noveltoon logo noveltoon
Zech Marquez (The Billionaire Boys Club 5)

Chapter 5

Ch. 5 / 10 Mar 03, 2022

IKINASA ni Zech ang baril, saka sunod-sunod na pinaputok sa target. Then he turned on the switch on the side of his shooting stall. Paglapit ng cardboard target, pinagmasdan niya ang mga tinamaan niya.

“Not bad, Lieutenant Marquez,” sabi ng dati niyang kasamahan sa AFP na nasa kabilang stall ng shooting range at naghahanda na rin sa pagta-target shooting practice. “Matagal ka nang wala sa serbisyo pero hindi pa rin pumapalya ang mga kamay mo.”

“Thanks sa board sa haligi ng deck.”

Maingay ang indoor shooting range ng ARMSCOR pero bale-wala kay Zech. Noong nasa serbisyo pa siya bilang Scout Ranger sa Mindanao, mas maingay pa ang putukan ng mga baril tuwing makakasagupa nila ang tropa ng mga rebelde. Come to think of it, pitong taon na rin pala siyang wala sa serbisyo. Pagka-graduate kasi niya sa college, pumasok muna siya sa military habang wala pa sa isip niya ang mag-succeed sa negosyong naipundar ng kanyang mga magulang.

Nag-enjoy naman siya nang husto sa military kaya halos makalimutan na niya ang iniwang buhay noon sa Maynila. Nang tawagan lang siya ng kanyang ina at ipaalam ang malubhang kalagayan ng kanyang ama, saka lang niya naisipang bumalik. His father died eventually. At mula noon, naging busy na siya sa pagpapatakbo ng mga negosyo hanggang sa tuluyan na nga siyang nag-retire nang maaga sa military at tumutok na lang sa pagpapalago ng family business.

Pero hindi pa rin nawala ang pagkahilig ni Zech sa baril kaya kapag maluwag-luwag ang schedule, pumupunta siya sa mga shooting range.

“Alam mo, Lieutenant Marquez, maraming bagong recruit ang Philippine Army. We could use your exceptional skill para maturuang maging mahusay sa baril ang mga `yon.”

“I’ll think about it, Colonel.” Zech reloaded his gun and started shooting at the target once again. Hindi kasi siya kontento sa resulta ng unang subok. Noon kasi, laging bull’s eye ang tama ng lahat ng bala niya. Ngayon, may mga lumalabas na sa kanyang target. And his second round was much better though.

“Nice shots.”

Pamilyar ang boses. Tamang-tama namang lumabas mula sa kabilang shooting stall si Lantis Nakago. “Mahilig ka rin pala sa ganitong sport.”

Tiningnan ni Zech ang cardboard target ni Lantis. Puro bull’s eye iyon. “You’re not bad yourself, Nakago.”

“Praktisado lang.”

“Lagi ka ba rito?”

“Not really. Usually, sa ibang bansa ako napapalaban ng target shooting. Kapag nandito kasi ako sa Pilipinas, wala na akong panahong lumabas dahil sa trabaho.” Itinuro ni Lantis ang isang lalaking kasalukuyang isinusuot ang earpiece at safety goggles. “That’s my client. Frustrated hunter kaya kami nakarating dito sa ARMSCOR pagkatapos lang naming magsara ng isang malaking business deal. Ikaw?”

“I’m into target shooting.”

“I see.”

Lantis reloaded his gun. Sa nakikita ni Zech na mga galaw ng kaibigan, alam niyang isa ito sa mga taong magaling humawak ng baril. “Wanna practice together?”

“Sure.”

“Sa dueling tree tayo.”

Sa isang gilid ng shooting range sila nakarating. May isang mukhang puno roon na may tigtatlong steel heads sa magkabilang gilid. Pumuwesto na sila sa tig-isang shooting stall.

“Three rounds,” sabi ni Zech, sabay lapag ng tatlong magazine, fully loaded ng bala. Ganoon din ang ginawa ni Lantis. “Start!”

With that, they started firing, each with three targets on each side of the tree. Too easy. Zech was a marksman and he was aware of it. When his target was hit, it swung over to Lantis’ side. The trouble was, Lantis was also knocking them back over to his side. At doon nagsisimula ang adrenaline rush ng target shooting sa dueling tree.

The first one with all the targets resting on his side would lose. If Zech missed, he would lose. If he didn’t reload fast enough to keep up, he would lose. Kaya kapag siya ang nanalo, walang magrereklamo dahil malinaw ang pagkapanalo niya.

And Lantis obviously knew what was going on. Patuloy sila sa pagpaputok sa kanya-kanyang targer at hanggang sa huling round ng mga bala, walang gustong magpatalo. Nang sa wakas maubos ang mga bala, napuno ng palakpakan ang buong shooting range. Nanonood na pala sa kanila ang iba pang nagpa-practice. Lumapit pa ang ilan sa ginamit na dueling tree.

“Hanep! Parehong walang nagmintis!”

“Remind me not to challenge these two in any shooting practice, game or competition.”

Lantis smiled good-naturedly at the crowd. Si Zech naman, simpleng tango lang ang isinagot sa mga bumati sa kanila.

“Marami ka palang kakilalang high-ranking officials sa military,” sabi ni Lantis nang papunta na sila sa isang restaurant sa labas ng target shooting range.

“I was a former military man myself.”

“Ah. I thought so.” Um-order sa counter si Lantis ng maiinom. “What do you want to have, Marquez? My treat.”

“Thanks. Brewed coffee lang sa `kin. Wala pa akong ganang kumain.”

Habang hinihintay nila ang order, nagkuwentuhan muna sila sa table.

“Talagang wala nang atrasan ang kasalan nina Denniz at Sofia,” sabi ni Lantis. “At desidido na silang imbitahan ang lahat ng miyembro ng club.”

“Ng Billionaire Boys Club.”

“At ng Marina.” Pinagsalikop nito ang mga kamay at sumandal sa kinauupuan. “Speaking of the Billionaire Boys Club, mukhang ikaw na lang ang natitirang hindi committed sa kanila.”

“You’re a billionaire boy, too, Nakago. And you’re still single.”

“Well, you know what I mean. I maybe one of Philippine Stats’ BBC but I’m not that close to other billionaire boys the way you do and the rest of your friends.”

Nagkibit-balikat lang si Zech habang hinuhubad ang suot na hand gloves. “Wala naman sa batas namin na kailangan ko na ring mag-asawa dahil lang lahat sila may mga asawa na.”

“So what are you gonna do now? Ang sabi pa naman ni Sofia, kailangan nating um-attend sa kasal nang may partner.”

“Pareho lang siya ng mga napangasawa ng iba pa sa atin. Maraming arte sa buhay.”

“Mukhang enjoy rin naman ang mga kaibigan mo na i-pamper ang kanya-kanyang asawa.”

Nagkibit-balikat si Zech. Agad siyang tumikim ng kape nang dumating ang mga order nila. Ah… life is much better now.

“With that attitude, Marquez, hindi na ako magtataka kung wala ka ngang madalang partner sa kasal nila.”

“Hindi na rin magtataka ang dalawang `yon kapag nagpunta ako nang walang kasama.”

“Kung gano’n, libre si Karina.”

Napatigil si Zech sa paghigop ng kape at tiningnan si Lantis. “Si Karina?”

“Yes. I’m planning on inviting her to be my date on Denniz and Sofia’s wedding.”

Tahimik niyang ipinagpatuloy ang pagsimsim sa kape. Na biglang pumait sa kanyang panlasa.

“You don’t mind, do you?” tanong uli ni Lantis.

“Don’t mind what?”

“Na kasama ko si Karina sa wedding.”

Sumimsim muna uli si Zech ng mapait na kape bago sumagot. “Bakit sa `kin ka nagpapaalam?”

“I just had this feeling that I should ask you first. Ayokong maka-offend ng kapwa ko miyembro ng Billionaire Boys Club.”

“BBC is Dunkey’s pretty little joke. Huwag mong masyadong seryosuhin. Anyway, hindi mo kailangang magpaalam sa `kin tungkol kay Karina. I’m not her father.”

“Suitor?”

Hindi sumagot si Zech. Wala siyang ganang sumagot. At bakit lalong pumait ang lasa ng kape? Tinawag niya ang waiter at humingi na ng saklolo sa asukal at creamer.

“Iniisip ko kasing yayain din siyang lumabas minsan,” patuloy ni Lantis. “You know, to get to know her better. At itong invitation ko nga sa kanya sa kasal nina Denniz ang gusto ko sanang first step para unti-unti ko siyang makilala on a more personal level—”

“Hindi mo siya puwedeng ligawan ngayon dahil masyadong abala `yon sa pag-aasikaso ng kasal nina Denniz.”

“Hindi ko pa naman talaga siya liligawan. I’m just going to get to know her a little—”

“You’re going to distract her from her work. Better to just leave her for a while.” Tinitigan ni Zech ang kulay-puti nang kape sa tasa niya. Hindi siya umiinom ng kape na may creamer. But what the heck. There was always a first for everything. At mainit ang ulo niya kaya—

“You don’t want me to court her?”

Gumawa ng hindi magandang ingay ang tasa ng kape nang ibaba niya iyon sa saucer. Tinitigan niya si Lantis. “I don’t want you to disturb her from her work. She’s busy with a lot of things. Gusto mong hindi matuloy ang kasal nina Denniz at Sofia?”

Kakaiba na ang ngiti ni Lantis. “Mabuti pala at nagpaalam ako sa `yo. Kung hindi, baka kung ano na ang nangyari sa `kin kapag nakita mo kaming magka-holding hands ni Karina—”

“Bakit kayo magho-holding hands? Date lang sa kasal nina Denniz ang pupuntahan ninyo, hindi ba? Why do you have to hold hands?”

“Because I want to.”

“Walang requirement sa kasal nina Denniz na mag-holding hands sa ceremony. Leave Karina’s hand alone.”

“I’ll think about it.”

Tuluyan nang uminit ang ulo ni Zech. Tinawag niya nang malakas ang waiter na agad lumapit. “I want another cup of coffee. `Yong pinakamatapang n’yong kape.”

“`Yong kayang ipaglaban ang damdamin niya para sa kanya,” nakangising singit ni Lantis.

Hindi na lang niya pinansin ang pagpaparinig nito. “Are you still gonna pay for my coffee?”

“Are you going to let me date Karina?”

“I’ll pay for my coffee.”