D efiant
HINDI na nag-aksaya ng panahon si Savannah na magdamit nang maayos nang magpasundo si Tita Melody sa airport. Napakaikli ng suot niyang high-waisted denim shorts na halos makita na ang mga pisngi ng kanyang pang-upo. Nakapulang tank top siya na bakat na bakat ang kanyang mga suso na walang bra.
Halos lumuwa ang eyeballs ng kanyang tiyahin. “What in the world are you wearing, young lady?” Hinila siya nito pasakay sa Porsche at ito ang pumuwesto sa driver’s seat.
“What?” natatawang tanong niya. “Ang init kasi, Tita. Saka I’m wearing this plaid shirt over me naman, o.”
“Kahit na! Look, your breasts are showing!” halatang naeeskandalong sabi ni Tita Melody.
“No, they’re not. You’re overreacting!”
Nakakatawa dahil mas modernong mag-isip si Tita Melody kaysa sa kanyang ina na nakakatandang kapatid nito, pero hayun at na-shock pa rin ito sa outfit niya.
“And, what did you do to your hair?”
Nagkibit-balikat si Savannah. “It’s ombre. Uso ito ngayon, `di ba?”
“Kailan ka pa sumunod sa uso?”
Nang makarating sila sa beach house ay halos mag-hysteria na ang kanyang tiyahin nang malaman na naninigarilyo siya.
“Sa labas ako ng bahay naninigarilyo. Relax, Tita,” natatawang sabi niya at inagaw ang ashtray mula rito.
“Oh, my God! What happened to you?” Naglakad nang pabalik-balik si Tita Melody sa sala, panay ang kumpas ng mga kamay. “Tell me, ano pa ang ibang tinikman mo dito bukod sa sigarilyo?”
“Weed,” pag-amin naman niya.
“Savannah!” malakas na bulalas nito, saka siya nilapitan at hinawakan sa magkabilang balikat.
Paano pa kaya kung sabihin ni Savannah sa tiyahin na gumagamit din siya ng ecstasy? And, oh, that she had been fucking a gorgeous, hot guy?
“Just for fun. Come on, don’t be such a party pooper.” Kumawala siya sa pagkakahawak nito at naglakad papunta sa kuwarto.
Naiwang literal na nakanganga si Tita Melody sa sala, daig pa ang namatanda. Gusto niyang maawa sa tiyahin pero pinigil niya ang sarili. Buong buhay niya ay palagi na lang niyang inuunang isipin ang ibang tao bago siya kumilos, iba na siya ngayon. Nauntog na siya; gising na gising na sa katotohanan. Ang sarili na lang ang gusto niyang isipin ngayon.
Hapon na nang katukin si Savannah ng tiyahin at yayaing kumain sa labas. Napaubo pa ito nang maamoy ang usok ng marijuana.
“Stop smoking this stuff, Savannah!”
“Legal na ito sa ibang states, ah,” katwiran pa niya.
“Kahit na! Marami pa ring masamang epekto `yan sa katawan. Por Dios ! Get dressed now, nagugutom na ako. Let’s go out and eat.”
Hindi siya tuminag sa kama. “You go ahead, Tita. May ibang lakad ako.”
“Where are you going?”
“Diyan lang.”
“Bakit ayaw mong sabihin sa akin?”
Pinigilang matawa ni Savannah. Ano nga kaya kung sabihin niya sa tiyahin na makikipagkita siya kay Caleb para makipag-sex?
“Matanda na ako para magpaalam pa sa inyo.”
Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay nagulat uli si Tita Melody. Para itong nakatingin sa ibang tao, parang hindi makapaniwalang siya si Savannah, ang pamangkin na iniwan nito sa Miami more than two months ago.
“And, oh, I may not sleep here tonight. So, huwag na po kayong magtaka kung hindi n’yo ako makikita hanggang bukas.”
“What happened to you?” parang wala sa sariling tanong ng tiyahin, sapo ang noo. “God, what happened to you?”
Ngumiti si Savannah bago sumagot. “Life.”
“FUCK it!” mura ni Savannah pagkatapos ng pag-uusap nila ni Tita Melody sa smartphone. “Ang kulit talaga ni Tita,” nakasimangot niyang sabi kay Caleb.
Palagi niyang iniiwasang makausap ang tiyahin at panay rin ang labas niya ng bahay. Ilang araw din bago siya bumalik sa beach house.
Hindi in denial si Savannah. Alam niyang nalululong na siya sa mga bisyo at gusto pa niyang isagad lalo ang pagwawala. She was slowly sinking into that pit of darkness…
Nagpatugtog si Savannah ng maharot na kanta sa kanyang cell phone at suwabeng sumayaw sa harap ni Caleb. Napapailing na bumangon ang lalaki mula sa sofa at umupo. Lumapit naman siya at patalikod na umupo sa kandungan nito.
Nasa bahay siya ni Caleb at katatapos lang nilang mag-sex thirty minutes ago.
“Sex uli tayo,” yaya niya rito.
“You’re being horny as hell.”
Lumingon siya at inabot ang likod ng ulo ng lalaki. “In heat lang siguro ako.”
Hinalikan ni Savannah si Caleb, saka siya gumiling nang gumiling. She pumped her tongue in and out of his mouth and then bit and pulled his lower lip. Natuwa siya nang maramdaman ang pagtigas ng pagkalalaki nito. Noon na siya humarap at hinawakan ang ari nito pero imbes na itutok iyon sa kanyang butas ay inihagod lang niya ang basang pagkababae sa kahabaan niyon.
Savannah raised her tits to Caleb’s mouth before he could say anything. Sabay silang umungol nang pagyamanin ng bibig nito ang mga korona ng kanyang dibdib.
“I want you to try something new on me today,” ungot niya, saka ipinasok sa bibig ng lalaki ang kanyang hintuturo.
Pumuwesto si Savannah sa ibabaw ng center table at ibinuka nang husto ang mga hita. “Come fuck me in here.”
Lumuhod naman sa sahig si Caleb at inangkin ang katawan niya sa isang mariing ulos.
“Ooooh, God! How I love your huge cock!” sarap na sarap na halinghing niya.
She watched her breasts bounce wildly as Caleb was spearing her depths. So erotic. And, God, her fucker was looking so much hotter today. Mas masarap ngayon ang pakiramdam nang tinatrabaho siya ng lalaki. At literal na napakatinding init ang bumabalot sa katawan niya.
“Put your hands on my neck,” utos ni Savannah. Ngumiti siya nang sumunod si Caleb. “Good. Now… choke me.”
Agad na bumitaw ang lalaki sa kanyang leeg. “What the hell?!” bulalas nito at tumigil sa paggalaw.
“You heard me right, Caleb. Choke me, strangle me.”
“No!” tanggi nito.
Tumawa si Savannah. “I wanna try being choked while having sex. Masarap daw ang feeling `pag nag-o-orgasm kang literal na nararamdaman mong namamatay ka.”
“I’m not going to hurt you, Savannah.”
“Oh, come on. Haven’t you heard of erotic asphyxiation? Breath control play? I want to try being a gasper.”
“Alam ko kung ano ang asphyxiophilia at ayokong gawin `yon sa `yo.”
“Masarap daw `yon, eh. Parang naka-high sa cocaine. Na-high ka na sa cocaine, `di ba? Aren’t you curious to know—”
Nainis na hinugot ni Caleb ang ari. “I was never curious to try it.”
Naiinis din siyang bumangon. “Don’t be such a wimp, Caleb Robert!” angil niya.
“Delikado ang iniisip mong gawin!” ganting-angil nito. “Puwede kang mamatay.”
“Wala akong pakialam. I want to try it!”
Nagdududang tiningnan si Savannah ng lalaki, mariing hinawakan ang kanyang baba nang magpaling siya ng ulo. Nagmura ito nang matitigan nang maigi ang kanyang mga mata, saka ito pumasok sa master’s bedroom kung saan naroroon ang kanyang bag. Bago pa niya napigilan si Caleb ay nabulatlat na nito ang mga laman niyon.
“I knew it,” sabi ng lalaki habang hawak ang ilang maliliit na pakete ng ecstasy. “You took one of these before having sex with me.”
Hindi na nagsinungaling si Savannah. “Curious lang ako kung paano ang pakiramdam.”
“God-fucking-damn it, Savannah! Sinabi ko na sa iyong tigilan mo na ang mga ito.” Mabilis na nagtungo si Caleb sa banyo at itinapon sa toilet bowl ang mga pill.
“Fuck you!” mura niya nang i-flush ng lalaki ang inidoro. “Hindi puwedeng palagi mo na lang ipina-flush ang mga ecstasy ko!” sigaw niya.
“You’re out of your mind.” Mariin siya nitong hinawakan sa braso at hinila papunta sa bathtub.
Tumili si Savannah nang buksan ni Caleb ang shower at tumama sa kanya ang malamig na tubig.
“You need to cool off,” mukhang nagpipigil ng galit na sabi ng lalaki. Iniwan siya nito at pabalibag na isinara ang pinto ng banyo.
Hindi kinibo ni Savannah si Caleb pagkatapos niyang maligo. Walang-imik din niyang kinuha ang bag at walang paalam na umalis ng bahay nito. Sa isang hotel siya tumuloy.
“HINDI rin pala ako matitiis,” natatawang bulong ni Savannah nang makita ang caller ID ng tumatawag sa kanya. Tatlong araw na rin siyang hindi tinatawagan ni Caleb mula nang umalis siya ng bahay nito.
“Hello. I’m doing fine, sweetie, thank you,” sabi agad niya hindi pa man nakakapiyok ang lalaki.
“Stop worrying me.”
“Worrying you on what?”
“You know what. At huwag na huwag mong gagawin `yon sa sarili mo, maliwanag?” maawtoridad na sabi nito.
Tumawa si Savannah. “You mean, autoerotic asphyxiation? No, no. I’m scared to try it alone. Kaya ko nga gustong gawin `yon with you, dahil may tiwala ako sa iyo.”
“I’m not gonna do it,” matigas pa ring paninindigan ng lalaki. “Hinding-hindi ko ilalagay sa panganib sa buhay mo.”
“Fine,” nakasimangot niyang sabi. “Sorry na. `Di na ako uulit. Epekto lang siguro iyon ng ecstasy, sobrang init kasi ng pakiramdam ko no’n. Ang sarap lang magwala.”
It felt weird using ecstasy to have sex. Oo nga at mas masarap at mainit ang pakiramdam niya, pero sa isang sulok ng kanyang isip—sa bahaging gumagana pa nang matino—alam niyang peke ang pakiramdam na iyon; pansamantalang epekto lang ng rave drug. Hindi na siya gagamit niyon kapag magse-sex sila ni Caleb. Mas masarap pa rin naman ang totoong sensasyong dulot ng mga ginagawa nito sa kanya, iyong kusa niyang nararamdaman at hindi lang enhanced ng droga.
“And stop using that shit, please,” mariing pakiusap pa ng lalaki.
Tumawa lang si Savannah, tawang naputol nang may incoming call siyang pumasok galing kay Tita Melody.
“Cal, I need to hang up na. And, also, I’m gonna turn my phone off for a while. Kung gusto mo akong makita, nasa InterContinental Hotel ako. Bye.”
Wala pa siyang natatanggap na tawag mula sa kanyang pamilya. Ang duda ni Savannah ay hindi pa siya isinusumbong ng tiyahin sa mga ito. Siguro sinusubukan muna ni Tita Melody na ayusin nang mag-isa ang problema. Pero, shit, oras na malaman ng parents niya ang mga kalokohan sa Miami ay alam niyang bibiyahe agad ang mga ito para puntahan siya. Ayaw pa ni Savannah na matapos ang kalayaan niya. In fact, napakasama nga sigurong isipin pero sa ngayon, ayaw niyang makita ang sariling pamilya. Her family reminded her nothing but frustrations.
Pero hindi pa siya tuluyang nawawalan ng konsiyensiya dahil isang araw, nagdesisyon siyang umuwi sa beach house para k umusta hin ang tiyahin. Nanatili siya roon ng limang araw, baka-sakaling maalis na ang pag-aalala nito sa kanya. Pero nabo-bore na si Savannah. At halos atakihin si Tita Melody nang minsang maglasing siya at magpatugtog nang malakas. She wildly danced alone while smoking a joint. Akala yata nito ay nababaliw na siya.
“Bumalik na po kayo sa New York, Tita,” sabi ni Savannah sa tiyahin habang kumukuha siya ng mga damit sa closet ng master’s bedroom.
Hindi na niya matagalan ang pag-i-stay sa beach house. Iniiwasan niyang kausapin si Tita Melody at hindi naman ito tumitigil sa pangungulit sa kanya. Paulit-ulit na lang ang mga pagtatalo nila.
“Hindi kita iiwan sa ganyang kalagayan, Savannah!” mangiyak-ngiyak namang sabi nito. “Look at yourself, nangangayayat ka na.”
Savannah had lost some weight, all right. Pero kung maka-react naman ang tiyahin ay parang buto’t balat siya. “I’ll be fine.”
“Saan ka na naman pupunta?” Napalingon ito sa bintana ng kuwarto nang marinig ang papalapit na tunog ng motorsiklo.
“Sasama ako sa boyfriend ko.”
“Boyfriend?!” bulalas ni Tita Melody, saka sumilip sa Venetian blinds. “That punk is your boyfriend?!” kinikilabutang sabi pa nito. “At sumasakay ka sa motorsiklo niya?”
Tumawa siya nang pagak. “Alam ko na ring mag-drive ng ganyan.”
Napatutop sa dibdib ang tita niya. “No, you don’t!”
“Oh, yes, I do.”
Sinubukang pigilan si Savannah ni Tita Melody sa paglabas ng bahay pero matigas ang kanyang pasya.
“I’m sorry, Tita. I have to go.”
Sinalubong siya ni Caleb nang makitang may bitbit siyang duffel bag. “Maglalayas ka?” biro nito. “Sana sinabi mo sa phone para `yong kotse ang nadala ko.”
“It’s okay, kakandungin ko ang bag.” Ikinawit niya ang kamay sa batok ng lalaki at hinalikan ito sa bibig. Humahagikgik siyang bumulong dito pagkatapos. “My aunt is watching us. Sabi ko sa kanya na boyfriend kita.”
“You’re crazy, Savannah.”
“Mukha ka raw punk,” tukso pa niya na tinawanan nito. “Come on, take me anywhere. I missed you.”
“You mean you missed sex?” Sumakay na sa Ducati si Caleb at inalalayan siyang umangkas.
Kinagat niya ito sa leeg. “Bakit, hindi mo ba ako nami-miss maka-sex?”
“Not if you’re high.”
“Relax. Wala akong dalang ecstasy.” Hindi siya nagsisinungaling si Savannah. Naubos na kasi niya ang huling binili. At nararamdaman na niya ang matinding pangangailangan sa drogang iyon. Fuck, she didn’t plan to get addicted to it but it was already taking its toll on her.
“I will find out the truth.”
“Shut up and just drive away from here, Cal.” Pinalandi niya ang boses, saka bumulong sa lalaki habang humahalik-halik sa punong-tainga nito. “Sabik na sabik na ako sa iyo. I missed those nipple clamps, too. I want you to use them on me again. And this time… tie me on the bed.”