noveltoon logo noveltoon
Let me be the One 1

Chapter 5

Ch. 5 / 13 Apr 09, 2022

Iminulat ko ang mata ko nang maramdaman kong nagba-vibrate ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at isang unregistered number ang tumatawag. Ugh. Sino namang sira-ulo ang tatawag sa akin ng ganitong oras?! Sinagot ko ang tawag habang nakapikit.

“Kung sino ka man, alam mo ba kung anong oras na at kung sino ang tinatawagan mo ha?!” Sigaw ko.

“Hey. It’s me.”

Agad akong napamulat at napaupo. “Sol?” Gulat na tanong ko.

“You deleted my number?” Tila nalulungkot na tanong niya.

Anong binura ko ang number niya? Anong pinagsasabi niya?

“Anong problema mo at napatawag ka ha?! Inis! Alam mo bang ang sarap na ng tulog ko?!” Reklamo ko.

“It’s good to hear that you’re sleeping well. Just actually called you to intentionally ruin your sleep. Now I’m happy to hear your voice. Good night.” Saad niya sa kabilang linya at talagang mukhang masaya siya.

“Abnormal ka talaga ano?!” Inis na sigaw ko.

Narinig kong natawa siya. Ugh. Ano ba talagang problema niya? May kung ano akong naririnig na ingay mula sa background ng kabilang linya. Teka, wag mong sabihing nasa bar siya at lasing?

“I miss you. I miss you so much.” Bulong niya at maya-maya ay narinig ko ang mahina niyang paghikbi. Agad akong nakaramdam ng kung anong kirot sa dibdib ko.

“S-Sol, ayos ka lang ba?” Kinakabahang tanong ko.

“I can’t take this anymore. Will you please come back? Come back to me, please.” Saad niya.

Napatakip ako sa aking bibig. Hindi ko akalain na labis ang sakit na nagawa ko sa kanya ng dahil sa paghihiwalay nila ni Aliyah.

“Sol…” Tawag ko sa kanya.

“Aliyah, it hurts. It really hurts. Please, I’m begging you. Just love me again, please? I don’t want to be alone anymore. I don’t want to get hurt again. Please, Aliyah. Please.”

Sobra akong nakukonsensya sa mga naririnig kong salita mula sa kanya. Gusto ko siyang yakapin para maramdaman niyang hindi siya nag-iisa.

“Sol, hindi ako si Aliyah.” Saad ko.

“No, please. Don’t push me away. Not again, please? Don’t leave me. I don’t want to be alone again. I don’t want this. Please. Please come back.”

“Sol, I’m sorry.” Saad ko.

“Aliyah, please.” Pagmamakaawa niya.

Napabuntong hininga ako. I have no choice. Kung kailangan kong sabihin ito para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya gagawin ko.

“Sol.” Tawag ko sa kanya. “Just please forget about me. I want you to be happy.”

“No, I can’t.” Umiiyak na sagot niya.

Alam kong isang kahibangan ang magpanggap bilang si Aliyah pero kung ito ang magagawa ko para matulungan si Sol, gagawin ko para makabawi man lang sa kasalanang nagawa ko sa kanya.

“I know this is hard for you, but I’d be the happiest person in the world if I see you happy again. Listen, I am not worthy of your tears. You don’t deserve someone like me. You deserve someone better. I want you to be happy, Sol. And when that time comes, I’ll be really happy for you.”

Napapikit ako. This totally sucks. Pakiramdam ko’y niloloko ko siya. Pakiramdam ko’y pinaglalaruan ko ang damdamin niya.

“Is that what you really want, Aliyah?” Tanong niya.

“Sol, if you really love me, please be happy. Please forget about me. Please move on,” sagot ko.

“But I love you so much.” Umiiyak na sagot niya.

Mas lalong nadagdagan ang kirot sa dibdib ko. Hindi ko na siya kayang paglaruan. Hindi ko na siya kayang lokohin pa.

Napabuntong hininga ako. “Sol, I’m sorry. This isn’t Aliyah.” Naiilang na saad ko. “This is Renesmee.” pagpapakilala ko.

“W-What?” Gulat na tanong niya.

“I’m sorry.” Saad ko at saka ibinaba ang tawag niya.

Napahawak ako sa noo ko. Mukhang nadagdagan na naman ang kasalanan ko sa kanya.

☆☆☆

Tumingin ako sa likuran ko upang siguraduhing walang sumusunod sa akin. Para akong paranoid na pauli-ulit na tumitingin sa likod ko pati na rin sa paligid. Nang matanaw ko na ang gate ng Tan Siu ay agad akong nakahinga ng maluwang. Mukhang makakauwi ako ng walang Sol na gumagambala sa akin. Nakakapagtaka, bakit kaya hindi ko pa nakikita miski na anino niya?

Tapos na ang klase ko at pauwi na ako pero wala pa ring Sol ang naghahanap sa akin at sinisigawan ako ngayon. Mabuti na rin naman ang ganito. Hindi ko rin kasi alam kung papaano ko siya haharapin pagkatapos ng kalokohang ginawa ko kagabi. Napa-iling na lang ako. Dapat ko na siyang alisin sa isipan ko. Siguro naman ay napagod na siya sa katulad ko kaya hindi na niya ako guguluhin pa.

Nang tuluyan na kong makalabas sa malaking gate ng Tan Siu ay lumingon akong muli sa likuran ko, wala pa ring nakasunod sa akin. Napangiti ako ng pilya. Mukhang wala ng broken hearted na manggugulo sa akin.

Humarap na uli ako sa dinaraanan ko, pero agad akong natigilan. Unti-unti ay naglaho ang pilyang ngiti sa labi ko. Halos pigilin ko na ang hininga ko nang makita ko siya. Nakasandal siya sa itim na kotse habang nakasuot ng shades at balot na balot ng jacket. Tumingin siya sa wrist watch niya at saka umayos ng tayo.

Iniyuko ko ang ulo ko at pasimpleng lumakad papunta sa gilid kung saan hindi niya ako mapapansin. Nanatili akong nakayuko at hindi tumitingin sa direksyon niya dahil paniguradong mapapansin niya ko at makikita.

Uunti-unti na akong nakakalayo pero natigilan ako nang may isang tao na nakasuot ng panglalaking sapatos ang huminto sa harapan ko. Nang maamoy ko ang pabangong gamit niya, kinilabutan ako. Patay.

Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko at agad na bumungad sa akin ang mukha niya. Inalis niya ang shades na suot-suot niya at tinitigan ako.

“Trying to escape, huh?”

Umayos ako ng tayo at sapilitang lumunok.

“Tatakas? Ako?” Itinuro ko ang sarili ko. “Hindi ah, bakit ko naman gagawin iyon?” Tanong ko sabay tumawa ng pilit.

Nanatili lang siyang seryosong nakatingin sa akin kaya tuluyan ko nang inihinto ang pagtawa. Umubo ako at awkward na tiningnan siya.

“You think I’m some kind of a joke, huh?” Halatang galit na tanong niya.

Muli akong sapilitang napalunok. Pakiramdam ko ay nalunok ko na ang dila ko.

“Stop playing with other people’s feelings. It is no fun.” Seryosong saad niya at pagkatapos ay tinalikuran niya na ako at naglakad papunta sa sasakyan niya.

“Hey wait,” pigil ko pero hindi siya tumigil at nagpatuloy sa paglakad.

Hinabol ko siya at tinangkang pigilan. Hinawakan ko ang braso niya. Napahinto siya at humarap sa akin.

“You don’t have any right to touch me,” saad niya.

Binawi ko ang kamay ko at itinaas bilang pagsuko. “Fine. I won’t touch you,” saad ko. “Pero pwede bang pakinggan mo muna ako bago ka magalit? It was all for you, okay? Ikaw ang tumawag sa akin. I said I wasn’t Aliyah but you insisted on calling me such name. I had no choice.I wanted you to move on, so I tried saying those comforting words. I thought that it might help.” Pagpapaliwanag ko.

“Comforting words? You call those words comforting? Do you even have any idea how painful those words are to me?”

“Look, I may not be Aliyah, but I’m pretty sure she’ll tell you the same thing. I just did her a favor.” Diretsong sagot ko.

“What?!” Inis na tanong niya. Mukhang hindi niya inaasahan ang naging sagot ko.

“I’m just saying na for sure ayaw ni Aliyah na masaktan ka pa ng dahil sa kanya. Gusto niyang makalimutan mo na siya. Gusto niyang maging masaya ka.”

Natawa siya ng pilit. “That’s easy for you to say because it wasn’t you who was left behind. It’s me,” saad niya at saka ako tinalikuran.

“Wait.” Pigil ko. “I’m sorry. I know I shouldn’t have said that. I just wanted to help you. I’m just trying to give you some advice,” pagpapaliwanag ko.

Humarap siya sa akin habang nakakunot ang noo niya

“Okay. Oo na. Hindi ko na ipipilit na tama ako. Masaya ka na?”

Nagulat ako nang imbis na sagutin niya ako ay may papel siyang inilabas mula sa bulsa niya at iniabot ito sa akin. Nagtataka ko itong kinuha at binasa ko ang nakasulat dito. Nandito ang pangalan ni Sol sa labas ng sobre. Teka, isa ba ‘tong invitation card?

“Galing kay Aliyah?” Gulat na tanong ko.

“Be my date.” Walang koneksyong sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ko at gulat akong napatingin sa kanya. Itinuro ko ang sarili ko. “A-Anong sabi mo?” Hindi makapaniwalang tanong ko.

“Let’s buy your clothes for the party.” Malayong sagot na naman niya at saka ako hinawakan sa kamay.

“T-Teka!” Pigil ko pero sapilitan niya akong isinakay sa sasakyan niya. Ugh! What’s wrong with him?!

☆☆☆

Tiningnan ko siya ng masama habang nakaupo siya sa sofa at nagbabasa ng magazine. So, kailangan kong i-try ang mga damit sa shop na pinagdalhan niya sa akin at ipapakita ko sa kanya kung bagay ba sa akin o hindi?

“Hindi naman ako pumayag na maging date mo, so bakit kailangan kong magsukat ng dress dito, huh?”

Itinigil niya ang pagbabasa at malamig akong tiningnan.

“I heard you need one million and a half. It is a debt you have to pay, right?”

“W-What?!” Gulat na tanong ko.

“I’m willing to give you one million and a half.”

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. “A-are you serious?” Hindi makapaniwalang tanong ko.

Ibinalik niya ang tingin niya sa magazine na binabasa niya at saka ako sinagot. “Be my date and you’ll have your money. Easy as that,” sagot niya.

Oh my God. He’s a blessing in disguise! Thank you, Lord!

“Nasaan na ba ang mga damit na dapat kong sukatin?” Mabilis na tanong ko.

Nakita kong nag-form ang labi niya ng maliit na ngiti. Psh! Tricky! He knows how he’ll get what he wants.

“Dito po tayo, Ma’am,” saad ng saleslady at inalalayan ako papasok sa isang fitting room.

Pagkatapos kong isuot ang isang dress ay lumabas na ako ng fitting room upang ipakita sa kanya kung tingin niya ba ay bagay ito sa akin o hindi, pero hindi naman siya tumingin sa akin at mukhang abalang-abala siya sa pagbabasa sa magazine. Paulit-ulit ang ginawa ko hanggang sa matapos ko ng isukat ang lahat ng mga damit, pero kada lalabas ako upang ipakita sa kanya ang suot ko ay hindi naman niya ako tinitingnan. Ugh! Nakakaasar na siya.

Lumapit ako sa kanya. “Ano ba ‘yang binabasa mo at hindi mo man lang tingnan kung bagay ba sa magiging date mo ‘yung isinusukat niya?” Inis na tanong ko at inagaw ang magazine na hawak-hawak niya pero natigilan ako nang makita ko kung sino ang nasa magazine. Ibinalik ko ang tingin sa kanya.

“S-Sorry.” Naiilang na sabi ko.

“It’s okay.” Malamig na sagot niya at tiningnan ako. “Are you finish?” Tanong niya at saka tumayo.

Naiilang akong tumango sa kanya. Ngumiti siya ng pilit sa akin. “Alright. I’ll take everything.”

“Bakit mo kukunin lahat eh hindi mo naman tiningnan kung bag—”

“They all fit you.” Sagot niya hindi pa man ako natatapos magsalita. Naramdaman kong uminit ang magkabilang pisngi ko.

Sinundan ko siya ng tingin nang nagsimula na siyang maglakad papunta sa counter. Napabuntong hininga ako at tiningnan kong muli ang magazine na hawak-hawak ko. Nakalagay roon ang nakangiting mukha ni Aliyah habang sa baba naman ay nakalagay ang interview niya tungkol sa breakup nila ni Sol. Hindi ko alam na artista pala siya. Ugh. Sa dinami-dami naman ng pupwede niyang mabasang magazine, bakit ito pa?

Nagmamadali kong inilapag ang magazine sa lamesa nang makita ko siya na papalabas na ng shop.

“Here.” Saad niya sa akin nang makalabas na rin ako ng shop. Iniabot niya sa akin ang mga paper bag kung saan nakalagay ang mga pinamili namin.

“Wait. Huwag mong sabihing ako ang magbubuhat ng lahat ng ‘to?” Gulat na tanong ko.

“If not, who else will carry them?” Sagot niya habang nakangisi at naunang naglakad paalis.

Sinundan ko lang ng tingin ang likuran niya habang naglalakad siya palayo. Ganito ba niya ko pinaghihigantihan? Naka-heels ako at pinagbubuhat niya ako ng napakaraming paper bag. Grabe siyang maghiganti! Ugh!

“Better hurry up.” Utos niya.

Sinimulan ko siyang habulin at mukha akong tanga na sumusunod sa kanya. Habang sinusundan ko siya ay napansin kong ang daming taong tumitingin sa kanya. Halos lahat napapatingin kapag napapadaan siya. Take note, naka-disguise pa siya ha. Ang lakas pala talaga ng dating niya.

Nakatingin lang ako sa likuran niya habang sinusundan siya at nagulat na lang ako nang bigla na lang siyang huminto kung kaya't nabangga ako sa likuran niya at nabitiwan ang mga dala-dala ko.

“Ugh! Ano bang problema mo?” Inis na tanong ko.

Magsasalita pa sana uli ako pero natigilan ako nang may tumawag sa pangalan niya. Isang mahinahon at mala-anghel na tinig.

“Sol.” Tawag nito sa kanya. Napatingin ako sa harapan namin at nakita ko ang isang babaeng ubod ng ganda.

“A-Aliyah.” Gulat na saad ni Sol.

“Small world. What are you doing here?” Nakangiting tanong niya.

“I shopped with Renesmee.”

Agad na nawala ang ngiting meron siya at napatingin sa akin.

“Oh, I’m sorry. Hindi ko napansin na may kasama ka pala.” Saad niya na tila may halong lungkot.

“It’s okay.” Malamig na sagot ni Sol.

Tumango si Aliyah at saka pilit na ngumiti. “So paano, I’ll just see you tonight?” Tanong niya.

“Yes, sure. See you.”

Napatingin ako sa kamay ni Sol. Natikom ang kamao niya. Ugh. Naalala ko na naman ang pagmamakaawa niya kagabi. Kung sakali kayang si Aliyah ang natawagan niya, makukumbinsi kaya niya itong balikan siya?

“Let's go.” Saad ni Sol habang nakatingin sa akin.

“A-Ah. Sige.” Naiilang na sagot ko. Nagmamadali kong pinulot ang mga paper bag na nabitiwan ko kanina.

“Nice meeting you here, Aliyah.” Saad niya at saka naunang naglakad papaalis.

“Good bye, Aliyah.” Paalam ko sa kanya at saka nagmamadaling hinabol si Sol.

Nang maabutan ko siya ay humarang ako sa daraanan niya.

“What?” Tila naiinis na tanong niya at iniwas ang tingin sa akin.

“Ayos ka lang ba?” Tanong ko.

Nagulat ako nang bigla siyang pilit na natawa.

“So are you asking because you’re curious?” Tila nang-iinsultong tanong niya.

Agad na kumunot ang noo ko. “No,” sagot ko. “I asked because I care.”

Natigilan siya at napatitig sa akin. Agad din naman niyang iniwas ang tingin niya at saka ako tinalikuran.

“See you tonight.” Saad niya at saka naunang lumakad paalis. So ngayon, pagkatapos niya kong kidnappin ay iiwan na lang niya ko? Ibang klase.

☆☆☆

Bored akong tumingin sa cellphone ko para i-check kung anong oras na. Napabuntong hininga ako at napatingin sa mga taong may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Tumingin ako sa plato sa harapan ko at pinaglaruan ang pagkaing kinuha ko pero hindi ko pa rin magawang kumain dahil hinihintay ko si Sol para sabay kami. Bigla na lang kasi siyang nawala at iniwan ako. Sana hindi na lang niya ako inayang maging date kung iiwan lang din pala niya ako. Ugh!

Muli kong tiningnan ang paligid pero hindi ko pa rin makita miski na anino man lang niya. Miski ang pabango niya ay hindi ko rin maamoy. Miski si Aliyah na siyang bida sa party na ito ay hindi ko rin makita. Magkasama kaya silang dalawa? Sa pagkakaalam ko ay party ito para sa fifth anniversary ni Aliyah sa showbiz. Five years na siyang artista pero bakit hindi ko siya kilala?

“Oh my gosh!” Sigaw ko at agad na napatayo sa kinauupuan ko nang may malamig na juice ang bumuhos sa damit ko.

“Ooppss.” Saad ng babaeng mukhang sinadyang buhusan ako. Ngumiti siya ng mapang-asar at tinaasan ako ng kilay.

“What is your problem?!” Inis na tanong ko. Matapos kong paghirapang piliin sa loob ng dalawang oras ang isusuot ko sa party na ito ay mamantsahan niya lang ako?!

Pansin kong pinagtitinginan na kami ng ibang tao na malapit sa amin. Ugh!

“Grabe naman, Miss. Nag-sorry na nga ako pero sinisigawan mo pa ko? Hindi ka ba marunong tumanggap ng sorry?!” Tila naiiyak na sigaw niya. And why is she shouting?! And what?!

“You apologized?! Are you kidding me?! You just said ooppss and gave me a wicked smile. Are you trying to make a scene?!” Sigaw ko. Mas lalong dumami ang taong nanunood sa amin. Ugh!

Nagulat ako nang bigla na lang siyang umiyak. What is she doing?!

“Hey, what’s wrong here?”

Napatingin ako kay Sol na lumapit sa akin. “Are you okay?” Tanong niya sa babaeng umiiyak sa harapan ko.

“Yung babae kasing kasama mo eh. Hindi ko naman sinasadyang matapunan siya ng juice pero sinigawan niya ko at ipinahiya.” Umiiyak na sagot niya kay Sol.

“Excuse me?!” Gulat na saad ko.

Agad na napatingin sa akin si Sol.

“Teka, si Sol!” Sigaw ng taong di kalayuan sa amin. Nagulat ako nang bigla na lang may flash ng camera ang kung saan-saan nanggaling. Anong nangyayari?

“Sht.” Bulong ni Sol.

Nagulat ako nang alisin niya ang coat niya at agad na ibinalot sa ulo ko na tila tinatago ako. Bigla na lang niya akong hinila papaalis pero mas lalong dumami ang mga tao at sinisiksik kami.

“Mister Sol, nandito ka rin pala. Maari ka ba naming ma-interview tungkol sa breakup niyo ni Miss Aliyah?”

“Mister Sol, sandali!” Sigaw nila at pilit kaming sinisiksik. Patuloy pa rin ang nakakasilaw na flash ng camera.

Naramdaman kong niyakap niya ako at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya.

“Let us go, please.” Tila pagmamakaawa niya sa mga reporters.

Talaga bang ganito siya kasikat para pagkaguluhan ng mga reporters? Grabe. Ramdam na ramdam ko ang paniniksik nila sa akin! May ibang tumulong sa amin upang harangin ang mga reporters. Agad kaming sumakay ng elevator.

“What are you doing?” Tanong niya ng alisin ko ang sapatos ko.

“I’m escaping with you, isn’t it obvious?”

“Yeah, but why are you taking your shoes off?”

“Because I can’t run with this four inches heels.” Sagot ko at itinaas ang sapatos ko.

Agad siyang natawa. “You’re enjoying it, aren’t you?” Tanong niya.

“First time ko ‘to, okay? Yeah pinagkakaguluhan ako but not this way. I feel like a super star too. You see, they’ve been dying to capture a photo of me. I didn’t know you were that famous.” Sagot ko at inirapan siya.

Natawa uli siya at nang bumukas na ang elevator ay agad kaming tumakbo papunta sa parking lot kung nasaan ang sasakyan niya. Dali-dali kaming sumakay sa sasakyan niya at saka niya pinaharurot ito papaalis.

Napabuntong hininga ako. “I think I ruined her party.” Bulong ko. “I didn’t know that was going to happen. I didn—”

“It’s okay.” Malamig na sagot niya habang seryosong nakatuon ang atensyon sa daan.

“Aren’t you going to listen to my explanation?”

Nagulat ako nang bigla niyang itinabi ang sasakyan at inihinto ito. Seryoso niya akong tiningnan at nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin. Napasandal ako sa upuan at napapigil sa paghinga pero ilalagay lang pala niya ang seat belt ko.

Umayos siya ng upo at tiningnan ako. “It’s not you who ruined it. I shouldn’t have left you there. It was my fault.” Sagot niya.

Sumandal ako ng maayos sa upuan at tumingin sa labas. “Bakit ka ba kasi nawala? Bakit mo ba kasi ako iniwan dun?” Tanong ko at saka ngumuso.

“Are you mad?”

Tumingin ako sa kanya. “I’m not.” Sagot ko at saka tumingin sa labas.

Gulat kong ibinalik ang tingin sa kanya nang pinaandar niyang muli ang sasakyan. So ganun lang iyon? Itatanong lang niya kung galit ba ako at kapag sinabi kong hindi ay parang wala lang nangyare? Is he really insensitive or what? Kaya siguro siya iniwan ni Aliyah. Ugh.

Patuloy siya sa pagda-drive hanggang sa inihinto niya ang sasakyan niya ng makarating kami sa isang lugar kung saan mayroong maliit na bridge at ilog. Ewan ko kung saan 'to pero ngayon lang ako nakarating dito. Pakiramdam ko ay dinala niya ako sa isang lugar na malayo sa reyalidad.

Walang sali-salita ay lumabas siya ng sasakyan at pumunta sa may bridge. Tinitingnan ko lang siya mula sa sasakyan. Naupo siya sa may bridge habang nakalaylay ang paa niya pero hindi abot sa ilog. Pinapanood lang niya ang pag-agos ng tubig sa ibaba ng tulay. Mukhang malalim ang iniisip niya. Sumunod ako at tumabi sa kanya.

Napatingin siya sa akin. “Wanna sail a boat?” Biglang tanong niya.

“Huh? But it’s dark already. Hindi ba delikado?”

“Come on.” Aya niya at hinila ako.

Napatingin ako sa kamay kong hawak-hawak niya habang papunta kami sa baba ng bridge kung nasaan ang isang bangka. Pakiramdam ko'y umiinit ang pisngi ko. Binitiwan niya ang kamay ko nang makalapit kami sa bangka. Iniwas ko ang mukha ko nang tingnan niya ako. Ugh. Ano bang nangyayari sa akin?

Itinulak niya ang bangka papunta sa ilog. Akala ko ay sasakay na siya sa bangka pero hindi pa pala. Lumapit siya sa akin at inalalayan ako. Napatingin siya sa paa ko bago ako sumakay. Nakayapak pa rin pala ako. Bigla siyang natawa.

“Anong nakakatawa?” Tanong ko

“Natatawa ako kapag naalala ko ‘yung ginawa natin kanina.” Sagot niya at pagkatapos ay ginulo ang buhok ko.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. “Can I ask you something?” Tanong ko.

“You already did.”

Napabuntong hininga ako. “Why are you being nice to me?”

“Am I? I will never be nice to you. You got nothing to worry.” Sagot niya.

Tila napahiya ako. Tumango-tango ako at tinulungan niya akong sumakay sa bangka at pagkatapos ay siya naman. Sinimulan nyang magsagwan. Ang tahimik. Napapikit ako. Ang sarap sa pakiramdam ng hangin. Napaka-relaxing.

“You think we are not the perfect two?”

Napamulat ako at gulat na tumingin sa kanya. “Ano? Tayo?”

Natawa siya bigla. “I mean Aliyah and I.”

“Oh..” Sagot ko. “I don’t know. How would I know?”

Bigla na lang naging serysoso ang mukha niya.

“Because you were right.” Sagot niya.

“What do you mean?” Kunot noong tanong ko.

“I talked to her earlier and she said the same things you’ve said. I just wasted my time.”

Kumunot lalo ang noo ko nang napayuko siya.

“She said I should move on. She said I don’t desserve her. She said I deserve someone better. She said she’ll be happy to see me moving on. She said I shouldn’t wait for her anymore.” Natawa siya ng pilit habang nagkukwento.

Tumingala siya sa langit at saka ngumiti. “And it was a suicide for me hearing those words coming from her.”

“But why are you still smiling?” Nagtatakang tanong ko.

Seryoso siyang tumingin sa akin. “Because it’s better to let go with a smile than to hold on with tears.”