L ost
Present day...
NAGULAT si Savannah sa narinig mula kay Caleb. Nasa harap sila ng bahay ng mag-live in partners na swingers kung saan nag-back out siya sa pakikipag-sex nang hindi ito ang kapareha.
And, wait. Wala raw ibang babaeng ginalaw si Caleb mula nang una silang mag-sex? Binobola ba siya nito dahil lang sinabi niyang gusto niyang maging exclusive sex partners na sila?
“You don’t believe me?” malapad ang ngiting tanong ni Caleb.
“But, why?” tanong niya.
Nagkibit-balikat lang ang lalaki.
“B-but… Marami ka nang ibang naka-sex, `tapos member ka pa ng orgy club—”
“Hindi na rin ako nagpupunta doon. I was so happy when you decided to have sex with me and because of that, I just thought I’d be exclusively yours, Savannah.”
Kaya ba napilitan lang itong pumayag sa kagustuhan niyang subukan ang swinging?
Ilang sandali uli siyang natameme bago nakaisip ng sasabihin. “K-kahit hindi ko hiningi iyon?”
Lihim na namura ni Savannah ang sarili nang makaramdam ng kilig sa narinig. Shit talaga ang kilig na iyon, ang huling beses na nakaramdam siya ng ganoon ay sa fiancé niya, pero nagtaksil naman ito sa kanya. Kaya may stigma na ang kilig sa kanya. That, and, everything about romance crap.
“Bakit ko pa hihintaying hingin mo? Besides, I have a gut feeling na ayaw mo akong gumalaw ng iba habang nagse-sex tayo.” He snickered. “Kaya ang sama ng tingin mo sa amin ni Lexie kanina.”
She pouted. “You bet!” pag-amin niya.
Ayaw na niyang mag-deny. Nainis talaga siya kaninang tumatrabaho si Caleb ng ibang babae sa kanyang harap. Ang gusto niya ay kanya lang ito; na siya lang ang pinapaligaya ng lalaki.
“Wala nang bawian, ha?” paalala ni Caleb, sabay hapit sa kanyang baywang. “Exclusive na tayo,” masayang-masayang sabi nito na parang isang manliligaw na sinagot ng babaeng nililigawan.
Hinalikan nito ang kanyang noo, saka siya pinaangkas sa Ducati. Ni hindi niya nilingon ang bahay nina Nathan at Lexie paglabas nila sa bakuran niyon. Hindi na siya babalik pa roon.
So, Savannah became wild, but not that wild. Hindi niya pala kaya ang foursome at makipagpalitan ng sex partners. Ayaw naman niyang i-judge ang mga taong nasisiyahan sa ganoong gawain. A few months ago, she would probably frown upon them, pero nag-iba na ang pananaw niya sa buhay—naging mas bukas na ang isip niya. But still, she knew that group sex wouldn’t really be her thing.
Hindi niya rin kayang makipag-sex sa ibang lalaki, hindi pala ganoon kadaling gawin iyon. Hindi siya nag-init kahit katiting sa pagromansa ni Nathan sa kanya kanina. Si Caleb lang ang gusto niyang sumasamba sa kanyang katawan, ang kapalitan niya ng init. Sa lalaki lang siya nasasarapan at walang inhibisyon sa pakikipag-sex.
So, Savannah couldn’t be a “fuck girl”—or whatever they called sluts nowadays. Medyo dismayado tuloy siya at hindi niya maisagad ang pagwawala. She wanted to call herself lame, pero ayaw na niyang puwersahin pa ang sariling gumawa ng mga bagay na hindi niya talaga gusto.
But, she could still be wild in other ways, right?
“WHAT do you mean you forgot?” naiinis na tanong ni Savannah kay Caleb nang tumawag siya rito isang hapong hindi dumating ang lalaki sa beach house sa usapan nila.
“I really forgot about it, akala ko bukas pa. Nagkasabay pala sa lakad ko ngayon,” apologetic namang sagot nito.
“Just come here already.”
“I’m on my way.”
Isang oras pa ang lumipas bago nakarating si Caleb. Nawala naman agad ang inis niya sa tamis ng ngiti nito. At bakit may dala itong mga bulaklak?
“Why are you giving me flowers?” sita ni Savannah sa lalaki na nagkamot ng batok nang hindi niya tanggapin ang isang dosenang rosas.
Pink roses. Bumalik sa isip ni Savannah ang unang beses na nakatanggap siya ng pink roses mula sa isang lalaki. Mula iyon kay Ramius, noong unang beses silang nagkita sa birthday ng kanyang papa. Tuwang-tuwa siya noon dahil paborito niya ang pink roses. She even thought of it as a sign that maybe Ramius was the right one for her.
“Well, I just want to give you flowers. Sue me,” pabiro namang banat ni Caleb.
Umirap siya. “Peace offering?”
“Puwede rin.” Kumindat ang lalaki. “Puwede ring nilalambing lang kita.”
“Malinaw ang usapan natin, ha? Exclusive fuck buddies lang tayo. Hindi kita boyfriend.”
“I know that. May nadaanan lang akong flower shop kanina at naalala kita. And, look who’s talking. Ikaw `tong parang girlfriend kung mag-nag kanina,” biro ni Caleb, saka bumuntong-hininga nang ayaw niya pa ring tanggapin ang mga bulaklak. “Fine,” mahinang bulong nito at inihagis iyon sa sofa, mukhang masama ang loob.
Padarag na dinampot ni Savannah ang mga rosas at inamoy. “Oo na, thank you na,” aniya. Na-appreciate naman talaga niya ang sweetness ng lalaki, iniiwasan lang niyang kiligin.
Lumapit si Caleb sa kanya. “Sorry, I’m late,” malambing na sabi nito, sabay yakap sa kanya mula sa likuran.
“Saan ka ba nagpunta kanina?”
Humalik ito sa naka-expose niyang batok mula sa naka-clamp niyang buhok.
“Si Mommy, ipinatawag ako. Gusto raw akong makita.”
“Hmn, really?”
Leeg niya ang sunod na hinalikan ni Caleb. Ang kamay nitong nasa tiyan niya ay tumaas sa kanyang dibdib na nakabakat sa black tank top. “I’m not lying. I haven’t seen her in a while and she’s not feeling well. Importanteng makita ko siya.”
Siniko niya ang lalaki. Natatawa siya at nag-e-enjoy sa pagpapakipot dito. “Idinadaan mo sa panse-seduce ang sorry mo, ha?” pagtataray pa rin niya.
Caleb started kneading her boob. “Hindi ka kasi madaan sa lambing.”
Savannah groaned when he nibbled her bare shoulder. Napakadali talaga niyang nadadarang ng lalaking ito.
“Is it too late now to say sorry? `Cause I’m missing more than just your body,” madamdamin pa nitong sabi.
Tumawa siya. “Loko ka, wala kang originality. Kay Justin Bieber `yan.”
Tumawa rin ito. “Sorry, babe, I’m just desperate. Ayokong nagagalit ka sa akin. Sumasama rin ang loob ko.”
Ibinalik ni Savannah sa sofa ang bouquet at hinarap si Caleb. Siniil naman agad siya ng halik nito. He had been kissing her differently these past days. Mainit pero matamis, parang nang-aakit pero naglalambing din. Mapusok pero suwabe. At mayroon pa siyang ibang nararamdaman…
“Mmm…” she moaned in her throat.
Caleb pushed his hand inside her pink gym shorts and scooped one mound of her tush. She lustfully grounded her hips against his groin. Hindi na nila kailangan pang sabihin ang pangangailangan nila sa isa’t isa. Hinayaan nilang ang kanilang mga katawan ang magdikta ng mangyayari.
“Savannah…”
The way he called out her name. Napakasuwabe, puno ng pangangailangan at lambing.
Mayamaya pa ay nasa sahig na sila at parehong nakahubad. Yakap-yakap ni Caleb ang isa niyang binti habang nakaluhod sa sahig, suwabeng umuulos sa kanya. At hayun na naman si Savannah sa weird na pag-ingay—na parang nasasaktan, umiiyak, at nasasarapan at the same time.
Para siyang namamamatay sa luwalhati.
Pumaibabaw na ang lalaki sa kanya nang sabihin niyang malapit na siyang labasan. Halos mapipi siya sa intensidad at bilis ng mga pagbayo nito. Nang sabay silang umakyat sa sukdulan ay siniil siya ni Caleb ng halik at naghalo ang kanilang mga impit na sigaw. Coming together with him was always her best orgasms. Iyong pag-iisa ng kanilang mga katawan, iyong magkasama silang aangat at aabot sa luwalhati. There was just something so magical about it. Ayaw niyang maging poetic ang pakiramdam ng sex, pero hindi maitatangging ganoon ang nararanasan niya.
They were both gasping for air when their mouths parted. They were spent and happy.
“God, that was good,” humihingal na sabi ni Savannah. “Thank you.”
Gumalaw si Caleb at nagpailalim sa kanya. Magkaugnay pa rin ang kanilang mga katawan nang magtitigan sila. Masuyo nitong hinaplos ang kanyang pisngi habang may masuyo ring ngiti sa mga labi.
“Stop doing that,” mahinang saway niya.
“Doing what?”
Pabiro siyang umirap. “`Yang mga paglalambing mo.”
“You don’t like it?”
Ayaw niyang magsinungaling. “Gusto ko.”
“Iyon naman pala. Bakit ko ititigil kung gusto mo naman?”
“Baka masanay ako.”
Lumapad ang ngiti ni Caleb, nangislap ang mga mata. Naalala tuloy ni Savannah ang una nilang pagkikita. Ganoon din ang klase ng ngiti nito sa kanya noon. “Eh, di masanay ka na.”
“We’re not gonna do this forever, Caleb,” paalala niya.
“Pero puwede naman nating i-enjoy habang nandito pa tayo.”
Napangiti na si Savannah at inilapit ang mukha sa mukha ng lalaki. She nuzzled her nose against his ear, sniffing his hair. He smelled really good, even under the blazing Florida sun.
“Take me out for dinner,” paglalambing niya, saka sumubsob sa leeg nito. “Please.”
Hinaplos ni Caleb ang kanyang buhok. “Anything for my princess.”
Kinurot niya ang dibdib nito. “I’m not a princess, sabi, eh! Stop saying that.”
TAMA nga ang hinala si Caleb—madalas siyang yayain ni Savannah sa partikular na club na iyon dahil sa isang dahilan—doon ito nakakakuha ng ecstasy. Nahuli niya ang babae na may kausap na seller sa hallway nang sumunod siya pagkatapos nitong magpaalam na magbabanyo.
“I knew you’ve been using ecstasy lately,” panghuhuli niya nang magkasalubong sila.
Inirapan siya ni Savannah. “Oh, come on, Cal. Gumamit ka rin ng ganito noon, `di ba?”
“Oo. At sinabi ko sa `yo kung ano’ng nangyari pagkatapos. Don’t go that same path, Savannah.”
Nagsisisi si Caleb kung bakit niya hinayaan ang babae sa mga gusto nitong gawin. Pero maaawat ba naman niya ito? Masyadong matigas ang ulo ni Savannah, hindi nagpapakontrol. He could just leave her the fuck alone but he couldn’t do it.
Inilahad niya ang kanang kamay. “Give them to me,” utos niya.
“No way!” matigas namang tanggi nito na inilagay pa sa likod ang hawak na evening purse.
“Stop doing this,” mariing pakiusap ni Caleb.
“I won’t get addicted,” labas sa butas ng ilong na katwiran ng babae.
“Right.”
“I’m just trying,” giit pa nito. “Kailan ka pa naging killjoy?”
“Let’s go home. Ayoko nang uminom, magmamaneho pa ako,” sabi na lang niya sa matigas na boses.
Nagdabog na parang bata si Savannah. “You’re so lame talaga! Wala pa tayong dalawang oras dito!”
“I don’t like this place. Nakuha mo na ang gusto mo dito kaya puwede na tayong umuwi.”
Nang hindi pa rin tuminag sa kinatatayuan si Savannah ay hinila niya ito sa braso at pilit hinila palabas ng club.
“Fine, fine!” singhal nito sa kanya nang malapit na sila sa pintuan. “Basta ako’ng magmamaneho ng Ducati. Remember, you told me the other day.”
“All right.”
Padarag na binawi ng babae ang braso, saka nagpatiunang maglakad palapit sa Ducati. Ipinahawak nito sa kanya ang dalang evening bag, saka inililis ang suot na miniskirt bago sumakay. Hindi pa siya nakakaayos ng upo sa likuran ay pinaharurot na ni Savannah ang Ducati.
“What the fuck?” bulyaw niya nang muntik na siyang mahulog.
Tumawa ang babae at lalo pang pinabilis ang takbo ng motorsiklo. Shit. May tama ito ng ecstasy.
“Stop,” utos niya. Nilakasan niya ang boses nang hindi ito makinig. “Pull over, Savannah!”
Pero parang wala na sa sarili si Savannah; nag-lane change pa ito bigla kaya muntik silang mahagip ng Sedan na siningitan nito. Binusinahan sila nang malakas ng driver na binigyan ng babae ng dirty finger pagkatapos, dahilan para umekis sila sa kalsada dahil nawalan ito ng kontrol sa manibela.
Hindi basta-basta natatakot si Caleb. Matagal na niyang nakontrol ang takot at pagbuhos ng emosyon; pero ngayon ay natatakot at natataranta siya na hindi niya mapigilan. Hindi para sa kanyang sarili kundi para kay Savannah na parang wala na sa katinuan.
“Savannah! Are you fucking insane?!” singhal niya nang lampasan nito ang isang mabilis na sportscar.
Inilagay ni Caleb sa pagitan ng mga hita ang purse ng babae at pilit inabot ang handlebars ng Ducati.
“Magpumiglas ka at mababangga tayo, mapipipi tayo sa kalsada at hindi makikilala ang mga bangkay natin,” pananakot na niya nang parang ayaw nitong ipaubaya sa kanya ang handlebars.
“Fuck you!” mura ni Savannah.
“You told me before that you didn’t want me to get hurt,” paalala niya. “Do you still remember that?”
Malakas na napa-“Argh!” ang babae at hinayaan na siyang magkontrol sa motorsiklo hanggang sa ihinto niya iyon sa gilid ng kalsada.
“You are not going to drive this ever again!” galit na singhal ni Caleb nang makababa sila ng Ducati.
Dinuro naman siya ni Savannah sa mukha. “Who the fuck are you to tell me what to do? Hindi kita kaano-ano, Caleb. Nagse-sex lang tayo, tandaan mo `yan!”
Hindi na niya napigilan ang babae nang pumara ito ng taxi at walang-lingon-likod siyang iniwan sa tabi ng kalsada.
Hindi alam ni Caleb kung bakit, pero pakiramdam niya ay may humiwang kutsilyo sa dibdib niya dahil sa sinabi ni Savannah.