noveltoon logo noveltoon
Jewel Black Diamond (Kristine Series 4)

Chapter 9

Ch. 9 / 12 Nov 28, 2025

Chapter 9

Chapter Nine

M

INSAN man ay hindi nagpakita sa burol ni Leon si Bernard. Kahit kanino ay hindi nito ninais na makipag-usap.

Si Jewel ay lalong nadagdagan ang dalamhati. Higit kailanman ay sa mga sandaling iyon niya kailangan si Bernard. Hindi niya matibag ang pader na inilagay ng binata sa kanilang dalawa. O kahit na sinong tao.

Halos buong bayan ng Paso de Blas ay nakiramay sa pagkamatay ng pinakamakapangyarihan at pinakamayamang tao sa bayang iyon. Naroon din ang kapatid nitong si Don Rafael kasama ang asawang si Donya Aurora at tatlong anak. Ang panganay na si Aura, si Ismael at si Krizelda.

Makalipas ang tatlong araw ay inihatid sa huling hantungan si Don Leon Fortalejo. Inilagay ito sa family mausoleum sa tabi ni Donya Kristine Esmeralda, sa loob mismo ng Hacienda Kristine.

Unti-unti nang nag-alisan ang maraming taong nakiramay nang mapuna ni Jewel si Bernard sa pinakamalayong bahagi ng libingan. Nasa ilalim ito ng isang malaking punong akasya. Nakapasok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon.

Patakbong nilapitan ng dalaga ang kasintahan subalit nang makita siya nito ay mabilis na lumakad palayo si Bernard.

“Bernard, please!” sigaw niya na patakbong humahabol.

Huminto ito at nilingon siya. Hindi nito nagawang ahitin ang tumutubong balbas. Nangingitim ang ilalim ng mga mata. Sa loob lamang ng tatlong araw ay humapis ang mukha nito.

“Makinig ka, Jewel,” pormal at mariing wika nito. Sa pakiramdam ng dalaga ay isang estranghero ang kaharap niya. Sa anyo at pananalita ay hindi na ito ang Bernard na kilala niya. “Tinatapos ko na ang anumang ugnayan mayroon tayong dalawa. Ito na ang huli nating pagkikita.”

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Bumukal ang luha sa mga mata. Pinanginigan ng mga tuhod. Hindi totoo ang sinasabi nito. “Y-you don’t mean it, Bernard...’’

“You’d better believe it,” nakita ni Jewel sa anyo nito ang katotohanan ng sinasabi.

“I... know you’re upset. Lahat naman tayo. Hindi mo dapat sisihin ang sarili mo sa nangyari sa Lolo...” pagsisikap niyang paliwanagan ito.

“Good-bye, Jewel,” ani Bernard at muling humakbang papalayo.

Hindi nakayanan ng dalaga iyon. Puyat, tensiyon, at sama ng loob ay sama-samang dahilan upang bumagsak siya sa damuhan.

Napalingon si Bernard. Mabilis nitong binalikan ang dalaga at binuhat. May luhang gustong sumungaw sa mga mata nito nang titigan ang walang malay na dalaga.

Nasalubong nito si Nathaniel, Marco, at Mitchel. Pare-parehong pag-aalala ang nasa mga mukha ng tatlong lalaki. Pinili ni Bernard ang iabot ang dalaga kay Mitchel.

“Take good care of her...”

t

umalikod ito pagkatapo

s.

NANG magkamalay si Jewel ay nasa silid na niya sa villa. Si Emerald ang nabungaran niya.

“Kumusta na ang pakiramdam mo?” banayad na tanong ni Emerald.

“I’m dying inside, Emerald.”

h

umagulhol siya ng iyak. “Sana’y hindi na lang ako nagkamalay pa...”

Isang malalim na paghinga ang binitiwan nito. Hinaplos ang ulo ng kapatid. “Sshh... naalala mo noong mga bata pa tayo? Hindi tayo lumalabas ng bahay `pag malakas ang ulan. Lagi tayo sa may bintana at naghihintay na sana’y umaraw na para makapaglaro. Hindi ba at pagkatapos ng ulan ay agad tayong tumatakbo papalabas at sinasalubong ang pagsikat ng araw? After the storm, the sun shines brightly, love, and the brightly colored rainbow appears.”

“Si Bernard lamang ang gusto kong makita, Emerald, siya lamang.”

p

atuloy siya sa paghikbi.

Umiling si Emerald. “Walang maka-penetrate sa pader na inilagay ni Bernard sa kanyang sarili, Jewel. Kahit ang Mama at si Marco. Kahit ako. Walang sinuman sa atin ang nakakaalam kung bakit nagkakaganoon si Bernard. Maaaring labis niyang sinisi ang sarili sa nangyari sa Lolo.”

“Hindi niya dapat gawin iyon, Emerald. At hindi niya kailangang tapusin ang lahat sa amin. Hindi ko kaya,” pahisterya niyang sinabi. Tumayo si Emerald at kinuha ang isang bote sa may side table. Nagsalin ng tubig sa baso.

“Drink this, it will help you calm down.”

Inabot ng dalaga ang pilduras at ininom. “Sana’y ibigay mo sa akin ang lahat ng laman niyan. I’ll appreciate it.”

“Isang malaking karuwagan iyon, Jewel. Paano ang ibang nagmamahal sa iyo? Kami ni Marco, ang

m

ommy, si Nathaniel na labis na nag-aalala sa kanyang little princess. We love you, don’t we?” Nagbabantang bumagsak ang luha sa mga mata ni Emerald.

Niyakap ni Jewel ang kapatid. “I’m so sorry...”

“Hush, love. Next week, sasabihin ko kay Marco na mag-tour tayo sa buong Europe. We will entertain friends. At si Mitch, Jewel, kanina pa siya pabalik-balik dito. He is so worried about you.”

“I like him, Emerald, pero hindi siya replacement ni Bernard. Ayokong gamitin siya, it is unfair... para... sa kanya.”

u

nti-unting tumatalab ang pampatulog. Humikab siya.

Hinaplos ni Emerald ang noo ng kapatid.

“Matulog ka na muna, Jewel...” bulong nito. Inabot ang bote ng pilduras sa mesa bago umalis. Just to be safe.

KINABUKASAN na ng umaga muling nagising si Jewel. Magaan ang katawan pero hindi ang damdamin. Mabilis siyang pumasok sa banyo at naligo at inayos ang sarili. Ipinasabi ni Emerald na ngayon babasahin ang testamento ni Leon.

Hindi siya interesado roon subalit alang-alang sa buong pamilya ay kailangang magpakita siya.

Pagpasok niya sa study ay naroon na ang lahat. Mula kay Marco at ang isa pang abogado, si Atty. Serafin. Sina Margarita at Josef, sina Nathaniel at Jasmin, si Emerald, ang matapat na sekretarya ni Don Leon na si Mrs. de Lara na hanggang sa mga sandaling iyon ay namumugto ang mga mata, at ang apat na matatandang tauhan ng asyenda at villa.

Naupo siya sa tabi ni Emerald. Lahat ng mga naroon ay kinakikitaan niya ng simpatya.

“Are you all right, princess?” Si Nathaniel. Nginitian niya ito para mapanatag ang kalooban.

Pagkatapos ng ilang preliminaries ay ipinakita muna ni Marco sa katabing abogado ang testamento ni Leon. Tumango ito at binalik kay Marco para basahin.

Tumikhim si Marco. “Ang testamentong ito ay legal. Ang petsa ng testamentong ito ay Abril 15, 1993. Ginawa ito ni Leon isang linggo matapos ang kasal namin ni Emerald. Ang tanging bago rito ay ang idinagdag niya para kay Jasmin noong ikasal ito kay Nathaniel.”

s

inulyapan nito si Jasmin na nginitian ni Nathaniel.

Unang binasa ni Marco ang maliliit na habilin ni Leon para sa mga naroroong miyembro ng pamilya at mga tauhan. Ganoon din kay Mrs. de Lara na iniwanan ni Leon ng considerable sum of money. Humikbi ito nang marinig iyon.

“Ang malaking bahagi ng Hacienda Kristine, specifically, ang bakahan at ang Kristine Hotel and Resort, ay ipinamamanang lahat ni Leon sa kanyang anak na si Margarita Fortalejo Cervantes.”

s

inulyapan nito si Margarita na nagpahid ng mga mata. “Maliwanag na isinasaad ng testamento na entail ang mga manang ito at mamanahin ni Nathaniel sa takdang panahon.

“Ang magkapatid na Jewel at Emerald ay tatanggap ng fifteen percent each ng share of stocks sa Kristine companies. Ang mansiyon sa Quezon City ay paghahatian ng dalawa in equal share...”

Sa bahaging iyon ay tumikhim si Jewel at

hinahagilap ang mga mata ni Marco pero hindi siya sinusulyapan nito.

“At ikaw, Jas, ay pinagkalooban ni Leon ng limang porsiyento tulad din ng sa Tiyo Josef.”

Si Nathaniel ay ipinatong ang mga braso sa mesa. “Saan mauuwi ang forty-five percent controlling shares, Marco? Itong villa ay mauuwing tiyak kay Lolo Rafael dahil patay na ang

t

iyo Romano.”

Umiling si Marco. Nilingon ang katabing abogado na nagkibit ng balikat at umiling din. “Ang controlling shares at ang limestone site ay hindi malinaw, Nat.”

Isang marahang katok ang nagpalingon sa kanila sa pinto. Pumasok si Julia.

“Mama...?”

Humakbang palapit sa anak si Julia at iniabot ang isang sobre. “Iyan ang ipinagbilin sa akin ni Leon bago siya namatay, Marco. Inihimatong niya sa akin ang pinaglagyan niyan sa library. Ibigay ko raw sa iyo sa araw ng pagbasa ng testamento. Maliban sa humingi siya ng tawad ay wala na siyang sinabing iba pa.”

p

agkasabi niyo’y naupo ang matandang babae sa bakanteng silya.

Binuksan ni Marco ang sobre at binasa. Kitang-kita ng lahat ang matinding pagkabigla sa mukha nito.

Sandali itong natilihan bago ipinasa sa katabing abogado. “This is legal and binding. It has the same date as the first document,” wika ni Atty. Serafin at muling ibinalik kay Marco.

Huminga nang malalim si Marco. Inikot ang mga mata sa mga nakapaligid. Lahat ay masidhi ang pananabik sa nilalaman ng testamento. Huminto ang tingin nito kay Jewel and smiled at her briefly.

“April 15, 1993,” simula nito. “Sa mga kinauukulan, ang Villa Kristine at ang lupang nakapalibot dito na ang sukat ay nasa mga titulo, ang limestone property, ang forty-five percent controlling shares sa Kristine Group of Companies ay ipinamamana ko sa aking LEGAL na tagapagmana...”

s

inulyapan ni Marco ang lahat ng mga naroroon na pigil ang paghinga sa susunod nitong sasabihin. Muling ibinalik ang tingin sa papel at itinuloy ang pagbasa. “…ang natitira ko na lamang na buhay na anak na lalaki, kay BERNARD DE SILVA FORTALEJO.”