“Ang ganda talaga ng lahi nyo te!” Puri ni Ericka at saka uminom ng juice.
“I know right,” sagot ko sabay kindat.
“Yan tayo eh! Confidence kung confidence!” Saad ni Khrystal saka tumawa. Nakitawa naman ako sa kanila.
Inikot ko ang tingin sa paligid, hindi ko pa rin nakikita si Sol. “Sigurado ka bang invited sila?” Tanong ko kay M.
“Oo. Ako pa nga ang nagbigay ng invitation kay Mr. Park eh.” Sagot niya. Tumango-tango ako. Pero bakit kaya wala pa siya?
“Hey girls.” Tumingala kami at nakita namin si Liloree.
“Haaay Liloree, kailan ka kaya magiging akin?” Tanong ni M at saka tumawa. Sabay-sabay din kaming natawa.
“Well—”
“Cai.”
Naputol sa pagsasalita si Lilo dahil may tumawag sa kanya. Sabay kaming napalingon at nakita namin si Aliyah. What is she doing here? I can’t remember that I invited her. Ugh!
“Excuse me,” saad ko at aalis na sana pero hinawakan ako ni Lilo sa may braso. Nilingon ko siya.
“Why?” Tanong ko.
“May sasabihin sayo si Aliyah.”
Napatingin ako kay Aliyah. Paano ko ba siya magugustuhan? Naiirita ako. Ayoko siyang maging girlfriend ni Liloree. Mas mabuti pa na si Paula Dominic na lang, at least yung babaeng iyon, faithful kay Lilo.
“Happy birthday, Renesmee.” Naiilang na bati niya.
“Thank you.” Sagot ko at saka ako tumalikod.
Umalis ako at dumiretso sa garden. Pagdating ko ay naupo ako sa isa sa mga bench na nandun at tumingin ako sa kawalan. Bakit ganito? Birthday ko pero wala akong espesyal na maramdaman. Tumayo ako at minabuting mag-ikot-ikot muna sa garden. Sa pagikot-ikot ko ay nakita ko ang isang di inaasahang tao.
Lumapit ako sa kanya. Napansin kong nakatingin lang siya sa iisang direksyon. Napatingin rin ako sa tinitingnan niya at nakita ko si Aliyah habang nakaupo sa swing. Akala ko ba ay nasa loob siya at kasama ni Lilo?
“Sol.”
Napatingin siya sa akin. Ngumiti siya pero halatang pilit. Lumapit ako sa kanya at tumingin rin sa direksyon na tinitingnan niya.
“You miss her?” Tanong ko nang makalapit ako sa tabi niya.
Ngumiti siya pero nanatili siyang nakatingin kay Aliyah. “Yes..so much..” Bulong niya.
“Alam ko.” Sagot ko.
Iniwas niya ang tingin niya kay Aliyah at naglakad papalayo sa may playground. Sumunod ako sa kanya at naupo kami sa may bench sa garden.
“Wanna hear a story?” Nakangiting tanong niya. Tumango ako bilang sagot.
Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Alam mo bang ampon lang ako?” Tanong niya na agad na nagpalaki sa mga mata ko.
“I was always being bullied because they say my parents hate me that’s why I was abandoned here in the Philippines. Nakakatawa nga eh, kasi tuwing inaasar ako, dumarating si Aliyah at ipinagtatanggol niya ako. Hindi ba dapat ako ang gumagawa nun? Dapat siya ang pinagtatanggol ko.”
Tumingin uli siya sa direksyon kung nasaan si Aliyah. “Simula nun, nagsumikap ako para makilala at hindi malait. Simula nun ay nagpalakas ako para ipagtanggol ang sarili ko. Simula nun ay nagpakatatag ako para magustuhan niya rin ako.”
And just like that, my heart was broken into pieces. Ang sarap naman ng birthday gift niya sa akin. Sa dinami-dami ng araw na pwede niyang sabihin ang mga iyon, bakit ngayon pa? Bakit sa birthday ko pa?
Humarap siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso.
“Renesmee, I know this sucks but..will you please help me to win her back?”
Napatitig ako sa mga mata niya, he’s crying. I can see so much pain in those eyes.Unti-unti ay naramdaman ko ang sakit ng saksak na ginawa niya sa dibdib ko. Akala ko ayos na kami. Akala ko dahil sa mga pinapakita niya sa akin ay nakalimutan na niya si Aliyah. But why all of the sudden he’s telling me all this painful words? And why am I getting this painful feeling? Why does it hurt?
Tinitigan ko siyang maigi. Tinitingnan ko ang mga mata niya, mga mata niya na puno ng lungkot. Mukha siyang inosenteng bata na inigawan ng laruan. Ginawa kong miserable ang buhay niya dahil pinaghiwalay ko sila ng babaeng mahal niya.
“Hey!”
Naputol ang katahimikan sa pagitan naming dalawa dahil sa mga taong dumating.
“Hey.” Bati ko sa dalawa with a fake smile.
“Kanina pa kayo rito?” Tanong ni Lilo. Tumango ako at saka tumingin kay Aliyah.
“Sige, mauna na ko. Baka hinahanap pa ko nina Inay,” paalam ko.
Dire-diretso akong umalis at hindi na lumingon pa sa kanila, lalo na kay Sol. Gustong gusto ko siya pero gustong gusto niya rin si Aliyah. Sabagay, ano nga bang laban ko sa babaeng iyon? Maganda siya at mabait. Sikat pa at mayaman. Ano nga ba naman ang panama ng pipitchuging Renesmee Marie Clarkson sa isang Aliyah Gilbert?
“Sol, happy birthday.”
Saglit akong natigilan sa paglalakad nang marinig ko iyon. B-Birthday ni Sol? Lilingon sana ako para tingnan sila pero nagulat ako nang may apat na lalaking naka-black suit ang tumayo sa harapan ko. Wait, mga utusan sila ni Lolo. Don’t tell me, nandito rin siya? Bakit naman pumunta pa siya ngayong birthday namin ni Liloree? Gustong gusto ata talaga nilang gawing miserable ang 16th birthday ko.
“Young Lady—”
“Huhulaan ko kung anong sasabihin niyo. Hinahanap ako ng lolo ko at kailangan kong sumama sa inyo. Tama ba?”
Tumango sila at nauna ng maglakad. Sumunod na lang ako sa kanila. Dinala nila ako sa library ng palasyo at laking gulat ko nang sa pagpasok ko ay nakita ko ang isang taong hindi ko inaasahan.
“K-Kyo?” Gulat na tanong ko. “Anong ginagawa mo rito?”
“Magandang gabi, Young Lady.” Bati niya at saka tumawa ng malakas.
Nakaupo siya habang nakataas ang paa niya sa lamesa. “Anong nakakatawa? Anong ginagawa mo rito?”
“Hindi mo man lang ba ko kukumustahin?” Tanong niya.
Tiningnan ko siya ng masama. “Ibaba mo nga yang paa mo. Feel at home ka masyado eh.” Utos ko sa kanya.
Hinala niya ako paupo sa tabi niya at saka ako inakbayan. “Hey! Take your damn hands off me!” Suway ko.
Inalis ko ang kamay niya pero ibinalik niyang muli ito. Inalis ko uli, pero binalik na naman niya. “Ano ba?! Nakakapikon ka na.” Saad ko.
“Nakakatuwa kaya.”
“Stop it!” Utos ko.
Inalis niya ang kamay niya sa balikat ko. “May ibabalik lang ako sayo.”
Kumunot ang noo ko. May kinuha siyang paper bag sa sahig at inabot niya ito sa akin. Kinuha ko ito at tiningnan ang laman. “Naiwan mo ‘yan sa sasakyan ko nung unang beses na nagkita tayo.” Sagot niya.
“Eh bakit itinago mo pa?” Tanong ko.
“Baka kasi kailanganin mo pag magdi-disguise ka kasama ni Sol.”
Nagulat ako sa sinabi niya. “Stalker ba kita?!”
"Bagay sayo yang wig na yan,” malayong sagot niya sa tanong ko.
“And so?”
“So dapat parati mong suotin yan para magustuhan ka ni Sol.” Tumatawang saad niya.
Tiningnan ko siya ng masama.
“Seems you two are close already.”
Agad itinigil ni Kyo ang pagtawa nang dumating si Lolo.
“Renesmee.” Tawag niya sa akin. “I want to tell you something about Mr. Art. It’s sad to say but.. he’s dead.”
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. “A-ano raw ang ikinamatay?” Hindi ako makapaniwala. May kung anong guilt sa puso ko.
“We'll actually…that was just a joke. Funny, isn't it?”
Muntik na kong mapanganga. Si Kyo naman ay nakitawa sa kanya.
“Aray!” Reklamo niya nang siniko ko siya.
Umubo si Lolo kaya tumingin uli ako sa kanya. “Mr. Art is on his leave so I’m so much worried about your security. I assigned someone who'll be the new head of your security for a while.”
“And so?” Sagot ko.
“So I want you to meet Mister Kyohei Sagara.”
“Oh ano namang—” Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang marealize ko kung ano ang sinasabi ni Lolo. “W-what?! Kyohei Sagara?!”
Hindi makapaniwalang tiningnan ko si Kyo sa tabi ko. “Hello, Young Lady!” Bati nya.
Gulat kong ibinalik ang tingin kay Lolo. “Kay Kyo?! Diyan mo ipinamahala yung seguridad ko?! Eh feeling ko nga, ‘yan pa ang leader ng mga terorista dito sa Pilipinas!”
“Watch your words. I've already seen the closeness between the two of you, so what the hell is wrong with that?”
Tumayo na ako at lumabas ng library. Mabilis akong naglakad palayo roon.
“Renesmee!” Tawag ni Kyo nang nasa tapat na ako ng hagdanan. Wala akong balak na lingunin siya pero hinatak niya ko sa braso ko kaya napahinto ako.
“Bitiwan mo ko!” Utos ko sa kanya. Pilit kong hinihila ang braso ko pero ang higpit ng hawak niya sa akin. “You're hurting me!” Sigaw ko.
“No. I’m not hurting. Alam ko kung saan ka talaga nasasaktan. Alam ko kung nasaan ang masakit sayo.”
“Ano bang alam mo? Wag kang mag magaling.” Saad ko sa at pilit na hinihila ang braso ko sa pagkakahawak niya.
“Anong alam ko? All I know is that the arrogant Renesmee Marie Clarkson is in love with Sol who, sadly, can't love her back.”
Natawa ako ng pilit. “You know a lot, huh?”
“Oo. At poprotektahan kita sa mga taong alam kong sinasaktan ka. Si Sol, emotionally sinasaktan ka niya, hindi ba?”
Tumingin ako sa baba at pinanood ko ang mga bisita habang nagsasayawan. Sinalubong ng mata ko si Lilo at Aliyah habang sumasayaw sa gitna. Alam kong habang sumasayaw sila ay hindi lang ako ang nanunood sa kanila. Alam kong nakamasid rin ang mata ni Sol. Parang sumisikip ang dibdib ko. Ayokong isipin pero ‘yun ang totoo. Si Aliyah lang ang tanging mamahalin ni Sol.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. “Fine. From now on, start calling me Young Lady.”
☆☆☆
“Alam mo ba kung anong pinakamagandang paraan para mawala ang sakit?”
Napatingin sa kanya. Nasa may sulok kami habang pinapanood naming magsayaw ang mga bisita. May hawak akong red wine at siya naman ay nakatayo lang sa bandang likuran ko.
“Hindi eh. Alam mo ba?” Sagot ko.
Ngumiti siya ng nakakasilaw at inagaw sa akin ang iniinom kong wine. Iniabot niya iyon sa waiter na nag-iikot habang may dala-dalang tray.
“Shall we dance?” Tanong niya habang naka-bow at nakalahad ang kamay niya sa akin.
Natatawa akong inabot ang kamay niya. “Ugh. Don't ruin the moment.” Bulong niya sa tenga ko habang inaalalayan niya ako papunta sa dance floor.
Inilagay niya ang kamay ko sa may balikat niya at hinawakan niya ang isa kong kamay. Inilagay naman niya ang isa pa niyang kamay niya sa may likod ko.
“Bagong pag-ibig ang gamot sa bigong pag-ibig.” Bulong niya.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o mainis sa sinabi niya. Bagong pag-ibig? That sucks.
“Bakit nag-apply ka bilang bodyguard ko? Para ba mapalapit sa akin?” Pag-iiba ko ng usapan.
Mahina siyang tumawa. “Oo. Naghihirap na kasi ang pamilya ko at baon na sa utang kaya nag-apply akong bodyguard mo. Paiibigin kita para iligtas ng pamilya mo ang kumpanya namin.”
Humiwalay ako sa kanya at tumingin ng seryoso sa mukha niya. “Nagpapatawa ka ba?”
Natawa siya at hinawakan ang magkabilang kamay ko. “Let's run.”
Kumunot ang noo ko habang siya naman ay nakangiti lang. Bigla nya kong hinawakan sa braso at hinatak palabas ng palasyo.
“Alam mo, ang yaman n’yo talaga noh? Biruhin mo, bawat bodyguard n’yo may kanya-kanyang sasakyan.” Saad niya habang nakasandal sa sasakyan.
“Minsan pinangarap kong hindi maging mayaman,” bulong ko.
“Hey. What do you mean by that?” Tanong niya.
“Wala. Hoy. Hindi mo ba ko pagbubuksan?”
Umiling siya at hinagis sa akin ang susi.
“Ikaw ang mag-drive. Dalhin mo ko sa alam mong lugar kung saan ka makakalimot.” Saad niya at saka sumakay sa tabi ng driver's seat.
Napaisip ako sa sinabi niya, pero napangiti rin ako nung maisip ko kung saan kami pupunta.
☆☆☆
Nagising ako nang may narinig akong marahang katok sa pinto. Napahawak ako sa ulo ko, ugh, bakit ang sakit ng ulo ko?! Biglang bumukas ang pinto.
“Gising ka na pala, Young Lady.” Saad niya habang nakangiti ng mapang-asar.
“How did I get here?”
“Hindi mo maalala? Well... uminom ka lang naman ng isang baso ng alak at pagkatapos ay knockout ka kaagad. Alam mo bang sinukahan mo ko at kailangan pa kitang buhatin papunta sa sasakyan?" Salaysay niya.
“Ah. Ganun ba?”
“Wow. Wala man lang bang thank you?” Tanong niya at saka umupo sa may paanan ko.
Bumangon ako at tiningnan ko siya. “What time is it?” Gulat na tanong ko.
“It's already 6:00 a.m., Young Lady. And you have thirty minutes left to prepare for school.”
Napatayo ako at dumeretso sa bathroom.
“Wow ha? You're welcome talaga!”
☆☆☆
Hinatid niya ako on time para sa first subject ko. Papasok na sana ako ng gate nang bigla na lang akong dinumog ng mga reporters. What the heck?
“Ms. Renesmee. Totoo bang apo ka ni Mr. Jones Clarkson?”
“Anong masasabi mo tungkol sa business ng pamilya mo?”
“Sang-ayon ka ba sa pinaplano niyang pakikipag-merge sa kumpanya ng mga Gilbert?”
Nahihilo akong napatingin sa kanila at pilit kong tinatakpan ang mukha ko. Ano bang mga pinagtatanong nila sa akin? Tungkol sa business?! Eh wala nga kong kaalam-alam sa mundo ng Clarksons eh!
“Anong masasabi mo tungkol sa balitang si Aliyah Gilbert at ang kakambal mo ang dahilan kung bakit magme-merge ang matagal ng naglalabang kumpanya ng mga Gilberts at Clarksons?”
“Uhm, kasi po may pasok pa ko eh. Pwedeng next time na lang tayo magusap-usap?”
Mas lalo nila akong siniksik.
“Last question na Ms. Renesmee. Anong masasabi mo sa status niyo ngayon ni Mr. Sol?”
“Totoo bang ikaw talaga ang dahilan ng breakup nila ni Ms. Aliyah?”
“Alam mo ba kung—”
Nagulat ako nang biglang may humatak sa akin palayo sa mga reporters.
“What are you doing?” Tanong ko nang makilala ko siya.
“Saving the day, I guess.”
Inakbayan niya ako at iniharap sa mga reporters. “What are you doing, Kyo?”.
Hindi niya ako sinagot, imbes ay inagaw niya ang microphone ng isa sa mga reporters. “Listen very carefully.” Panimula niya.
Ang mga reporters naman ay nag-uunahang sumiksik sa amin. Halos wala na kong makita dahil sa flash ng mga camera nila. “Renesmee and Sol are just friends.”
Narinig ko ang gasp ng mga reporters. “Paano mo nasabi yan?” Tanong ng isang reporter.
“Good question!” sabi niya.
Tiningnan ko siya ng masama. “Ano bang pinagsasabi mo?!” Tanong ko sa kanya. Hindi niya ko inimikan. Humarap siya sa mga reporters.
“Well, let's just say that Renesmee and I are in a relationship.”
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Puro bulungan na lang ang naririnig ko.
“Sir, can you tell us what you're name is?” Tanong ng isang reporter.
Mas lalong humigpit ang pagkakaakbay niya sa akin. “It's.. Kyohei Sagara.”