noveltoon logo noveltoon
Jewel Black Diamond (Kristine Series 4)

Chapter 6

Ch. 6 / 12 Nov 28, 2025

Chapter 6

Chapter Six

S

A HAPUNAN ay hindi pa rin dumarating si Bernard. Narinig niyang nagtungo ito sa munisipyo kasama si Manong Luis. Alam na niya kung bakit.

Pagkakain ay kinuha ng dalaga ang gitara na nakasabit malapit sa piano. Buhay pa rin ang instrumentong malimit gamitin ni Bernard noon.

Lumabas siya sa garden at naupo sa upuang bato malapit sa mga halaman. Inilagay sa tono ang gitara at tinipa.

Memoryado ng mga kamay niya ang tutugtugin. Isa sa mga paborito ni Bernard, John Denver’s “Back Home Again.” Sinabayan niya iyon ng kanta nang marahan.

There’s

a

storm across the valley

clouds are rolling in....

there’s a truck out on a four-lane

a mile and more away....

There’s a fire softly

burning supper’s on the

stove there’s a light in your eyes that makes me warm

Lumakas ang pagtipa niya sa gitara. Ibinuhos ang damdamin sa country folksong na iyon.

Hey it’s good to be back home again

Sometimes this whole farm feels like

a long lost friend

Yes, hey, it’s good to be back home again.

All the time that I can lay this tired

old valley down and feel your

fingers feather soft on me

Your kisses that I live for

and your love lights my way

happiness in living with you brings me

It’s the sweetest thing I know of

just spending time with you...

Hindi niya namalayan na kanina pa nasa pintuan si Bernard at pinakikinggan siya.

She was close to tears nang matapos. Paglingon niya’y nakita niya ang binatang nakatiim ang anyo. Inilapag niya ang gitara sa tabi at tumayo. Nilampasan ang binata at nagmamadaling pumanhik.

Anumang komprontasyon mula rito ay natitiyak niyang hindi niya kaya sa mga sandaling iyon. Isa ito sa mga lowest moments niya. Pero hindi nagsalita ang binata at hinayaan siya.

Hindi pa siya gaanong natatagalan sa pagkakadapa sa kama ay walang pasintabing pumasok si Bernard.

“May tawag ka, si Mitch,” pormal nitong sinabi at iniabot ang CP sa kanya.

Sinagot niya iyon nang nakahiga.

“Hello...” aniya sa gumagaralgal na tinig. Si Bernard ay nanatiling nakatayo sa gilid ng kama. Dumapa siya upang hindi makita ang binata na sa tantiya niya’y kahit gamitan mo ng tractor ay hindi aalis sa kinatatayuan nito.

Sandaling nawala ang kalungkutang nadama niya nang marinig ang mga panunukso ng binatang nasa kabilang linya. Bago niya namalayan, she was laughing softly.

“I’m expecting a call in exactly one minute, Jewel.”

p

arang kulog ang tinig ni Bernard sa pandinig niya na bigla siyang napatihaya at napatingin dito. Nag-aapoy ang mga mata nito sa pagkakatingin sa kanya.

“Hang-up, Mitch.

m

ay hinihintay na tawag si Bernard...” aniya sa kausap sa telepono at hindi maiwasang sumulyap sa binata.

“Where are you?” tanong ng binatang nasa kabilang linya.

Nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi maintindihan ang tanong. “Dito sa farm. Hindi ba at dito mo ako tinawagan?”

“Exactly which part of the house ang ibig kong sabihin?” giit ni Mitchel.

“Oh. Sa... sa silid ko...”

“At nariyan si Bernard?” His voice raised a fraction.

Muling napasulyap ang dalaga kay Bernard.

“Yes... no... I mean...” nagkandautal siya. Hindi niya gustong pag-isipan siya ng masama ni Mitchel.

Pagalit na yumuko si Bernard upang abutin ang CP. “Give me that...”

b

ahagya na nitong nahawakan ang unit subalit iniwas ng dalaga dahil nasa linya pa si Mitchel.

Nawalan ng panimbang si Bernard at napasubsob kay Jewel. At kung hindi nito naitukod ang dalawang kamay sa pagitan niya ay baka nasaktan siya.

“Oh!” Nabitiwan ni Jewel ang CP sa kama. Ang ibabang bahagi ng katawan ni Bernard ay nakadagan sa kanya. Nakulong siya sa pagitan ng mga bisig nito.

Huminto sa pag-inog sa mga sandaling iyon ang mundo. Tila sila nasa isang

time warp.

Nakatitig lang sa isa’t isa. She could feel his breath fanning her face.

“B-Bernard...”

k

ung anuman ang gusto niyang sabihin ay hindi na rin niya maalala. Mabilis ang pagbaba ng mga labi nito sa kanya at siniil siya ng nag-aalab na halik. His arms around her holding her so tight na gustong malansag ng mga buto niya.

Patuloy sa paghalik sa kanya si Bernard. Hungrily, like nothing else she had experienced. Nalimutan na ang CP na nasa tabi lang nila.

Then he was biting her lower lip almost cruelly that she cried. Kung dahil sa sakit o sa sensasyon ay hindi niya matiyak. Marahil pareho. Then at once, he changed his kisses from almost savage to gentleness. As if his lips were seeking forgiveness sa marahas na paghalik.

And she’s melting like ice cream sa arawan. Parted her mouth and welcome the gentle onslaught. He groaned.

At nang maramdaman niya ang magaspang nitong maong sa ibabang bahagi ng katawan niya’y biglang natilihan si Jewel.

Sa loob lamang ng ilang segundo ay naiguho ng lalaking ito ang tatag na naipon niya sa loob ng tatlong taon!

She was a cool, composed and a matured woman. Ano at bigla ay tulad na naman siya ng isang teenager na humaplos lang sa pisngi niya ang paghinga ng binata ay pinanghinaan na siya.

It was so unfair.

Itinulak niya ito at iniwas ang mukha. “Bernard...”

Saka pa lang din biglang natauhan ang binata. Pinakawalan siya at inilatag ang sariling katawan sa tabi niya. Inihaplos ang palad sa mukha nito.

“I’m... sorry...” wika nito sa gumagaralgal na tinig.

Biglang naningkit ang mga mata ni Jewel sa narinig. Marahas na tumayo paluhod sa kama.

“Well, thank you! Mukhang paborito mong bigkasin ang salitang iyan mula noon hanggang ngayon,” pagalit niyang sinabi. “Sa susunod, Bernard, pag-aralan mong kontrolin ang sarili mo para wala kang dapat inihihingi ng paumanhin parati!”

Inabot siya ni Bernard at hinatak. Napadapa siya sa dibdib nito. Pilit siyang kumakawala sa pagkakayakap nito sa kanya subalit lalong hinigpitan ng binata ang hawak sa baywang niya.

“Sshh... dark eyes,” he whispered huskily. Hinawi nito ang buhok niyang bumaba sa mukha ng binata at pinigil sa batok niya. At tumitig nang deretso sa mga mata niya. “I’m not sorry for kissing you... for missing you like crazy... for wanting you so much. I’m only sorry for myself.”

a

t bago pa siya may maisip na sabihin ay muling inangkin nito ang mga labi niya.

For how long they were kissing each other ay hindi niya alam. At matinding pagpipigil sa sarili ang nagpangyari sa binatang tumayo at iwan siya.

At saka pa lang pinakawalan ni Jewel ang mga luhang nakaantabay mula kanina.

GINUGOL ni Bernard ang maraming oras nito sa farm at nasa silid na niya si Jewel kung dumarating ito. Halos hilahin ni Jewel ang mga araw para matapos na lamang ang isang linggo,

Sa pakiramdam niya, kung hahaba pa ang panahong ititigil niya sa farm ay ikamamatay na niya.

Maaga pa lang ng Lunes ay sinundo na siya ni Mitchel. Sa rooftop ng Kristine Hotel ay naghihintay ang helicopter.

Sa buong maghapong iyon ay hindi maitatanggi ng dalagang nag-enjoy siyang kasama si Mitchel. Maginoo at malakas ang sense of humor.

Tinotoo nito ang sinabing pagyayabangan siya na kung hindi pa siya nagtitili ay hindi ibabalik ni Mitchel sa normal ang paglipad.

“I’m sorry, natangay ako.”

“I’m fine...” sagot niyang kinalma ang sarili. She’s learning to hate the two words,

“I’m sorry.”

Ilang beses na siyang nakarating sa Disneyland pero nag-enjoy pa rin siya sa Enchanted Kingdom. Gabi na silang nakaalis doon at alas-onse pasado na nang maibalik siya ni Mitchel sa de Silva farm.

“Nasira ko ang oras na sinabi kong iuuwi kita,” paumanhin ni Mitchel nang nasa harap na sila ng bahay.

Nagkibit siya ng balikat at binigyan ng reassuring smile ang binata. “I’m tired but I enjoyed your company, Mitch. Thanks and goodnight...”

Akma

niyang bubuksan ang pintuan ng kotse nang hawakan ni Mitchel ang braso niya.

“Wala bang good-night kiss?” tukso nito.

Sandaling natilihan si Jewel. Sa loob ng tatlong taon sa ibang bansa ay nagkaroon din naman siya ng boyfriends and allowed some petting and kissing.

“C’mon, Jewel, what’s wrong with a simple kiss?”

“All right...”

i

nilapit niya ang mukha niya rito upang bigyan ito ng isang gentle good-night kiss.

Pero tinanggap ni Mitchel ang halik niya with ardour and kissed her back. Tumaas ang isang kamay nito sa batok niya at ang isa ay iniyakap sa baywang niya.

Nagpaubaya ang dalaga. Hoping na maramdaman niya kay Mitchel ang electrifying sensation na dulot ng halik ni Bernard. At titiyakin niyang tatanggapin niya si Mitchel sa sandaling iyon bilang boyfriend kung gusto nito ng seryosong relasyon.

She even whispered a little prayer for miracles to happen. He was

f

rench-kissing her at gumaganti siya.

French-kissing!

Goodness. Mitchel was

f

rench-kissing her and yet she did not melt. No thrill and excitement. A little pleasant and nice, that’s all.

Akma na siyang kumakawala rito pero naunahan siya ng pagbukas ng ilaw sa terasa. Si Mitchel ang kusang kumawala.

“What is this!” bulalas ni Mitchel and rolled his eyes. “Nasa time machine ba tayo at bumalik sa 1800’s na kung saan `pag inabot ng limang minuto ang lalaki sa paghahatid sa kanyang girl ay magbubukas ang ilaw sa terrace?”

She giggled despite of herself. “Good-night, Mitch,” ulit niya at tuluyan nang bumaba. Inihatid niya ng tanaw ang binata bago lumakad patungo sa bahay.

Hindi pa siya kumakatok ay bumukas na ang pinto.

“Typical Westerners,” sarkastikong bungad ni Bernard sa kanya. “Alam ba ni

s

enior Leon na uuwi ka nang ganitong oras dito sa farm?”

Matamis siyang ngumiti at nilampasan ito. “Kung ikapapanatag ng loob mo, gusto siya ng Lolo para sa akin.”

Nagtagis ang mga bagang ng binata. “Magkasama kayo sa loob ng halos labinlimang oras at hindi pa rin husto sa iyo? Halos hindi ninyo gustong maghiwalay, ah.”

s

a pagkakataong iyon ay hindi nito itinago ang galit sa tinig.

“So you’re counting the hours, ha? Poor Bernard. I’m sorry if we have kept you awake. But I had the time of my life. Masayang kasama si Mitch.”

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at iniharap. “Talaga bang hinahalikan mo ang lahat ng lalaking makatagpo mo? Nakita ko iyon, Jewel.

You initiated that…”

“That

f

rench kiss,” dugtong niya. “Napaka-old-fashioned mo pa rin, Bernard. Ano ang masama sa halik na iyon?”

Lalong naningkit ang mga mata ng lalaki sa galit. “So sanay ka roon. I wonder how many lovers you have taken in the States? Ngayon si Mitchel naman. Mahusay ba siya? I wonder what would have happened kung hindi ko binuksan ang ilaw. Baka tulad ng ibang cheap women ay bumigay ka na sa front seat ng kotse. O, baka naman sanay ka nang gawin iyon?”

Nagdilim ang paningin niya. Tumaas ang kanang kamay at bumagsak sa mukha ni Bernard. Bahagya siyang napaatras sa ginawa niya. Humihiwa ang katahimikang sumunod.

Hinawakan ng binata ang pisnging dinapuan ng kamay ni Jewel. Huminga nang malalim. “I guess, I deserved that. I went over the line. I’m...”

Inawat ni Jewel ang sasabihin niya. “Oh, no... no. Don’t say you’re sorry, I’m sick and tired of that words,” aniya at pagkatapos ay mabilis na pumanhik sa itaas.

Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang muli siyang tawagin ng binata. Huminto siya at nilingon si Bernard.

“Para sa ikatatahimik nating pareho, sana’y tapusin mo na ang bakasyon mo rito,” malamig nitong sinabi at tumalikod.

Kung tinarakan siya ng patalim ni Bernard ay mas pipiliin pa niya. Hindi niya naisip na kaya pa siyang saktan ni Bernard sa ganoong paraan. Higit na matinding sakit ang naramdaman niya ngayon kaysa noong nakalipas na tatlong taon.