Chapter 10
Chapter Ten
W
ALANG hindi napasinghap sa mga naroon. Lahat ay kinakitaan ng matinding pagkabigla.
Si Jewel ay nawalan ng kulay ang mukha. Tinutop ang bibig upang hindi mapasigaw. Ngayon ay alam na niya kung ano ang nangyari sa loob ng study ni
s
enior Leon.
Si Julia ay napahagulhol ng iyak. Umalingawngaw sa isipan nito ang huling sinabi ni Alicia bago ito namatay dalawampu at pitong taon na ang lumipas.
“
M-mama... patawarin mo... ako... ang anak ko... isa siyang... Fortalejo…”
“P-papaanong nangyari iyon, Marco? Si Alfon? Ano ang katotohanan?” pahikbi nitong tanong.
“Natitiyak kong may explanation ang lahat, Mama. Confidential ang kasunod na sulat. Hindi namin maaaring basahin sa inyo. Tanging si Bernard lamang ang may karapatang magpaalam nito sa inyo kung gugustuhin niya,” pagkatapos ay sinulyapan si Jewel at sa pagkakataong iyon ay malapad na ngiti ang ibinigay nito sa hipag.
Nilingon ng dalaga si Emerald. Nakangiti rin ito at ginagap ang palad niya at pinisil. “The darkest time of the night is before dawn, love,” bulong nito sa kapatid.
Tumayo si Jewel. “Marco, Emerald, buong buhay ko... I have never been prouder of my parentage maliban sa sandaling ito. Gusto kong isigaw ito sa buong mundo,” sinulyapan si Nathaniel na nagsasalubong ang mga kilay, ganoon din ang mga nakapaligid. “Kung sino man ang gustong magkontesta sa minana ko, Marco, ibigay mo sa kanilang lahat or better yet, give it to Bernard. For all I care,” pagkatapos ay humakbang patungo sa pinto nang tawagin siya ni Marco. Nilingon niya ang bayaw.
“Nasa kuwadra si Firewind, my very precious Jewel. Gamitin mo.”
k
umikislap ang mga mata nito sa kaligayahan para sa kanya.
“I love you, Marco. Ikaw din, Nathaniel. You are my two favorite people in the world... next to Bernard.”
Nathaniel blew her a kiss at inakbayan si Jasmin. “Kung anuman ito, princess, hinahangad naming lahat ang kaligayahan mo.”
SA ITAAS ng talampas ay naroon si Bernard. Tinatanaw ang buong paligid ng Paso de Blas na ang pinakamalaking bahagi ng lupain ay pag-aari ni Don Leon Fortalejo.
Hindi niya kayang isipin kung bakit hindi noon pa ipinaalam ni Leon sa kanya ang tungkol sa pagkatao niya. Ikinatakot kaya nito na maghangad siya sa kayamanan ng matanda?
Umiling siya.
Hindi
iyon ang
dahilan.
Natitiyak
niya. Mas pinaniniwalaan niya ang dahilang sinabi nito bago namatay.
Hindi gustong tanggapin ni Leon na mamuhi siya rito.
Naalala niya ang pag-uusap nila sa library. Totoong nagagalit siya sa natuklasan. Only because of Jewel. Ang pinakamapait na biro ng buhay. Pero ang affection na nararamdaman niya para sa matanda ay naroroon sa dibdib niya kahit noong araw pa man.
At sa helicopter, kahit sandali ay naramdaman niyang nais na ihatid ni Leon sa kanya ang pagmamahal nitong hindi magawang ipakita at maipadama sa loob ng dalawampu at pitong taon ng buhay niya.
Tumingala siya upang ibalik ang namumuong luha.
Wala siyang natatandaang umiyak siya maliban sa pangyayari nitong mga huling araw.
Napalingon siya sa tagilirang bahagi ng talampas nang makarinig siya ng mga yabag ng kabayo. Nagsalubong ang mga kilay niya sa natanawang dumarating.
Si Jewel at si Firewind! Firewind keeping his name by running like a raging fire and a whirlwind.
Hinihila siya ng mga paa niya upang takbuhin si Snowhite at lumayo. Pero kapag ginawa niya iyon ay hahabulin siya ni Jewel. At sa nakikita niyang paraan ng pagpapatakbo nito ay maaaring mapahamak ang dalaga.
Isang paraan na lang ang
nalalabi. Ang sabihin
dito ang katotohanan. Tumingala siya sa langit. Death is sweeter.
Pero hindi ba at dalawang beses na siyang namatay? Una ay noong umalis ang dalaga patungong Amerika. Pangalawa ay noong araw na malaman niya ang katotohanan sa pagkatao niya dahil mawawala na namang muli ang dalaga.
Natanaw na siya ni Jewel at pumapanhik na si Firewind. Inihanda niya ang sariling harapin ang babaeng siyang lahat sa buhay niya.
Patalon na bumaba ng kabayo ang dalaga pagdating sa itaas ng talampas. Humihingal ito at nanatiling nakatayo ilang hakbang mula kay Bernard.
“B-Bernard...”
t
umaas-baba ang dibdib ni Jewel. Marahang humakbang patungo
kay
Bernard.
“Hanggang diyan ka na lang, Jewel” babala nito sa dalaga.
“Hindi mo naiintindihan...”
“Listen,” agap ng binata. “Isang malaking pagkakamali ang nangyari sa ating dalawa and I hated myself over and over again.”
g
ustong sumabog ang dibdib nito sa sama-samang emosyon.
“Huwag, Bernard...”
n
apahikbi siya.
“Isa akong Fortalejo, Jewel,” tila isinakal mula sa bibig nito papalabas ang katotohanang iyon. Then smiled bitterly.
“Isang Fortalejo!” isinigaw nito ang huling sinabi at nag-echo sa buong kagubatan.
“Alam ko, Bernard... alam ko. Alam na naming lahat,” banayad niyang sinabi.
Bagaman nabigla ay hindi na pinagtakhan ng binata iyon. At gustong matunaw ng puso ni Jewel sa tinging ibinigay ni Bernard sa kanya.
“Pagkatapos ng nangyari sa kubo ay gusto kong ipagsigawan sa lahat na akin ka. Na ibinigay ko na ang tatak ko sa iyo noong sandaling iyon. I can never let you go no matter what happened. And then, we made love again the whole night...”
s
umulyap ito sa kanya. In one fleeting moment ay nakita niya ang kislap sa mga mata nito na agad ding naglaho.
“I felt like a king everytime I made you scream. And then I watched you sleep at ipinangako ko sa sarili ko na ang mukha mo ang magigisnan ko sa bawat umaga next to my pillow for the rest of my
life...”
“Oh, darling...”
g
usto niyang takbuhin ito at yakapin.
“Hindi ko gustong alisin sa isip ko ang matamis na mga sandaling iyon, Jewel, hanggang sa mamatay ako. Pero paano ko ngayon aalalahanin iyon nang hindi ako masusuklam sa sarili ko?”
His voice now harsh. May galit sa mga mata nito. “Sinira ng isang pinakamimithing katotohanan ang pinakamaligayang sandali ng buhay ko. How do you think would I live with that?”
Ibinuka niya ang bibig upang tapusin na ang paghihirap nito pero muling nagsalita si Bernard.
“Makinig ka, Jewel, sasabihin ko sa iyo ang ipinagtapat ni Senior Leon bago siya dalhin sa ospital.”
Napukaw ang interest ng dalaga. Ano ang papel ni Alfon sa buhay ni Bernard? Si Alfon na tiyak ang inangking ito ang ama ni Bernard?
Pinuno ng binata ng hangin ang dibdib bago nagsalita. “Ginamit lamang ni Alicia si Romano upang maikubli ang tunay niyang damdamin sa lahat. Si Leon... si Leon ang iniibig niya mula’t mula pa. Noong mga panahong iyon ay labing walong taon nang biyudo si Leon at sa kabila ng lahat ay magandang lalaki. May palagay si Leon na hero-worship ang nadarama ni Alicia noon. Isang umagang wala si Margarita ay nagkaroon ng pagkakataon si Alicia na pasukin sa study niya si Leon...”
s
andali itong huminto na tila pinipili ang tamang salita. “She offered herself...”
“Oh!” bulalas ni Jewel. “She must have loved him so much considering na pinalaki siyang mabuting bata.”
“Marahil,” matabang nitong sagot. “Anyway, kung papaniwalaan ko si Leon ay sinabi niyang hindi niya gustong patulan si Alicia. Pinakiusapan niya ito, begging her to come to her senses. Magkapatid ang turingan nila ni Tiya Julia at Tiyo Ernesto. But she was so obsessed with him. Binalaan niya si Leon na sisigaw at sasabihing pinagtatangkaan nito kung hindi mangyayari ang gusto niya. You can imagine what happened. Leon between the devil and the deep blue sea. Pero isinumpa ni Leon na iyon ang una at huli dahil hindi niya na pinahintulutang mahuli siyang muli nang ganoon ni Alicia.
“Inisip ng Mama na kapag naibigay niya ang sarili kay Leon ay papakasalan siya nito. She was very young and in love. Hindi iisang babae ang naghangad na pansinin ni Leon noong mga panahong iyon, Jewel.”
s
inulyapan nito ang dalaga.
Tumango si Jewel. “Pero hindi pakakasal sa ibang babae ang Lolo, Bernard. Kahit noong panahong iyon ay ang Lola Esmeralda lamang ang babaeng pinag-ukulan niya ng pangalan.”
Muling pinuno ni Bernard ng hangin ang dibdib na para bang ang mga ipinagtapat ay nag-alis ng oksihena sa baga nito.
“Two weeks later, my mother used the same trick para muling kausapin si Leon. Threatened him. To be safe, kinausap nito ang Mama sa harap mismo ni Romano.”
n
arinig nito ang paghugot ng hininga ni Jewel pero nagpatuloy si Bernard. “Sinabi ni Alicia na dapat ay darating ang buwanang dalaw niya sa ikawalong araw after the... seducing scene. Pero hindi na siya dinatnan.”
“She must be very fertile! At na-imagine ko na ang sindak ni
s
enior Leon...”
“Totoo ang sinabi mo. Gusto nitong makatiyak. Naghintay pa ng ilang araw at lihim na ipinasuri ang Mama sa isang doktor. Positive. She was pregnant with me. Binayaran ni Leon nang malaki ang doktor upang mangibang-bayan kasama ng pamilya nito. See how his money worked?” patuya nitong sinabi.
“Ano ang nangyari pagkatapos? Bakit itinakwil niya ang
d
addy? At bakit alam pala naman ng
d
addy kung sino ang ama ng dinadala ni Alicia ay nanatiling tikom ang bibig nito hanggang kamatayan?” naguguluhang tanong niya.
“Dito niya pinakiusapan si Romano na pakasalan si Mama. Noong panahong iyon ay hindi na mahalaga kay Mama kung sino ang pakakasal sa kanya huwag lamang mabilad sa kahihiyan ang mga magulang. At alam nating lahat kung bakit hindi mapahinuhod si Romano kahit ano ang gawin ni Leon.”
“He met my... mother and fell hopelessly in love with her.”
Tumango si Bernard. “Leon was frantic. Si Mama ay hindi na rin alam kung ano ang gagawin. At ipinagtataka ni Leon ay pagkatapos ng mga pag- uusap tungkol sa kasal nila ni Romano ay kakaiba na ang mga ikinikilos ni Alicia. Laging tahimik at tulala. Ganoon pa man, sa kabila ng pagtanggi ni Romano ay itinakda ni Leon ang kasal taglay sa isip na hindi siya bibiguin at bibigyan ng kahihiyan ni Romano sa buong Paso de Blas. But his love for your mother was far more stronger at tumakas ang daddy mo at pinakasalan si Anna.
“Noong araw mismo na tumakas si Romano ay kinausap ni Alicia si Leon. Sinabi ritong hindi na mahalaga kung ano pa man ang mangyari. Ipinagtapat niya ang panggagahasa ni Alfon at na hindi na siya malinis. At base sa ipinagtapat ni Alicia ay parati na nitong kinakatalik ang Mama...” Tumigas ang mukha ni Bernard sa bahaging iyon. Nagtagis ang mga bagang.
“Alam natin ang gulong kasunod ng walang kasalang nangyari. Sari-saring damdamin at kaisipan ang nasa isip ni Leon noon. Galit kay Romano dahil sa kahihiyang tinamo. Galit na nagsama-sama na dahil ang pagtanggi ni Romano na tulungan si Leon ay nagdulot ng maraming trahedya. Nawalan ng isang kamay si Leon, napatay ng tauhan nito si Ernesto, sinadya ni Alicia ang mamatay matapos akong ipanganak, at ang walang katapusang gulo sa dalawang angkan. Habang hinarap ni Leon ang lahat ng mga ito ay nasa ibang bansa si Romano kasama kayong pamilya niya at bumalik lamang dito when you and Emerald were on your teens. Hindi na nakapagpatawad si Leon noon. Ang hatred ay nabuhos sa mommy mo. Inisip ni Leon na malaki ang impluwensiya ni Anna sa naging desisyon ni Romano. Tinalikuran siya ng kaisa-isang anak na lalaki.”
Binigyan ni Jewel ng konklusyon ang pananahimik ng daddy niya. “So Dad kept the secret till his death dahil hindi na rin nito gustong dagdagan ang kahihiyan ni
s
enior Leon. Isinakripisyo nito ang sarili na sa kanya mabunton ang sisi. Pero ang hindi ko maintindihan, alam pala ni Leon na anak ka niya, bakit hindi siya gumawa ng paraan para hindi umabot sa ganoon ang gulo?”
“Maniniwala ka ba na noong tumakas si Romano ay itinatag na ni Leon na pakakasalan niya ang Mama?” Nilingon ni Bernard si Jewel na hindi makapaniwala roon. “Pero nagbago ang isip ni Leon nang ipagtapat ni Alicia ang panggagahasa ni Alfon. Nawala ang pagnanais nitong ituwid ang pangyayari. Nagkaroon ito ng duda kung sino talaga ang ama ko. Hindi na niya ngayon mapaniwalaan nang buong puso at isip na anak niya ako. I do not even look like him. Mabuti pa si Nathaniel...”
“Kamukha mo si Marco at si Alicia, Bernard. I saw your mother’s picture sa lumang album,” she whispered softly. Pagkatapos ay idinagdag, “Kailan natiyak ni Leon na anak ka niya?”
“Sa bibig mismo ni Alfon. Noong pagtangkaan nito si Emerald sa ilog ay sinabi nito kung kailan nito
unang
pinagsamantalahan ang Mama. Iyon ay noong nasa villa sina Julia at Ernesto upang pag-usapan ang tungkol sa kasal. Nagdadalantao na ang Mama noon sa akin, `di ba?”
“Pero bakit sinabi ni Alfon na anak ka niya?”
“Obsession ang nadama niya para sa Mama, Jewel. Hindi na nito naisip ang bahagyang diperensiya ng mga araw. Lubos nitong pinaniwalaang anak ako hanggang sa mamatay ito sa town jail.”
Napailing si Jewel. Mali at labis na pag-ibig, obsession, false pride at mga maling sirkumstansiya. These things contributed to the more than two decades of miseries.
Namagitan ang katahimikan. Pagkatapos ay binalingan ni Bernard si Jewel.
“Sana’y tanggapin mo sa sarili mo, Jewel, na hindi tayo para sa isa’t isa. At sana’y ito na ang huli nating pagkikita. Hindi mo lang alam kung paano ko dinadala sa dibdib ko ang lahat ng ito, lalo na `pag naiisip ko na baka magbunga ang nangyari sa atin. Papaano natin pakikitunguhan iyon?” Nilingon nito ang ibaba ng talampas na para bang naroon ang sagot.
“Kung siya ay lalaki, at nakatitiyak akong lalaki nga ang magiging anak ko sa iyo kung saka-sakali, then I will love him so dearly kung paano ko mahal at iniibig ang ama niya.”
p
uno ng pagmamahal ang tinig niya.
Napaungol si Bernard. “Go, Jewel...”
Humakbang papalapit sa binata ang dalaga. Tumingala dito. “Hindi ako tunay na Fortalejo, Bernard! Hindi ako anak ng
d
addy Romano at
m
ommy Anna kundi
pamangkin.”
It was spoken very softly, halos bulong. Dinala iyon ng hangin sa pandinig ni Bernard.