Chapter 4
Chapter Four
M
AHIGPIT na niyakap ni Leon ang apo.
Si Jewel ay hindi makapaniwala sa anyo ng matanda. Malaki ang itinanda nito at inihulog ng pangangatawan.
“What have you done to yourself, Leon Fortalejo?” wika niya rito na bagaman may himig-biro ay naroon ang pag-aalala.
“Nah. Huwag mo akong intindihan,
nieta
,” nakangiting sagot nito. “Now that you’re here, mababawasan ang pag-aalala ko sa kompanya.” Pagkatapos ay hinagod ng tingin ang dalaga. “Where have the little Jewel gone? You look very pretty and sophisticated,” may paghangang sinabi nito.
“Thanks to you...” natatawang sagot niya. Nilingon ang helicopter na noon lang umangat mula sa lupa.
Ngumiti si Leon.
“Nagkakilala na kayo ng anak ni Judge Adriano,
nieta
?”
“
Si
, senior,” maikling sagot niya. At kung anuman ang gustong sabihin ni Leon ay napigil ng paglabas nina Margarita at Jasmin.
Pagkatapos ng mahabang kumustahan ay saka pa lang nakapagpahinga si Jewel. Sina Marco at Emerald ay umuwi sa de Silva farm nang araw ding iyon.
SA
loob
ng dalawang araw mula nang dumating siya’y parati silang magkasama ni Don Leon. Marami itong ipinaliwanag sa kanya tungkol sa gawain sa Kristine Cement.
“
Lo siento
,
nieta
. I’m sorry. Bakasyon ka pero puro ang kompanya ang ipinaliliwanag ko sa iyo.”
“Walang problema, senior. I learned a lot from you. Ayokong basta nangangapa pagdating sa kompanya.”
m
arahan niyang itinulak ang wheelchair nito patungo sa ilalim ng matandang punong narra kung saan may mga upuang yari sa kahoy at nakahanda na
ang pitsel
ng buko juice. Nagsalin siya sa baso at iniabot sa matanda.
“Tatlong araw ka pa lang dito, hija, pero may nabihag ka nang
corazon
...” tukso nito pagkatapos uminom nang kaunti ng juice.
Tumaas ang mga kilay niya. “Ano ang ibig sabihin niyan?”
“Ako yata ang nakatanggap ng tawag sa radio ni Mitchel kanina.”
n
agkibit ito ng mga balikat. “
Bueno
, gusto ko ang batang iyon. Galing sa buena familia. Nag-aral ng aviador sa ibang bansa at...”
Malakas na tawa ang pinakawalan ng dalaga at itinaas ang dalawang kamay “Uh... uh... no matchmaking, senior. Kinumpirma lang ni Mitchel ang tungkol sa date namin bukas. Date, senior, a friendly date. No more, no less,” binigyang-diin niya ang huling sinabi.
“Pero walang masama, hija, kung higit pa sa magkaibigan ang kahahantungan ng...”
“Lolo!” natatawang awat ng dalaga.
“Okay, okay,” wika ng matanda na nabaling ang pansin sa paparating na sasakyan. “Pickup ba ni Marco ang dumarating na iyan, hija?”
“Kanya nga, Lolo. Pero hindi yata si Emerald ang
kasama. Ang Tiya Julia...”
b
iglang bumangon ang kaba sa
dibdib ng dalaga nang makilala ang sakay ni Marco.
Sa mismong malapit sa kanila inihinto ni Marco ang pickup.
Umikot sa kabilang pinto upang alalayan sa pagbaba ang ina at iabot dito ang pinasadyang crutches na aluminum.
Sumalubong si Jewel. Niyakap at hinalikan sa pisngi si Julia. “Kumusta na po kayo, Tiya Julia?”
“Nagtatampo sa iyo,” at nagkunwang nagagalit.
Napangiti si Jewel.
“Kumusta ka na, Leon?” bati nito nang iupo ni Marco sa garden set.
“
Muy bien
,
gracias
, Julia. Isang malaking karangalang nadalaw ka. Ang huling nandito ka’y noong ilabas ako sa ospital sa ikalawang atake ko at iyon ay mahigit nang tatlong buwan.”
k
itang-kita sa mga mata ng Don ang sinseridad ng sinasabi at ang galak sa pagdalaw na iyon ng matalik na kaibigan.
“Tulad mo, Leon, nakakulong din ako sa silyang de-gulong. Ang kaibahan nga lang ay nakakatayo ako paminsan-minsan dahil sa crutches na ito,” pagkatapos ay tumingin kay Jewel na nakaabrisete kay Marco at nakangiti sa mga ito.
“Tatlong araw na rito ang apo mo, Leon, pero hindi ako dinadalaw. Kahit tawag sa telefono ay wala.”
“Oh, I’m sorry, Tiya Julia, may jet lag pa ako. At saka panay ang briefing ng lolo sa akin,” dispensa niya.
Iwinasiwas ng matandang babae ang kamay at hinagod siya ng tingin. “I’ll forgive you, Jewel, pero sa isang kondisyon.”
Nagkatinginan ang maglolo. “Anong kondisyon, Tiya?” natatawang tanong ng dalaga.
“Bukas na ang balik nina Marco at Emerald sa Maynila, hija. Kaya gusto kong samantalahin ang pagkakataong ito para anyayahan ka ng isang linggo sa farm.”
Kung nabigla man si Leon ay hindi ito nagpahalata. Pero si Marco at si Jewel ay parehong nangabigla. Si Marco ay noon lang nalaman ang intensiyon ng ina. Ang akala nito ay gusto lang dalawin si Jewel at natuwa namang dalhin si Julia rito dahil natitiyak nitong ikatutuwa ni Leon ang pagdalaw ng ina.
Si Jewel ay gustong tumanggi pero paano niya gagawin iyon nang hindi sasama ang loob ng matandang babae? Pamilya na ang mga de Silva. At natitiyak niyang alam ni Julia na hindi tatanggi si Leon.
“Sa susunod ay babalik na sa Maynila ang apo mo, Leon, upang pangasiwaan ang kompanya mo. Siguro naman ay hindi mo ipagkakait na isang linggo muna sa bahay si Jewel?” wika nito na sinamahan ng lungkot ang mukha. “`Pag tumatanda tayo, Leon, nawawala ang mga bata. May kanya-kanya nang buhay. Inaasahan kong nang mag-asawa si Marco ay maglalagi sa farm pero hindi naman maiwan ang trabaho sa Maynila. Idagdag pa ang trabahong ibinigay mo sa kanya sa kompanya...”
“Mama...”
s
i Marco na hindi inaasahang mangongonsensiya si Julia.
“Tama ang mama mo, Marco. Sige, Julia, bukas din ay paparoon sa farm si Jewel at mananatili roon ng isang linggo bago siya bumalik ng Maynila,” sang-ayon ni Leon pero may nahagip si Jewel sa mga mata nito na hindi niya kayang bigyan ng pangalan.
“
Bien
, Leon,
bien
...”
KINABUKASAN ay magkasama sila ni Mitchel na nag-aqua cycling. Na nang mapagod ay naupo na lamang sa baybayin.
“Nasa mga mata ng mga kalalakihan ang matinding pagkainggit sa akin, Jewel...”
“Bolero.”
s
he wrinkled her nose. Gumuhit ng kung ano-ano sa buhangin. “Paano kang napasok na piloto sa Lolo, Mitch?”
“Six months ago pagdating ko galing ng States ay binalak kong mag-apply sa isang malaking aviation company. Pero sinabi ng Papa na kailangan ni senior Leon ng piloto. Pinagbigyan ko.”
n
agkibit ito ng balikat. “I dreamed of flying a Cessna bilang
simula
but
my
present job right now seems very satisfying. Saka na lang iyon tutal magandang training ang ginagawa ko ngayon.”
Tumango-tango ang dalaga. “Mahusay kang piloto, Mitch. I enjoyed that flight with you. Gusto ko pa nga sanang sabihin sa iyong magpakita ka pa ng ganoong exhibitions at mag-dive nang mabilis pero naalala kong nagdadalantao si Emerald. Baka makasama sa kanya kung matakot siya.”
“Thank you. Jewel. Ngayo
:
y may mas higit akong magandang dahilan para magalak sa trabaho
ko.”
Naramdaman ng dalaga ang pagkakadikit ng mga braso nila ng binata. Sinasadya man o hindi ay hinayaan niya.
May naalala siyang kaparehong pangyayari. More than three years ago. Ang unang pagtungo nila ni Bernard na magkasama dito rin sa beach na ito. Ang tanging ipinagkaiba ay ang naging reaksiyon niya.
Bernard never failed to thrill and excite her kahit sa simpleng pagkakadikit ng mga kamay nila. Lagi na’y may sparks sa pagitan nilang dalawa. Bakit hindi magawa ng ibang lalaki iyon sa kanya?
Tumayo siya at tinakbo ang dagat. “C’mon, Mitch, maligo na tayo.”
Sumunod ang binata.
Dumaan lang sila sandali sa Villa nang hapong iyon upang kumuha ng mga gamit ni Jewel at nagpahatid na siya kay Mitchel sa de Silva farm. Nakita rin niya ang kasiyahan sa mga mata ni Leon sa pagkakasama niyang iyon kay Mitchel.
Ipinaliwanag niya kay Mitchel kung bakit sa mga de Silva siya tutuloy na tinanguan lang ng binata. Lubog na ang araw nang sapitin nila ang farm.
“Tumuloy ka muna, Mitchel,” anyaya ni Julia. “I could offer you a cup of coffee.”
Nagpaunlak ang binata. Masaya silang nagkukuwentuhan nang biglang bumukas ang pinto at sumungaw si Bernard.
“Tiya, kaninong kotse ang—”
h
indi nito naituloy ang sasabihin nang makita ang mga bisita ni Julia.
Si Jewel ay muntik nang mabitiwan ang tasa ng kape at ipinagpasalamat nang lihim na kay Bernard nakatingin sina Julia at Mitchel. At kung hindi rin siya nakaupo sa mga sandaling iyon ay bumigay marahil ang mga binti niya.
“Nariyan ka na pala, Bernard,” ani Julia. “Halika, hijo, join us. Si Jewel ay inimbitahan kong manatili rito sa atin ng isang linggo.”
“Jewel…” bati nito sa normal na tinig. “Nice to see you back home. Dalawa ba o tatlong taon kang nasa ibang bansa?” Nawalang lahat ang ekspresyon sa mukha nito. Bahagyang naningkit ang mga mata. Sa paningin marahil ng ibang tao ay walang mapupunang kakaiba sa anyo nito maliban sa nararapat na pagbati.
It is only that she knew his face better than anyone else kaya alam niyang matinding pagkabigla ang nadama nito pagkakita sa kanya. Hindi rin marahil nito inaasahan ang ginawa ni Julia.
At hindi siya agad nakapagsalita. Parang may bumara sa lalamunan niya. Huminga nang malalim sa hindi obvious na paraan.
Walang ipinagbago si Bernard sa nakalipas na tatlong taon. Ang mga taon ay nagdagdag lang ng higit na atraksiyon ng binata. He is still wearing the same old faded blue jeans hugging his thighs like a second skin. Ang working shirt nito ay basa ng pawis tulad ng dati. Ang leather boots ay puno ng putik.
“Hindi ako nagbibilang, Bernard,” aniya na sa wakas ay natagpuan ang tinig. “And yes, nice to be back home again.”
k
aswal siyang ngumiti. “I was expecting you to be married already. What happened to you and your fiancée?”
w
hy, she deserved the Best Actress award sa pagiging kaswal at kalmante niya.
Nagkibit ng balikat si Bernard. “Good things never last, Jewel, that’s the irony of life...” matabang nitong sagot na kung bakit kailangang maramdaman niyang may malalim pang kahulugan ang sinabing iyon ng binata.
Stupid of her.
“Hi, Mitchel. How’s the new job?” bati nito sa binata. Kababata at kaibigan nito ang anak ni Judge at naging magkaklase ang dalawa sa high school. At kahit sa dalawang unang taon sa kolehiyo sa Ateneo ay naging magkasama ang dalawa at naghiwalay lang nang magpatuloy ng pag-aaral si Mitchel sa ibang bansa.
“Okay lang, pare, enjoy naman,” sagot ni Mitchel. “I hope you don’t mind me visiting your guest here for the next few days,” nakangiting nilingon nito si Jewel.
Muling nakita ni Jewel ang paggalaw ng mga mata ni Bernard but again, his face belied all emotions. “No problem, pare...”
Ano ang nasa likod ng mga matang iyon? Tulad ba niya’y mahusay ding artista si Bernard? She must be foolish to think so. Kung wala siyang halaga kay Bernard noon, wala rin ngayon. Imahinasyon lang niya ang nakikita niya sa mga mata nito.
“Maiwan ko na muna kayo, pare... Jewel. May iniwan akong gawain sa kuwadra.”
k
aswal itong muling dumaan papalabas sa pinanggalingan.
Tumayo na rin at nagpaalam si Mitchel. Inihatid niya ito sa sasakyan.
“Libre ka ba sa Lunes?” tanong nito nang nasa
loob na ng kotse at sinisimulang i-start ang ignition key.
“Bakit?”
“Want to have some fun in the air?” naghahamong tanong nito.
Tumaas ang mga kilay ni Jewel.
“Magyayabang ako nang kaunti,” dagdag ni Mitchel.
Sandaling nag-isip ang dalaga. “That’s four days from now. Bakit hindi na lang `pag nakauwi na ako sa villa?”
“Libre ako sa araw na iyon. And the next few days ay medyo busy na. Ang sabi ni Don Leon ay may mga foreign investors akong ililipad paroo’t parito. Gustong bisitahin ang limestone site.”
“Just the flying exhibitions?”
“Gusto kong ipakita sa iyo ang local version ng Disneyland. Nothing great compare to the original pero mag-e-enjoy ka rin sa Enchanted Kingdom.”
“Meaning, sa Maynila mo ako dadalhin. Anong oras tayo makababalik dito?”
“Okay na ba sa iyo ang alas-otso ng gabi? Give or take an hour.”
Ngumiti siya. “Deal and thank you for being a good company.”
b
ahagyang sumaludo ang binata at tuluyan nang pinatakbo ang sasakyan. Inihatid ito ng tanaw ni Jewel. Pagkatapos ay humakbang pabalik ng bahay.
Hindi niya napuna si Bernard na nasa kuwadra at madilim ang mukhang pinagmamasdan siya mula pa nang lumabas silang magkasabay ni Mitchel.