noveltoon logo noveltoon
Let me be the One 1

Chapter 8

Ch. 8 / 13 Apr 09, 2022

“Where's Spy?” Tanong ni Sol pag-kasunod niya sa amin sa playground.

“Yun nga ‘yung problema ko eh. Bigla na lang siyang nawala. Hahanapin ko muna.”

Tumakbo kaagad ako paalis upang hanapin si Spy. Habang tumatakbo ay tumingin-tingin ako sa paligid at nagulat na lang ako nang may biglang sumigaw.

“Aray! Sakita sa ako lubot ui!”

Napatingin ako sa kanya. Nakaupo siya sa sahig habang nakahawak sa may pwetan niya. Teka? Nabangga ko ba siya? Nakatingin lang siya sa akin. So nabangga ko nga?

“Ay, sorry nagmamadali kasi ako,” saad ko at tinulungan ko siyang tumayo.

“Okay lang. Ako rin, hinahanap ko kasi si Sweet,” sagot niya.

Pareho pala kaming may hinahanap. Nagulat na lang ako nang biglang may maliit na nilalang ang yumakap sa legs ko.

“Noona! I found you!”

“Spy, saan ka ba galing?”

Pumikit-pikit muna siya at saka umalis sa pagkakayakap sa akin. “In the slide. I had fun with Sweet!” Mabagal na sagot niya at napatingin sa babaeng nabangga ko. “Uhmm Noona, who is she?” Tanong niya.

“Hello little boy! You're so cute! My name is Cyra.” Pakilala niya. “By the way, sabi mo di ba kasama mo si Sweet? Hinahanap ko kasi siya. Pwede mo bang sabihin sakin kung saan mo siya nakita?”

Oo nga pala, Sweet nga pala ang sinabing pangalan ni Spy na kalaro niya sa slides at sweet naman ang pangalan ng batang hinahanap ng babaeng ito. Maaring iisang bata lang ang tinutukoy nilang dalawa.

“She's still in the slide waiting for me. Let me take you there, Noona!”

Pumunta kaming tatlo sa slide at may nakita kaming batang umiiyak at nakita ko rin si Sol na papalapit sa amin.

“Hey, I’ve been looking for you two.” Bungad niya nang makalapit siya sa amin.

“Sorry, Hyung,” nakangusong saad ni Spy.

“No. It’s okay. Let’s go back.” Saad niya at nauna siyang lumakad.

Susunod na sana kami sa kanya pero pinigilan kami ng babaeng nabangga ko. “Wait, pwede bang kumain muna tayo ng ice cream kasama ang mga bata?”

Napaharap ako sa kanya. “Sure!” Mabilis na sagot ko.

“Alien.”

Humarap ako kay Sol. “What? Masamang tanggihan ang grasya,” sagot ko.

Natawa siya sa sinabi ko at saka lumapit pabalik sa amin. “Alright.” Sagot niya.

Matapos naming bumili ng dirty ice cream ay naupo muna kami ng babaeng nabangga ko sa bench dahil mukhang nag-eenjoy si Sol sa pakikipaglaro kina Spy at Sweet. Hindi ko alam na mahilig pala siya sa mga bata. Ang dami ko palang hindi alam tungkol sa kanya.

"Gusto mo siya noh?" Napatingin sa katabi ko.

“What? No!” I replied quickly.

Natawa siya sa sagot ko. “Bakit naman? He looks nice.”

“Nice? Saang banda? He’s mean to me, pero minsan mabait. Minsan lang. Madalas, baliw siya. Mas moody pa siya kumpara sa akin.”

“Gusto mong makabawi?” Nakangiting tanong niya.

“What?” tanong ko. “What do you mean?”

“I know a language na hindi niya maiintindihan. Tuturuan kita kung ano man ang gusto mong sabihin sa kanya.” Nakangiting sagot niya.

“Are you sure?” Tanong ko. Nakangiting tumango naman siya bilang sagot sa tanong ko.

Napangiti ako ng pilit. “I want to tell him how much I hate him. I hate him so much.” Saad ko. I hate him for giving me this kind of feeling. This kind of pain. I hate Sol.

“Okay ganito yan,” she cleared her throat. “Nahan ko nimo.”

Napakunot ang noo ko. Ano raw? Anong salita iyon?

“Anong meaning noon?” Tanong ko.

“It means, I hate you so much,” nakangiting sagot niya.

“Talaga bang may ganun?” Tanong ko.

“Oo!” Sagot niya. “Dapat sabihin mo sa kanya ‘yan.”

Ano na nga uli yun? Nahan ko nimo?

“I think we need to go.” Paalam niya at saka tumayo. Lumapit naman sa kanya ang batang kasama niya.

“Take care, you two.” Paalam ko at sabay ngiti.

Tuluyan na silang umalis. Napatingin naman ako kay Sol nang maupo siya sa tabi ko. Hinihingal niyang kinandong si Spy.

“That was cool, hyung!” Saad ni Spy.

Nagtawanan silang magkapatid. Seryoso kong pinagmasdan ang mukha niya habang tumatawa at halos mawala na ang mata niya dahil sa sobrang pagkasingkit niya.

“Sol.” Tawag ko sa kanya.

Natigil naman siya sa pagtawa at napatingin sa akin. “Hmm?”

“Nahan ko nimo.”

“What?” Tila gulat na tanong niya.

Ngumiti ako ng pilit sa kanya. “Magagandang salita iyon na natutunan ko ngayon.” Nakangiting sagot ko.

Agad na kumunot ang noo niya. “Yeah? But why would you say those nice words to me?” Tanong niya.

“Why? Am I not allowed to say those words to you?”Nagtatakang tanong ko.

Nagulat ako nang bigla siyang tumawa. “Don’t you know the meaning of those words?”

Napakunot ang noo ko. “It means I hate you, right?”

Lalo siyang natawa sa tanong ko. “You didn’t understand what you just said? You’ve just admitted that you like me, Alien,” natatawang sagot niya.

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Pakiramdam ko'y pinahiya ko ng sobra-sobra ang sarili ko. Gusto kong mawala na lang ng parang bula sa harapan niya.

“Yah Spy! Noona likes your Hyung!” Saad niya at saka tumawa ng malakas.

Kumikinang ang mga mata ni Spy habang nakatingin sa akin. Ugh! Tumingin sa akin si Sol habang nakangiti ng malapad. Pakiramdam ko'y sobrang pula na ng mukha ko. Damang-dama ko ang init ng magkabilang pisngi ko.

“Uuwi na ko.” Inis na saad ko at agad na umalis sa harapan nila.

“Wait.” Pigil niya pero hindi na ako lumingon pa. Tumakbo ako palayo sa kanila para hindi na niya ko makita pa. Humanda sa akin ang babaeng iyon. She’s so dead to me! Ugh!

Malapit na sana ako sa lugar kung saan ako mag-aabang ng taxi na sasakyan papauwi pero may humarang na tatlong lalaki sa dadaanan ko.

“Siya na ba ‘yun?” Tanong ng isa.

“Oo. Siya ‘yung babaeng kasama niya kanina.”

Confused at clueless ako sa mga pinagsasabi nila. The next thing I knew, hawak na nila ako sa magkabilang braso. Magpupumiglas sana ako pero may itinakip sila sa bibig at ilong ko. Sinubukan kong sumigaw at manglaban pero unti-unting umikot at nanlalabo ang paningin ko hanggang sa…

☆☆☆

Pagmulat ko ng mga mata ko ay wala akong ibang nakita kundi ang mga lalaking naglalaro ng cards sa isang table. Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko dahil mahigpit itong nakatali sa aking kinauupuan. Teka, huwag mong sabihing na-kidnap ako?!

“N-Nasaan ako?” Nanghihinang tanong ko. Hindi nila ako pinansin at tuloy lang sila sa kanilang paglalaro.

“Nasaan ako?!” Sigaw kong muli pero parang wala pa rin silang naririnig at patuloy pa rin sila sa paglalaro ng cards. Nagpupumiglas ako, nagbabakasakaling makaalis ako sa pagkakatali ko.

“Naman oh! Ano bang kailangan nyo?” Sigaw ko.

“Fcuk. She's noisy.” Reklamo ng isang lalaking nakayuko, mukhang natutulog siya. Iniangat niya ang ulo niya at nakita ko ang mukha niya. Tumayo siya at nakapamulsa siyang lumapit sa akin. Dahil nakaupo ako ay nakatingala ako sa kanya.

“Ano bang kailangan nyo? Ransom? Tawagan nyo na lang ang parents ko. Wala akong dalang pera dito.”

He laughed sarcastically. “I don't need your goddamn money.”

“Then what do you want?”

Ngumiti siya. “Too bad, your boyfriend messed up with the wrong guy.”

“Boyfriend?! Baliw ka ba o nagpapatawa? Wala akong boyfriend.”

“Hindi mo na kailangang magsinungaling sa akin. Don’t worry, nandito ka lang naman bilang pain. Kapag dumating na ang hinihintay namin, malaya ka na.”

Tumingin ako ng masama sa kanya. Ngumiti lang siya ng nakakaloko at saka ako tinalikuran.

“Kayo nang bahala sa babaeng ‘to. Tawagan niyo na lang ako kapag dumating na siya.” Utos niya sa apat na lalaking naglalaro ng cards.

What does he meant by that?! Tuluyan na siyang naglakad paalis. Napatingin ako sa apat na lalaking naglalaro ng cards. Nagtatawanan sila habang nakatingin sa akin.

“Mukhang magandang magpainit muna tayo, hindi ba?”

“Mukhang masaya ‘to.”

Tumayo silang apat at dahan-dahang lumapit sa akin. Natatakot na ako. Hindi ako makaatras dahil nakatali ako sa upuan. Hinawakan ako ng tatlo sa magkabilang braso habang ang isa naman ay tinanggal ang pagkakatali ko sa upuan. Nagpupumiglas ako.

“D-don't touch me!”

“Wag ka mag-alala. Mag-eenjoy ka rin dito.”

☆☆☆

Umiiyak ako sa sulok habang nakayuko. Pilit kong tinatakpan ang katawan ko. Pakiramdam ko ang dumi-dumi kong babae. Iyak lang ako nang iyak habang sila ay nagtatawanan habang naglalaro ng cards. Ang hahayop nila.

Nanginginig ang buong katawan ko habang patuloy sa pagpatak ang mga luha ko. Punit na yung t-shirt ko. Kay Aliyah pa naman ‘to. Baka magalit sa akin si Sol pag nalaman niyang nasira ko yung damit na ipinahiram niya sa akin.

“Tumigil ka na nga dyang babae ka! Kahit papano, di naman kami rapist!” Sigaw ng isa sa kanila.

Inangat ko ang ulo ko at tiningnan siya masama. “Fcuk you! Anong tawag mo dun sa ginawa mo?! Pinagtangkaan mo pa rin ako!” Sigaw ko.

Napatayo siya. “Aba! Loko ‘to ah!”

Pagalit siyang lumapit sa akin at mahigpit akong hinawakan sa magkabilang braso at saka ako itinayo. Nagsisigaw ako at pilit kong itinutulak palayo ang mukha niya dahil sa pagpupumilit niya na halikan ako. Mas lalong lumakas ang paghagulhol ko.

“Leave her alone!”

Napatigil siya sa kademonyohang ginagawa niya sa akin at napalingon sa kung saan nanggaling ang boses at umalis siya sa harapan ko. Napapikit ako at agad na tinakpan ang katawan ko. Humahagulhol akong napaupo. Itinakip ko ang palad ko sa mukha ko at doon ako umiyak nang umiyak.

“Aba! Ang yabang mong pumunta mag-isa rito ah? Kamusta ka—Accck!”

Sunod-sunod na ingay ang narinig ko, mga nababasag o kaya ay mga malalakas na bagsak sa sahig. Lumipas ang ilang sandali at maya-maya pa ay nawala na ang ingay. Naramdaman kong may naglakad papalapit sa akin at huminto ito sa harapan ko.

Nanatili akong nakayuko at patuloy sa pag-iyak habang nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Naramdaman kong may bumalot sa katawan ko. Tiningnan ko ang binalot sa akin at isang itim na leather jacket ang nakita ko.

Iniangat ko ang ulo ko at nakita siya. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at tinulungang tumayo. Nakatingin lang siya sa akin habang ako naman ay hawak lang ang jacket niya para hindi ito mahulog.

“Umiiyak ka ba?” Tanong niya.

“Hindi. Tumatawa nga ako eh. Ang saya ko nga oh.” Nanginginig na saad ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit na pinipigilan ang pagpatak ng mga luha. “It's okay to cry, you know.”

Natawa ako ng pilit at pinunasan ko ang pisngi ko.

“Sabagay, eto naman ang gusto mo hindi ba? Ang makita akong umiiyak para makabawi ka man lang sa ginawa ko sa inyo ni Aliyah, di ba?”

Napabuntong hininga siya. “To be honest? Yes, you’re right.”

Tiningnan ko siya ng masama pero napaatras ako nang punasan niya ang pisngi ko. “But then... I realized I hate to see you crying.” Saad niya at patuloy siya sa pagpunas sa luha ko. “I’m sorry. I'm the reason why they kidnapped you."

“W-What?” Gulat na tanong ko. “Ikaw yun? Joke ba yun? Tatawa ba ko?” Umiiyak na tanong ko. “They got the wrong girl pala. Hindi naman ako yung girlfriend mo eh. Hindi naman ako si Ali—”

Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang isang mainit, mapula at malambot na labi ang pumigil sa akin sa pagsasalita. Pinigil rin noon ang panginginig ng buong katawan ko pati na rin ang pagpatak ng mga luha ko. Halos habulin ko ang paghinga ko nang naghiwalay ang aming mga labi. Kasunod nun ay ang paghila niya sa akin at pagyakap ng mahigpit.

Napasandal ako sa may dibdib niya. Ramdam ko ang higpit at warmth ng yakap niya. Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako. Marahan niyang hinaplos ang likod ko na para bang pinapatahan niya ako. Pakiramdam ko, safe ako kapag yakap niya ako.

Pumatak muli ang mga luha mula sa mga mata ko at napahagulgol ako sa may dibdib niya. Doon ko na inilibas ang lahat ng takot na nararamdaman ko. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin at saka siya bumulong sa may tenga ko.

“I am here. I will protect you. No matter what.”