noveltoon logo noveltoon
Down and Dirty (Fatal Attraction 1)

Chapter 5

Ch. 5 / 29 Feb 05, 2022

CHAPTER 5

SHE already met Alford’s parents and they seemed kind. Pero ang tatay ni Alford ay mukhang strict and serious as hell. Ganoon siguro kapag lawyer. But nah! Alford was also a lawyer pero hindi naman ito mukhang strict. He actually seemed a lunatic, for Christ’s sake! Isa sa hindi gusto ni Lyca sa lalaki. Mas type niya ang medyo mysterious. Iyong good boy, iyong madaling pasunurin.

“Stop staring at me, baby,” Alford said, sitting across from her.

“Okay, `Tay, sorry.”

Humalakhak si Alford, and it sounded cool in her ears. Masarap sa tainga ang tawa nito. Kasalukuyan silang nasa patio at nakaupo sa patio chair.

“Halika nga dito, `nak. Kandong ka kay Tatay.”

“Ewww! Kadiri ka talaga!” Kinagat ni Lyca ang loob ng kanyang pisngi para pigilang matawa. She admitted that he had a great sense of humor. He was really funny. He was spontaneous and will pull almost any stunt to make her laugh. He never failed to bring a smile to anyone’s face. “Hindi ka ba nandidiri? Mukha lang tayong mag-ama `tapos gusto mong makasal tayo.”

“Mag-ama? Nine years lang ang gap natin. Siyam na taon ako nang ipinanganak ka at kahit pagdya-jakol hindi ko pa alam. Kaya paano akong magiging ama sa gano’ng edad.”

“Ang bastos-bastos mo talaga!”

Kumuha si Lyca ng isang pirasong ubas mula sa bowl at binato si Alford. Pero sinalo naman iyon ng bibig ng lalaki at ngingisi-ngising nginuya. Mukhang wala na talaga siyang pag-asang makawala sa lalaking ito.

Napagkasunduan ng mga magulang nila ni Alford na kahit civil wedding lang muna dahil gusto ni Alford na ikasal na sila agad. Kahit gusto niyang humindi kanina ay hindi siya makasingit sa usapan dahil pinipigil siya ni Alford. Nandiyang hahalikan siya sa pisngi at mahigpit na yayakapin kapag magsasalita na siya.

Kapag kaharap ni Alford ang mga magulang niya ay mukha itong kagalang-galang. Iyong tipong kahit sinong magulang ay mai-in love dito at gugustuhing maging manugang. Alam ni Lyca na hindi siya mahal ni Alford. Gusto siya ng lalaki pero hindi pagmamahal ang nararamdaman nito para sa kanya. Kung bakit nito ginagawa ang bagay na iyon o kung ano ang plano ng lalaki ay hindi niya alam. Parang imposible namang dahil gusto lang siyang gantihan.

Papakasalan siya para gantihan lang? Parang hindi. Kailangang malaman ni Lyca ang totoong dahilan ni Alford sa pagpapakasal sa kanya. At kailangan niyang maipakita sa kanyang ina kung ano talaga ang totoong pakay ni Alford.

Kinuha ni Lyca ang cell phone na nasa mesa. Inilagay niya iyon sa voice recorder application at saka tumayo. Matamis siyang ngumiti kay Alford. Ipinatong niya ang dulo ng daliri sa salaming mesa at dahan-dahang humakbang palapit sa lalaki habang humahaplos ang isang daliri sa mesa.

“Ano ang totoong dahilan mo sa pagpapakasal mo sa `kin?” Umupo siya sa hita nito at maharot na hinaplos ang pisngi ng lalaki. Bahagya niyang iniawang ang labi at inilapit sa bibig ni Alford, binigyan lang ng maliit na espasyo. Ang kamay na may hawak sa cell phone ay ipinatong niya sa balikat nito.

“What is your real reason why you would want to marry me? Para gantihan ako sa ginawa ko?” pabulong niyang tanong.

“I only have one true reason why I chose to take the plunge and tie the knot. Because I’ve found the one… And that is you… I love you, Lyca.”

Hindi nakapagsalita si Lyca at inilayo ang mukha mula kay Alford.

“From the moment I laid eyes on you, I knew you were meant to be mine forever. Mahal na mahal kita, Lyca, at gagawin ko ang lahat para sa `yo.” Lumalim ang kunot sa noo niya sa sinabi ng lalaki.

“Handa akong languyin ang dagat, akyatin ang bundok at sungkitin ang mga bituin para sa `yo. Ganoon kita kamahal, giliw ko.”

Ano ba ang pinagsasasabi ng lalaking ito?

Bigla na lang hinablot ni Alford mula sa kamay niya ang cell phone at nakangising tinapos ang recording.

“Okay na ba ang na-record mo? Siguradong lalo akong magugustuhan ng parents mo.”

Umawang ang mga labi ni Lyca sa pagkabigla. Alam nito ang balak niyang gawin. Damn! Ang akala niya ay totoo ang mga pinagsasasabi ng lalaki. Hinablot niya ang cell phone mula sa kamay ni Alford at pinukpok ang gadget sa noo ng lalaki.

“Ouch!” Sinapo ni Alford ang nasaktang noo. Alam niyang nasaktan ang lalaki, sa lakas ba naman ng tunog na nilikha niyon.

“Buwiset ka!” Ang tangka niyang pagtayo ay natigil nang pigilan siya ni Alford.

“Maldita ka talagang bata ka. Kapag nasa poder na kita, puputulin ko `yang sungay mo.”

“Good luck! I will make you taste hell. Dahil sisiguruhin kong magiging demonyita ako kapag nasa poder mo na ako.”

Tinapik niya ang pisngi ng lalaki. “Matira ang matibay, future hubby.” She stood up and headed for the door. Sumipol si Alford.

At bakit pakiramdam niya ay sa kanyang pang-upo nakatitig ang lalaki?

“I’ll let you have a taste of heaven every single day, giliw ko.” She raised her right hand and gave him a phallic gesture by showing her middle finger without looking at him. Isang malakas na halakhak ni Alford ang pumainlanlang sa buong patio.

NILINGON ni Lyca ang mga magulang na nakaupo sa unahan ng mga nakahilerang upuan. Ipinakita niya ang pinakamalungkot na mukhang puwede niyang magawa dahil baka sakaling maawa ang mga ito sa kanya at itigil na ang kalokohang iyon. Pero nginitian lang siya ng ina.

Araw ng paghuhukom! Iyon ang puwede niyang itawag sa araw ng kasal nila ni Alford. Wala na talaga siyang nagawa pa. Sinubukan niyang pakiusapan ang kanyang ina pero ayaw siyang pakinggan nito. Sinubukan nga niyang maglayas pero isang araw lang ay bumalik agad siya dahil nabalitaan na lang niyang nasa ospital ang kanyang mommy.

Nanikip daw ang dibdib at kung patuloy itong mai-stress ay puwede itong atakihin sa puso na puwede nitong ikamatay. Hindi niya kakayaning may mangyaring masama sa kanyang mommy. Ikamamatay niya! Kaya kahit labag sa loob ay pumayag na lang siyang magpakasal kay Alford.

Isang garden wedding na idinaos sa mismong hardin ng kanilang mansiyon ang nangyari. At mismong ang lolo ni Alford na si Judge Romulo Guevarra ang siyang nag-officiate ng kanilang kasal.

She was wearing a very simple yet classy white wedding dress, and Alford, clad in a dove-gray tuxedo, looked extraordinarily handsome. His hair had been recently cut and trimmed to perfection, along with his trimmed beard.

Mga close relatives lang nila ang naroroon. Siya ang may gusto ng ganito. Ayaw ni Lyca na may makaalam ng pagpapakasal niya kay Alford. Kahit na makasal sila ay hinding-hindi niya gagamitin ang pangalan ng lalaki. Her best friend, Sasahh, was also there. Hindi nga nagre-register sa utak niya ang mga sinasabi ni Judge Romulo. Ang iniisip niya ay kung paanong makakaalis sa lugar na napakaimposibleng mangyari. Sana, may dumating na kabalyero at itakas siya.

“Stop thinking about escaping because that is very impossible, giliw ko,” Alford said in a low voice.

“Giliw ko! Yucks!” Natigil sila sa pagtatalo nang tumikhim si Judge Romulo. Nananaway ang titig na ibinigay nito sa kanilang dalawa ni Alford.

“Do you, Alford Guevarra, take, Lyca Veliganio to be your partner for life? Do you promise to walk by her side forever, and to love, help, and encourage her in all she does? Do you promise to take time to talk with her, to listen to her, and to care for her? Will you share her laughter, and her tears, as her partner, lover, and best friend? Do you take her as your lawfully wedded wife for now and forevermore?”

“Yes, I do,” Alford responded as quick as a wink.

“Oh, hell!” Her reaction generated laugher from the guests. Lalo ang dalawang kaibigan ni Alford na nangibabaw ang tawa sa lahat, sina Wilson at Dock. Nakaupo ang mga ito sa kanang bahagi ng nakahilerang upuan kasama ang pinsan niyang si Tres, na akala mo ay namatayan. Lagi na lang itong malungkot. Nagtawanan ang lahat maliban kay Tres. Humingi siya ng tulong sa pinsan pero wala siyang napala.

“You slept with him kaya dapat lang kayong makasal…” Iyon ang sagot ng pinsan niya.

“Do you, Lyca Veliganio, take Alford Guevarra to be your partner for life? Do you promise to walk by his side forever, and to love, help, and encourage him in all he does? Do you promise to take time to talk with him, to listen to him, and to care for him? Will you share his laughter, and his tears, as his partner, lover, and best friend? Do you take him as your lawfully wedded husband for now and forevermore?”

Pinisil ni Alford ang baywang niya na parang binabalaan siya.

“Would you really consider my answer, Sir? Because my answer will be no.” Muling nagtawanan ang mga kaibigan ni Alford.

“Fuck it! This is ridiculous!” palatak ni Dock habang tumatawa.

“After Tres forcing MM into marriage, ngayon si Alford naman. Who’s next?” natatawang sabi ni Wilson.

“I’ll never fucking do that, for fuck’s sake.” Si Dock.

“Shut your fucking mouth!” angil ni Alford sa dalawang kaibigan.

Hindi na inulit ni Judge Romulo ang tanong.

“Okay, and now, seal your promises with these rings, the symbol of your life shared together. Lyca, please, repeat after me.”

Lyca grabbed the ring from the table and she slipped it on his finger.

“Isuot mo na para matapos na `to.” His face split into a shit-eating grin.

“She can’t wait for the honeymoon. Nagmamadali masyado ang asawa ko.” Nagtawanan ang lahat.

Inikutan niya ng mga mata si Alford. Kinuha na lang din ng lalaki ang singsing at isinuot sa kanya.

“By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss your bride,” naiiling na patuloy ni Judge Romulo.

Alford faced her with a goofy grin plastered on his face. And she swore to hell she wanted to knock the annoying grin off his face. She didn’t complain when Alford cupped her face, she smiled at him sweetly instead.

“Oh, your smile is creepy. What’s on your mind?”

“Kung gusto mo akong halikan, do it now. At kung hindi then, fuck off!”

Alford let out a heavy sigh before lowering his head to hers. Pero hindi siya hinalikan ng lalaki.

“Fuck it! Why am I afraid to press my lips on you?” he murmured.

“Just kiss me.” Gusto niyang matawa nang ilapat ni Alford ang bibig nito sa kanya. Ramdam ni Lyca ang pag-aalangan nito. Para bang ang nilalapitan ng lalaki ay isang buwaya at anumang oras ay may sasakmal dito.

She raised her arms to curl around his neck and kissed him deeply, causing him to groan. Ipinasok niya ang dila sa bibig ni Alford at nilaro ang dila nito. Alford’s solid arms wrapped around her waist. They were literally making out in front of the guests.

When Alford was about to suck her tongue, she immediately pulled it back. Hinabol ni Alford ang dila niya ng dila nito hanggang sa makapasok ang dila ng asawa sa kanyang bibig.

Gotcha! Pinaikot-ikot ni Lyca ang dila sa dila ni Alford bago iyon mariing kinagat. Umungol si Alford at pumisil ang kamay nito sa kanyang baywang.

“Damn! Why did you bite my tongue?!” palatak ni Alford habang sapo ang bibig.

“Sorry! Nakakagigil, eh,” she giggled. Muling nagtawanan ang lahat. Lumapit sa kanila ang kanyang ina.

“Lyca, sobra ka na!” saway sa kanya ng kanyang mommy. “Hijo, pagpasensiyahan mo na ang batang ito.”

“It’s okay, Tita. I will punish her later,” Alford said, a wolfish grin on his face.

PAGKATAPOS ng kasal ay isinama na si Lyca ni Alford sa bahay nito. Pagkatapos niyang mag-shower ay dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng banyo ng kuwarto ni Alford at sumilip. Nasa kama si Atty. Alford Guevarra, na ngayon ay asawa na niya. He was sitting on the bed with his back against the headboard.

Suot ang isang reading glass habang nasa ibabaw ng hita nito ang laptop. He showed off his incredible physique, wearing nothing but a pair of Emporio Armani briefs in the black and white image and a reading glass. Okay! Inaamin ni Lyca na siya na yata ang pinakamasuwerteng babae dahil ang lalaking kinahuhumalingan ng kababaihan ay asawa na niya ngayon. Ano kaya ang sasabihin ng mga babaeng humaling na humaling kay Alford kapag nalaman ng mga itong pag-aari na niya ang hottest lawyer ng Pilipinas?

Nag-angat ng tingin sa kanya si Alford at ngumiti.

“Ano pa ang ginagawa mo riyan? Come here!” Tinapik ni Alford ang espasyo sa tabi nito. Lumabas siya.

“Wala ka naman sigurong binabalak gawing kalokohan?”

“Judgemental ka!” Inikutan niya ng mga mata ang asawa.

Humalakhak si Alford. “Eh, kapag natahimik ka, siguradong may sapi ka na naman. Halika, let’s make our first night memorable.” Namimilyo itong ngumiti.

“Kung sa tingin mo, makaka-iskor ka, nagkakamali ka.” Pinuntahan niya ang vanity table at umupo sa silyang nasa tapat ng salamin.

“You mean no sexy time?” Nakataas ang isang kilay nito.

“Exactly!” Inirapan ni Lyca ang asawa.

Alford groaned in disappointment. “But first night is ought to be special for the couple, giliw ko.”

“We’re not a couple.” Isinaksak ni Lyca ang blow dryer at sinimulang tuyuin ang buhok.

Mula sa peripheral vision ay nakita niya kung paanong tumitig sa kanya si Alford. Bahagya itong nakasimangot. Ang akala siguro ng asawa na dahil kasal na sila ay magagawa na nito kahit anong gustong gawin sa kanya. No way! Isinusumpa niyang si Alford mismo ang magsasauli sa kanya sa mga magulang niya. Pero sana lang ay huwag siyang akitin ng lalaki. Dahil minsan ay hindi niya makontrol ang reaksiyon ng katawan kapag nagsimulang humaplos ang kamay nito.

Nang matapos tuyuin ang buhok ay humiga si Lyca sa tabi ni Alford. Hindi siya sanay na naka-pajamas. Paano ba ito? She wanted to sleep in her skimpy undies. She forcefully moved around the bed, trying to get comfortable.

“What’s wrong?” tanong ni Alford nang mapansin nito ang kanyang pagkabalisa. Inabot nito ang buhok niya at sinuklay ng daliri.

“Nothing. Hindi lang ako sanay na may katabi. Sa guest room na lang ako.” Alford bent over and left her a soft kiss on the lips.

“Husband and wife should sleep together,” he said, and kissed her on her forehead, bago nito muling ibinalik ang atensiyon sa laptop, pero ang daliri ay nagpatuloy sa pagsuklay sa kanyang buhok.

Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Nagugustuhan ni Lyca ang ginagawa nitong pagsuklay sa buhok niya.

Sumilip siya sa screen ng laptop. About law ang binabasa nito. Parang ang sakit sa ulo.

“Gusto mo ituloy natin ang bakasyon mo? Asia cruise for our honeymoon.”

“Hindi puwede. Pasukan na next week.”

“Pasukan?”

“Mag-aaral uli ako. Uhm... I will be attending a photography workshop.”

“Photography? Is it your passion?”

“Feeling ko passion ko `to, eh. So, I’ll give it a try.”

“Okay. Then I’ll support you. Bata ka pa nga.” He laughed softly.

She graduated with a degree in Business Administration major in Marketing. She wanted to work in their company. Gusto niyang makatulong naman. Sa ngayon kasi, siya lang ang aasahan ng pamilya niya. Ang Kuya Jufred niya ay mukhang walang interes sa negosyo ng pamilya nila. Painting ang kinahuhumalingan ng kanyang kapatid. Ang Ate Leila naman niya ay pagdidisenyo ng sapatos ang hilig at hindi ang pagpapatakbo ng buong kompanya.

Their family owned one of the biggest suppliers of athletics and casual footwear for some major global brands. Hindi naman pinipilit si Lyca ng daddy niya na magtrabaho sa kompanya nila. Siguro, hindi rin ganoon kalaki ang tiwala sa kanya. Ang kapatid niya kasing si Jufred ang pinipilit nitong i-train dahil ang kuya niya ang lalaki at panganay pa.

“I don’t have a photographer’s toolkit yet. Ibili mo ako. Wala akong pera.”

Marahang natawa si Alford. Pina-disconnect na ng kanyang mommy ang credit card niya kasi si Alford na raw ang bahala sa kanya. Wala rin siyang access sa sarili ng bank account. Ang parents pa rin niya ang may access niyon. Nangako ang mga ito na ibibigay na iyon sa kanya once na g-um-raduate na siya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ibinibigay sa kanya.

“I will, baby. Bukas na bukas din.”

“Giliw ko na lang. Nasasagwaan ako sa baby.” Most of the couples ay iyon ang endearment na ginagamit and she found it baduy.

“Okay.” Malapad pa rin ang ngiti ni Alford. Isinara ng asawa ang laptop, inalis ang salamin at ipinatong sa nightstand bago tumayo para ilapag ang laptop sa ibabaw ng mesita. Binuksan nito ang lampshade at pinatay ang main light.

Nanlaki ang mga mata ni Lyca nang hubarin nito ang briefs at itapon sa paanan ng kama. Oh, God! His hairy crotch was completely revealed to her eyes. Humiga ito sa tabi niya at isiniksik ang sarili sa kanya.

“Ano ba ang ginagawa mo? Bakit ka nakahubad?” Naiilang siya. Nararamdaman ni Lyca ang matigas na bagay na tumutusok sa kanyang tagiliran. Kahit na nakadamit, ramdam niya ang init niyon.

“I am used to sleeping in my birthday suit.” Oh, so may common din pala sila ni Alford—ang matulog nang walang saplot.

“Sexy time,” Alford murmured against her neck, teasing her skin with his lips.

“N-no!” Tinalikuran niya si Alford.

“Damot!” usal nito at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Ugh!

Ayaw ni Lyca pero ang katawan niya, biglang nag-init. Naramdaman niyang nagtutubig ang kanyang pagkababae.

Paano siyang makakatulog nito? Pajamas weren’t comfortable, for Christ’s sake. Alford tried to seduce her but she didn’t give in hanggang sa sumuko ito at nakatulog na. Pero siya, dilat na dilat pa rin. Hindi talaga siya makatulog sa ganoong suot. Marahan niyang itinulak si Alford palayo sa kanya, saka nagpasyang hubarin ang pajamas at itinira lang ang panties.

It felt good and more comfortable now. Alford stirred in his peaceful sleep. Not a moment later, he wrapped his arm around her body again, pulled her to him. Natigil siya sa paghinga nang maglapat ang hubad nilang katawan ng asawa. The warmth of his body soothed her.

Napangiti siya at marahang hinaplos ang mukha ni Alford. Aw! Mukhang baby ang asawa niya kapag tulog. Parang ang bait-bait.

Yumakap na lang din si Lyca sa asawa at ipinikit ang mga mata. Parang mas masarap sa pakiramdam na nakadikit ang katawan niya sa mainit na katawan ni Alford. The warmth from his body enveloped her mind in a thin casing of security, calming her senses. It seemed as if their bodies had been formed to fit together. It was so comfortable in his solid arms. It felt peaceful and infinitely comforting. Sharing bed with Alford was cozier than sleeping alone in her queen-sized bed.