noveltoon logo noveltoon
Down and Dirty (Fatal Attraction 1)

Chapter 3

Ch. 3 / 29 Feb 05, 2022

CHAPTER 3

“Argh!” Mabilis na bumangon si Lyca habang sapo ang noo. “What have I done?” Natutop niya ng kamay ang nakaawang na bibig habang nakatayo sa gilid ng kama at nakatingin sa natutulog na si Alford.

“Panaginip lang `yon,” usal niya. Inabot niya ang comforter at habang dahan-dahang hinihila iyon ay sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Umaasang walang makikitang anumang palatandaan na hindi panaginip ang nangyari sa kanila ni Alford. Kahit na ba nararamdaman na niya sa katawan ang katunayan na posible ngang may nangyari nga sa kanila ng lalaki kagabi. Ang sakit ng buo niyang katawan lalo na ang pagitan ng kanyang hita, isama pa na hubo’t hubad siya.

“Oh!” She gasped, squeezing her eyes shut when she saw the red stain on the sheet.

“God, Lyca! Ang tanga-tanga mo!” She slapped her right hand to her forehead.

Nagmamadali niyang pinulot ang damit na nagkalat sa sahig. Isinuot niya ang mga iyon maliban sa panties na wasak na. Buong pagmamadali niyang kinuha ang cell phone na nasa sahig at binuksan ang camera. Tutal, nakuha na ng lalaking ito ang gusto sa kanya, kailangan ay may maging kapalit iyon.

Dahan-dahan niyang inalis ang comforter na nakatakip sa hubad na katawan ni Alford. Napalunok siya at kung anong kiliti ang naramdaman sa pagitan ng mga hita nang makita ang kahubdan nito. Ugh! He was huge! He was beautiful, for God’s sake! Lalong pinatikas ng piercing ang malaking kaibigan nito. Kaya naman pala ganito kasakit ang pagitan ng mga hita niya. Diyos ko! Tulog pa, malaki na, what more kung gising pa? She hadn’t encountered a pussy-wrecking fella like him. He looked ruggedly tempting.

Okay! Gising, Lyca! Kababaeng tao, ang manyak-manyak mo. Sinimulan niyang kuhanan ng video ang hubad na katawan ni Alford. Kinagat niya ang ibabang labi at pigil ang hiningang hinawakan ang malaking kahandaan nito at hinagod iyon.

“Oh, God!” mahina niyang usal habang nakatitig sa video. Itinutok niya ang camera sa dulo ng ari nito. His pre-cum started oozing. Shucks ! Unti-unting lumaki ang kahabaan nito. Naapektuhan sa ginagawa niya ang lalaki. Umungol si Alford at bahagyang tumaas ang balakang. Mula sa pagitan ng hita ay itinaas niya ang camera sa mukha ni Alford na nakasimangot habang mahinang umuungol.

“Shit!” Naapektuhan siya sa sariling ginagawa. Napapabilis ang hagod niya sa ari ni Alford at parang gusto niyang hagurin iyon hanggang sa labasan ito. Napakasarap pagmasdan ang nasasarapan nitong mukha. Nagpasya si Lyca na tigilan na ang ginagawa at baka b umalik uli siya sa kama at magpaangkin uli kay Alford.

Tinapos niya ang pagkuha kay Alford ng video. Agad niyang pinulot ang purse at inilagay roon ang cell phone. Bahagyang nangunot ang noo niya nang mapansin ang isang crib. Bakit may crib doon? Pinulot niya ang kanyang heels at dahan-dahang pumunta sa pinto at binuksan iyon.

“Damn!” Halos mapalundag siya nang biglang may dalawang malalaking asong sumalubong sa kanya. Isang brown at itim. Tinahulan siya ng mga aso bago patakbong pumasok at lumundag sa kama. Hinarot ng mga ito si Alford. Mahilig pala sa aso ang lalaking ito. Hindi talaga sila bagay. Pusa ang hilig niya at may dalawa siyang alaga.

“Oh, no!” Mabilis na tumakbo pabalik si Lyca nang lalapitan ng aso ang lantad na alaga ni Alford.

“Shoo! Don’t eat that!” bugaw niya sa aso. Tinakpan niya ng comforter ang lantad na kaselanan ni Alford at ipinatong sa ibabaw ang unan. Baka sakmalin ng aso, sayang naman. Ang laki-laki pa naman, pagkatapos, aso lang ang makikinabang. Nang kumilos uli si Alford ay noon siya nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Hindi siya puwedeng makita ni Alford. Nasa ibaba na si Lyca nang makita siya ng katulong. May-edad na ang kasambahay ng lalaki. Ito yata ang nagbukas sa kanila ni Alford kagabi.

“Gising ka na pala. Halika, mag-almusal ka muna.” May matamis itong ngiti at parang nagniningning ang mga mata sa kasiyahan.

“Hindi na po. Kailangan ko nang umuwi. Pakisabi na lang po kay Alford na salamat sa pagpapatuloy.” Patalikod na si Lyca nang tawagin siya uli ng matanda.

“Bagay kayo ng alaga ko.”

Naku! Shipper si Manang. Nginitian lang niya ang matandang babae, saka lumabas ng bahay.

PARANG magnanakaw si Lyca na dahan-dahang naglalakad sa sarili nilang pamamahay, nakayapak, bitbit ang dalawang sandals. Nasa unang baitang na siya ng hagdan nang…

“Where have you been?”

Napangiwi siya nang marinig ang boses ng inang si Sarah. Nakangiti siyang humarap.

“Hi, `My. Good morning!”

“Saan ka nanggaling? Uwi ba ito ng matinong babae, Lyca? Hindi por que ga-graduate ka na ay puwede mo nang gawin ang gusto mong gawin!” kastigo ng ina pero malumanay pa rin ang boses. Noon naman dumating ang kanyang amang si Zeus. Inakbayan nito ang asawa.

“Akyat na. Magbihis ka at saluhan mo kaming mag-almusal.”

Napangiti siya sa pagsalo sa kanya ng ama. “Yes, Dad!” Patakbo niyang inakyat ang hagdan at pumunta sa sariling kuwarto. Initsa niya ang sandals sa sahig at ang purse sa kama. Pumunta siya ng banyo at hinubad ang lahat ng saplot, throwing them in the hamper in the corner before turning the water on blast.

Pinagmasdan ni Lyca ang sarili sa malaking salaming nakadikit sa dingding habang bumubuhos ang tubig sa kanyang katawan.

Hinaplos niya ang hubad na katawan; ang pulang marka, almost purple, sa bandang itaas ng dibdib. Alford left a hickey on her skin. Ipinikit niya ang mga mata at inalala ang nangyari sa pagitan nila ng lalaki kagabi. Naglaro sa isip niya kung paano halikan ni Alford ang pagitan ng mga hita niya, kung paanong halikan at sipsipin ang dunggot ng kanyang dibdib; kung paanong maglabas-masok ang malaking pagkalalaki nito sa kanyang pagkababae. She even rode him and fucked him mercilessly. That was hot and she wouldn’t deny that she wanted it to happen again.

Hinihingal na dumilat si Lyca nang maramdamang nag-iinit siya. Hindi niya namalayan na hinahaplos na niya ang pagitan ng kanyang mga hita.

“Jesus! Ano ang ginawa mo sa `kin, Alford!?”

NAIPADALA na ni Lyca kay Princess ang video ni Alford kahapon. Ang hindi niya alam ay kung nai-post na iyon sa social media. Patay talaga siya kay Alford.

“Gaga ka talaga! Ginawa mo talaga?” hindi makapaniwalang sabi ni Sasahh habang pinapanood ang video ni Alford.

Kasalukuyan silang nasa kuwarto ng kaibigan. Pinuntahan niya si Sasahh para magkuwento. Parang mababaliw siya kapag hindi niya nailabas ang saloobin.

“God, ang laki!” Kinagat nito ang bulaklaking comforter habang siyang-siyang nakatingin sa screen. Nanggigigil!

“Paano mong nagawa `to? I mean, paano mo siyang nakuhanan ng hubo’t hubad… Jesus!” Bumulalas si Sasahh at nang silipin niya ang video ay nasa bahagi na kung saan hinawakan niya ang ari ni Alford at hinagod.

“That’s enough!” Inagaw ni Lyca ang cell phone mula kay Sasahh.

“Baka mamaya pagnasahan mo na rin ang lalaking `yon.”

“God, he’s gifted, Lyca! Kaya naman pala ang daming nababaliw kay Attorney Guevarra. Ang sarap sigurong—”

“Hep! Stop! May usapan tayo na hindi papatol sa lalaking nagdaan na sa isa sa `tin.”

“Hindi naman kayo. You were just taking a vid—Oh!” Namilog ang mga mata ni Sasahh at hindi na tinapos ang sasabihin sana. “Don’t tell me… Holy crap! Nagpatusok ka!? Ikaw ba ang humahagod na `yon?”

Tinakpan niya ng kamay ang bibig nito. “Don’t shout! Huwag kang OA!” Binitawan niya ang bibig ni Sasahh.

“May nangyari sa inyo?” Sa pagkakataong iyon ay halos wala nang lumabas na boses mula kay Sasahh. Kagat ang ibabang labing tumango si Lyca.

“Pero bakit? `Di ba, ang usapan natin, ibibigay natin ang sarili sa unang gabi ng kasal, sa lalaking mahal natin! Kaya nga tayo may battery-operated boyfriend, `di ba?” Napaigik si Lyca nang kurutin siya ni Sasahh sa tagiliran. Ang tinutukoy nitong battery-operated boyfriend ay isang vibrator—a clitoral vibrator na siyang ginagamit nila to cure their curiosities about sexual orgasm.

“Ouch naman, eh! Lasing ako, eh.”

“It’s not an excuse! Ang sabihin mo, nasarapan ka rin.”

Aminado naman siya sa bagay na iyon. Nakakabaliw nga si Alford. Kung ano ang ligayang naibibigay sa kanya ng battery-operated boyfriend niya ay higit palang mas masarap ang kayang ibigay ng daliri, bibig, dila at manhood ni Alford.

“Kung bakit ba naman kasi nagpapaniwala ka kina Princess. Hindi mo naman kasi kailangang sumali sa grupo nila.”

Sa kanilang dalawa ni Sasahh, siya ang gustong-gusto sumali sa grupo. Ayaw ni Sasahh na sumali sa Artha Club dahil hindi raw nito gusto ang ilang miyembro. Siya naman ay high school pa lang ay pangarap nang mapasama sa grupo. Lalo niyang ginustong mapabilang sa grupo dahil kay Tyler. Feeling niya, mas mapapalapit siya kay Tyler kapag nasa grupo siya. Lalo na nang makipag-break ang girlfriend ni Tyler sa binata para mag-aral sa ibang bansa.

Tumunog ang cell phone na nasa kamay niya. Bumilis ang tibok ng puso ni Lyca nang makitang si Alford ang tumatawag. Ilang sandali ang kanyang pinalipas bago iyon sinagot.

“H-hello?” Bahagya pa siyang nautal.

“You! I’m gonna make you pay for what you’ve done! Be ready, brat!”

Napangiwi siya at mabilis na pinutol ang tawag. Nanlalaki ang mga matang tumitig siya kay Sasahh. “I guess the video is out,” usal niya sa kaibigan.

“Then you’re dead!”

“YOU hacked my YouTube account para doon i-upload ang scandal video ni Alford! Wala sa usapan natin `yan, Princess. Puwede ka naman sanang gumawa ng anonymous account. Sa ginawa mo, ididiin mo akong lalo!” kastigo ni Lyca kay Princess habang nagpapalakad-lakad sa loob ng kuwarto.

Pinagpistahan ang scandal ni Alford sa kanyang YouTube channel. Ginagamit niya iyon sa pagba-blog ng mga sapatos na gawa ng kanilang kompanya.

Hindi niya mabura ang video dahil ayaw nang ibalik sa kanya ni Princess ang kanyang account. Pinalitan nito ng password. Ilang araw na niyang sinusubukang tawagan ang babae pero ngayon lang nito sinagot ang tawag niya.

“Relax! Best friend siya ng pinsan mo, `di ba? Hindi ka magagalaw ni Alford, don’t worry.”

Inilipat niya sa kabilang tainga ang cell phone at pabagsak na umupo sa gilid ng kama.

“Great job, anyway. The video is much more amazing than I expected. That was very entertaining. I’ll be giving you an update for your welcome party.”

“What do you mean?”

“Since you’ve accomplished your mission, you are a certified member of Artha Club from now on. Congratulations!”

“Really?”

“Uh-huh! Ciao !”

Paitsa niyang inilapag sa kama ang cell phone. Lagot siya kapag nalaman ng kanyang mga magulang ang nangyari. Pero hindi naman siguro siya itatakwil ng mga ito? Mahal na mahal siya ng parents niya. Kahit na pasaway madalas si Lyca ay hindi naman siya napaparusahan. Grounded lang kung minsan. She was the youngest among three siblings.

Ang panganay na kapatid ni Lyca ay isang lalaki, ang kanyang Kuya Jufred na katulad ni Lyca ay saksakan din ng tigas ng ulo. Second born ang kanyang Ate Leila, a mother of three at the age of twenty-eight.

Isang katok ang nagpatigil sa kanya sa pagpapabalik-balik. Bumukas iyon, and speaking of the devil, it was her Ate Leila.

“Anong kalokohan ang ginawa mo?” bungad nito pagpasok ng kanyang kuwarto.

Argh! Mukhang napanood na ng kapatid niya ang video. At kung napanood na nito malamang ay napanood na rin ng mommy at daddy niya. Umupo siya sa gilid ng kama.

“It was just a task. Ang usapan namin ni Princess, kukuhanan ko lang ng video si Alford at siya na ang bahala. But they hacked my account para doon i-upload ang video.”

“Sinabi ko na sa`yo na walang magandang idudulot ang pagsali mo sa Artha Club, Lyca!”

“Eh, bakit ikaw sumali dati?”

“It’s different. Hindi mo ba nakikita kung bakit nire-reject ka nila? That Princess and her sisters hate me at sa `yo ibinubunton ang galit nila sa `kin. Walang ganyang ipinapagawa sa miyembro, Lyca. Sa `yo lang! Uto-uto ka, eh!”

“Okay lang naman `yon. Member na ako ngayon. Tinanggap na nila ako.”

Dismayadong umiling si Leila. “Pinapatawag ka nina Mommy at Daddy. Nasa opisina sila. Be ready, brat!” babala ni Leila at iniwan na siya.

Oh, God! Ito na! Sesentensiyahan na siya. Baka naman hatulan siya ng grounded for a month! Oh, no! Hindi niya kaya!

Pinuntahan ni Lyca ang opisina ng ama na nasa ikalawang palapag ng bahay. Nang nasa pinto na siya ay isang buntong-hininga muna ang kanyang pinakawalan bago pinihit ang doorknob at dahang-dahang itinulak iyon.

Sumilip siya sa nakaawang na pinto. Magkatabing nakaupo ang kanyang mga magulang sa isang mahabang sofa sa receiving area sa loob ng opisina at nasa katapat ng mga ito ang isang lalaki. Nakatalikod ang lalaki mula sa kanyang direksiyon. Balikat at likod ng ulo lang nito ang kanyang nakikita.

“Come on in, Lyca,” utos ng kanyang ama nang magawi ang mga mata nito sa pinto.

Pumasok siya at dahan-dahang isinara ang pinto. Pakiramdam ni Lyca ay may sasabog na bomba kapag hindi siya naging maingat sa kanyang mga kilos.

Nakayuko siyang lumapit. Nang mag-angat siya ng tingin ay namilog ang kanyang mga mata nang makitang si Alford ang lalaking kausap ng kanyang mga magulang. Parang gusto niyang tumakbo palabas.

“You look shocked, brat.” May nakakalokong ngisi ito sa mga labi. “Ready for your punishment?”

“Wala naman akong ginagawa, ah,” she said, putting on her own best innocent face.

“Oh, you have the voice of an angel. My heart is melting.” Eksaherado itong humawak sa dibdib. Binigyan niya ng tipid na ngiti si Alford and she was batting her long dark eyelashes at him.

“Hindi mo ako madadaan sa pag-beautiful eyes mo. You loused up my reputation dahil sa ginawa mo.”

“Take a seat, Lyca,” utos ng ama sa matigas na boses. Tumayo si Zeus mula sa kinauupuan at lumipat sa pang-isahang sofa.

Umupo si Lyca sa tabi ng ina. Hindi niya magawang tumingin sa kanyang mga magulang dahil sa nangangastigong mga titig ng mga ito. Nasa mukha rin ang matinding disappointment.

“Ano ang pumasok sa kukote mong bata ka at nagawa mo ang bagay na `yon? You slept with Attorney Gueverra at pagkatapos ay kinuhanan mo siya ng video?”

Nanlaki ang mga matang tumingin siya sa ama at mayamaya ay tumingin kay Alford na ngingisi-ngisi. Sinabi talaga nitong may nangyari sa kanila!

“H-hindi… Wala pong nangyari sa `min. He’s lying!”

“Lyca, aminin mo na. You seduced me and slept with me para lang kuhanan ako ng video at ipagkalat. Kung bakit mo `yon ginawa ay hindi ko alam. Wala akong ipinakita sa `yo kundi kabutihan. Mula Tarlac, nagmadali akong puntahan ka sa Maynila dahil `yon ang gusto mo. I even hired an air charter para lang mahabol ang oras na ibinigay mo sa `kin.”

Nangunot ang noo ni Lyca sa ekspresyon ng mukha ni Alford. Para itong iiyak, nagpapaawa. Seryoso ba ang lalaki?

“I’m so sorry, hijo!” Ang kanyang mama na mababakas sa mukha ang pagkahabag para kay Alford.

“Kami na ang humihingi ng pasensiya sa nagawa ng anak namin.” Ang kanyang ama na katulad ng sa ina ay parang naaawa rin kay Alford pero mas nangingibabaw ang paghanga.

“You really love our daughter. Don’t you?”

Malungkot na ngumiti si Alford sa tanong ng kanyang ina. “Pasalamat kang bata ka dahil mahal ka ni Alford at handa siyang panagutan ang nangyari sa inyo.”

“Panagutan? Ano po ang ibig n’yong sabihin?” nalilitong tanong ni Lyca sa ina.

“Alford wants to marry you.”

“What!?” Literal siyang sumigaw. Nang tingnan niya si Alford ay pilyo siyang tinaasan ng kilay ng lalaki. Umaarte lang talaga ang gago!

“Nek-nek mo! Tingin mo magpapakasal ako sa `yo?” Pa-bounce siyang bumaling sa ina.

“ ` My, `wag mong sabihing pumapayag ka?”

“Of course. Lyca, Alford is such nice man at bibihira ang katulad niya.”

“ ` My!!!! Hindi ko siya mahal! Parang tatay ko na `yan, eh!”

“Eh, di sana naisip mo `yan bago ka sumiping sa kanya at bago ka gumawa ng kalokohan! God, Lyca!” Humawak ang kanyang ina sa dibdib na parang nahihirapang huminga.

“ ` My!” Nag-aalala niyang hinaplos ang dibdib ng ina. Maging ang kanyang ama ay bumalik sa tabi nito at nag-aalalang hinaplos ang likod ng asawa. Nakita niya ang pamumutla ng kanyang ama sa matinding pag-aalala. May sakit sa puso ang mommy niya at hindi puwedeng ma-stress.

“Darling, relax. Maaayos natin ito.”

“Kapag may nangyaring masama sa mommy ko, mapapatay talaga kita!” angil niya kay Alford.

“Lyca, stop it! Naka-survive ang mommy mo nang ipanganak ka pero mukhang ikaw rin ang papatay sa kanya ngayon!” Puno ng hinanakit ang boses ng ama.

Bata pa lang ang mommy niya ay may sakit na ito sa puso. Limitado lang ang bilang na puwedeng maging anak nito. Nang isilang ni Sarah ang ikalawang anak ay pinagbawalan na itong manganak pa pero hindi sinasadyang mabuo si Lyca. Inirekomenda ng doktor na alisin ang bata mula sa sinapupunan dahil puwede iyong maging dahilan ng kamatayan nito kung itutuloy ang pagbubuntis pero itinuloy pa rin ni Sarah. Mas gugustuhin daw ng mommy niya na ito na lang ang mamatay kaysa ang sanggol sa sinapupunan nito.

Na-coma si Sarah nang halos tatlong buwan nang ipanganak si Lyca. Her mother took the risk para lang mabuhay siya pero puro sakit ng ulo ang ibinibigay niya ngayon.

“Huwag po kayong mag-alala, Ma’am, Sir. Tutulungan ko po si Lyca na magdesisyon.”

Pagkasabi niyon ni Alford ay tumunog naman ang cell phone ni Lyca na ipinatong niya sa kanyang hita. Nang tingnan niya ang gadget ay nag-isang linya ang kilay niya nang makitang message iyon mula kay Alford. MMS with a note ‘watch and enjoy, baby.’

Nang i-play niya ang video ay nanlaki ang mga mata ni Lyca nang makitang kuha iyon sa loob ng guest room ng bahay ni Alford. Mula pagpasok ng kuwarto hanggang sa mangyari na nga ang hindi dapat mangyari. Napalunok siya nang makita kung paano siyang magwala sa ibabaw ng kama habang kinakain ni Alford ang pagitan ng mga hita niya.

Pinatay agad ni Lyca ang video nang naramdaman ang paninikip ng dibdib. Kahit malamig sa opisina ay pinagpawisan siya dala ng nerbiyos at kakaibang pakiramdam dahil sa video.

Muling nagpadala ng mensahe si Alford.

Marry me or you’ll go to jail and I’ll be uploading this video on social media?

Lyca gritted her teeth as she shot him a scathing look. Hindi puwedeng lumabas ang video dahil hindi lang sarili ang ilalagay niya sa kahihiyan kundi ang buong pamilya niya. Baka tuluyang ikapahamak ng kanyang mommy iyon.

“Mauuna na po muna siguro ako sa ngayon. Sabihan n’yo na lang po ako kapag nakapagdesisyon na si Lyca.” Tumayo si Alford at kinuha ang isang box na nasa center table. Wala sa loob na kinuha iyon ni Lyca nang iabot sa kanya ni Alford ang kahon. Yumuko ito at halos gadangkal na lang ang pagitan ng mukha nila.

“I’m sorry for wrecking your undies, but I bought you a dozen. I look forward to hearing from you within this week, my future wife.” Alford laid a gentle kiss on her lips before he headed for the door.

Napatulala na lang si Lyca dahil sa mga pinagsasasabi ni Alford at sa ginawa nito. Sadyang pinarinig talaga sa kanyang mga magulang.

“See? He’s so sweet.”

Noon siya natauhan nang magsalita ang ina. Inilapag niya ang kahon at mabilis na lumabas ng opisina habang mahigpit ang hawak sa cell phone. Nasa labas na si Alford nang abutan niya. Malalaki ang ginawa niyang hakbang pasugod sa lalaki.

“Alford!”

Sa paglingon ng lalaki ay sinabayan niya ng pag-igkas ng kamay at tumama ang kamao niya sa kaliwang mata ni Alford. Gusto niyang magmura sa sakit nang tamaan niya ang buto nito sa paligid ng mata. Ang sakit! Para siyang sumuntok ng bakal.

“Fuck it! Why did you do that?” palatak ni Alford habang sapo ang kaliwang mata.

“Damn you! Kinuhanan mo ng video ang nangyari sa `tin! How dare you!”

“It wasn’t my intention but thank God, dahil hindi ko pala naalis ang CCTV na ipina-install ko sa guest room.”

“So, naglalagay ka ng CCTV sa guest room for what? Para kuhanan ng video ang mga dinadala mong babae sa bahay mo?!”

“Of course not! The purpose of that CCTV is to monitor my sister’s child. Nagbakasyon sila sa bahay ko kaya pinalagyan ko ng CCTV pansamantala ang kuwarto.”

Naalala nga ni Lyca na may nakita siyang crib sa guest room.

“Kahit gago ako, hindi ko naman kayang kuhanan ng video ang isang tao para lang sirain siya.”

“Pinapatamaan mo ba ako?!”

“Tinamaan ka?” balik tanong ni Alford.

“Whatever! Deserve mo `yon dahil babaero ka!” Binirahan niya ng talikod ang lalaki pero maagap na nahawakan ni Alford ang braso niya at hinapit siya sa baywang. Bigla na lang siyang siniil ng halik sa mga labi ng lalaki at isinandal sa gilid ng kotse. Suminghap si Lyca nang sapuhin ni Alford ang dibdib niya at ipasok ang dila sa kanyang bibig. Ang kagustuhang tuhuran ito ay natunaw sa paggapang ng matinding init sa gulugod niya at sumabog sa kanyang pagkababae.

She raised her arms to curl them around his neck at maalab na lumaban sa halik ni Alford. Hindi niya maipagkakaila na nagugustuhan niya ang mga halik ng lalaki at ginusto niyang maramdaman uli ang mga halik at haplos nito sa hubad niyang katawan. Nang putulin ni Alford ang halik ay pareho silang hinihingal. Tumaas ang sulok ng mga labi nito at gumawa ng isang mayabang na ngisi.

“I know you want me, too, as much as I want you. And I couldn’t wait to crawl up inside that sweet pussy of yours.”

She swallowed hard at his words.

“And, oh, by the way… I’ve never brought a girl home with me. You’re the only woman I’ve had in my guest room bed. I value my home, and only my future wife can step into my house… and that would be you,” he said with a smug grin.