CHAPTER 7
“I DON’T get it. Instead of finishing a master’s degree, photography workshops ang aatupagin mo. Hindi selfie ang gagawin n’yo ro’n, gaga ka!” sabi kay Lyca ng kontrabida talagang kaibigan. Hindi na lang sumuporta! Binisita siya ni Sasahh at ngayon ay nandoon sila sa lanai, sa harap ng bahay habang pinagtutulungang ubusin ang beef nachos.
“May asawa ka na, ipapaalala ko lang sa `yo. Tigilan mo na ang kahibangan mo sa kapatid ko. Pati pag-attend ng photography workshop pinatulan talaga para lang i-stalk ang kapatid ko.”
“Sasahh, plano ko na ito bago pa man kami ikasal ni Alford. Matagal na rin akong nakapag-enroll, `di ba? Sayang naman kung hindi ko papasukan.”
All right! Photography was not her passion. Selfie. Pang-Instagram lang ang hilig niyang kuhanan gamit ang smartphone. Si Tyler talaga ang dahilan niya kung bakit sa halip na master’s degree na ang kukunin ngayong pasukan ay nag-enrol siya sa isang photography workshop para makasama si Tyler. Nang malaman niyang a-attend ito ng photography workshop ay agad din siyang nag-enrol. Gusto niyang mapalapit sa lalaki.
“Ewan ko sa `yo! Masasaktan ka lang sa kanya. Alam mo namang hindi pa `yon nakaka-move on sa breakup nila ni Faith.”
Faith was Tyler’s long-time girlfriend. Tinapos ng dalawa ang relasyon nang magdesisyong mag-aral sa abroad si Faith noong nasa ikatlong taon ito ng college.
“Puwede, mag-focus ka na lang kay Alford? God, ang guwapo ng asawa mo… He’s perfect. Kung ako ang asawa niyan, baka ipinagsigawan ko na sa buong mundo.”
Inikutan niya ng mga mata si Sasahh. “Hindi ko siya mahal, at alam kong ganoon din siya. Pinakasalan lang ako ng kumag na `yan bilang respeto kay Kuya Tres at Tita Tanya.” Alam niyang isa iyon sa dahilan ni Alford. Matalik na magkaibigan ang dalawa at sa ugali ng kanyang pinsan, hindi iyon papayag na hindi siya panagutan ni Alford.
“He has liked you ever since.”
“His dick likes my pussy. `Yon lang `yon!”
“Does your pussy feel the same way?” Sasahh giggled.
“Shut up!” she snarled.
Matagal nang sinasabi ni Alford na gusto siya nito at hihintayin kapag nasa tamang edad na siya at liligawan na hindi naman niya sineryoso. Alam ni Lyca kung gaano kababaero si Alford. Hindi niya talaga makalimutan ang pakikipag-make-out nito noon sa hardin ng bahay ng kanyang pinsan. He was a prick! A disgusting boar and definitely not her taste.
All she ever wanted was a simple and a real gentleman. Someone who will respect her; a man who will make the moisture pool between her thighs and not in her eyes. She wanted to create an amazing relationship with a man of her dreams, but fate fucked up her dreams; reality dragged her out of that fairy tale.
“How’s your married life?” Sasahh’s voice pulled her out in her haze.
“Ayos lang,” sagot niya at sinamahan ng pagkibit-balikat. Kumuha siya ng nachos, pinuno iyon ng salsa bago isinubo.
“Mukhang hiyang ka naman. You look blooming.”
“I’m always blooming.”
“When are you planning to have babies, anyway?”
“Babies!?” nanlalaki ang mga matang bulalas ni Lyca. Geez! Wala sa plano niya ang magkaroon ng anak kay Alford.
“Wala sa plano ko `yan, ano ba!” Kinuha niya ang cucumber smoothie at sumipsip.
“Ah, so hindi kayo nagse-sex.”
Muntik na siyang masamid sa tanong ni Sasahh. “H-hindi.”
“Hindi? Alam ko kapag nagsisinungaling ka.”
“Once lang `yon.” Nakakainis talaga ang babaeng ito. Binigyan siya ni Sasahh ng ‘weh, `di nga’ look.
“Okay, fine! Once a day!” Namilog ang bibig at mga mata ni Sasahh.
“Oh, everyday!”
She swore to Christ, she wanted to punch that shit-eating grin off her face. Kung may maganda sa relasyon nila ni Alford ay walang iba kundi ang sex life. She couldn’t help but respond in his every touch. At kahit paano ay may pakinabang ang hindi nito pagiging gentleman because he had gotten rough in bed, which she preferred.
“So, how’s his performance? Is he a good humper?”
“Magtigil ka, Sasahh, bata ka pa!”
Malakas na humalakhak ang kaibigan. “Gumagamit kayo ng proteksiyon?”
“Proteksiyon?”
“Pill or condom? Para hindi mabuntis.”
Bigla niyang natutop ang bibig. “Oh, no!” Oh, God! She was dead! Bakit hindi niya iyon naisip? Wala pa naman siguro. Shit! Hindi pa siya handang maging isang ina at wala siyang balak na magpabuntis.
“You’re dead!” Sasahh said, grabbing her smoothie and sipped on it.
Naibaling ni Lyca ang tingin nang marinig ang busina ng isang sasakyan. Natanaw niya ang sasakyan ni Alford sa labas ng gate. Ang aga naman yatang umuwi ng kanyang asawa? Pagkatapos ng kasal nila ay ngayon lang ito pumasok sa law firm na pag-aari mismo ng pamilya ng lalaki. Pero ayon kay Nanay Carmen ay gabi na ito kung umuwi.
Inilapag niya ang smoothie sa mesa, saka tumayo at pinuntahan ang gate. Binuksan niya iyon, saka umandar ang sasakyan ni Alford papasok. Muli niyang isinara ang gate at lumapit sa sasakyan ng asawa.
Bahagya niyang nahigit ang paghinga nang bumukas ang pinto ng driver side at bumungad sa kanya ang maaliwalas na guwapong mukha nito.
“Hi, wifey!” He climbed out of the car, he grabbed her face gently and gave her a soul-searing kiss. She couldn’t help but respond to it.
Okay! Medyo binabawi ni Lyca ang sinabi niyang hindi ito gentleman. His gestures were actually sweet.
“Na-miss kita. Did you miss me?”
She parted her lips but didn’t respond. Hindi niya alam ang sasabihin. Ayaw niyang aminin na na-miss nga niya ang presensiya nito. Hinahanap niya ang kakulitan ng asawa sa buong maghapon.
“Silence means yes,” nakangiti nitong sabi at hinalikan siya uli sa labi.
“I have a surprise for you,” bulong ni Alford sa labi niya bago siya pinakawalan. Binuksan ng asawa ang pinto ng passenger seat at may kinuha mula sa loob.
“Oh, my God!” She let out a shriek of surprise as she saw Cookie, her cat, in his arms.
“Oh, my baby!” Kinuha niya mula kay Alford si Cookie na mukha namang na-excite nang makita siya dahil maharot nitong ikiniskis ang mukha sa kanyang pisngi.
“Kinuha mo siya sa bahay?”
“Yeah.”
Plano niyang kunin ang mga babies niya one of these days.
“Thank you, but wait… Where’s Oreo?”
“Oh, that ugly cat is there.” What? Ugly?
Alford went to the back of his car. Agad siyang sumunod. Binuksan nito ang trunk ng sasakyan at ang naramdamang kasiyahan para sa lalaki ay napalitan ng pagkamuhi nang makita si Oreo sa loob ng car compartment. A wave of pity washed over her. Agad niyang kinuha si Oreo. Her poor baby let out a muffled cry at parang takot na isiniksik nito ang sarili sa kanyang katawan. Galit niyang hinarap si Alford.
“Why did you trap my baby in your fucking car’s trunk!? Are you going to kill my cat?!” sigaw niya.
“Fuck, no! I love your pussy!”
Malakas niyang sinipa si Alford sa binti na ikinaigik nito.
“Hindi ako nakikipaglokohan sa `yo! Why did you put my cat in the trunk?”
“Your cat is ugly. It fucking scared the shit out of me. Mukha bang pusa `yan? Kamukha `yan ni Gollum. It looks like a creepy monster than a cat.”
“Don’t call Oreo a monster, Alford!”
Itinaas ng asawa ang dalawang kamay sa ere. “Okay, okay, I’m sorry. Hindi ko naman isinarado ang trunk. Buhay na buhay pa naman, o! Pasalamat nga `yan hindi ko `yan iniligaw, eh—Aw! Fuck it!” Naglulundag si Alford nang muli niyang sipain sa binti nang mas malakas. Masasaktan ito dahil kahoy ang tsinelas niya. Bakya style.
Iniwan ni Lyca ang asawa na nagkakandirit sa sakit. Pumunta siya sa lanai. Ibinaba niya si Cookie sa upuan at hinaplos si Oreo na siyang nangangailangan ng comfort dahil sa pinagdaanan nitong pang-a-abuse ng abogadong walang puso.
“It’s okay, Oreo, baby. Mommy is here na. You are safe now.” Hinalikan niya ang ulo ng pusa at muling hinaplos-haplos.
“Wow! May pabulaklak si Attorney pero nasipa naman,” Sasahh chuckled. Nilingon niya si Alford na ngayon ay nasa likod na niya hawak ang isang bouquet ng pulang rosas.
“Hi, Sasahh, nandito ka pala,” bati nito sa kaibigan niya, saka inilapag ang bulaklak sa mesa.
Noon naman lumabas ang dalawang aso ni Alford. A black and white Greater Swiss mountain dog and a light brown and white Akita dog. Tinahulan ng mga ito ang pusa niya at lalong sumiksik sa kanya si Oreo na mukhang natakot.
“Shoo! Don’t you dare bully my babies! Kakatayin ko kayo!” angil niya sa dalawang aso.
“They didn’t bully your monster—I mean your babies. Eh, mas mukhang bully nga `yang si Gollum.”
“Don’t call him Gollum!” Akmang sisipain niya uli si Alford pero mabilis itong umiwas.
“Ang brutal mo talaga! Pa-kiss nga.” Alford grabbed her face firmly and gave her a wet, sloppy kiss.
“Damn! You have the tastiest saliva.”
Umawang nang malaki ang bibig niya. Binitawan ni Alford ang mukha niya, saka binalingan ang dalawang aso.
“Jumbo, Footlong, get in at baka katayin kayo ng nanay n’yo.” Sumunod naman ang dalawang aso na pumasok.
“God, your husband is so hot. Ang suwerte mo,” kinikilig na sabi ni Sasahh nang mawala na sa paningin nila si Alford.
“Hot? Mahalay kamo!” Umupo siya sa bakanteng silya at inilapag si Oreo sa kanyang hita.
“Well, mahalay is hot. When a handsome man behaves grossly, it’s very hot, but if ugly men will do kahalayan— Eerr! They will appear manyak and that’s creepy.”
“Grabe ka, ah! Huwag ka ngang ganyan. That’s bad!”
“Hindi naman sa nanghahamak ng tao pero ganoon talaga. A not-so-guwapo-man should always be gentleman kasi magmumukha silang pogi sa paningin ng girls, pero hindi puwedeng maging mahalay. Can you imagine an ugly man, like labas-gilagid, kiss you like what Attorney did at sasabihing you have the tastiest saliva? That’s creepy!” Umakto pa itong nandidiri.
Napailing na lang na hinaplos ni Lyca ang kanyang pusa. Si Alford na yata ang pinakamahalay na lalaking nakilala niya. Walang pinipiling lugar.
“Masarap humalik, `no?”
Nag-angat siya ng tingin kay Sasahh.
“Ayos lang.” He is… Super masarap humalik.
“Ayos lang? Hindi ako naniniwala. Sabihin mo na, `wag kang madamot.”
“Gusto mo tawagin ko tapos pahalik ka para malaman mo.”
Sasahh’s eyes widened. “Puwede ba?”
“Gaga! Ewan ko sa `yo! Magtigil ka nga.” Malakas siyang tumawa dahil sa kabaliwan ng kaibigan niya. As if naman na papayag siya! Asawa pa rin niya si Alford.
“HOW can I get rid of these fucking ugly creatures?” Alford muttered irritably. He stood next to the bed, naked, his hands are on either side of his pelvic area, watching his sleeping lovely wife surrounded by her pets.
Pagkatapos niyang pag-aralan ang hawak niyang kaso ay nagpasya siyang magpahinga na. Pero hindi naman niya akalain na katabi pala ni Lyca matulog ang mga pusa nito.
Kinuha niya ang mga pusa sa bahay ng mga magulang ni Lyca kanina para sorpresahin ang asawa. Pero malay ba naman niyang nakakatakot pala ang hitsura ng isang alaga nito. Her wife was fucking weird. Inabot niya ng isang kamay si Gollum, hinawakan ang balat nito sa batok at binuhat. Marahan niyang initsa sa sahig ang pusa. The cat made a ‘meow’ sound and glared at him.
Fuck! Creepy!
“Huwag kang maingay, ililigaw talaga kita!” banta ni Alford sa pusa. Pinuntahan nito ang rug at doon dumapa. Good boy naman pala! Hindi na niya inalis ang isang pusa na nasa kabilang bahagi ng kama. Cute naman ito at hindi nakakatakot ang hitsura. Mukhang stuffed toy lang dahil sa makapal at puting balahibo.
He slid under the sheet and reached for his wife. She was undressed as he was. He wrapped his arm around her waist, gathering her soft warmth close to his body. Kung may common denominator sila ni Lyca, iyon ay ang matulog nang walang suot. Sinapo niya ang isang dibdib ng asawa at nilaro ang utong ng kanyang daliri. Nakagawian na niya iyon at pakiramdam niya ay hindi na siya makakatulog kapag hindi niya katabi si Lyca, at nilalaro ang nipples nito bago matulog.
The warmth of her slender body against his body brought instant comfort and an amazing feeling he couldn’t describe; pakiramdam na hindi niya naramdaman sa mga babaeng nakatabi niya sa kama.
“PULL up the car over there.” Inihinto ni Alford ang sasakyan sa gilid ng daan. Hindi na niya pinaderetso sa gate ng school.
“Bakit dito?”
“Ayokong may makakitang magkasama tayo. Walang dapat makaalam na mag-asawa tayo. Maghihiwalay rin naman tayo, eh.”
His brow shot up. “Sino naman ang nagsabing maghihiwalay tayo? That will happen when the pigs fly.”
“Sige na. Bye na. Salamat sa paghatid, Attorney.” Hinila ni Lyca ang handle ng pinto pero naka-lock iyon kaya nilingon niya uli si Alford.
“Unlock the door.” Sa halip na sundin siya ay inilapat ng asawa ang hintuturo sa ibabaw ng mga labi nito.
“Ang arte mo.” Alford had shown a paawa effect expression.
“Okay, fine!” She leaned forward and kissed him on the lips. Ang dapat sanang damping halik lang ay nauwi sa torrid kiss nang hawakan ni Alford ang likod ng ulo niya at palalimin ang halik.
“Stop, Attorney Guevarra, this is not a right spot para sa kahalayan mo.” Alford chuckled and kissed her again. This time, it was a tender kiss.
“Take care, giliw ko.” She pulled her lips in her mouth to stop herself from smiling. The endearment he used made her smile. Sila lang yata ang gumagamit ng ganyan sa panahon ngayon. Too old yet appealing.
“Bye!” She gathered her things before climbing out of the car.
“Bawal manlalaki, ah?”
Marahan siyang natawa bago isinara ang pinto. Kumaway siya kay Alford kahit hindi niya nakikita ang asawa bago naglakad papunta sa gate ng university. Nasa kabilang balikat niya ang camera. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata at malapad na napangiti nang makita si Tyler na bumaba ng taxi. Lunes ngayon, color coding ang sasakyan nito. Siyempre alam niya dahil stalker siya ni Tyler.
“Tyler!” kuha ni Lyca sa atensiyon ng binata. Malapad na ngumiti si Tyler at kumaway sa kanya. A set of dazzling white, perfectly straight teeth and two deep-set dimples on either side were revealed.
“Hey!” bati niya sa lalaki.
“What are you doing here?” Natuon ang mga mata ni Tyler sa camera bag na nasa balikat niya. Bahagyang kumunot ang noo nito nang ibalik ang tingin sa kanya.
“Camera?”
“Yeah. I’ll be attending a Photography workshop. How about you?” Kunwari ay wala siyang alam. Para hindi naman obvious na ito ang dahilan kung bakit siya naroon.
“Really? Wow! I’ll be attending a Photography workshop, too.” Pagkamangha ang rumehistro sa mukha ni Tyler. Naroroon din ang paghanga.
She knew it! She will get Tyler’s attention. Men were often attracted to those who had the same hobbies. Most of men wanted to spend their lives with women who were interested in the same types of hobbies as them. Common interests in a relationships were very important.
“Wow! I didn’t expect that we have common interests.”
“Lyca, wifey!”
She stiffened as she heard Alford’s voice, pati paghinga niya ay literal na natigil.
Mapapatay talaga kitang lalaki ka!
Nanlaki ang kanyang mga mata nang ipihit siya ni Alford paharap dito.
“You forgot your allowance.” Alford placed a few one thousand peso bills in her hand. He cupped her face and stared at her.
Pinandilatan niya ang asawa pero matamis na ngiti ang sagot nito sa kanya.
“Makakalimutin talaga ang asawa ko.”
Gusto niyang mawalan ng malay nang halikan siya ni Alford sa labi.
“Susunduin kita mamaya, ah. And your eyes, giliw ko! Bawal tumingin sa ibang lalaki.” Binalingan nito si Tyler na napatulala rin habang nakatingin sa dalawa.
“Keep your paws off my wife kung ayaw mong kitlin ko ang buhay mo,” Alford warned Tyler and gave him a scathing look. His dark expression morphed into light when his attention turned back to her.
“Take care, wifey!” He left a gentle kiss on her lips before he walked away. Nakatulala pa rin si Lyca habang nakatingin sa ilang libong nasa kamay niya. Binigyan na siya ng allowance ni Alford kanina. Nananadya talaga!
“What is he talking about? Wife?”
Mula sa pera ay nag-angat siya ng tingin kay Tyler. Noon siya nahimasmasan sa pagkatulala. “No! Ahm… nangutang lang ako sa kanya. Hinatid din niya ako kasi may sira ang sasakyan ko. Ahm… sige na pasok na. Susunod na lang ako. May naiwan pala ako sa sasakyan.”
“Okay.” Nang makapasok si Tyler ay patakbo niyang sinundan si Alford. Kahit naka-heels ay wala siyang pakialam. Isinuksok niya ang pera sa bulsa ng maong na palda.
Nang malapit na siya kay Alford na kasalukuyang binubuksan ang pinto ng sasakyan ay ibinaba niya ang bag sa kalsada at sinampahan ito sa likod. Iniyakap niya ang dalawang braso sa ulo ng asawa. Buong ulo talaga ni Alford ang inipit niya ng mga braso, at ang mga hita ay ini-lock niya sa baywang nito. Wala rin siyang pakialam kung nakapalda siya at para siyang unggoy na nakakapit sa asawa.
“Walanghiya ka talaga! Hindi ka marunong tumupad sa usapan!” Nanggigigil talaga siya nang sobra. Sinabunutan niya si Alford at kahit umaaray na ay hindi niya tinigilan ang asawa.
“Lyca, ano ba? Masakit, ah! Sobra ka na!”
“Sobra! Mas sobra ang ginawa mo! May usapan tayo, `di ba? Kakalbuhin talaga kita.” Hinuli niya ng bibig ang tainga ni Alford at kinagat iyon. Sumigaw ito sa sakit at nagpumiglas kaya tumilapon siya sa gilid ng kalsada.
“Lyca, baby! Sorry!” Mabilis siyang nilapitan ni Alford pero sinunggaban niya ang asawa. Napahiga si Alford, inupuan niya sa tiyan. Gusto niyang kalmutin ang mukha nito, pero mabilis na nahuli ni Alford ang kamay niya. Bumangon ito at hinawakan ang magkabila niyang pupulsuhan sa likuran. Lalo siyang nagpumiglas.
“Lyca, stop! Nasa daan tayo! Mamaya tayo mag-wrestling sa bahay at talagang papatulan kita. Look at yourself!” Niyuko niya ang sarili. She was straddling him with her skirt hiked up, exposing her creamy legs. Pagalit siyang tumayo at ibinaba ang tattered denim skirt.
“Humanda ka sa `kin sa bahay! Huwag mo akong susunduin, ah!” gigil niyang banta sa lalaki. Kinuha niya ang bag at mabilis na naglakad palayo. Narinig niyang nagmura si Alford. Humanda talaga ito mamaya sa kanya.