noveltoon logo noveltoon
Let me be the One 1

Chapter 13

Ch. 13 / 13 Apr 09, 2022
Prev Next

Pinagmasdan ko si Sol habang tahimik na nagmamaneho. May lugar daw siyang ipapakita sa akin. Lugar na malaki ang parte sa buhay niya. Habang nasa daan kami ay parang pamilyar sakin ang dinadaanan namin. Parang napuntahan ko na ito noon, hindi ko lang maalala. Ipinikit ko ang mga mata ko upang maidlip sandali. Nagising na lang ako nang maramdaman kong nakahinto na pala ang sasakyan at wala na siya sa tabi ko. It took a while bago ko narealize na ito ang lugar na pinuntahan namin ni Kyo dati. Yung bahay ampunan.

Bumaba ako ng sasakyan. Inikot ko ang tingin sa paligid…walang tao. Pero may napansin akong sasakyan malapit sa pinaradahan ni Sol. Parang pamilyar. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa may entrance ng bahay ampunan. Bakit kaya kami nagpunta dito ni Sol? At hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit ako dinala ni Kyo dati dito. Paano kaya nalaman ni Sol ang lugar na ‘to?

Pagpasok ko sa bahay ampunan ay maingay na mga bata ang sumalubong sa akin. Parang new year or something, may mga hawak silang torotot at ang ingay-ingay nila. Nagsisigawan silang lahat at hinahagisan ang buong paligid ng red petals. Para silang may dance number na humilera sa harapan ko. Napatutop ako sa bibig ko nang mapansing may mga letrang nakasulat sa damit na suot-suot nila.

Binasa ko ito. Welcome to my home, girlfriend.Sabay-sabay na tumalikod ang mga bata. May mga letra pa ring nakalagay sa likod nila. Binasa ko uli ito. Welcome to my life. Napangiti ako. Isa-isa silang gumilid. Mas lalong lumapad ang ngiti ko nang makita ko si Sol na nasa gitna at may hawak-hawak na red roses. Why does he have to be so sweet all the time? Lumapit siya sa akin para ibigay ang rosas.

“Ayiiiiieeeeh!” Naghihiyawan ang mga bata.

Naalala ko bigla si Kyo. Ganito rin sila nung kasama ko noon si Kyo. Nandito pa rin yung mga batang nakalaro namin noon.

“Hello po Ate Ren Ren! Kumusta po kayo? Na-miss po namin kayo!” Sabi ng isa sa kanila.

Ngumiti ako. “Na-miss ko din kayo,” sagot ko.

Napakunot ang noo ni Sol. “You've been here before?” tanong niya.

Dahan-dahan akong tumango.

“Who brought you here?”

Kung sasabihin ko bang si Kyo, magagalit kaya siya? Magsasalita sana ako pero naunahan ako ng mga bata.

“Daddy Sol, nasaan po si Mommy Liyah? Bakit kasama nyo po si Tita Ren?”

Nagulat ang ibang bata at mukhang nataranta. “Ano kaba! Bakit mo binanggit si Mommy Liyah?! Tara na nga!”

Umalis sila bitbit ang batang sumigaw kanina. “Li-liyah? S-si Aliyah ba yung sinasabi nila? Mommy Liyah?” Tanong ko.

Iniiwas ni Sol ang tingin niya. Woah. Parang may kung anong kirot akong naramdaman. Akala ko pa naman ay ako lang ang dinala niya rito.

“O-okay lang, naiintindihan ko naman eh. For sure dinala mo na si Aliyah dito. Eh siya ba naman ‘yung naging girlfriend mo sa loob ng three years. Imposible naman atang hindi mo siya dalhin dito di ba?” Pinilit kong ngumiti.

“Don't show me that smile. I know it's fake.”

Eh anong gusto niyang ipakita ko? Na nagseselos ako?

Hinawakan niya ang kamay ko. “Tara, magikot-ikot tayo.”

Sumunod ako sa kanya at pumunta kami sa may likod ng bahay ampunan. Magkahawak kamay kaming naglakad sa garden. Namangha ako sa ganda ng lugar. Ang daming bulaklak at mga puno dito. May mga butterflies pa sa paligid.

“Dito ako lumaki,” napatingin sa kanya. “Dito ako iniwan ng parents kong Koreans.”

Huminto kami sa paglalakad at humarap siya sa akin.

“Noon, hindi pa ko marunong mag-tagalog. Buti na lang tinuruan ako ng mga madre dito. This place witnessed my life,” kwento niya at patuloy kami sa paglalakad hanggang sa umabot kami sa may pinakadulo ng garden kung saan nandoon ang swing. Naupo kaming pareho doon.

“Nagugutom ka ba?” Tanong niya.

Napatingin ako sa wrist watch ko, hapon na pala. Ang tagal pala ng byahe namin papunta dito. Tumango ako sa kanya. “Sige, sandali lang. Tatawagin na lang kita. Aayusin ko lang yung pagkakainan natin.” Pagkasabi niya noon ay tumayo na siya at umalis.

Naiwan akong nakaupo na mag-isa sa swing. Maya-maya may isang madre na lumapit sakin at naupo sa tabi ko. “He-hello po.” Bati ko. Siya yung madre na nakausap namin ni Kyo noon, nung nagpunta kami dito.

“Bumalik ka pala, hija.” Nakangiting saad niya.

“Uhm.. Opo.” Ngumiti rin ako.

“Ikaw pala ang laman ng mga balita na girlfriend ngayon ni Sol.” Tumango lang ako. “Hayaan mo na ang iniisip ng ibang tao. Ang mahalaga... masaya kayo ngayon.”

“Salamat po sister.”

“Kilalang kilala ko iyang si Sol, ako ang nagpalaki sa kanya. At hindi nga ako makapaniwala na... makapagmamahal pa siya uli ng iba maliban kay Liyah.”

Nagulat ako sa sinabi niya.

“Alam kong alam mo naman ang pinagdaanan niyang relasyon. Alam kong ikaw ang tinutukoy ni Kyohei noon na may malalim na sugat sa puso na kailangan niyang pahilumin. Yung malalim na sugat na ‘yun, si Sol ba ang dahilan?”

Dahan-dahan akong tumango.

“Sabi na nga ba…pero masaya ako dahil mahal ka na ng taong mahal mo. Maswerte ka dahil kailanman ay hindi ko nakitang ganyan kasaya si Sol. Kailanman, hindi niya ginawa kay Aliyah ang mga bagay na ginagawa niya para sayo ngayon. Maswerte ka. Maswerte ka dahil ang daming nagmamahal sayo.”

Nako-confused ako ako sa mga sinasabi ni Sister.

“Sa palagay ko… ang tamang sabihin ko sayo ngayon ay… mahalin mo si Sol. Sa paraan na hindi na uli siya masasaktan.”

Napangiti ako sa sinabi ni Sister. “Opo, Sister. Mamahalin ko siya at hindi ko siya hahayaang masaktan uli.”

Ngumiti rin siya. “Oh sige hija, nawa'y pagpalain ng Diyos ang pag-iibigan nyo.”

Tumayo na siya at saka nagpaalam. Parang ang sarap sa pakiramdam ng mga sinabi niya. May narinig akong naglalakad papalapit sa pwesto ko, si Sol na siguro ‘yun. Nakangiti kong inaabangang makalapit siya, pero laking gulat ko nang hindi si Sol ang bumungad sa akin. Agad nag-fade ang ngiti sa labi ko nang makita ko sila.

Si Kyohei Sagara…kasama si Aliyah Gilbert? Anong ginagawa nila dito? Halatang nagulat din silang dalawa nang makita ako. Napahinto silang pareho sa paglalakad. Bakit ganito? Bakit parang naiinis ako?

Tumayo ako sa swing. Ngumiti sa akin si Aliyah pero halatang naiilang siya sa akin. Naka-pants lang siya at naka-black leather jacket. Kahit ang simple lang ng suot niya, ang ganda niya pa rin.Tumingin ako kay Kyo. Nakatitig siya sa akin, ngayon ko lang uli siya nakita after the night he said goodbye. Parang may nagbago sa kanya. Parang pumayat siya at mukhang stress. Namamaga rin ang mga mata nya.

Hindi ko napigilan ang lumapit sa kanya. Mukha siyang nagulat dahil sa paglapit ko. Bakit pakiramdam ko miss na miss ko si Kyo? Teka. Bakit ganito ang amoy niya? Amoy alak!

“Bakit parang pinapabayaan mo ang sarili mo? Bakit ganyan ang itsura mo?” Tanong ko.

Hindi siya umimik at nanatiling nakatingin lang sa akin. Teka, wag mong sabihin sa aking lasing siya?! Tumingin ako kay Aliyah. Naiinis ako sa kanya. Bakit kung sino-sino na lang ang lalaking kasama niya? Nung una si Sol, tapos naging si Liloree, at ngayon naman si Kyo? Lahat na lang ba ng lalaking mapapalapit sa akin kailangan mapalapit din sa kanya? Nakakainis na! Pakiramdam ko tuloy gusto ko siyang sabunutan!

“Bakit kasama mo siya?” Tanong ko kay Kyo.

I may sound so rude pero wala akong pakialam. Sino ba siya? Si Aliyah lang naman siya. Oo. Si Aliyah lang. Si Aliyah na mahal na mahal ni Sol...noon.

Dahan-dahan inangat ni Kyo ang mga kamay nya papunta sa mukha ko at dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi ko. Ang init ng kamay niya. Napansin kong may namumuong luha sa sulok ng mga mata niya.

“Bakit ganun? Bakit nakita na naman kita? Bakit nakita pa uli kita? Kung kelan malapit na kitang makalimutan, saka ka pa nagpakita sa akin.”

Nakaramdam ako ng kirot. Bakit biglang may kung anong masakit sa bandang dibdib ko ng sinabi niya ang mga salitang iyon? A-ayaw na ba niya kong makita? Hindi niya ba ko na-miss?

“Kyo, that's enough,” sita ni Aliyah.

Parang robot naman na sumunod sa kanya si Kyo. Dahan-dahan niyang inalis ang mga kamay niya sa magkabilang pisngi ko. Sino siya para utusan si Kyo? Hindi ba’t ako lang ang dapat may karapatan mag-utos sa kanya? Young lady pa rin naman niya ako, hindi ba? Hindi pa naman siya nagre-resign.

“Mauna na ko sa sasakyan. Sumunod ka na lang dun, Liyah,” paalam niya.

Naiwan kami pareho ni Aliyah. Tahimik lang kaming dalawa at walang gustong magsalita sa amin pero binasag niya ang katahimikan sa pagtatanong.

“Nice to see you here Renesmee, kasama mo ba si... Sol?”

Tumango ako at halatang hindi nya nagustuhan ang nalaman niya.

“Ow. So he brought you here.” May halong lungkot ang boses niya. Tumango uli ako. Sobrang awkward.

“Pwede...pwede ba uli kitang maka-usap?”

“Ayoko.” Mariing sagot ko.

Ngumiti siya. “Ayaw mo pa rin…bakit? Dahil ba natatakot ka sa sasabihin ko? Renesmee, I just wan to talk to you. Just talk, nothing else.”

“Bakit naman ako matatakot sa sasabihin mo? I don't effin’ care. Kung tungkol man sa amin yan ni Sol, wag ka ng manggulo pwede? Masaya na kami.”

Nilagpasan ko siya at mabilis akong naglakad palayo sa kanya pero napahinto ng magsalita ulit siya.

“He doesn’t love you. Or should I say, he never loved you.” Agad akong napaharap sa kanya.

“A-anong sinabi mo?” Gulat tanong ko.

“Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang sabihin sa’yo to.” Humarap siya sa akin. “Ewan ko ba kung bakit kailangan ko pang magpaalam sayo, pero gusto ko lang malaman mo na kukunin ko na siya. Kukunin ko na si Sol na dati pa naman ay akin.”

Biglang sumikip ang dibdib ko. Dumating na ba ang panahon na kinatatakutan ko?

“Nagpapatawa ka ba? Anong kukunin ang pinagsasabi mo?” Kumukulo na ang dugo ko.

“Okay lang kung ayaw mong tanggapin ang sinasabi ko. Basta ang sa akin lang, sinasabi ko lang sa’yo kung anong gagawin ko para hindi na kita mabigla. I don't wanna play the broken hearted girl anymore. I wanna fight my love for Sol.”

Pakiramdam ko'y hindi na ko makahinga.

“'Alam mo, hindi talaga kita maintindihan eh. Hindi ko maintindihan kung anong tumatakbo dyan sa utak mo. Sino bang nang-iwan kay Sol? Hindi ba ikaw naman? Eh bakit babalik-balik ka ngayon? Kung kelan okay na ang lahat sa amin?! Sinaktan mo lang siya!” Napataas na ang boses ko.

“Mali ka sa kung ano mang iniisip mo sa akin. I'm not the bad person here, Renesmee. Ako…ako yung pinagkaitan dito. Nasaktan din ako, hindi lang si Sol. Mas doble o triple pa ang sakit sa akin dahil wala akong magawa.”

Lumapit siya sa akin.

“Alam kong hindi mo ko maiintindihan dahil wala kang alam sa mga nangyayari. You're the clueless person here.”

“Kung ano man yang sinasabi mo, wala akong pakialam. Wala akong interest na alamin ‘yang bagay na sinasabi mo. Tigilan mo na lang kami, Aliyah. Mahal na ako ni Sol. Kinalimutan ka na niya dahil sa pang-iiwan mo sa kanya. Hindi niya kailangan ng taong sasaktan lang siya.”

Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko. Anong magagawa ko, nagsabi lang naman ako ng totoo. Hindi na siya kailangan ni Sol. Tumalikod na uli ako para umalis pero napatigil uli ako nang magsalita siya.

“It's up to him. Everything's up to him. Hindi ako titigil dahil sinabi mong tumigil na ko. I'm doing this to win him back. I'm sorry Renesmee, but please…just a piece of advice. Don't love him so much... ‘cause it might hurt you so bad kapag nawala din siya sayo. Tulad ng nangyari sa akin.”

Nilagpasan nya ko at nauna na siyang naglakad paalis. Naiwan akong nakatayo at nakatulala. Anong gusto niyang palabasin sa sinabi nya? Aliyah Gilbert.. Are you really not the bad person here? Kung hindi ikaw... sino?

☆☆☆

Tahimik lang ako habang nakatingin sa hot choco na in-order ni Sol para sa akin. Nasa may Masonville Coffee Shop kami ngayon at nagpapalipas ng oras. Tinitingnan ko ang mga sasakyan at mga ilaw sa labas ng coffee shop. Naging okay sana ang pagdalaw namin dun kung hindi ko lang nakita si Kyo at Aliyah.

Pakiramdam ko nga'y nasira nila ang araw ko. Wala na tuloy ako sa mood na makasama si Sol. Pabalik-balik sa isip ko ang mga sinabi ni Aliyah. Nahihirapan akong makahinga kapag naiisip ko ang mga 'yon. Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko ako ang may kasalanan ng lahat? Ako kaya ang tinutukoy ni Aliyah na bad person?

Nagulat ako nang biglang tumayo si Sol sa upuan niya. “Kung may problema ka, sabihin mo sa akin. Ayoko ng ganito. Nahihirapan akong isipin kung anong iniisip mo. Is there something wrong?”

Hinawakan ko ang kamay niya at saka umiling. “W-wala. Walang problema.” Ngumiti ako at pilit na tinatago sa kanya ang pangangamba ko.

“Stop smiling 'cause I know it's fake. Kilala na kita Renesmee. You can't fool me with your fake smiles anymore.” Halata sa mukha niya ang disappointment. “Lalabas muna ko. Sabihin mo na lang sa akin kapag gusto mo ng umuwi, ihahatid na lang kita.”

Pinanood ko lang siya habang naglalakad palabas. Napayuko ako. Ano bang nangyayari sayo, Renesmee? Bakit ba masyado kang nagpapaapekto sa mga sinabi ni Aliyah? Nagulat na lang ako ng biglang may tumabi sa akin. Nakahood siya at nakashades. Teka, parang si… Ji?

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko.

“I own this shop, that's why.”

“Iyo pala ‘to? Bakit ngayon mo lang sinabi na iyo pala ito?”

“Kasi masikreto akong tao. Only few people know about this,” sagot niya.

“Aaaah..” Tumango-tango ako.

Napatingin siya sa labas. “Kanina ko pa kayo tinitingnan, nag-away ba kayo?” Tanong niya. Hindi ako umimik at ininom na lang yung hot choco na hawak ko.

“Mukhang may problema kayo ah, baka gusto mong mag-share.” Alok niya.

Tiningnan ko siya at saka ngumiti. “Okay naman kami. Okay pa kami.” Sagot ko.

Napakunot ang noo niya. “Okay pa kayo? Woah. It sounds like you guys are going to crash.”

“Parang... ganun na nga.” Napayuko ako.

“Papayag ka bang mangyari ‘yun?”

Tumingin ako sa labas kung nasaan si Sol. Nakatalikod siya sa pwesto ko habang nakasandal sa may sasakyan niya.

“Dinala niya ko kanina sa bahay ampunan kung saan siya lumaki. And I saw Aliyah there.”

Halatang nagulat siya sa sinabi ko.

“And she told me she's going to take him back. And—”

“And you're going to lose him just like that.”

“No! No! I won't let that happen. I won't give him up.” Mabilis na sagot ko.

“Then what do you think are you doing?”

Sa tanong niyang ‘yon ay napaisip ako. Oo nga, tama siya. Sa ginagawa kong 'to, para ko na ring isinuko si Sol.

“Tama ka nga. Thank you, Ji.” Saad ko at agad na tumayo.

“Wait.” Pigil niya sa akin at saka ako biglang hinila.

Napaharap ako sa kanya. “Bakit?” Tanong ko.

“Sorry pero kailangan ko 'tong gawin.” Saad niya at bigla na lang nyang tinakpan ang ulo ko ng isang itim na tela dahilan upang wala akong makitang kahit ano.

“Teka Ji, ano ‘to?” Tanong ko at pilit inaalis ang tela sa ulo ko pero hinawakan niya ang kamay ko.

Naramdaman ko na lang na binuhat niya ko. “Teka! Anong ginagawa mo? Ibaba mo ko!”

Unti-unti ay naramdaman kong isinakay niya ako sa isang sasakyan.

“Sorry Ren.”

“Anong ginagawa mo?!” Tanong ko.

“I'm just following orders. Matulog ka na lang muna. Mahaba pa ang byahe natin.” Saad niya.

Sa tingin ba niya ay makakatulog ako sa ginagawa niya? Pero bakit ganun? Kahit parang kinidnap niya ko ay hindi ko magawang kabahan. Bakit pakiramdam ko ay safe ako? Saan kaya kami pupunta?