noveltoon logo noveltoon
Bitter

Chapter 9

Ch. 10 / 20 May 08, 2025

S cared

“I TALKED to your mom this morning. Nag-aalala na’t hindi ka raw palaging tumatawag sa kanila at hindi ka naman available palagi kapag sila ang tumatawag,” sabi ni Tita Melody kay Savannah isang hapong tumawag ito.

“Ano na lang ang palagi kong sasabihin sa kanila, Tita? Palagi na lang may update, gano’n?” naiinis na sabi niya.

Nitong mga nakaraan ay talagang iniiwasan na ni Savannah na sagutin ang tawag ng mga magulang. Nakakapagod na rin kasi ang paulit-ulit na sinasabi ng mga ito, lalo lang siyang ginaganahang mag-enjoy sa buhay nang malayo sa mga ito.

“They’re just worried about you, honey.”

“I know that. Pero kailangan din nilang tanggapin na malaki na ako at may sariling mga desisyon. I chose to stay away from everybody for a while, sana irespeto nila iyon. Ngayon lang ako humingi sa kanila ng malaking pabor, pero `ayan na naman sila na daig pa ang anino ko na palaging nakasunod sa akin.”

“Argh. Akala ko pa naman ay si Scarlett ang matigas ang ulo sa inyong dalawa. Identical twins nga kayo.”

Ngumiwi si Savannah. Puwede ba? Mukha lang ang pareho sila ng kakambal. Pero baka tama rin ang tita niya dahil hayun siya ngayon, nagda-drugs, umiinom, naninigarilyo, palagi sa mga club, at may fuck buddy pa. Mas malala pa ang mga ginagawa niya kaysa sa mga ginawa ni Scarlett na naturingang bad girl. Hah. Nauungusan niya talaga ito sa lahat ng aspeto sa buhay. Savannah was smarter, and now she was wilder. Mas malaki ang tattoo niya kaysa sa tribal flame na tattoo nito sa ibaba ng kaliwang dibdib. At kung may belly-button piercing ang kapatid, well, sa kanya ay sa left nipple! Yeah, bra-fucking-vo.

“And, oh, speaking of your sister. Nakabalik na pala sila sa Manila. And guess what, sabi niya, nagkakamabutihan na raw sila ni Ramius,” balita pa ni Tita Melody na nagpakulo sa dugo niya.

What the hell? Ganoon na lang iyon? Pinagtaksilan siya at ngayon ay masaya na ang mga walanghiya? Samantalang hayun siya at nagpakalayo-layo para makapag-move on. That was unfair, right?

“Tingnan mo nga naman, ano? Well, maybe this is for the best, hindi talaga para sa iyo si Ramius, Savannah. Darating din ang lalaking karapat-dapat para sa iyo,” dagdag pa ng kanyang tita.

“You mean, kapag nakapili na uli sina Mama at Papa ng ibang lalaki para sa akin?” sarkastikong sagot ni Savannah.

“Savannah… I’m sorry. Hindi ko dapat sinabi `yon. P-pero, hija, I just want you to be happy, too. Wala na tayong magagawa sa nangyari but to move forward.”

“I am trying, Tita,” sabi na lang niya, mahihimigan ng pait at galit ang boses. “Sige na po, I have to hang up na at may gagawin pa ako,” paalam na niya.

“All right. Have you been watching the Weather Channel ? May paparating na hurricane diyan this week. You might want to transfer to a hotel na malayo sa beach.”

“Ako na po’ng bahala. Sige na po. You take care of yourself and please, stop worrying about me.”

Ang ref agad ang pinuntahan ni Savannah pagkalabas ng kuwarto. Kumuha siya ng isang lata ng Budweisser beer at tinungga nang mabilis. Sa apat na tungga ay nasimot iyon. Kumuha pa siya ng isang lata, saka lumabas sa balkon ng beach house na nakaharap sa dagat. Nagsindi siya ng sigarilyo at naupo sa lounge chair.

Savannah thought she was being stupid when she felt like crying. Iiyak na naman? Ipinangako na niya sa sarili na hindi niya iyon gagawin. Pero sumama ang loob niya sa balitang nagkakamabutihan sina Ramius at Scarlett. What could she do? Hindi naman niya maaaring diktahan na lang palagi ang sarili kung ano ang dapat maramdaman. Funny, because all her life, that was what she had been doing—may parang naka-program na siyang mararamdaman sa lahat ng sitwasyon. She was raised that way. Pero putang-ina, hindi naka-program sa kanya kung ano dapat ang maramdaman nang mapagtaksilan siya. Hanggang ngayon ay parang may nagrerebelde pa rin sa kanyang kalooban, hindi pala nakatulong kahit ang pang-aaway at pananakit niya kay Scarlett noon. Gusto niyang ilabas ang gait at nakakatulong ang pagwawala niya para mabawasan ang bigat sa kanyang dibdib.

Pero hanggang kailan siya ganoon?

LUMALAKAS na ang hangin at lumalaki na rin ang mga alon sa dagat pero hindi pa rin umaalis ng beach house si Savannah. Kaninang umaga, nagpunta roon si Caleb at sinusundo siya para patuluyin muna sa bahay nito pero matigas siyang tumanggi. Ngayon nga ay tumatawag ang lalaki, alalang-alala sa kanya.

“Ano ka ba, Caleb? Do you have any idea kung ilang bagyo na ang naranasan ko sa Pilipinas?” pagmamatigas niya.

“Pero hindi kayo nakatira sa tabi ng dagat doon. This is a category two hurricane, Savannah. Malaking panganib pa rin.”

“I’ll be fine, all right? Saka hindi lang naman ito ang hurricane na dumaan na dito. Look, buo pa naman `tong beach house ni Tita.”

Nagpumilit pa rin si Caleb pero hindi siya nagpatinag. Nagpaalam na siya rito nang mawalan ng kuryente.

Savannah planned to get high and wasted all throughout the night pero tatlong lata lang ng beer ang nasa ref, iisang stick na lang din ng marijuana ang natitira. Sa pagkain na lang niya ibinuhos ang frustration nang maubos niya ang mga iyon.

Alas-diyes ng gabi nang maramdaman niya ang buong impact ng bagyo. Nayayanig ang bahay at dinig na dinig ang mala-tren na ugong ng hangin at ang mababangis na ingay ng mga alon ng dagat.

Ayaw matakot ni Savannah. Hell, ayaw na niyang matakot sa kahit na ano. She tried to sleep it off but the cyclone was getting stronger. Hindi pa naman siya suicidal dahil iniisip pa rin niya ang sariling kaligtasan. Kinuha niya ang kumot at mga unan at nagtungo siya sa banyo ng master’s bedroom. Nahiga siya sa bathtub.

Hindi siya makatulog kahit anong pilit niya. Hindi na rin niya napigilan ang unti-unting pagtalo sa kanya ng takot. Paano kung tangayin ng hangin ang bubong ng bahay at mabagsakan siya ng mga debris? Paano kung tumaas pa ang tubig sa dagat at maabot ang kinatitirikan ng beach house? Paano kung magiba ang seawall na nakaprotekta sa elavation niyon?

It would be too late to evacuate now. Mas mapanganib na sa labas.

Nang may marinig na malakas na kalampag sa dingding ay nagtakip si Savannah ng kumot sa ulo. Noon niya natuklasan na nanginginig na pala siya at may namumuong luha sa kanyang mga mata.

Napahikbi siya. Fine, she was really scared now. Madilim at nag-iisa lang siya. Pero wala siyang magagawa kundi hintaying humupa ang bagyo.

Normally, kapag natatakot o nasasaktan daw ang isang tao, ang ina raw ang unang tinatawag. Instinct daw iyon, dahil sa maternal bond ng ina at anak na nag-umpisa pa sa sinapupunan. Pero bakit hindi madama ni Savannah ang instinct na iyon ngayon? Wala siyang pagnanais na tawagin ang kanyang mama o kahit na sino pang tao sa kanyang buhay.

Pumatak na nang tuluyan ang mga luha ni Savannah. All this time pala ay nag-iisa siya? But everybody loved her, respected her, put her in a pedestal. O iyon lang ba ang iniisip niya? Ano ba ang minahal ng mga ito sa kanya? Ang talino at kabaitan niya, nothing more. Pati ba ang madilim na bahagi ng kanyang pagkatao ay kaya ring tanggapin ng mga ito? Ang mga nagawa niyang bawal, mga kasalanan?

Sinabayan ng malakas na paghagulhol ni Savannah ang paghagupit ng bagyo. Iniyakan niya ang lahat sa kanyang buhay, hindi lang ang ginawa sa kanya nina Ramius at Scarlett, iniyakan din niya ang isinukong pangarap para paluguran ang kanyang mga magulang, ang mga mababaw at pambatang bagay na hindi niya nasubukan. Umiyak siya nang umiyak dahil buong buhay niya ay namuhay siya sa kasinungalingan…

Napatili si Savannah nang makarinig ng malalakas na kalabog na parang galing sa sala. Nagtakip siya ng mga tainga at lalong nag-iiyak. Hanggang sa parang may naririnig na siyang boses sa labas ng banyo, tinatawag ang kanyang pangalan.

“C-Caleb?!” nanginginig na bulong niya, saka nag-alis ng talukbong na kumot.

“Savannah!” Kay Caleb nga ang boses.

“I’m right here! In the bathroom—”

Bumukas ang pinto ng banyo at pumasok ang lalaking may hawak na flashlight. Naka-windbreaker ito at sweat pants. Nagmamadaling lumapit ito sa kinaroroonan niya.

“Caleb!” tawag niya.

“I’m here, princess. I’m here,” sabi ni Caleb at ibinaba ang flashlight sa sahig at tinabihan agad siya sa bathtub.

“I’m s-scared… I’m so scared!” umiiyak na sabi niya, saka nagsumiksik sa katawan nito.

Mahigpit siyang niyakap ni Caleb. “Natatakot din ako, baby. Pero nandito ako. Hindi kita iiwan.. Let’s be scared together, okay?” sabi nito, saka humalik sa kanyang noo, sentido, at buhok habang panay ang haplos sa kanyang mukha at leeg.

Gumanti ng yakap si Savannah na parang nakakita ng makakapitang angkla sa gitna ng galit na dagat. She felt safe now, hopeful.

“I’m glad you’re here,” bulong niya nang unti-unti na siyang kumalma. “Thank you, Caleb.”

“I won’t leave you even if the world crumbles around us, I promise,” matatag na sabi ni Caleb. “I can hold you like this forever, Savannah,” kapagkuwan ay napakahinang bulong nito. Sa palagay niya ay hindi talaga sinadyang iparinig iyon sa kanya.

KINAUMAGAHAN, kaunting ulan na lang ang naiwan ng nagdaang bagyo. Pagkagising ni Savannah, natagpuan niya ang sarili sa kama sa master’s bedroom, wala siyang katabi. Naalala niyang kaninang madaling-araw ay binuhat siya ni Caleb mula sa bathtub at inilipat sa kama. Hindi na niya alam kung tumabi ba ito sa kanya dahil nakatulog agad siya pagkalapag niya sa kutson.

Na-realize ni Savannah na bumalik na ang kuryente nang makita niya ang oras sa electric desk clock. Pasado alas-nuwebe na ng umaga.

Nang lumabas siya sa sala ay naabutan niya si Caleb na naglilinis ng mga bubog ng nabasag na salamin ng isang bintanang nakaharap sa dagat. Thankfully, isang maliit na frame lang ang nabasag at hindi ang buong bintana.

“Good morning!” nakangiting bati nito sa kanya.

Tinanguan at nginitian niya ang lalaki. “`Morning. Nandito ka pa pala,” nahihiya at natutuwang sabi niya. Aaminin niya na nakaramdam siya ng takot nang magising siyang nag-iisa. Si Caleb agad ang hinanap niya.

“Sabi ko naman sa `yo, hindi kita iiwan, `di ba?” Ibinaba nito ang walis at dustpan, ipinunas ang mga kamay sa suot na sweatpants, saka lumapit sa kanya.

Isang nakakaayang uri ng init ang parang humaplos sa kalooban ni Savannah nang abutin siya ng lalaki at yakapin sa baywang.

Tiningala niya ito. “Caleb, I appreciate that you went here last night, but you shouldn’t have done that,” nakokonsiyensiyang sabi niya. “P-paano kung may masamang nangyari sa iyo sa daan? I can’t bear the thought that you’d be hurt just because of my stupidity.”

“You were worried about me?” parang tuwang-tuwang tanong ni Caleb.

Sumimangot si Savannah. “Oo naman. Ayokong mapahamak ka, lalo na kung dahil sa akin.”

“Nag-aala ako nang hindi kita ma-reach sa cell phone. I just couldn’t watch the cyclone go by without seeing you safe, Savannah.”

“Oo, pero hindi mo pa rin dapat sinagupa ang bagyo sa daan.”

Hinalikan ni Caleb ang tuktok ng kanyang ulo. “I was very careful at the road. Besides, maaasahan ang Wrangler jeep ko.”

Napayuko siya. “Kahit na.”

“Well, you needed me last night, so I came here. That’s what matters to me,” paniniyak ng lalaki na mabining itinaas ang kanyang baba gamit ang hintuturo nito.

Napapikit si Savannah nang gawaran siya ni Caleb ng isang kakaibang halik. Wala siyang matandaan na hinalikan siya nito sa ganoong paraan. Palaging sabik, mapusok, at puno ng pangangailangan ang mga halik nila, palagi silang nauuwi sa sex. But now, he was kissing her passionately but there was tenderness to it. Isa iyong matamis na halik. Parang iba ang gustong iparamdam ni Caleb sa kanya nang mga sandaling iyon—hindi ang pangangailangan nito sa kanya bilang lalaki, hindi purong pagnanasa lang.

“Tatapusin ko lang ito, `tapos magbe-breakfast na tayo,” sabi ng lalaki nang tapusin nito ang halik.

Napalunok siya. “O-okay. Thank you.”

Tumuloy si Savannah sa kusina at naabutang may pagkain na sa mesa. May isang serving plate ng itlog at hot dogs at may nakasalang ding kape sa coffee maker. Nag-toast siya ng apat na pirasong tinapay at nagsalang ng orange juice sa dalawang baso. Nakahanda na ang mesa nang pumasok sa dining room si Caleb.

“Pati breakfast, ikaw na ang gumawa,” nahihiyang sabi niya.

“I had to. Nagki-clear pa lang sila ng mga kalsada nang lumabas ako kanina, saka sarado pa ang ibang business establishments. Mamayang tanghali, okay na siguro. Mabuti na lang, hindi masyadong malaki ang damage ng bagyo.” Ipinaghila siya nito ng upuan, saka umupo sa harap niya.

Bumuntong-hininga si Savannah. “Don’t do that, Cal,” saway niya.

“Hmn, don’t do what?”

Itinuon niya ang tingin sa kinakain. “Stop looking at me like I’m helpless or something.”

“I’m not looking at you like that.”

“Well, then just stop being nice to me.”

Tumawa nang mahina si Caleb. “I can’t just stop being nice, Savannah.”

“Parang naaawa ka kasi sa akin mula pa kagabi.”

“Naaawa? Hindi gano’n ang nararamdaman ko sa iyo.”

“Then what?” Nagsisisi siya na hindi niya napigilan ang sariling mag-usisa. May iba ba siyang ine-expect na nararamdaman nito sa kanya?

Sumagot lang ang lalaki nang tingnan na niya ito, na para bang hinihintay talagang gawin niya iyon. “I care about you and I thought you already you knew that.”

Sandali silang nagkatitigan. Hindi alam ni Savannah kung bakit, pero may pakiramdam siya na hindi lang iyon ang gustong sabihin ni Caleb. O wishful thinking lang ba siya?

Tumango siya. “Yeah, of course.” Tumikhim siya at yumuko. “A-anyway, baka may gagawin ka pa, naistorbo tuloy kita. `Yong bahay mo, baka may sira din.”

“Nah. It’ll be fine. Maraming harang sa malalakas na hangin ang location ng bahay ko.”

“Pagkatapos mong mag-breakfast, umuwi ka na.”

Tumawa si Caleb. “Itinataboy mo ba ako?”

“Hindi naman sa gano’n. Ano lang… Wala ka na kasing kailangang gawin dito.”

“I can spend the whole day with you doing nothing.”

Muling nag-angat ng mukha si Savannah. “Doing nothing? Ang boring n’on.”

“We can watch TV or play video games. Believe me, I’m an expert when it comes to being a homebody.”

Pabirong inirapan niya ang lalaki. “Hindi ka na homebody ngayon.”

“Hindi dahil sumusubok na ako ng mga bagong bagay, ibig sabihin nagbago na ako. I will always be a homebody by heart. Saka gusto ko pa rin ng mga boring na bagay.”

Hindi napilit ni Savannah si Caleb na umuwi pagkatapos ng agahan. Maghapon lang silang nasa bahay, nag-marathon ng Star Wars ; at nang wala nang magawa ay ang lumang Scrabble ni Tita Melody ang napagdiskitahan.

Gaya ng inaasahan ay inulan siya ng sunod-sunod na tawag mula sa kanyang pamilya. Ilang missed calls ang nasa naka-silent na smartphone niya nang balikan niya iyon sa kuwarto.

“`Ma, can you please give back the phone to Papa?” naririnding putol ni Savannah sa mahabang litanya ng ina. “Mama, please!” singhal niya nang hindi ito sumunod.

Nagulat yata si Faith sa pagtaas ng boses ng anak kaya biglang ibinigay sa asawa ang telepono.

Bumuntong-hininga si Savannah pagkarinig sa boses ng amang si Teodoro De Villa. “Papa, I told you already, I’m fine. Bumabalik na po sa normal ang lahat dito, mag-move on na rin kayo.”

Nagulat yata ang ama sa kanyang mga sinabi dahil hindi ito nakapagsalita agad.

“Look, I’m not trying to be a little shit here, all right? But seriously, you guys need to chill the fuck out, please.” Hindi na niya napigilang magmura. “Okay lang ang beach house, ipapa-repair ko `yong nasirang bintana. No biggie, really.”

“O-okay, anak,” anang papa niya. “I guess I just have to trust you then.”

Napangiti siya sa narinig. “Thank you, Papa.”

“Kinukumusta ka rin pala ni Ramius no’ng huli kaming nag-usap sa telepono. At tumawag kanina ang kapatid mo, nakikibalita tungkol sa bagyo.”

Naningkit ang mga mata ni Savannah sa narinig. Imbes na matuwa siya na naaalala pa rin siya ng dalawang taksil ay lalo lang siyang nagngitngit.

“Tell them if I could survive their betrayal, I could survive even the strongest fucking hurricane,” hindi niya napigilang sabihin na nagpatahimik na naman sa kanyang ama. Mabilis na siyang nagpaalam dito. “Sige na po, `Pa. Saka na tayo mag-usap uli. Bye.”