Nagising ako nang maramdaman kong may humawak sa likuran ko. Nang iniangat ko ang ulo ko ay nakita kong nagtatawanan ang mga kaklase ko pero walang tunog. Nang tumingin uli sila sa akin at nakitang gising na ako ay agad nilang pinigilan ang pagtawa. What are they up to this time?
Nang matapos ang klase ay naglabasan na silang lahat at ako na lang ang natira sa room. Tumingin ako sa wrist watch ko, maaga pa, may second subject pa dapat kami bago ang recess. Bakit naglabasan na sila? Recess na ba?
Nag-unat-unat ako at humikab-hikab bago tumayo at sumunod sa paglabas ng room. Pagkalabas ko, halos lahat ay nakatingin sa akin. Kada malalagpasan ko ay nagtatawanan ng malakas. Kapag nilingon ko naman sila ay pilit nilang pinipigilan ang pagtawa. Ano bang nakakatawa?! Ugh!
Papunta na ako ng canteen nang sa paglalakad ko ay narinig ko ang usapan ng mga makakasalubong ko.
“Nasa music club daw ang Four Kings ngayon, di ba?”
“Oo nga. Eh di ba sa music club din si Aliyah?”
“Balita ko may practice sila ngayon.”
“Kaya nga pumunta lahat ng students dun sa concert hall para manood ng practice nila eh.”
“Tara, manood din tayo!”
Hindi ko nagets ang pinaguusapan nila. Dumiretso na lang ako sa canteen at pinagdikit ang dalawang palad ko at ipinagdasal na sana may ice cream. Please.
Pagdating ko sa canteen ay muntik na akong mapatalon nang makita kong may nagtitinda ng ice cream.
“Ilan?” Tanong ng tindera.
“Lahat po yan.” Nakangiting sagot ko.
Napansin kong walang katao-tao ngayon sa canteen. Bakit naman kaya? Napailing na lang ako at kumain ng ice cream hanggang sa unti-unti ay dumadami na ang mga tao.
“Napanood mo ba yung practice? Grabe noh! Nagkaka-ilangan sila!”
“Oo nga! Tapos parang disaster yung practice!”
“Tama ka dyan! Parang hindi maganda ang magiging performance nila para sa concert ng school natin this October! Hindi na lang ako pupunta!”
Bakit kaya ganun ang mga tao dito sa school? Bakit ang hilig nilang pag-usapan ang ibang tao? At sino naman kaya ‘yung pinag-uusapan nila? Napa-iling na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain ng ice cream. Palabas na sana ako ng canteen nang mapansin kong nagtatatawanan na naman ang mga tao sa paligid ko.Tatawa sila ng malakas at kapag titingin ako ay pipigilan nila ang pagtawa.
Naglakad-lakad na lang muna ako bago tuluyang bumalik sa classroom. Nakaka-miss din pala ang kakulitan ng Mean Girls. Nasaan kaya sila? Napahinto ako sa paglalakad nang mapadaan ako sa Music Club. Bakit naman ako dinala ng paa ko dito? Kumunot ang noo ko nang makita si Sol na pumasok sa isang silid. Sumunod ako sa kanya at papasok din sana sa loob para kausapin siya pero natigilan ako nang marinig ko siyang nagsalita.
“O-Oh. Sorry, I didn’t know you’re here,” halatang gulat na sabi niya.“I’m going.” Paalam niya.
Aatras na sana ako palayo sa pintuan nang marinig ko ang boses ng kausap niya.
“Wait. About the practice.” S-Si Aliyah?
“Please, I can’t. I can’t talk to you right now. You know that.”
“But we can’t stay like this forever.”
Ano bang pinag-uusapan nila? Nagulat na lang ako nang biglang may humawak sa balikat ko at hinarap ako sa direksyon niya.
“Ji?” Gulat na sambit ko.
May kung ano siyang inalis sa likuran ko. Isang papel na may nakasulat na ‘I’m a slut.’ Nilukot niya ang papel at tumingin ng diretso sa akin.
“What are you doing here?”
“Ah.. Ano.. Napadaan lang.. He-he.” Naiilang na sagot ko.
Bakit parang nanghihina ako? Napatingin siya sa bandang likuran ko. Sa palagay ko ay nakita niya kung ano ang nangyayari sa loob ng kwarto dahil bahagyang nakabukas ang pinto.
“Oh. So they're making things up?”
“Ewan.” Matamlay na sagot ko.
Ano bang nangyayari sa akin? Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
“Bakit?” Tanong ko.
“I want to eat ice cream. Mind to go with me?”
“Ice cream?” Tila kuminang ang mga mata ko nang marinig ko ang salitang ice cream.
Natawa siya ng mahina at ginulo ang buhok ko. “Silly.” Saad niya.
Pumunta kami sa labas ng school at pumunta sa pinakamalapit na ice cream parlor. Itinuro ko sa kanya kung saan ako madalas dumaan para tumakas kaya nakalabas kami ng school. Tuwang-tuwa akong kumain ng ice cream habang siya naman ay tahimik lang na nasa tabi ko. Habang busy kaming inuubos ang ice cream na in-order namin ay biglang naghiyawan ang mga tao. Bakit kaya?
“Sssh...” Saad niya at sumenyas siya na yumuko ako.
Yuyuko na rin sana ako nang biglang.. “Nooonaa!” Sigaw ng isang lalaki at bigla na lang akong niyakap. Dahil sa pagyakap niya ay parehas kaming natumba sa sahig.
“Yah! What are you doing? You’re hurting Noona!” Sigaw ng isang kasama niya. Humiwalay sa pagkakayakap sa akin ang lalaki.
“Sorry Noona!” Saad niya at tinulungan akong tumayo.
Ang dalawa pa lang myembro ng Four Kings ang dumating kaya nagtilian ang mga babae.
“What are you doing here, Dae and Victor?” Tanong niya sa dalawa. So Dae at Victor pala ang pangalan nila.
“Dae said you’re here so we followed you.” Sagot ng lalaking sumuway sa yumakap sa akin kanina. So ang pangalan niya ay Victor at si Dae ang mukhang isip bata na yumakap sa akin?
Muling nagsigawan uli ang mga babaeng nasa ice cream parlor.
“Waaaaah! Sol!” Sigawan nila.
Napalingon ako sa likuran namin at nakita ko nga si Sol…kasama niya si Aliyah. Ewan ko ba kung ano ‘tong nararamdaman ko. Naiinis akong makita silang magkasama.
“Aish.” Bulong ni Dae.
Si Victor naman ay napailing samantalang si Ji naman ay tumingin ng masama kay Aliyah.
“Oh! Noona! Let's go to amusement park!” Aya ni Dae habang nagtatalon-talon pa.
“Can we go with you guys?” Biglang singit ni Aliyah pagkalapit niya sa amin.
☆☆☆
“Noona! Cotton candy oh!” Saad ni Dae habang inaabot sa akin ang cotton candy na binili nya.
“How about lollipop?” Tanong naman ni Victor at pagkatapos ay inaabot sa akin ang lollipop.
“Ice cream?” Tanong naman ni Ji habang inaabot din sa akin ang ice cream.
Hindi ko alam ang pipiliin ko. Mukhang masasarap!
“Alien girl, how about water?” Tanong naman ni Sol.
Napatingin ako sa kanya. Actually ‘yun ‘yung kailangan ko. Nauuhaw na kasi ako. Aabutin ko na sana ang tubig nang bigla na lang inagaw ni Aliyah iyon at ininom. Napakunot ang noo ko. Pagalit ko na lang kinuha ang ice cream na in-offer ni Ji.
“Noona, do you want to try—”
“Oo, kahit ano!” Sagot ko, hindi ko na talaga pinatapos sa pagatatanong si Dae. Nakakainis! Ay ewan! Nababadtrip ako.
Bigla na lang niya akong hinila at huminto kami sa tapat ng tila isang haunted house. Isa ba ‘to sa mga rides ng amusement park? Bakit parang nakakatakot ata ‘to?
“Dae, anong klaseng ride ‘yan?” Tanong ko.
“You'll go inside and find the exit. That's how simple it is. This is hyung's favorite place. You sure gotta enjoy this.”
Hyung? Ang tinutukoy ba niya ay si Sol o si Ji? Pareho niya kasing tinatawag na hyung ang dalawa. Dumating na rin sila Victor, Ji, Sol at Aliyah.
Dalawa-dalawa kaming pumasok sa loob. Iyon daw kasi ang patakaran ng so called 'Haunted House' na 'to. Ang kasama ko ay si Ji. Si Dae naman ay si Victor ang kasama at si Sol ay si Aliyah ang ka-partner. Nauna kaming pumasok ni Ji. Pagpasok namin ay napahawak ako sa kanya. Halos wala akong makita. May mga pekeng multo at medyo nakakatakot slash nakakagulat sila. Bakit parang naduduwag ako?
“Waaaaaah!” Napasigaw ako nang biglang may nahulog mula sa itaas.
Napabitaw ako kay Ji at napatakbo. Hindi ko alam kung saan ako nakarating. Nagulat na lang ako nang may biglang humablot sa braso ko. Dinala niya ako sa may maliwanag na parte at doon ko naaninag ang mukha niya.
“S-Sol.”
“Damn! What happened? You scared the hell out of me! Bakit ka sumigaw? Are you okay?” Nag-aalang tanong niya. Naiilang akong tumango.
“Aish. Akala ko pa naman kung napaano ka na.”
Bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
“You're cold. Don't tell me you're afraid of ghosts?” Nang-aasar na tanong niya.
“Hindi ah!” Mabilis na sagot ko.
Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Nagsimula na siyang maglakad pero hawak niya pa rin ang kamay ko. Nakasunod lang ako sa kanya.
“Noona!” Sigaw ni Dae pagkalabas namin ni Sol.
Tatakbo sana siya papunta sa akin pero hinatak ni Ji ang damit niya para pigilan. Nang si Victor naman ang lalapit sa akin ay agad siyang pinatid ni Dae.
“Ano ba yang ginagawa nyo?”
“Naglalambingan lang kami, di ba?” Saad ni Ji at pinandilatan ng mata ang dalawa.
Natawa ako sa pinag-gagagawa nila. “Ang cute niyo namang maglambingan! Sana ganyan din kami ni Liloree!”
Tila umiba bigla ang aura nila.
“Liloree?” Parang naaasar na saad ni Ji.
Si Sol naman ay tumingin sa ibang direksyon habang ang dalawa naman ay napayuko.
“Bakit? May problema kayo kay Liloree?” Tanong ko.
“Naku! Wala! Paano naman kami magkakaproblema dun!” Saad ni Dae.
“Yeah! Saka kambal yun ng magiging girlfriend ko kaya imposibleng magkaproblema.” Ika ni Victor.
“Ano?!” Sabay-sabay na sigaw nina Ji, Dae at pati na rin si Sol.
“Bakit kayo nasigaw? May mali ba dun?” Tanong ni Victor.
“Wala! Wala! Sa sinabi mo, parang gusto lang kitang ibaon sa lupa eh!” Sagot naman ni Dae. Natawa ako.
“Wait. Where's Aliyah?” Biglang tanong ni Sol.
Agad niyang tinawagan si Aliyah at naka-ilang beses na niya itong sinubukang tawagan pero hindi nito sinasagot ang tawag ni Sol. “Damn pick up the phone.” Bulong niya.
Bakit ganun? Nung nakita ko kung paano siya mag-alala ay parang biglang nawala lahat ng saya ko kanina nung dumating siya para tulungan ako.
“Hyung! Where are you going?” Tanong ni Dae nang bigla na lang tumakbo si Sol.
“Gotta find my Aliyah.” Sagot niya.
Sa sagot niyang iyon ay napayuko ako. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ko nakakaramdam ng ganito?
Lumipas ang ilang oras at nandun pa rin kami sa lugar kung saan kami iniwan ni Sol kanina dahil hinihintay naming makabalik silang dalawa. Napatingin kami kay Ji nang biglang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ito at saka siya napatingin sa akin. Lumapit siya at iniabot ang cellphone niya.
“Si Sol. Gusto ka raw niyang makausap.”
Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone at saka ito idinikit sa tenga ko.
“Hey. I tried calling your phone but I think I mistyped your number.” Bungad niya.
“A-Ah.” Naiilang na sagot ko.
“Mister Park would like to see you. I’ll see you in his office. Susunod na lang kami doon ni Aliyah. Pinapapunta rin kasi kami ni Mister Park. Nasabihan ko na din si Ji at isasabay ka na daw nila.”
“A-Ah.” Naiilang na sagot ko. “Bakit daw? Sino ba ‘yun?” Tanong ko.
“Our manager. I don’t know why he wants to see you, basta pumunta ka na lang. See you then?”
“Sige.” Matamlay na sagot ko.
Ibabalik ko na sana kay Ji ang cellphone niya pero narinig ko pang may nagsalita sa kabilang linya.
“It’s you who should accompany Renesmee, Sol.”
“But I don’t want to, Aliyah. You want to fix things up, right? And that’s why I’m helping you. Renesmee
can handle herself alone. She doesn’t need me.”
Right. I don’t need him.