Chapter 7
Chapter Seven
S
i
SNOWHITE ang sinakyan niya pauwi sa Villa Kristine. Bagaman nalulungkot ay pinayagan siya ni Julia. Sinabi niya ritong ipahahatid na lamang sa isang tauhan ang kabayo.
How could she be so stupid para pahintulutan si Bernard na saktan siyang muli? Ngayon niya natiyak na minsan man sa loob ng tatlong taon ay hindi nawala sa puso niya ang binata.
Sinikap niyang ibalik ang mga luha sa mata niya. She will forget him. Even if it takes forever. Uuwi siya sa Maynila bukas din at sisimulan ang trabaho sa Kristine Cement.
Itinali niya sa isang puno si Snowhite pagkatapos ay pumasok sa kabahayan. Tahimik. Nasa likod marahil si Margarita at ang mga katulong. Nakakailang baitang na siya sa pagpanhik nang marinig ang malakas na tinig ni Leon. Galit ito sa kung sino man ang kinakausap.
Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. Maysakit ang matanda at hindi ito dapat na nagagalit nang ganoon. Muli siyang bumaba at tinungo ang pinagmulan ng tinig. Ang library.
Akma niyang itutulak ang pintong bahagyang nakabukas nang muling magsalita ang matanda.
“Sundin mo ang sinasabi ko, Marco, at huwag mo akong sigawan!” Ang bayaw niya ang kausap ni
s
enior Leon. “Alam kong magkasama maghapon sina Mitchel at Jewel and I’m glad. Pero gusto ko pa ring makatiyak. Ayokong kausapin
uli
si Bernard...”
“Ano ang ibig mong sabihing ayaw mong kausapin uli si Bernard?” Pigil na pigil ni Marco ang galit sa tinig. Hindi gustong ito ang magiging sanhi ng atake ni Leon.
“Hindi ko gustong maulit ang pangyayari sa kanila ni Jewel noon, Marco. Hindi ko gustong muling magkalapit sina Jewel at Bernard...”
Wala sa loob na napaatras ang dalaga. Uli? Nag-usap ba si Don Leon at Bernard noon?
May nabuong hinala sa isip niya. Pero kung si Leon ang kakausapin niya’y maaaring makasama sa kalagayan ng matanda. At isa pa’y baka hindi rin ito umamin.
Isa lamang ang dapat na kausapin. Si Bernard.
Lumabas siya at muling sinakyan si Snowhite at pinatakbo pabalik sa de Silva Farm. Alam niyang wala si Bernard sa bahay sa mga oras na ito pero iikutin niya ang buong farm.
Tiningnan niya ang relo sa braso. Ala-una y media pa lang at nasa kainitan ang araw. Sa koral siya unang nagtungo pero wala ang binata. Hinanap niya si Manong Luis at sinabi nitong baka nasa kubo. Ipinaliwanag nitong ipinagawa ni Bernard ang kubong iyon upang pahingahan at kung hindi nito gustong umuwi ng tanghali.
Binaybay niya ang daang itinuro sa kanya. Nasa ilalim ng malaking puno ang kubong yari sa sawali at kawayan. Nipa ang bubong at may dalawang baitang na hagdang kawayan din. Nakabukas ang bintanang may tukod na kawayan. At sa puno ay nakatali si Firewind.
Malayo pa’y bumaba na siya at inakay si Snowhite at itinali sa may malapit sa stallion. Pagkatapos ay pumanhik sa hagdan at itinulak ang pintuang sawali.
Tumambad sa kanya si Bernard na nakahiga sa sahig na yari sa pinong kawayan. Nakapatong ang isang braso sa noo. Nagulat ito pagkakita sa kanya at napabangon.
“Ano ang ginagawa mo rito?” Nakasabit sa isang bintana ang polong pantrabaho nito at nakasuot lang ng maong.
Inalis niyang bigla ang tingin sa dibdib ng binata. Marahang itinulak niya pasara ang pintuan.
Nagsasalubong ang mga kilay ni Bernard. “Hindi mo ako sinasagot, Jewel. Bakit ka naririto?”
“May mga itatanong ako sa iyo, Bernard, at gusto kong sagutin mo ako nang totoo dahil hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo sinasabi ang gusto kong malaman.”
Hindi agad nagsalita ang binata na nakapako ang mga mata sa kanya. “Ask away...” wika nito makaraan ang ilang sandali.
Pinuno muna ng dalaga ng hangin ang dibdib bago nagtanong. “M-minahal... mo ba talaga si... Sandra noon?”
Lalong nagkadikit-dikit ang mga kilay ng binata. Hinagod siya ng tingin. Umatras si Jewel at sumandal sa dingding.
“Bakit kailangang malaman mo, Jewel? Personal na tanong iyan.”
“Huwag mo akong sagutin ng tanong, Bernard. Please...”
n
agsusumamo ang tinig niya.
It was his turn to fill his lungs with air. “No. Wala akong pag-ibig sa kanya at ganoon din siya sa akin.”
Napanganga si Jewel. “P-pero... pero bakit ipinakilala mo siya bilang fiancée sa akin noon?” Nagtumining ang hinala sa isip niya.
“It was the right thing to do at that time.”
“Linawin mo ang sinasabi mo, Bernard.”’
Nairitang tumayo ito. Lumapit sa bintana. “Hindi ko alam kung bakit ka nagtatanong nang ganyan. Pero hanggang doon na lang ang masasabi ko.”
“Kinausap ka ba ng Lolo noon at inutusang iwasan ako?” Hindi niya inaalis ang mga mata niya rito.
Marahas na lumingon sa kanya si Bernard. “Umalis ka na, Jewel. Napapagod ako at inaabala mo ang pamamahinga ko,” wika nito sa matigas na tinig.
Umiling siya. “Nagkakamali ka, Bernard, kung inaakala mong aalis ako rito nang hindi ko nalalaman ang katotohanan.”
“Walang katotohanan, Jewel, kaya wala kang malalaman. Umuwi ka na.”
“Kaladkarin mo ako,” matigas niyang sagot at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya si Bernard.
“Kinausap ka ba ni
s
enior Leon para iwasan ako?” patuloy niya. Sa pagkakataong iyon ay may bahagyang hikbi sa tinig niya.
“Saan mo nakuha ang impormasyong iyan?” Tumaas nang bahagya ang tinig nito.
“Sa
l
olo mismo.”
Umiling si Bernard. Matabang na ngumiti. “Huwag mo akong salakabin, Jewel. Hindi sasabihin ni Leon sa iyo iyan.”
“Para mo na ring inamin sa aking kinausap ka nga ng
l
olo,” aniya. “Pero tama ka. Hindi sasabihin sa akin ng Lolo nang diretsahan iyon. Hindi sinasadyang narinig ko siya kanina lang. Kausap niya si Marco at sa wari ay inuutusan niya itong kausapin ka tungkol sa akin. Na marahil ay iwasan akong muli.”
m
ay pait sa tinig ng dalaga.
Napaungol si Bernard at tumingala sa bubong ng kubo.
“Totoo kung ganoon! Kinausap ka ng
l
olo para layuan ako.”
a
t tuluyan nang napalakas ang hikbi ng dalaga. “Bakit ka pumayag, Bernard?”
“Huwag na nating pag-usapan ito, Jewel,” inabot ang polo shirt na nakasampay sa bintana. “Babalik na ako sa koral.”
Hinablot ng dalaga ang polo shirt nito at inihagis sa labas ng bintana. “Don’t walk out on me this time, Bernard! Sabihin mo sa akin ang totoong nangyari. Binayaran ka ba ni Leon tulad ng ginagawa niya sa ibang mga tao? How much? Alam kong galante ang
l
olo. He wouldn’t mind parting his millions if it suits his purpose.”
Nagtagis ang mga bagang ng binata. “Hindi ako kasingyaman ni Leon, Jewel, pero hindi ako mahirap. At kahit pa mahirap ako’y hindi ko ipinagbibili ang sarili ko,” mariing sinabi nito.
“What then!” hiyaw niya. “Please, Bernard, malalaman ko rin iyan pero gusto kong marinig mula sa iyo and let it be the truth.”
Nakita niya nang muling punuin ng hangin ni Bernard ang dibdib. Nilingon siya nito. “Kinausap ako ni Leon na layuan ka, Jewel...”
“Oh!”
“Pero pinakiusapan niya ako. He said he has nothing against me... na mahusay ang pagpapalaking ginawa ni Tiya Julia sa akin, things like that. Pero hindi niya gustong magpatuloy ang relasyon nating dalawa. Friendly or otherwise. Hindi ko pinaniwalaan ang mga dahilang ibinigay ni Leon sa akin. Alam kong dahil kay Alfon kaya hindi niya ako gusto para sa iyo. Pero wala akong pakialam doon. Hindi ako pumayag sa sinasabi ni Leon. I was angry at gusto kong tapusin na ang pag-uusap naming iyon. Pero may sinabi siyang nagpahinto sa paglabas ko.”
“Ano ang sinabi niya?”
“Ang sabi niya, quote-unquote,
“‘Do not make me hate my granddaughter, Bernard. Nagawa kong itakwil si Romano, magagawa ko rin iyon sa bunsong apo ko. Alam kong babalewalain ni Jewel kung mawawalan man siya ng mamanahin. Pero kaya ba ng konsensiya mong sa ikalawang pagkakataon ay may alitan na naman sa pamilyang ito?’”
Hindi makapaniwala sa narinig si Jewel. “Dahil lang doon... dahil lang doon kaya naatim mong magkalayo tayo?”
Umiling si Bernard kasabay ng paghugot ng hininga. “Listen, Jewel. Sa loob ng maraming mga taon ay itinakwil ni Leon si Romano. Alam kong gagawin niya sa iyo iyon. Madadamay si Emerald dahil natitiyak kong papanig sa iyo ang kapatid mo. At muli, mabubuhay ang alitan na natapos na. At hindi ko magagawa sa inyong magkapatid iyon. Tama si Leon, nawala na sa kanya ang daddy ninyo, aalisan ko pa rin ba siya ng mga apo? Hindi kayang dalhin ng konsensiya ko iyon, Jewel.”
“Damn your conscience! At paano ako? Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang pagpasyahan at desisyunan ang damdamin ko? Hindi ikaw, hindi si Leon, o kahit na sino pang tao!” pagalit niyang sigaw. “Ako lamang ang may karapatang magpasya para sa sarili ko!”
“I only thought what is best,” walang emosyong wika nito. “Ngayon man sabihin sa akin ni Leon iyon, I’d still do the same thing. It would be selfishness on my part para isakripisyo kayong dalawa ni Emerald pagkatapos ng maraming taong alitan ng pamilyang ito. I know you loved me...”
“And still love you, Bernard...” she whispered softly.
Napapikit ang binata roon. Nagpatuloy ito. “Tulad ng alam ni Leon ay pahahalagahan mo ako kaysa mamanahin mo. But how do you think would I live with it knowing na inalisan na ni Alfon ng anak si Leon at ako’y aalisan din siya ng mga apo. I’d rather sacrifice my own feelings.”
Hindi na niya halos makita si Bernard sa mga luhang hindi niya gustong pumatak. “At... anong damdamin ang isinakripisyo mo, Bernard?” She choked on her words.
Umiwas ang mga mata nito. “Go home, Jewel. Nasagot ko na ang gusto mong malaman. Walang nabago sa pasya ko. Isang malaking pagkakamaling nagkita tayong muli.”
“Duwag!” sigaw niya. “I love you. Hindi ako nahihiyang sabihin iyon at ipagsigawan sa buong mundo. All my life ay nabuhay akong wala si Leon and everything was perfectly normal. But you killed me nang sabihin mo sa aking kasintahan mo si Sandra, and I stopped living since then, Bernard.”
t
uluyan nang pumatak ang mga luha niya.
Sa dalawang hakbang ay nasa mga bisig na siya nito. “Don’t cry, love,” he whispered in agony. “Hindi ko kaya.”
h
inagkan nito ang ibabaw ng ulo niya.
Patuloy sa mahabang pag-iyak si Jewel na nababasa na ang dibdib ni Bernard.
Kumawala ang dalaga at tumingala rito. “Tell me, Bernard, do you love me?”
“Do I love you?” Napailing ang binata. “You are my everything, dark eyes. When you left, you took everything away from me. My breath, my heart. I’m not a normal person anymore, Jewel. I only exist.”
“Pero itataboy mo pa rin akong pauwi, ganoon ba?” Patuloy siya sa paghikbi.
“Love...”
“I never had a man in my life, Bernard, never had a lover. Send me back home now, at ipagkakaloob ko ang sarili ko kay Mitchel o sa kahit na sinong...”
Nagdilim ang mga mata ng binata. Inilagay ang kamay sa leeg niya, choking her a little. “Damn you!”
Naubo ang dalaga. “Y-yes... I’ll be damned... kung hindi ko gagawin...”
h
indi niya natapos ang sasabihin.
He was kissing her brutally, cruelly. She was crushed sa pagitan ng mga bisig at dibdib nito. Halos hindi siya makahinga. May pakiramdam siyang nadurog nang lahat ng mga buto niya. Kahit ang pagdaing ng sakit ay hindi makalabas sa lalamunan niya.
Natitiyak niyang she will die of suffocation and fractured ribs. At nang halos maubos nang lahat ang oxygen niya sa katawan ay pinakawalan siya ni Bernard.
Itinaas niya ang ulo niya catching her precious breath.
“Oh..! Y-you... b-bastard! Muntik mo na akong... patayin!” hiyaw niya rito. Abot-abot ang paghingal.
“Wala kang karapatang sabihin sa akin iyon!” he answered hoarsely. Marahang tumaas-baba ang dibdib. “Ang maisip ko pa lang iyan noong nasa Amerika ka was pure hell. At nang makita ko kayong dalawa ni Mitch sa loob ng kotse niya, you were a breath away from being murdered!”
“Don’t send me back, Bernard, please...”
“Ano ang gagawin ko sa iyo, love?” Nakabadya ang paghihirap ng damdamin sa tinig at mga mata nito.
Mula kaninang dumating siya ay saka pa lang nangiti ang dalaga. Bernard is weakening his resolved.
“Kung hindi mo alam kung ano ang gagawin mo sa akin ay walang problema. Ako, alam ko kung ano ang gagawin ko sa iyo. Leave it to me, darling.”
s
he smiled wickedly. Ibinaba ang mga kamay sa Levi’s nito and started unzipping it. Kanina pa niya nararamdaman ang arousal nito sa pagitan ng anger and passion.
Napahugot ng paghinga si Bernard. “Ang pagbagsak ng magigiting na lalaki, all because of women. Samson, Napoleon Bonaparte, it was rumored that there was a woman behind Hitler’s...”
n
anlaki ang mga mata ng binata. Marahas na itinaas ang mga kamay ni Jewel and pulled her against him and kiss her hard.
At sa sumunod na mga sandali, three years of loneliness and miseries were forgotten.