B roken
A few months ago...
YAKAP-YAKAP si Savannah ni Ramius habang umiiyak siya. Katatapos lang niyang makipag-away kay Scarlett at nananakit pa ang katawan niya dahil sa pag-aaway nilang magkapatid. Her bitch of a twin sister had stolen her boyfriend. Nagtagumpay ito sa pagpikot kay Ramius at napilitan ang lalaking pakasalan ito.
Isang buwan na ba ang lumipas? Hindi niya alam. Halos wala na siyang namamalayan sa paligid mula nang mangyari ang pagtataksil nina Ramius at Scarlett.
Nanahimik at lumayo si Savannah sa lahat ng kilala niya. Itinigil niya ang pakikipag-communicate sa mga kaibigan at kakilala dahil pakiramdam niya, dalawa lang ang nararamdaman ng mga ito ngayon: kinakaawaan siya o pinagtatawanan. Or maybe a little of both.
Kumawala si Savannah mula sa mga bisig ni Ramius. Hindi na kanya ang lalaking ito, nagpaagaw na ito sa iba. Hindi na dapat siya niyayakap nito.
“Go away, Ramius,” matigas niyang sabi.
“Savannah… I’m so sorry—”
“Kahit ilang libong beses ka pang mag-sorry sa akin, hindi mo na mababawi ang lahat ng nangyari,” pagmamatigas niya, nakakuyom ang mga kamay na kanina lang ay nanakit sa kanyang kakambal at sumampal din kay Ramius.
Savannah didn’t know she could fight like that. She didn’t know she could scream bad words as well. Kung nasaksihan lang siguro ng mga magulang ang naging pag-aaway nila ni Scarlett kanina ay baka ipa-exorcise siya ng mga ito. For the first time in her life, she didn’t think, she didn’t plan. She just attacked.
She was Savannah De Villa—a gentle, pleasant, intelligent and classy accountant. Siya ang responsableng anak nina Teodoro at Faith na katuwang ng mga ito sa pagpapatakbo ng De Villa Legacy, ang kanilang food company na naka-merge na ngayon sa kompanya ng pamilya ni Ramius. Siya ang paboritong anak at apo; ang kinakaibigan ng marami, ang babaeng pinapangarap ng bawat lalaki.
Pero hayun siya ngayon, isang talunan.
“Lumayo ka sa akin at huwag na tayong magkita,” mariing utos ni Savannah kay Ramius. Lumabas siya mula sa kanyang opisina at mabilis na naglakad sa hallway. Isang babaeng empleyado na parang kanina pa nakikiusyoso sa kaguluhan ang nakita niya.
“What the fuck are you looking at? Get back to your work. Tapos na ang palabas!” sigaw ni Savannah. Mabilis namang umalis ang babae.
Alam niyang nagulantang ang empleyado sa pagsigaw niya. Kilala kasi siya sa opisina na hindi nagtataas ng boses. Pero wala na siyang pakialam kahit itsismis pa siyang sinapian ng demonyo.
Huminga nang malalim si Savannah nang marating na ang elavator. Aaminin niyang kahit paano ay nabawasan ang bigat ng kanyang pakiramdam nang awayin niya si Scarlett kanina. Hindi na siya basta umiyak na lang gaya ng ginawa niya noong sariwa pa ang pantatraidor nito sa kanya. Sinigawan at minura ni Savannah ang kakambal; sinampal, hinampas, at kinalmot. Too bad she never grew her nails long. Fuck.
Yeah, fuck. Nagulat pa ang gagang Scarlett nang marinig na kaya pala niyang magbitaw ng F bomb. Hindi nito alam na kapag lihim siyang naiinis ay napapamura din siya sa isip.
Savannah was never close to Scarlett. Marami silang hindi napagkakasunduan mula pa noon kaya hindi sila nagkaroon ng bonding bilang magkapatid. Magkamukha man sila, magkasalungat naman sila sa lahat ng bagay—pananamit, mga hilig, lalo na sa ugali. Pero hindi nila kinamumuhian ang isa’t isa; ang totoo, hindi nga sila nag-aaway, mga minsang pagtatalo lang na lagi niyang pinapalampas dahil ayaw ng mga magulang nila na nakikipag-away siya sa kahit na kanino. But for God’s sake, ibang usapan na pala kapag ang lalaking pakakasalan niya ang inagaw.
Ayaw ilabas ni Savannah ang anumang madilim na bahagi ng kanyang pagkatao dahil sa pangambang masisira ang iniingatan niyang reputasyon—na iniatang sa kanya ng mga magulang mula bata pa siya. She didn’t complain. Why would she? Mas gugustuhin ba niyang maging katulad ni Scarlett na walang malinaw na direksiyon ang buhay? Kabi-kabila ang lalaking nai-date, at pati lalaking may-asawa ay pinatulan? No, she wanted to walk on the right side of the road. Masaya siya roon, ligtas, kontento. Until now…
What went wrong? Bakit kailangang mangyari iyon sa kanya? Siya na nag-isip, nag-ingat, nagplano, at naghintay? Bakit naagawan siya ng lalaking minamahal?
It was not fair. She didn’t deserve this.
Sa shopping mall dumeretso si Savannah at bumili siya ng pagkarami-raming damit, sapatos, accessories, at makeup. Pinili niya ang mga disenyong hindi kinahihiligan dati. Bumili pa siya ng denim pants na tastas ang magkabilang tuhod at red stilletos.
Tahimik siyang humarap sa mga magulang sa hapag-kainan bago tumuloy sa kuwarto. Nag-shower siya at nagbihis ng damit-pang-alis. Wearing a little black dress with a tube top, she went to a club. At hindi iyon ang unang beses na mag-isa siyang pumasok sa maingay, madilim, at amoy-alak na club.
Isang linggo pagkatapos ng pagtataksil nina Ramius at Scarlett sa kanya ay lumabas si Savannah nang mag-isa. Mukha pa siyang tanga noon dahil nakadamit-pang-opisina pa siya. Nang gabing iyon, nagpaalam siya sa mga magulang na mag-o-overtime sa trabaho pero hindi iyon ang nangyari. She drove around the city and pigged out in two restaurants. Napakarami niyang in-order na pagkain na natural ay hindi naubos.
Ipinabalot ni Savannah ang mga iyon at ipinamigay sa mga batang namamalimos sa kalye. She was told by her parents not to give anything to beggars but she was already sick and tired of listening to them and being told of what to do. Gusto na niyang mag-isip at magpasya para sa sarili. At nang mabagot sa kakamaneho nang gabing iyon at may nadaanang club ay nagpasya siyang pumasok doon.
“ Allergic sa clubs ” ang bansag ni Scarlett kay Savannah dahil ayaw na ayaw niyang pumapasok sa ganoong klaseng lugar. Ayaw niya ng ingay, hindi siya nagsasayaw, at lalong hindi rin siya mahilig sa alak. Mabibilang sa mga daliri ang mga pagkakataong nagpunta siya sa club kasama ang mga kaibigan o pamilya.
Sa bar counter agad dumeretso si Savannah at um-order ng Adios Motherfucker na mabilis na inubos, pagkatapos ay Zombie naman ang hiningi niya sa bartender.
Gusto niyang sipain ang sarili dahil dalawang cocktail drink pa lang ang naiinom ay may tama na siya. Ganoon ba kababa ang alcohol tolerance niya o sadyang matatapang ang cocktail na magkasunod at mabilis niyang ininom?
Long Island Iced Tea ang iniinom ni Savannah nang may lalaking tumabi ng upo sa kanya. Narinig niyang um-order ito ng Rusty Nail. May isang minuto na silang magkatabi nang maramdaman niyang panay ang sulyap nito sa kanya. In fairness, she could sniff his fresh and crisp cologne, and it didn’t smell cheap. Must be Bvlgari or Giorgio Armani.
Nang muling sumulyap sa kanya ang lalaki ay lakas-loob niyang sinalubong ang tingin nito. Medyo nagulat pa si Savannah nang matuklasang guwapo pala ito. He looked like a young professional, maybe a dentist or a marketing executive. Mukha rin itong harmless at disente. Hindi siya ang taong nagtitiwala agad sa iba, pero wala siyang madamang hindi maganda sa lalaking katabi.
“Hi,” nakangiting bati nito.
“Hello,” mahinang ganting-bati ni Savannah, saka ibinalik ang atensiyon sa iniinom.
“I’m Danson,” pagpapakilala ng lalaki na interesado yata talaga sa kanya. Nakita niyang iniaabot nito ang kamay sa kanya, gustong makipag-handshake.
“Sav—” Itinigil niya ang pagsasabi ng pangalan.
“Sav. Nice name,” sabi naman ni Danson.
Gustong supladahan ni Savannah ang lalaki pero iba ang nanaig sa kanya nang mga sandaling iyon. Dahil siguro sa epekto ng alak, o ng kanyang sama ng loob.
Hinarap niya ang katabi. “Danson.”
“Yes?”
“You wanna get out of here?”
WHAT are you doing?! nagpa-panic na sigaw kay Savannah ng isang bahagi ng kanyang utak. Nasa isang hotel room siya ngayon, kasama ni Danson.
Are you out of your freaking mind?! Savannah De Villa, put your stupid dress back on and get the hell out of here. Fast. Now!
Hindi na pinakinggan ni Savannah ang inner voice. Sawa na siyang mag-isip. In fact, all her life, iyon lang ang tanging ginawa niya, ang mag-isip. Ang pag-isipang mabuti ang pananalita, ang pakikitungo sa ibang tao, ang kinabukasan niya. Well, now she would shut down her damn brains.
She was with a good-looking guy tonight and she was going to get laid. Yep, she will get laid for the very first time in her twenty-six years of existence.
Sex ang hindi naibigay ni Savannah kay Ramius. Sex din ang ginamit na pangpikot ni Scarlett dito. Ang putang-inang sex na isine-save sana niya sa gabi ng kanilang honeymoon.
Putang-ina. Gosh, she never thought that using bad word could have a liberating effect.
“Sav…” anas ni Danson habang hinahalikan ang kanyang leeg. Ang isang kamay nito ay pumaikot sa katawan niya para hagilapin ang hook ng kanyang strapless bra.
Savannah’s virgin breasts bounced when they were freed. Napakagat-labi siya nang halikan ni Danson ang mga tuktok ng mga iyon. Ang isang kamay nito ay bumaba sa kanyang puson. Pababa pa…
Napasinghap siya nang damhin ng lalaki ang pinakaiingatan niyang bahagi ng katawan.
Should she stop? May pagkakataon pa. Hindi pa naman siya naa-arouse.
But, damn it! Nandoon na siya. Siya ang nag-initiate na may mangyaring seksuwal sa pagitan nila ni Danson ngayong gabi. She wouldn’t chicken out. Sawa na siyang tinatawag na killjoy ni Scarlett. She knew how to have fun, too, right?
Tonight, Savannah would get rid of her virginity to a stranger. And there would be no turning back. Sex lang iyon at hindi ilegal na bagay.
“Sav, wait,” awat ni Danson nang pumatong siya rito. Siya rin ang nagpumilit na magsuot na ito ng condom. “You’re not ready—”
“Aaah!” malakas na sigaw ni Savannah nang puwersahan niyang ibaon ang katawan sa pagkalalaki ni Danson. “Fuck!” mura niya, saka napapikit nang mariin. It hurt like a son of a bitch!
Nanlaki ang mga mata ng lalaki sa natuklasan. “What the— Jesus Christ. You’re a virgin!” nagulat, nagpa-panic, at parang nagi-guilty na bulalas nito.
“ Was a virgin,” pagtatama naman ni Savannah, nakangiwi, may luha ang mga mata.
Shit. Did it really hurt like this? Pakiramdam niya, sinaksak siya sa pagitan ng mga hita. Argh, but of course she was speared right in there. Ipinasok niya lang naman doon ang mahabang ari ni Danson!
Nang subukang gumalaw ni Savannah ay lalong tumindi ang sakit na nararamdaman niya. She whimpered in pain, holding her breath.
“Stop,” sabi ni Danson.
“W-what?”
“I said stop. Please, you’re in pain. I’m not going to hurt you anymore.”
“P-pero… Hindi pa tayo tapos. Hindi ka pa…” Nakuha pa niyang mag-isip ng tamang sasabihin. “Hindi ka pa nagka-come.”
“It’s okay.” Hinawakan siya ni Danson sa baywang at maingat na iniangat.
Muling napadaing sa sakit si Savannah, hanggang sa sinapupunan yata niya ang nararamdamang hapdi.
Lalong nataranta si Danson. “God, you’re bleeding!”
There goes my cherry. “I’m okay, I’m okay,” giit niya kahit hindi naman talaga okay ang pakiramdam niya. She just didn’t want to be a big baby.
Humiga si Savannah at pilit nag-relax. Nakaupo naman si Danson sa gilid ng kama, ang ari nitong naghuhumindig kanina lang ay unti-unti nang bumabalik sa normal na sukat.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” kastigo ng lalaki sa kanya pagkalipas ng ilang saglit na katahimikan.
Tumingala siya sa kisame. “Sorry you’ve got yourself an inexperienced woman tonight. Hindi ka tuloy nag-enjoy.”
“That’s not my point. I could have been careful and gentle to you. Ni hindi kita naihanda—”
“Don’t feel guilty, Danson, this is not your fault. Ginusto ko itong mangyari.” Tumayo si Savannah mula sa kama at pinulot ang mga damit sa sahig. “Tapos na ang lahat, hindi na ako virgin. Move on na tayo.”
Walang nagawa si Danson nang iwan niya ito sa hotel. Hindi rin niya sinabi ang buong pangalan kahit anong pangungulit nito sa kanya. Nag-taxi siya pabalik sa pinanggalingan nilang club para balikan ang kotseng iniwan sa parking lot niyon.
Halo-halo ang iniisip at nararamdaman ni Savannah habang nagmamaneho siya pauwi. May nararamdaman pa siyang natitirang tama ng alak. Higit sa lahat, nararamdaman pa niya ang hapdi sa kanyang pagkababae.
She was a fool. Ni hindi memorable ang unang experience niya sa sex dahil ang nasa isip lang niya ay ang kagustuhang idispatsa na ang virginity. She just wanted to get rid of it right there and then. Hindi pa pala basa ang kanyang ari dahil hindi siya nakapag-focus sa foreplay.
And poor Danson didn’t know what to do with her. Hindi pa siguro ito nakipagtalik sa isang birhen. Nagpapasalamat na lang siya na hindi umungot ang lalaki na ituloy nila ang pagse-sex pagkatapos nilang tumigil. Sa palagay niya, hindi na niya kakayaning magpatuloy pa sila dahil sa sakit na nararamdaman.
Naligo si Savannah pagkauwi. Gusto niyang umiyak, gusto niyang magwala dahil sa ginawang kapangasahan at katangahan pero pinigil niya ang sarili. Ginusto niya ang nangyari at hindi na niya maibabalik pa. Gaya ng sinabi niya kay Danson, move on na.
Ayaw na niyang umiyak. Ayaw na rin niyang makinig sa ibang tao. Gusto nang pakinggan ni Savannah ang sarili sa kung ano talaga ang gusto niya. At gagawin niya ang lahat, ang kahit ano. She wanted to pop her cherry, and so she did. At gusto niyang isipin kung ano pa ang gusto at kaya niyang gawin sa sarili. Pakakawalan niya ang lahat ng inhibisyon at logic na mayroon siya. She wanted to be free.
Kinaumagahan ay sumalo si Savannah sa mga magulang sa almusal. Sa gitna ng pagkain ay sinabi niya ang ilang araw na niyang binabalak gawin. “I want to take an indefinite leave from work. Gusto ko munang lumayo. I wanna go to Miami, sa beach house ni Tita Melody.”