noveltoon logo noveltoon
Marry Me

Special Chapter 2 : Gian

Ch. 37 / 38 Apr 09, 2022

"Oh diba masarap?" sabi ni Shane saken habang kumakain kami ng breakfast. Yung breakfast na ipinagmamalaki niyang siya ang nagluto.

Matapos kong malunok ang kinakain ko, sumagot ako. "Oo, masarap nga," tapos ngumiti ako sa kanya.

Mas ngumiti siya.

"Sabi ko sayo eh, masarap akong magluto!" pagmamalaki pa niya.

"Oo, masarap nga itong niluto mong scrambled egg," ulit ko.

Nakakatawa talaga siya. Akala ko talaga nung una kung anong klaseng breakfast na ang ipinagmamalaki niya sa akin , yun pala nagluto lang siya ng scrambled egg, bacon, hotdog and fried rice.

Pero syempre sobrang naappreciate ko lahat ng inihanda ni Shane, luto yata ng misis ko yun.

Kung hindi ko asawa itong nasa tabi ko ngayon, sigurado sobra na akong naconscious. Eh kasi naman kanina pa niya ako tinititigan.

"Kumain ka kaya?" alok ko sa kanya.

"Nah, mamaya. Ah Hubby, nasabi ko na ba sayo na ang cute mo, I mean, ang gwapo mo!"

Parang ngayon ko lang ata narinig kay Shane yung salitang ang gwapo ko daw. Marami naman talaga ang nagsasabi, pero mula kay Shane? Parang bago ata yun. Dati naman hindi siya vocal tungkol dun.

Teka, dala lang ata ito ng pagbubuntis niya ah?

"Talaga? Gwapo ako?" tinitigan ko din siya.

"Oo. Ang gwapo gwapo mo? Soooobra!" wagas yung ngiti niya habang sinasabi niya yun.

Para naman akong isang highschool na gustong kiligin. Parang ewan. Lalo akong nagpacute sa kanya at binanatan ng aking killer smile nang magsalita siya..

"PAKUROT??"

"Ang gwapo mo Hubby, pakurot ulit ako. Hindi na sa ilong sa pisngi na!" habol pa niya.

Gusto kong mapakamot sa ulo. Akala ko pa naman mas lalong nate-turn on sa akin si Shane sa pagpapacute ko, yun pala may binabalak. Pssh.

"Kumain ka na lang. Pagtitripan mo na naman ako," sabi ko. Nakakaasar.

"Isa lang ulit. Sige na. Please."

Patuloy lang ako sa pagkain.

"Hindi ako kakain kapag hindi ka nagpakurot!"

Aba't nanakot pa!

Hindi ko pinansin. Tapos hindi nga niya ginagalaw ang pagkain niya.

"Aish. Oo na. Oo na. Basta kumain ka na," sabi ko na lang. Buntis kasi eh. Psssh.

"Yey!" para talaga siyang bata.

**

"Magbihis ka na. Aalis tayo," utos sa akin ni Shane habang nanonood ako ng tv.

Wala naman kaming planong lakad ngayon ah? Pagtingin ko sa kanya, nakabihis na siya. Prepared. Kakatapos lang naming maglunch.

"Saan naman tayo pupunta? Ang init init Wifey. Dito na lang tayo sa bahay," sabi ko.

"Pupunta tayo sa mall," sabi niya.

"Ano namang bibilhin mo?" tanong ko.

"Kahit ano. Sige na, Hubby. Tara na. Tapos manood na din tayo ng movie," she suggested.

Sige na nga, pero magpapapilit muna ako. Lambingin niya muna ako.

"Huwag na. Dito na lang tayo sa bahay. Movie? May dvd's naman dyan, o kaya sa internet," tanggi ko.

Lumapit siya sa akin at naglambing. Ipinulupot niya ang kamay niya sa leeg ko. Hahaha. Eto na!

"Hubby naman. Mas masaya manood sa big screen," nilalapit pa niya mukha niya sa akin. Naaamoy ko na naman yung mabango niyang buhok at hininga.

"Eh big din naman ang screen sa kwarto ah," tumatanggi pa din ako.

Tinanggal niya ang kamay niya sa leeg niya at iniikot sa bewang ko tapos yung ulo niya nasa dibdib ko.

"Hubby naman. Pumayag ka na. Sige na," then she kissed me on my cheeks. Kung sa lips yung kiss na yun, papayag na agad ako. Haha.

Konting lambing pa. Ang sarap niya talagang asarin, at least ako pag inaasar ko siya ganito lang. Eh pag siya naman, grabe naman niya ako pagtripan.

"Next time na lang. Nanonood ako oh."

Lalambing pa yan.

Tiningnan niya ako. Galit na yung mata niya. Bigla siyang tumayo. Lagot!

"Huwag na! Magsama kayo ng t.v. mo!" singhal niya.

Hinawakan ko ang kamay niya, aalis na sana siya eh. Iniupo ko siya sa tabi ko. Nakayuko siya, pero kita ko nakakunot noo niya.

Niyakap ko siya at iniangat ang mukha.

"Wifey, huwag ka ng magtampo. Binibiro lang kita. Oo, pupunta tayo,"sabi ko sa kanya tapos hinalikan ko buhok niya.

WHAT THE??

I saw tears on her face. Bakit siya umiiyak?

Pinahid ko ang luha niya. Ganito ba talaga ang mga buntis? Nagiging iyakin? Napailing ako. Hindi. Muntik ko ng makalimutan. Iyakin nga pala talaga si Shane, sigurado nadagdagan ngayon ang pagkaiyakin niya.

"Wifey, huwag ka ng umiyak. Sorry na. Makakasama sa baby. Hindi ko naman gustong paiyakin ka. Binibiro lang talaga kita," pag-aalo ko sa kanya. Humihikbi siya ng mahina.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Hinawakan ko ang mukha niya gamit ang dalawa kong kamay. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at marahan ko siyang hinalikan sa labi.

"Stop crying. Aalis na tayo. Ok?"

"Ikaw kasi eh, ayaw ayaw mo pa," sabi niya sa nagtatampong tono, at hinampas ng mahina ang balikat ko.

Hinuli ko ang kamay niya at hinalikan ito.

"Sorry na, wag ka na magtampo ha?" I hug her again.

Tumango siya. Umalis na kami. Ang gusto ko lang naman ay magpalambing sa kanya, hindi ko akalain na iiyak siya sa pagbibiro kong yon. Syempre ayoko na umiiyak siya, aside from the fact na makakasama sa baby.

**

"Hubby! Ang cute o!" hawak hawak ni Shane ang dalawang damit na pangbaby. Andito kami ngayon sa Department Store.

Masaya akong nakikitang masaya siya. Nilapitan ko siya. Hawak niya pa rin yung dalawang damit.

"Pink and Yellow?" tanong ko.

"Oo. Ang cute diba? Bilhin na natin to."

"Wifey, what made you sure na babae ang magiging anak natin? Hindi ka pa naman nakakapagpa-ultrasound."

Hindi pa siya nakakapagpa-ultrasound kasi masyado pang maaga para makita ang gender ng bata. Ilang months pa lang kasi ang tiyan niya.

"Baby girl ang baby natin. Alam ko yun, coz I'm the mother. Ako ang nagdadala sa kanya, yun ang nararamdaman ko," paliwanag niya.

Ano yun, mother's instinct? Si Shane talaga.

"Hahaha. Joke lang! Eh gusto ko kasi baby girl eh," bawi niya.

Inakbayan ko siya. Ibinalik na niya yung mga damit pambata.

"Nood na tayo ng movie," sabi niya. Mabuti naman. Akala ko makikipagtalo pa siya saken tungkol sa damit at gender ng bata.

**

"Kaya nga, mula ngayon dapat habaan mo pa ang pasensya mo," payo sa akin ni Chad.

Ikinuwento ko sa kanila na mas nagiging iyakin si Shane at mas mabilis magtampo.

Magkakasama kami ngayon sa Cuddles, kakatapos lang naming tumugtog. Pauwi na nga sana ako pero sabi nila matagal na daw nila akong hindi nakakasama sa inuman mula ng magasawa ako, kaya pinagbigyan ko na sila.

"Ang dami mo namang alam sa pag-aasawa Chad. Umamin ka nga, siguro may asawa ka na noh? Hahaha!" pangaasar ni P.J. kay Chad.

"Sira! Ganun kasi ang Ate ko nung buntis siya sa pamangkin ko," depensa naman ni Chad.

"Kaw Matt? Kayo na ba ni ano.." tanong ni P.J. "..ano ngang pangalan nun?"

Sa sobrang dami ata ng babae nitong si P.J. hindi na maalala kung ano ang pangalan ng nililigawan ni Matt. Sabagay, eh kung yung sarili nga niyang mga babae, nakakalimutan niya mga pangalan, yung sa iba pa kaya?

"Ara", sagot ko.

"Ayun! Ara! Mag-on na ba kayo?" tanong ni P.J.

"Lumalabas kami, madalas," sagot ni Matt. Napakatahimik. Mas tahimik pa ata saken to eh.

"Pare, ang bagal mo naman. Kung nagsimula kayong magdate mula ng nagpropose si Gian kay Shane, dapat kayo na ngayon."

"Oy P.J. huwag mo ngang itulad sayo yang si Matt, napakababaero mo talaga!" sabi ni Chad.

"Ikaw hindi?" balik ni P.J.

"Hindi talaga!", sagot ni Chad.

"Sabagay wala akong nakikitang babaeng umaaligid sayo. Malamang wala kang girlfriend."

"Yon ang akala nyo!" sagot ni Chad.

"SINOOO??" sabay sabay naming tanong.

Ngumiti lang si Chad at sumagot.

"Secret."