noveltoon logo noveltoon
Let me be the One 1

Chapter 3

Ch. 3 / 13 Apr 09, 2022

“Is it true? You're going to back to Tan Siu?” Tanong ni Khrystal.

“Yeah.” Matipid na sagot ko habang pinapanood ang paa kong nakababad sa pool.

“Pasaway ka kasi eh. So you’re grounded, huh? Buti nakabisita ka dito sa condo?” Tanong ni Ericka.

“As usual, tumakas ako.”

“Again? Ugh. Lagot ka na naman kay Tita,” saad ni M.

“I don’t care. She warned me that if I get into troubles again, she’ll send me to States with Lolo.”

“What?! That’s ridiculous!” Saad naman ni Khrystal at sabay-sabay silang natawa.

Nagtatawanan sila ng malakas nang may dumaan na mga babae sa tabi namin.

“Oh my gosh. They're here again,” saad ng mga ito at nakatingin ng masama.

“Ugh. Gusto ba nilang baliin ko ang mga leeg nila? Tch!” Inis na saad ni Khrystal habang masama ring nakatingin sa mga babae.

Kinilabutan ako nang bigla ko na lang narinig ang boses ni Inay na nagsasabing huwag akong gagawa ng kahit anong kalokohan. Ugh!

“Pabayaan mo na.” Pigil ko dahil paniguradong mapapaaway nanaman sila at damay na naman ako.

Sabay-sabay silang gulat na napatingin sa akin.

“Whoa. Parang may nagbago,” si M.

“Epekto ng pagbalik sa Tan Siu.” Ika naman ni Khrystal at sabay-sabay na naman silang nagtawanan.

Pare-pareho ko silang itinulak sa pool. “Mag-swimming na nga lang kayo.” Iritableng saad ko. Sabay-sabay silang napa-iling habang tumatawa at nag-swimming palayo sa akin.

“Oh, the Mean Girls.” Saad ng mga lalaking kadaraan lang habang nakatingin sa mga kaibigan ko.

Yeah, they are being called The Mean Girls. They are mean like really really mean. They always give a fcuk and they screw life.

“H-help! Hindi ako marunong lumangoy!” Sigaw ni Ericka habang pilit na inililigtas ang sarili niya.

Napa-iling na lang ako at natawa. Eto na naman po sila.

“Kuya! My ghaad! Save her!” Sigaw naman ni Khrystal sa lalaking naglalakad malapit sa may pool.

“Oh my gosh, Kuya. She's my friend. I can't live a day without her! Please save her!” Pagmamakaawa naman ni M.

Agad na hinubad ng lalaki ang t-shirt niya and..oh.. I couldn’t say kung bakit ginagawa iyon ng Mean Girls. Ugh. Poor little boy. Nagmamadali siyang lumangoy papunta kay Ericka na nalulunod umano. Nang malapit na siya kay Ericka ay napakamot na lang siya sa ulo. Paano ba naman kasi...

“Sorry, kuya. Hanggang bewang lang pala dito.”

Naghalakhakan ang mga taong nakakapanood sa kanila.

“By the way, nice abs,” pahabol pa ni Ericka.

Napahampas na lang ang lalaki sa tubig. “You mean girls!”

Napailing na lang ako at nakisabay sa pagtawa ng mga tao. Lumangoy sila papunta sa akin.

“Hey, let’s play. Let’s dare Renesmee naman.” hamon ni Ericka pagkalapit sa akin.

Agad akong napatingin sa kanya. “Dare?”

“Uh-huh.” sagot niya at saka ngumiti ng nakakaloko.

“What’s the prize?” tanong ko.

“Ano bang pwede?”

“Five hundred thousand.” Mabilis na sagot ko.

Sabay-sabay na nanlaki ang mga mata nila. “Five hundred thousand?!”

“You heard me.” Seryosong sagot ko.

“Fine! Paghahatian namin yang five hundred thousand na yan!” Saad ni Ericka. Napangiti ako.

“So what's the dare?” Tanong ko.

“See that guy?” Tanong niya na nakatingin sa bandang likod ko. Lumingon ako at nakita ko ang nagjo-jogging na lalaki. Pansin kong madami din ang mga babaeng nakatingin sa kanya at kinukunan siya ng picture.

“So, what's about him?” Tanong ko.

“Simple. Kiss him on his lips.”

☆☆☆

Nang makarating ako sa school ay nag-iinit agad ang ulo ko sa inis. Pagkababa ko pa lang ng sasakyan ay napatingin na agad ang lahat sa akin. Sino nga ba naman ang hindi mapapatingin? I have seven bodyguards with me. Wait, pati ba sa loob ng school, sasama sila?

“Young lady!” Sigaw nila nang tumakbo akong muli palayo sa kanila.

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng gate ng Tan Siu International Academy. Paaralan para sa mga basura. I can’t believe na mag-aaral ako sa paaralang ito. Ugh!

“Hep! Hep! Why are you running?!” Pigil sa akin ng guard. At ito na naman ang mga taong mahilig mag-english. Pati guards nag-eenglish dahil puro ibang lahi ang nag-aaral sa school na ito. Ugh!

“Seven men in black are after me! I dunno what they want!” Pagsisinungaling ko.

Naniwala naman ang mga guards at sumilip sila sa labas ng gate. Pagkasilip nila sa labas ay mabilis naman akong tumakbo papasok sa loob. Sa kakatakbo ko ay hindi ko inaasahang nakarating sa soccer field ng school.Gusto ko na sanang umalis pero hindi ko magawa. I didn’t know I missed soccer this much. Sana hindi na lang ako dumaan rito. Naupo ako sa may lilim at tumingin sa field. Nakaka-miss maglaro ng soccer. Damn.

“Missed soccer?”

“Lilo.” Gulat na sambit ko pagkakita ko sa kanya.

“Tutal nandito ka na, edi maglaro ka muna,” saad niya at umupo sa tabi ko.

“Paano? Hindi naman na ako member ng soccer team,” sagot ko.

“Problema ba ‘yun? I am a member so pwede namang you'll pretend to be me muna, di ba? Oh!” Saad niya sabay abot sa akin ng bag niya. “Nandyan ang lahat ng kailangan mo. The wig and everything. I know you'll be here so I already planned for this. Sige, una na ako.”

Pinanuod ko siyang umalis at saka napatingin sa bag na iniwan niya. Napabuntong hininga ako at saka tumayo at nagpunta sa locker area upang magbihis. Pagkalabas ko ng locker room ay mukhang gulat na gulat pa ang mga babaeng nakasalubong ko na papasok sana sa loob. Sabagay, sino nga naman bang hindi magugulat kung may makasalubong kang lalaki na galing sa female's locker room?

Pupunta na sana ulit ako sa field pero nagulat ako nang may lumapit na lalaki sa akin.

“Oy tol! Game na natin ah!” Saad niya at pagkatapos ay inakbayan ako. Kailangan ba talagang akbayan ako? “Bakit parang lumiit ka ata?” Tanong niya.

“Hindi ah. Baka tumangkad ka lang,” sagot ko na pilit pinapalaki ang boses ko. Ang hirap pala ng ganito.

Sabay na kaming nagpunta sa field at hindi na kami nagsayang pa ng panahon. Ayos pa rin pala akong maglaro. Hindi pa rin nagbabago ang skills ko.

“Gumagaling ka ata ngayong maglaro ah?” puna ni Coach.

“Baka inspired!” Sabi ng isang ka-teammate ko. Este ni Liloree.

Bigla na lang natahimik ang buong team at napatitig sa bandang likuran ko. Lumingon din ako at tiningnan kung ano ang tinitingnan nila. Nagulat ako nang makita ko ang mga lalaking papalapit sa amin. Si Ji? At kasama niya ang dalawang kasama niya rin noong nag-car racing kami. Anong ginagawa nila rito?

“Late na naman kayo! Napakapasaway niyo talaga! Nasaan si Sol?!” Sigaw ni Coach.

“He's out there hunting a b*tch,” sagot niya.

Nginitian ko siya pero he glared at me.

“Okay! Practice game na uli tayo!” Sigaw ni coach.

Nagsimula na kaming maglaro at nagulat ako nang tumama sa ulo ko ang bola na sinipa ng kasama ni Ji na kasalukuyang ka-team ko para sa practice game na ito. Ipapasa ba sana niya ang bola? Bakit parang hindi pasa ang tawag sa ginawa niya?

Lumapit sa akin si Ji. Akala ko tutulungan niya akong tumayo pero kinuha lang niya ang bola at tumingin ng masama sa akin. Wow. He's mean to me! Pero sa iba, hindi naman! What's wrong between him and Liloree?

Naglaro lang uli kami hanggang sa paulit-ulit na tumatama sa akin ang bola galing sa kanilang tatlo. Pakiramdam ko ay bugbog na ang katawan ko.

“Hey, play nice!” Sigaw ko.

“I am playing nice!” Sigaw din niya at itinulak ako. Napaupo ako.

“What's wrong with you?!”

“There's nothing wrong with me!”

Inawat siya kaagad ng ka-team namin. Bakit siya ganyan? I thought he's nice!

Tinapos din agad ni Coach ang practice at pinapunta na kami sa class namin. Nagbihis kaagad ako at nagpalit bilang Renesmee muli.

Habang naglalakad ako papunta sa elevator ay pansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao. Dahil kaya pula ang buhok ko? Buti pa nung naka-disguise ako bilang Liloree kanina ay walang masyadong tumitingin sa akin.

Pagdating ko sa tapat ng classroom ko ay nabigla ako sa mga taong sumalubong sa akin.

“Renesmee!” Tawag nila.

“Kanina ka pa namin hinahanap!” saad ni M.

Pumasok ako sa loob ng room at umupo sa tabi nila. “Anong ginagawa niyo rito?” Tanong ko.

“Eto. Sinusundan ka.” Sagot ni Ericka. Napa-iling ako. Sumasakit ang ulo ko sa kanila.

“Ay oo nga pala! May ipapakita kami sayo!” Singit ni M.

“Tantananan! Tadan! Look!” Saad ni Ericka at nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang ipinakita niya sa akin ang hawak niya.

“What the?! Where did you get that?!” Hindi makapaniwalang tanong ko at tinangkang agawin ang picture na hawak-hawak nila.

“Saan pa nga ba?! Edi nung ginawa mo yung dare!” Sagot ni Khrystal.

“Hindi niyo pa nga bayad yung half million ko.” Saad ko at saka ko inagaw ang picture.

Tiningnan ko itong maigi at napangiti ako. Sa totoo lang, hindi ko ginawa ang dare. Nagulat pa nga sa akin ang lalaking iyon nang bigla ko na lang siyang hinawakan sa magkabilang pisngi at nilapit ang mukha ko sa kanya.

“Alam mo ba 'te, ang tapang mo! Hinalikan mo lang naman ang isa sa mga Kings!” Sigaw ni Ericka.

“Huh?! Kings?”

“You mean you don't know who this guy is? Sikat kaya ‘to!” Tanong naman ni Khrystal at inilapit pa talaga niya sa akin ang picture nung dare ko habang itinuturo niya ang mukha nung lalaki dito.

“Actually he looks familiar,” sagot ko. “Akin na lang ‘tong picture na ‘to ha? Nakakahiya baka may makakita pa. Kawawa naman yung lalaki, medyo kita kasi yung mukha niya dito sa picture.”

“Uhm sige di bale, madami pa naman kaming ganyan eh!” Saad ni Khrystal at nilabas yung... isang box na punong-puno ng pictures?!

Aagawin ko sana ang box pero natahimik kami nang dumating na yung teacher namin. Algebra ang subject namin at hindi pa nga nagsisimulang magturo si Ma’am ay dumudugo na ang utak ko. Ugh!

Magsisimula na sanang magsalita ang teacher namin nang biglang nagtilian ang mga classmates ko. Pati na rin ang teacher namin ay naging hugis puso ang mga mata. Kahit nga itong katabi ko ay nakikitili na rin. Sino ba yung tinitilian nila? Sino ba ‘yun at pati mean girls ay halos magkandapaos sa pagtili?

Tumingin ako sa may pinto at natigilan ako nang magtagpo ang mga mata namin. Halata ang galit sa mukha niya. Uh-oh. Patay. Am I going to mark this day as Renesmee's poor day again?!