CHAPTER 11
“SO, MISTER Pierced-dick—I mean, Attorney. Magkuwento ka naman,” Sasahh chuckled.
Malakas na tumawa si Alford. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Everyone saw his pierced dick because of that video. Kasalukuyan silang nasa opisina niya. Tinawagan niya si Sasahh at makikipagkita sana sa babae dahil may mga gusto siyang itanong tungkol sa kapatid nitong si Tyler. Pero ayon kay Sasahh ay ito na lang ang pupunta sa opisina niya dahil nagkataong nasa malapit lang ito.
“Ano ang ikukuwento ko?”
“About you and Lyca. Napapaamo mo na ba siya? Nakatulong ba ang mga sinabi ko sa `yo about her likes and dislikes. Did you discover about her fantasies?”
Malapad na ngumiti si Alford nang maalala ang mga ginawa nila ni Lyca. Ang kitchen scene at lalo na ang ginawa nila sa sinehan.
“Oh. My. God! Sa ngiti mo pa lang, mukhang oo.” Si Sasahh kasi ang nagsabi sa kanyang kailangan niyang madiskubre ang mga gusto at hindi gusto ni Lyca. Pati na rin ang mga fantasies ng asawa kung gusto talaga niyang mag-work ang relasyon nila.
Tinanong niya si Sasahh kung ano ang fantasies ni Lyca na tinutukoy nito pero ayaw sabihin ng babae. Trabaho na raw niyang alamin ang tungkol sa bagay na iyon.
“May gusto pa akong malaman. Can you give me some info about your brother?”
“Ano ba ang gusto mong malaman?”
“Everything. Si Tyler ba ang dahilan kung bakit sumali si Lyca sa Artha Club?”
Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Sasahh. “Not really. Gustong-gusto na talaga niya iyon noon pa man, pero mas lalong naging determinado ang gaga nang maging miyembro si Tyler. Lyca has really been in love with my brother since the start. Freshman year pa lang namin. Actually, si Tyler din ang dahilan kung bakit nag-enroll siya sa photography workshop.”
Kumuyom ang kamay ni Alford na nasa ibabaw ng desk. Such a lucky bastard!
“I like Lyca for my brother. Kung puwede ko lang sabihin sa kapatid ko na gusto siya ni Lyca ginawa ko na pero hindi `yon gusto ng kaibigan ko. Gusto niyang magustuhan siya ni Tyler hindi dahil gusto niya ang kapatid ko. Gusto niya na kusa siyang ligawan ng kapatid ko. But then, may asawa na siya at ayaw ko namang masaktan ang kapatid ko.”
“What do you mean?”
“I’m not sure but I think Tyler is starting to fall for Lyca. Panay ang tanong ng kapatid ko about Lyca. Kaya pakiusap lang, Alford, magmadali ka naman para ma-in love na sa `yo ang kaibigan ko.”
“Bakit hindi mo sabihin diyan sa kapatid mo na may asawa na si Lyca?”
“Ayaw kong panghimasukan si Lyca. Umaasa kasi siyang maghihiwalay rin naman kayo.”
Tumiim ang bagang ni Alford sa narinig. Kung ganoon, hanggang ngayon ay gusto pa rin ni Lyca na makipaghiwalay sa kanya.
“O, `di naman kaya, give up mo na si Lyca, at hayaan mo nang magkatuluyan ang dalawa. Tutal, mukhang nagkakagusto na si Tyler sa kaibigan ko.”
“Hell, no!”
“Then make a move. Don’t let your pierced-dick do all the tasks.”
Isinandal ni Alford ang ulo sa sandalan ng swivel chair. Maayos naman sila ni Lyca lately. Nagkakasundo naman sila pero hindi ibig sabihin na panghabang-buhay silang ganito, lalo’t may ibang mahal ang asawa niya. Gusto niyang mag-work ang marriage nila ni Lyca. Nagkakaedad na siya at gusto na rin niyang bumuo ng pamilya. Sawang-sawa na rin siya sa pagiging buhay binata. At si Lyca ang gusto niyang makasama at maging ina ng magiging mga anak niya.
Tumingin uli si Alford kay Sasahh. “Saan gaganapin ang party bukas?”
“Sa Artha Club mansion.”
“Pupunta ako, pero huwag mong sasabihin kay Lyca.”
“Sasama ako. Nandoon si Tyler. Baka mamaya, magpang-abot kayo at saktan mo ang kapatid ko.”
Nagkibit ng balikat si Alford. “Okay. Gusto mo, sunduin na lang kita?”
“That’s great. I have to go. Sasamahan ko pa si Mommy sa doktor niya.”
“May sakit ang mommy mo?”
“Wala naman. She’s pregnant. Akalain mong makakabuo pa rin. Kaya ikaw, buntisin mo na ang kaibigan ko para tapos na ang drama n’yo,” sabi ni Sasahh at sinabayan ng tayo.
“Ayaw pa nga, eh.” Tumayo si Alford.
“See you tomorrow. Tawagan mo na lang ako kung anong oras tayo magkikita, okay?”
“Okay.” Hinalikan niya sa pisngi si Sasahh bago lumabas ng kanyang opisina. Nabitin ang muli niyang pag-upo nang makita ang wallet sa ibabaw ng kanyang desk. Naiwan ni Sasahh. Kinuha niya iyon at lumabas ng opisina.
Sa paglabas ni Alford ay nakita niya si Wilson at Sasahh na mukhang nagtatalo. Mahigpit ang pagkakahawak ni Wilson sa braso ni Sasahh. Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng kanyang kaibigan. And before his friend could react, her knee rose and met his balls in a quick thrust.
Ouch!
Wilson clutched himself and curses flew from his mouth. Galit na nagmartsa palayo si Sasahh. Nilapitan niya si Wilson.
“What happened? Okay ka lang, pare?”
Tiningala si Alford ng kaibigan niyang namimilipit sa sakit. “Fuck you!” He snarled at him. “Hindi ka na ba talaga magbabago?”
O, ano ang ginawa niya at mukhang sa kanya galit ang kaibigan? “Ano ang problema mo? Ano ang ginawa mo kay Sasahh at tinuhuran ka?”
Tumuwid ng tayo si Wilson. Tumalon-talon ito at muling nagmura nang makaramdam siguro ng sakit sa pagitan ng mga hita.
“Magkaibigan si Lyca at Sasahh. May balak ka bang gawing kabit si Sasahh?”
Malakas na tumawa si Alford at inihampas sa ulo ni Wilson ang wallet. “Gago! Ang dumi ng utak mo.” Inihampas niya ang wallet sa dibdib nito.
“Habulin mo si Sasahh at humingi ka ng tawad sa kung ano man ang mga sinabi mo. At pakibigay na rin ang wallet niya.”
Binuklat ni Wilson ang wallet. Nanlaki ang mata nito at muling nagmura.
“Bakit?” Tangkang sisilipin ni Alford ang nakapagpalaki ng mga mata nito pero mabilis iyong isinara ni Wilson.
“Sige na, ibibigay ko `to sa kanya.” Patakbo itong pumunta ng elevator. Bumalik uli siya sa opisina pero bago pa man makapasok ay tinawag naman siya ni Athena, ang sekretarya ni Judge Romulo, ang kanyang lolo.
“Attorney, pinapatawag po kayo ni Judge,” imporma sa kanya ni Athena.
Pumunta siya sa opisina ng kanyang lolo. Pagkaupo pa lang ni Alford sa visitor’s chair ay itinulak na nito palapit sa kanya ang isang folder. Binuklat niya iyon at sinuri.
“A rape case,” usal niya. Iyon ang kaso ng anak ng isang congressman na ginahasa ang menor-de-edad na anak ng katulong nito. Si Rex Atanante.
“Ikaw ang humawak sa kaso ng anak ni Congressman Atanante.”
Nag-angat siya ng tingin sa lolo niya, isinara ang folder at ibinalik iyon sa matanda. “I can’t. It’s against my principles to defend an evildoer in court, Sir.”
Umalon ang dibdib ni Atty. Romulo sa sagot niya. “Against your principle o sadyang hindi mo talaga kayang ipanalo ang imposibleng manalong kaso?” Romulo’s lips pulled back into a mocking grin. Nasa tono rin nito ang pangmamaliit sa kanya.
Ganoong-ganoon si Atty. Romulo mula pa man noon, estudyante pa lang siya. He used to insult him para lang gawin niya ang bagay na gusto nito. Epektibo naman ang pamamaraan ng matanda. Natsa-challenge siya sa ginagawang pang-iinuslto ni Atty. Romulo sa kanya. Ginagawa niya ang lahat para patunayan na mali ito ng akala sa kanya. Pero ngayon, sanay na siya at hindi na nagpapadala pa sa matanda, lalo na kapag hindi niya gusto at labag iyon sa sariling prinsipyo.
“Great lawyers can win bad cases. Hindi mo ba talaga kayang tapatan ang abilidad namin ng ama mo?”
“Hindi ko lang ho siguro kayang tapatan ang tibay ng sikmura n’yo, Sir. I can’t stand seeing victims suffer, get injured, and don’t get the justice they deserve while criminals are walking free.” Tumayo siya at bahagyang iniyuko ang ulo bilang paggalang sa lolo niya saka ito tinalikuran.
“Alford!” His booming voice stopped him in his tracks. “This firm will never be yours hangga’t hindi ka sumusunod sa gusto ko!”
Itinaas ni Alford ang dalawang kamay, saka tuluyang lumabas. Bumalik siya sa opisina at agad sinalubong ng isang matandang babae na naghihintay sa labas ng kanyang opisina. May bitbit na isang malaking basket na puno ng prutas.
“Aling Camia, ano po ang ginagawa mo rito?”
“Attorney, ibibigay ko lang ito sa `yo bilang pasasalamat.” Kinuha niya ang basket sa matanda na punong-puno ng prutas.
“Naku, maraming salamat ho pero sana hindi na kayo nag-abala. Galing pa ba kayong Laguna nito?”
“Ay, oho, Attorney. Nagdala kami ng prutas at gulay sa Divisoria at naisipan kong dumaan dito.”
“Naku, pinagod n’yo pa po ang sarili n’yo.”
“Bale-wala ito sa tulong na ibinigay n’yo sa amin. Kung hindi sa tulong n’yo ay nakamkam na ang taniman namin ni Mayor. Tinulungan mo kami nang libre.”
“Wala po `yon?” Ginambala ng isang tikhim ang pag-uusap nila ni Aling Camia. Nilingon niya iyon, at laking gulat niya nang makita ang huling taong inaasahan na pupunta sa kanyang opisina.
“Lyca?”
“Hi, hubby!” May matamis itong ngiti sa mga labi.
“What are you doing here?” he asked, surprised.
“Binibisita ko ang asawa ko. Wala ka naman sigurong tinatagong babae sa opisina mo.”
Malakas siyang tumawa at inakbayan ang asawa. Ipinakilala ni Alford si Lyca kay Aling Camia at nang magpaalam ang matanda ay pumasok sila sa loob ng opisina pagkatpos ibilin sa kanyang sekretarya na papasukin na lang ang kliyente kapag dumating.
“Good samaritan ka pala, `no?”
“Hindi lang halata, pero oo.” Idinaan ni Alford sa biro pero totoo namang tumutulong siya sa walang kakayanang makakuha ng abogado.
Iyon ang ikinagagalit sa kanya ng kanyang lolo. Mas inuuna raw niya ang pagbibigay ng libreng serbisyo sa mahihirap, sa halip na mas pagtuunan ang kasong pagkakakitaan niya nang malaki at magbibigay sa kanya ng malaking pangalan. Lahat naman ng kaso ay tinatanggap niya maliban sa kung ang kanyang dedepensahan ay isang kriminal; nanggahasa, sadyang pumatay, drug lords at nanlamang ng kapwa. Mga minor at hindi ginustong krimen na nagawa ng offender ay tinatanggap niya, pero kung ang mga walang kaluluwang kriminal ang dedepensahan ay ibang usapan na. Hinding-hindi niya kahit kailan hahayaan ang sariling magpagamit sa mga ito.
Inilapag ni Alford ang basket sa gilid ng desk, umupo siya sa swivel at kinandong si Lyca. Inilapag nito ang bag sa desk.
“So, what brings you here? You surprised me.”
Ipinaikot ni Lyca ang braso sa kanyang leeg.
“Actually, personal sana akong magpapaalam sa `yo. Pupunta sana kami sa Tagaytay ngayon para aktuwal na kumuha ng mga pictures. Landscape ang subject namin ngayon. Nakalimutan kong sabihin sa `yo kagabi.”
Unti-unting nawala ang pagkakangiti ni Alford. At ang sayang naramdaman ay biglang parang bulang naglaho. Hindi lang dahil sa dahilan ni Lyca kung bakit nandoon ito sa opisina niya kundi sa isipang buong araw na makakasama ng asawa si Tyler sa magandang lugar.
Ano ang gagawin ng dalawa roon? Magtatawanan habang kumukuha ng larawan, magho-horseback riding; together on one stallion. Hihiga sa damuhan habang nagtatawanan. Fuck! Umiwas siya ng tingin at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.
“But I think staying in my husband’s office is better than capturing images.” His gaze flickered to her face. “Can I stay here? Hindi ako mangungulit. Behaved lang ako. Promise.” A broad smile appeared on his face again.
“I would love to work in my wife’s presence.”
“Great!” Her face lit up with impish glee. Sinapo nito ang mukha niya at mariing inilapat ang mga labi sa kanya.
“Libre mo ako ng milk tea, ah.”
He chuckled against her lips. He had the cutest wife. “You have made my day, giliw ko.”
“Kaya ilibre mo ako ng milk tea.” She brushed her lips across his, running her tongue over his luscious lower lip before drawing it and gnawing gently.
“I will, but stop teasing me because my next client will be arriving any minute now.” Lyca giggled and continued teasing him.
“Oh, fuck!” he groaned when Lyca cupped his bulge and rubbed it with her hand.