noveltoon logo noveltoon
Down and Dirty (Fatal Attraction 1)

Chapter 18

Ch. 18 / 29 Feb 05, 2022

CHAPTER 18

“FUDGEE!” h iyaw ni Lyca nang pagpasok niya ng kuwarto ay makita ang pusa na kinukulit si Alford. Nasa kama ang kanyang asawa. At katulad ng nakagawian nito ay nasa ibabaw ng hita ang laptop habang si Fudgee ay nagsusumiksik dito. Patakbo siyang sumampa sa kama at kinuha si Fudgee.

“Fudgee, huwag kang makulit! Nagkakaayos pa lang kami ng asawa ko,” paanas niyang pagkausap sa pusa. Hindi man sinabi ni Alford pero siguradong naiinis ito dahil sa pagbibigay sa kanya ng pusa ni Tyler. Naisip nga niya na ibalik na lang si Fudgee.

“I think he likes me. Hayaan mo siya.” Hindi makapaniwalang nilingon ni Lyca si Alford.

“Naiinis ako sa nagbigay niyan sa `yo, pero kaya ko namang tanggapin `yan para sa `yo. Iisipin ko na lang na siya si Oreo.”

“Talaga?”

Bahagya itong ngumiti, inilahad ang kamay para palapitin siya. Inilapag niya si Fudgee sa kama, saka pagapang na lumapit kay Alford. Inakbayan siya ng asawa at hinalikan sa sentido.

“I will accept and love even the hideous creatures, basta mahal mo.”

“Aw! Thank you!” Iniyakap ni Lyca ang mga braso sa katawan ni Alford. Mas na-appreciate niya ngayon si Alford. Mas tiningnan niya ang good side nito at binale-wala ang pagiging babaero ng asawa noon. Sa tingin niya ay iyon lang naman talaga ang pangit sa ugali ni Alford but the rest were really good.

“Ano ba ang ginagawa mo? Kahit weekend, parang lagi kang busy.”

Hinaplos ni Alford ang braso niya. “Ayaw mo ba akong nagtatrabaho sa bahay?”

Tiningala ni Lyca ang asawa. May pinipigil itong ngiti sa labi. “Hmm... Hindi naman. Minsan okay lang, minsan ayaw ko sana.”

“Why?”

“I want your attention.” Tuluyang gumuhit sa mga labi ni Alford ang isang malapad na ngiti.

“You want my attention?” he asked. Her eyes were dancing with delight.

“Yeah. Not that I’m being clingy pero kasi—”

“I like it when you are clingy,” putol ni Alford sa kanya. He flipped the screen down and placed the laptop on the bed.

“No more work at home. Kung ano ang gusto ng asawa ko, siyang masusunod.” Bumaba ang mukha ni Alford para sana halikan siya pero napigil iyon nang tumalon si Fudgee, huddled over his stomach for warmth.

“Why so clingy, Fudgee?” Marahan niyang hinaplos ang ulo ng pusa na parang nasarapan naman dahil ipinikit ang mga mata.

“Bakla siguro ito, `no?” sabi ni Alford na ikinatawa niya.

“You are adorable kaya gusto ka niya. I think he loves you.” Hinalikan niya ang ulo ni Fudgee.

“How about you?” Muli niyang tiningala si Alford. Bigla ang pagseryoso ng mukha nito habang nakatingin sa kanya.

“Ha?”

Ngumiti at umiling sa kanya ang asawa. “Nothing.” Kinuha niya ang iPad mula sa nightstand at muling isiniksik ang sarili sa tabi ni Alford.

“Nood na lang tayo ng K-drama.”

Alford expelled a disapproving sigh. “Porn na lang,” he suggested, causing Lyca to guffaw.

“We don’t need to watch porn. Mas magaling ka pa sa mga porn star, eh.”

Ibinaon ni Alford ang mukha sa leeg niya. “Talaga?” Naramdaman niya ang dila nitong dumantay sa kanyang balat at mayamaya ay marahang sinipsip ang manipis niyang balat sa leeg.

“Yeah.”

“Wifey?”

“Hmm?” sagot niya habang namimili ng mapapanood.

“Naisip ko… ano kaya kung... kung dagdagan na natin ang mga babies natin?” Patuloy nitong hinahalikan ang kanyang leeg.

“You mean, bibili pa tayo ng more puppies and kittens?”

Alford stifled his chuckle. “No. I mean a real one. A real baby.”

Natigil si Lyca sa pag-scroll at gulat na napatitig kay Alford. “Seryoso?”

“Naisip ko lang kasi na it would be better kung real babies ang isasakay natin sa stroller at ipapasyal at hindi mga pusa. And I’m not getting any younger anymore. I want my own children.”

Bahagyang nagpakawala ng hangin si Lyca mula sa bibig at napaisip. She wasn’t ready for a baby, that was why she was currently taking contraceptive pills. She wasn’t ready to ride the world’s craziest roller coaster. Ang Ate Leila niya ay may tatlong anak at mukhang ngarag na ngarag lagi. May mga yaya naman ang mga anak nito pero nakikita pa rin niya ang stress sa kapatid, lalo na kapag nagkakasakit ang mga bata. Sa tingin ni Lyca, hindi pa niya kaya ang ganoong stress. Iba naman ang pag-aalaga ng pusa sa totoong baby. Sampung dobleng pag-iingat sa pag-aalaga ng totoong baby.

“I’m just suggesting. Pero kung hindi ka pa talaga handa. It’s all right.”

Inilapag niya ang iPad sa kama. She moved to straddle him. Inilapat niya ang dalawang kamay sa balikat ni Alford.

“Ayaw mo bang ako muna ang baby mo? Mukha naman akong baby, `di ba?” She jutted her bottom lip in a cute pout that was only partially feigned.

Mahinang natawa si Alford. “Yeah. A brat kid.”

“Saka ayaw mo bang tayo lang muna? Ikaw at ako. Bago pa lang naman tayong nakakasal, eh. Let’s enjoy ourselves together for now. Gusto ko kasi kapag nagka-baby na ako, `yong ready na talaga ako. Gusto ko, ako ang mag-aalaga sa magiging mga anak natin.”

“I understand.” Pumisil ang magkabilang kamay ni Alford sa balakang niya. Masuyong ikinulong ni Lyca ang mukha ng asawa sa kanyang palad.

“Sa ngayon, ikaw na muna ang aalagaan ko.” Malapad na ngumiti si Alford at ipinaikot ang mga braso sa kanyang katawan.

“Talaga? Aalagaan mo ako?”

“Of course. `Di ba nga, sabi ko sa `yo, magiging mabuting asawa na ako?” Alford sighed and looked deep into her eyes. There was a hint of happiness in his eyes.

“ARE we gonna play cards or what?”

Mula sa cell phone ay sabay-sabay na nag-angat ng tingin ang tatlo — Alford, Dock and Tres — kay Wilson na nasa sahig at nakaupo sa throw pillow hawak ang cards.

They were hanging out at Wilson’s house. Nagyaya si Wilson na pinagbigyan naman nila kasi ilang araw na rin siyang tumatangging lumabas. Iyon nga lang ay kinumbinsi nila itong sa bahay na lang ni Wilson sa halip na sa maingay na club. So they gathered here to play euchre while having some drinks.

Ewan ba ni Alford sa sarili! Parang nawalan na siya ng ganang magpunta sa mga club. Mas gusto pa niyang manood ng K-drama na paborito ni Lyca, kasama ito kaysa ang lumabas. Nakakatawang isipin na ang mga bagay na hindi niya gusto noon ay nagugustuhan na niyang gawin ngayon. Nae-enjoy niya ngayon ang mga palabas na pinagbibidahan ng Korean actresses. Nagpapalitan sila minsan ni Lyca ng opinyon at hula sa mga mangyayari sa palabas.

“Being with you, guys, lately is fucking boring! Sana hindi na lang kayo nagpunta kung cell phone lang din naman din ang aatupagin n’yong tatlo!” Mukhang bad trip talaga ang isang ito.

“Bad trip ka na niyan, pare?” nakangising tanong ni Dock.

“Umuwi na nga kayo! Ako na lang ang iinom mag-isa.”

Alford and Tres chuckled at the irritated look on Wilson’s face. “I’m chatting with my wife,” said Alford. Iniharap naman ni Tres ang cell phone kay Wilson then said, “I’m stalking with my wife,” tukoy ni Tres sa asawa nitong si Mhelanie na nasa New York ngayon.

“Me? I’m texting with my future wife.” Si Dock na nakaupo sa pang-isahang sofa.

“O, eh, di kayo na ang may mga love life. You motherfucker!” Iritadong tumayo si Wilson, kinuha ang cell phone mula sa center table saka pumunta ng banyo.

“May love life ka naman, ah!” pahabol na sigaw ni Dock bago tuluyang makapasok ng banyo si Wilson.

“Hindi matatawag na love life `yon. Arranged marriage ang drama ng isang `yan,” sabi ni Alford saka ipinagpatuloy ang pakikipag-chat kay Lyca. “Fuck!” mahina niyang bulalas nang mag-send si Lyca ng nude picture with caption “waiting for you.” Nakahiga ito sa kama, nakukumutan ang ibabang parte pero lantad ang dibdib. His body suddenly became taut with the familiar tug of longing. Parang gusto na tuloy niyang umuwi.

“Uwi na ako, dude.”

Tres’ eyes narrowed at him.

“Ako rin, pare,” segunda naman ni Dock na kanina pa rin nakatutok sa cell phone nito. Inagaw ni Tres ang cell phone mula sa kamay ni Alford at Dock.

“Stay! Lalong maiinis ang isang `yon kapag umalis kayo.” Inilapag ni Tres ang cell phone nilang tatlo sa center table.

“I think he has a problem,” tukoy ni Tres kay Wilson. Nilingon ng tatlo ang banyo.

“May kinalaman siguro sa pagpilit sa kanyang tumakbo bilang mayor ni Senator dela Fuente.”

Sa kanilang tatlo, si Wilson ang may controlling na pamilya. Parang lolo rin ni Alford. Pero kahit kailan ay hindi siya nagpapakontrol sa matanda. Pero at least, ang lolo niya, nagiging manipulative lang pagdating sa trabaho pero sa ibang bagay ay hinahayaan siya ng matanda. Pero ang lolo ni Wilson ay pakialamero sa lahat ng bagay.

Lumabas uli si Wilson.

“C’mon, baby Will, stop being a pussy!” sabi ni Dock at sinabayan ng tayo. Umupo si Wilson sa pang-isahang sofa at si Dock naman ang nagpunta ng banyo.

“Problem, dude?” asked Alford, grabbing the can of beer. Holding the can in one hand, he flipped the tab on top to open it with one fingernail beneath it and took a pull of his beer.

“I’ve been having doubts lately… about Samantha.” He ran his hands over his face before grabbing the can of beer and took a sip.

Nagkatinginan sina Alford at Falcon.

“How about her?” tanong ni Alford matapos ibalik ang tingin sa kaibigang mukhang problemado talaga. Pero bago pa man makasagot si Wilson ay kinuha ni Dock ang atensiyon nila sa kakalabas lang mula sa banyo hawak ang cell phone ni Wilson na naiwan sa loob ng banyo.

“Mukhang may nabubuong love team, o! Team Sawi! Sasahh and Wilson. Kaso mukhang sawi si Wilson.”

Wilson hissed a curse. “Please, Sasahh, let me see you tonight. If you don’t want me to come to your place then come over here instead. I’m gonna send these fuckers outta here,” malakas na basa ni Dock sa message ni Wilson.

“You fucker!” Wilson hissed. Mabilis itong tumayo, tinalon ang sandalan ng sofa at patakbong sumugod kay Dock.

“I’m sorry, Wilson, but what happened between us was pure lust on my part.” Muling basa ni Dock bago nahablot ni Wilson ang cell phone mula sa kamay ng kaibigan.

“Dickhead!” Malakas na itinulak ni Wilson si Dock na sinagot lang ng huli ng malakas na tawa. Sinong Sasahh ang tinutukoy ni Dock? Sasahh Rodriguez kaya? Bumalik si Wilson at Dock sa mga puwesto ng mga ito.

“It seems like you had shared a steamy night with Sasahh, and now you want to get back in to Sasahh’s pants again but she just rejected you. Kaya ka bad trip ngayon.” It came from Dock again in an almost laughing tone.

“I swear, you are the luckiest son of a bitch I know,” Dock continued mocking Wilson.

“Shut the fuck up, Dickhead!” Wilson said with a scowl.

“Sandali, pare. May nangyari sa inyo ni Sasahh? Si Sasahh Rodriguez na kaibigan ni Lyca, ng asawa ko?” hindi makapaniwalang tanong ni Alford.

“Si Sasahh Rodriguez na kapatid ni Tyler na mahal ng asawa mong si Lyca,” pabale-walang sagot ni Wilson at sinabayan ng inom ng beer.

“So, you want us to fight, dude?” hamon niya sa kaibigan. Parang ulo naman yata niya ang uminit sa sinabi ng kaibigan. Sira-ulo rin ang isang ito. Dahil bad trip ang kaibigan pati siya idadamay. Kung suntukin niya kaya ang gagong ito. Malakas na humalakhak si Dock sa naging palitan ni Alford at Wilson ng mga salita.

“Sorry, dude!” hinging-paumanhin ni Wilson sa kanya.

“Kailan ka pa naghabol sa babae?” Si Dock na nagbukas na rin ng beer.

“Hindi ko rin alam. I think she had bewitched me. I couldn’t forget her. I couldn’t forget the night we shared. The electricity between us was amazing! It was the most amazing one-night stand I had ever had. I want to hold her again, at handa akong ipagkanulo kayo maulit lang `yon!”

Napuno ng malakas na tawanan ang buong bachelor’s pad ni Wilson.

“Well, I feel the same way, dude. Kaya ko rin kayong ipagkanulo bumalik lang ulit ang asawa ko.” Si Falcon na itinaas ang lata ng beer.

“Same here,” sang-ayon naman ni Alford at itinaas rin ang beer.

“Ako? Wala naman akong problema sa buhay-pag-ibig. But I feel an intense craving for someone, and I would be willing to cut off your penises, grind them and feed them to the dogs to indulge my fucking sexual needs.” It was Dock, raising the can beer and they clinked their cans together before drinking.

“Mabuti talaga tayong magkakaibigan!” Wilson said after downing his beer. Muli silang nagkatawanan. Siya at si Tres ang mas naunang naging magkaibigan. High school pa lang sila ni Tres, magkaibigan na sila, habang si Dock at Wilson ay nakilala nila noong college days. One of the uncountable sublimes they had was that both of them always supported each other’s back. Shielding their backs for the most possible onslaughts from their unwanted companions. Empowering an unbreakable bond.

“So, may kinalaman ba si Sasahh with your having second thoughts about getting married?” asked Falcon. Nagkibit ng balikat si Wilson.

“I don’t know. Pero kasi, hindi ko rin talaga mahal si Samantha. I couldn’t see my future with her. And I don’t know if I can live with her for the rest of my life.” Wilson was a submissive son and grandson. Lahat naman sinusunod nito, pero kagaguhan talaga kung susunod ang kaibigan sa gustong mangyari ng lolo nito. Kasal na ang pinag-uusapan. Panghabang-buhay na commitment.

“Being married is great if you are married to the right woman.” Tres’ opinion was absolutely right. It was an amazing feeling when you got married to the woman of your dreams.

“But Sasahh will be leaving soon for New York. Sawi ka talaga, dude. Huwag ka nang umasa.” Mabilis na natuon ang mga mata ni Wilson kay Alford.

“Aalis siya? For vacation?”

“I think for good. Sabi ni Lyca, natanggap raw si Sasahh sa isang modeling agency sa New York. I think she won’t give up her dream para sa ibang bagay. Lalo’t mukhang wala namang gusto sa `yo ang tao.”

Natahimik si Wilson, natuon ang mga mata sa kung saan pero walang particular na tinitingnan habang umiinom ng beer.

Napansin ni Alford ang pag-ilaw ng kanyang cell phone. Kinuha niya iyon at excited na binuksan ang messenger nang mag-pop up ang pangalan ni Lyca.

“Fuck it!” he cursed quietly as Lyca sent him another photo. Nakadapa ito, nakatukod ang mga siko sa kama, her perfect breasts were hanging. Naka-pout ito na para bang batang nagpapaawa. May message na “What time ka uwi?”

Mabilis siyang nag-type ng isasagot.

Alford: Saglit lang ako. Stay in your birthday suit until I get home.

Lyca: Ilang minutes ba? I’m gonna count.

Alford stifled his chuckle, biting the inside of his cheeks to prevent an outburst of laughter. Then he replied. “One hour.”

Lyca: Hays! Ang tagal! Miss you na, giliw ko!

Napahaplos si Alford sa kanyang panga, unable to control his smile any longer. Damn it! Napapangiti talaga siya nang sobra. Ngayon lang sila nag-chat ni Lyca nang ganito. Ngayon lang din naglambing si Lyca. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakatingin sa kanya ang tatlo with a grimace.

“Seriously? Nagba-blush ka talaga?” parang nandidiring sabi ni Wilson.

“Anong nagba-blush? Nakangiti lang, nagba-blush agad? Lyca sent me a comical meme.”

“Namumula ang tainga at leeg mo.”

Hinaplos ni Alford ang leeg at piningot ang sariling tainga. Parang ang init nga ng mukha niya, lalo ang kanyang tainga.

“Dahil lang sa beer,” rason niya. His phone beeped again. Another message from Lyca.

Lyca: Can’t sleep without you. huhuhu!

Tuluyang natawa si Alford. Sa sobrang tuwa ay sinuntok niya si Tres sa upper arm.

“Kailangan ko na talagang umuwi, dude. Galit na ang asawa ko,” pagdadahilan niya habang malapad na nakangiti, an expression of utter happiness on his face but Alford wasn’t aware of it. Kinuha ni Tres ang sariling cell phone at kumalikot sandali bago inilapat sa tainga.

“Hoy, brat! Matulog ka na nga at ipahiram mo muna sa amin ang asawa mo. Nagsisimula—Fuck!” Nagmura si Tres at inilayo ang cell phone mula sa tainga.

“What happened?”

“Ang batang `yon talaga. Sinigawan ako.” Hinila ni Tres ang sariling tainga na parang nasaktan.

“Ano ang sabi?”

“Pamilyadong tao ka na raw pero kinakaladkad pa kita. Hindi raw siya makatulog na wala ka.”

Alford’s eyes widened. “Sinabi niya `yon? Totoo? Galit talaga siya?” Muling sinuntok ni Alford si Tres sa braso, saka tumawa nang tumawa.

“My wife is fucking adorable. Shit! She’s so cute. Galit siya sa inyo, pare. Ang cute, `di ba?” Tinabig ni Tres ang kamay ni Alford na patuloy na sumusuntok dito habang tumatawa kahit wala namang nakakatawa.

“Ha-ha-ha! Galit ang asawa ko sa inyo, pare! Isn’t she cute?”

“Sabi sa `yong huwag kang mag-aabogado dahil sa mental talaga ang bagsak mo niyan, eh.” Si Wilson na naiiling habang nakatingin kay Alford na tuwang-tuwa.

“She’s a nagging wife and not cute.” Naiiling na ininom ni Tres ang beer.

“For me that’s cute. Palibhasa, wala kayong mga asawang naghihintay sa inyo dahil hindi makatulog.” Muling tumawa si Alford at malakas na sinuntok si Tres sa braso habang umiinom ng beer dahilan para matapon iyon. “Hindi siya makatulog na wala ako. Shit, pare, ang cute lang, `di ba?”

“Umuwi ka na nga! Kapag bumalik ang asawa ko, ikaw naman ang iinggitin ko!” nauubusan ng pasensiyang angil ni Tres kay Alford.

“Isa pang suntok at tatama na ang kamao ko sa mukha mo,” babala ni Tres sa kanya na akma na namang susuntok.

Isinuntok na lang niya ang kamao sa sariling palad, saka isinandal ang ulo sa sandalan, itinuon ang mga mata sa kisame habang nakangiti.