noveltoon logo noveltoon
Bitter

Chapter 2

Ch. 3 / 20 May 08, 2025

F reed

ISANG linggo na si Savannah sa Miami. Kahapon ay bumalik na sa New York si Tita Melody kung saan ito nakatira. Halos ayaw pa siyang iwan ng tiyahin sa beach house pero nagpumilit siya. She wanted to be alone, to be away from everything.

Isang umaga, nagpasyang lumabas ng bahay si Savannah. Ginugol niya ang buong araw sa pagsha-shopping at pagkain sa labas. Pauwi na siya nang may madaanang tattoo and piercing shop. Nagdesisyon agad siyang pumasok doon. Ni hindi na siya nag-isip masyado kung ano ang gustong ipa-tattoo. She just asked for the Star Wars rebels insignia to be inked at the lower right part of her tummy. Really, really low.

Palabas na si Savannah sa silid kung saan siya nilagyan ng tattoo ay hindi pa rin siya makapaniwalang nagawa niyang magpa-tattoo. She was still staring at her fresh ink that was covered with Tatu-Derm while walking slowly to the cashier counter. Hanggang sa mapansin niyang isang lalaki ang nakatayo roon at parang kanina pa siya pinagmamasdan. Dahil siguro nakababa ang garter ng kanyang maxi skirt at panty, halos kita na ang kanyang singit habang tinitingnan niya ang bagong tattoo. Pasimpleng tumuwid si Savannah at hinila pataas ang palda. Hindi lumabas ng shop ang lalaki pagkatapos magbayad, dumistansiya lang ito, panay pa rin ang tingin habang nagbabayad siya.

“Excuse me, Miss,” habol nito sa kanya nang palabas na siya.

Nilingon ni Savannah ang lalaki at ang una niyang napansin ay ang sariwang piercing nito sa kaliwang kilay, mayroong maliit na silver curved barbell doon. Noon niya na-realize na guwapo ang lalaki—napakaguwapo, in fact. Itim ang buhok nitong may maikling gupit, nangingislap ang mga mata. Hindi masyadong matulis ang tangos ng ilong, at lalaking-lalaki ang hugis ng panga. He was tall—could be six feet and one inch. He was broad and lean. His skin was light tan, maybe natural or kissed by the Florida sun. Hindi niya masabi kung ano ang lahi nito. Parang Latino na may halong kaunting Caucasian.

“Yes?” pasupladang sagot ni Savannah.

Inilahad ng lalaki ang kanang kamay sa kanya. “I’m Caleb.”

Nakikipagkilala ito sa kanya?

“I just can’t help noticing you, sorry. Don’t worry, I’m not a creep or something.” Awkward itong tumawa. “I like your tattoo, by the way. I got this one last year,” sabi ng lalaki, saka itinaas ang kaliwang manggas ng suot na asul na T-shirt para ipakita sa kanya ang symbol ng Jedi Council na naka-tattoo sa itaas ng braso nito.

Nice. Star Wars geek din pala ang lalaki gaya niya.

“Pinoy ka ba?” biglang tanong nito sa medyo pilipit na Tagalog nang hindi pa rin siya nagsalita.

Noon na kusang napangiti si Savannah. Fil-Am pala. “Oo, Pinoy ako,” sagot niya at tinanggap ang pakikipagkamay nito. “I’m Savannah.”

Ipinagbukas siya ni Caleb ng pinto at sumunod ito sa kanya sa labas.

“Ganito ka ba sa lahat ng nakikita mong Pinay dito? Nakikipagkilala ka?” usisa niya nang parang walang balak ang lalaki na hiwalayan siya.

“Not really. Nagdadalawang-isip pa nga ako kung Filipino ka. You actually looked like a mixture of Spanish and Chinese.”

“Oh.” Savannah raised one corner of her lip, and she didn’t know she was actually capable of doing that. Ang flirty lang ng dating. “What is this, then? Pick up line?” lakas-loob niyang tanong.

Nagkamot sa batok si Caleb. “I just really wanna meet you. Well, kung walang magagalit.”

Hindi niya napigilang mapangiti sa accent nito kapag nagta-Tagalog. Hindi naman pilipit ang dila ng lalaki, in fairness. Pero mahahalatang hindi nito first language ang Tagalog. He sounded really cute.

“Yeah, yeah. My Tagalog is a bit rusty,” tumatawang sabi ni Caleb.

“No, no it’s fine. And, no, walang magagalit kung makikipagkilala man ako sa ibang tao dito.”

Tumikhim ang lalaki. “Are you doing anything tonight?”

“Nothing exciting.”

“Can I buy you a dinner then?”

“Gusto mo akong i-date?” Ang bilis, ha.

Ngumiti ito. “Kung `yan ang tawag mo, then it would be a date.”

“I don’t wanna date, Caleb. Sorry,” prangkang sabi ni Savannah.

Parang nilubugan ng mainit na araw sa Miami ang guwapong mukha ni Caleb.

“Ayoko lang ma-involve, you know? But that doesn’t mean that I can’t go out with you, basta huwag lang date. Wala akong kakilala dito. You can show me around here if you want.”

Muling umaliwalas ang mukha nito. “That would be great.”

SEXY naman pala ako, sa loob-loob ni Savannah nang humarap siya sa full-length mirror pagkatapos isuot ang orange skimpy two-piece bikini. Napakaliit ng dalawang saplot, kakarampot lang ang natatabingan sa kanyang private parts.

Sa tingin niya, sexy nga ang impis niyang tiyan, mahahabang legs, at malalaking dibdib. Pero sa mga lalaki kaya? Ang sabi nga, may mga babaeng may perpektong katawan pero kulang sa sex appeal. Mayroon kaya siya niyon? May alindog din kaya siya?

Hindi sigurado si Savannah. Lahat ng mga lalaking nagkagusto sa kanya ay parang mas attracted sa talino at achievements niya. Hindi naman kasi siya dating palaayos at mga damit na matatawag na baduy ang mga suot niya noon.

But not anymore. She already overhauled herself and her closet. Noong isang araw, nagpunta si Savannah sa salon at ipina-blonde ombre at pinalagyan ng layers ang dating unat at lampas-balikat niyang buhok. Pinag-aralan din niya ang paglalagay ng tamang makeup sa tulong ng YouTube tutorials. Sa totoo lang, gusto pa niyang mag-experiment sa makeup at outfits. She wanted to wear bold, glittery, and colorful eyeshadows; mismatched clothes and shoes. Susubukan niya sa lalong madaling panahon.

Palabas na si Savannah sa likod ng beach house nang tumawag si Caleb. Nagyayaya itong lumabas pero sinabi niyang magsa-sunbathing siya.

“Can I just come over? I’ll bring Chinese foods for lunch,” sabi nito.

“Okay. I’ll be at the back of the house.”

Isang linggo nang panay ang labas niya kasama si Caleb. Ipinasyal siya nito sa loob at labas ng Miami, sa tulong ng lalaki ay na-overcome niya ang kanyang fear of heights and speed. Hindi na siya takot sumakay sa mga roller coaster at iba pang nakakalulang rides. Hanggang sa umungot siya rito na sa mga club naman siya dalhin.

Sa loob ng maikling panahon, marami na ring natikmang klase ng alak at cocktail drinks si Savannah. And yes, she had also smoked weed. Gusto rin niyang subukan ang ecstasy pero ayaw siyang payagan ni Caleb.

Nakadapa si Savannah sa lounge chair sa buhanginan nang dumating ang lalaki. Ipinatong nito ang mga dalang pagkain at inumin sa folding table na katabi niya. Umisod siya para magkaroon ito ng espasyong mauupuan sa kanyang tabi.

“Can you rub my back with this, please?” pakiusap niya, saka iniabot dito ang bote ng sunscreen lotion.

Tahimik namang sumunod si Caleb. Napasinghap siya sa unang paglapat ng mga palad nito sa kanyang likod. Parang ekspertong nagpahid ito ng sunscreen doon, minasahe pa siya.

“You’ve done this a lot, haven’t you?” tukso ni Savannah.

Tumawa lang ang lalaki.

“Are you dating someone right now, Cal?” interesadong tanong niya nang matapos ito sa ginagawa.

“No. Not right now.”

“So, ako lang ang babaeng kasa-kasama mo lately?”

“You can say that.

“Did you have a girlfriend before?”

Tumawa uli si Caleb. “Bakit mo ba ako ini-interview?”

“Ngayon lang kasi tayo nakakapag-usap nang matino. Kapag lumalabas tayo, nasa maiingay tayong lugar o kaya, nakasakay tayo sa mga rides sa mga parks.”

“`Tapos kapag magkasama naman tayo sa kotse, palagi kang tulog.”

“So, how’s your love life?”

Nonchalant itong sumagot. “I had a wife once. We divorced six years ago.”

“Oh. What happened?”

Nagkibit-balikat si Caleb. “Didn’t work between us.”

“Pagkatapos? Nakailang girlfriend ka na since then?”

“I’ve never really had serious relationships after my failed marriage. How about you? Hindi mo pa sinasabi sa akin ang dahilan kung bakit ka nandito sa US.”

Ngumiti si Savannah dahil sinasadya ng lalaki na magsalita ng Tagalog kapag kausap siya. Ayon dito, pure American ang paternal grandfather nito na nakapag-asawa ng Pinay. Purong Pinay din ang nanay nito. Ipinanganak at lumaki si Caleb Robert Evans sa Estados Unidos sa pamilyang may negosyong stock brokerage at car dealership.

“Nagpapalipas ng sama ng loob. `Yong ex-boyfriend ko, asawa na ng kakambal ko,” kuwento niya.

“Whoa!”

“Yup.”

“What happened?”

“Oh, they fucked one night, and `yon, napilitang pakasalan ng gago ang traidor kong kapatid.”

Natatawa si Savannah sa sarili dahil sa mga mura na parang napakadali na lang niyang nasasabi. Baka pagmumugin siya ng holy water ng kanyang ina kapag narinig siya.

“You didn’t fight for him?”

Natigilan siya saglit sa sinabi ni Caleb, kapagkuwan ay umiling. “What for? Nagtaksil na siya sa akin. Saka ano na lang ang sasabihin ng ibang tao, `di ba? Alam mo naman sa Pilipinas, maraming tsismosa.”

“Well, he doesn’t deserve you anyway.”

“Ganyan na nga lang ang iniisip ko. Pampalubag-loob, para hindi na masyadong masakit.” Bumangon si Savannah at umupo. “Can we not talk about our sad life anymore?” Tumawa siya nang pilit. “Nandito ako ngayon para mag-enjoy, para gawin ang mga bagay na hindi ko ginagawa dati.”

“So you’re saying you haven’t partied and drank and smoked?”

“Nope. But hey, it’s not too late to try them all, right?” Nagsindi ng sigarilyo si Savannah at tumayo na. Nakadalawang hithit muna siya bago nagsalita. “Cal, can I ask you another question?”

“Sure.” Si Caleb naman ang humiga sa lounge chair, ginawang unan ang isang braso.

“Do you think I’m sexy?” Inilagay niya ang isang kamay sa baywang at bahagyang inindayog ang katawan.

Caleb chuckled. “Anong klaseng tanong `yan? Of course you’re sexy.”

“By sexy… you mean, I actually have sex appeal?”

“What exactly do you mean?” parang naguguluhang tanong nito, nagugulat sigurong pina-prangka niya ito sa ganoong bagay, o baka iniisip ng lalaki na nagbibiro lang siya.

Dineretso na ni Savannah si Caleb. “Do I look like a fuckable kind of woman? Do I turn you on right now?”

Nabahiran ng pagkailang ang ngiti ng lalaki. “Do you want me to tell the truth?”

“Uh-huh.” Hinilot niya ang sariling batok.

“You’re still seductive even with your full clothes on, Savannah.”

“Really?”

Walang babala na dahan-dahang kumandong si Savannah kay Caleb. Hinithit pa niya nang isang beses ang sigarilyo bago iyon idinutdot sa ashtray sa mesa.

“So, you’re saying that you are being seduced by me?” tanong niya habang pinapadaan ang hintuturo sa bibig ng lalaki pababa sa baba. “What about now? Pinag-iinit ba kita ngayon, hmm?”

Nakakatawa. Siya yata ang mas naaapektuhan sa ginagawang panlalandi kay Caleb. Gusto niya ang pagkakadikit ng kanilang mga katawan. May parang nag-iinit sa kanya. Oh, gosh. Was she being aroused?

“Yes,” he almost whispered. Damn, his neck was so sexy when he swallowed.

“Hindi mo pa sinagot `yong isang tanong ko. Do I look fuckable?”

Naisip uli ni Savannah ang ina. Baka kaladkarin siya nito sa Roma at ipa-bless sa mismong Santo Papa. But, nah. She wouldn’t listen to her parents anymore. She would run her life the way she wanted to. And so far, being away from them was giving her liberty and thrill.

Inilapit niya ang mga labi sa bibig ni Caleb. She teasingly brushed her lips over his.

Savannah didn’t know she could ever do that. Kaya rin pala niyang manlandi. Kung sana naging ganoon kalakas ang loob niya kay Ramius, baka…

Shit. Kailangan na niyang kalimutan ang lalaking iyon. Kasal na si Ramius sa kanyang kapatid. Bayaw na niya ito. It was time she moved on. Kaya nga siya nasa kabilang panig ng daigdig, hindi ba?

Forget everything. Move the fuck on.

“Don’t,” babala ni Caleb.

“Why?” Ang dila niya ang sunod na pinagalaw ni Savannah sa mga labi ng lalaki.

Oooh, she was enjoying this! May kakayahan naman pala siyang manlandi at manukso.

Caleb grinned. “Baka hindi mo mapanindigan.”

Siya naman ang naghamon. “Try me.”

Hinawakan ni Caleb ang likod ng kanyang ulo at siniil siya ng halik sa bibig. Napamura sa isip si Savannah, nanlaki ang mga mata sa klase ng paghalik sa kanya ng lalaki. Caleb was… Oh, God. He was fucking her mouth! Naglalabas-masok ang dila nito sa kanyang bibig pagkatapos galugarin ang bawat sulok niyon.

Narinig niya ang sariling umungol sa loob ng bibig nito, dumaing. She had never heard that noise from herself before. It sounded so sexy, so erotic. Totoo pala iyong mga ungol na napanood niya sa porn videos. Yes, porn talaga. Dati ay hindi siya nangangahas manood ng ganoon, kung curious man siya sa sex noon, mga softcore erotic videos lang ang pinapanood niya.

Savannah started to feel lightheaded. At nang damhin ni Caleb ang kanyang mga dibdib ay nailiyad niya nang kusa ang katawan. Pero tumigil sa paggalaw ang kamay nito sa kanyang suso, parang nagpigil na. She was panting when he let go of her mouth.

“Kain na tayo,” nakangising sabi ng lalaki.

Sinuntok niya ito sa dibdib. “You tease!” Umalis siya sa kandungan ni Caleb at noon niya napansing parang lumalaki ang bukol sa pagitan ng mga hita nito. “Gosh, you’re having a boner!” kantiyaw niya.

Humalakhak ang lalaki. “Well, what can I say? I just kissed a very hot woman.” Tumayo na ito at lumapit sa mga pagkain.

Napaisip tuloy si Savannah kung halik lang ba talaga ang gustong gawin ni Caleb sa kanya. She wanted to ask him but she stopped herself. Handa na ba siyang makipagtalik uli? Her first experience was epic fail; hindi sila nasiyahan pareho ng nakasiping. Baka hindi rin masiyahan sa kanya si Caleb. But, why not find it out?