noveltoon logo noveltoon
Jewel Black Diamond (Kristine Series 4)

Preview

Ch. 12 / 12 Nov 28, 2025
Prev Next

Preview

Ang mga sumusunod ay seleksyon mula sa

k

ristine 5

, ang

Lalake sa Larawan

.

* * *

M

e alegro

de volver a verte

, Tio Rafael. Napakatagal na panahon nating hindi nagkita,” magiliw na bati ni Margarita na nangangahulugang nagagalak itong muling makita ang mga bagong dating. Humalik ito sa pisngi ng amain.

Buenas tardes

, Margarita,

que bien verles otra vez

,” ganting bati ni Rafael na ang ibig sabihi’y ‘

it’s nice to see you again.

Matapos ay binalingan ni Margarita ang may-edad na babaeng ang kagandahan ay hindi pinakupas ng nagdaang mga taon. “Lovely as ever, Aurora.

Como esta usted

?”

Ngumiti ang babae at nakipagbeso kay Margarita.

Muy bien gradas

,

y usted

? Marami nang taon na nagdaan ngunit hindi pa rin kumukupas ang iyong ganda. Tingin ko’y lalo kang bumabata.”

Nagawang ngumiti ni Margarita bagaman ang puso’y nagdadalamhati sa pagkamatay ng amang si Don Leon. “Nalulungkot akong sa ganitong pagkakataon pa tayo muling nagkita-kita.”

Quiero darle el pesame

, Margarita,” ani Aurora na ipinararating dito ang pakikiramay.

Gracias

. Siyanga pala, nasaan ang inyong hijo at hijas?”

“Susunod na ang mga iyon, Margarita. Sa loob na lamang natin sila hintayin. Gusto ko nang makita si Leon,” ani Rafael at hinawakan sa braso si Aurora.

Tumango si Margarita at iginiya papasok ng villa ang dalawa.

HINDI pa man nakabababa ng helicopter ay nakasabit na sa leeg ni Krizelda ang kamera na halos hindi nawawala sa tabi niya saanman magpunta.

“Wow, this is some place! Alam kong maganda ang ating hacienda pero hindi pahuhuli ang Hacienda Kristine! And look at the villa! Very classic.”

Y que

?

No exageres

, Krizelda! Stop acting na parang ngayon ka lang nakakita ng pre-

s

panish villa. At huwag mong maikumpara ang Hacienda Aurora sa hacienda na ito,” pormal na sabi ni Aura. Ang panganay na anak nina Rafael at Aurora.

Kung ano‘ng pagiging outgoing and carefree ng bunsong si Krizelda ay siya namang reserved and strict nito. Kung tawagin ito ni Krizelda’y ang babaeng laging nakatuntong sa numero.

Demuestras poco interes

. What’s wrong with you, Aura? Napapansin ko sa hacienda pa lamang na parang napipilitan ka lang sumama. Hindi ka ba natutuwa na makikilala natin ang relatives ni Señor Rafael?” Hindi niya maintindihan ang ipinagkakaganoon ng kapatid at dahil doo’y naiirita siya.

“We exist without them, at kung makikilala natin sila’y may magbabago ba?” mataray na sagot nito.

Napapabuntong-hiningang tumingin sa itaas si Krizelda at pinaikot ang mga mata. “

Cielos

! Now, I don’t wonder why you’ re still single, Aura. At kung bakit walang nakatatagal na manliligaw sa iyo!”

“All men are cheat, that’s why! At huwag mo akong iparis sa iyo na kung magpalit ng nobyo’y akala mo ba sampu sampera!”

“Hey, hey! Stop it, ladies! Baka mamaya’y ako na naman ang maipit sa pagitan ninyong dalawa,” ani Ismael na sumunod kay Aura. Kanina pa ito nakikinig at nang inaakalang mauuwi na naman sa pagtatalo ang usapan ng dalawa’y agad na namagitan. Tila ito moderator nina Krizelda at Aura na animo’y laging kasali sa debate.

“All right! Huwag na tayong magtalo, Aura. Nandito tayo para magbigay-galang sa mga labî ni Don Leon, ang kapatid ng Papa.”

Hindi sumagot si Aura at matalim ang tinging ipinukol sa direksyon ng villa.

“C’mon, let’s go,” yaya ni Ismael na siyang piloto ng helicopter na ginamit ng pamilya.

“Mabuti pa nga’y bumaba na tayo, Ismael. Hayaan natin kung gustong magmukmok ni Aura sa loob ng helicopter!” nagbibirong sabi ni Krizelda, na ugali nang buskahin ang panganay na kapatid kapag nakikitang namumula na ang mga pisngi.

Ngunit nauna nang bumaba si Aura.

Napapailing na lamang na ngumiti si Krizelda nang akbayan ni Ismael, na para bang sinasabi nitong, “Let her be.”

Sa bungad ng villa ay sinalubong sila ni Margarita. Bagaman noon lamang nagkita ay agad itong nakilala ng magkakapatid dahil sa litrato ng pamilya ni Don Leon na nakasama sa family album nila.

Iginiya sila nito papasok sa villa. Ipinakilala sa mga taong naratnang nangakaupo sa sala.

Malugod na gumanti ng yakap at halik si Krizelda kina Emerald at Jewel na mga anak ni Romano gayundin kay Nathaniel na anak ni Margarita. Tinanggap niya ang pakikipagkamay ni Marco na asawa ni Emerald.

Si Ismael ay hinalikan ng dalawang babae at kinamayan nina Marco at Nathaniel.

Samantala si Aura ay pormal pa rin at hindi man lamang ngumiti nang batiin at hagkan nina Emerald at Jewel. Tila napipilitan din ito nang tanggapin ang pakikipagkamay ni Marco at ni Nathaniel.

Kung may nakapuna man sa ginawi ni Aura ay marahil hindi na lamang binigyang-pansin. Inisip na natural ang naging reaksyon nito pagka’t noon lamang pumunta ng Hacienda Kristine.

Ngunit hindi iyon nakaligtas sa matalas na paningin ni Krizelda at maging ang tensyong nararamdaman ng kapatid ay napansin. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit hindi tulad nila ni Ismael, ay hindi man lamang ito kinakitaan ng kasiyahang makilala ang miyembro ng familia ni Don Leon.

MATAPOS silang ipakilala ni Margarita ay sinamahan sila nito sa silid na kinaroroonan ng mga labî ni Don Leon.

Malaki ang silid na di-kalayuan sa sala. Nagagayakan ng makakapal na kortinang puti at mga koronang bulaklak.

Sa dulo niyon ay nakalagak ang brass coffin na kinahihimlayan ng

mga labî

ni Don Leon, na napapagit

naan ng mga ilaw na may malamlam na liwanag.

Nakadikit sa isang bahagi ng kabaong ang mga ribbon na kinasusulatan ng mga mensahe sa wikang

e

spanyol gayundin ang mga pangalan ng bumubuo sa angkan ng Don.

“Hindi ko akalain na ang muling pagkikita namin ni Leon ay ang magiging huli,” ani Don Rafael nang lumapit sila kasama si Margarita.

Tinunghayan ni Krizelda ang mga labî ng Don.

So, this is the great Don Leon Fortalejo na madalas ikuwento sa amin ng Papa.

Takot siya sa patay ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi niya maramdaman. Ang takot ay nahalinhan ng curiosity na pagmasdan ang Don.

“Senior Leon looks a lot like you, Papa,” sabi ni Ismael na naunahan siya.

Tumango ito. “Pero magkaibang-magkaiba ang aming mga ugali, hindi ba, Margarita?” binalingan nito ang babae.

“Magkaibang-magkaiba, Tio Rafael. Pero nakatitiyak akong magkasinlapot ang dugo ng Fortalejo na nananalaytay sa mga ugat ninyo. Once a Fortalejo, always a Fortalejo.”

* * *

N

akita

ni Krizelda kung gaano ka popular si Don Leon Fortalejo. Halos buong bayan ng Paso de Blas ay nakiramay sa pagkamatay ng pinakamayaman at pinakamakapangyarihang tao sa bayang iyon.

Isang araw makaraang dumating sa Hacienda Kristine ang pamilya ni Don Rafael ay inihatid si Don Leon sa huling hantungan, sa tabi ni Donya Kristine Esmeralda, sa family mausoleum na nasa loob mismo ng Hacienda Kristine.

Ang lahat ng pangyayari ay na-capture ng kamera ni Krizelda.

Ang iba’t ibang reaksyong makikita sa mukha ng taong-bayan, sa malalapit na kaibigan at sa pamilya ni Don Leon.

Walang pinaligtas na detalye ang dalaga.

“Sana’y magbakasyon kayo rito sa hacienda, Tio Rafael. Ikaw at ang buo mong pamilya,” ani Margarita nang huling gabi ng pamilya ni Rafael sa Hacienda Kristine.

“Oo nga naman, Lolo Rafael,” susog ni Emerald at ngumiti nang sulyapan si Krizelda. “Napakaikli ng panahon para makilala ko ang aming mga tiya.”

“I would appreciate it kung hindi mo na ako tatawaging tiya, Emerald. Hindi nagkakalayo ang edad natin at naiilang ako,” nakangiting sabi niya.

“So, it’s settled?” tanong muli ni Margarita. “Napakatagal na panahong hindi ka nagbalik sa hacienda, Tio Rafael, at kung hindi pa yumao ang Papa. Hindi mo ba mapagbibigyan ang aming paanyaya?”

Nagkibit ng balikat si Rafael at tumingin kay Aurora, na para bang hinihingi ang opinyon ng asawa.

“Ikaw ang magpapasya, Rafael. Sa akin ay okay lang dahil tiyak na marami kaming mapagkukwentuhan ni Margarita. It’s been twenty-eight years...” Nginitian nito ang babaeng gumanti rin ng ngiti.

“Buweno, titingnan ko, pero hindi ako nangangako, Margarita. Naghihintay ang mga appointments ko sa Maynila. Alam mo namang pareho lamang kami ni Leon. Business first, before pleasure.”

“Okay sa akin ang idea na magbabakasyon tayo rito, Papa. Gusto kong malibot ang Hacienda

Kristine at makunan ng larawan ang mga tanawing nakapaloob dito,” sagot ni Krizelda, na kapuna-punang sa tatlong magkakapatid ay siyang pinakainteresadong makita ang kabuuan ng hacienda.

Tahimik lamang na nakikinig si Ismael gayundin si Aura.

Nasa loob na ng guestroom si Krizelda at naghahanda sa kanilang pag-alis nang may kumatok. Napagbuksan niya si Emerald kasama ang asawa ni Nathaniel, si Jasmin.

“Sana’y makumbinsi mo si Senior Rafael na magbakasyon kayo sa Hacienda Kristine. Hindi man lamang tayo nagkaroon ng pagkakataong makilala nang lubusan ang isa’t isa,” ani Emerald na naupo sa silyang naroon.

“I’ll see what I can do.” Pinansin nito ang maumbok na tiyan ni Emerald. “Ilang buwan na?”

“Four months. Pagkatapos ng may tatlong taong paghihintay namin ni Marco.”

“I heard, you’re a novelist.”

“And we heard, too, that you’re a professional photographer, Krizelda,” ani Jasmin na nanatiling nakatayo sa tabi ni Emerald. “Ang sabi ni Donya Aurora ay nanalo ka na raw sa isang international exhibit sa Madrid.”

Nagkibit siya ng balikat at ngumiti. “Well, it’s not an overnight success. Marami akong pinuntahang lugar para magkaroon ng malawak na kaalaman sa photography. UCLA, University of Hartford in Connecticut... to mention a few. Kung nasaan ang interes ko’y nandoon ako.”

“Well, nagpapatunay lamang na nasa dugo ng mga Fortalejo ang pagiging artist, hindi ba, Krizelda?”

“I think so, too, Emerald.”

Nagkatawanan sila.

Ang pag-uusap na yaon ay naputol nang sumilip sa pinto si Margarita.

“Hinihintay ka na nila sa ibaba, Krizelda. Aalis na kayo.” Binalingan nito sina Jasmin at Emerald, partikular ang huli. “Darling, huwag kayong mag- alala. Napapayag ko na si Senior Rafael na babalik dito.”

“Nice to hear that, Tia Margarita.” Tumayo sa kinauupuan si Emerald at humalik sa pisngi ni Krizelda.

Sumunod si Jasmin.

Adios

, Krizelda. Mag-iingat kayo,” ani Margarita nang halikan ni Krizelda.

Tumango ang dalaga. “

Hasta luego

, Margarita.

Adios

.”

HABANG papaitaas ang helicopter ay paliit naman ang villa sa paningin. Kinunan ni Krizelda ang aerial view ng Hacienda Kristine, at ipinangako niya sa sarili na babalikan ang hacienda upang kunan ng larawan ang mga tanawing nakapaloob doon gaya ng sinabi niya sa harap nina Margarita.

Makalipas ang mahigit apatnapu’t limang minuto ay nag-landing ang helicopter sa helipad na nasa loob ng Hacienda Aurora.

Matapos makita ang Villa Kristine ay higit na napagtuunan ng pansin ni Krizelda ang Villa Aurora.

Taliwas sa classic na dating ng pre-

s

panish structure ng Villa Kristine ang modern structure ng Villa Aurora. Marahil ay naimpluwensiyahan nang matagal na pamamalagi sa United States si Rafael, ipinagiba ang dating villa na nakatirik sa mataas na bahagi ng lupain, at pinatayuan ng isang malapalasyong villa na may tatlong palapag, at may touch ng pinaghalong

g

reek at

r

oman architecture.

Certainly ay hindi niya ipagpapalit ang Villa Aurora sa Villa Kristine, ngunit may kung anong dating sa kanya ang villa urging her to return.

At iyon ang gagawin niya.