noveltoon logo noveltoon
Zech Marquez (The Billionaire Boys Club 5)

Chapter 10

Ch. 10 / 10 Mar 03, 2022
Prev Next

“YOU KNOW what? If I want to hook up with someone, I can do it on my own. Hindi ko na kailangan ang tulong ng kahit na sino, lalo na ang tulong mo.”

Zech was leaning against his car, playing with his car keys. Kanina, habang pinag-uusapan ang tungkol sa wedding rehearsal sa loob ng Jaberu, wala man lang itong reaksiyon. He just stayed at the bar, silently drinking his wine. Isang beses lang niyaya ng mga kaibigan si Zech na makisali sa diskusyon at nang hindi ito umimik, hinayaan na lang ito nang tuluyan.

Nagpatuloy si Karina sa paglalakad. Kapag nanatili pa siya roon kung saan napagmamasdan niya ang guwapong mukha ni Zech at naririnig ang baritono nitong boses, lalo lang magiging mahirap na kalimutan ito. Maliit lang ang parking lot ng Jaberu at katabi rin lang niyon ang main highway. Hindi na siya mahihirapang makakuha ng masasakyan. Si Lantis kasi na naghatid sa kanya roon ay inaabala pa ni Rinoa. Mukhang may dapat ding linawin ang mga iyon sa isa’t isa.

“We had an agreement, Karin,” patuloy ni Zech sa malamig na tono. “You said no more matchmaking.”

It looked like he finally understood why she left her with her sister when they met again after a long time.

“Itinatama ko lang ang naging pagkakamali ko sa inyo noon, Zech,” sagot ni Karina na hindi lumilingon. “You and my sister deserve a second chance.”

“Sino ka ba sa palagay mo para magdesisyon kung ano ang nararapat para sa ibang tao? You have no right to decide what’s good or bad for me, Karina. Hindi kita binibigyan ng karapatang pakialaman ang buhay ko.”

Napilitan siyang harapin si Zech sa kabila ng nararamdamang pagpiga sa kanyang puso. “Ano pa ba ang ikinagagalit mo? Binibigyan na nga kita ng pabor, `tapos ito pa ang maririnig ko sa `yo?”

“Sinabi ko ba sa `yong gusto kong makipagbalikan kay Karissa?” He was almost shouting.

At the mention of her sister’s name, something in her snapped. Nilapitan niya si Zech at galit na hinampas sa dibdib.

“I’ve had enough of this damn guilt! Halos kalahati ng buhay ko apektado ng simpleng pagkakamali ko. Ngayong inaayos ko na ang lahat, mali pa rin ako at kasalanan ko pa rin ang lahat. Bullshit! Akala mo ba, ikaw lang ang nasasaktan? Akala mo ba, buhay mo lang ang nagulo? Ako rin naman, ah. Mula nang sumulpot ka sa mundo ko, ikaw na lang nang ikaw ang iniisip ko!” Naiiyak na si Karina. Pero hindi siya iiyak sa harap ni Zech. Naaawa na siya sa sarili kaya hindi niya hahayaan na pati ito, awa na rin ang maramdaman para sa kanya. “Kung ayaw mong may makikialam uli sa buhay mo, huwag na huwag ka nang lalapit sa `kin!”

“Karin—”

“Ayoko na! Tapos na ang obligasyon ko sa `yo! Nandiyan na si Ate Karissa! Bahala na kayo kung ano ang gusto n’yong gawin sa mga buhay ninyo! Wala na akong pakialam!” Nang mapansin ni Karina ang paparating na taxi, sinenyasan niya ang mga guwardiya at bodyguards mula sa di-kalayuan. “Parahin n’yo ang taxi na `yan!”

“Huwag n’yo siyang susundin. Hindi pa kami tapos mag-usap!”

Natigilan ang mga bodyguard at guwardiya.

“Kapag hindi kayo nagsikilos diyan, malilintikan kayo sa mga amo ninyo!” banta ni Karina.

“Kapag sinunod n’yo si Karin, sesante kayong lahat,” banta naman ni Zech.

Hindi na nga kumilos pa ang mga ito, mas piniling magpasindak kay Zech.

Sa ngitngit, si Karina na lang ang pumara sa paparating na taxi. Pero nang mukhang walang balak huminto ang sasakyan, humarang na siya sa daraanan niyon. Dere-deretso pa rin ang taxi.

“Karina!”

Dinamba siya ni Zech bago pa man siya tuluyang masagasaan. Napapikit na lang siya at hinintay ang pakikipagkomperensiya kay Kamatayan. Pero mas nayanig yata ang mundo niya nang marinig ang galit na boses ni Zech na nakapagpabalik sa kanya sa realidad.

“Are you trying to kill yourself, woman?! God!” Bahagya pang napapangiwi si Zech na para bang may kung anong iniinda. Pero nagpatuloy pa rin ang galit nito. “Akala mo ba hihinto ang oras para sa `yo?! Mag-isip ka nga! Wala kang laban sa makinang `yan!”

Noon lang na-realize ni Karina na wala na siya sa kapahamakan dahil nasa gilid na sila ng kalsada. Zech saved her. And he still had her secured in his arms.

Itinulak niya si Zech bago pa madagdagan na naman ang dahilan para lalo niya itong mahalin. “Sinabi ko na sa `yong huwag mo na akong lalapitan!”

Iniwan niya itong nakasalampak pa rin sa kalsada, saka nilapitan ang nakahinto nang taxi. Lumabas ang driver niyon.

“Ma’am, okay lang ho ba kayo ng mister n’yo? Pasensiya na ho kung hindi ko kayo napansin—”

“Hindi ko asawa ang ugok na `yan!” Hinila ni Karina ang driver pabalik sa taxi. “Ihatid mo ako sa Susana Heights.”

Pag-alis, natanaw pa niya si Zech dahil umikot pa ang sasakyan pabalik. Nakaupo pa rin sa sementadong kalsada ang lalaki habang nakatingin sa kanyang pag-alis. Ngayong humupa na ang tensiyon dahil sa paghihiwalay nila, pakiramdam niya, siya pa rin ang talo.

Kunsabagay, kahit kailan naman hindi siya nanalo sa laro ng pag-ibig. Lagi na lang siyang pinagtitripan ni Kupido. Noon, kontento na siyang may makitang lalaking nakakatagal sa pakikipagrelasyon sa kanya. Iyon bang tipong handa na ring mag-settle down kahit hindi pa nakasisiguro sa nararamdaman para sa kanya.

Pero nakialam si Kupido at binigyan siya ng isang Zech Marquez. Sa isang iglap, ibinasura niya ang lahat ng mga plano sa buhay at umikot ang kanyang mundo kay Zech nang hindi namamalayan. Ngayon, wala na siyang pakialam kung maging single man siya habang-buhay.

Dahil ang takbo na ng isip niya ngayon, “if he was not Zech, he will never be good enough for her.”

NAPAKA-PEACEFUL ng kapaligiran ng Sagada. Parang may misteryosong katahimikang bumabalot sa lugar sa liblib na bahagi ng Mt. Province. Ang nag-iisang simbahan doon ay parang may kakaibang pang-akit sa bawat taong kasama sa maliit at exclusive wedding entourage nina Denniz at Sofia.

“Okay, people, that would be enough for the day,” malakas na sabi ni Karina pagkatapos ng halos kalahating araw na wedding rehearsal para sa kasal nina Sofia at Denniz. “Magpahinga na muna siguro tayo. I’ll see you all in two hours.” Nilapitan niya si Rinoa na abala sa pag-iinspeksiyon sa buong simbahan. “Na-estimate mo na ba kung gaano karaming bulaklak ang kakailanganin para sa kasal?”

“Oo. Nang ipaliwanag mo kanina ang gusto mong maging hitsura ng simbahan sa araw ng kasal, madali ko nang na-estimate ang lahat. Everything will be settled soon.”

“Hindi ba magiging problema ang pagkukuhanan mo ng mga bulaklak? I mean, hindi biro ang layo ng Sagada sa pinaka-city.”

“Karina, dear, hindi lang sa mga city ang sakop ng mga connection ko. Don’t worry, okay? Ako’ng bahala sa mga bulaklak sa wedding na ito.”

“Thank you. That’s a relief. Siyanga pala, puwede ko bang magamit ang ilan sa mga tauhan mo para makatulong ko? Sa laki nitong venue, parang hindi kakayanin ng mga tauhan ko ang paghahanda sa mga bulaklak. Ako na ang bahalang magbigay ng suweldo nila para sa araw na `yon.”

“Sure. Sa isang kondisyon.” Itinuro ni Rinoa si Zech na nasa labas ng simbahan habang nakikipag-usap sa cell phone. “Pansinin mo na ang pinsan ko. Natatakot na sa kanya ang mga tao rito dahil parang laging dragon ang aura niya mula nang tumuntong `yan dito. He’s freaking out everyone.”

“Bibigyan ko na lang ng instruction ang mga tauhan natin tungkol sa taong `yon—”

“O kaya naman, bakit hindi mo na lang siya yayaing kumain?”

“Bakit?”

“Because I know you’re the only one who can make his mood better. Sige na. Miss na miss ka na ng sira-ulong `yon, eh. At saka, alam mo namang ikaw lang ang nakakagawa ng himalang mapangiti ang masungit na `yon kaya pumayag ka na.”

Karina looked at Zech and sighed. Magugulo lang nila ang kasalan kapag nagkalapit pa sila. “I can’t, Rinoa. I’m sorry.”

“Huwag kang ganyan. Kanina pa palipat-lipat ang tingin ni Sofia sa inyong dalawa. Kapag nakita n’on na ganyan ang drama n’yo, baka masira na naman ang maganda niyang mood ngayon. Maaapektuhan ang kasal nila ni Denniz. As a wedding coordinator, hahayaan mo bang mangyari `yon?”

Professional blackmailer yata ang babaeng `to. “All right. I’ll think of something.”

“Huwag na. Lapitan mo na lang siya. Go. Now na.”

“Later. Marami pa akong aasikasuhin dito.”

“Mamamatay `yon sa gutom.”

Hindi na lang pinatulan ni Karina ang biro ni Rinoa at nilapitan na sina Sofia at Denniz para alamin kung ano pa ang sa tingin ng mga ito ay kulang sa preparations na ginagawa nila ngayon. Napansin niyang hindi na gaanong kinakabahan si Sofia habang mahigpit na yakap ni Denniz. Natutuwa talaga siya sa “magsing-irog” na ito. They looked like they really loved each other. Masaya siya para kina Denniz at Sofia kaya sisiguruhin niyang magiging napaka-memorable ng kasal ng mga ito.

“That’s enough, Karin.” Nagulat siya nang marinig ang boses ni Zech. Nakalapit na pala ito nang hindi niya namamalayan. “Let’s eat. Kanina ka pa nagtatrabaho.”

“Oo nga naman, Karin,” sulsol pa ni Sofia. “Sumama ka na kay Zech. Kami man ni Denniz, maghahanap na rin ng makakainan.”

“May ipina-reserve na akong restaurant di-kalayuan dito,” sabi ni Denniz. “Magkita na lang tayo ro’n.”

Nang maiwan si Karin kasama si Zech, hinila siya nito sa braso. Napasunod na lang siya kung saan man siya dalhin ni Zech. She missed his voice and simple touch. Damn! She missed the hell out of him!

Wala silang imikan habang sinusundan sina Sofia at Denniz. Kung saan-saan naman nagpunta ang iba pang billionaire boys kasama ng kanya-kanyang asawa. Kung titingnan, mapagkakamalan din silang magka-partner, minus the holding hands, the sweet smiles, and the loving embrace.

“I heard nakabalik na raw sa Amerika si Karissa,” mayamaya ay sabi ni Zech.

Kailangan talagang ipaalala si Ate? Nag-e-emote kaya ako rito. Kaunting konsiderasyon naman, tsong.

Pero professional si Karina kaya naman sumagot siya nang maayos. “Oo. Hinahanap na raw kasi siya ng trabaho niya sa New York.”

Tumango lang si Zech at muli silang nabalot ng katahimikan.

Mabuti na lang at malamig ang simoy ng hangin kaya madaling napapatuyo ni Karina ang mga nagbabantang luha. “Gusto mong kunin ang address ni Ate Karissa sa New York? I can… give it to you.”

“Damn it, Karin.”

“What? Ayaw mo?”

Humugot ng malalim na hininga ang binata. “Forget it.”

Forget everything. Oo, mas makakabuti nga iyon para sa kanilang dalawa, lalo na sa kanya.

Hindi na umimik pa si Karina hanggang sa makarating sila sa restaurant na tinutukoy ni Denniz. Wala pa roon ang mga taong inaasahan niyang makakasabay nila sa pagkain pero kumuha na rin sila ng mapupuwestuhan. Nakontento na lang siya sa mga ganoong pagkakataon kung saan kahit paano ay nakakasama niya si Zech. Pagbibigyan niya sa huling pagkakataon ang kanyang puso na makasama si Zech dahil pagkatapos ng kasal nina Sofia at Denniz, wala nang dahilan para magkita pa sila ni Zech.

Palihim na pinagmasdan ni Karina si Zech nang makakuha na sila ng table. Itatago niya sa puso ang mga alaala nito, masaya man o hindi.

Tumunog ang cell phone ni Zech. He silently excused himself to answer the call. Sinundan ni Karina ng tingin si Zech nang lumabas ito ng restaurant. Iyon na nga siguro ang kapalaran niya, ang tanawin ito sa malayo.

“Excuse me, Miss. Is this seat taken?”

Isang foreigner ang nalingunan niya. May mga kasama pa itong tatlo ring dayuhan.

“Yes. I—” Umupo pa rin ang lalaki sa puwestong iniwan ni Zech. “I’m sorry but that seat is reserved.”

“I don’t see anyone.” Nagtawanan ang mga kasamahan nitong pumuwesto sa ibang mesa. “You’re beautiful. Would you go out with me tonight?”

“No.” Kung hindi lang masama ang pakiramdam niya, sinuntok na niya ang lalaki. “I don’t want to be rude but… please go away.”

“Come on. I just saw you dump the guy you were with a few minutes ago. That means you’re free.”

“Free or not, it doesn’t matter. I want to be alone so if you can just leave, it would mean so much to me.”

Nang hawakan siya ng lalaki sa kamay, umigkas ang isa niyang kamay at dumapo sa pisngi nito.

“You bit—”

Hindi na natapos ng foreigner ang sasabihin dahil may kung sinong humila sa kuwelyo nito at itinayo ang lalaki. Pagkatapos, bumalandra na lang ito sa mga bakanteng mesa.

“Zech!” sigaw ni Karina. It was him who pulled the foreigner away from her.

Kitang-kita niya kung paanong pinagtulungan si Zech ng mga kasamahan ng dayuhang sinuntok nito. Mag-isa lang si Zech pero nakapagtatakang nagagawa pa rin nitong labanan ang apat na foreigner.

“Umalis ka na rito, Karin!” sigaw ni Zech, saka binigyan ng tig-isang suntok ang mga kaharap. “Kaya ko na ang mga `to!”

Mukha nga dahil napakagaling makipagsuntukan ni Zech. Paano kaya nito nasasangga ang mga suntok ng apat na lalaking sabay-sabay pang sumusugod?

“What the hell—”

Mula sa pintuan ng restaurant, nagsulputan ang grupo ng Billionaire Boys Club. Nang makita ang nangyayari, parang mga torong sumali na rin sa rambol ang mga ito. To make the story short, naging battle arena ang buong restaurant.

Pagkaraan ng ilang minuto, tulog ang mga dayuhan. Nang makontento, nag-high-five ang mga kaibigan ni Zech.

Lumapit naman si Zech kay Karina. “Okay ka lang?” nag-aalalang tanong nito. “May masakit ba sa `yo?”

“Ako dapat ang nagtatanong niyan.”

“I’m fine.” Masuyo nitong hinaplos ang kanyang pisngi. “Are you sure you’re okay?”

“Zech—”

“Oh, my God!” tili ni Sofia na kadarating lang. Katabi nito ang mga nakangising asawa ng ibang billionaire boys na kanina pa nanonood sa nangyari. “You ruined the whole place! Mga sira-ulo talaga kayo, ano? Paano kung idemanda tayo ng may-ari ng restaurant? Denniz, sa kulungan tayo ikakasal nang wala sa oras!”

Mabilis na nilapitan ni Denniz si Sofia at sinuyo.

Nilapitan ni Zech ang may-ari ng restaurant. Kinuha nito ang wallet at ibinuhos ang lamang pera sa counter. “Bayad `yan sa mga nasira namin. Kung kulang pa `yan...” Iniabot nito ang isang calling card. “Tawagan mo na lang ang number na `yan. Ask for my accountant. And he will take care of everything.”

Nagbigay rin ng pera ang iba pa kasabay ng paghingi ng paumanhin.

“Ran, can you do something for me?” sabi ni Zech. “Gusto kong ipatapon sa labas ng bansa ang mga insektong `yan.” Itinuro nito ang mga foreigner.

“Sure.”

“And have them blacklisted.”

“No problem.”

“And, Karina Licaros,” sabi ni Zech. “I love you. Damn it! Don’t make me say it again.” Napatunganga na lang si Karina. “Hindi naman ako manhid. Nasasaktan ako tuwing binabale-wala mo ang mga ginagawa ko para sa `yo. At hindi ko nagustuhan ang pagrereto mo sa `kin sa ibang babae, lalo na kay Karissa.” He cursed once again. “What else do you want me to do, Karin? Ano pa ba ang kulang para malaman mong ikaw lang ang gusto ko?”

Oh, my God! Totoo ba ang naririnig niya? Zech Marquez… the Zech Marquez… was confessing to her?

“Alam kong marami na akong nasabing nakasakit sa damdamin mo. I’m sorry. Nasabi ko lang naman ang mga `yon dahil ni minsan, hindi ka naniwala sa mga ginagawa ko.”

“Paano ako maniniwala kung ikaw mismo ang nagsabi noon na… you will make me fall in love with you and…and…”

“Yes. I told you I’d make you fall in love with me. And that’s it. Period. Dahil wala naman talaga akong planong maghiganti sa mga ginawa mo sa akin noon.”

“What…?”

“Nang makita uli kita sa bakeshop after all those years, isa lang ang pumasok sa isip ko. How can I make you fall for me without making a fool of myself? Dahil kahit ako, hindi makapaniwala na sa unang pagkakataon, may babaeng gumising sa puso kong matagal nang nagsawa sa buhay. You made me live again, Karin. Kaya nang banggitin mo ang tungkol sa nakaraan, nakakita ako ng magandang pagkakataong makalapit sa `yo, na makasama at makausap ka. Because God knows how much I want to see you everyday. You make me smile. You make me happy. To simply put it, I want you. Not your sister, not that woman from your shop, not anyone else. Just you.”

“Teka lang—”

“Didn’t you hear me? I fell in love with you the moment I saw you again. You’re not as beautiful as the women I usually meet and you like to eat sweets. There is no connection but what the heck! I have been saying a lot of things right now kaya lulubos-lubusin ko na.” Lumapit si Zech kay Karina at dinukot mula sa bulsa ng coat ang pinagsamang red and blue diamond sa iisang singsing. “I made this especially for you. Wala pang nakakakita nito kahit sino. If you love me like I always wish you would, take it. Kung hindi naman, kunin mo rin ito at itapon sa pinakamasukal na kagubatang nakita mo mula sa chopper nang ihatid ka rito sa Sagada.”

She looked at the ring. It wasn’t the brown diamond like the color of his eyes that she always liked. Pero sapat nang katibayan iyon na totoo nga ang nangyayari.

“Maniwala ka sa kanya, Karin,” sabi ni Yeoji. Lumapit ito at ipinakita ang picture ni Zech. “Dahil siya na mismo ang nagmarka nito.”

May pulang check mark nga ang picture ni Zech. Ibig sabihin, ito na ang susunod sa yapak ng mga kaibigang nagsipag-asawa na.

Isang beses pang tiningnan ni Karina ang hawak na singsing ni Zech bago uli niya pinagmasdan ang binata. “Hindi ko na kailangan `yan.”

“You… don’t want…”

Natawa siya nang makita ang matinding disappointment sa mukha ni Zech. At hindi niya namalayang dumaloy na pala sa kanyang mga pisngi ang mga luha. But those were definitely not tears of sadness anymore.

“Hindi ko na kailangan ng diamond na `yan para maniwala sa mga sinabi mo, Zech. Okay nang narinig kong dumaldal ka nang dumaldal.”

“I still want you to have this, though—”

Hindi na pinansin ni Karina ang sinasabi ni Zech. Agad niya itong niyakap nang mahigpit. Na agad naman nitong tinugon ng mas mahigpit na yakap.

Feel that special heartbeats, Karin. Because you’re the only one who could do that to the elusive billionaire boy Zech Marquez.

At sa ikalawang pagkakataon din, muli niyang natikman ang matatamis na halik ni Zech na buong puso niyang tinaggap.

From somewhere, she could hear Dunkey’s words.

“Okay, people, gather around the newly engaged couple. Time to take some pictures for the Billionaire Boys Club.”

She opened her eyes slightly enough to see Zech’s friends and their wives pose in front of them. And then she closed her eyes once again to focus her attention on Zech. Wala nang ibang makakakuha ng atensiyon niya ngayon kundi si Zech na lang.

“Now smile and say ‘sex’!”

“Cheese!”

Wakas