noveltoon logo noveltoon
Jewel Black Diamond (Kristine Series 4)

Chapter 11

Ch. 11 / 12 Nov 28, 2025

Chapter 11

Chapter Eleven

N

ANLAKI

ang mga mata ni Bernard na napatitig kay Jewel. Parang may humugot ng hininga sa baga nito. Hindi gustong kumurap o huminga at baka maglaho sa pandinig nito ang pag-asang iyon.

Hope springs eternal.

Totoo ba iyon? But he never did really give even a bit of hope, did he?

Isang matamis na ngiti ang ipinamalas ni Jewel sa anyo niya. “Ang tunay kong ina ay kapatid ng Mommy, si Auntie Stella. I was five years old nang legal akong ampunin ng Daddy at Mommy. Ang tunay kong ama ay isang

l

atin

a

merican. Sa kanya ako nagmana at pareho kami ni Nathaniel halos ng kulay, `di ba? Kaya talagang mapagkakamalan akong Fortalejo.” Ngumiti siyang muli dahil nanatiling nakatitig sa kanya si Bernard. “Ang pagkakahawig namin ng mga mata ni Emerald ay freak coincidence.”

“Nasaan ang mga magulang... mo ngayon?” Sa wakas ay nakaapuhap ng sasabihin ang binata.

“My father vanished like a thin smoke nang magdalantao si Auntie Stella sa akin. Years later, nakatagpo siya ng lalaking magpapakasal sa kanya pero ayaw ng anak ng ibang lalaki, so the ampunan blues.” Nagkibit siya ng mga balikat. Kung noong araw pinag-uusapan ito ay nagagalit siya sa ina. Pero ngayon, she just wanted to thank her biological mother. “My real mother is an

a

merican citizen noon pa man. She divorced her husband and remarried again. Itong huli ang pinakamatagal. May anak sila, si Ruby, she’s nine years old. At nitong umalis ako sa Amerika, she’s working on another divorce.”

“My life is full of surprises...” matabang nitong sinabi sa malamig na tinig. Napatingin dito si Jewel. Nakadama ng insekyuridad sa tono nito. “Sino ang nakakaalam na pamangkin ka ni Romano at hindi anak?”

“Siguro sa mga sandaling ito’y alam na ng lahat. Si Marco ay matagal nang alam ito. Sinabi ni Emerald sa kanya noong nasa Amerika sila two years ago.”

Isang napakahabang katahimikan ang namagitan. Walang tanging maririnig kundi ang pag-ihip ng hangin. Inililipad niyon ang buhok at palda ni Jewel.

Hindi nakayanan ni Jewel ang tormented silence na iyon. “H-hindi... mo ba... ikinatutuwang hindi ako Fortalejo?”

Fear and insecurities. Nakabadya sa mukha ng dalaga iyon. Then Bernard smiled, sa kauna-unahang pagkakataon mula noong magtungo sila sa villa upang kausapin si Leon. And it melted her heart.

Sa isang hakbang ay ikinulong siya ni Bernard sa mga bisig nito nang napakahigpit. Sa pagkakataong iyon ay balewala sa kanya kung durugin man nito ang mga buto niya.

“That was the most stupid question if I ever heard one.”

h

inagkan nito ang buhok niya. “I love you, black diamond,” seryosong pahayag ng binata.

“I love you more, cowboy.”

s

he tip-toed and kissed him gently.

“Ang buong akala ko’y tuluyan ka nang nawala sa akin sa ikalawang pagkakataon, Jewel...” Hinawi nito patalikod ang buhok niya.

Ngumiti ang dalaga. “Alam mo bang iniwan sa iyo ng lolo ang Villa Kristine at ang pinakamalaking bahagi ng kayamanan niya?”

Sandaling naglambong ang mga mata ni Bernard. “Ikaw lamang ang kailangan ko, Jewel, wala nang iba pa. You are everything and everything is you.”

Nag-uumapaw sa pag-ibig ang puso niya. “Oh, Bernard! But still, darling, I wish you would claim your inheritance. Pawis, lakas at dugo ang pinuhunan ng Lolo sa kompanya. Ang

l

olo mismo ang kompanya. Don’t let it die with him, please.”

Kumawala ang binata. Nilingon ang kalawakan ng

a

syenda Kristine na ang mahigit sa kalahati ay pag-aari ni Nathaniel ngayon.

“Buong buhay ko’y pinaniwala akong isa akong Fortalejo. Minsan man ay hindi itinanggi ng isip at puso ko iyon, Jewel. And I have always wanted to visit the Villa Kristine. Damhin ang karingalan nito. Noong una akong ipatawag ni Leon, inikot ng mga paningin ko ang buong kabahayan. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko. I felt it in my bones that I belonged there at isa akong Fortalejo. At kahit noong malakas ang katibayang si Alfon ang tunay kong ama ay hindi nauga bahagya man ang paniniwalang iyon. Ganoon din ang silent affection ko para kay Leon. I was totally devastated nang sabihin ni Leon ang tungkol sa tunay kong pagkatao, but only because of you.”

Hindi agad nakapagsalita si Jewel sa narinig. Si Nathaniel, si Bernard, tinaglay ng mga ito ang pride sa pagiging isang Fortalejo.

Binalingan siya ng binata at hinapit sa baywang. Itinaas ang mukha niya. “Yes! I’ll claim my inheritance, hindi dahil sa anupamang dahilan, kundi isa akong Fortalejo, anuman ang sirkumstansiya.”

“Salamat, Bernard...”

“Now my black diamond, iniaalay ko sa iyo ang pangalan ko. Gusto mo bang maging Mrs. Bernard de Silva Fortalejo?”

“With all my heart...”

“At tulad ni Leon, Jewel, ipinangangako ko sa iyong ikaw lamang ang pag-aalalayan ko ng pangalang iyon,” then he was kissing her.

She kissed him back. Hard and passionate. The growing maleness brushing her skirt. Kumawala si Bernard.

Tumikhim ito and smiled wickedly. “Sumisikip ang pantalon ko. Let’s get out of here and stop staring below my buckle, you witch, or you’ll be sorry.”

Lumabi siya. Bernard resisted the urge to kiss her again. “Hmp... promises... promises...”

“Goodness, Jewel, hindi puwede dito, you’re a screamer! Maririnig ka ng buong Paso de Blas!” Namula ang dalaga sa tinuran nito at tumawa si Bernard. Hinagkan ang dulo ng ilong niya. “I love it when you scream, honey. I feel like superman.”

“luwi mo na ako, kung ganoon, and make me scream many times over.”

s

he grinned at ikinawit ang braso sa baywang nito.

Malakas na nag-echo sa paligid ang tawa ni Bernard. “You bet!”

SA IBABA ng talampas ay naroon sina Marco at Emerald, Nathaniel at Jasmin na nakatingala sa dalawa. Pare-parehong mga nakasandal sa sasakyan.

“Hindi ko mapagpasyahan, Marco, kung dapat kong ikalungkot o ikagalak ang pagkamatay ng Lolo. I know I should feel bereft pero bakit nagagalak ako?” ani Emerald.

Ngumisi si Marco. “Kung nakakarinig at nakadarama ang mga patay, na natitiyak kong hindi, all the Fortalejos must be having a feast in their graves right now, darling.”

“Maraming mga pagkakataon sa buhay ko, Marco.”

s

i Nathaniel na inakbayan si Jasmin. “…na gusto kong kasuklaman si

s

enior Leon sa manipulasyon niya sa mga taong nakapaligid sa kanya. But since Jasmin, matagal nang nabago ang kaisipan kong iyon. Sa kabila ng lahat, I love the old man.”

Tumango si Marco. Binuksan ang passenger seat at pinapasok si Emerald. “Yeah, me too. I have learned to admire Leon for all his faults,” pagkatapos ay umikot sa driver’s seat.

Si Nathaniel ay pinapasok sa backseat ang asawa. Nagbigay ng huling sulyap sa dalawang lovebirds na nasa talampas. Umiling kasabay ng ngiti. He could feel it in his bones na hindi natapos sa pagkamatay ni Leon ang pagiging diktador at ang pagiging manipulator nito.

Bernard has the makings of another DON LEON FORTALEJO. But hoping his little princess could tone Bernard down.

“Let’s go.”

WAKAS