Nagtagpo ang mga mata namin at bakasang galit sa mga mata niya. Pumasok siya sa loob ng classroom at mas lalong naging maingay ang mga classmates ko. Hindi naalis ang tingin niya sa akin. Pumasok siya ng classroom ng hindi man lang kumukurap. Lahat ng mata ay nakatuon sa kanya. Pagkalapit niya sa akin ay hinawakan niya ako sa may wrist at hinatak patayo.
“W-What are you doing?”
Hindi niya ko inimikan, tuloy lang siya sa paghatak sa akin palabas ng classroom. Pakiramdam ko'y nalaglag ang panga ng mga kaklase ko sa nakita nila. Ganun din ata ako. Pagkalabas namin ay hinarap niya ‘ko sa kanya.
“Ano bang kailangan mo?”
“You really are full of surprises, huh? First, you attempted to kiss me. And now we have this,” saad niya at may nilabas sa bulsa niya at ipinakita ito sa akin. Nagulat ako pero umasta akong wala pakialam.
“Oh, that picture? My friends have million copies of that.”
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Nilukot niya ang picture at tumingin sa ibang direksyon. Halatang nagpipigil siya ng galit. Nagulat ako nang hawakan niya uli ako at hinatak papunta sa may lobby. Wala akong magawa habang hatak-hatak niya ako. Hindi ako makapalag dahil sa lakas niya. Nang makarating kami sa lobby ay huminto kami sa tapat ng bulletin board.
“Now, you see this?”
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ko ang nakalagay sa board. Isang picture na hindi katulad sa picture na meron ang mga kaibigan ko. Nakahawak ako sa magkabilang pisngi niya at ang lapit ko masyado sa kanya. It seems like we really are going to kiss! Nakikita na pareho ang mukha naming dalawa and it's really obvious na kami ‘yun. May title pa na nakalagay.
“Sol!”
Napalingon kaming pareho sa lugar kung saan galing ang sigaw at nakita ko ang tatlong lalaking papalapit sa amin at kilala ko ang isa sa kanila.
“So, you found her,” saad ni Ji habang papalapit sa amin.
So ang kasama ko pala ngayon ay si Sol at ako yung b*tch na hina-hunt niya kanina pa? Well yeah. I'm a b*tch and I don't care.
Lumapit silang tatlo sa amin.
“She really looks like him,” saad ng isa.
“Yeah, and she's really pretty, isn't she?” tanong namanng isa sa kanila.
Nagulat na lang ako nang hawakan akong muli ni Sol. “You need to explain everything to her,” saad niya at hinatak niya akong muli.
Hatak-hatak lang niya ko habang papalabas kami ng Tan Siu. Binuksan niya ang sasakyan niya at itinulak ako papasok sa loob. Tahimik lang siya habang nagda-drive. Kasunod namin ang tatlong sasakyan ng mga kasama niya. Yung sasakyan nila ay yung gamit nila noon nung car racing. Hindi kaya si Sol ang kasama nila noon? Siya nga siguro iyon.
Lumipas ang ilang sandali at dumating kami sa… M-Marsonville Coffee Shop?! Bakit nila ‘ko dinala dito?! Ugh! No way, I’m going in there! Lumabas ng sasakyan si Sol at hinila ako palabas. Kailangan ba talaga niya akong hilahin?! Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Bukod sa kaba ay may kasama ring takot dahil wala pa kong 1.5 million na pambayad sa shop.
Pumasok kami sa loob at aba…ayos na pala ang coffee shop na 'to. Tumingin ako sa paligid at hinahanap ko ang may ari ng coffee shop. Pero teka.. ibang branch pala ‘to. Ugh!
“At the left,” bulong ni Ji na nasa likuran namin. Napalingon naman kami pareho sa bandang left at nanlaki ang mga mata ko. Si Liloree?! Hindi niya ako pwedeng makita! Baka isumbong niya ko kay Inay na nag-cut na naman ako ng klase!
Tumalikod ako sa opposite side nila Liloree. Kabado at ninenerbyos akong naglakad papalayo pero natigilan ako nang maalalang hawak-hawak nga pala ni Sol ang kamay ko. Nilingon ko siya. Nakatingin lang siya ng seryoso sa akin.
“I need to uhmm… pee?” Palusot ko sa kanya.
Tinaasan niya ko ng kilay. Napalunok ako. Kinakabahan ako. Pag nalaman ni Inay ‘to, for sure she won’t think twice about sending me to America! I can’t imagine a day living with that old greedy president!
Nagulat ako nang mas hinigpitan niya ang hawak sa akin. Hinatak niya ako at naglakad papunta sa left side kung nasaan daw ang girlfriend niya pero teka.. Papunta yung way namin kay Liloree!
“No! Stop! Stop pulling me!”
Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko. Ugh! Yung buhok ko pa pala! Madali pa rin niya kong mare-recognize! What to do?! Nagulat ako nang itinulak niya ako paupo sa upuan malapit sa side ni Liloree. Naupo naman siya sa katapat kong upuan. Tinatakpan ko pa rin ang mukha ko at sumusulyap-sulyap kay Liloree. Ano bang ginagawa niya dito? Teka, ngayon ko lang napansing may kasama pala siyang babae!
“She's so beautiful, isn’t she?”
Napatingin ako sa babaeng tinitingnan niya at nakatingin naman siya sa babaeng kasama ng kambal ko.
“You mean.. her?!” Hindi makapaniwalang tanong ko.
Napatingin sa amin ang ibang tao dahil sa lakas ng pagkakasigaw ko. Agad kong nilusot ang ulo ko sa ilalim ng lamesa at ganun din si Sol.
“You.. Alien! Ugh!” Sita niya sa akin habang nakayuko kami sa may ilalim ng mesa. Alien?! What the hell?!
Bumalik ako sa maayos na posisyon at kumilos na parang walang nangyari. Umupo ako nang maayos at sumulyap ng kaunti sa may side nina Liloree at…wala na sila?!
Agad na may humawak sa may wrist ko, pagtingin ko, nakita ko si Sol. Hinatak na naman niya ako. Pansin ko lang, hindi siya mahilig manghatak! Hatak-hatak lang niya ako hanggang sa makalabas kami ng Marsonville Coffee Shop. Pagkalabas namin ay parehas kaming napahinto.
“Sol.” Mahinahong tawag sa kanya ng babae.
Siya nga yung kasama ni Liloree, she looked familiar. I swear, I’ve seen her somewhere. Lumapit kami ng kaunti sa kanya. Hindi na niya kasama ang kambal ko. Napatitig ako sa kanya, parang ayaw kumurap ng mga mata ko. Para akong nakaharap sa isang dyosa.
“What are you doing here?” Mahinahong tanong niya. Ang calm lang niya. Yung boses niya parang nagpapatulog ng baby. Para akong nakikinig sa boses ng isang anghel.
“I followed you.”
Yung suplado at nakakatakot na kasama ko kanina ay parang maamong lion na ngayon. Ni hindi siya makatingin sa babaeng nasa harap namin.
“Why would you follow me? We’re over, right?”
Naramdaman kong humigpit ang hawak sa akin ni Sol.Napatingin sa akin ang babae. Ngumiti ako sa kanya pero pilit, bumaba ang tingin niya sa kamay ko na hawak-hawak ni Sol. Napatingin sa akin si Sol at binitawan niya agad ako.
“Aliyah, please. Please listen to me.” Pagpupumilit niya.
“I’m already tired of believing in you, Sol.” Sagot nito sa kanya at may luhang pumatak mula sa mga mata niya.
Akala ko ay magpapalitan pa sila ng masasakit na salita pero tumalikod na ang babae at sumakay sa sasakyan na nasa likuran niya. Tila natahimik ang buong paligid habang pinapanood ang pag-alis ng sasakyan ng ex-girlfriend ni Sol.
“Sol, I'm sorry,” sincere na sabi ko.
Natawa siya ng pilit. “So now you're sorry, huh?”
Napabuntong hininga ako. “Look, I really am sorry.”
Seryoso siyang tumingin sa mga mata ko. “Don’t be. Because I will never forgive you,” sagot niya.
Sandali akong natulala sa mukha niya habang may luhang unti-unting tumutulo sa makinis niyang pisngi.
“You really love her that much, huh?”
“Because you have no idea how it feels to be left with nothing. She’s my everything. She’s the only one I have and now she’s gone.” Ikinunot niya kanyang noo at masamang tumingin sa akin. “And it’s all because of you.”
Sarkastik akong tumawa. “Hey, everything will eventually come to an end. Nothing lasts forever.” Saad ko.
Tiningnan niya ako ng masama. Napabuntong hininga uli ako at seryoso ko siyang tiningnan.
“Okay. Sige na, ako na yung may kasalanan. Pero kaya nga ako nandito eh di ba? Kasi gusto kitang tulungan. Gusto kong itama yung maling nagawa ko.”