noveltoon logo noveltoon
Zech Marquez (The Billionaire Boys Club 5)

Chapter 8

Ch. 8 / 10 Mar 03, 2022

KATATAPOS lang kausapin ni Karina sa telepono ang head coordinator ng simbahan sa Sagada na tinutukoy ni Sofia. Excited naman ang head coordinator na doon napiling idaos ang kasal ng dalawang negosyanteng taga-Maynila.

She adjusted her eyeglasses as she picked up her organizer to set up a meeting with the caterer. Sa sulok ng kanyang mga mata, napansin niya si Tammy na kausap ang delivery man na may dalang isang malaking bouquet ng tulips.

“`Oy, Karina,” tawag ni Tammy pagkatapos kunin ang mga bulaklak. “May regalo ka na naman mula kay Zech. `Day, ang haba na talaga ng hair mo.” Nakangisi pa ito nang ilapag sa mesa ang mga iyon.

Karina just stared at it for a moment and then shook her head. Binuklat niya ang organizer kahit hindi na niya alam kung ano ang gagawin doon. “Ilayo mo na ang mga `yan at hindi ako makapag-concentrate sa trabaho.”

“Mainit yata ang ulo mo ngayon. Kahapon lang, para kang nasa cloud nine paghatid sa `yo rito ni Zech Marquez, ah.” Kinuha na ni Tammy ang mga bulaklak.

“Wala ako sa cloud nine kahapon. Guniguni mo lang `yon.”

“Paanong guniguni? Eh, kitang-kita ko ang mga senyales sa `yo ng isang nag-uumpisang umibig.”

“What? I’m not—”

“Hija, it’s okay to fall in love once in a while. Medyo nakakaloka ang experience, but you’ll love it all the same.”

Gusto nang batuhin ni Karina ng paperweight ang kaibigan. “Tammy, huwag mo na muna akong kulitin ngayon. I’m not in the mood.”

“Okay.” Agad itong lumayo. “Sigurado ka bang ayaw mo nitong regalo ni Zech?”

“No. Yes. Just... just put it away.”

Bumalik na sa sariling mesa si Tammy na patuloy sa paghanga sa mga bulaklak.

The pink tulips looked good and very expensive. Mali ang unang akala ni Karina na mahirap mahalin ang isang tulad ni Zech Marquez. Ang totoo, madali lang naman itong mahalin dahil habang tumatagal, nagiging maganda sa kanyang paningin ang mga inakala niyang masama nitong ugali. Ang problema lang, mahirap ma-in love kay Zech, lalo na at alam niya ang totoo nitong intensiyon sa pakikipaglapit sa kanya.

How could she fall in love with the man who had the very intention of hurting her in the end?

But you already did, Karin, sabi ng kanyang puso. You have fallen in love with him already.

“Karin!” Exaggerated ang pagiging hyperactive ni Sofia pagpasok sa botique kasunod ang boyfriend nito. “Kumusta?”

“I’m good.” Hopefully. “And you look... harassed.”

“But still pretty.” Exaggerated pa rin pati ang tawa ni Sofia. “Ito kasing si Denniz, nangungulit na naman.”

Nagkamot sa ulo si Denniz. “Pasensiya ka na, Karin. Naistorbo ba namin ang trabaho mo?”

“Hindi naman. Napadalaw kayo sa shop?”

Masuyo pero mukhang talunang pinagmasdan ni Denniz si Sofia na abala sa kakatingin sa mga nasa display window.

“Nag-freak out na naman si Sofia nang sabihin kong kukuha na kami ng wedding rings. Bigla na lang siyang nagyaya rito.”

“Well, we don’t have any available rings here but I can assure you, Mr. Serrano, that your fiancée will be fine. Jittery lang siya dahil sa nalalapit n’yong kasal.”

“Sana nga. Dahil tuwing aakto siyang parang gusto nang umurong sa kasal, ako naman ang parang aatakihin ng nerbiyos.”

Narinig yata ni Sofia ang sinabi ni Denniz kaya lumapit ito at masuyong niyakap ang lalaki.

“I’m sorry, Denniz. Hindi ko rin alam kung bakit tuwing mababanggit ang tungkol sa kasal natin, lagi akong parang natataranta. I’m excited, that’s for sure. Kaya pasensiya ka na kung mali ang impression na naibibigay ko sa `yo…” Hindi na naituloy ni Sofia ang sinasabi dahil napako na ang tingin nito sa mga bulaklak na kasalukuyang inilalagay ni Tammy sa isang vase. “Ang ganda naman ng mga `yan. Gusto ko rin ng mga `yan sa kasal ko.”

“Itatanong namin kay Mr. Zech Marquez kung saan siya kumuha ng mga bulaklak na `to,” natatawang sabi ni Tammy.

“Wait. Galing kay Zech ang mga `yan?” tanong ni Denniz. “But he doesn’t send flowers. He doesn’t even want flowers per se.”

“Ipinadala niya ang mga ito para kay Karin.”

Sabay pang napatingin kay Karina sina Denniz at Sofia. Napabuntong-hininga na lang siya. “It doesn’t mean anything.”

“Oh, yes, it does,” giit ni Sofia. “Sumama ka sa `min, Karin.”

“Sumama saan?”

“Sa jewelry shop. Help us choose the rings for our wedding.”

“Pero—”

“Sumama ka na, Karin,” singit ni Denniz. “Hindi ka titigilan niyan hangga’t hindi ka pumapayag. Take it from me.”

Wala nang nagawa pa si Karina. Sofia and Denniz were her biggest clients to date. Kaya gagawin niya ang lahat para ma-satisfy ang mga ito sa serbisyong ibibigay niya. Kahit pa patulan niya ang mga random acts ng isang jittery bride na gaya ni Sofia.

Isa pa, makakatulong din naman ang paglabas para hindi na niya isipin ang tungkol sa bago niyang tuklas na damdamin para kay Zech.

TMQ JEWERLY was probably the most exclusive and expensive jewerly shop in the heart of Makati. Sa entrance pa lang, alam na agad na hindi iyon basta-bastang bilihan ng mga alahas. Anim na unipormado at nakaarmas na mga guwardiya ang nagbabantay roon. Mula sa floor-to-ceiling glass windows, mapapansing walang tao sa loob ng shop at ilang mga ilaw lang ang bukas.

“Sarado yata.” Sinulyapan ni Karina ang suot na relo. “Pero bakit hindi pa sila nagbubukas? Hindi naman holiday ngayon, ah.”

“It’s open,” sabi ni Denniz.

Nang pagbuksan sila ng guwardiya, na-realize ni Karina na tama si Denniz. Pero bakit walang ibang customer?

“Teka, call of nature,” sabi ni Sofia.

“This way, sweetheart.”

“Alam mo kung saan ang CR dito?”

“Ilang beses na rin naman akong nakadalaw dito tuwing may mga special occasion si Zech na dito ang venue. Let’s go?” Iginiya ni Denniz si Sofia sa kabilang bahagi ng malawak at malaking shop.

Naiwang mag-isa si Karina kaya tumingin-tingin na muna siya sa mga naka-display na alahas. Na talaga nga namang nakakalula ang mga nagkikislapang bato sa mga iyon. One particular set of rings caught her attention. The stone was no bigger than a coffee bean but its red-and-blue color had the most amazing glitter. Kahit sa kaunting liwanag, nagniningning ang mga iyon.

“That’s the red-and-blue diamond. The rarest of its kind.”

Muntik nang mapatalon sa gulat si Karina nang marinig ang pamilyar na boses.

“Zech! What the hell are you doing here?”

“I own this place.”

Napatanga siya. And then it hit her! TMQ stood for The Marquise Jewelry! “Paano mong nalaman na nandito ako?”

“I didn’t. Ang alam ko lang, sina Denniz at Sofia ang darating ngayon nang tawagan ako ni Denniz kanina. Ang sabi niya, ngayon na raw sila pipili ni Sofia ng wedding rings. So I closed the shop to accommodate them.”

“That’s... that’s very nice of you.”

“Hindi naman. Ganito rin ang ginawa ko noong bumili rito sina Treize, Ran, at Yeoji ng mga wedding ring.”

“I see.”

“You liked them?”

“What?”

“The flowers I sent you.”

“Ah…” He looked like he was in a good mood. And she didn’t really want to ruin that, for some unknown reason. “Yes, I like them. Thank you.”

Bawat sagot ni Karina, lumalayo siya nang isang hakbang kay Zech. Nang masigurong may sapat nang distansiya sa pagitan nila, ibinalik niya ang pansin sa mga singsing na kanina pa niya tinitingnan.

“Ngayon lang ako nakakita ng red and blue diamonds. They’re beautiful.”

“Green, yellow, lavender, pink, coffee brown, and black.” Isa-isang itinuro ni Zech ang mga alahas na may mga diamond na nagtataglay ng mga binanggit nitong kulay. “According to romantic people, diamonds are the gems of lovers.”

“Hindi ko alam. Para sa `kin, walang kinalaman ang kahit na anong kayamanan sa usaping pampuso. When you love, you just love.”

“Ganoon lang pala kasimple ang magmahal.”

“Oo.” She was still watching the mysterious glitter of the colored diamonds, lalo na ang kulay-kapeng diamond. Para kasing may naaalala siya tuwing nakikita ang pagkislap ng diamond na iyon. “Napakasimpleng sabihin. Pero sa isip ng isang taong nagmamahal, magulo at complicated ang lahat ng bagay. But once he or she looks inside his or her heart, he or she will find out that he or she never has to understand what is it about love that makes his or her head spin. Ang kailangan lang naman talaga niyang gawin ay pakinggan ang tibok ng puso niya.”

Natigilan si Karina.

Talagang galing sa kanya ang mga salitang iyon? But then again, maybe she was right. All she had to do was listen to her heart and then everything would be all right. Tumingin siya kay Zech na tahimik lang. He was very close and was looking straight at her, giving her full access to his beautiful but mysterious brown eyes. Bumilis na naman ang tibok ng kanyang puso.

Listen to your heart, Karin. Listen to your heart.

And for the first time, she did.

“Your eyes are like those brown diamonds, Zech,” she said, almost a whisper. “I can’t believe I said that.”

“And your lips are like those glistening red diamonds. So soft...” Their breaths mingled as he moved closer to her. “So sweet...”

“Wala namang malambot na diamonds. O matamis…”

His smile reached his eyes as his mouth descended on hers. It was the most beautiful sight she had ever seen before she closed her eyes and felt his warm, gentle lips caressing hers.

Hindi na alam ni Karina ang sumunod na nangyari. Ang totoo, wala na siyang pakialam sa mga sumunod na nangyari. Ang alam lang niya, nasa mga bisig siya ni Zech, ang lalaking isinumpa niyang kahit kailan ay hindi niya magugustuhan. Pakiramdam niya nang mga sandaling iyon, nakalutang siya at sila lang ang mga tao sa mundo.

She could feel his heart beating fast against her palms. And he tasted so good it intoxicated her mind. Kaya siguro hindi na niya naisip na puwede silang makita ng ibang tao sa ganoon ka-intimate na eksena. Hanggang sa marinig na lang niya ang bulungan nina Sofia at Denniz. Nakabalik na ang mga ito!

“Aw… so sweet.”

“Maybe we should just walk around a little more, Sofia. Baka makaistorbo tayo.”

“Hindi `yan. Oh, just look at them, Denniz. Sabi na sa `yo, eh. Bagay talaga sila.”

“At siguradong magpipiyesta nito sina Dunkey at Pamela oras na malaman nila ang tungkol dito.”

“Sigurado. Wala pa namang ibang inisip ang mag-among `yon kundi ang patuloy na pagpapasikat sa Philippine Stats at ang Billionaire Boys Club nila . ”

Karina abruptly ended the kiss and moved away. Pero hinapit siya ni Zech sa baywang. At mukhang wala yata itong balak na pakawalan siya. Kinawayan kasi nito sina Denniz at Sofia nang hindi siya binibitiwan.

“Sorry, Zech. Naistorbo ba namin kayo?” Nakangiting lumapit si Denniz. His gray eyes were dancing with amusement.

“I swear wala kaming nakita,” sabi ni Sofia na hindi rin maitago ang kakaibang pagngisi.

The two saw them kissing! Parang gusto nang lumubog ni Karina sa kinatatayuan.

“May napili na ba kayong singsing para sa kasal n’yo?” Zech gallantly stepped ahead of Karina, giving her a place where she could hide for a while. “May hinahanap ba kayong particular design or kulay ng bato?”

Si Sofia ang sumagot. “I swear wala talaga kaming nakita!”

“We want that blue diamond ring.” Itinuro ni Denniz ang isang estante na may hilera ng mga nagkikintabang singsing na may iba’t ibang kulay. “Kanina pa `yan tinitingnan ni Ganda—”

“That’s not for sale.”

Halos sabay-sabay pa sina Karina, Sofia, at Denniz na napatingin kay Zech.

“What do you mean not for sale?”

“I just changed my mind about the red and blue diamonds.”

“Meron palang red diamond?” nakakunot ang noong baling ni Sofia kay Denniz.

Naguluhan din si Karina sa ipinapakitang katigasan ng ulo ni Zech pagdating sa negosyo. She looked up at him. Zech, bakit ba kailangang maging ikaw pa ang lalaking minahal ng puso ko?

“Sa tingin yata ni Zech, kay Karin lang nababagay ang red and blue diamonds,” sabi ni Sofia.

And as if answering that comment, Zech turned and smiled at Karina.

Aw, damn it! Stop smiling at me! Karina sighed. Kahit ano pang shield ang ibalot sa kanyang puso, wala na ring silbi. Kung sana totoo ang lahat ng mga ipinapakita ni Zech, pati na rin ang masuyo nitong halik.

If only those were for real...

“Wala tayong laban kay Karin, Ganda. Ito na lang black opal ang kunin natin.”

“Alam mo ba kung magkano ang halaga niyan, ha, lalaki? Kalahati ng kayamanan mo!”

“Kalahati lang pala. Okay lang `yon.”

“I don’t want a black ring for my wedding!”

“Oh, right. Sorry.”