Chapter 2
Chapter Two
“
s
aan
ka galing
,
nieta
?” Si Leon na nagpahinto kay Jewel sa pagpanhik sa itaas.
“Sa... de Silva farm, senior...”
“
Como esta
? Julia y Bernard?” patuloy ng matanda na nagbuga ng usok ng tabako.
Mula sa ikalawang baitang ng malaking hagdan ay bumaba uli ang dalagita at lumakad patungo sa kinaroroonan ng piano at naupo sa stool.
“Tiya Julia is fine, senior...”
“Pero bakit ganyan ang mukha mo,
nieta
, na para bang katapusan na ng mundo?”
It is.
Gustong sabihin ni Jewel. “May... hindi lang kami pinagkasunduan ni Bernard, senior...” aniya na hindi sinubukang magsinungaling. She was so transparent. Nakayuko siya sa piano kaya
hindi niya napuna ang kakaibang kislap sa
mga
mata ng Don.
“I’m sure nothing that can’t be mended, apo.”
m
uling nagbuga ng usok ang matanda. “I’ve been working like a dog, Jewel. Bakit hindi mo ako paringgan ng isang magandang
sonata
? Ang huling gamit ng pianong iyan ay noong kasal nina Nathaniel at Jasmin.”
n
aupo ito sa rocking chair.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng dalagita. Totoong kailan lang sila ni Emerald nagkaroon ng pagkakataong makilala si Leon Fortalejo. Pero walang hindi ginawa si Leon upang mapalapit sa kanilang magkapatid. Knowing their likes and dislikes sa kabila ng may-asawa na si Emerald. At siya, Leon is giving her his most precious time na marahil ay upang pagtakpan ang maraming taong pagkukulang kay Romano, sa daddy nila.
Anuman ang sirkumstansiya, natutuhan niyang mahalin ang matandang ito na kung tutuusin ay wala siyang karapatang kamtin ang anuman mula rito. Material things or otherwise.
Alam ni Leon na mahusay siya sa piano. Nabanggit na iyon ng mommy niya sa matanda. Huwag nang idagdag pa ang UP Conservatory of Music.
At kapag ganitong masama ang loob niya
ay
ibinubuhos sa musika ang damdamin. Ilang sandali pa’y pumailanlang na sa kabahayan ang isa
sa
paborito niyang tugtugin, ang
Somewhere in Time.
Inihilig ni Leon ang ulo sa sandalan ng silyang tumba-tumba. May lihim na ngiti sa mga labi sa dalawang kadahilanan.
Una, maganda ang napiling tugtugin ng apo. Nanariwa ang alaala ng kanyang si Esmeralda. At nabigyang-buhay ni Jewel ang madamdaming musika.
Ang pangalawang dahilan? Hmnn...
KINABUKASAN ay hindi inaasahan ni Jewel na makakatagpo sa swimming pool ng hotel sina Bernard at Sandra. Kung bakit sa oras pa at araw na iyon napiling magyayang mag-swimming ni Jasmin.
“Sa dagat na lang tayo magtuloy, Jas...” mungkahi niya na hindi naman makaatras pabalik dahil natanawan na sila ni Bernard.
“Iyan ba ang kakambal ni Alexa?”
“Wala nang iba,” matabang niyang sagot. Hindi pa niya nakaharap nang personal si Sandra at kung maaari ay huwag na niyang makaharap pa. Pero mukhang doon siya itinutulak ng pagkakataon.
“Very identical. Pero natitiyak kong hindi magsusuot ng ganyan si Alexa,” komento ni Jasmin sa red string bikini ni Sandra na wala na halos iniwan sa imahinasyon. “And don’t make me stand beside her, magmumukhang antique itong suot kong bathing suit.”
d
ahil sa sinabi’y natawa si Jewel sa kabila ng lahat.
“Hello, Bernard,” bati ni Jasmin nang malapit na sila sa mga ito. “Kanina pa ba kayo?”
“Media-hora na, Jas,” sagot nito na itinuon ang mga mata kay Jewel at hinagod ng tingin.
Isang one piece bathing suit ang suot ng dalagita but very sexy and fitted like a second skin. Nagsalubong ang mga kilay ng binata.
Hindi na kaila kay Jewel iyon. Was it admiration in his eyes or disapproval?
Malamang na disapproval. Walang sinabi ang mga suot nila ni Jasmin kumpara sa suot ni Sandra.
“Siyanga pala, Jas, Jewel,” patuloy ng binata. “This is Sandra, Alexa’s twin sister and my fiancée....”
Nawalan ng kulay ang mukha ni Jewel sa huling sinabi ni Bernard.
Fiancée!
“Sandra, darling, si Jasmin. Nathaniel’s lovely wife...”
“Oh, hindi mo sinabi sa aking may asawa na si Nathaniel, darling!” agap ni Sandra na may panghihinayang na mababakas sa tinig.
Fiancée... darling!
Kung wala ang braso ni Jasmin na nakahawak sa kanya ay gusto nang matumba ni Jewel.
“At ito naman si Jewel Fortalejo, Nathaniel’s cousin and one of the heirs ni Leon Fortalejo...” patuloy ni Bernard. Walang emosyong mababakas sa mukha.
Mapanuring mga mata ang ipinagkaloob ni Sandra sa kanya pagkatapos ay ngumiti. “Nice meeting you both.”
i
nabot nito ang kamay na agad tinanggap ni Jasmin.
Si Jewel ay halos ipinako na sa kinatatayuan. Gustong mag-unahan ng mga luha sa pagbagsak sa pisngi.
“Balita ko’y nagbabakasyon ka rito, Sandra. Sana’y mag-enjoy ka...”
s
i Jasmin. Sinisikap na monopolahin ang usapan para hindi na iabot ni Sandra ang kamay kay Jewel.
“Oh, sure. I like your beach and hotel, first class. Isa pa, with Bernard here to keep me company, ano pa ang mahihiling ko, `di ba, darling?”
m
alagkit ang tinging ipinukol nito sa binata na hindi nagbigay ng komento.
“Of course.”
s
i Jewel na nakahagilap ng sasabihin. “Walang duda sa kakayahan ni Bernard na aliwin ka Sandra. Mahusay siya roon. And congratulations to you, both.”
s
arcasm at galit ang nasa tinig niya na hindi itinago. Pinisil nang palihim ni Jasmin ang braso niya.
“Hindi na namin kayo aabalahin pa, Bernard, Sandra. Gusto ko nang maglangoy sa dagat.”
s
i Jasmin na agad hinila si Jewel patungo sa hagdang bato.
Nagkibit ng balikat si Sandra. Natatawang tinitigan si Bernard. “Why, she’s just a child, Bernard. You cradle snatcher…” tukso nito.
“Hindi ako ganoon katanda, Sandra. Twenty-four...” sagot nito sa nakatiim na mukha. Sinundan ng tanaw ang dalawang patungo sa dagat.
“And you love her...?”
i
sa iyong kumpirmasyon kaysa tanong.
“Anong klaseng tanong iyan para sa isang inalok kong maging girlfriend...?” baling ng binata rito.
Isang malungkot na ngiti ang itinugon ni Sandra. “I allowed you to use me a while ago, Bernard. Don’t push your luck. I’ve been used before... by Ryan.”
“Whatever my motives, Sandra, tinitiyak ko sa iyong I’m free to offer any woman an honorable proposal.”
“Yes. You offered to marry Alexa and you didn’t really love her. Gusto mo lang siyang tulungan because she is a very dear friend and at the same time, naitaboy mo pa si Jewel. Funny, how could one man be so honorable and self-sacrificing habang wala kahit katiting niyaon ang ibang lalaki?” Pumasok sa isip nito si Ryan at biglang nagkalambong ang mga mata.
Nakita ni Bernard iyon. Ginulo ang buhok ng dalaga at tumayo. “C’mon, Sandra, let’s swim, sayang ang tubig kung panonoorin lang natin...” Lumakad ito patungo sa diving board.
Buong paghangang sinundan ng tingin ng dalaga ang binata. In brief black swimming trunks. Handsome and muscular and a very reserved man.
Kung papipiliin si Sandra between Nathaniel and Bernard, hindi nito madesisyunan kung sino ang pipiliin.
Both men held an attraction na mahirap itanggi. And both are sinfully gorgeous sa kanya-kanyang paraan. Pride on something na hindi nito mabigyang pangalan. Except that Nathaniel was years older and married.
At kung gagamitin ni Sandra ang matinong kaisipan, gagawin ng dalaga ang lahat upang mapalapit kay Bernard. Ilayo ang isip nito kay Jewel, lalo na at nakikitang pinagsisikapan ng binata na layuan ito ng dalagita. But probably hindi matino ang isip ni Sandra. And she’s still hurting inside sa ginawa ni Ryan.
HINDI maalo ni Jasmin si Jewel na patuloy sa pag- iyak. “Please, Jewel... calm down.”
“I hate him, Jas... I hate him!”
“Mabuti at hanggang maaga ay ganito ang nangyari, Jewel. Siguro ay talagang pagtinging kapatid lang ang iniuukol ni Bernard sa iyo. Sa pagkakaalam ko, maliit pa siyang bata, he was made to believe na mga kapatid niya kayo ni Emerald.”
“At paano mo ipaliliwanag ang mga nangyari sa amin? Ang namagitan sa amin?”
Nanlaki ang mga mata ni Jasmin. “Did you... did you...?”
h
indi nito maituloy-tuloy ang sasabihin.
“No. I could have lost myself but he was so much in control of himself,” patuloy siya sa paghikbi.
“Na dapat mong ipagpasalamat,” pagdiriin ni Jasmin. “At kaya marahil ganoon ay dahil nalilito si Bernard. Hindi niya matiyak kung ano ang talagang damdamin niya para sa iyo. Higit mong ipagdaramdam at kasusuklaman siya kung pagkatapos may nangyari sa inyo ay saka mangyayari ang ganito,” patuloy nito. Bagaman hindi kayang tanggapin ng isip ni Jasmin na ang uri ni Bernard ang
hit and run type.
Sa kaunting panahong pagkakakilala kay Bernard ay masasabi nitong responsable bagaman tahimik ang binata. Pero hindi na gusto ni Jasmin na dagdagan pa ang sama ng loob at habag ni Jewel sa sarili.
“I love him, Jas... I love him and hate him at the same time!”
“Bata ka pa, Jewel. Only nineteen. Lilipas din ang nararamdaman mo sa pagdaan ng panahon. Makakatagpo ka ng bagong pag-ibig.”
Hindi sinagot ng dalagita iyon. Sana nga... sana nga. Subalit sa mga sandaling ito’y walang katulad ang hapding nararamdaman niya.
TWO WEEKS pagkatapos ng pangyayaring iyon ay tinapos ng dalagita ang semestral break niya sa Paso de Blas at bumalik sa Maynila.
Sa talampas ay naroon si Bernard at tinanaw ang papalayong sasakyang magdadala kay Jewel sa hotel kung saan naroon ang helicopter na maghahatid sa dalaga sa Maynila.
“Nakikita mo ba iyon, Firewind?” anang binata sa alumpihit na kabayo. “There goes my only love and my everything,” usal nito sa halos sumabog na dibdib.
“Good-bye, my precious black diamond...”