NAGLALAWAY na si Karina habang hinihintay ang pagdating ng dalawang hiwa ng strawberry shortcake na in-order niya. Sa pinakamalapit na cafe agad siya dumeretso pagkatapos makipag-usap kay Sofia. Bigla kasi niyang gustong mag-celebrate sa bagong project na nakuha niya. But, mostly, dahil malapit nang magbago ang civil status niya from single to soon-to-be-Mrs.-of-somebody.
“Ah, heaven…” Napapapikit pa siya habang ninanamnam ang cake sa bibig.
Matagal na siyang nag-diet sa pagkain ng matatamis dahil sa naging epekto niyon sa kalusugan niya noong bata siya. Muntik na siyang magka-diabetes kung hindi napayuhan ng doktor na maghinay-hinay sa pagkain ng matatamis. Idagdag pa ang katawan niya na bago siya maka-graduate ng high school, halos doble na ang taba niya sa katawan ng kanyang ama. Kaya pagtuntong sa college, pinilit niyang umiwas sa matatamis at magbawas na rin ng pagkain. Hindi naman siya nabigo dahil bago maka-graduate, malaki na ang ipinayat niya.
Ipinagpatuloy niya ang pagbabawas ng pagkain ng matatamis hanggang sa kasalukuyan. Pero paminsan-minsan, kapag may major happenings sa buhay niya, napapakain siya nang wala sa oras. Sinisiguro lang niya na buwan uli ang lilipas bago tumikim ng paboritong pagkain.
“Oh, my gosh! Is that really him?”
“Siya nga `yon, friend! Mabuti pala at naisipan kong bumili ngayon ng cake.”
“Sandali, bibili rin ako para makatabi ko man lang siya sa counter!”
Napunta ang atensiyon ni Karina sa narinig na usap-usapan mula sa mga babaeng malapit sa kinauupuan niya. With a big chunk of cake in her mouth, sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ng mga ito. Isang magandang babae ang papasok sa bakeshop, kasunod ang isang matangkad na lalaki na may distinct Hispanic features dahil sa matangos na ilong, mala-porselanang kutis, at light brown na buhok na siguradong hindi dahil sa artificial hair color. Because it looked really nice that it brought out his handsome features even more.
“That’s him! That’s really him!” impit pang bulong ng babaeng nasa katabing mesa. “That’s Zech Marquez! ”
“Ang guwapo talaga niya!”
Muntik nang mabulunan si Karina sa narinig. That was Zech?!
“Zech, darling, this will only take a minute,” sabi ng babaeng kasama ng lalaki. “Ang sabi kasi ni Tita Lucy, paborito niya ang chocolate cake. Alam mo naman ang mommy mo, laging masama ang mood kapag hindi ko nadadalhan ng pasalubong.”
Hindi sumagot si Zech, sinulyapan lang ang suot na relo. Patuloy itong pinagmasdan ni Karina. Hindi talaga niya maialis ang atensiyon kay Zech. Dahil kung guwapo ito noong teenage years, lalo na ngayon. At kung guwapo si Zech sa magazine na nag-feature rito bilang isa sa mga billionaire boys, goodness! Walang-wala ang mga litratong iyon kompara sa actual nitong kaguwapuhan. He was simply… gorgeous.
Nang hindi sinasadyang mapatingin sa kanya si Zech, their eyes met, and she could almost feel her heart stop beating for a second. And when he started to move towards her…
Napaubo nang wala sa oras si Karina sa kinakain nang tuluyang makalapit ang lalaki at umupo sa bakanteng silya sa table niya.
“Karina Licaros,” sabi nito sa pinakasuwabeng boses na narinig niya. “What a surprise to see you here.”
Oh, my God. Naaalala pa niya ako!
“Why do you look so surprised, Karina? Iniisip mo bang hindi na tayo magkikita pa sa liit ng mundong `to?”
Her heart was pounding against her chest. Inaabangan niya ang pagkikita nila ni Zech Marquez. Pero ngayong nasa harap na niya ang lalaki, bakit parang gusto niyang magtago na muna at mag-recharge?
Recharge? Ano ka ba, Karina? Umayos ka nga.
“Mabuti naman pala at naaalala mo pa ako.”
“Hindi lang ikaw ang naaalala ko, actually. Pati na ang malaking atraso mo sa `kin.”
Ang guwapo talaga, Lord! Bakit hindi Mo naman po ako in-inform? Hindi tuloy ako nakapag-ready.
Ibinalik na uli ni Karina ang atensiyon sa pagkain at hindi na pinansin si Zech. Ang problema, parang hindi naman siya makalunok dahil tinititigan siya nito. “Staring is rude.”
“I’m not staring. I’m waiting for you to apologize.”
“Apologize? For what?”
Imbes na sumagot, sumandal sa kinauupuan si Zech nang hindi inaalis ang atensiyon sa kanya. The way he moved, the way he looked at her, the way he just sat there…it was making her crazy.
At hindi iyon puwede. May misyon pa siya sa buhay na kailangang tuparin.
“Speaking of atraso, oo. Naaalala ko `yon. At matagal na rin akong nakabayad sa `yo. In fact, ako pa nga ang dapat na maningil sa `yo. Dahil mula nang araw na magkrus ang mga landas natin, naging miserable na ang love life ko.” And that really pulled her out of her fascination for him. “Kung hindi dahil sa `yo, may asawa na sana ako ngayon, may pamilya na sana ako, at may pinag-aaral na mga anak.”
“What are you talking about?”
Tinitigan ni Karina si Zech. Shit, ang guwapo talaga. Kain na lang uli tayo.
She pointed her fork at him. “I want to be happy, Zech Marquez, and you will give me that happiness.”
“Really?”
“Yes. Kaya kailangan mong magpakasal agad para mawala ang buwisit na sumpang ibinigay mo sa `kin, buwisit ka.”
“I see.”
Huli na para bawiin ni Karina ang mga sinabi. Naibuking na niya ang sarili. Play dead, Karina. Just play dead.
“You just made one of the biggest mistakes of your life, Karina Licaros.”
“No, I didn’t.” Mamatay na ang dapat mamatay, pero hinding-hindi siya aamin na buking na ang plano niya. “Dahil tama ang desisyon kong strawberry shortcake ang order-in ko. This is the best strawberry shortcake I’ve ever tasted.”
He smiled.
Oh, my God! He. Smiled.
Narinig na lang ni Karina ang pagkalansing ng ingay ng hawak niyang tinidor. Na hindi na pala niya hawak dahil nabitiwan na niya iyon nang hindi namamalayan. And Zech Marquez, in his utmost gentle elegance, picked up the blasted fork and placed it back on the table.
Such elegant hands… and fingers… Gosh, Karin. Will you just stop it?!
“Kailan ka magpapakasal?” Walang sagot mula sa lalaki. Wala ni katiting na reaksiyon sa guwapo nitong mukha. Nagpatuloy siya. “Wala ka pang girlfriend? Sino `yong kasama mo? Maganda. Bagay kayo. Kailan kayo magpapakasal? Bukas? Next week? Next month? Don’t forget to invite me, ha? Tutal, we’re old friends, right? I am so happy for you—”
“I’m not getting married.”
“Why not? Sasayangin mo ang lahi ng angkan ninyo? Itatakwil ka ng mga magulang mo—”
“I am not getting married just to see you suffer even more.”
“What?”
“Hindi ako naniniwala sa mga sumpa-sumpa na `yan. Pero dahil sinabi mong ang ‘sumpa’ ko sa `yo noon ang dahilan kung bakit hindi ka makapag-asawa ngayon kahit ano’ng gawin mo, then I’m okay with that curse crap.”
Ibinagsak ni Karina sa mesa ang hawak na tinidor. “Hindi puwedeng hindi ka magpakasal!”
“At mananatili ang sumpa ko sa `yo hangga’t hindi ako nakokontento sa dinaranas mong kamiserablehan sa usaping pampuso.” Tumayo na si Zech. “Good day, Miss Licaros. Have a wonderful miserable life.”
Wala nang nagawa si Karina nang basta na lang siya talikuran ng lalaki. Gusto niya itong sundan at pigilang makaalis. Kung kinakailangang kumapit siya sa mga binti nito gagawin niya. Ang problema, masyadong mataas ang pride niya kaya nakontento na lang siya sa pag-ubos sa cake na parang nawalan na ng lasa.
Hindi bale, may ibang pagkakataon pa. Ngayong nagtagpo na uli ang mga landas nila, madali na niyang malalapitan si Zech para makumbinsing tanggalin na ang sumpa sa kanya kahit hindi na ito magpakasal pa.
“Magkakilala kayo ni Zech?” It was the woman he came in with. At hindi maganda ang dating nito sa kanya. “I’ve never seen anyone talk to Zech the way you did. I don’t think you know him that well.”
“High school ako nang makilala ko siya. Ikaw, kailan mo siya nakilala? Kahapon?”
“What?!”
Binalikan na ni Karina ang pagkain sa natitirang piraso ng cake. “I don’t want to burst you bubbles but… you’re not on my list of the female candidates for future Mrs. Zech Marquez.”
“A-aba’t— I am Zech’s girlfriend! Wala kang karapatang magsabi ng—”
“Ako lang ang may karapatan dahil doon nakasalalay ang sarili kong kinabukasan.” Karina licked the last traces of icing sugar from her fork. “Actually, wala naman talaga akong pakialam kung sino ang pakasalan ng lalaking `yon. Pero dahil ang lakas mong maka-feeling elitista na wala sa lugar, you’re out of the picture. Kaya good luck sa napakaiksing love story ninyo ni Zech. Kung love nga talaga `yon. That guy doesn’t have a heart. He lost it a long time ago. To my sister who rejected him because their zodiac signs were not compatible.”
“And you think… you think gano’n kababaw si Zech?” Halata na ang pinipigil na inis ng babae dahil sa pamumula ng mukha nito. “He’s not stupid. He won’t linger in a past that was nothing to him.”
“Talaga? Kung wala lang sa kanya ang nakaraan niya, bakit sa palagay mo nakakapit pa rin siya sa ibinigay niyang sumpa sa akin noon? Narinig mo naman siguro ang naging usapan namin kanina, hindi ba?”
Halata na ang pamumula ng mukha ng babae sa galit. Handa pa rin si Karina na patulan ito kapag tinangkang saktan siya. Mabuti na lang at minabuti na lang nitong umalis. Nagpalakpakan ang ilang kababaihan sa katabing mesa na nag-uusap kanina tungkol kay Zech.
“You go, girl!”
“Thank you for keeping our Zech single and available for us!”
“You’re welcome,” pakikisakay ni Karina. “Anytime.”
“Puwede na ba kaming mag-apply para maging Mrs. Zech Marquez?”
“Sure.”
Ngingisi-ngisi lang si Karina habang sinasagot ang mga pabirong tanong at suggestions ng mga babaeng customer.
Now, Zech, tingnan natin kung sino ang unang susuko sa ating dalawa.
“THERE’S a church in Sagada and that’s where I want to get married.”
“Sagada? That’s… somewhere in Mountain Province, right?”
“Yep.”
“Sofia, that’s way too far. Sigurado kang doon mo gustong magpakasal? Dadalhin mo ang buong entourage at mga bisita mo roon?”
“Denniz insisted. Hindi ko siya masisisi. Espesyal kasi sa amin ang lugar na `yon.”
Sofia blushed as if remembering something so beautiful. Napakamot na lang sa ulo si Karina. Minsan talaga, kahit gaano pa kaganda o katino ang isang tao, mayroon pa ring lalabas na kapraningan nito sa buhay.
A wedding at a place that was so hard to reach by land, especially if one was to go from Manila. But Karina had no choice. Trabaho pa rin ito at hindi siya tumatanggi sa kahit na anong may kinalaman sa trabaho.
“Well, we could set up everything there, Sofia. Ang magiging problema, kakayanin ba ng mga bisita mo ang mahabang biyahe paakyat sa Sagada? Hindi biro ang mga daan papunta do’n.”
“Oh, don’t worry. May dalawang chopper si Denniz at nag-volunteer na rin ang mga kaibigan niya na ipapahiram ang mga chopper at coaster bus nila para ihatid doon ang mga invited isang araw bago ang kasal. Para makapagpahinga muna ang lahat bago ang mismong kasal.” Nagpalakad-lakad pa si Sofia habang tinitingnan-tingnan ang mga naka-display sa loob ng shop ni Karina. “I know this wedding sounds crazy but when you’re in love… what is normal? Ay!”
Muntik nang bumagsak sa sahig ang dinampot ni Sofia na crystal doves. Mabuti na lang at naagapan nito iyon at naibalik agad sa estante, saka nakangiting binalingan si Karina.
Noon lang napansin ni Karina ang pagkabalisa sa mukha ng client niya. At hindi na kakaiba sa kanya na makakita ng gaya nitong bride-to-be. “Would you like a drink, Sofia?”
“No.” Umupo ito sa tabi niya. “All I need is Denniz beside me. Where the hell is he, anyway? Ang sabi ko sa kanya, puntahan niya ako rito ngayon.”
“Actually, hinahanap ko nga rin siya. Gusto ko kasing dalawa kayo ang makausap ko para sa progress updates ng kasal n’yo. Baka kasi may mga gusto pa kayong idagdag o ibawas sa preparations.”
Napabuntong-hininga si Sofia. “Ngayon ko lang naalala na tumawag nga pala siya sa `kin na may urgent meeting siya ngayong araw.” Isang beses pa itong napabuntong-hininga. “I’m sorry kung mukha akong aligaga. Hindi ko akalaing ganito pala kagrabe ang pagpaplano ng isang kasal. Lagi akong parang kinakabahan kahit wala naman akong dapat ipag-alala. Dear Lord. I’m not even sure now if I want to get married at all.”
“Okay. Calm down. It’s just nerves.” Sinenyasan ni Karina si Tammy na bigyan si Sofia ng wine para mapakalma ito kahit paano. “Don’t worry. Maaayos din natin ang lahat. Just relax.”
Tinanggap ni Sofia ang baso at mabilis na nilagok ang alak. Mukhang nakatulong naman iyon kahit paano para kumalma ito sandali. “Thank you…”
“Ang mabuti pa, tawagan mo na lang si Mr. Serrano at tanungin kung anong oras ka niya masasamahan dito. We could just cancel our meeting today, at bumalik na lang kayo kapag pareho nang libre ang schedule n’yo. How’s that?”
“I’m here. Sorry I’m late.”
Sabay pa silang napalingon sa nagsalita. Denniz had just entered the shop. Followed by someone Karina was not expecting to meet anytime soon.
“Ganda, pasensiya na kung ngayon lang ako.” Mabilis na lumapit si Denniz kay Sofia. “Nahuli kasi ako ng pulis for overspeeding. Mabuti na lang at nagprisinta si Zech na ihatid ako rito nang madaanan niya kami sa highway.”
Zech. Ah, yes. There he was. Standing so tall, so elegant, and so handsome for his own good.
“Si Zech ang naghatid sa `yo dito? Nasaan na ang sasakyan mo?”
“I left it somewhere.”
“Pero paborito mo ang Mercedes na `yon, hindi ba?”
“Mas importante ka kaysa sa anumang mamahaling sports car.” Hinalikan ni Denniz sa pisngi si Sofia, saka mahigpit na niyakap. “Bahala na ang mga bodyguard ko ro’n. Baka raw kasi hindi ako makapag-asawa ng maganda at sexy kung uunahin kong makipag-deal sa highway police.”
“Kung hindi ka pa pala pinaalalahanan ng mga bodyguard mo, hindi mo pa ako maiisip dito.”
“Of course not. Kaya nga ako nahuli for overspeeding dahil sa pagmamadali kong makarating dito. Huwag ka nang magtampo, Ganda. Papangit ka niyan, sige ka.”
“Nililibang mo na naman akong lalaki ka. Tigil-tigilan mo nga `yang pagpapa-cute mo. Sapakin kita diyan, eh.”
“Ganda, huwag ganyan. Papangit ako, sige ka.”
Naririnig ni Karina ang paglalambingan nina Sofia at Denniz pero ang mga mata niya ay na kay Zech. Gaya niya, nakatingin lang din ito sa kanya habang nakatayo sa tabi ng isang mannequin na nakasuot ng latest design ng wedding gown nila. In an expensive gray suit, he looked like the perfect groom for any bride.
“Kumusta, Zech?” bati niya.
“Good. You?”
“Good din.”
Sinulyapan ni Karina sina Sofia at Denniz na parang may sarili nang mundo. Naisip niyang hayaan na muna ang mga ito. Nilapitan niya si Zech. She stood right in front of him.
“Salamat at inihatid mo rito si Denniz. Kanina pa kasi hindi mapakali si Sofia.”
“Nadaanan ko sila sa tabi ng highway. Nabanggit niyang dahil sa pagmamadaling makarating dito kaya siya nahuli for overspeeding. Kaya ako na ang nagprisintang maghatid sa kanya rito. Tutal, nandoon naman ang mga bodyguard at lawyer niya para asikasuhin ang dapat asikasuhin. His bride needed him.”
She reached for him and smoothened the wrinkled end of his necktie. “Hindi bagay sa `yo na lumabas ng bahay na may lukot ang mga suot, Zech. Baka ma-turn off sa `yo ang mga potential brides mo.”
“Women will not glance at my necktie. They’ll look straight at my face.”
“Hmm...” She looked at his handsome, manly face. “Yes, I know what you mean. Hindi na rin pala magiging mahirap ang paghahanap ko ng babaeng mapapangasawa mo. You’re easy on the eye.”
“I’m not that easy to catch though.” He touched a loose strand of hair from her neatly tucked French bun.
Naramdaman ni Karina na may kung anong munting kiliting hatid ang saglit na pagdampi ng daliri ni Zech sa gilid ng leeg niya. Gusto sana niyang lumayo. But her ego just wouldn’t let her back down so she stayed put, keeping that weird feeling inside her.
Marahan niyang hinawi ang kamay ni Zech. “You can’t seduce me, Zech Marquez.”
“You call that seduction?” The corner of his lovely mouth turned up for a repressed smile. “Lady, I haven’t even started.”
Meaning, he could do worse for her entire nervous system. She should be careful around this man.
May pumasok na isa pang client sa shop. Chance! Mabilis siyang lumayo kay Zech at sinalubong ang bagong dating.
“Myrna, kukunin mo na ba ang in-order mong bouquet of lilies for your sister?”
“Oo sana…” Agad napatingin si Myrna kina Sofia at Denniz bago tumuloy sa kinatatayuan ni Zech. “Mukhang abala kang masyado ngayon, Karin. Babalik na lang ako mamaya—”
“It’s fine.” Hinawakan ni Karina sa braso ang babae bago pa tuluyang makalabas ng shop. “Nagsusuyuan pa sina Mr. Serrano at fiancée niya. Si Mr. Marquez naman, hindi ko client. Teka, `di ba, sabi mo sa akin noon, matagal mo nang gustong makilala nang personal si Zech Marquez?” Karina knew Myrna was into those men from Tammy’s favorite magazine. Lagi kasi niyang naririnig ang kuwentuhan ng dalawa tuwing mapapadalaw sa shop si Myrna. “Do you want to meet Mr. Zech Marquez in the flesh?”
“H-ha? Eh…” Agad namula ang mga pisngi ni Myrna.
“Zech, ito nga pala si Myrna Acosta. Pangalawang anak siya ni Meneleo Acosta ng Acosta Trading Company. Mabait, matalino, at higit sa lahat, single.”
“So?” walang ganang sagot ni Zech. “Two things, Karin. Una, hindi ako interesado sa kanya. Pangalawa, you suck at matchmaking. Kung ako sa `yo, mag-stick ka na lang sa pagiging wedding coordinator.”
Muntik nang hambalusin ni Karina ng mannequin si Zech nang basta na lang itong tumalikod at ibaling ang atensiyon sa mga nasa display window. Antipatiko talaga. Hindi man lang magpanggap na mabait kahit isang segundo. Binalingan niya si Myrna na namumula pa rin ang buong mukha na parang maiiyak.
“I’m sorry, Myrna. Ang totoo, hindi ko talaga siya kilala. Isinama lang siya rito ng fiancé ng kliyente ko—”
“Thank you, Karin,” impit na sabi nito, punong-puno ng kasiyahan ang namamasang mga mata. “Sa wakas, nakita ko rin ang dalawa sa mga billionaire boys sa personal. At na-introduce pa ako kay Zech Marquez!”
“Eh… Myrna, sinupladuhan ka ni Zech Marquez.”
“I heard his voice. And he even looked at me once. Puwede na akong kunin ni Lord.”
“Ha?” Mukhang hibang na yata ang client niyang ito. “Hindi ka galit sa ipinakitang ugali ni Zech sa `yo?”
“Hindi. Alam ko naman na natural niyang ugali `yon. Tanggap ko siya kahit ano pa siya.” Mahina ang boses ni Myrna, halatang ayaw iparinig sa ibang tao ang mga sinasabi. She sighed dreamily. “Napaka-manly talaga niya. Si Treize de Cordova talaga ang crush ko pero mas mahal ko na ngayon si Zech. Napakaguwapo pala talaga niya sa personal.”
Gusto sanang batukan ni Karina ang babae nang matauhan, kung hindi lang siya nag-aalala na baka masamain nito ang gagawin niya. What is it with women falling for jerks?
“Karin, araw-araw na akong kukuha ng arranged flowers dito sa shop mo, ha? Baka sakaling matiyempuhan ko uli rito si Zech.” Dinampot na ni Myrna ang in-order na bulaklak at palihim na sinulyapan si Zech na wala pa ring pakialam sa mundo. “Puwede kaya akong makipag-selfie sa kanya?”
“No,” sagot ni Zech.
“Oh, my gosh! Kinausap niya ako!” Iyon lang at basta na lang lumabas ng shop si Myrna.
“That is one weird human being,” sabi ni Karina.
“Nice try, Karin.” Nakaharap na uli sa kanya si Zech. “Next time you want to do that trick on me again, stop.”
“Sino’ng pipigil sa `kin, ikaw?”
“I would never let you jeopardize my private life again.”
“Jeopardize? Excuse me, `no? Wala akong sinirang buhay noon. Ikaw lang naman ang masyadong nagpaapekto sa nangyari sa inyo ni Ate Karissa. At bakit ba parang galit na galit ka pa rin sa `kin? Dapat nga ako ang magalit sa `yo dahil ako ang hindi magka-boyfriend nang matino dahil sa `yo.”
“Maraming naging girlfriend `yang si Zech, Miss Licaros.” Mukhang napakalma na ni Denniz si Sofia na nakayakap na rito ngayon. “Wala nga lang nagtatagal. I guess he’s waiting for someone like you.”
“Like me?”
“No,” sagot uli ni Zech.
“Denniz, huwag ka ngang dumaldal at baka mausog mo pa `yan,” saway ni Sofia. “Pasensiya ka na, Karin. Naikuwento ko kasi sa isang ito ang napag-usapan natin noon tungkol sa naging kaugnayan mo kay Zech Marquez.”
“Huwag ka nang maghugas-kamay, Ganda. Alam nating ikinuwento mo `yon sa `kin dahil isa ka ring madaldal. Kaya nga bagay na bagay tayo, eh.”
So, my secret is out, huh. “Actually, I was waiting for him—”
“O, `ayan, pare. Umamin na si Miss Licaros. Suwerte mo at nandiyan na sa harap mo ang babaeng matagal mo nang hinihintay.”
“Mr. Serrano, Sofia, ang mabuti pa siguro, pag-usapan na lang natin ang tungkol sa detalye ng kasal ninyo.”
“Huwag mo na kaming alalahanin dito ni Ganda, Miss Licaros. Mag-usap na lang muna kayo ni Zech dahil mukhang interesado pa siyang kausapin ka. Minsan lang `yan magbigay ng buong atensiyon sa isang babae. Huwag kang mag-alala, babayaran ko pa rin ang consultation fee mo.”
“He’s not my client, Mr. Serrano.”
“And that’s a good thing. Dahil hindi siya nagpunta rito para mag-asikaso ng kasal niya. Libreng-libre ko kayong tuksuhin sa isa’t isa.”
“Sali ako,” nakangising segunda ni Sofia. “You, two, look very nice together, by the way.”
“I’m off the list,” sabi ni Karina.
“List of what?”
“List ng mga babaeng candidate para maging Mrs. Zech Marquez.”
“Bakit?”
“Dahil…” Napatingin si Karina kay Zech na mukhang naghihintay ng sagot. “Basta. Hindi ako puwede. Ayoko.”
“Ouch, Zech. That’s gotta hurt,” pang-aasar ni Denniz. “Especially since ikaw na mismo ang nag-suggest na i-matchmake kayong dalawa ni Karin.”
As usual, hindi pa rin makikitaan ng kahit anong reaksiyon ang guwapong mukha ni Zech. And an idea struck Karina. Sinusulsulan ni Zech ang mga tao sa paligid na tuksuhin ito sa kanya bilang pangontra sa personal niyang agenda na maihanap ito ng mapapangasawa sa kahit na anong paraan at sa lalong madaling panahon. Idagdag pa ang nakita niyang palitan ng tingin nina Denniz at Zech.
Sinasabotahe siya ng impakto!
“Mabuti pa, Ganda, iwan na muna natin sila sandali ni Zech. Mukhang hindi makakapag-concentrate si Miss Karina hangga’t hindi naaayos ang gusot sa pagitan nila. Baka pumangit ang kasal natin. Hindi ako papayag.” Inalalayan na ni Denniz ang girlfriend nito na makatayo.
“Kunsabagay, kailangan ko ring makapagkape. These nerves are killing me. Karin, we’ll be back in a few minutes.”
“Okay.” Isang beses pang napansin ni Karina ang sulyapan ng dalawang lalaki habang palabas ng shop sina Sofia at Denniz.
And then there were just her and Zech.
“What was that all about, Mr. Marquez?”
“What ‘what’?”
“Don’t play innocent with me, Zech. Alam kong scripted ang mga kilos ninyo ni Mr. Serrano kanina.”
“Oh. Yes. Nahalata mo pala.”
“Bastard.”
“Nagkamali ka lang ng taong hinamon, Karin. I am Zech Marquez. No one dares to mess up with me.”
“I do.”
“Then, pagtiyagaan mo ngayon ang bunga ng kapangahasan mo.”
“Wala sa usapan natin ang madamay pati ang negosyo ko. Fight fair, Zech.”
“And that’s what I do best.” He thrust his hands in his trouser pockets and cocked his head to one side to take a good look at her. “Huwag kang mag-alala, Karin. As long as I’m around, you’ll never go bankrupt. Mabait naman akong kalaban.”
She pulled his necktie. “Huwag mong pakialaman ang trabaho ko!”
“And you think that will scare me?”
Kung naging dragon lang siguro siya, natusta na si Zech Marquez. How could a gentle, silent-looking type like him be the most irritating person in the world? And the most handsome creature I have ever seen, dugtong ng isang bahagi ng kanyang isip.
Nakakunot-noo nang lumayo si Karina kay Zech nang mapansing inilalapit pa nito nang husto ang mukha sa kanya. “What the heck are you doing?”
“Nothing.”
“What ‘nothing’?” She was staring at his clear brown eyes. His clear skin and reddish cheeks, arrogant nose, and very sensuous lips looked better than in the pictures of him she had seen. And he smelled so good, too.
“Maganda ka naman pala kahit paano. Hindi na ako mahihirapang akitin ka.”
“What?”
“You heard what I said.”
“Right.” Mainit na ang ulo ni Karina. “Aakitin mo ako, `tapos kapag hulog na ang loob ko sa `yo, basta mo na lang akong itatapon na parang basahan. Let me guess, `yon ang paraan mo para iparanas sa `kin ang sakit ng naging kabiguan mo noon sa ate ko dahil lang sa pinatulan niya ang incompatibility ng mga zodiac signs n’yo. Correct?” Hindi sumagot ang lalaki. He just stood there, watching her with that mysterious gaze of his that was starting to make her feel… something. “You can’t make me fall in love with you, Mr. Zech Marquez. Nakaplano na ang lahat sa buhay ko at hindi ka kasama sa mga `yon.”
“But I’m here now.” He suddenly closed the distance between them. “Whether you like it or not, you’ll have to make some adjustments in your life for me, Karin. Because I’m not going anywhere.”
He was so close. So close that she thought he just filled her entire world, and the only thing that she could see was him. All him. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Gustuhin man niyang umiwas, para bang nakulong na siya ni Zech sa mga titig nito. And his wonderful scent was wreaking havoc in her system.
No, no, no! Karin, hindi ka puwedeng matalo ngayon! Kung gusto mong magkaroon pa ng magandang kinabukasan ang love life mo, huwag na huwag kang magpapatalo sa lalaking `yan!
And that brought her back to reality. It wasn’t enough though, to escape from Zech Marquez’s mysterious gaze.
“Smile!” Nanggaling sa entrance ng shop ang boses na nakatulong kay Karina para makawala sa pagkakahipnotismo ni Zech. Umatras siya at binalingan ang mga bagong dating. Nakangising ibinaba ni Dunkey ang camera pagkatapos silang kuhanan ng litrato. Katabi nito ang mga nakangisi ring sina Denniz at Sofia.
“Masyado bang napabilis ang pagbalik namin?” tanong ni Denniz. “Sorry. Nakasalubong kasi namin si Dunkey na may dalang mga coffee kaya hindi na kami tumuloy sa coffee shop.”
“Ngayong napagbigyan na namin kayo ng wedding coordinator ko, Zech, siguro naman puwede na namin kayong i-inform about a party para sa future Mr. and Mrs. Denniz Serrano,” sabi naman ni Sofia.
“At very much invited ka, Karin. Zech, pare, you don’t mind, do you?”
“No. I appreciate the invite. Thank you. Pero ano’ng ginagawa ng bubuwit na `yan dito?” tukoy ni Zech kay Dunkey.
“Taking pictures,” sagot ng maliit at cute na reporter na nagpasikat sa Billionaire Boys Club. “At tama ang sinabi sa `kin ng love birds na ito,” turo nito kina Sofia at Denniz. “May chemistry kayo ni Karin. Kailan naman ang kasal n’yong dalawa?”
“I’m not his girlfriend,” sagot ni Karin.
“Hindi pa ba? Zech, ang laki mong tao, eh, napakabagal mong kumilos. Kapag nakuha pa ng iba si Karin, maiiwan ka na namang luhaan sa isang tabi. At ibubunton mo na naman ang galit at frustration mo sa buong sangkababaihan.”
“Dunkey.” May halong babala ang tono ni Zech.
“Yes?”
“Shut up. Can you do that?”
Ngumisi lang si Dunkey. “My lovable husband Ran has tried to shut me up far too many times, Zech. Awa naman ni Lord, hindi pa rin siya nagtatagumpay hanggang ngayon.”
Si Zech na lang tuloy ang tumahimik. Pero si Karina, walang balak na hayaan ang mga itong mag-isip ng kung ano tungkol sa kanila ni Zech.
“Wala kaming relasyon ni Zech at wala rin kaming balak na magkasundo, for that matter.”
“Alam na namin `yan,” sabi ni Dunkey. “Anyway, about the party, siguro naman alam mo na ang Marina Yacht Club sa Subic. Pumunta ka na lang doon nang mga seven or eight in the evening. Zech, punta ka, ha?”
“I’m busy.”
“Eh, bakit nakatambay ka sa shop ni Karin kung busy ka pala?”
Sa halip na sumagot, nilayasan sila ni Zech.
Gusto na rin sanang mag-walk out ni Karina kung hindi lang nakakahiya kina Denniz at Sofia.
“Nabanggit na sa `kin ni Sofia ang problema mo, Karin,” patuloy ni Dunkey. “`Yong tungkol sa kuwento ninyo ni Zech.”
“Wala kaming kuwento ni Zech.”
Bumungisngis si Dunkey. “That was one of the most amazing love stories I’ve ever heard.”
“Wala kaming love story ni Zech.” Karina gave Sofia a questioning look. The lovely bride just smiled and waved at her. Napabuntong-hininga na lang siya. “You have the most amazing imaginations, you two,” tukoy niya kina Sofia at Dunkey. “Hindi ko alam na puwede na palang maging love story ang isang napakalaking problema.”
“Wala namang problema sa sinasabi mo kung tutuusin,” sabi ni Dunkey. “In fact, ang dali ngang solusyunan niyan.”
“Madali?”
“Oo. Pakasalan mo si Zech.”
“What?!”
“Mawawala na ang sumpa sa `yo, magkakaroon ka pa ng napakayaman at napakaguwapong asawa. That’s what we call hitting two lovebirds with one stone.”
“Magpapakamatay na lang ako.”
“Huwag. Mabibiyudo agad si Zech niyan,” nakangising singit ni Denniz Serrano.