CHAPTER 23
NAGLAKAD sina Lyca at Señora Celestia sa hardin. The garden was very beautiful. Different varieties of flowers and plants that came in all shapes and sizes, from dwarf shrubs to taller trees, were growing everywhere. They were the types of flowers that will wake you up in full bloom with vibrant colors. Ang ganda ng landscaping. May wishing well at wooden peddler na puno ng makukulay na bulaklak. Pero hindi napagaan ng ganda ng hardin ang kalooban niya.
Lyca felt a myriad of emotions. Hindi siya makapaniwalang may anak si Alford sa Monica na iyon. His first love. Paano na ngayon? Nasasaktan siya. Ang gusto niya sa mga oras na iyon ay umuwi na. Pakiramdam niya, wala na siyang puwang sa lugar na iyon at lalo sa buhay ni Alford.
Her huband was with his first love and their son. Ano ang laban ng isang katulad niyang pinakasalan lang naman dahil sa pananagutan; babaeng hindi handang bigyan ng anak ang asawa dahil takot sa responsibilidad. At sa katotohanang sumasampal sa kanya na mas pinili ni Alford na magpunta sa lugar na iyon kasama ang mag-ina kaysa ang manatili sa kanyang tabi at pag-usapan ang kanilang problema. Sapat na ang mga kaalamang iyon para masabing hindi siya ang pinipili ni Alford.
“I’m not tolerating my grandson.” Naputol ang malalim na pag-iisip ni Lyca nang magsalita si Señora Celestia.
“Alam kong mahirap ang sitwasyon mo. Kung ako man ang nasa kalagayan mo ay hindi ko rin alam kung paanong tatanggapin ang ganito. Pero kawawa naman si Fenix. He needs a family. Sana tanggapin mo ang bata. Si Alford ang dapat na mag-alaga sa kanya kapag wala na si Monica.”
Her eyes snapped toward Señora Celestia, eyebrows crumpled. “Kapag wala na? Ano po ang ibig n’yong sabihin?”
Tumigil sa paghakbang ang señora at tumingin sa kanya. “Monica is seriously ill. She’s dying.”
Bahagyang napasinghap si Lyca. Ikinagulat niya ang sinabi ni Señora Celestia.
“S-si Monica? May sakit?”
“She was diagnosed with colorectal cancer, at ngayon ay nasa stage four na. Tinaningan na ng doktor ang buhay niya. At gusto ni Monica na kung babawian man siya ng buhay ay gusto niyang dito sa Sta. Barbara kung saan siya ipinanganak at lumaki. At gusto niyang masigurong nasa maayos si Fenix.”
Señ ora Celestia’s statement shocked her. She was speechless and completely stunned, unable to take in this sudden news. It hardly registered with her state of mind. Ilang segundo o minuto siguro siyang nakatulala at nakatingin sa matanda hanggang sa hawakan siya ni Señora Celestia sa balikat. She blinked her eyes rapidly, trying to pull herself together after hearing a shocking news.
“Pakiusap, hija. Tanggapin mo si Fenix. Sana huwag masira ang relasyon n’yo ni Alford nang dahil dito.”
Tanging ang pagbuka at pagsara lang ng bibig ang nagawa ni Lyca. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. Did she need to leave at ipahiram si Alford sa mag-ina? Kaya ba niya? What if Monica survived? Ano ang mangyayari? Tuluyan na siyang iiwan ni Alford? She looked up, and suddenly there was a jab of sadness and pain which brought a sharp intake of breath.
Matapos makapag-usap ay bumalik si Lyca at Señora Celestia sa mansiyon. Agad silang sinalubong ni Alford na naghihintay sa lanai. Inirapan niya ang asawa at nilagpasan pero pinigil siya. Hinawakan siya sa braso saka pinihit paharap.
“Alford, tigilan mo ako at baka masapak na talaga kita! Babalik na ako ng Manila ngayon din.” Binawi niya ang braso mula sa pagkakahawak ni Alford saka malalaki ang hakbang na pumunta sa hagdan.
“Lyca, let’s talk,” pakiusap ng asawa habang nakasunod sa kanya habang papaakyat siya sa hagdan. Dumeretso siya ng kuwarto. Hindi niya pinansin si Alford. Hindi naman talaga galit ang nararamdam niya kundi tampo at sakit. Sobra siyang nasasaktan dahil sa hindi pagpapahalaga nito sa kanya bilang asawa. Bakit hindi man lang sinabi ni Alford sa kanya ang bagay na iyon? Kinuha ni Lyca ang maleta pero napigil siya nang yakapin siya ni Alford mula sa likuran.
“Please. Mag-usap tayo. Magpapaliwanag ako,” pakiusap ni Alford habang nakasubsob ang mukha nito sa gilid ng ulo niya.
“Hindi na kailangan. Obvious naman na sila ang pinili mo. Iniwan mo ako para samahan sila rito. Ano ba naman ang laban ko sa first love at anak mo? Pero sana sinabi mo na lang para hindi ako nagmukhang tanga!” She wriggled out of his grip.
“Lyca, hayaan mo muna akong magpaliwanag. Hear me out first.”
“Ayoko!” She spat.
“This is the reason kaya hindi ko masabi sa `yo dahil…”
“Dahil ano? Dahil mahirap akong kausap? I’m still your wife and I deserve to know everything!”
“Lyca, sasabihin ko naman sa `yo. Balak kong sabihin sa `yo ang bagay na `to pagbalik ko sa Manila. I wanted to tell you everything personally.”
“Oh, thank you!” she said sarcastically. Alford stared at her a little more intently for a few moments before grabbing both her wrists.
“Mali ako. If you want to hurt me then go. Saktan mo ako kung gusto mo pero hindi ka aalis—Ouch!” Alford groaned in pain when Lyca punched him in the right eye.
“Ikaw ang may sabi niyan, pinagbigyan lang kita.” Minasahe ni Alford ang paligid ng mata at marahang natawa. Natatawa pa talaga ang hinayupak na ito.
“Kapag sa pananakit ang bilis mong sumunod sa sinasabi ko. Ang sakit n’on, ah?” His voice carried with it a gentle laughing tone.
“You deserve it!”
“Ngayon ba papakinggan mo na ako?”
“Hindi pa rin!” Inabot ni Alford ang kamay niya pero inagaw ni Lyca iyon at humalukipkip.
Bumuntong-hininga si Alford at muli siyang tinitigan nang matagal na sandali. Tinaasan naman niya ng kilay ang asawa.
“Can I ask you something, Lyca?” mayamaya ay tanong ni Alford pero hindi siya umimik.
“Hindi mo ba kayang tanggapin ang pagkakaroon ko ng anak?” Nasa mukha ni Alford ang lungkot at pag-asam.
“Kaya kong tanggapin ang bata. Kaya kong tanggapin ang nakaraan mo. Pero hindi ko kayang makipagkompitensiya sa kasalukuyan; sa kalabang alam kong mas importante… sa `yo.” Her voice choked with emotion, tears welled up in her eyes. Naninikip ang dibdib niya sa katotohanang may ibang mahal si Alford. Agad niyang pinahid ang luhang bigla na lang pumatak mula sa mga mata niya.
Shit! Hindi niya gustong umiyak at ipakita sa lalaking ito na nasasaktan siya. Alford gently gathered her in his arms.
“Lyca, I’m sorry,” he said softly, his hand cupping her cheeks as he angled her head to look at him. Masuyong pinahid ni Alford ang luhang dumaloy na naman sa kanyang pisngi. Hindi na niya mapigil pa. Ang sama-sama ng loob niya.
“Do you still love her?”
“Ha?”
“Si Monica! Mahal mo pa rin ba siya?”
“Oh, no, no! Wala kaming naging relasyon ni Monica.” Marahas niyang inalis ang pagkakahawak ni Alford sa mukha niya at humakbang paatras.
“So, ano `yon? One-night stand? Sabagay, hindi na bago `yon sa `yo. Fuck and run is your favorite habit. Sana `yon na lang ang ginawa mo sa `kin.”
“Lyca, wala kaming naging relasyon ni Monica. Walang nangyari sa amin—”
“Puwede ba, Alford! Ano `yon, bigla na lang nabuntis si Monica nang titigan mo—”
“Fenix is not my son,” putol nito sa kanya.
“What?”
“Hindi ako ang tatay ni Fenix.”
“Alford, you are making nonsense. Enlighten me! Paanong hindi ikaw ang tatay ni Fenix, eh, lahat ng tao rito, `yon ang inaakala. Isa pa, `yon ang sinabi mo sa `kin.”
“Dahil `yon ang gusto naming palabasin ni Monica. Gusto naming isipin ng lahat na ako talaga ang tatay ni Fenix. Kaya nang tanungin mo ako kanina hindi ko magawang itanggi dahil nandoon si Grandma at Grandpa.”
Lalo siyang naguguluhan sa pinagsasabi ni Alford. “Pero bakit? Kung totoo ang sinasabi mo, bakit hindi niya iwan si Fenix sa totoo nitong tatay? Bakit sa `yo na hindi naman kaano-ano? Sa ginagawa n’yo, lolokohin n’yo ang bata!”
“Dahil `yon ang makakabuti para sa kanya. `Yon ang makakabuti para sa lahat.”
Ano ba ang pinagsasabi ng asawa niya? Lalo siyang naguguluhan. Iginiya siya ni Alford para paupuin sa gilid ng kama. Binuksan nito ang drawer sa pinakaibaba ng nightstand at kinuha mula roon ang isang folder. Alford sat next to her, leaving a space between them so they could turn to each other and talk. Inabot sa kanya ang folder. May pagtatakang binuklat ni Lyca ang folder. DNA test result.
Fenix’s name was written on the space after Child’s Name. As her eyes averted to the father’s name her eyes widened as a sharp gasp escaped of her lips. Nanlalaki ang mga matang tumingin siya kay Alford.
“Is this for real?” Her voice was barely above a whisper.
Alford nodded. “S-si Papa… Ang papa mo ang biological father ni Fenix!”
“NAGKAROON ng relasyon si Papa at Monica.”
“God!” Lyca’s eyes still wandered on the paper she was holding. Nasa mukha ang matinding pagkabigla. Kahit naman sino ganoon ang magiging reaksiyon dahil katulad ni Alford ay sobra din siyang nagulat nang sabihin iyon sa kanya ng ama.
“How?”
“Me, Monica and Charles, my cousin, were best friends. Bata pa lang kami ni Monica, hindi na niya itinago ang matinding paghanga kay Papa. Monica wanted a man like him. `Yon ang lagi niyang sinasabi. Kung magkakaroon siya ng asawa ay lalaking katulad ni Papa ang gusto niya. Hindi ko naman akalain na lalalim nang gano’n ang paghanga nito kay Papa.
“I thought it was just an admiration of a daughter for a father. My father has all the good qualities of a great father, and a husband, lalo na pagdating sa mga kapatid kong babae. He treats my sisters like real princesses. He does everything in his power to keep the family safe. He shows love and respect and lives totally faithful to my mother. At `yon ang kinaiingit ni Monica. Lumaki kasi si Monica na may amang lasenggero, sugarol, babaero at sinasaktan pa sila ng nanay niya. There was an incident na iniligtas ni Papa ang mag-ina mula sa matinding pananakit ng ama at ipinakulong ang ama ni Monica. My family helped Monica and her mother but her mother died due to colon cancer. Namatay naman sa riot ang ama ni Monica.”
Alford suddenly felt the rush of sadness at the memories. Awang-awa siya kay Monica nang mga panahon na iyon. Wala itong kamag-anak sa Sta. Barbara dahil hindi naman talaga tagaroon ang pamilya ni Monica. Dayo lang ang mga ito sa bayan. Tinulungan ng pamilya niya na makapag-aral si Monica. Katulong noon sa mansiyon ang nanay ng babae.
“Five years ago, Monica went to Manila and stayed in our house for a vacation. One night, Papa came home in his drunken stupor, only Monica was in our house with the maids. I don’t know where I was at that time, but my mother and my grandparents were on vacation. Monica took care of Papa and… Ayon may nangyari sa dalawa.
“Her feelings for my father deepened when she lost her virginity to him. Nagpatuloy ang secret affair ng dalawa hanggang sa mabuntis si Monica. Si Monica na mismo ang lumayo at hindi alam ni Papa na nabuntis si Monica. She was about to tell Papa about the child pero minsang magpunta si Monica sa bahay at si Mama ang nakausap, noon raw siya tinamaan ng konsiyensiya. Noon niya na-realize kung gaano kabuting tao ang niloloko niya at sasaktan. Umalis siya at wala na sanang balak bumalik pa, hanggang sa magkasakit nga siya.
“I was shocked when Papa called me the night I had a run-in with you, and told me everything. I wanted to beat the shit out of him that night. Lalo na nang sabihin niyang kung puwede kong akuin ang bata. Hindi ako pumayag dahil unang-una, ikaw ang inisip ko. Kaya nagpasya muna akong dalhin ang mag-ina rito.
“Pero habang nakakasama ko si Fenix, nakaramdam ako ng awa para sa bata, sa sarili kong kapatid. He doesn’t deserve to suffer from his parents’ mistake. Lalo na si Mama. It will be the death of her. Buong buhay niya, akala niya perpekto si Papa. `Yon ang taas-noo niyang ipinagmamalaki sa mga tao. Papa is a perfect and ideal man in her eyes. This secret will tear her apart, it will tear our family apart. And I can’t stand to see my mother broken.”
His mother was one of the most important things in his life, at hindi niya kakayaning makita itong nasasaktan.
“Yeah. Mama Deanna is one of the most wonderful persons I’ve ever met. She’s kind-hearted. God, she doesn’t deserve to be betrayed like this. This is too much!”
Inabot ni Alford ang pisngi ni Lyca at pinahid ang bigla na lang pumatak na luha. Nakita niya kung gaano napalapit si Lyca sa kanyang mama kaya siguradong nasasaktan ito para sa kanyang mama.
“What’s your plan?”
Inabot ni Alford ang kamay ni Lyca at pinisil ang kamay nito. “Papayag ka bang akuin ko si Fenix bilang anak ko?”
Marahang tumango si Lyca, hindi man lang nagdalawang-isip. “Kung `yon ang makakabuti para sa lahat.”
“Paano ang sasabihin ng ibang tao?”
“I don’t give a flying fuck about what they will gossip. Fenix will be your son from another woman in the eyes of everyone; from your past. It would be better for the child to have your name, rather than be a love child from a sinful affair between your father and your best friend. Fenix is an adorable kid and he doesn’t deserve to be bullied by anyone. He deserves a wonderful life. He has nothing to do with his parents’ mistake.”
“I can’t believe this! Where is my brat wife? Akala ko, magmamaktol ka at sasabihin mong ayoko!” Alford mimicked Lyca’s voice. Hinampas siya ni Lyca sa braso.
“Nakaka-mature lang talaga siguro kapag in love,” Lyca said as she averted her gaze and looked at the wall. His heart suddenly kicked in dahil sa sinabi ni Lyca.
“What? In love?” Dahan-dahang tumingin sa kanya si Lyca at tipid na ngumiti.
“Yeah. Ganoon naman tayo kapag in love kay God, `di ba? Magiging positive ang magiging tingin sa lahat ng bagay.”
“Oh, I see. You’re in love with God.” He let out a fake laugh. Akala pa naman niya sa kanya na. Aasa pa ba siya, eh, kay Tyler ito in love. Fuck that man! Ang sana ay sayang umusbong sa puso niya ay naudlot at nahalinhinan ng inis. Muli niyang naalala ang paghahalikan ni Lyca at Tyler. Itinukod niya ang kanyang kamay sa likuran at itiningala ang ulo.
“`Yong tungkol sa amin ni Tyler…”
Hindi umimik si Alford. Hindi rin niya pinagkaabalahang tingnan si Lyca. Ayaw niyang makita ang ekspresyon nito.
“Nakipagkita ako sa kanya, Alford, para humingi ng tawad. Tyler fell in love with me pero hindi ko na matatanggap pa ang pagmamahal niya dahil gusto ko nang manatili bilang asawa mo.”
Noon tumingin si Alford kay Lyca. Kahit paano ay gumaan ang nararamdaman sa sinabi nito.
“Talaga? Kahit hindi mo ako mahal mananatili ka sa `kin?”
Ngumiti si Lyca pero hindi na nagawa pang sagutin ang tanong niya nang biglang bumukas ang pinto.
“Papa!” hiyaw ni Fenix. Tumakbo ang bata at yumakap sa kanya. Kinandong niya ang bata.
“Pasensiya na, hindi ko maawat, eh.” Si Monica na nakasunod. Mukhang hinabol nito si Fenix.
“Fenix, pinapagod mo si Mommy,” malumanay na saway niya sa bata. Bumungisngis lang ito saka bumaling kay Lyca.
“Hello, Mama Lyca!” pagkamangha ang bumalatay sa mukha ng asawa nang tawagin ito ni Fenix ng ‘mama’.
“Hello daw.” Si Alford sa naaaliw na tono dahil sa pagkakatulala ni Lyca habang nakatitig kay Fenix.
“H-hello.” Lyca held out her hand to the kid. Sa halip na abutin iyon ng bata ay dumukwang ito at kumunyapit sa batok ni Lyca at napakaraming halik ang iginawad nito sa pisngi ng kanyang asawa. Dahil naka-lean forward si Lyca habang yakap ito ni Fenix ay nagkalapit ang mukha ng dalawa. Malapad na nakangiti si Lyca at ang ngiting iyon ay nauwi sa marahang pagbungisngis.
His wife was very beautiful. Gusto niyang makitang lagi itong nakangiti. Hindi napigilan ni Alford ang sarili at hinalikan niya ang asawa sa labi na ginantihan ni Lyca ng isang tipid pero genuine na ngiti.
“Bitawan mo na si Mama Lyca,” utos ni Alford kay Fenix nang mukhang wala itong balak bumitaw. Sumunod naman ang bata.
“Why are you calling me mama?” tanong ni Lyca, and a cheeky smile appeared on Fenix’s face before answering her.
“You are my Papa Alford’s wifey. Mommy and Papa told me that you will be my mama. I promise I’ll be a good boy.” Itinaas nito ang right hand bilang panunumpa.
Ipinaliwanag ni Monica kay Fenix ang nalalapit nitong pag-alis, pero sa pinakamadaling paraan. Sinabi ni Monica kay Fenix na iiwan ito kay Alford dahil kailangan ni Monica na umalis; na pupuntahan nito si God dahil may ipinapagawa.
“Ila-love mo po ako?” Nasa mukha ni Lyca ang iba’t ibang emosyon. Lungkot at pagkaawa.
“Of course. You are so adorable. And I love an adorable kid.” Inabot ni Lyca ang pisngi ni Fenix at marahang hinaplos.
“Mana sa `kin, `no? Adorable hubby.”
“Huwag naman sana mamana lahat sa `yo. Baka sumakit ang ulo natin `pag nagkataon.”
Malakas na humalakhak si Alford.
“Mama Lyca, gawa mo po ako pancakes,” malambing na ungot ni Fenix na malapad na ikinangiti ni Lyca.
“Pancake?” sunod-sunod ang ginawa nitong pagtango.
“Papa tells a story about you every night before I go to sleep. He told me that your pancake is the best and most delicious pancake in the whole wide world.” Gumawa ito ng malaking bilog sa hangin gamit ang kamay.
“Igawa mo ako ng pancake, please! Hindi masarap pancake ni Yaya at Mommy.” Pinatulis ni Fenix ang labi at pinagsalikop ang maliliit nitong kamay. Natawa naman si Alford at Monica.
“Sige, igagawa kita.”
“Yehey!” Humiyaw nang paulit-ulit ang bata saka tumalon pababa. Hinawakan nito ang dalawa kamay ni Lyca at hinila ito patayo.
“Ngayon na?” naaaliw na tanong ng kanyang asawa.
“Yes, please!”
“Okay!” Lyca stood up, and an involuntary giggle escaped from her as Fenix dragged her out of the room.
Hindi na nagawa pang ipakilala ni Alford ang asawa kay Monica. Sumunod siya sa dalawa at si Monica ay nagpaalam na magpapahinga muna sa kuwarto.
Pababa na ang dalawa sa hagdan nang magtanong si Lyca sa bata.
“Gusto mo akong maging mama? Okay lang sa `yo?”
“Yes! How about you? You want me to be your baby?”
“Of course!” Lyca responded with a giggle.
Ang akala ni Alford ay mahihirapan siyang ipaintindi kay Lyca ang bagay na iyon. Ano ang nangyari at bigla ay parang willing ito maging ina kay Fenix? Alam niyang ayaw pa ni Lyca na magkaanak at naiintindihan niya iyon. She was too young and wanted her freedom. At iyon ang pinoproblema niya kung paanong sasabihin kay Lyca ang tungkol kay Fenix, pero hindi naman niya akalain na magiging madali lang pala ang lahat.