noveltoon logo noveltoon
Down and Dirty (Fatal Attraction 1)

Chapter 22

Ch. 22 / 29 Feb 05, 2022

CHAPTER 22

BUMALIKWAS si Lyca nang maalipungatan at agad na tiningnan ang kaliwang bahagi ng kama. Plantsado ang sapin at walang bakas na tinulugan iyon. Hindi umuwi si Alford. Parang may pumipisil sa puso niya. She was completely overwhelmed by extreme sadness. Madaling-araw na siyang nakatulog. She could feel her eyelids swelling dahil sa halos magdamag na pag-iyak. Bumukas ang pinto ng walk-in closet at lumabas mula roon si Nanay Carmen bitbit ang kanyang maliit na suitcase.

“Gising ka na pala, Lyca. Ano pa ang dadalhin mo?”

Her brows crumpled as she ran her hands through her face. “Bakit po? Ano po `yan?”

“Pinapaayos sa `kin ni Alford ang mga gamit mo. Ano pa ang dadalhin mo bukod sa damit mo para mailagay ko na rito?”

“Bakit daw po? Saan daw kami pupunta? Umuwi na ba siya? Anong oras siya umuwi?” She bombarded the old woman with questions.

“Umaga na siyang umuwi. Wala namang sinabi kung saan kayo pupunta. Basta pinaayos lang ang gamit mo,” sabi ni Nanay Carmen, saka bumukas ang pinto ng kuwarto.

Parang nag-somersault ang puso niya nang magtama ang mga mata nila ni Alford. Sa hitsura nito, masasabi niyang wala itong tulog. Mukhang puyat din. Napuyat saan? Kay Monica?

Agad siyang nag-iwas ng tingin nang parang mas piniga pa ang puso niya sa isiping magkasama sina Alford at Monica buong magdamag. At ayaw na niyang isipin kung ano ang ginawa ng mga ito sa mga oras na magkasama ang dalawa. Lalo lang siyang nasasaktan.

“Get dressed.”

Muli niyang ibinalik ang tingin kay Alford nang magsalita ito. “S-saan tayo pupunta?”

“Sa bahay ka muna ng parents mo pansamantala.”

“What!?” she exclaimed in shock. Dahil ba ito sa nangyari kahapon? Isasauli na siya ng asawa sa bahay nila. “Dahil ba ito sa nangyari kahapon? Alford, I’ve already explained myself pero ayaw mo lang makinig.”

“Whatever happened yesterday has nothing to do with this—”

“Oh, c’mon, Alford! Alam kong `yon ang dahilan. So, is this your way to solve the problem? Sino ngayon ang immature sa `tin? Sa halip na pag-usapan ang problema, isasauli mo ako?” Her voice was escalating, clearly exasperated.

“Nanay Carmen, lumabas po muna kayo.” Nagpalipat-lipat ang tingin ng matanda sa kanilang dalawa.

“Kung ano man ang problema n’yo, pag-usapan n’yo,” sabi ni Nanay Carmen bago sila iniwan ng matanda. Marahas niyang hinablot ang comforter na nakatakip sa katawan niya saka tumayo.

“Pupunta lang ako sa Sta. Barbara. Hindi kita puwedeng iwan dito.”

“Bakit hindi mo na lang ako isama?”

“Kung puwede lang, but I can’t.”

“You can’t kasi nga galit ka sa `kin.”

Nagbuga ito ng marahas na hininga. “Please, Lyca, stop arguing. Sumunod ka na lang muna.”

Punong-puno ng pait siyang ngumisi saka itinaas ang dalawang kamay sa ere. “Okay!”

Pumunta siya sa walk-in closet saka kinuha sa sulok ang malaking suitcase. She placed it on the thickly padded square bench in the middle of the room. She grabbed a handful of her clothes from the closet and shoved them in the suitcase.

Bakit ipipilit ni Lyca ang kanyang sarili sa taong ayaw sa kanya. In the first place, ito naman ang gusto niya. Ang isauli siya ni Alford. Dapat masaya siya. Hindi niya kilala kung sino si Monica pero siguradong ito ang dahilan ng lahat ng nangyayari. Ayon kay Alford ay first love nito ang babae. Ibig sabihin, dating karelasyon. Baka nagkabalikan na.

“Lyca, what are you doing? Isang linggo lang akong mawawala.”

Hindi niya pinansin si Alford. Tuloy-tuloy siya sa paglagay ng gamit sa suitcase.

“Lyca, please!”

“Shut up!” asik niya at sinabayan ng marahas na lingon kay Alford na nakatayo sa may pinto.

“Huwag ka nang magsalita at huwag ka nang magdahilan. Ako na mismo ang aalis kung `yan ang gusto mo. And thank you! Ito rin naman kasi talaga ang gusto ko noon pa man!” Buong pagpipigil niyang huwag pakawalan ang luhang kanina pa nagbabadyang tumulo dahil sa galit, sakit at kung ano-ano pang emosyong lumulukob sa kanya.

HALOS lahat ng gamit niya ay dinala ni Lyca. Pababalikan na lang niya ang iba. Gusto ni Alford na ihatid siya pero hindi niya pinayagan. Binubulyawan niya ang nagtangkang lumapit sa kanya, kaya sinabi ni Alford sa mga bodyguards at driver na pabayaan na lang siya. Siya ang nag-drive pero alam niyang nakasunod sa kanya si Alford.

Pagdating sa bahay ay sa kuwarto siya dumeretso. Her mother inquired but she refused to answer. Baka masumbatan pa niya ang ina. Kung hindi kasi sa nanay niyang nagpilit na ipakasal siya kay Alford ay wala sana siya sa ganitong sitwasyon. Hindi sana komplikado ang buhay niya ngayon.

Habang nakahiga sa kama ay bumukas ang pinto pero hindi niya ginawang lingunin kung sino man ang taong pumasok. Ayaw niyang makipag-usap muna sa kahit na kanino. Bawat mabagal na hakbang ng intruder ay parang nabibingi siya. Parang naging sensitibo ang kanyang pandinig sa katahimikan. Her eyes snapped forward Alford’s direction nang nasa kabilang bahagi na ito ng kama kung saan siya nakaharap.

“Let’s talk.”

Nagtalukbong siya. “I don’t want to talk to you! Leave!” matigas niyang tanggi.

“Please, Lyca!”

Marahas niyang inalis ang pagkakatalukbong. “Huwag mo akong ma-please-please! Kagabi, gusto kitang makausap pero ano ang ginawa mo? Nilayasan mo ako at mas pinili mong puntahan ang Monica na `yon. Bumalik ka sa kanya kung gusto mo and I hope she will die!”

Tumiim ang mukha ni Alford. “Dahil galit ka magsasalita ka na ng ganyan sa tao? God, Lyca! Death is a very sensitive topic. Kung si Oreo nga iniyakan mo tapos sasabihin mo `yan sa tao.”

Aba’t ipinagtatanggol pa ng hinayupak ang babae nito. Lalong tumindi ang nararamdaman niyang galit. “Umalis ka na at huwag mo na akong babalikan!”

Matagal siyang tinitigan ni Alford. Nananantiya ito. Parehas silang masama ang loob. Magsasalpukan at magsasalpukan sila ng lalaki.

“Hindi tayo magkakaintindihan, Lyca. Both of us are apoplectic with rage. We both need a break for a while.”

“Na hindi naman sana mangyayari kung marunong kang makinig. Ikaw ang nagpapalala!”

“Kaya nga sabi ko, mag-usap tayo ngayon, `di ba?”

“For what? Isinauli mo na ako, `di ba?”

“Hindi kita isinasauli—”

“Whatever! Umalis ka na!”

Alford shook his head, raising both hands. “If that’s what you want! Fine!” Iniwan siya ni Alford.

Dumapa siya at bumulalas ng iyak. She never knew this kind of pain existed. Nagkaroon na siya ng ilang boyfriend pero hindi naman niya iniyakan ang naging break up nila ng mga ito. Pero ngayon ang sakit-sakit. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. She felt as if her heart had broken into a million pieces. Buong buhay niya, hindi siya umiyak nang ganito at lalong hindi nasaktan nang ganito. Ayaw niya ng ganoong pakiramdam! She hated this kind of emotion.

“Lyca?” Boses iyon ni Alford at mayamaya ay hinawakan nito ang nanginginig niyang balikat dahil sa sobrang pag-iyak. Pinaharap siya nito at pinaupo. Umupo ito sa gilid ng kama.

“W-why are you… still here?” tanong niya sa pagitan ng pag-iyak. Kinabig siya ni Alford at mahigpit na niyakap.

“Tahan na! Paano akong aalis kung ganito ka? I hate seeing you cry!”

“I-ikaw ang… nagpapaiyak sa `kin!”

Hinagod ni Alford ang likod niya. “Okay, I’m sorry… I’m sorry…” His soft voice soothed her and she relaxed slightly. His fingers stroked her hair from the crown of her head down over her shoulder. Matagal silang nasa ganoong ayos na walang nagsasalita hanggang sa tumahan na siya.

It was strangely wonderful in his solid arms. She just felt that a lot of tension between them was relieved. Gusto niyang ganoon lang ang posisyon nila. Ayaw niyang umalis si Alford. Nag-ingay ang cell phone nito. Hinugot iyon ni Alford saka sinagot ang tawag.

“Yes? Inihatid ko lang si Lyca. Papunta na.” Humigpit ang yakap niya sa asawa. Bakit ba tuwing may tatawag dito, parang senyales iyon na maghihiwalay na sila ni Alford.

“Pupunta lang ako ng Sta. Barbara, sa probinsiya ni Mama pero babalik din ako agad. May kailangan lang akong asikasuhing mahalagang bagay. Hindi kita puwedeng iwan sa bahay. And please, Lyca, huwag matigas ang ulo mo. Huwag na huwag mong tatakasan ang mga bodyguards mo.”

“Bakit hindi mo na lang ako isama? Alford, may problema tayo pero ngayon ka pa talaga aalis?”

“Pag-usapan natin ang problema natin pagbalik ko. Mahalaga lang talaga itong lakad ko.” Gaano kahalaga para unahin nito iyon kaysa ang ayusin ang problema nilang mag-asawa. Gusto niyang magtanong pero hindi na lang niya ginawa.

FIVE days na silang hindi nagkikita ni Alford. Nagkakausap sa phone pero hindi madalas. Kasalukuyang nasa sala si Lyca kausap si Deanna, ang mama ni Alford. Dinalaw niya ang ginang. Kataka-taka ring hindi nito alam na nagpunta si Alford ng Sta. Barbara. May asyenda ang mga lolo’t lola ni Alford sa mother side sa probinsiya.

“Bakit walang sinabi sa `kin si Mama na nasa Sta. Barbara ang batang `yon. Bakit hindi ka isinama? Matagal na kayong pinapupunta nina Mama at Papa. Gusto ka nilang makilala.”

Nang ikasal sila ni Alford ay hindi nakapunta ang lolo’t lola ng asawa dahil may sakit raw ang lolo nito.

“Siguro po, tungkol sa kaso ang ipinunta niya. Kaya siguro hindi na ako isinama dahil alam niyang mang-iistorbo lang ako,” pagbibiro niya.

“Napakahirap talaga ng trabaho nilang mag-ama. Kung ako lang, hindi ko gustong mag-abogado si Alford noon pero iyon ang gusto niya. Gusto ng batang `yon na makatulong sa mga taong nangangailangan. He’s the kind of lawyer who provides free legal help to people who cannot afford to hire a lawyer. Galit na galit `yon sa mga kriminal.

“Gagawin niya ang lahat makulong lang ang may sala. Kung hindi lang dahil sa naging banta sa buhay mo, hindi niya bibitawan ang kaso ng rape victim.”

“Ho? Dahil sa `kin? Bakit po dahil sa `kin?”

“Hindi ba niya sinabi sa `yo?”

Umiling siya. “Kinumbinsi ni Alfred si Alford na siyang humawak sa kaso ni Rex Atanante but Alford refused. Defending an evildoer is against his principle. Sa halip ay ang biktima ang pinili niyang tulungan. Kaso, nakatanggap na naman siya ng death treat. Namatay ang pusa mo, `di ba? Kagagawan `yon ng kampo ni Congressman at nagbanta na ang susunod na bala ay sa `yo na mapupunta. At nito lang ay may natanggap na naman siyang banta. May nagpadala sa opisina niya ng larawan mo na binutasan ang ulo. May nagmamatyag sa `yo kaya nagpasya siyang bitawan na lang ang kaso kahit gustong-gusto niya `yong ipanalo.”

Her mouth fell agape in shock and horror, hand splayed across her chest. Kaya pala ganoon kahigpit sa kanya si Alford matapos mabaril si Oreo. Pero bakit hindi sa kanya sinabi iyon ng asawa? He should have let her know about this matter.

“Dapat sinasabi sa `yo ni Alford ang mga ganitong bagay para aware ka. Ang batang `yon talaga.”

Ginagawa ni Alford ang isang bagay na hindi nito gusto para protektahan siya. Hindi alam ni Lyca kung ano ang mararamdaman sa bagay na iyon.

“`Ma, sundan ko po kaya si Alford sa Sta. Barbara? Isasama ko na lang ang mga bodyguards.”

Matamis na ngumiti sa kanya ang ginang. “Mahal mo na ba ang anak ko?”

Nahihiya siyang yumuko.

“Siguro po. Basta gusto ko po lagi ko siyang kasama. Inip na inip na nga ako. Gusto ko na siyang makita.”

Natutop ng ginang ang sariling bibig at nasa mukha nito ang matinding kasiyahan. Alam naman kasi ng mama ni Alford na wala talaga siyang pagmamahal sa lalaki. Lagi niyang binabara ang mga suggestions nito noong pinaplano pa lang ang kasal nila. Gusto nito ay engrandeng kasalan pero ayaw niya. Hinawakan ni Deanna ang dalawa niyang kamay at mahigpit na hinawakan.

“Natutuwa ako. Alam kong darating ang araw na mamahalin mo rin siya. Alford loves you so much, hija. I know he’s a womanizer pero alam kung nagbago na siya simula nang ikasal kayo. Ang magkaanak ang gusto niya ngayon pero hindi ka pa raw handa sa bagay na `yon.”

“Hayaan n’yo po, `Ma. Soonest po!” Sa tuwa ng ginang sa sagot niya ay mahigpit siyang niyakap ni Deanna.

Gumanti ng yakap si Lyca. She was so lucky to have a wonderful mother-in-law. Hindi kompleto ang kasiyahan at hindi matatawag na perpekto ang pagsasama ng mag-asawa kung hindi kasundo ang in laws. The mother-in-law/daughter-in-law issue can cause a great deal of friction and stress between the couple gaano man nila kamahal ang isa’t isa. Iba pa rin ang sayang makukuha kapag kasundo mo ang lahat.

ANG NAABUTAN ni Lyca nang marating niya ang Hacienda Costa ay mga kasambahay lang. Hapon na sila nang makarating. Inabot din ng anim na oras ang biyahe. Ayon sa katulong ay nagpunta si Señora Celesia at Señor Domenico sa banana plantation. Si Alford naman raw ay lumabas din kasama si Fenix. Hindi niya alam kung sino ang Fenix na tinutukoy ng kasambahay. Siguro ay pinsan ni Alford o tauhan sa hacienda. Ang pagkakaalam niya ay may mga kamag-anak si Alford na doon nakatira. Ang dalawa namang kapatid ng asawa ay puro nasa ibang bansa raw. Isa pa lang sa kapatid ni Alford ang nakikilala niya—si Ate Armania, ang sumunod sa kanyang asawa. Naroon ang babae sa kasal nila ni Alford.

Warm welcome naman ang ibinigay kay Lyca ng mga katulong. Dinala ng mga ito ang gamit niya sa kuwarto ni Alford. Inilibot siya sa buong mansiyon pati na rin sa kuwarto ng asawa. Matapos siyang i-tour at makaramdam ng pagod ay ipinaghanda siya ng meryend a.

Nasa sala siya at nakikipagkuwentuhan kay Mira, ang pinakamadaldal na kasambahay sa lahat, habang ang kasama niyang bodyguards ay nasa kusina at nagmemeryenda.

“Alam mo, napakabait mo po, Ma’am Lyca. Kung sa `kin, hindi ko papayagan magpuntang mag-isa ang asawa ko rito. Magkamatayan na!”

Marahan siyang natawa sa sinabi ni Mira. “Bakit naman hindi ko papayagan ang asawa kong magpunta rito?”

“Hay!” Eksaherada nitong inilagay ang kamay sa dibdib. “Hindi ka ba nagagalit na makasama niya ang ex niya rito?”

Ang tangkang pag-inom ni Lyca ng juice ay natigil sa sinabi ni Mira. Bigla ay parang tambol ang dibdib niya sa lakas ng tibok ng puso niya.

“Ex? Anong ex?”

“Ex. Ex- gerlpren . Dating jowa. Akala ko nga, `yong Monica na `yon ang asawa niya kasi `yon ang kasamang umuwi rito. Magkababata si Señorito Alford at Monica. Nagkahiwalay lang raw nang magpunta raw si Monica ng Singapore—Ay patay!” Natigil ang katulong sa pagsasalita nang makita ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ni Lyca. “Ang daldal ko. Pasensiya na po. Akala ko kasi, alam mo ang tungkol sa kanila.”

Inilapag ni Lyca ang baso. Nanginginig ang mga kamay niya. Si Monica ang kasama ni Alford na nagpunta roon? Parang hindi siya makahinga. Naninikip ang dibdib niya dahil sa mga nalaman.

“`Ayan na yata sila,” sabi ni Mira nang may marinig na mga boses. Nagtatawanan. Pinunasan niya ang luha at napunta ang mga mata sa pinto kung saan nanggagaling ang mga boses.

Si Alford, may kargang batang lalaki at may kasamang magandang babae. Nagtatawanan habang papunta sa kinaroroonan niya. Hindi siya nito mapapansin dahil abala sa pakikipagtawanan sa batang karga habang nilalaro ng bata ang robot na laruan. Nakasunod naman sa mga ito ang dalawang matanda. Natigilan si Alford nang sa wakas ay makita siya. Matinding gulat ang bumalatay sa mukha nito.

“L-Lyca,” usal nito. Lumapit si Alford habang nakatingin sa kanya. Sinusuri siya. Parang hindi mapaniwalang nasa harap siya ng asawa. Tumayo siya.

“W-what are you doing here?” Ibinaba ni Alford ang bata. Agad namang nilapitan ng babae ang bata. Sa tingin niya ay tatlo o apat na taong gulang ang bata. Ang babae naman ay parang ibinabad sa suka sa putla ng balat.

“Fenix, let’s go upstairs. Sa room muna tayo ni Mommy.” Anak ng babae ang bata.

“No! Magpi-play pa kami ni Papa ng robot.” Yumakap ang bata sa hita ni Alford.

Sa pagkakataong iyon ay parang hinugot ang puso ni Lyca mula sa kanyang rib cage at dinurog. Niyuko ni Alford ang bata.

“Fenix, sama ka muna kay Mommy. Susunod si Papa, okay?”

Lyca took a sharp intake of breath. Papa? Hindi kaya… Oh, no! Anak ba ni Alford ang batang ito? Kung ibabase sa hitsura ay kahawig na kahawig ni Alford ang bata. Ang mga mata ay katulad na katulad ng sa kanyang asawa.

“Sino ang batang `yan?” sabay na nag-angat ng tingin ang babae at si Alford sa kanya na patuloy sa pagkumbinsi sa bata.

Tumuwid ng tayo si Alford. “Halika, mag-usap tayo…”

“Sagutin mo ako! Anak mo ba ang batang `yan?” She tried to remain calm pero ang tibok ng puso niya, hindi na talaga makalma. “I’m asking you!”

“Y-yes!” Para iyong bombang sumabog sa harap niya. Mabilis na tumalikod si Lyca at mariing ipinikit ang mga mata. Her hand clenched against her chest. She could almost sense a shaft of pain rocketing through her heart. Her heart was knocking frantically against her rib cage. May anak si Alford!

Don’t you dare break down, Lyca! You will embarrass yourself.

Gusto niyang bumuka na lang ang lupa at lamunin siya. O kung masamang panaginip man iyon ay sana magising na siya.

“Lyca, mag-usap muna tayo.”

Naramdaman niyang hinawakan siya ni Alford sa balikat. Ilang ulit siyang bumuntong-hininga bago muling humarap sa asawa. Nasa mukha ni Alford ang matinding pag-aalala nang makita ang sakit at lungkot sa kanyang mukha.

“Alford, let me talk to her first.” It came from the old woman, si Señora Celestia. Nasa mukha rin ng matandang babae ang matinding pag-aalala.