lalaki. “I’m so insanely in love with you, Savannah.”

She threw her arms around his neck. “I love you, too. So much,” she almost sobbed. “A-and it scares the living shit out of me.”

Siguro ay ganoon nga ang pag-ibig—hindi pinipili, hindi pinag-iisipan kundi kusang umuusbong at nararamdaman. Wala ring kasiguruhan. Pero ganoon naman talaga ang buhay, hindi ba? Ano nga ba ang sigurado sa mundong ito? You just had to take chances and bet everything. Sometimes you just had to be bold to take an unfamiliar road, and willing to get lost in it; and maybe, you wouldn’t get lost after all. Maybe you would eventually realize that your right place under the sun was exactly in there.

Masuyong hinaplos ni Caleb ang kanyang buhok. “It’s okay. I’m scared, too.”

Humigpit ang yakap ni Savannah sa lalaki. Hindi lang init at saya ang mararamdaman sa yakap ni Caleb. Mayroon ding kaunting takot at pangamba. And somehow, she knew: that was how exactly she wanted to feel real love—profound yet reasonable enough.

“Let’s be scared together, Caleb.”

NAGISING sina Savannah at Caleb sa tunog ng doorbell bandang alas-singko ng umaga. Naaninag nila ang mga ilaw mula sa rooftop light bar ng police car mula sa Venetian blind ng bintana ng master’s bedroom ng bahay ni Caleb.

Nagmamadali tuloy silang napabangon at nagbihis.

Magkatabi nilang binuksan ang front door ng bahay at tumambad sa kanila ang dalawang Caucasian na pulis, nasa likod ng mga ito ay ang mga magulang niya.

“There he is, officers! That’s Caleb Evans, the man who kidnapped my daughter!” sigaw agad ng mama ni Savannah na pilit pinapakalma ng kanyang papa.

“K-kidnapping?!” nalilitong bulalas naman niya, saka napatingin kay Caleb. Hindi niya alam kung matatakot ba siya o matatawa.

“What in the world?” gulat namang tanong ni Caleb, pero natatawa rin.

“Officers, this is clearly a mistake, there was absolutely no kidnapping. I am with Caleb right now on my own accord,” mabilis na paliwanag ni Savannah. “My dear mother was just exaggerating, as always.”

“Search this house for drugs!” giit pa ng kanyang ina. “This man has been brainwashing my daughter and making her do terrible things. He is ruining her life!”

“Mama! Stop it, please,” hiyang-hiyang saway niya sa ina.

Lumapit naman ito sa kanya. “Look, anak, you’re not yourself, you don’t know what you’re doing—”

“I know full well what I’m doing!” Umatras si Savannah palayo rito.

“You are free to come in,” kalmadong yaya naman ni Caleb sa mga pulis. “Search my house if that will please you, I’m also willing to undergo a drug test,” nakangiting sabi pa nito.

Nagtinginan ang mga police officer. “That wouldn’t be necessary,” sabi ng isa sa mga ito.

“Ma’am, Sir, we’re sorry for the inconvenience,” magalang namang sabi ng kasama nito.

Wala nang nagawa ang mama niya nang magpaalam ang mga pulis. Nag-sorry ang papa niya sa kanila ni Caleb, ayon dito ay ang mama niya ang tumawag ng pulis at nag-report ng kidnapping.

Hinarap ni Savannah ang ina. “`Ma, ano ba naman kayo? Sorry kung hindi ako nakapagpaalam kagabi. Alam ko kasing galit pa kayo kay Caleb kaya—”

“ Dios mio , Savannah! I don’t want you getting involved with this good for nothing man! Gusto mo bang mapariwara uli ang buhay mo? Masira ang kinabukasan mo? Ngayon ka na nga lang nakakabangon uli at—”

“Just stop. STOP! Sumosobra na kayo!” malakas na tili ni Savannah na sinabayan ng mariing pagpadyak ng isang paa.

Dinuro naman siya ng ina. “No, you stop, young lady! You are wasting money for your therapy kung patuloy ka rin palang nagrerebelde!”

“Hindi ako nagrerebelde.” Marami pa siyang gustong sabihin pero inaalala niya ang kalusugan ng ina. Napamura na lang siya nang malutong sa matinding frustration.

“You are going home. Now, with us.”

“No!”

Pumagitna na ang papa niya. “Faith!” awat nito sa asawa.

Inangilan ito ng mama niya. “Oh, shut up, Theo! Alam ko ang ginagawa ko sa anak ko.”

“Anak natin . I’m warning you…” nagbabantang sabi ng ama. “Kung hindi mo kayang tanggapin at mahalin ang dalawang anak natin, mag-isip-isip ka na kung magpapatuloy pa tayong magsama.”

“Teodoro!” nanlalaki ang mga matang bulalas ng kanyang ina, hawak ang dibdib. “How dare you! Oh, my chest—”

“Stop your charade already!” Alam nating palabas n’yo lang ni Scarlett ang kunwaring pananakit ng dibdib mo para matakot si Savannah at sumunod sa mga utos mo,” pambubuking dito ng kanyang papa.

“W-what?” bulalas ni Savannah. “I can’t believe this!” Nasapo na lang niya ang noo.

Maawtoridad at matigas ang boses na kinausap ng kanyang ama ang asawa. “I have been blind all these years, mas itinutok ko sa negosyo ang atensiyon ko dahil ayaw ko kayong maghirap. Pero ngayon ko nakikita ang epekto ng hindi balanseng pag-aalaga mo sa mga anak natin. Let them do what they really want. Matatanda na sila!”

Nagpumilit pa rin ang mama niya. “P-pero, Theo, mali pa rin ang—”

“Maraming mali sa akin, Mama,” putol ni Savannah sa sasabihin nito. “I’m sorry but I can’t be your perfect daughter anymore. I wasn’t in the first place. And now, I refuse to be one. Yes, I’m nice and intelligent, but I make mistakes, too. Lots of them. Natatakot ako, nagagalit, nagiging tanga, nababaliw. And that should be fine. Marami na akong ginawang mali, mga bawal; but just know that I didn’t do them to deliberately hurt you. Gusto ko ring magsisi pero hindi pala iyon ang solusyon. I’m totally embracing my dark side now; and if you can’t embrace it, too, then tough shit.”

Napanganga lang sa kanya ang ina.

“At hindi na kita sisisihin o ang kahit sino kung bakit ako nagkaganito. Hindi ninyo kasalanan, lalong hindi kasalanan ni Scarlett. You see, I’ve always had choices. May choice ako na tumanggi sa mga iniutos n’yo sa akin pero hindi ko ginawa. It’s not like you were pointing a gun on my head noong sinabi ninyo ang lahat ng gusto n’yong mangyari sa buhay ko, pumayag ako nang kusa. Kaya kung anuman ang mga masamang nangyari sa akin, inaako ko lahat. I messed up, I’m not gonna apologize for anything.”

Nginitian si Savannah nang tipid ng ama, halatang ipinagmamalaki siya.

“Nangyari na ang lahat, at nandito ako ngayon para magpatuloy sa buhay, para buuin uli ang winasak kong sarili ko. And I choose to live my entire life finding happiness. With Caleb.” Humawak siya sa kamay ng lalaking tunay na minamahal na napakatamis ng ngiti sa kanya. “I love him. Akala ko si Ramius ang mahal ko dahil inisip kong doon ako sasaya. But I was wrong. Si Caleb ang totoong mahal ko, and I’m willing to take chances with him. Wala akong pakialam kung ayaw n’yo sa kanya. I will fight for him and you can’t do anything with it.”

“I love your daughter,” sabi naman ni Caleb. “At makakaasa kayong paliligayahin ko siya sa piling ko, I will never ever break her heart. Just give me a chance to prove to you all that I deserve her love.”

Magsasalita pa sana ang mama ni Savannah pero hinawakan na ito sa braso ng asawa. “Let’s go. Iwan na natin ang mga bata,” sabi nito at hinila na paalis ang misis.

Nakangiting nagtinginan sina Caleb at Savannah.

“So, what now?” tanong niya nang makaalis ang sasakyan ng kanyang mga magulang.

“I say let’s go back to the bedroom and make love some more. Then I will cook breakfast and we’ll have a long talk.”

They liplocked in a passionate kiss as the door closed, like a happy ending of a romantic movie. Pero alam nila na hindi pa iyon ang wakas ng kuwento nila; iyon pa lang ang simula ng isang masayang paglalakbay.

NAKAHABOL sa enrollment sa buwan ng September si Savannah. Excited na siyang pumasok sa law school, at mas excited siyang tumira sa condo unit na malapit sa papasukang unibersidad. Her mother was still freaking out that she would be living alone, away from them; but she insisted. Gusto niyang matutong maging independent.

Pababa siya noon mula sa sariling kuwarto sa bahay ng mga magulang nang marinig niyang may sinisigawan ang kanyang ina sa sala. Pagtuntong niya sa sala ay napag-alaman niyang si Scarlett ang kadiskusyon nito.

“Bakit ba ang kulit mo? Leave this house now, you and your stupid brownies. Ayaw kang makita ni Savannah. Ayaw ka niyang makausap—”

“She can stay, Mama,” sabad ni Savannah. “Gusto ko siyang makita at makausap.”

Sabay na napalingon ang dalawa sa kanya. Nakitaan niya ng magkahalong saya at lungkot ang mga mata ng kakambal; parang natatakot itong makipag-usap sa kanya nang harapan pero hindi rin naman mapigilang masabik.

Bubulong-bulong na iniwanan sila ng ina. Alam naman nila ni Scarlett na nasa dining room lang ang kanilang mama at makikinig sa kanilang usapan. They didn’t care anymore.

Noong nasa Miami pa si Savannah ay tinawagan siya ni Scarlett at kinausap. Hindi rin naiwasang maging awkward sila sa isa’t isa kaya hindi rin napapahaba ang kanilang mga pag-uusap sa telepono. Pero alam niya, pasasaan ba at tuluyang mabubuwag ang itinayo nilang pader sa pagitan nila. Hindi naman talaga sila galit sa isa’t isa noon. At pareho na silang masaya ngayon.

Ilang sandali ring nakatayo lang sila sa harap ng isa’t isa, nagtitinginan, alanganin ang ngiti. Sa hinaba-haba ng panahon, ngayon lang talaga napansin ni Savannah kung gaano sila magkamukhang-magkamukha ni Scarlett. Magkaiba lang sila ng suot na damit. They were both wearing their hair on a ponytail, and it was like looking on a mirror. They both possessed that same beautiful fire in their eyes.

At ang totoo, pagkatapos ng mga nangyari sa kanya nitong mga nakaraang buwan ay na-realize niyang hindi rin sila nagkakalayo ng ugali. Pareho silang matapang at wild; parehong mapagmahal at may passionate na puso, magkaiba lang ang inilabas nilang ugali noong umpisa. But now, she could finally tell that they were both at peace with their amazing personalities.

Si Scarlett ang bumasag sa katahimikan. “K-kumusta ka na?”

Nagkibit-balikat si Savannah. “Heto, balik-eskuwela.”

Ngumiti ang kakambal. “That’s good. Alam kong magiging magaling kang abogado someday, Vanni. Papa told me na lilipat ka raw ng bahay?”

Tumango siya. “Oo, gusto ko munang lumayo kay Mama.”

Muntik pang tumawa si Scarlett dahil sadya niyang nilakasan ang boses para marinig siya ng ina.

“Kumusta si Caleb? I bet you already miss him, huh?”

Malungkot siyang ngumiti. “Yeah. But he’s gonna be here this Christmas. Isasama niya raw ang family niya.”

“Mamamanhikan na?” excited na tanong nito.

Tumawa si Savannah. “Ewan ko. Hindi pa naman kami nagmamadaling magpakasal.”

Marami pa silang plano ni Caleb, balak pa nitong magtapos ng pag-aaral at ganoon din siya. Mahirap ang long-distance relationship pero handa nilang tiisin iyon.

“Heto pala, I baked you some brownies,” sabi ni Scarlett, bahagyang itinaas ang hawak na clear plastic food container.

“Nagbe-bake ka na pala, ha?” biro niya at tinanggap ang pagkain.

“Kailangan kasi.” Nakangiti itong humaplos sa tiyan.

Nanlaki ang mga mata ni Savannah, natutop ang bibig. “O-oh, my God…” bulong niya, hindi napaghandaan ang pag-apaw ng kaligayahan sa dibdib. “Letti…” Maiiyak pa yata siya.

“Yeah.” Naiiyak na tumango si Scarlett. “I’m gonna be a mother. C-can you believe that?”

“M-magiging tita na ako?! Oh, my God! Oh, my God!” Halos iitsa niya ang brownies sa sofa. “Come here, come here,” hindi magkamayaw na sabi ni Savannah sa kapatid, saka ito hinila palapit sa kanya.

Umiiyak na yumakap nang mahigpit si Scarlett sa kanya.

Umiyak na rin siya. Her sister was pregnant! May munting buhay itong dinadala sa sinapupunan nito—and who knew, it could be twins, like them! God, she was so happy. Magkakaroon na ng munting karugtong ang kanilang mga buhay, bagong henerasyon. She suddenly felt so old.

“I love you, p-please know that,” umiiyak na sabi ni Scarlett. “And I’m sorry… God, please, I’m so sorry I hurt you, Vanni. I’m sorry for—”

“Sssh… I’m sorry I hurt you, too. You know what, no more apologies, okay? I love you.”

Ni hindi matandaan ni Savannah kung kailan sila nagyakapan na magkapatid. Dadalawa lang sila pero hindi nila nagawang mahalin at tanggapin ang bawat isa. Pero hindi pa naman huli ang lahat. Everything could change and they would make that happen. At hindi nila gagawin sa kanilang mga magiging anak ang nangyari sa kanila.

Mayamaya pa ay narinig na nilang tinatawag ng kanilang mama ang papa nila, halatang masaya at excited ang tono. Tumakbo pa ito sa hagdan at halos magkandarapang umakyat.

“Theo, Theo! Come down, quick! Buntis si Scarlett! Magkakaapo na tayo!”