“I’m Mr. Elisson Park. Ipinahanap kita coz I want to talk to you,” saad ng baklang nakaupo sa harapan ko. Akward akong tumingin sa kanya. Tumingin din ako kay Sol na nasa harapan ko at pati na rin kina Dae, Victor at Ji. Kasama rin namin siAliyah.
“Ano naman po ang pag-uusapan natin?” Naguguluhang tanong ko.
“I want to include you in our club.” Club? Ang Music Club ba ang tinutukoy niya?
“But I don’t have any talent, why me?” Nagtatakang sagot ko.
“I don’t need your talent. I need your presence.” Sagot niya at saka tumingin kina Sol. “May naisip na akong gagawin niyo para sa October. And it is all thanks to Renesmee.”
Gulat kong itinuro ang sarili ko. “Ako po?”
Tumingin siya sa akin at saka tumango. “Dahil ikaw ang dahilan ng breakup ni Sol at Aliyah, naisip ko na dahil sa’yo ay madaming maiintrigang pumunta sa October.”
"Teka Mr. Park, ano po ba yang pinagsasabi nyo?" Tanong ni Dae.
"Ganito kasi ‘yan, dahil sa alam naman nating lahat na si Sol at Aliyah ay mag-on before, edi maiintriga ang mga fans nila sa magiging papel ni Renesmee sa Musical Play. Dahil doon ay madami ang pupunta sa October. Madaming reporters, madaming usisero at usisera.”
“So it was all for the money, huh?” Tanong ni Sol. Tiningnan ko siya at mukhang hindi siya natutuwa sa sinabi nung bakla.
“Yes. And for your career. Hindi ko hahayaan na malaos kayo, mga anak ko na kayo. And wala kayong magagawa sa desisyon ko. My decision is final.” Seryosong sagot ni Mr. Park.
Napabuntong hininga silang lahat.
“Eto yung video ng practice niyo. Watch it. And I’m telling you, it was really disappointing. I hope maayos na ang ilangan sa pagitan niyong lahat.” Saad niya at ipinatong sa lamesa ang camera.
Tumayo na siya at palabas na sana ng office pero humarap siyang muli sa amin.
“And by the way Renesmee, it may sound foolish but I want you to stay close with Sol. Gusto kong magkaroon ng rumors tungkol sa inyong dalawa para mas lalong dumami ang pupunta sa October. I’ll see you guys again next week for the practice.” Saad niya at saka isinara ang pinto.
Pagkalabas niya ay naging tahimik kaming anim. Ang awkward. Ugh. Napatingin ako kay Aliyah nang bigla siyang tumayo.
"Even if I look stupid and numb, I know you are all mad. Hey, I want to be close with you guys again. This isn’t us. We’re all friends here remember? Sana hindi maging dahilan ang breakup namin ni Sol para masira ang friendship natin. Sumama ako sa amusement park para maging okay na tayo pero binalewala niyo pa rin ako. Guys, sana ma-realize nyong sincere ako sa pakikipag-ayos." Saad niya at saka lumabas.
Tumingin ako sa kanilang apat, malungkot ang mga mukha nila. Isa-isa silang tumayo at naglabasan, naiwan kaming dalawa ni Sol. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Nagtataka ko siyang tiningnan.
“He said we should stay close.” Paliwanag niya kahit wala naman akong sinasabing kahit ano.
☆☆☆
“Sol!” tawag ko sa kanya, pero parang wala siyang naririnig at patuloy lang siya sa paglalakad paalis. Saan naman kaya nagpunta ‘yun? Bakit ba kasi ang kulit niya? Sabing hindi ako marunong mag-piano eh! Ayaw naman niyang maniwala. Gusto niya tumugtog ako sa harap niya. Ugh.
Napabuntong hininga ako. Ano bang problema niya? Palagi siyang masungit sa akin. Parati kaming nag-aaway, parati niya kong sinisisi at parati niya kong pinapahamak. Umupo ako sa harap ng piano niya at tiningnan ang mga papel na nasa tabi. Ang dami na pala niyang na-compose, puro pang broken hearted.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng condo niya at pumasok siya. May inabot siya sa akin at pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko.
“Ayaw mo ba?” Tanong niya.
“Gusto ko syempre!” Sagot ko at inagaw kaagad ang inaabot niya.
Natawa naman siya at umupo sa tabi ko. Mahaba ang upuan sa tapat ng piano niya kaya kasya kaming dalawa. Nakangiti ako habang inuubos ang binigay niyang ice cream.
“Sol, wala na?” Tanong ko.
Nanlaki ang mga mata niya. “Ubos mo na agad?” Hindi makapaniwalang tanong niya.
Napanguso ako. “Sige na nga mag-practice na lang uli tayo.” Saad ko. “Kailan ka pa pala tumutugtog ng piano?” Tanong ko. Hindi ko alam na marunong pala siyang tumugtog. Ang buong akala ko ay isa lang siyang broken hearted na iniwan ng girlfriend niya.
“I was nine years old when a beautiful lady with such charming personality taught me how to play the piano.” Sagot niya.
“Uhmm.. Ex mo?”
Nagulat ako nang bigla siyang natawa. “She seemed to be a mother to me, Alien. I’m too young for her back then. She’s married and already has two kids.”
“Oh!” Sagot ko at natawa rin.
Aalis na sana ako sa tabi niya nang tutugtog na siya pero nagulat ako nang pigilan niya. Nagtataka ko siyang tiningnan.
“Dito ka lang.” Saad niya at nagsimula na siyang tumugtog.
Pinapanood ko siya habang tumutugtog.
“Have you heard this song already?” Tanong niya. Umiling ako bilang sagot. “This song is entitled Let Me Be The One,” saad niya.
Tumango ako at pinanood ko siya sa pagtugtog na sinabayan niya ng pagkanta. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa tugtog at lyrics kaya tila napupunit ang puso ko sa lungkot o dahil si Sol ang kumakanta at may pinanghuhugutan siya.
Nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pinto. Agad na napahinto si Sol at sabay kaming napatingin sa pinto.
“Uh? Hi?” Bati ng bata na kamukha ni Sol. May cap siyang suot-suot at naka-backpack pa siya.
“Hey, Spy. This is Noona Renesmee. She’s our new friend.” Pakilala ni Sol sa akin dun sa bata.
“Hello, Noona!” Nakangiting bati naman nito at lumapit sa akin.
Bakit.. Bakit ang cute niya? Gusto ko siyang saktan sa sobrang panggigigil ko. Kapatid ba siya ni Sol? He’s too cute! Napangiti ako nang hinawakan niya ako sa kamay at hinila papunta sa sofa.
“I’m gonna show you something. Don’t tell hyung! It’s my birthday surprise.” Nakangiting saad niya at may inilabas sa bag niya. Birthday surprise? I wonder when his birthday is.
Isang papel ang inabot niya sa akin. Napangiti ako nang makita ko ang drawing ni Spy. Siya at si Sol ang nasa drawing at magkahawak kamay silang dalawa.
“Ang galing mo!” Saad ko at pagkatapos ay kinurot ko siya sa pisngi.
“Kumawo! But I want to loloy na.” Saad niya.
“H-Huh?” Loloy? Ano yun? Si Liloree ba yun? Liloy?
Bigla siyang kinarga ni Sol at kinausap sa lenggwaheng korean. Nakangiti naman siyang sinasagot ni Spy. Tumingin sa akin si Sol.
“Wait here.” Saad niya.
Pumunta sila sa may kusina at dahil sa pagka-inip ay hindi ko napigilang sumunod sa kanila. Nakita ko sila sa bathroom at pinapaliguan ni Sol si Spy. Yun pala yung loloy na sinasabi niya. Pumasok din ako sa bathroom dahil hindi naman nakasara ang pinto. Nang nakita ako ni Spy ay bigla niyang tinakpan ng mga kamay niya ang kanyang katawan. Natawa na lang ako. Nasa bathtub siya habang si Sol naman ay nakatayo sa tabi ko.
“Noona! Why are you here? Do you want to loloy too?”
Ngumiti ako sa kanya. “Hindi, si Sol ata gusto niya!” Sagot ko at ngumiti ng nakakaloko.
Mukha namang nahulaan ni Sol ang gagawin ko kaya inunahan na niya kong itulak sa bathtub.
“Waaah!” Sigaw ko.
Nagtawanan silang magkapatid. Ngumuso naman ako at hinila ko si Sol papunta sa bathtub. Umapaw ang tubig dahil sa impact ng pagkakaupo niya at sa bigat naming tatlo kaya binuksan ni Spy ang gripo pati na rin ang shower. Pati tuloy ako para na ring naligo!
Tawa lang kami nang tawa, para kaming mga timang. At etong si Spy, pasaway talagang bata, ibinuhos niya ang liquid soap sa bathtub at pinabula kaya naglaro kaming tatlo sa bula. Nilagyan ko si Sol ng bula sa mukha at bumawi naman siya, mas madami siyang nilagay sa akin! Si Spy naman ang napagtripan namin at nilagyan namin ng bula sa may baba niya.
“Wow! Do I look like Santa Claus now?” Tanong niya.
Nagtawanan kami pero napahinto ako sa pagtawa nang biglang hubarin ni Sol ang t-shirt niya.
“Hoy! Isuot mo nga yang t-shirt mo!” Utos ko sa kanya.
“Noona you're blushi—”
Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya dahil isinubsob ko agad ang ulo niya sa mga bula pero agad ko ding inangat ang ulo niya.
“Naku Spy! Nalunod ka ba?” Nag-aalalang tanong ko.
Bigla siyang tumawa at pagkatapos ay hinawakan ang magkabila kong pisngi. “I love you, Noona!” Saad niya at hinalikan ako sa pisngi. Napatingin ako kay Sol at nailang ako nang mahuling nakatingin siya sa akin, pero mas lalo akong nailang nang nginitian niya ako.
“Uh?! Noona! You okay?” Tanong ni Spy nang muntik na akong mapasubsob. Tila nanigas ako sa kinauupuan ko, hindi ako makapaniwala.
Tumayo si Sol at umalis sa bathtub. Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at bigla akong hinatak patayo at ibinalot sa akin ang twalyang dala niya. Pagkatapos noon ay nauna na siyang lumabas.
Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa likod niya habang naglalakad paalis. Natauhan na lang ako nang narinig kong tumawa si Spy. Humarap ako sa kanya. Nakatakip ang kamay niya sa kanyang bibig habang pinipigilang tumawa. Ini-level ko ang mukha ko sa kanya at kinurot siya sa pisngi.
“Maligo ka na!”
Tumango naman siya at kinurot rin ako sa pisngi.
Paglabas ko ay si Sol ang sumalubong sa akin. Inabot niya sa akin ang isang t-shirt at isang short. Kinuha ko naman ito, itatanong ko pa sana sa kanya kung anong gagawin ko doon pero kaagad na siyang bumalik sa kwarto niya.
Tiningnan ko ang t-shirt na ibinigay niya. White shirt lang ito pero may tatak na Sol, tapos yung short mukha namang kasya sa akin. Kanino kaya ‘to? Mukhang bago pa.
Nagulat na lang ako nang bigla uli siyang sumulpot sa harap ko. “Dun ka na sa kwarto magpalit. Isuot mo na ‘yan para di ka magkasakit.” Saad niya saka ako nilagpasan at pumasok uli sa bathroom.
Kahit medyo cold ang pagkakasabi niya ay natuwa pa rin ako. Kahit papaano ay may concern siya sa akin. Pumasok ako sa kwarto niya, first time kong makakapasok dito. Pagpasok ko ay feeling ko nasa langit ako. Puro puti kasi ang nakikita ko. Ang hilig niya pala sa puti.
Pagtapos kong magpalit ay lalabas na sana ako pero na-intriga akong pakialamanan ang mga gamit niya. Pumunta ako sa lamesa sa tabi ng kama niya at nakita ko ang picture frame na naka-display doon. Picture niya at ni Aliyah, may kasama silang aso. Ang sweet nila sa picture…nakakainggit.
May nakita rin akong picture ni Sol na solo lang. Pero sa palagay ko, originally, hindi siya mag-isa sa picture na ‘yun. Halata kasing pinunit ang other half ng picture. Sino kaya ang kasama niya rito? Natataranta kong ibinulsa ang picture niya nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto.
“What are you doing?”
“Ah eh…wala naman.”
Napatingin siya sa picture ni Aliyah at pagkatapos ay itinaob niya ito. Humarap siya sa akin at seryosong tiningnan ako. Napatitig ako ng maigi sa mukha niya. Ngayon ko lang napansin na may sugat siya sa may kilay niya.
“Napaano ‘yang sugat mo?” Tanong ko.
“None of your business.” Aroganteng sagot niya. “Let's go outside. Spy wants to play at the playground. Wanna come?”
Tumango ako at naunang lumabas sa kwarto niya. Pinuntahan ko kaagad si Spy na bihis na at nakaupo sa sofa.
“Spy, do you have a lot of friends here?” Nakangiting tanong ko. Umiling siya.
“Ha? Bakit naman?” Gulat na tanong ko.
“Because they don't like Koreans.” Sagot niya habang nakayuko.
Hinawakan ko ang likuran niya at hinaplos ito. “Pabayaan mo na, love naman ni Noona ang mga Koreans!” Saad ko at hinalikan ko siya sa pisngi. Mukha naman siyang nabuhayan at niyakap niya ako.
Mauuna na sana kami ni Spy papunta sa park pero pagbukas ko ng pinto laking gulat ko nang makita ko doon si Aliyah.
“Sol.” Mahinang saad niya.
“Ha?” Gulat na sambit ko. “N-nasa loob si Sol.”
“No. I mean the dog.” Sagot niya.
Napayuko ako at nakita ko ang aso na hawak-hawak niya. Ito yung aso na kasama nila dun sa picture.
“Hello puppy Sol!” Saad ni Spy at nilaro nito ang aso.
So Sol pala ang pangalan ng puppy? Napatingin ako kay Aliyah at nakatulala lang siya sa akin at bumaba ang tingin niya sa suot ko. Nang biglang lumabas si Sol ay natataranta niyang kinuha ang aso.
“Uhm, hello guys.” Bati niya at aalis na sana ito nang bigla siyang hawakan ni Sol sa braso niya para pigilang umalis. Ano ba ‘tong nararamdaman ko?
“Tara Spy mauna na tayo sa baba. Hintayin na lang natin si Sol dun sa may playground.” Saad ko tapos kinarga ko siya.
Nang nakatalikod na ako ay naramdaman kong pareho silang nakatingin sa akin.
“Sorry if I let her use your clothes,” saad ni Sol
Muntik na kong matigilan sa narinig ko. Ibig sabihin, sa kanya pala itong damit na suot ko? Kaya pala ganun ang reaction niya. Para siyang nasaktan nang nakitang suot ko ito.
“No. It's okay. She's your new girlfriend anyway. As a matter of fact, I did not take that as your gift.” Saglit na natahimik si Sol.
“So why are you here?” Tanong niya.
“I’m sorry for what had happened last night. And thank you for saving me.”
Gusto ko pa sanang makinig sa usapan nilang dalawa pero masyado ng halata kung nandun pa rin ako hanggang sa matapos silang mag-usap. Nang pagdating namin ni Spy sa may park ay binaba ko kaagad siya.
“Noona, why do you look sad?” Tanong niya.
“Huh? Mukha ba akong malungkot?”
Tumango siya. “Noona do you like Hyung?”
Napangiti ako at ginulo ko ang buhok niya.
“No,” sagot ko. I think I love him.