noveltoon logo noveltoon
Jewel Black Diamond (Kristine Series 4)

Chapter 5

Ch. 5 / 12 Nov 28, 2025

Chapter 5

Chapter Five

N

AGDAHILAN ang dalagang busog at kumain na sila ni Mitch sa hotel kaya hindi na siya sumalo sa hapunan. Hindi pa siya nakakabawi sa pagkikitang muli nila ni Bernard. She was still shaken. Kung hindi dahil kay Mitchel, baka natangay siya. Baka hindi niya nagawang pakiharapan nang kaswal ang binata.

Napagod pati siya sa maghapong pamamasyal nila ni Mitchel at gusto niyang magpahinga kaagad.

Matapos ayusin ang dalang mga gamit sa closet ay naglinis na ng katawan ang dalaga at deretsong natulog.

Naalimpungatan siya sa sunod-sunod na paghampas ng

f

rench door. Hindi siya tumitinag mula sa pagkakadapa sa higaan. Sandaling inisip kung nasaan siya.

Malakas na ihip ng hangin ang naririnig niya. M

uling inihampas niyon ang pintuan patungo sa veranda na marahil ay nalimutan niyang isara. Bahagya

siyang nanginig sa ginaw sa pagpasok ng hangin.

Bago pa niya nagawang bumangon ay pumasok mula sa veranda si Bernard at isinara ang

f

rench door. Katabi nga lang pala niya ang silid nito.

Napabalikwas siya ng bangon. Itinukod ang mga siko sa kama.

“Kanina pa inihahampas ng hangin ang pintong iyan,” wika nito sa naiiritang tinig. “At may pumapasok nang anggi. Ganoon ka ba talaga matulog at kahit halos sirain na ng hangin ang pinto ay hindi ka magising?”

“I... I... was tired...” malumanay na sagot niya.

“Oh, yes, you were. I wonder why…” May sarcasm sa tinig nito. “So Mitch wasn’t able to resist your charm sa unang apat na araw mo sa Paso de Blas, ha?”

“Ano?” nalilitong sagot niya. Anong oras na ba? Bakit suot pa rin ni Bernard ang pantrabaho nito? Hindi pa ba ito nagpapahinga?

Itinaas ng binata ang dalawang kamay. “Kalimutan mo ang sinabi ko,” pagkatapos ay tinitigan ang dalaga. Bahagyang nakasabog ang buhok sa mukha. Paano nito naisip na hindi na

maliligalig kapag nagkita silang muli ng babaeng ito gayong kahit sandali ay hindi naalis sa isip niya ang mukha nito? Ang buhok nitong humahaplos

sa

mukha niya tuwing hahagkan niya ang dalagita noon.

And she’s not nineteen anymore. She’s a full grown woman now. And she’s even prettier than before.

Si Jewel ay muling ibinagsak ang sarili sa kama. Hindi niya gusto ang nararamdaman sa pagkakatitig ng lalaki sa kanya.

“C’mon, Bernard, siguro ay gabi pa rin dahil madilim pa at inaantok pa ako. Kung anuman iyong gusto mong sabihin ay bukas na lang,” banayad niyang reklamo.

“Bakit ka pumayag na manatili dito ng isang linggo?” tanong nito sa kalmanteng tinig.

Nag-angat ng ulo ang dalaga. “Inaasahan mong matatanggihan ko ang Tiya Julia? Ano ba namang tanong iyan, Bernard? Kung hindi mo gustong naririto ako, okay lang iyon. I’ll try to avoid you as best I could at sinimulan ko na iyon kagabi sa hindi paghahapunan.”

m

agagalit ba siya o masasaktan na malamang hindi gusto ni Bernard na narito siya? Pinili niya ang magalit. Bakit siya masasaktan?

“Hindi mo kailangang gawin iyon.”

b

iglang nagbago ang tinig nito. His face softened.

“Salamat,” agap ni Jewel. “I won’t stay

here

forever, Bernard, kaya hindi ko ikamamatay

kung

hindi ako kakain ng hapunan. At hindi rin siguro makakasagabal sa iyo kung gawin mo rin ang makakaya mong iwasan ako sa loob ng anim na araw na ipananatili ko rito. In fact, five days more to go.”

h

inaluan niya ng iritasyon ang tinig niya.

Nagsalubong ang mga kilay ng binata. “Bakit limang araw?”

Nagbuntong-hininga siya. “What time is it?”

“Malapit na ang hatinggabi. Bakit limang araw na lang?” ulit nito.

“Today is my first day, `di ba? And Mitchel will collect me here first hour on Monday at gabi na ang balik ko. Kaya nakabawas ka ng isang araw, okay? Now, please, give me my sleep and leave,” at muling idinapa ang sarili sa kama.

Ilang segundong hindi tumitinag sa kinatatayuan si Bernard. Naririnig ba niya ang pagtatagis ng mga bagang nito?

Imposible. How could she? Malakas ang hangin sa labas na may kasamang kaunting ambon.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng silid niya at ang muling pagsara. Isang mahabang paghinga ang pinakawalan niya. Bakit may animosity sa pagitan nila ng binata? Hindi niya iyon maintindihan. Kung pinili nito si Sandra noon kaysa sa kanya dahil pagtinging kapatid ang turing ng binata sa kanya, surely, hindi nito kailangang magpakita ng hostility sa kanya. Narito siya bilang miyembro ng pamilya, hindi sa kung ano pa man.

Well, anyway, this is her first night sa de Silva farm at nagtagpo na sila ni Bernard. She’ll live.

HAPON na siya nagising kinabukasan dahil mag-uumaga na halos nang muli siyang makatulog.

“Good afternoon, Tiya Julia,” bati niya sa matandang babae. “Pasensiya na kayo kung ngayon lang ako nagising.”

“Mabuti naman at nakapagpahinga ka nang husto, hija.”

k

inawayan nito si Agnes at nagpahanda ng makakain niya.

“Okay na sa akin ang isang basong malamig na gatas, Agnes,” pahabol niya. “Late na para sa tanghalian. Mamaya na lang pagdating ko.”

“Aalis ka ba?”

“Nakita ko sa veranda na hindi ginamit ni Bernard si Firewind. Gusto kong mag-ikot sa paligid ng farm, Tiya. Ang tagal na ring hindi ako nakapangangabayo.”

Gumuhit ang pag-aalala sa mukha ng matandang babae. “Ibang kabayo na lang kaya, Jewel. Mahigit tatlong taon ka ding hindi nakakasakay...”

“Huwag kayong mag-alala.

k

aya ko ang kabayo ni Marco.”

p

agkatapos inumin ang gatas ay gumayak ang dalaga at pinalagyan ng saddle si Firewind.

Ito ang kauna-unahang pangangabayo niya mula nang umalis siya patungong Amerika. It was Nathaniel who taught her how to ride a horse. Para kay Nathaniel, she was his little princess. Nang malaman nito ang ginawa ni Bernard ay nagalit ito pero sinikap niyang mabaling sa kanya ang sisi upang hindi magtanim ng galit ang pinsan sa binata.

Sinabi niyang siya lang ang umasam at nag-isip na may pagtingin sa kanya si Bernard. Na hindi siya pinaniwala nitong may pagtingin itong iba sa kanya maliban sa pagtinging-kapatid. Napahinuhod si Nathaniel.

Inikot niya ang paningin sa buong farm. Totoong hindi ito makapangalahati man lang sa lawak ng Hacienda Kristine but the scenery is just as lovely and breathtaking. Mga berdeng damo na tila carpet na nakalatag sa lupa. Mga naglalakihang matatandang puno na kapag pinutol mo isa man sa mga ito ay malaking kasalanan.

Nakapangalat sa bahaging iyon ang mga baka at nanginginain. Ito ang pinakamalaking pinagkakakitaan ng farm kasunod ang ekta-ektaryang taniman ng mangga. Pinatakbo niya roon ang kabayo.

Malayo pa siya’y natatanaw na niya ang mga nagbababa ng mga bunga ng mangga. Karamihan sa mga ito’y namamakyaw. Bulaklak pa lang ay kinokontrata na ang bawat puno. Mostly are exported.

Pagkatapos ay pinatakbo niya si Firewind patungo sa may ilog. Ilang sandali pa’y naroon na siya.

Ito ang ikalawang pagkakataong narito siya. Una ay noong ipasyal siya ni Bernard dito tatlong taon na ang nakalilipas. Hindi niya mapigil ang paghanga sa kagandahan at katahimikan ng lugar. At nag-aanyaya ang malinaw na tubig. Itinali niya si Firewind sa isang puno.

Luminga siya sa paligid. Malayo ito sa maraming taong nagtatrabaho sa farm. Hinubad niya ang boots

at maong. Pagkatapos ay ang T-shirt. At lumusong sa tubig. Napangiti siya. Inilubog ang sarili sa tubig. Cool and refreshing. Kakaiba sa tubig sa dagat na mainit.

May ilang minuto na siya roon nang mapuna niyang hindi na siya nag-iisa. Nag-angat ng ulo ang dalaga. Hindi niya kilala ang taong nakangisi at nanonood sa kanya. Sa tantiya niya’y isa sa mga tauhan ng farm bagaman may hitsura nang kaunti.

“Ano ang ginagawa mo rito?” pagalit niyang tanong. Inilubog ang sarili nang higit pa sa tubig.

“Itinatanong pa ba iyon? Pinanonood ka,” nakangising sagot nito. Nakita niya nang maghubad ito ng pang-itaas at ng pantalon. Nanlaki ang mga mata ni Jewel.

“A-ano ang ginagawa mo?” kinakabahan niyang tanong. Napaatras sa kalaliman.

“Ano sa palagay mo? Bihira lang akong makakita ng magandang babae sa lugar na ito. Sa palagay mo ba’y palalampasin ko?” Lumusong ito sa tubig.

Nagpa-panic na ang isip ng dalaga.

“H-hindi mo ba ako kilala?”

“Siguro’y panauhin ka sa farm na ito dahil gamit mo ang kabayo ng

b

oss. Pero kahit sino ka pa ay walang tumatangging babae sa akin,” pagmamayabang nito. “Sawang-sawa na ako sa mga babae rito sa farm.”

Lumangoy ito papalapit sa kanya. Hindi pa man nakakalapit ang lalaki ay tumili nang malakas si Jewel na sa palagay niya’y nabasag ang lalamunan niya sa lakas.

“Relaks...” wika ng lalaki. “Hindi ka magsisisi. Marami sa mga kababaihan dito ang magpapatunay niyan...”

n

gumisi ito at nagpatuloy sa paglapit.

Muling tumili ang dalaga.

Sa sandaling iyon biglang nag-ingay si Firewind at napalingon ang dalawa rito. Si Bernard sakay ni Snowhite at si Manong Luis sa isa pang kabayo.

“Animal kang—!”

n

ag-aapoy sa galit na tumalon si Bernard mula kay Snowhite at lumusong sa tubig. Ang lalaking nabigla sa pagdating ng binata at ng foreman ay nalito.

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Bernard sa mukha nito na ikinasubsob nito pataob sa tubig at pagkatapos ay hinila sa buhok ang lalaki paahon.

“B-boss... h-hindi ko talaga sinasadya... patawarin mo ako,

b

oss. T-tinukso... lang ako ng... bisita ninyo…”

h

indi nito malaman kung ano ang sasabihin nang isa pa uling suntok ang pinakawalan ni Bernard. Pumuslit ang dugo sa ilong nito.

Pumagitna si Manong Luis dahil sa nakikita kay Bernard ay papatayin nito ang tauhan.

“Ako na ang bahala sa kanya, Bernard,” wika nito na dinampot ang polong hinubad ng lalaki at iyon ang itinali nang mahigpit sa mga kamay nito sa likod. Pagkatapos ay hinila patungo sa sinasakyang kabayo at sumampa habang pinalakad ang lalaki.

Nilingon ni Bernard ang dalagang unti-unting umahon. “Are you all right?” tanong nito sa kanya na nagpupuyos pa rin sa galit.

Hindi makuhang tumango ng dalaga. Hindi niya malaman kung saan siya nanginginig. Sa muntik nang mangyari o sa galit na nakikita niya sa mukha ni Bernard. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakita niya itong nagalit nang husto.

Napapikit si Bernard nang makitang bra at panty lang ang suot niya. Nagmura ito patalikod at dinampot ang maong niya at

t

-shirt sa damuhan at inihagis sa malapit sa kanya.

“Magbihis ka at bilisan mo!” Nag-iigting ang mga bagang nito at tumalikod.

Mabilis na nagbihis si Jewel.

Nagsi-zipper na siya ng jeans nang humarap si Bernard. Sinuri siya ng tingin sa paraang pinamulahan siya ng mukha.

“D-dumating kayo sa oras... thank you...” nauutal niyang sinabi. “And... I’m still in one piece,” depensa niya sa galit na nasa mga mata ng binata.

“Sa gahiblang pagitan!” Naririnig niya ang pagtatagis ng mga bagang nito. “At anong kagagahan ang pinaggagawa mo at naligo ka rito nang nag-iisa?”

Napakurap siya. “H-hindi ko iniisip na...”

Gustong sumabog ng pagtitimpi ng binata na nauwi sa kanya ang galit. “Hindi iniisip? Are you that stupid? Puro lalaki ang nakapaligid sa farm na ito! Mga tauhan na ang iba’y mga baguhan tulad ng isang iyon! Wala pang isang buwan dito ang isang iyon. At lulusong ka sa tubig na ang suot ay bra at panty? For goodness’ sake, Jewel...”

Nasa bungad na ng mga mata niya ang luhang kanina pa pinipigil. Nahalinhan ng galit ang panginginig at takot. How could this man be so uncaring? At ano ba ang nakain niya at minahal niya ang lalaking ito?

“At kung hindi pa sinabi ni Manong Luis na nakita ka niyang patungo rito ay malamang—!” hiyaw nito.

Mabiiis niyang tinakbo si Firewind bago pa bumagsak ang mga luha niya. Sumampa rito at mabiiis na pinatakbo.

“Jewel, Huwag kang—!”

“Go to hell!” ganting sigaw niya.

Sinisikap ni Jewel na patakbuhin nang mabilis si Firewind na ayaw halos tumakbo. Sa galit niya’y hindi niya napunang sa maraming hukay niya napadaan ang kabayo at lumusot ang isang paa nito roon. Napaluhod si Firewind at nahulog siya sa damuhan.

“Jewel!” Tinakbo siya ni Bernard nang makita ang nangyari. Ni hindi siya nakalayo mula rito dahil hindi naman nito ginamit si Snowhite. “Nasaktan ka ba?” Pag-aalala at galit ang nasa mukha nito na akma siyang hahawakan.

Tinabig niya ang mga braso nito. “Huwag ako ang intindihin mo. Si Firewind...”

s

inulyapan niya ang kabayo na lumapit kay Snowhite. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung napilay ito at hindi na makatakbo tulad ng dati.

“Hindi nasaktan si Firewind dahil hindi mo naman napatakbo nang mabilis. Mabuti na lang.”

“Ano ang ibig mong sabihin?” Nagtatakang napatingin siya rito. Bakit nga ba hirap siyang patakbuhin ang stallion kanina?

“This is the

mating

season,” matabang na paliwanag ni Bernard.

“Oh!” aniya na sinundan ng tingin ang stallion na lumapit sa

mare.

Tumayo siya subalit bumigay ang isang paa niya at babalik sana siyang muli sa lupa kung hindi sa mga braso ni Bernard.

“You’re a total disaster area, Jewel! Wala akong alam na ibang babaeng gahibla ang pagitan na ma-rape at pagkatapos ay mabalian ng buto dahil nahulog sa kabayo, lahat sa pagitan lamang ng kinse minutos!” wika nito na inalalayan siyang paupo muli sa damo at tiningnan ang paa niya.

“Bitiwan mo ako, Bernard...”

t

uluyan nang bumagsak ang mga luha niyang pinipigil.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng binata. “The ultimate weapon: tears. That’s not fair...” wika nito.

“And who’s being fair! Sa palagay mo ba’y gusto kong pag-interesan ako ng tauhan mo at anyayahang rape-in ako?” Tuloy-tuloy sa paglandas sa mga pisngi niya ang mga luha.

Walang abisong yumuko ang binata at binuhat siya na sa kabiglaanan ay hindi makapalag. Isinakay siya nito kay Snowhite.

“Go home, Jewel. Ako na ang bahala kay Firewind,” utos nito sa mababang tinig.