noveltoon logo noveltoon
Let me be the One 1

Chapter 11

Ch. 11 / 13 Apr 09, 2022

Natapos ang klase namin at nakalabas na ang lahat ng tao sa room maliban sa akin. Ewan ko ba kung bakit, pero parang may nag-uutos sa paa ko na huwag munang lumabas ng classroom. Eh paano pala kung…kaya ayaw akong palabasin ng paa ko ay makikita ko si Sol at Aliyah na magkasama? Hindi pwede. Kailangan kong lumabas.

Saktong paglabas ko ng classroom ng may biglang sumalubong sa aking… taga ibang planeta? Balot na balot ang katawan niya habang naka-suot ng shades, cap at naka-hoodie pa. Sino ba ang nilalang na ‘to? Ngumuso siya nang mapansing hindi ko siya makilala.

“Ano ba yan? Nag-disguise lang ako hindi mo na ko makilala?”

“Kyo?!” Hindi makapaniwalang sigaw ko.

“Sssshh! Wag kang maingay. Kita mong naka-disguise ako eh.”

Agad ko siyang tinulak. “Anong ginagawa mo dito?”

“Namimiss kita eh.”

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. “Yuck! Nakakadiri ka!” Saad ko at nilagpasan siya.

Bigla niya kong hinila. “Saan ka pupunta?” Tanong niya.

“Magpa-practice.” Mabilis na sagot ko.

“Saan? Dun sa may concert room? Kung saan makakasama mo si Sol? Iwasan mo na siya. Ginagamit ka lang niya.”

Napakunot ang noo ko. “Anong pinagsasabi mo?”

“He doesn't love you.”

“Shut up, Kyo.” Mabilis na uminit ang ulo ko.

“Stop being a dumbass, Renesmee. Alam mong hindi ka niya mahal. Alam mong si Aliyah lang ang mahal niya.” Napailing na lang ako at tinalikuran ko na siya. Nagmamadali akong naglakad para makalayo sa kanya pero nahabol niya ako at hinila niya ako sa braso.

“Makinig ka sa akin,” pagpupumilit niya.

“No. I won't listen to you.”

“Renesmee—”

“Don’t touch her! She’s my Alien!”

Sabay kaming napatingin sa sumigaw at nagulat ako nang mapagtanto ko kung sino siya. “S-Sol?”

Agad siyang lumapit papunta sa aming dalawa ni Kyo at hinawakan ako sa kabilang kamay ko, para tuloy nila akong pinag-aagawam.

“Let her go.” Utos niya kay Kyo.

“No. You. Let. Her. Go.” Mariing sagot ni Kyo.

Pareho silang masama ang tingin sa isa't isa. Pilit akong hinihila ni Sol pero ayaw akong bitiwan ni Kyo.

“I said let go.”

“I'm not afraid of you, Sol.”

“So am I.”

“Bitiwan mo na kasi siya, nang makaalis na kami.”

“Hindi pwede. May lakad pa kami,” sagot ni Sol. Lakad? Hindi ko ata alam yun?

“Saan? Sasama ako.”

“Hindi naman niya kailangan ng bodyguard eh. Kasama naman niya ako. Kaya ko siyang protektahan.”

“Yun na nga yung problema eh. Nandun ka.” Pagdidiin ni Kyo.

Bigla akong hinila ni Sol papunta sa kanya kaya nabitiwan ako ni Kyo. Balak na sana niya akong hilahin paalis pero napahinto siya nang magsalita uli si Kyo.

“You know what Sol, it would be better if you'll let Renesmee go. Let her go. Wag mo siyang gamitin. Hindi naman siya Elastoseal para gawing panakip butas eh. Sasaktan mo lang siya. Hindi naman siya yung ex-girlfriend mo na mahal na mahal mo eh. Ginagamit mo lang si Renesm—” Hindi na naituloy pa ni Kyo ang sasabihin niya dahil sinuntok na siya ni Sol.

“Sol, stop it!” Pigil ko nang balak pang suntukin uli ni Sol si Kyo.

Tumayo naman si Kyo para bawian ng suntok si Sol pero hindi na niya ito natuloy dahil biglang may nagsalita.

“Knock it off you guys!”

Sabay-sabay kaming napatingin sa nagsalita. Bakas ang pagkagulat sa mga mukha ng dalawa nang makita nila kung sino ang nagsalita. Si Aliyah.

Lumapit siya sa amin. “What the hell are you guys doing? Ang daming media sa labas. What if they see you here—fighting?”

Nanahimik kaming tatlo. Halata pa rin sa itsura ni Sol na galit na galit siya and he's pissed off with Kyo. Natigilan ako nang biglang hinawakan ni Aliyah ang kamay niya. Napatingin sa kanya si Sol at nakita kong unti-unting nawala ang galit na expression sa mukha niya. Masakit. Masakit ang mga nakikita ko ngayon.

“Let's just go inside. Let them talk for a while.” No. Don't go, Sol.

Tumango si Sol at tumingin sa akin. Yung itsura niya, parang nagpapaalam siya sa akin na sasama siya kay Aliyah. No. Don't go with her.

Tumango na lang ako sa kanya. Pagkatango ko ay tumalikod na sila at umalis. Ang sakit panooring magkasama silang naglalakad palayo. Palayo sa akin.

“Lumayo ka na sa kanya, “ utos ni Kyo.

Napatingin ako sa kanya. “Mahal ko siya.”

“Mahal? Nasasabi mo lang ‘yan kasi ayaw mo siyang pakawalan. Layuan mo na siya. Umiwas ka na sa kanya. Masasaktan ka lang. Hindi mo ba nakita ‘yung naging reaksyon niya kanina nang hinawakan siya ni Aliyah?”

“Tumigil ka.” Nanghihinang utos ko.

“Wake up! Masasaktan ka lang sa kanya, Renesmee.” Hindi pa rin siya tumitigil.

“Mas sinasaktan mo ko sa mga sinasabi mo.” Saad ko at saka umalis. Dire-diretso lang ako sa paglalakad at hindi ko na siya nilingon. Dumiretso kaagad ako papunta sa may concert room at ang sumalubong agad sa akin ay si Victor.

“Hyung! Nandito na si Noona!” Sigaw niya.

Nagulat ako nang tumakbo papunta sa akin si Dae at niyakap niya ako.

“Don't touch my Alien,” inis na utos ni Sol.

Nagtawanan silang apat dahil sa reaksyon niya. Mukha kasi siyang nagseselos. Mukha nga lang.

“Oh! Hyung! What's this? Naka-iPhone 5 ka na?” Biglang tanong ni Victor nang may makitang nakalawit sa bulsa ni Sol.

Kinuha ni Dae ang nakalagay sa bulsa niya.

“Hey!” Sigaw ni Sol.

Tumakbo palayo sa kanya si Dae. “Hyung ano ‘to ha?”

Nanlaki ang mga mata ni Sol at bahagyang namula. “Give it back to me!”

Pinagpasa-pasahan nila ang iPhone niya. “Akin na kasi! Pag ‘yan nahulog humanda kayong tatlo sa akin!”

Pare-pareho silang nag-agawan sa iphone niya nang bigla itong nahulog mula sa kamay ni Dae at tumalsik. Uh-oh. Napatingin kaming lahat kay Aliyah na kakalabas lang mula sa dressing room. Dahan-dahan siyang yumuko at pinulot ang cellphone ni Sol na bumagsak sa harapan niya. Natahimik ang apat at nakatingin lang silang lahat kay Aliyah at may expression na hindi ko maintindihan. Pagkatingin ni Aliyah sa iPhone na napulot niya ay agad siyang napatingin sa akin at lumapit.

“I guess this is your phone.” Naiilang na nakangiting saad niya habang iniaabot sa akin ang cellphone ni Sol. Kinuha ko iyon kahit hindi naman ‘yun sa akin.

“Actually, kay Sol ito.” Saad ko pagkakuha ko ng phone.

Nawala ang ngiti niya at napatingin kay Sol. “A-ah.. O-okay.” Nauutal na saad niya at saka bumalik bigla sa dressing room.

Napatingin ako sa phone ni Sol at muntik ko ng mabitiwan dahil sa gulat sa nakita ko sa screen. Tumingin ako kay Sol at nag-iwas siya ng tingin. Tama ba ‘tong nakikita kong collage of stolen pictures ko na wall paper nya?

Lumapit siya sa akin. “Akin na nga yan.” Saad niya at inagaw niya ang phone mula sa akin. Hindi siya makatingin ng diretso.

“Woah! Hyung is so cute!” Kantyaw sa kanya ni Victor at Dae.

“Ikaw ah! May hidden desire ka pala sa akin ha!”

“Wala ah!” Deny niya.

Kasabay kong tumawa ang tatlo.

“Tatawa-tawa pa kayo dyan.” Saad niya sabay walk-out at lumabas ng concert room.

“Uy teka!” Tawag ko sa kanya at hinabol ko siya sa labas.

Nagulat ako nang sa paglabas ko ay sinalubong ako ng mahigpit na yakap niya.

“Akala ko hindi ka na babalik. Akala ko sumama ka na sa Kyohei na ‘yun.”

Napangiti ako at niyakap ko rin siya. I want to ask him if mahal na ba niya ako, kung nalimutan na ba niya si Aliyah.. pero hindi ko kayang alamin ang magiging sagot niya. Natatakot ako.

Nagulat kaming pareho nang biglang bumukas ang pinto. Agad kaming naghiwalay pero feeling ko nakita niyang magkayakap kami.

“A-ano... I-I'm sorry. Hindi ko sinasadyang makaistorbo.” Ngumiti siya pero halatang pilit. “Uh, Sol, pinapatawag kana ni Mr. Park para sa practice.”

Tumalikod siya sa amin at pumasok sa loob ng concert room. Bakit ganun ang reaksyon niya? Parang may mali? Parang may mali kay Aliyah Gilbert?

“Let’s go.” Saad ni Sol at saka naunang pumasok sa loob.

Susunod na sana ako sa kanya pero nagulat ako nang biglangnag-vibrate ang cellphone ko.

“Napatawag ka?” Bungad ko pagkasagot ng tawag.

“Ren-ren.” Nanginginig ang boses niya.

Kinabahan ako bigla. “Umiiyak kaba?”

“Ang sakit-sakit kasi.”

“B-Bakit?”

“Mahal na mahal ko kasi siya eh. Kaya tuloy nasasaktan ako ng ganito.”

Nakarinig ako ng mahinang hikbi na dahan-dahang dumurog sa puso ko. Ang kambal ko, isang Liloree Cai Alcantara Clarkson, umiiyak dahil sa isang babae. Ibang klase.

“Ano bang nangyari?”

“Mahal pa rin niya si Sol, Renesmee.”

☆☆☆

Papasok na sana ako ng concert room nang nakasalubong ko sa pinto si Aliyah. Mukhang hinintay niya talaga ako.

“Break nyo?” Tanong ko.

“Pwede ba tayong mag-usap?” binalewala niya ang tanong ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko at parang bigla akong kinabahan. Ayoko siyang kausapin dahil pakiramdam ko'y may mga bagay siyang sasabihin sa akin na hindi ko magugustuhan.

“Ayoko.” Madiin kong sagot. Ngumiti ako sa kanya at saka ko siya nilagpasan. Hindi pa man ako nakakadalawang hakbang, ay nagsalita na siya na dahilan para matigilan ako.

“I didn't give him up.”

Humarap ako sa kanya, nakatalikod siya sa akin. “I didn't give him up. I never did.”

“Anong ibig mong sabihin?”

Dahan-dahan siyang humarap. “I didn't give him up and.. I never gave him to anyone.”

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. “Hindi kita maintindihan.”

“Mahal ko siya. Mahal na mahal ko pa rin siya. Hindi nagbago ‘yun. Kahit kalian, hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko si Sol, Renesmee.”

Pakiramdam ko'y nag-echo sa akin ang mga sinabi niya. Napapikit ako at naalala ko ang kambal ko.

“Hindi kita maintindihan, Aliyah.” Saad ko at saka ko siya tinalikuran, pumasok na ako sa loob ng concert room. Gusto kong magwala. Nanginginig ang kamay ko nang maupo ako sa isa sa mga upuang naroon. Tumingin ako sa stage at si Sol agad ang nakita ko. Bakit kailangan niya pang iwan si Sol kung mahal naman pala niya ito? Naguguluhan na ko!

Pinanood ko siya habang nagpapiano. Tinutugtog niya ang “Kiss the Rain” ni Yiruma. Isang napakalungkot na tugtugin. Isang nakakaiyak na tugtog. Paano kapag nalaman niyang mahal pa rin siya ni Aliyah, ibigsabihin tapos na ‘yung mission ko bilang isang panakipbutas. Parang ayoko. Kahit nasasaktan ako dahil ginagamit niya lang ako, parang hindi ko kayang mapalayo pa sa kanya. Okay na yung nasasaktan ako basta lagi niya akong nasa tabi.

Pumasok si Aliyah sa stage. Tulad nga ng sinabi ng president ng music club, ang theme namin ay makatotohanan dahil nga binase ito sa totoong pangyayari. Si Sol ang broken hearted dahil sa pang-iiwan sa kanya ni Aliyah.

Lumapit sa kanya si Aliyah, magkakatitigan sila. Kitang-kita sa mga mata nila na nasasaktan sila. Biglang lumabo ang paningin ko. Ayokong makita ito, kaya tumayo ako at lumabas ng concert room. Dinala ako ng paa ko sa lugar na hindi ko akalain na pupuntahan ko. Napangiti ako ng mapait nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napatingin ako sa langit, why now?

Lalong lumakas ang ulan, kasabay nito ang pagtulo ng luha ko. Napangiti ako. Napangiti ako dahil walang nakakakita sa akin na umiiyak. Walang nakakakita sa akin na nasasaktan ako. Nakakatawang isipin na sa mismong sa harapan ko pa sila ganun kung umarte. Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko matanggap na nakikita ko pa rin sa mga mata niya na mahal pa rin niya si Aliyah.

Laking gulat ko nang biglang may lumabas na nilalang sa may madilim na parte ng playground. Hindi masyadong maaninag ang itsura niya dahil madilim pero dahil kabisado ko ang bawat detalye ng mukha niya ay madali ko siyang na-recognize. Si Sol.

Tiningnan kong maigi ang mukha niya. Hinawakan niya ang braso ko. “Renesmee.” Tawag niya. Saglit niya kong tinitigan bago nagsalita. “I know I was a jerk for hurting you and for using you to forget Aliyah. Believe me, I really am sorry.”

Iniwas niya ang mukha niya sa akin at siya’y napayuko. “I know sobra yung ginawa ko sayo. I know hindi mo dapat mahalin ang katulad ko but please.. Will you give me a second and last chance? I'm sorry that I can't accept the feelings you have for me. It's just that, for me, you’re like a precious glass and I’m afraid to touch you. 'Cause I believe that if I do, you might break and shatter into pieces.. and I never wanted to hurt you.”

Napabuntong hininga siya at hinawakan ang pisngi ko. “But I failed right? Nasaktan pa rin kita.”

Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko. “Why are you telling me all of this?” Naguguluhang tanong ko. “Nagi-guilty ka ba? Kung dahil lang sa nagi-guilty ka, just stop it.”

Ngumiti siya ng pilit at mas lalo siyang lumapit sa akin. “Noon pa lang, I already have this feeling that I have to protect you. That no one would hurt you. And I want to keep you. Ngayon ko lang na-realize na may tawag pala sa bagay na ‘yun. May tawag pala dun sa klase ng pakiramdam na ‘yun. And I'm so sorry that it took ages before I could finally realize this.”

“Ang tawag pala dito... Pag-ibig para sayo.”

Pakiramdam ko'y huminto sa pag-ikot ang mundo ko. Hindi ko magawang igalaw ang katawan ko. Miski ang ibuka ang bibig ko ay hindi ko magawa.

“Alien.” Tawag niya sa akin. “I think I've fallen for you.”

Tinitigan ko siya ng ilang sandali bago ako nakapag-react. Napahikbi ako. Tuluyan ng pinakawalan ng mga mata ko ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

“Kung kasinungalingan ‘yan, salamat. Sabihin mo na lang yung totoo pero wag mong sabihin na nafa-fall ka na sa akin pero kasinungalingan lang pala. Ang sabi ko I won’t let myself get hurt. In order not to break my own heart, I should not fall in love. Pero eto na, nasaktan na ako. And the next thing I knew… mahal na pala kita. Bakit ba kasi ikaw pa yung minamahal nitong bobong puso ko?” Inis na tanong ko.

Nakatayo lang siya sa harapan ko at pinapanood akong umiyak, tahimik na nakikinig sa mga hinanakit ko.

“Alam ko namang weak ako eh. Actually, I'm not used to be like this. I’m not this girl, you see. Pero ng dahil sa lintek na pag-ibig na yan, nagkanda letse-letse na yung buhay ko; ng dahil sa picture na yan, nakilala kita; ng dahil sa ngiti mong yan, na-in love ako at ng dahil sa pagiging broken hearted mo... na-fall ako sayo.”

Namagitan ang matagal na katahimikan sa pagitan naming dalawa bago siya nagsalitang muli.

“Tapos ka na ba?” Seryosong tanong niya.

Umiiyak akong tumango ng dahan-dahan. Ngumiti siya at unti-unting lumapit sa akin.

“Pagod ka na ba?” Tanong uli niya.

“Sa pag-iyak? Oo.”

Pinunasan niya ang basang pisngi ko. “Eh sa pagmamahal sa akin, pagod ka na ba?”

“Paano kung…oo?”

“Edi hahayaan na kitang magpahinga.”

Natawa ako ng pilit. Ang dali lang para sa kanyang sabihin iyon.

“Renesmee, at first I thought I was just guilty for hurting you and for everything I’ve caused you. But then I realized that I already fell… I fell in love with you.” Huminga siya ng malalim at pinunasan ang pisngi ko.

"Thank you for being there for me even if I thought it's already late. I thought I can't love anybody else. I thought my life has already ended. But I was so wrong. My life has just begun when you came. And thank you, for making me realize that there would always be stars in the middle of this darkness. Thank you, Renesmee. Thank you.”

Napangiti ako sa sinabi niyang iyon.

"Renesmee, I love you. I really do. And I’m really sure of that now."

Sunod-sunod muling tumulo ang mga luha ko. Hinawakan niya ang pisngi ko at muling pinunasan ito.

“Saranghae.” Bulong niya.