noveltoon logo noveltoon
Let me be the One 1

Chapter 2

Ch. 2 / 13 Apr 09, 2022

Muntik na kong mapatalon sa gulat nang may bumusinang sasakyan sa tabi ko. Napatingin ako sa sasakyan at may isang lalaking nakadungaw sa bintana ang nakatingin sa akin.

“Miss, are you okay? Gusto mong sumakay?”

“No thanks.” Mabilis na sagot ko. Nagsimula na kong maglakad palayo pero natigilan ako ng bigla na lang itong humarang sa daraanan ko. Tiningnan ko ng masama ang lalaking nakadungaw sa bintana.

“Miss sumakay ka na lang. Nagmamalasakit lang kami. Basang basa ka na sa ulan.” Saad niya. Halata naman ang sensiridad sa boses niya.

Bumukas ang pinto ng sasakyan sa passenger seat at sumenyas siyang sumakay na ako. Okay, sige. Pagpasok ko sa loob ay napatingin agad sa akin ang tatlong nakasakay sa sasakyan. Yung isa ay nasa tabi ko at ang dalawa naman ay nasa unahan. Napansin ko na kakaiba ang dating nilang tatlo. Yung tipong gangster yung aura. Inabutan ako ng jacket ng lalaking nasa tabi ko.

“Manang oh. Suot mo.” Manang? I don’t like the sound of it. “By the way, I’m Vin.” Pakilala niya at inabot niya ang kamay niya sa akin. Nakipag-shake hands naman ako.

“Renesmee,” sagot ko.

Lumingon naman ang nagpasakay sa akin kanina na nakaupo sa tabi ng driver's seat. “Oh, and I'm Red,” saad niya.

“Red? Bakit Red?” Tanong ko.

“Anong bakit?”

“Bakit Red ang name mo eh wala namang red sayo?”

Napakamot siya sa ulo niya. “Jared kasi ang pangalan nyan.” Si Vin na ang sumagot.

“Ako din minsan, Red ang tawag sa akin.”

Napakunot ang noo nila. “Bakit?” Tanong nila pareho.

Tinanggal ko ang wig ko at sinuklay ang totoo kong buhok gamit ang mga daliri ko. “Naka-wig ka pala?” Tanong ni Red. Tumango ako.

“At hindi pala siya manang.” Dagdag naman ni Vin. “And her hair is red.” Biglang singit ng lalaking nagmamaneho.

Napatingin ako sa may salamin at nakasalubong ko ang tingin niya.

“Eh siya? Who is he?” Tanong ko habang nakatingin sa lalaking nagmamaneho. Napatingin din sina Vin at Red sa kanya.

“Wag mo na lang pansinin yang si Kyo. Mahirap kausapin yan kapag nagda-drive.” Saad ni Red. Kyo? Yun ba ang pangalan niya?

Namagitan ang katahimikan sa amin sa loob ng sasakyan at lumipas ang ilang minuto nang may maramdaman na lang akong kung anong kumukulo sa tyan ko. Oh gosh, not again!

“Ayos ka lang? Bakit parang namumutla ka?” Tanong ni Vin.

Lumingon naman si Red. “Oo nga noh. Ayos ka lang ba?”

Mas lalong lumala ang pagkulo ng tyan ko. Nagsabay-sabay na ata ang lahat ng kamalasan ngayon ah! Okay. I really got no choice.

“Uhm.. Kuyang nagma-maneho!”

Tumingin siya sa salamin. “Bakit?” Tanong niya.

“Pwede bang ako na lang ang mag-drive?” Namimilipit na tanong ko.

Halata ang pagkagulat niya at sabay-sabay kaming napasubsob nina Vin at Red dahil sa biglaan niyang paghinto ng sasakyan. “At bakit naman?” Tila galit na tanong niya. Bakit ba ang sungit niya?

“Wag ka ng magtanong. Pumayag ka na lang.” Paki-usap ko. Tiningnan niya lang ako. Okay fine. Sasabihin ko na ang salitang hindi nage-exsist sa buhay ko. Pambihira naman oh!

“P-please?”

Matagal niya kong tiningnan sa may salamin bago siya napabuntong hininga at lumabas ng sasakyan. Ibig sabihin ba noon ay pumapayag na siya? Hindi ko alam na ganun pala ka-powerful ang salitang 'Please'.

Lumabas rin ako ng sasakyan at pumunta sa may driver's seat. Sinimulan ko ng mag-maneho at makalipas ang ilang sandali ay nakarating din kami kaagad sa hospital na pagmamay-ari ng pamilya ko. Napatingin ako sa mga kasama ko sa sasakyan.

“Uhm, thanks sa ride ha.” Saad ko habang nagmamadaling bumaba ng sasakyan at pumasok agad sa hospital.

“Oh, young lady! Ano hong ginagawa nyo rito?” Tanong sa akin ng guard. Ugh! Nalimutan ko yung wig ko. “Alam ho ba nilang nandito kayo?” Tanong muli niya.

“Oo, alam nila! May bibisitahin lang ako, okay?” Sagot ko at agad na tumakbo papasok.

“Teka, young lady!”

Mas binilisan ko pa ang takbo ko upang makalayo. Pagpasok ko ng banyo ay pinalabas ko ang mga taong nasa loob at sinarhan sila ng pinto sa labas. Nang matapos ko na ang dapat gawin ay agad din naman akong lumabas.

Paglabas ko ay ang daming taong naghihintay sa tapat ng pinto at namimilipit. Napa-iling ako at napangiti. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit natutuwa ako sa tuwing may inaapi o naapi ako. Ah oo nga pala, I'm a b*tch.

Papalabas na sana ako ng hospital nang mapansin kong may pinagkakaguluhan ang mga tao sa lobby. “Renesmee!”

Napatingin ako sa paligid nang marinig ko ang pangalan ko pero wala naman akong makitang nakatingin sa akin. Napatingin ako sa lugar ng mga nagkakagulo at may kumakaway sa akin habang naglalakad papalapit. Teka. Si Kyo ba ‘yun? Teka, kinakawayan niya ko? Napansin kong nadagdagan sila. Parang biglang dumami sila?

“Siya ba ‘yung tinutukoy niyo?” Tanong ng isang nadagdag sa kanilang tatlo.

“Oo siya ‘yun.” Sagot naman ni Red.

“Paano ka naman nakakasiguradong mananalo tayo?”

“Believe me. She's fast.” Singit ni Vin.

“Okay kung ganun, edi isama na natin siya.”

Nanatili lang akong nakatingin sa kanila.

“Uhm, Renesmee.” Saad ni Kyo.

“Huh?” parang bigla akong kinilabutan nang banggitin niya ang pangalan ko.

“Meet the Lucky 13.” Saad niya at saka ngumiti. Bahagya akong natulala sa mukha niya. “I'm Kyo.”

“Hello! I'm Mond.” masigla namang bati ng isa sa kanila.

“Sun.”

“Jun!”

“Dos.”

“Pip.”

“Six.”

“Seven.”

“Red.”

“Vin.”

“Omi.”

“And Jack.”

Sunod-sunod na pagpapakilala nila pero useless lang din naman dahil paniguradong hindi ko sila matatandaan.

“Pero teka. Akala ko ba lucky 13? Eh bakit isang dosena lang kayo?”

“Ah. Wala kasi si Top. Ang gang leader.” sagot ni uhm.. Omi?

“Ah. So gangster pala kayo.” Walang interest na sagot ko.

“So tara na?” tanong bigla ni Kyo at hinawakan ako sa braso.

Napatingin ako sa kanya at tinuro ang sarili ko. “Ako?!”

☆☆☆

Pagbaba ko ng sasakyan ng isa sa member ng Lucky 13 ay napanganga ako dahil sa gulat.

“D-drag racing?!”

Sabay-sabay silang tumango. Napabuntong-hininga ako. “Magkano naman ang makukuha ko kapag nanalo ako?”

“I guess three million is enough.” Sagot ni Pip.

Napatingin ako sa kanya habang nanlalaki ang mga mata ko. “Three million?”

“Yes,” sagot naman ni Jack. Napangiti naman ako.

“But…” Bigla namang singit ni Red. Inilipat ko ang tingin sa kanya. “You have to win.”

Hindi ko alam kung bakit pero agad na bumilis ang tibok ng puso ko.

“They're coming,” saad ni Six. Bigla na lang silang nataranta.

“Here! Wear this!” Saad ni Seven at nagulat ako ng suotan niya ko ng helmet. “Eto din, isuot mo!” Saad ni Vin sabay abot uli sa akin ng leather jacket niya.

Bakit ganito umasta itong mga 'to?

“Teka. How about her boobs?” pahabol ni Dos. Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Bakit kailangan nilang banggitin sa harapan ko ang tungkol sa dibdib ko?

“Hayaan mo na. Maliit lang naman ‘yan. Hindi naman halata.” Sagot ni Kyo. Tila nabalutan ako ng madilim na aura nang marinig ko ang sagot niya. Bago ko pa man siya mapatulan ay napansin kong may apat na sasakyan ang paparating at agad naghiyawan ang mga tao.

Bigla akong hinawakan sa magkabilang braso ng isa sa members ng Lucky 13. Yumuko siya ng kaunti para lumevel sa mukha ko. “Just for now, pretend to be a man or else we'll be disqualified.” Saad niya.

“H-ha?” Gulat na sambit ko.

“Just for now.” Ulit niya.

Pilit na lang akong tumango. Hindi pala pwede ang babae pero bakit ako pa ang isasali nila? Pero hindi na ko aangal pa. Kailangan ko rin ng pera.

Dumating ang apat na sasakyan na natanaw ko kanina. Ang dami nilang fans. And they are really popular. I guess?

“Four Kings! Four Kings! Four Kings!”

Puro na lang Four Kings ang naririnig ko. Katulad din ba sila ng Lucky 13? Four Kings ba ang pangalan ng gang nila? Napansin kong may nakasulat na ‘Ji’ sa isang sasakyan at maging sa dalawang sasakyan rin ay may nakalagay na ‘Dae’ at ‘Victor’. Ang sa isang kotse ay hindi ko makita dahil nasa may gilid.

Lumabas ng sasakyan ang tatlo at mas lalong naging maingay sa paligid. Papalapit sila sa amin at ang angas ng dating nila.

“So where's Top?” Tanong ng isa sa kanila.

“Who knows?” Maangas na sagot ni Red.

Ngumiti siya kay Red at saka tumingin sa akin. “So is he the one?”

“Yeah, the one we’re talking about beating your ass.”

“Really? I can't wait.” Sagot niya habang nakangiti ng nakakaloko.

Bago pa man makasagot si Red ay agad na siyang tinalikuran nito at umalis.

“Tignan mo ‘to. Kinakausap pa eh.” Bulong ni Red.

Ugh. Bakit ganito? Bakit parang kinakabahan ata ako?

☆☆☆

Magsisimula na ang race at hinihintay ko na lang ang go signal. Ang kalaban ko ay ang kumausap kay Red kanina. Ji ang tatak ng kotse niya. Mukhang tahimik lang siyang tao pero ang angas ng dating niya. Mas maangas ang dating niya kumpara sa iba pa niyang mga kasama.

Napatingin ako sa harapan ng may isang sexy na babae ang pumunta sa gitna. Siya ata ang tinatawag nilang flag man na isesenyas paibaba ang flag upang mag-umpisa ang karera. Pinanood ko siyang ibaba ang flag at dali-dali kong hinarurot ang sasakyan ni Kyo.

Mas nauna ako sa kalaban ko at bahagyang nakaabante ako sa kanya pero may isa akong malaking problema. Hindi ko alam ang daan. Binagalan ko sandali ang pagmamaneho hanggang sa maunahan niya ako. Balak kong sundan na lamang siya at kapag malapit na ang finish line ay saka ko bibilisan ang pagda-drive.

Nagulat na lamang ako nang bigla siyang huminto at iniharang niya ang kanyang sasakyan sa daraanan ko. Agad kong tinapakan ang break at napapikit. Napasubsob ako sa may manibela pero mabuti na lang at nakapag-seatbelt ako. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata kong napapikit dahil sa takot. Kinapa at dinama ko ang aking sarili kung buhay pa ba at safe ako.

Tumingin ako sa kabilang sasakyan at lumabas roon ang kalaban ko. Tiningnan ko siya nang masama. Humanda siya sa akin! Muntik na kong mapahamak! Pumunta siya sa may gilid ko at sumenyas na lumabas ako ng sasakyan. Lumabas naman ako at padabog na isinara ang pinto ng kotse ni Kyo.

Pagkababa ko ay tinititigan niya kong maigi na para bang pinag-aaralan ako. Nag-cross arms siya at ngumiti ng nakakaloko. Bumaba ang tingin niya sa may boobs ko kung kaya’t bahagya akong napaatras.

“Are you really a man?” Tanong niya at nagsimulang humakbang papalapit sa akin. Napaatras ako. Tuloy-tuloy lang siya sa paghakbang papalapit habang ako naman ay tuloy-tuloy lang din sa pag-atras. Nabangga ang likod ko sa kotse ni Kyo kaya na-corner na niya ko. Tinitigan niya kong maigi.

“Are you really a man?” ulit niya.

“Of course I a—” Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang alisin niya ang helmet na suot-suot ko.

Saglit siyang natigilan nang makita ako. Halatang nagulat siya. Napatitig siya sa mukha ko at sinandal niya ang kamay niya sa kotse ni Kyo para ma-corner lalo ako.

“Is it really you?” Tila naguguluhang tanong niya.

Napakunot ang noo ko. “What are trying to say?” Tanong ko at itinulak ko siya palayo sa akin.

Nanatili siyang nakatitig sa mukha ko habang nakakunot ang noo niya. Tila pinag-aaralan niya akong maigi.

“Fcuk those bastards. Tell the Lucky 13 they lost the game.” saad niya at saka agad na tumalikod at lumakad paalis.

Lost the game? Lost the three million? No way!

“Wait!” Pigil ko at tumakbo agad papunta sa kaniya at humarang sa dadaanan niya. Nagtataka siyang tumingin sa akin.

“No. Hindi yun pwede!” Protesta ko.

“Sorry pretty girl but rules are rules.” Sagot niya.

“No. Hindi pwede. I'll give you a great fight. Just agree with me. Sige na.” Pagpupumilit ko. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. “Please?” Dagdag ko.

Natawa siya ng mahina. “Sorry, but no.” Pagmamatigas niya. Akala ko ba powerful ang salitang Please? Ugh!

“But why?”

“I don't race with girls.” Mabilis na sagot niya.

“So minamaliit mo ‘ko?”

Hindi niya ko inimikan at sa halip ay pinagmasdan lang ako.

“I can prove that I am capable of something.”

Napatitig siya ng matagal sa mukha ko.

“Please?” ulit ko.

Napabuntong hininga siya. “Fine. Show me what you've got.” Saad niya at saka nilagpasan ako at bumalik sa sasakyan niya.

Napangiti ako at bumalik kaagad sa sasakyan ni Kyo. Nilabas niya ang kamay niya at bumilang pababa mula sa tatlo.. dalawa.. isa…. Agad kong hinarurot ang sasakyan at ganun rin siya. Katulad kanina, mas nauuna siya sa akin habang ako naman ay nakabuntot lang sa kanya.

Nang matanaw ko na ang finish line ay binilisan ko ang takbo. Parehas kaming naggigitgitan pero hindi ako papatalo, mas tinodo ko pa ang bilis ng sasakyan ni Kyo hanggang sa mauna akong makarating sa finish line.

“Yes!” Sigaw ko at napahampas sa manibela.

Napatingin ako sa Lucky 13 at lahat sila ay nag-high five at kumaway sa akin. Lumabas kaagad ako ng sasakyan at tumakbo sila papunta sa akin.

“Group hug!” Sigaw nila at niyakap ako.

Lumapit din sa amin ang Four Kings. Napansin ko kaagad ang isang lalaki na hindi nila kasama kanina. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil nakasuot ito ng cap at nakayuko.

“Congrats.” Bati ng nakalaban ko at inabot ang kamay niya sa akin.

“Ji,” saad niya na nakangiti.

Ngumiti rin ako. “Renesmee,” sagot ko. Nagpakawala siya ng isang napakasayang ngiti nang marinig ang pangalan ko.

“Okay then, congrats Renesmee.,” mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.Laking gulat ko ng bigla na lang siyang yumakap sa akin at inilapit ang labi niya sa tenga ko. “It's nice to see you.” Bulong niya at niyakap ako ng mahigpit.

☆☆☆

“Ano ba ang eighty percent ng three million?” Tanong ni Red.

“Two million and five hundred thousand?” Sagot ni Sun.

“Ako na lang ang magco-compute! One million sa akin, two million sa inyo.”

“Hindi pwede!” Mabilis na sigaw nila.

Sasagot pa sana ako pero biglang nag-ring ang cellphone ni Vin. “Hello, Ales?” Bungad niya. “Huh? Ganun? Oh sige pupunta na kami dyan.”

“Oh anong sabi ni manager?” Tanong ni Six.

“Sunduin daw natin siya kasi may training pa tayo sa Zambales.”

“Para saan?” Tanong naman ni Kyo.

“Para sa underground battle natin sa Red Dragons.”

Underground battle? Parang gusto kong mapanood iyon ah.

“So paano ‘yan Miss Racer una na kami ha?” Paalam nila at kanya-kanya na silang sumakay sa mga sasakyan nila at umalis. Naiwan na naman akong mag-isa. Pero teka... parang may nakalimutan ako.

When a realization hits me, nanlaki ang mga mata ko. Nasaan na ang pera ko?! Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko. Lucky 13! You tricky gangsters! Ugh!