CHAPTER 17
“KUYA Tres?” nakangiting tawag ni Lyca sa pinsang naghihintay sa sala. Humalik siya sa pisngi ni Tres at komportableng umupo sa tabi nito. Paharap siyang umupo kay Tres, nakalapat ang isang hita sa couch at ipinatong ang throw pillow sa ibabaw ng hita.
“Wala si Alford. My hearing siya ngayon.”
“Ikaw ang ipinunta ko.”
“Bakit?”
Dinuro ni Tres ng hintuturo ang noo niya at itinulak ang kanyang ulo. “Anong kalokohan na naman ang ginawa mo?”
“Kalokohan? Nagpapakabait na nga ako, eh.”
“Ano ang ginawa mo kahapon?”
Bahagya siyang ngumiwi. Alam na niya ang tinutukoy ng pinsan.
“Nagsumbong siya?”
“Hindi siya nagsumbong. Nagkuwento lang. Sinaktan mo `yong tao, Lyca.”
“Tingin mo nasaktan siya o natapakan ko lang ang pagkalalaki niya?”
“Both. Lyca, he tried to be a good husband. Ni hindi na nga magawang tumingin sa ibang babae simula nang ikasal kayo. Kaya sana, pahalagahan mo naman. Bigyan mo ng chance `yong tao.”
Hindi umimik si Lyca. Nakikita naman niya ang effort ni Alford para lang maging komportable siya sa buhay, para mag-work ang marriage nila. He tried to please her and she appreciated it. Naa-appreciate na niya ngayon ang asawa.
“Mahal mo ba si Tyler?”
“Hindi ko alam,” sagot niya. Hindi na talaga niya alam. Basta ang gusto lang niya ngayon ay ang tuluyan silang magkaayos ni Alford at wala nang iba. Hindi na nga siya pumasok sa workshop para iwas gulo.
“Umaasa ka pa rin bang ma-annull ang kasal n’yo?”
Hindi uli masagot ni Lyca ang tanong ni Tres. Umaasa siya at iyon ang kanyang plano. Noon. Pero ngayon ay nag-iiba na ang desire ng puso niya. Visualizing her life without Alford was like an abandoned village. Walang buhay. Boring. It would be senseless and meaningless. The reasons for her to smile and be irritated will be scanty kapag nawala ito sa buhay niya.
Sino na ang gigising sa kanya sa umaga? Sino na ang yayakap sa kanya sa gabi? Paano siyang makakatulog nang mabilis kung wala nang hahagod sa buhok niya? Sino ang mangungulit at magpapapansin sa kanya kapag seryoso siya sa panonood ng K-drama?
Alford hated K-dramas and she loved it so much. Kapag nanonood siya niyon ay mangungulit na ang asawa; iistorbohin siya na isa sa kanyang kinaiinisan at nabubugbog niya talaga si Alford. Pero ang loko, tuwang-tuwa pa kapag sinasaktan niya. Pero ang bangayan ay mauuwi sa lambingan at mainit na pagtatalik. Oh, God! How could she live without her hubby? Marahang natawa si Tres at ginulo ang buhok niya.
“Hindi mo na kailangang sagutin. I already know the answer.”
“Galit siya sa `kin.”
“Who wouldn’t be? He had booked a reservation in a fine-dining restaurant last night to celebrate his thirtieth birthday with his brat wife. Pero hindi natuloy dahil ang asawa niya, nakipaghalikan sa ibang lalaki.”
“Birthday? Birthday niya?” gulat niyang tanong.
“See? Hindi mo rin alam ang birthday ng asawa mo. Oh, God, Lyca. Kahit ako man, magagalit. Come to think of it, Alford used to celebrate his birthday with us, in a pub’s private room full of scantily dressed servers and hot half-naked women performing dirty dance. But now, he opted to make it simple. He opted to spend his birthday with you in a fine-dining restaurant… just the two of you. It was supposed to be a happy day for him but you spoiled it.”
“Oh, God!” Natampal ni Lyca ang noo. Ano ba ang ginawa niya? Sinira niya ang sana ay masayang birthday ni Alford. Hinampas niya ng kamay ang braso ng pinsan.
“Kasalanan mo `to!”
“O, eh, bakit ako? Paano kong naging kasalanan?”
“Bakit hindi mo sinabi sa `kin?”
Malakas na humalakhak si Tres at pinisil ang pisngi ni Lyca. “Brat! Don’t pass the buck on me, it’s all your fault.”
Napakawalang-kuwenta niya. Birthday ng sarili niyang asawa pero hindi niya alam. Pagkatapos, nakita pa siya ni Alford na hinalikan ni Tyler. Nagising din siya kaninang umaga na wala na si Alford. Galit pa rin talaga sa kanya. Umayos siya nang pagkakaupo at humarap kay Nanay Carmen na naglapag ng snack sa center table.
“Nanay Carmen, bakit po hindi n’yo man lang sinabi sa `kin na birthday ni Alford kahapon?”
“Hindi mo ba alam? Pero nag-date nga kayo kagabi, `di ba? Ang sabi ni Alford, gusto niya, ikaw lang muna ang makasama sa birthday niya.”
Hays! Ito ang pangit minsan kapag nakatira sa isang malaking bahay. Hindi na sila nagkakakitaan. Hindi na rin siya lumabas ng kuwarto kagabi pag-alis ni Alford. Palabas-labas lang siya para sumilip sa labas kung dumating na ang asawa.
“Kuya Tres!” Hinampas niya nang malakas ang hita ng pinsan na ikinangiwi nito.
“I need your help! Gusto kong bumawi.”
HE WAS completely distracted at the random thoughts running through his mind, weaving, playing off one another. He was being rough and cold to Lyca last night. He was a fucking asshole for making her feel like a sex object. Kahit kailan ay hindi iyon ang gusto niyang iparamdam kay Lyca. Anger and jealousy had clouded his mind at nakainom pa siya kaya siguro naging ganoon ang asta niya.
Kung tutuusin, wala naman talaga siyang karapatang magalit. Unang-una pa lang, naging matapat si Lyca na si Tyler ang mahal nito at hindi siya. Ayaw nitong magpakasal sa kanya pero pinilit nila. Mahal ni Lyca si Tyler at sigurado siyang kung papipiliin niya ang asawa ay hindi ito magdadalawang-isip na piliin si Tyler. Patunay na lang nang sabihin nito kay Sasahh that he can handle the pain. Ano ba ang ibig sabihin niyon? Obviously, may balak pa ring makipaghiwalay sa kanya si Lyca para kay Tyler.
Naistorbo ang malalim niyang pag-iisip sa biglang pagbukas ng pinto ng kanyang opisina at tuloy-tuloy na pumasok ang kanyang lolo.
“What do you think you’re doing, Alford?” tanong nito habang naglalakad papunta sa desk niya. “Nagkalat ka sa courtroom!”
Gusto niyang magmura. He was fucking sick about everything in his life. “I was feeling uninspired, Sir, kaya naging ganoon,” walang gana niyang sagot. Umupo ang matanda sa visitor’s chair.
“Feeling uninspired? Alford, this is a real battle and not a moot court competition. Nagmukha kang tanga sa korte kanina! Okay na rin pala talagang hindi ikaw ang humawak sa kaso ng anak ni Congressman Atanante. Nakakahiya ka!”
Parang gusto niyang pagsisihan na tinanggap niya ang kaso ni Dana Cristobal. Inilalagay niya sa alanganin ang magiging kahihinatnan ng kaso at ang kinabukasan ng bata gayong ang gulo ng utak niya. Maayos naman ang unang hearing. Pero kanina, lutang siya at aware si Alford na nagmukha siyang katawa-tawa sa courtroom. Pinapalabas ng kampo ni Rex Atanante na bayaran ang bata; na ibinugaw ito ng sariling ina at pinalabas pa raw na nasa legal na itong edad. Hindi niya iyon nadepensahan. Si Lyca at ang problema nila ang nasa isip niya habang nasa korte.
But seeing an innocent woman who was abused by the conniving soulless creature crying and begging for Atanante’s laywer to stop bombarding her with questions made him want to win this case no matter what. And seeing the triumphant devilish grin on the abuser’s face made him want to fucking beat the shit out of him.
“Your words and behavior will affect your reputation, your client’s reputation, and the reputation of our firm.”
“I’ve had enough of your advice, Sir, so just get off my case. I’ve got this!”
BY THE time Alford arrived home, he was mentally exhausted. He climbed out of the car lazily. Habang naglalakad papunta sa pinto ng bahay ay narinig niya ang pagsigaw ng isang katulong na nasa may pinto.
“Nandito na siya!”
Agad siyang sinalubong ni Nanay Carmen pagpasok pa lang niya sa pinto at kinuha mula sa kanyang kamay ang attaché case. “Ano ba naman `yang hitsura mo?” puna ng matanda at inayos ang kanyang kurbata matapos iabot ang attaché case sa isang katulong.
“`Nay Carmen, nasa bahay na po ako. Huhubarin ko rin `to.”
“Ay hindi! Magpunta ka muna sa hardin at may naghihintay sa `yo roon.”
“Naghihintay?”
“Basta pumunta ka na lang.” Pinagtulakan siya ni Nanay Carmen papunta ng hardin. Nagtataka man ay sumunod na lang siya.
Pagbungad pa lang ni Alford ng pinto na komokonekta sa hardin at bahay ay isang malamyos na tugtog mula sa isang instrumento ang kanyang narinig. Lumabas siya at sinundan kung saan nanggagaling ang tugtog. Paglagpas niya ng halamang halos kasintaas niya ay natigil si Alford sa paghakbang. Namangha siya sa nakikitang ayos ng hardin.
May dalawang lalaking nakasuot ng coat habang tumutugtog ng violin. The garden was filled with white star lights. Nagmumula iyon sa LED lazer light. It created a shimmering pattern of light moving all over the garden. Parang nagliliparang alitaptap dahil maging ang punong naroroon ay puno ng lazer lights.
The garden was set in a sensual and romantic ambiance. A red silk sheet and a white faux fur rug were on the ground, filled with cozy cushions, food and wine. String lights, paper lanterns and candles were everywhere. At ang nagpaperpekto ng magandang hardin ay ang babaeng nakaupo sa white faux fur rug—his wife.
Lyca was wearing a red tube dress that hit her knee. A warm yet nervous smile was painted on her beautiful face.
Lyca stood up and he looked over her slowly. She looked amazingly beautiful from the top of her head to the point of her black heels. She had been always the hottest and gorgeous woman he had ever seen.
Bigla ang pagkabog ng dibdib niya dahil sa nakikita. Kabog ng dibdib na ngayon lang niya naramdaman. He had always been relaxed all the time, in all high pressure situations, pero bakit ngayon nate-tense siya?
He slowly walked towards her while looking at Lyca. “What’s this all about?” tanong ni Alford nang makalapit.
“I know I’m the worst wife ever. I didn’t know your bi rthday and I did a terrible thing on your special day. I’m so sorry! I know it is not easy to forgive but please, can you just give me another chance?” Her eyes looked troubled as she searched his face, and it melted his heart.
“`Yong sa amin ni Tyler—”
Hindi na niya pinatapos pa si Lyca sa sasabihin nito. Kinabig niya ang asawa at hinalikan sa mga labi. Hindi na niya gusto pang makarinig ng ano pang bagay tungkol sa Tyler na `yon. Ilang sandaling naglapat ang kanilang mga labi.
“I’m sorry,” bulong ni Alford sa mga labi ni Lyca. Mahigpit niyang hawak ang gilid ng leeg nito, nakapulupot ang braso sa maliit na baywang ng asawa habang ang kanilang mga noo ay magkalapat.
“Sorry if I was being rough and cold last night. Hindi ko sinasadya, Lyca. I’m so sorry!”
“I deserve it.”
“No! You don’t deserve it. You deserve nothing but gentleness, comfort... and love.”
Tumitig nang matagal si Lyca sa kanyang mga mata bago ngumiti. “It’s okay. I love rough, though,” sagot nito at sinabayan ng marahang tawa. “Hindi ka na galit sa `kin?” Pinaikot ni Lyca ang mga braso sa leeg ni Alford habang nakatingala sa kanya.
“How can I stay mad at you? Eh, baliw na baliw nga ako sa `yo, `di ba? Sarili ko lang ang pahihirapan ko.”
Malapad itong ngumiti at tuluyang nawala ang pag-aalala sa mukha.
“But promise me. Hindi ka na makikipagkita sa Tyler na `yon, at hindi mo na siya babanggitin.”
Sunod-sunod ang ginawa nitong pagtango. “I promise! Hindi na nga ako pumasok kanina sa workshop.”
“Talaga? Hindi ka pumasok?”
Marahang tumango si Lyca. “No more Tyler. Pangako!”
Ang bigat na nararamdaman kanina ay biglang nawala. A sense of undeniable happiness and glorious relief filled his heart. Sapat nang marinig ni Alford mula kay Lyca ang pangakong iyon para mapanatag siya. He looked around.
“Is this for me?” tukoy niya sa ginawang effort ni Lyca sa garden.
“Yeah. Nagustuhan mo?” Kusang gumalaw ang katawan nila sa saliw ng musika habang nakatingin sa mga mata ng isa’t isa.
“Sobra! Sino ang nag-ayos nito?”
“Me! Kuya Tres helped me out to make it happen.”
“Si Tres?”
“Pinuntahan niya ako kaninang umaga. Then, pinagsabihan. Nalaman ko mula sa kanya na birthday mo nga at humingi ako ng tulong para gawin ito. Tumulong din sina Dock at Wilson.”
“Oh, they are the best.” Maaasahan talaga ang mga kumag.
“Yeah, they are.” Yumakap si Lyca sa kanya. Inihilig nito ang gilid ng ulo sa kanyang dibdib.
“Happy birthday! I’m so sorry kung sinira ko ang araw mo.”
Hinalikan niya sa ulo ang asawa. “Bawing-bawi naman. I am in a state of total euphoria right now.”
Muli siyang tiningala ni Lyca. “Really?” She was happy, too. Kitang-kita iyon sa mga mata ng babae. Hindi iyon madadaya.
“Yes. You are making me happy. Thank you!”
Sinapo ni Lyca ang magkabila niyang pisngi, tumingkayad at hinalikan siya sa mga labi.
That made his stomach flutter. For Christ’s sake! He felt like a fucking schoolboy who got his first kiss from his ultimate crush. Napangiwi siya nang wala sa loob.
Nakangiting inilayo ni Lyca ang mga labi mula sa kanya pero ang ngiting iyon ay nawala nang may parang mapansin ito sa mukha ni Alford.
“You don’t like my kiss. Nakasimangot ka.”
“Ha?” Nag-iwas ito ng tingin at lumungkot ang mukha. Agad niyang ikinulong ang mukha ng asawa sa kanyang palad at hinuli ang mga mata.
“Hindi sa ganoon. Hindi gano’n `yon.”
“Eh, ano?”
“I just got weird feelings in my stomach when you kissed me.”
“Weird feelings?”
Napakamot siya sa ulo at muling ngumiwi. “Uhm… kilig yata ang tawag do’n.”
Umawang ang mga labi ng asawa at mayamaya ay malakas na tumawa. Hinampas siya ni Lyca sa tiyan. “God! Hindi lang halik ang nagawa natin `tapos ngayon ka pa talaga kikiligin. Niloloko mo ako, eh! Halika na nga, kumain na lang tayo.” Hinila siya ni Lyca at naupo sila sa blanket.
Nasa kalagitnaan na siya ng pagkain nang mapansing nakatitig sa kanya si Lyca habang nakangiti. At ito na naman ang weird feeling… umaatake na naman. Pakiramdam niya, pati ang kanyang mukha ay nag-iinit. Fuck it! Nagba-blush ba siya?
“K-kumakain ako. Huwag mo akong titigan. Nakakailang.” Fuck! Why was he stuttering all of a sudden?
Lyca lunged towards him at hinalikan siya sa mga labi. No tongue. Not wet. She was just pressing her soft lips on his. It could have been a brush of air across his mouth, light and delicate, and all the delicate sweetness of her assaulted him, and he wallowed in it.
May kakaiba talaga sa halik ni Lyca ngayon na ang hirap ipaliwanag. Matamis itong ngumiti, inabot ang pisngi niya at marahang hinaplos.
“I promise that I’ll be a good wife from now on,” she said softly. Her eyes glowed.