noveltoon logo noveltoon
Bitter

Chapter 14

Ch. 15 / 20 May 08, 2025

U nsure

“KEEP doing that, Tita. Keep doing that at hindi n’yo na ako makikitang bumalik sa bahay na `to,” banta ni Savannah sa tiyahin nang minsang nagtalo na naman sila.

Umiyak na si Tita Meldoy. “Pinipilit kitang intindihin pero nahihirapan ako. Niloko ka lang ng isang lalaki, sisirain mo na ang buong buhay mo? Hindi ganito ang naisip kong gagawin mo—at least the old Savannah that I knew. Nasaan na ang matalino, maingat, mabait, at responsableng pamangkin ko?”

“Hindi na siya babalik pa,” mariin niyang sabi.

“I can’t handle this anymore. I’m gonna call your parents.”

“Bahala kayo.”

Pagod na si Savannah na makipagtalo. Pagod na siyang marinig na hinahanap nito ang dating siya. She despised her old self.

Pero nagugustuhan nga ba niya talaga ang bagong tuklas na pagkatao niya? Totoo ba ang kaligayahang hatid niyon sa kanya?

Fuck it.

Nang araw na iyon ay mas marami siyang inempakeng damit bago umalis ng beach house. Pagkatapos ng dalawang araw niyang pag-i-stay sa hotel ay pinilit siya ni Caleb na sa bahay nito tumuloy. Sa guest room daw siya matulog.

“I’m on my period, kadarating lang.”

“Iniisip mong dahil sa sex kaya gusto kitang dalhin sa bahay?” parang dismayadong tanong ni Caleb.

Tumawa siya. “Just saying.”

“I told you already, I like spending time with you, kahit wala tayong ginagawa.”

“Hindi mo talaga ako mapakawalan, ha?” tukso ni Savannah habang tumutulong ang lalaki sa pagliligpit ng mga gamit niya sa hotel room.

“Gusto ko, lagi kitang nakikita.”

Inirapan niya ito. “Puwede naman tayong magkulong dito sa hotel room. Ayaw mo lang kasi akong palaging naninigarilyo dito. Sa house mo kasi, bawal mag-smoke sa loob.”

Tumawa si Caleb.

Hindi ikakaila ni Savannah na nagugustuhan niya ang pananatili sa bahay nito. Kahit noon pang unang dinala siya ni Caleb doon ay at-home na agad siya. His house was so cozy she wouldn’t mind staying in there for a long time. Asikasong-asikaso pa siya ng malambing na lalaki. Hindi niya iyon ipagpapalit sa kahit na anong luxury hotel sa buong mundo.

Isang araw, habang nasa gym si Caleb ay naisipan niyang magluto ng shrimp curry, natutuhan niya ang recipe sa isang YouTube video. Nag-ihaw din siya ng fresh tilapia, okra, at zucchini at gumawa ng fruit salad. Tuwang-tuwang kinain ng lalaki ang mga iyon nang mag-dinner sila.

“They’re really good, thank you for making these,” ngiting-ngiting sabi nito nang nagde-dessert na sila.

“Sabi mo lang `yan.”

“No. Really. Mabilis ka talagang matuto sa kahit na anong bagay.”

Tumawa si Savannah. “Yeah, I think so. Kita mo nga, ang dami kong natutuhan sa iyo.” Inabot niya ang mukha nito at pinunasan ng table napkin ang sulok ng bibig na may salad dressing.

Si Caleb naman ang tumawa. “I was right about you all along.”

Kinunutan niya ito ng noo. “About what?”

“That you’re really thoughtful and sweet.”

Nagkibit-balikat siya. “I dunno about that. Siguro noon, oo.”

“Savannah, sinabi ko na sa `yong hindi nababago ang personalidad ng isang tao. Just because you’ve discovered other things about yourself doesn’t mean that you already lost the old you. Nandiyan pa rin `yon, hindi mawawala. Nasa `yo kung kailan mo ilalabas.”

Hindi siya nagkomento. Sa bawat araw na ginugugol niya nang malayo sa Pilipinas ay inakala ni Savannah na maibabaon na niya sa limot ang dating siya, na mahahanap niya ang tunay na pagkatao. Pero nadadagdagan lang pala ang kanyang personalidad.

“Naalala ko nga pala…” sabi niya. Nakangiti siyang naglagay ng fruit salad sa dessert bowl nang maubos ni Caleb ang laman niyon. “Alam mo na ba `yong reason kung bakit ako lang ang babaeng dinala mo rito sa bahay mo?”

“Well, I think…” Parang nag-iisip nang malalim na sabi ng lalaki. “Since sinabi ko sa iyo na safe haven ko ang bahay na ito, siguro gusto kong maging ligtas ka rin dito.” Nag-angat ito ng ulo at mataman siyang tiningnan. “Kasama ko.”

Nakipagtitigan si Savannah kay Caleb. Katangahang isipin pero pakiramdam niya, gusto niyang malunod sa magagandang mata nito. “I do feel safe with you, Caleb,” mahinang pag-amin niya.

Nakangiti siyang tumayo at lumapit sa puwesto ng lalaki, saka ito binigyan ng isang matamis na halik.

HINDI tinigilan si Caleb ng kapatid sa kakakulit tungkol kay Savannah nang minsang dalhin niya ang babae sa bahay ng mga magulang para mag-dinner.

“Wait, so hindi mo siya girlfriend?” naguguluhang tanong ni Clarisse.

Umiling si Caleb. “No. We’re sort of…” Fucking. “Dating,” pa-safe na sagot niya.

“What are you waiting for? She’s a perfect girlfriend material!” Pumalatak ang kanyang ate. “Even Mom and Dad were impressed. At nakita mo si Zeke? Inggit na inggit sa `yo ang loko.”

Ngumiti siya habang pinagmamasdan si Savannah mula sa lanai, naninigarilyo ito sa garden. His family was really impressed. Napaka-eloquent daw ni Savannah, straightforward but not rude. Gustong-gusto ng mga ito ang negatibong opinyon ng babae tungkol kay Donald Trump na nasabi nito sa magandang paraan. Even his best friend Zeke liked her. Binulungan pa siya nito kanina bago umalis na huwag na raw niyang pakawalan ang babae. Nagmamadaling umalis ang kaibigan dahil hahabol pa ito sa flight na papunta sa Texas kung saan ito nakadestino ngayon bilang isang nuclear source inspector.

Nang tawagin si Clarisse ng boyfriend nito para maghanda ng dessert ay nilapitan na ni Caleb si Savannah.

“Sorry, I can’t help it. I need a cig after eating that big meal,” sabi nito nang hawakan niya ang kamay nito.

“Iniisip mo ba na mandidiri ang pamilya ko dahil naninigarilyo ka? Naninigarilyo rin dati ang mom ko. Last year lang siya nag-quit.”

Ngumiti nang pilit ang babae. “Ano kaya ang iniisip nila tungkol sa akin?”

Masuyo niyang pinisil ang baba nito. “Gusto ka nila. They said you are very smart and beautiful.”

Naging totoo na ang ngiti ni Savannah.

“I just hope you’re comfortable, Savannah. Ayokong napipilitan ka lang magpunta dito at pakisamahan ang pamilya ko.”

Tumingin ito sa suot na midnight blue wrap dress na kalahating dangkal ang taas mula sa tuhod. Strapless iyon at may suot itong kulay-kremang bolero, cream din ang high heels nito.

“You think nagsuot ako ng ganitong damit to impress your family?” natatawang tanong ng babae. “Caleb, trust me. I’m done impressing other people. Curious lang ako sa iniisip ng family mo tungkol sa akin kaya ako nagtanong. And this dress? I really like it. Kahit nagsusuot ako ng mga slutty outfit ngayon, alam ko namang ilugar ang sarili ko.”

Tama nga si Caleb. Kahit gaano pa talikuran ni Savannah ang tunay na pagkatao ay hindi nito iyon tuluyang maibabaon sa limot. She was a smart and decent woman.

“Kahit ano pa ang suot mo, hindi kita ikakahiyang ipakilala sa pamilya ko.”

Niluwangan nito ang ngiti pero hindi naikaila ang paglungkot niyon. “Mukhang malapit ka talaga sa kanila.”

“We’re taking baby steps. Marami kaming nasabing hindi maganda sa isa’t isa through the years, pero hindi pa naman huli ang lahat para maayos ang relasyon namin.”

Masaya siya sa pag-iisa pero kailangan niya rin ng pakikisama sa sariling pamilya. Binuwag na niya ang harang sa sarili at pinipilit na ibalik sa dati ang kanyang relasyon sa mga kamag-anak. Naging mas pasensiyoso naman ang mga ito sa kanya, ni hindi na sinita ang hikaw niya sa kilay. Hindi na rin inuungkat ng mga ito kung kailan siya babalik sa kolehiyo o trabaho.

“Savannah, alam ko kung ano’ng pinagdadaanan mo ngayon. And turning your back from your family is not always the best way. Kung may problema ka sa kanila, sabihin mo, pag-usapan ninyo.”

Bumuntong-hininga ang babae. “I know. It’s just that… I just need to get away from them for now at hindi nila iyon maibigay sa akin. Papunta na raw sila dito sa Miami. And knowing my family, they would fucking hire a detective to find me and bring me home. Mga putang-ina.”

Ginagap ni Caleb ang isang kamay ni Savannah. “Ano’ng gusto mong gawin?”

Hindi sumagot ang babae at tumingala lang sa langit. Humithit pa ito, saka idinutdot ang upos ng sigarilyo sa puno ng myrtle.

“Kung ako ang tatanungin mo,” simula niya, saka pinisil ang kamay nito. “Gusto kitang ilayo sa lahat ng kabaliwang `to, kung papayag ka. Sasamahan kita kahit saan mo gusto.”

Pakiramdam ni Caleb ay hindi niya pinag-isipan ang mga sinabi. Parang galing iyon sa pinakamalalim na bahagi ng kanyang pagkatao at basta na lang niyang nasabi.

Noon tumingin si Savannah sa kanya. “Caleb, you’re a very wonderful person,” parang basag ang boses na sabi nito. “P-pero alam mo kasi… mag-isa ko `tong pinasok. Hayaan mo na lang ako.” Binawi ng babae ang kamay mula sa pagkakahawak niya.

“Hayaan kita? I can’t. Not now.”

“Not now what?” nangingilid ang mga luhang sita ni Savannah. “Are you falling for me?” deretsong tanong nito.

“Yes,” siguradong-siguradong sagot ni Caleb.

Ano pa ang paliwanag sa nararamdaman niya para dito? Unang kita pa lang niya kay Savannah noon ay may kakaiba na itong epekto sa kanya na hindi niya naramdaman sa ibang babae. Not even with his ex-wife. Savannah had been very special to him right from the very start.

“Don’t. Stop before it gets worse.”

“I can’t just tell that to myself. Sorry.”

“You met me at my worst, sa pagkakataong naghahanap ako ng aliw, ng lalim; ng kung ano-ano lang. Caleb, I’m not so sure of myself right now. Akala ko, mapipigilan ko talaga ang sarili ko na mag-isip, pero mali ako. Nag-iisip pa rin kapag gabi na.”

Napansin nga ni Caleb iyon nitong mga nakaraang araw. Hindi mapakali si Savannah, parang may malalim na iniisip. Iniiwasan nitong makipag-usap sa kanya tungkol doon at lihim siyang nasasaktan.

“Kasama ba ako sa mga iniisip mo?” umaasang tanong niya.

Nakangiting tumango ang babae. Hindi man niya lubusang mabasa ang mga iniisip nito, ramdam naman niyang mahalaga siya sa buhay nito. Ayaw lang niyang maging presumptuous kung gaano kalaki ang halaga niya rito. Gustog paligayahin ni Caleb si Savannah nang higit pa sa kasiyahang naibibigay niya rito sa bawat pagse-sex nila. Pero parang naglagay ang babae ng pader na nakaharang sa pagitan nila at hindi niya iyon matibag-tibag. Parang sa sex lang ito nawawalan ng inhibisyon, doon lang siya malayang pinapalapit.

Inilapat ni Savannah ang palad sa kanyang kaliwang dibdib. “M-maybe, maybe in a perfect world, maiisip kitang pakasalan,” natatawa at naiiyak na sabi nito. “But, I’m living in a dark, imperfect world right now. Hindi ko na alam ang totoong gusto ko, Caleb. Ayaw kitang idamay sa magulong mundo ko.”

“I don’t want a perfect world, Savannah. I just want a world with you in it.”

Hindi sumagot ang babae pero hinayaan naman nito na halikan niya ito sa mga labi. She responded with the same amount of sweetness and passion.

Kahit paano, binibigyan si Caleb ng pag-asa ng matamis na halik na iyon na baka may espesyal ding nararamdaman si Savannah sa kanya. With the way that she moved her lips with his, the way that her fingers caressed his neck; the way that she silently begged for more kiss when he departed from her mouth to gasp for air. At sa muling paglalapat ng kanilang mga bibig ay mas lumalalim at tumatamis ang halik.

Idiniin ni Savannah ang katawan nito sa kanya, na para bang nay gusto itong iparamdam sa kanya, na para bang may gusto itong ibigay…

Pareho silang nakangiti nang tapusin nila ang halik. They gazed at each other for what seemed like forever. Magkahawak-kamay silang bumalik sa bahay ng kanyang mga magulang.

NASIRA ang masayang pagtira ni Savannah sa bahay ni Caleb ng mga sunod-sunod na pagtawag sa kanya ng mga magulang na nasa Miami na raw. Pinapauwi na siya ng mga ito sa beach house, magpa-rehab daw siya, magpapa-counseling, etc. etc. Ang akala ng mga ito ay nawawala na siya sa sarili, at si Caleb ang may kasalanan. Masamang impluwensiya raw ang lalaki sa kanya, bine-brainwash siya at sinisira ang kanyang buhay.

Rinding-rindi na si Savannah sa pakikipagtalo sa mga magulang hanggang sa tuluyan na niyang patayin ang kanyang smartphone. Lumipat na rin siya ng hotel, hindi siya nagpapigil kay Caleb. Ayaw niyang makita agad ng kanyang pamilya.

Sa mga sumunod na gabi ay niyaya niya ang lalaki na lumabas at ilang club din ang sunod-sunod na pinuntahan nila.

Nasa Miami na raw ang kanyang parents? Okay, fine. Ipapakita niya sa mga ito kung paano siya magwala.

“You have to stop doing this, Savannah,” sabi ni Caleb, nasa kotse sila at papunta sa isang club.

“What, you mean, clubbing? Nag-e-enjoy lang ako, Caleb,” katwiran niya, sabay irap. “Napaka-killjoy mo na. At bakit tayo nagkokotse ngayon? I want your Ducati.”

Ayaw siyang hiwalayan ng lalaki kahit anong pagtataboy ang gawin niya rito. Ayaw nitong umaalis siya nang mag-isa sa gabi kaya halos sa hotel room niya na rin ito nakatira. Palagi silang nag-aaway dahil sa paggamit niya ng ecstasy na ipinapatigil pa rin nito sa kanya.

At ang loko, ginagamit pa ang sex para maudlot ang mga pang-aaway niya rito. Caleb would seduce her in the middle of her nagging and Savannah would give in. Hindi siya makapalag. Every fucking time. Masyadong nakakaadik ang sarap ng pakikipag-sex nito sa kanya para hindi matunaw ang inis niya—at alam na alam iyon ng lalaki. Kagaya kagabi, nang mag-away sila dahil pinipigilan siya nitong bumili ng ecstasy ay nauwi na naman sila sa mapusok na pagniniig…

“You can’t always be here to stop me, Caleb! Tandaan mo `yan!”

“Just keep pushing me away, alam mo namang hindi ako titigil sa kakabalik sa `yo.”

Tinalikuran niya ito. “Because I’m your best fuck?”

“Because you’re important to me and—”

“I don’t need you. Ilang beses ko bang sasabihin sa `yo `yan? Iwan mo na ako, please.”

Hinawakan siya sa braso ni Caleb. “You know that I can’t.”

Pinilit kumawala ni Savannah mula sa pagkakahawak ng lalaki. “Let go of me!”

Sinampal niya ito nang ayaw siyang bitawan. Hindi naman iyon ininda ni Caleb. Hinampas niya ito nang ilang beses sa dibdib pero parang sa pader lang tumatama ang kanyang mga kamay.

“Fuck you, fuck you!” tili niya.

Niyakap si Savannah ng lalaki at pinilit awatin sa pananakit dito. Nang magpatuloy pa rin siya sa pagpiglas ay puwersado siya nitong hinalikan sa bibig. Haplos sa maseselang bahagi ng kanyang katawan ang naging ganti ni Caleb sa bawat hampas at suntok niya rito. He managed to make his way up to her skirt and played with her needy pussy. She slowly melted in his arms.

Hindi makaiwas si Savannah. Ayaw niyang umiwas. Sa ilang sandaling pagsasayaw ng mga daliri ng lalaki sa kanyang clit ay basa na siya. And when he pushed two fingers inside her, a passionate shriek escaped her mouth.

Kahit galit ay hindi niya napigil ang pagdating ng pagnanasa. Ganoon kagaling si Caleb sa sex. O baka addict na nga talaga siya sa sex kasama nito.

“Y-your cock. I want your cock, Caleb,” she pleaded while he was finger-fucking her.

He cupped her chin and raised her head up, making her look at him while being pleasured. She was drowning in his hazy eyes that seemed to hold so many beautiful promises. Parang napakarami nitong masasayang sandali na gustong ibigay sa kanya kung hahayaan niya lang itong manatili sa kanyang buhay.

Hanggang sa natagpuan na lang ni Savannah ang sariling nasa carpeted na sahig ng hotel room at nakapatong si Caleb sa kanya. Ang dalawang kamay niya ay tinipon nito sa kanyang ulunan, mahigpit na nakahawak sa kanyang mga pulso.

Ang maaanghang na salita niya kanina ay napalitan na ng mga halinghing at pag-ungol. Ang paulit-ulit na “fuck you” na sigaw niya kanina ay naging “fuck me” na.

Ipinagkanulo si Savannah ng sariling katawan. Kusa iyong sumasagot sa bawat halik at haplos ni Caleb. At lalong hindi niya maitatago ang paglalawa ng kanyang ari, ang pagkasabik na makipag-sex sa lalaki. She wanted this man like crazy. She wouldn’t mind spending time like that for eternity.

As soon as he let go of her hands, she scraped her fingernails at the smoothness of his back and settled them on his tight bum.

“Aah, Savannah,” he sweetly growled as he pushed himself deeper into her.

“I still hate you, by the way!” angil niya habang sinasalubong ang bawat pag-ulos ng lalaki.

“Alam ko, baby,” sarkastiko namang sabi nito at lalo pang idiniin ang pag-angkin sa kanya.

Boy, oh, boy. Weird siguro siyang matatawag pero mas nasasarapan siya sa sex kapag nag-aaway sila ni Caleb. Siguro dahil doon nabubuhos ang lahat ng angst nila, mas umiinit ang kanilang mga galaw.

“G-grabe ka! Shit, Caleb… Aaaaah!” pabiling-biling ang ulong halinghing ni Savannah. “Sige pa, sige paaa!”

Soon, the room was filled with nothing but sultry sounds of sex—of their bodies clashing, their incoherent loud moans and grunts. And, they ended their “fight” with screaming each other’s names when they reached the summit of heat. They exploded together in bliss and passion. Their bodies sparked while relishing the rapture that went on and on.

Napakahigpit ang yakap ng mga kamay at binti ni Savannah kay Caleb nang makarating siya sa sukdulan. Hindi niya maitatangging hindi talaga niya kayang magalit dito. Hindi niya rin ito kayang iwasan. It was like they owned each other, their souls entwined.

Shit. Really, she should stop being poetic about sex.

“I’m sorry I hurt you,” sabi niya kay Caleb, hindi pa man nakakabalik sa normal ang kanyang paghinga.

Hindi naman umalis ang lalaki sa ibabaw niya. “It didn’t hurt. But you’re getting out of hand, Savannah.”

Gustong maiyak ni Savannah. Hindi na ba niya makontrol ang sarili sa pagwawala at pati ang tanging taong totoong nagpapahalaga sa kanya ay nasasaktan na niya?

“You gotta stop, please. Siguro mas makabubuting makinig ka sa mga magulang mo. May alam akong detox center, magpunta tayo doon at—”

“Just keep holding me. P-please.”

Bumuntong-hininga si Caleb, parang sumuko na sa hindi niya pakikinig sa mga sinasabi nito. Pero alam niyang pansamantala lang iyon dahil wala itong balak na sumuko hangga’t hindi niya itinutuwid ang pag-iisip.

“I won’t let you go,” he whispered back. Without pulling out, he carefully laid to her side, holding her tight.

At hindi lang ang hubad na katawan ni Savannah ang pakiramdam niyang yakap ni Caleb; pati na ang buo niyang pagkatao, ang lahat-lahat sa kanya.

Pero hanggang saan, hanggang kailan niya gagamitin ang lalaki para sa pansariling kasiyahan? Hanggang kailan niya ito kakailanganin? Hanggang kailan niya magiging munting liwanag si Caleb sa kadiliman?

Tumingin si Savannah sa labas ng kotse, namasa ang mga mata.

Caleb didn’t really want her in his life. He just wanted to rescue her from the dark…