noveltoon logo noveltoon
Down and Dirty (Fatal Attraction 1)

Chapter 20

Ch. 20 / 29 Feb 05, 2022

CHAPTER 20

IT WAS S unday. Family day. Veliganio and Cabral family members were gathered in Veliganio’s house. Mula nang ikasal sina Lyca at Alford ay ilang beses na lang siyang nakasama sa salu-salo ng pamilya. Minsan kasi ay nagpupunta sila sa bahay ng mga magulang ni Alford. Bukod doon, at masama pa rin ang loob niya sa mommy at daddy niya dahil sa pagpilit sa kanyang ipakasal kay Alford kaya hindi muna siya nagpupunta kahit iniimbitahan sila. Pakonsiyensiya ba at baka sakaling bawiin na siya ng kanyang mga magulang. Ang kanyang Tita Tanya, Tito Seg at si Tres ay naroroon din.

“Wala pang laman ang tiyan mo, Lyca?”

Nag-angat siya ng mukha mula sa pagkakayuko sa kanyang pamangkin na sinusubuan niya. Nakaupo sa tabi ni Lyca ang tatlong taong gulang na anak na babae ng kanyang Ate Leila. Kasalukuyan silang nasa hapag-kainan at nagsasalu-salo sa pananghalian.

“Meron. Itong kinakain natin.” Inikutan siya ng mga mata ng kapatid na nakaupo sa tabi ng sariling anak. Nasa kaliwang bahagi nito ang asawa at panganay na anak habang ang bunso ay nasa yaya. Limang taon ang panganay na anak ng kanyang kapatid, isang lalaki at ang bunso ay isang taong gulang naman na lalaki rin.

“Oo nga naman, Lyca, wala pa ba?” Sinegundahan ng kanyang ina ang tanong.

“ ` My, si Kuya Jufred po muna ang kulitin n’yo sa bagay na `yan. I’m just turning twenty-one next month. Thirty is my ideal age to have babies.”

Biglang naubo si Alford na katabi niya. Agad nitong kinuha ang baso ng tubig at uminom. Nagpunas ito ng bibig gamit ang cloth napkin.

“Sobra naman yata `yon. I’m already forty by that time. Magmumukha na akong lolo ng magiging anak natin niyan, eh.” Alford’s reaction generated laughter from everyone.

“A hot grandpa!” Lyca giggled. Alford displayed his poker face.

“Huwag namang ganyan,” reklamo nito.

“Okay, twenty-five.”

“Next month,” ungot ni Alford habang may pilyong ngiti sa labi.

Mabilis siyang umiling. “Ayaw pa!” Muli niyang ibinaling ang atensiyon sa pamangkin at ipinagpatuloy ang pagpapakain dito. She heard Alford release an audible sigh.

“Lyca, I guess—”

Agad niyang pinutol ang sasabihin ng ina at iniliko ang usapan sa iba. “You know what, ` My? Kuya Jufred sent me his picture last night. May kasama siyang magandang babae. I think she is his flavor of the month. But she’s so pretty. Her name is Mhelanie.” Ayaw niya talagang pa g-usapan ang tungkol sa anak. She was not ready!

“Can I see that picture?” Si Tres na nasa kabilang bahagi ng mesa katabi ang ama nito. Nakakunot ang noo ng pinsan na para bang may nasabi siyang hindi maganda.

“Okay. Later.”

“That bastard! Hinihingan ko ng latest picture ni MM kagabi wala pa raw,” iritadong usal ni Tres saka ipinagpatuloy ang pagkain. Muling tumingin sa kanya ang pinsan habang ngumunguya.

“Mhelanie is my wife,” mayamaya ay sabi nito.

“Your wife? Kailan ka ikinasal? So wala na talaga kayo ni Harper?”

Ang karelasyon ni Tres ay si Harper Santibanez, isang sikat na artista. Kaka-announce lang ng engagement ng dalawa, pero may tsismis na cancel na raw iyon at hiwalay na ang dalawa. Ayon kay Alford ay may kinahuhumalingang ibang babae ang pinsan niya but since hindi siya interesado sa love life ng iba dahil may sarili rin siyang problema kaya hindi na rin siya nagtatanong pa.

“You are so outdated about family matters. Self-centered ka kasi, eh.” Si Leila na sinabayan ng mahinang tawa.

She rolled her eyes. “I’m not self-centered, I’m just loving myself. And I’m not interested in the family’s drama. Magkaka-wrinkles lang ako. Look at you, you look haggard. You look twenty years older than your actual age. Kaya huwag kang magtaka kung maghanap ng mas bata `yang si Kuya Keith.”

Her sister was twenty-eight, and she was just kidding. Maganda ang Ate Leila niya. Pero kapag nasa bahay lang ito ay hindi nag-aayos at nanay na nanay talaga. A pretty mum.

“Sobra ka!”

Napaigik si Lyca nang abutin siya ng kapatid at kurutin sa tagiliran.

“Mommy, that’s bad. Don’t hurt Tata,” saway ni Kira sa ina. Her niece and nephews used to call her ‘Tata’ which meant ‘tita.’

“Bad si Mommy, `no, Kira?” paawa niyang sabi at pasimpleng dinilaan ang kapatid.

“Para ka talagang bata! Mabuti, Alford, hindi mo naisipang isauli ang brat na `to? Kapag hindi mo na kinaya ang ugali, pakiligaw na lang kasama ang pusa niya, ah.” Nagkatawanan lang ang mga nasa hapag-kainan sa birong iyon ni Leila.

“Hindi niya gagawin `yon. Magaling ako.”

“Magaling naman saan?” nakataas-kilay na tanong ng kapatid, naghahamon. Wala naman kasi siyang alam kung gawaing-bahay ang pag-uusapan. Pero magaling siya sa isang bagay. Pinalapit niya ang kapatid at dumukwang siya saka bumulong.

“Magaling akong magmasahe. Tumitirik ang mga mata ng asawa ko kapag minamasahe ko ang prostate at balls niya.”

“Yuck!” Itinulak si Lyca ng kapatid at halos masamid ito kakatawa. Hala! Kung maka-yuck, akala mo virgin. Binalingan niya si Alford.

“`Di ba, giliw ko, you like my massage?”

“Ha?” Alanganing ngumiti si Alford at pasimpleng bumulong.

“You never gave me a massage.”

Inilapit niya ang bibig sa tainga nito. “I massaged your prostate, remember?”

Nanlaki ang mga mata ni Alford at buong pagpipigil na bumulalas ng tawa. “Fuck, yeah! You have magical hands,” he whispered as he let out a subtle chuckle.

“I’m so happy to see you both like that. Mukhang nagkakasundo na kayo.” Ang kanyang ina na may ngiti sa labi habang nakatingin sa kanila ni Alford.

“Mabait naman po si Lyca. Kailangan lang po talagang makuha ang kiliti.”

HABANG nakaupo sa sala at nakikipagtawanan kay Alford, Tres at sa bayaw ni Lyca ay hinila siya ni Leila palayo sa mga lalaki.

“Ahm… `yong sinabi mo sa `kin kanina… about, you know… massage…”

Ayie! Ang sarap kutusan ng kapatid niya. Tatlo na ang anak pero nahihiya pa rin.

“Oh, so you are interested, huh?” naaliw niyang sabi sa kapatid.

“Paano ba `yon?”

“God, hindi mo pa `yon nagagawa sa asawa mo? Ang boring ng sex life n’yo, Ate! Ang boring mo!”

“Hindi naman. Ayos naman kami kaya nga lang, siyempre, kailangan ng kaunting thrill para hindi naman ako pagsawaan ng asawa ko. So, paano nga `yon?”

“Okay.” Kinuha ni Lyca ang kanang kamay ng kapatid at inilabas ang forefinger.

“You have to insert this into your husband’s anus about two inches. And right there, you can stimulate your husband’s gland directly. You will make him nuts, Ate!” Lyca giggled as she gave her sister instruction.

“Ew!” Hinablot nito ang kamay mula sa pagkakahawak niya. “Ipapasok ang daliri sa anus? Kadiri naman!”

“You can use gloves. But if you are not comfortable using your fingers to milk your husband, you can use your son’s musician drumstick if you don’t have a sex toy for this purpose,” nakatawa niyang sagot, aliw na aliw sa reaksiyon ng kapatid.

“Seryoso, Lyca, paano nga?” parang desperadang pakiusap nito.

“I’m serious. Gano’n naman talaga. Pero okay, external massage will do. I usually use this technique when I’m masturbating my husband,” walang inhibisyon niyang kuwento.

“You only have to massage the perineum. The perineum is a small, smooth patch of skin located between the testicles and the anus. Siguro naman alam mo `yon. Pinag-aralan `yon sa school, Ate. You have to press your thumb down on this area, not too hard, and massage it. This will indirectly stimulate the prostate but he will enjoy this if you will do this correctly.”

“Wow! Bakit alam mo ang mga ganitong mga bagay. Ang bata-bata mo pa?”

“He-he! Genius lang po, Ate.”

“Gaga!” Hinampas siya ng kapatid sa braso.

“Wala ka nang itatanong? Baka gusto mong malaman kung paanong lumunok ng sem—”

“Stop! You are gross!”

Malakas na humalakhak si Lyca. Hays! Her sister was like her mother. Hindi makabasag-pinggan. Siya at ang kanyang Kuya Jufred ang magkatulad ng ugali. They will do whatever they wanted to do. Gusto nilang i-enjoy lang ang buhay. Ayaw nilang nagpapadikta. Ayaw nila ng stress sa buhay. Kaya ayaw niya talaga muna sanang mag-asawa at lalo ang magkaroon ng anak.

Muli siyang bumalik sa sala at umupo sa tabi ni Alford. Kinuha niya mula sa center table ang cell phone at napabuntong-hininga nang makita ang message mula kay Tyler. Noong isang araw pa siya kinukulit ng lalaki na makipagkita pero tinanggihan niya. Nang hindi na siya pumasok sa workshop, panay ang text at tawag nito sa kanya.

Muli siyang napabuntong-hininga. Tyler was now calling. Tumayo siya at pumunta sa lanai. She thought she needed to talk to him.

“Tyler?” paunang salita nang sagutin niya ang tawag.

“Thank, God, you answered my call. Lyca, please, magkita naman tayo.”

“Tyler, hindi puwede!”

“Deserve ko naman siguro ng paliwanag, `di ba? You made me fall for you, then what? Malalaman ko na may asawa ka na? You had the chance to tell me the truth but you denied him.”

Napahilot si Lyca sa sentido. Nang sabihin ni Alford na asawa siya ng lalaki sa harap ni Tyler ay itinanggi niya iyon. Ngayon, sinabi na ni Sasahh ang totoo sa kapatid nito. Sinabi niya kay Sasahh na wala na siyang balak makipaghiwalay kay Alford at ito na ang bahalang magpaliwanag kay Tyler. Nakapagdesisyon na siyang paninindigan ang pagiging mag-asawa nila ng lalaki. Final decision na ito. Nalaman niya mula kay Sasahh na in love na raw sa kanya si Tyler.

“Hindi ko kasi siya mahal. Napilitan lang akong magpakasal—”

“Then, hiwalayan mo siya. Tanggap ko. Lyca, mahal kita at sigurado ako sa nararamdaman ko. Kilala mo naman ako, `di ba?”

God! Bakit ba ganito? Kung kailan handa na siyang maging asawa ni Alford saka naman mai-in love sa kanya si Tyler. Kailangan niyang humingi ng tawad kay Tyler. He deserved an explanation. Pinlano naman talaga niyang ma-in love sa kanya si Tyler. At ngayong nahulog na ang loob ay saka niya lalayuan ang lalaki.

“Magkita tayo bukas. Hintayin mo ang text ko.” Tinapos ni Lyca ang tawag. Humawak siya sa sandalan ng rattan patio chair. Bumalik siya sa loob pagkatapos nang sandaling pananatili sa lanai. Napangiti siya nang makita si Alford na nakaupo pa rin sa mahabang sofa at nakapikit. Hinalikan niya sa labi ang asawa dahilan para dumilat ito. Muli siyang umupo sa tabi nito.

“Inaantok ka ba? Gusto mo sa kuwarto ka muna.”

Umiling ito, nanatiling nakahilig ang ulo sa sandalan. Masama siguro ang pakiramdam. Biglang naging matamlay.

“Masama ba ang pakiramdam mo?”

Umiling uli si Alford. Kinuha na lang niya ang kamay nito at ipinaikot sa balikat niya ang braso saka yumakap sa asawa. Alford didn’t hug her back.

Muli niyang tiningnan ang asawa. Hindi siya mapalagay sa biglang naging hitsura nito. Parang nawala bigla sa mood. Sa maikling panahon na pagsasama nila, kahit paano ay alam na niya ang mood ni Alford. At ramdam niyang may problema. Kanina lang kasi ay ang saya-saya nito. Maingay na nakikipagkuwentuhan. Hinawakan niya ang pisngi nito at pinaharap sa kanya.

“Are you sure you okay?”

Alford stared at her for a long moment before he nodded, but he didn’t speak.

NAPASUKAN ni Lyca si Alford na nakaupo sa kama habang hawak ang camera niya. Inilapag niya ang dalang tumbler ice cream sa nightstand saka sumampa sa kama. Hinalikan niya sa pisngi ang asawa saka tiningnan ang tinitingnan nito sa camera. Mga larawan ni Tyler.

“O, hindi ko pa pala `yan nabubura. Akin na muna.” Kinuha ni Lyca mula sa kamay ni Alford ang camera saka sinimulang burahin ang larawan ni Tyler na marami-rami rin pala. Gustong-gusto niyang kinukuhanan ng larawan si Tyler. Kasundo ito ng camera at lahat ng kuha ay walang pangit.

“The best subjects are the ones that you love.”

Natigil si Lyca sa pagbura sa larawan ni Tyler at nilingon si Alford. Matiim itong nakatitig sa camera. Binitawan niya ang camera at marahang hinaplos ang pisngi ng asawa. Kumurap ito na parang nagising sa matagal na pagkakatulala.

“Nagseselos ka ba?”

Hindi ito umimik. Malapad siyang ngumiti. “Nagseselos ka nga? Ito na nga binubura ko na. Kuha pa ito noong may gusto pa ako kay Tyler.”

“Noon? How about now?”

Her smile faded as she noticed the sharpness of his tone. Seryoso rin ang mukha nito.

“Alford—”

“If you still love him just tell me. Maybe, I’ll let you go now.” Bumaba ito sa kama at lumabas ng kuwarto. Naiwan siyang nakamaang at nakatingin sa pintong nilabasan ni Alford.

“If you still love him just tell me. Maybe, I’ll let you go now…” His statement replayed in her mind.

“Maybe, I’ll let you go now…”

She closed her eyes against a sharp slice of fear inside her; fear of losing him. Hindi niya iyon gusto. Hindi niya gustong maghiwalay sila ni Alford.

Ano ba ang problema? Dahil ba sa larawan kaya ni Alford nasabi ang mga bagay na iyon? Binubura na nga niya, eh. O baka dahil sa problema sa kasong hawak nito.

Ang alam ni Lyca, si Alford ang may hawak sa kaso ng batang ginahasa ng anak ng isang congressman. Baka nga siguro dahil doon kaya wala sa mood ang asawa niya. Kanina pa ito tahimik mula pag-alis nila sa bahay ng kanyang mga magulang. Ngayon, mas lalong hindi dapat malaman ni Alford na makikipagkita siya kay Tyler dahil baka kung ano pa ang isipin nito. Kailangan niya talagang makausap si Tyler para makapagpaliwanag sa lalaki.