“I CAN’T eat here.” Hindi na mapakali si Karina sa kinauupuan habang napapaligiran ng mabangong amoy ng iba’t ibang cakes at pastries na ino-offer ng bakeshop. “Umalis na tayo, Zech.”
“Kumain ka na muna.” Itinaas ni Zech ang kamay para tawagin ang atensiyon ng crew na malapit sa kanila. “What do you want to have, Karin?”
“I want a slice of strawberry and cream cake.” Hindi na niya kailangang tumingin sa menu para lang malaman kung ano ang gusto niyang kainin. “Plus a chocolate sin and distilled water.”
“Right away, Ma’am,” sabi ng crew. “Kayo, Sir?”
“I’ll just have coffee.”
Pag-alis na pag-alis ng crew, pinuna agad ni Karina si Zech. “Iba na talaga ang sikat, ano? Kahit self-service ang lugar na ito, nagawa mo pa ring makakuha ng magse-serve sa `yo.”
“Self-service ba itong shop? I didn’t notice.”
“You never take time to notice anything beyond your business and work.”
“I noticed you.”
“Yeah, right.”
Nagkibit-balikat si Zech. “What’s a chocolate sin? Parang hindi magandang pakinggan, lalo na kung pagkain ang tinutukoy.”
“It’s a flourless chocolate cake that melts in your mouth.” Kunot-noong tiningnan ni Karina ang lalaki. “Don’t you know anything about sweets?”
“No.”
“Kaya pala ganyan kagaspang ang ugali mo.”
“May kinalaman ba ang matatamis na pagkain sa ugali ng isang tao?”
“Meron.” Pinasadahan pa ni Karina ng tingin ang mga naka-display na cake. “Hindi mo ba alam na kapag mahilig sa matatamis ang isang tao, ibig sabihin, sweet siya.”
“I see. Kung gano’n, tama pala ang assessment ko sa `yo noong una pa lang.”
“Na sweet ako?”
“At mahilig ka sa matatamis.”
Pansamantala silang natigil sa pag-uusap nang dumating ang order nila. Umiling-iling si Zech nang makitang dilat na dilat ang mga mata ni Karina habang pinagmamasdan ang mga pagkaing nasa harap.
“Take it easy, Karin. Baka mabale-wala ang pinaghirapan mong pagpapapayat kung hindi ka maghihinay-hinay.”
Doon biglang natauhan si Karina. Oo nga pala, matagal din siyang nagtiis na mag-diet para lang makuha ang katawan na iyon at tigilan na ang katutukso sa kanya ng mga taong mabababaw ang pag-iisip.
“Pero huwag kang mag-alala, hindi kita pagtatawanan kahit lumobo ka pa ngayon mismo sa harap ko. Kumain ka na lang. Sayang ang in-order mo kung hindi mo gagalawin. Maraming nagugutom sa mundo.”
“Hindi mo ako pagtatawanan?” Umismid si Karina nang tumango si Zech. “Oo nga pala, nilait mo lang ako noon.”
“I still remember the first time we met. Nagalit lang ako noon dahil sa ginawa mong pananabotahe sa relasyon namin ng ate mo. Pero hindi ko natatandaang nilait kita.”
“Nilait mo ako. Sinabi mo noon na kaya wala pa rin akong boyfriend ay dahil sa katabaan ko.”
“Wala akong sinabing ganyan. Ang natatandaan ko lang, you were chubby and your cheeks were pink.”
“See that? `Tapos, itatanggi mong nilait mo ako noon.”
“I thought you were cute back then, Karin. Masasabi mo bang panlalait `yon?”
Hindi na nagawa pang mag-react ni Karina. Hindi na naman kasi niya inaasahan ang mga sinabi ni Zech. At kapag ganoon na ang direksiyon ng usapan, parang nagdadalawang isip na siya kung itutuloy pa ba ang unang balak na ipamigay si Zech sa mga babaeng magtitiyaga sa ugali nito at magpapakasal dito.
But he looks so sincere…
Agad din niyang sinaway ang sarili sa isip. Ibinaling na lang niya ang atensiyon sa pagkain.
“This is great. I don’t usually eat this stuff. Kaya lang minsan, hindi ko talaga maiwasan. Iba na talaga ang nakasanayan na noon.”
“Mag-exercise ka na lang araw-araw kung talagang ayaw mong tumaba.” Dinampot na rin ni Zech ang in-order na kape. “Hindi tamang dine-deprive mo ang sarili sa mga pagkaing gusto mong kainin.”
“Alam ko.” Dalawang magkasunod na subo ang ginawa ni Karina. “Pero sa pagda-diet, kailangan din ng disiplina.”
“I agree.”
Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa kanila. She was busy munching on her food while he was busy watching her. Naiilang na siya.
“Ano’ng itinitingin-tingin mo diyan?”
“Nagtataka lang ako. I can see how much you like sweets. Bakit hindi na lang food business ang itinayo mo sa halip na wedding assistance and services?”
“Mahilig lang akong kumain, pero wala akong hilig sa pagluluto. Besides, I’m a born romantic, kaya masaya ako sa linya ng negosyong pinasok ko.”
“I see.” Dinampot ni Zech ang tissue paper. “Come closer, Karin.”
“Bakit?”
Instead of answering, he leaned forward and gently wiped away something on the side of her mouth.
Napatitig na lang si Karina sa guwapong mukha ni Zech. Atito na nga ang kinatatakutan niya kaya pilit niyang iniiwasan na mapatitig nang matagal kay Zech. Because no matter how much she ignored it, this man is starting to fascinate her. Pabilis na nang pabilis ang tibok ng kanyang puso, lalo na nang maramdaman niya ang mainit na daliri ni Zech na dahan-dahang humahaplos sa kanyang mga labi.
Bahagya pang napakislot si Karina nang biglang mag-ingay ang cell phone niya. “Oh, thank goodness!” sambit niya, saka ibinaling ang buong atensiyon sa cell phone.
Pero ramdam pa rin niya ang pagtitig sa kanya ni Zech habang may kausap siya sa telepono. And, she could even feel his fingers on her lips. Damn it.
“Work?” tanong nito pagkatapos niyang kausapin ang nasa kabilang linya.
“Oo.” Inubos na niya ang natitirang piraso ng cake. “I have to go. Marami pa akong trabahong naiwan sa shop.”
“Ihahatid na kita. Wala naman na akong ibang gagawin ngayon.” Naglabas ng pera si Zech at inilapag sa mesa.
“Ah, hindi na. Sa—”
“It’s no big deal. Let’s go.”
Hindi na nakaimik pa si Karina nang hawakan siya ni Zech sa kamay at marahang hinila palabas ng restaurant at papunta sa sasakyan.
Dapat na talaga niyang tapusin ang ano mang ugnayan na meron sila ng lalaking ito. Habang tumatagal kasi, parang nasasanay na siya sa mga simpleng gesture nito na nakakapagpataba sa kanyang puso.
Bakit ka affected? He has evil plans on why he’s doing these, right? You’re aware of it. Kaya walang dahilan para lumayo ka. Matatalo ka, sira ka ba?
Tama ang munting prinsesa sa kanyang isip. Wala siyang dapat na ipag-alala sa pakikipaglapit ni Zech. Unless…
Ramdam ni Karina ang pagkakagulo ng mahihiwagang elemento sa kanyang puso.
“Oh, shut up,” sambit niya.
“Problem?”
“Wala.” She sighed and leaned back against her seat. “May mga naiisip lang akong hindi ko dapat iniisip.”
“Censored ba `yan?”
Kunot-noong tiningnan ni Karina si Zech na abala na sa pagmamaneho. Pero halata pa rin ang ngiti sa mga labi nito. And there went her heart once again.
Napabuntong-hininga siya. “Zech, we need to talk. Meron ka bang alam na lugar na puwede tayong makapag-usap nang masinsinan?”
“Censored ba `yan?”
“Isa pa,” banta niya.
Tumawa lang ang binata. It was very unsual to see him smile, much more to hear him laugh. Was the world coming to an end?
Or was it her heart she should be worried about?
“Kailangan nating makapag-usap nang maayos, Zech. Ayoko na ng ganitong para tayong mga batang nagta-tug-of-war sa kung kaninong buhay dapat ang maging miserable nang dahil lang sa isang pagkakamali na noong unang panahon pa naman nangyari.”
Ilang segundo rin itong nag-isip, saka biglang kinabig ang manibela papunta sa kabilang lane.
Muntik nang atakihin sa puso si Karina, lalo na nang makitang muntik na silang masagi ng isang sasakyan. Mabuti na lang at naiwasan agad iyon.
“Baliw ka ba, Zech?! Ang sabi ko, mag-uusap lang tayo, hindi magpapakamatay!”
“Sorry.”
That was it. A simple word of apology from a man who had never bowed down to anyone and she was okay.
“I can’t believe it,” nasabi na lang ni Karina.
“That we’re still alive?”
“That you can actually apologize.”
“Unusual ba?”
“Oo.”
Tumango-tango si Zech. “If it’s okay with you, sa Marina na lang tayo.”
“Ang layo.”
“We’ll take a chopper. I have one on standby sa NAIA.”
“YOU LIKE it?” tanong ni Zech habang hawak ng isang kamay ang dalawang baso ng iced tea. Ibinigay nito kay Karina ang isa at saka tumanaw sa malawak na karagatan mula sa sundeck ng Tallgeese II, ang yate nito. “You should see the sunset. Extraordinary sight from here.”
“Kahit gustuhin ko pang makita `yon, hindi puwede.” Tinanggap ni Karina ang inumin. “Wala akong magandang yate na katulad nitong yate mo.”
“You can always use my yacht.”
“Ayokong makaistorbo.”
“You won’t be. I still have my other yacht I can use if I want to be alone while you’re using this one.”
“Ang yaman. Nakakatulog ka pa nang mahimbing nang lagay na `yan?”
“Yes. Salamat sa concern.” Itinuro ni Zech ang isang silya sa kabilang panig ng maliit na mesa ng sundeck.
“Hindi ako concerned sa `yo.”
“Okay. So, ano na ang pag-uusapan natin?”
Nanatiling nakatayo si Karina at nakaharap sa malawak na karagatan. “Tapusin na natin ang kalokohang `to, Zech. Pareho lang naaapektuhan ang buhay nating dalawa.”
“But I’m okay with it. In fact, natutuwa pa nga ako sa nangyayari.”
Hinarap niya ang lalaki. “Wala ka ba talagang pakialam sa damdamin ng ibang tao, Zech?”
“Wala.”
Hindi na nakapagpigil si Karina kaya ibinuhos niya ang iced tea kay Zech. Basang-basa ang mukha at polo ni Zech pero kinuha lang nito ang malinis na tuwalyang kalapit nito. Agad din naman siyang nagsisi sa ginawa. But pride and irritation prevented her from apologizing to him. Nang tumayo ang lalaki at unti-unting buksan ang mga butones ng suot na damit, naalarma siya.
“A-ano’ng ginagawa mo? Bakit ka naghuhubad diyan?”
“I need to change my clothes.”
“Oo nga. Pero huwag ka rito magburles.”
“Nanlalagkit na ako.”
“Zech!” Ang tinamaan ng lintik! Talagang humakbang pa palapit sa kanya na parang nang-aakit. “Kapag humakbang ka pa ng isa, tatalon ako sa dagat!”
“Then jump. I can always save you.”
“I swear, tatalon talaga ako.”
“All right. Madali naman akong kausap.” Tumalikod si Zech. “I know I’ve insulted you and I deserve this. Pagbalik ko, handa na akong makipag-truce.”
Hindi akalain ni Karina na kanina pa pala niya pigil ang paghinga nang humarap siya sa malawak na karagatan. Ang buwisit na `yon, talagang sinusubukan ang pasensiya niya. Pero napakabilis talaga ng tibok ng kanyang puso. Saglit nga lang magdikit ang kanilang mga balat, para na siyang napapaso.
And that was how she knew there was something going on between them.
“I’m back.” Boses iyon ni Zech. “Puwede na uli tayong magsimula.”
When she turned to face him, she almost fell over the deck’s railing. He was wearing white pants with a matching white polo that was only buttoned halfway, revealing his magnificent chest. Hawak ni Zech ang sunglasses at kahit nakapaa lang, napakatangkad pa rin nito sa kanyang paningin.
“Karin, puwede ka nang maupo.”
Lalapit sana sa kanya si Zech. “No! I mean, uupo na ako. Maupo ka na rin pero diyan ka lang.”
“May problema na naman ba? Nakapag-apologize na ako, ah.”
“Walang problema. Wala na.” She immediately took her seat. “Sige, mag-usap na tayo. Let’s start with my sister.”
“Ah, yes. Karissa.”
Saglit na natigilan si Karina. Naalala pa ni Zech ang ate niya? Ayaw man niyang tanggapin, parang may kung anong kumurot sa aligaga niyang puso. But she decided to ignore it.
“Yes. My Ate Karissa. For the second time, Zech, I want to apologize for what I did to you and my sister back then. I was out of line. Pero gaya nga ng nasabi ko na noon, hindi ko alam na seseryosuhin `yon ni Ate.”
“Ibig bang sabihin niyan, hindi ka na magtatangka pang ireto ako sa iba?”
“Oo, pangako. Basta makawala lang ako sa sumpa mo sa `kin.”
“Hindi kita isinumpa. At hindi rin ako naniniwala sa mga gano’ng bagay.”
“Whatever.” Karina took a sigh and faced him fully. “I’m already twenty-eight, Zech. Gusto ko nang mag-asawa at magkapamilya. Payagan mo na ako.”
“Who’s your guy? Nakago?”
“Walang kinalaman dito si Lantis.”
“Gusto ka niya.”
“Lumalayo tayo sa usapan. Gusto ko lang marinig mismo sa bibig mo na pinapatawad mo na ako. Let’s just forgive and forget.”
“I can only forgive.”
“Zech—”
“Pinatatawad na kita sa ginawa mo noon.”
Medyo nagulat pa si Karina. “Oh… Thank you kung gano’n.”
“There’s one thing though.”
“What?”
“Can I still court you?”
Bigla siyang nasamid sa narinig. “A-ano `kamo?”
“Can I still court you?”
“Bakit?” Medyo tumaas na ang boses ni Karina.
“Nag-enjoy ako sa panliligaw sa `yo. Bagong experience `yon sa `kin kaya gusto kong ituloy.”
So, gagawin lang siyang target practice. Ang buwisit na `to.
“No, you can’t court me. Not anymore. Kung gusto mong mag-practice ng panliligaw, maghanap ka ng ibang maraming oras para makipag-flirt sa `yo.” Kumuyom ang mga kamay niya. “Bastard!”
“Karin, ano na naman ang problema?”
“Heh! Kausapin mo ang sarili mo!” Tumayo na siya para dumeretso sa hagdan pababa sa lower deck ng yate. Pero nakaharang si Zech kaya sinanggi niya ang mahahaba nitong binti. “Padaan nga.”
“Saan ka pupunta?”
“Uuwi na.”
“Ihahatid na kita.”
“Nang ganyan ang ayos mo?”
“Ano’ng problema sa ayos ko?”
“Ayokong madamay kapag dinumog ka ng mga tagahanga mo.”
“Does that mean you find me... attractive?”
“Pasensiya na. Hindi ako nakakaintindi ng English,” sarcastic na sabi ni Karina, saka dere-deretsong bumaba ng yate at nagmartsa palabas ng Marina.
Pero sa hinaba-haba ng nilakad niya, wala pa rin siyang makitang puwedeng masakyan. Kahit taxi walang maaninag. Nananakit na ang mga paa niya sa kakalakad nang may bumusina sa kanyang likuran. It was Zech.
“This is a private road.” Nakaagapay ang sasakyan sa paglalakad ni Karina. “Pudpod na ang mga sapatos mo bago ka makarating sa main highway. Hindi ka pa nakakasigurong makakasakay ka agad doon kaya pumasok ka na sa kotse at ihahatid na kita—”
“No, thanks. Kaya kong maglakad. Sanay na ako.”
Then she heard something snap and found herself stumbling forward. Naputol ang takong ng sapatos niya. Mabilis na nakababa ng kotse si Zech para alalayan siya.
“Ngayon, wala ka nang dahilan para hindi sumama sa akin,” mariing sabi nito. “And no more arguments. Dahil walang taxi na maghahatid sa `yo pabalik sa Manila.”
Feeling the warmth of his hand closing on hers, she knew one thing for sure. Suko na siya. He had also grasped her heart.
“This is the way to the helipad, my lady.”