noveltoon logo noveltoon
Zech Marquez (The Billionaire Boys Club 5)

Chapter 4

Ch. 4 / 10 Mar 03, 2022

LUMAYO si Karina sa karamihan at tinanaw ang malawak na karagatan mula sa upper deck ng Voyager III, ang yate ni Denniz kung saan ginaganap ang party nito at ni Sofia. Kumikislap ang tubig-dagat dahil sa tama ng sinag ng buwan at mga bituin. It was a great party. Hindi siya na-out of place dahil sinalubong siya ng mainit na pagbati ng mga babaeng nakilala niya noon sa Jaberu, ang bar and restaurant na pag-aari ni Sofia.

Dahil nagmula sa isang simpleng pamilya, inakala niya noon na mga isnabero at matapobre ang mayayaman. Pero napatunayan niya ngayong gabi na mali ang akala ng karamihan sa mayayamang gaya ng mga tao roon. Hindi naman pala lahat ng may pera ay matapobre.

Napansin ni Karina ang isang bahagi ng deck na hindi gaanong napapansin ng mga nandoon. Nilapitan niya iyon at muntik nang matawa nang makita ang mga nakadikit sa board—mga pinilas na litrato ng anim na billionaire boys mula sa Philippine Stats. May guhit ang mga iyon na pulang puso, check mark, cross mark, at ang kay Yeoji Buenzalido, parang napagtripan ng isang bata. Ang picture kasi nito ay may sungay, pangil, at bigote.

“Si Pam ang may gawa niyan noong bago sila ikasal. Typical cat and dog ang dalawang `yon dati kaya kapag nakita mo silang magkasama sa isang lugar, asahan mong laging may giyera.”

Nilingon ni Karina ang nagsalita. “I know you. Ikaw si Lantis Nakago, hindi ba?”

“I guess you recognized me from the magazine.” Nakangiting inilahad nito ang kanang kamay. “Nice meeting you, Miss...?”

“Karina.” She accepted his hand. “Karina Licaros. But you can just call me ‘Karin.’”

“Nice name.”

“Thanks. Sa `yo rin.”

Ngumiti si Lantis, saka tiningnan ang mga litrato. “Umiikot na pala sa yate ng mga susunod na ikakasal ang mga litratong ito. Biruan lang namin ito noon. This mark, I mean. Pero mukhang nagiging totohanan na ang lahat.”

“Ang lahat ng...?”

“Ang mga markang `yan ang tanda na paisa-isa nang nauubos ang mga single sa amin.”

“At ayaw mo pang mapasama sa mga mamamarkahan, gano’n ba? You don’t want to get married?”

“Hindi sa gano’n. Kaya lang, parang ayoko pa sa ngayon.”

Tinanggal ni Karina ang picture ni Lantis at ibinigay rito. “Here. Para matahimik ang isip mo kahit paano.”

Tumawa ito. “Thanks.”

“You’re welcome. Ahm, nakita mo bang umaali-aligid dito si Zech?”

“Zech?”

“Oo. Kanina ko pa siya kasi hindi nakikita…” Luminga-linga si Karina sa paligid.

“Hay. Akala ko pa naman single and available ka pa.”

“Ah, no. Zech and I, we’re not… together. At hinahanap ko lang naman siya dahil may ipapakilala akong babae sa kanya.”

“Bakit kailangan mo pang magpakilala ng ibang babae sa kanya? Aren’t you enough for him?”

“Mr. Nakago—”

“Call me ‘Lantis.’ Please...”

“Okay. Mr. Lantis. As I’ve said, wala kaming ano mang relasyon ng Zech Marquez na `yon. May kaunti lang kaming pinagdadaanan ngayon na kailangan naming plantsahin para sa ikabubuti ng kinabukasan ko.”

“Kinabukasan mo?”

“It’s a long story.”

Tumawa si Lantis. Hindi rin napigilan ni Karina na matawa sa itinatakbo ng usapan. Okay din palang topic of discussion si Zech Marquez. Uubrang ice breaker. Should she thank him?

Weh! Huwag na, `no? Baka ipamukha pa n’on ang kabutihan niyang `yon sa akin.

“Hindi pa dumarating si Zech. Baka nalunod na naman `yon sa trabaho. Gaya ng dati. Anyway, gusto mo bang ikuha pa kita ng drinks? Pampalipas-oras habang hinihintay mo si Zech.”

“Ah, hindi na. Nakakahiya naman sa `yo.”

“It’s nothing.” Kinuha na rin nito ang baso niya. “I’ll be back in a minute.”

“Sige. Salamat uli.”

Nakangiting sinundan ng tingin ni Karina si Lantis. Tingnan mo nga naman. Isa sa mga pinagkakaguluhang member ng BBC ang kumuha ng drinks ko. Such a gentleman. And quite a looker, too.

“Enjoying yourself?”

Hindi na niya kailangang balingan ang lalaking tumabi sa kanya para makilala kung sino ito. “Hello, Zech.”

“Ipinagpalit mo na pala ako kay Nakago.”

“Bakit naman kita ipagpapalit? Mas masayang kakampi si Lantis kaysa kaaway kaya huwag kang mag-alala, ikaw pa rin ang nag-iisang nasa hate list ko.”

“Hate list, huh.”

“Huwag mong sabihing hindi mo alam kung ano ang ibig kong sabihin?”

“Of course I know.” With a glass in hand, he motioned toward Lantis’ direction. “Siya na ba ang bago mong prospect?”

“Bakit? Nagseselos ka?”

“Nope. Pero kailangan niyang mawala sa landas ko.” Zech sipped his drink. “Ayokong may iistorbo sa mga plano ko sa `yo. Hindi kita mapapaibig kung may asungot na aali-aligid sa `yo.”

“So… you’re thinking that Lantis likes me?” Napangisi si Karina. “That’s a nice thought. Thank you.”

Kapag nanligaw si Lantis Nakago, hindi na siya magpapatumpik-tumpik pa. Sunggab na agad. `Tapos deretso na sa altar. And then pak! Tapos ang sumpa!

“Don’t make plans for your future yet, Karin. Tandaan mong nandito pa ako,” paalala ni Zech.

“Oh, yeah. The evil stepmother is still here…” Nagulat siya nang dumikit pa talaga sa kanya ang binata. Hindi niya inaasahan ang pagsipa ng kakaibang kaba sa kanyang dibdib nang saglit na magdikit ang kanilang mga katawan.

Ano `yon? Bakit may gano’n? Anyare?

“Cold?” tanong ni Zech. “Lumapit ka pa sa `kin para hindi ka masyadong ginawin.” Pero ito na ang unang kumilos, inakbayan siya at lalo pang pinagdikit ang kanilang mga katawan. “Huwag kang mag-alala, hindi ko gagawin sa `yo ang balak mong gawin kay Nakago.”

She had a lot of things to say to him but the moment his spice-scented cologne reached her nostrils, her mind just went blank.

Naglagay ng distansiya si Karina sa pagitan nila. “Sinabi ko na sa `yo noon, Zech, hindi mo ako maaakit.”

“Gano’n ba?” He moved away a little to take a better look at her. “Bakit namumula ka?”

“Blush on lang `yan. Huwag ka masyadong assuming.” She touched her burning cheeks.

“You’re blushing.”

“Hindi nga. `Kulit nito.”

“Let me see then.”

Karina almost sucked in her breath when he suddenly moved so close, she thought she would drown in his presence. Napaatras siya nang wala sa oras, paatras sa parte ng upper deck kung saan hindi masyadong pansinin ng mga tao roon. At para lang ma-realize sa huli na dead end na ang kinaroroonan niya. Muntik na siyang maghanap ng palakol para gibain ang lintik na haligi ng upper deck ng yate. Kung hindi lang muling nagsalita si Zech.

“Why hate me, Karin? When you have every reason to love me?” His voice was almost a whisper as he dipped his head towards her. “Hmmm?”

Was he going to kiss her?

No! sigaw ng isip niya. Kumilos ka, Karin! Kung ayaw mong mahulog sa karisma ng lintik na lalaking `yan. Kilos! Now na! Vroooooom! Vrooooooom!

But she just couldn’t find the strength to shove him away. She was hypnotized by his masculine scent. She was drowning in his clear brown eyes. And she was caught between anticipation and excitement as he continued to dip his head, aiming at her lips. She was about to close her eyes when she heard another voice.

“Karina?” Boses iyon ni Lantis. “Nasaan ka na?”

Doon natauhan si Karina. Itinulak niya si Zech pero huli na. She could see triumph in his gorgeous clear brown eyes.

“So, you’re not really as tough as I thought you were. I’m going to enjoy wooing you, Karina Licaros.”

Napatanga na lang si Karina. Alam naman niyang nang-aasar lang si Zech sa paglapit sa kanya. Pero bakit parang somewhere along the way, nakalimutan niya ang katotohanang iyon? Na para bang sa saglit na pagkakalapit nila nang husto, naramdaman niya na parang totoo ang lahat ng ipinakita at sinabi ni Zech Marquez? At ngayon, parang nanghihinayang at medyo nagtatampo ang kanyang puso.

Yes? Nagtatampo? Nanghihinayang? Really, Karina? You thought this nightmare in front of you could actually be nice to you? In your dreams.

If only her heart would be as cooperative as her mind.

To consider billionaire boy Zech Marquez as an enemy again.

“Move aside, Mr. Marquez. Tinatawag na ako ni Lantis.”

“Bakit? May usapan ba kayong maging magka-date ngayong gabi? As far as I know, walang ka-date si Nakago sa event na `to.”

“As far as I know, wala ka nang pakialam kung nagtagpo man ang tadhana namin ngayong gabi. Basta umalis ka na lang diyan sa harap ko, por pabor.”

“What if I refuse?” And he moved in towards her even closer. “Sisigaw ka ba?”

There want her heart again, screaming silently to move away. To run away from this man who was giving her such unfamiliar feelings she never thought she would ever feel towards any man. Especially towards a man she didn’t even like.

“S-sisigaw ako.”

“Sumigaw ka.” He was dangerously close now, she could almost breathe in his warm scent.

“S-sisigaw talaga ako…”

“Sigaw na.” Zech’s eyes drifted towards her lips from her eyes. And he kept moving in closer… closer…

Her heart screamed, and a desperate whisper, yes, just a pathetic desperate whisper, came out of her mouth. “Help.”

Narinig ni Karina ang impit na tawa ng kung sino. Thank you, Lord! Dahil kung hindi dahil sa tawa na iyon, hindi madi-distract ang nagliligalig niyang sistema. Pero sa pagmulat niya ng mga mata, noon lang niya na-realize na kay Zech Marquez nagmula ang mahinang tawa.

Pinagtatawanan siya ng ungas.

Itinulak niya ito nang malakas. “Do that again and I swear, I’ll punch you in the face.”

“I can’t promise. Promises are made to be broken.”

“Your bones will be broken if you pull that stunt to me again.”

Biglang sumeryoso ang mukha ni Zech. Bigla ring bumalik ang kakaibang kaba sa dibdib ni Karina. At mariin siyang napapikit uli.

“Marquez, nandiyan ka lang pala. Kanina ka pa hinahanap ni Karina…” Lantis’ voice trailed off.

And Karina opened her eyes again. Deretso kay Lantis ang tingin niya. Doon lang siya nakakita ng pagkakataon na makawala nang tuluyan sa magnetic charm ng walanghiyang si Zech Marquez.

“Lantis! You’re back.” Mabilis siyang lumapit kay Lantis, saka walang sabi-sabing kinuha ang dalawang baso ng inumin na hawak nito at magkasunod na nilagok ang laman niyon. “Yummy! Saan ka nakakuha nito?”

Hindi sumagot si Lantis, palipat-lipat lang ang tingin sa kanila ni Zech.

Nakitingin din si Karina kay Zech kahit ayaw sana niya. Pero ewan ba kung bakit parang ang lakas ng pakiramdam niya na may tensiyong namumuo sa dalawang lalaki.

“Hello, people of the world,” bati ni Dunkey na lumitaw na lang sa isang bahagi ng upper deck. “Bakit nandiyan kayo sa dilim? Dito kayo sa liwanag at nang may napapanood naman kaming threesome.”

Mabilis na tinakpan ang bibig ni Dunkey ng kamay ng lalaking katabi nito. Karina knew that man from the magazine. He was Ran Fontanilla, another billionaire boy, and Dunkey’s husband.

“Umiral na naman ang pagkataklesa mo.” Itinaas ni Ran ang isang kamay sa kanila. “Pasensiya na kayo sa makulit kong asawa. Nakawala na naman kasi sa renda ko kaya naghahasik na naman ng lagim.”

Inalis ni Dunkey ang kamay na nakatakip sa bibig. “Honeybun, pagbigyan mo na ako. Alam mong pagkakataon ko na uli ito para sumikat. I mean, look at them. Ang dalawang natitirang bachelors ng Billionaire Boys Club ko, pareho ng pinag-iinteresan. Cute, `di ba? Ngayon lang nagkaroon ng love triangle sa inyo—”

Tinakpan lang uli ni Ran ang bibig ng asawa. “Huwag n’yo na lang pansinin ang mga sinabi ni Dunkey. Enjoy the rest of your night.” And then Ran pulled his flailing cute petite wife away from them.

Parang gustong humabol ni Karina sa mag-asawa para hindi maiwan sa gitna ng nakakailang na katahimikan. Nagkakatinginan pa rin sina Lantis at Zech. Speaking of Zech…

Her eyes drifted towards the man who shook her world when he teased her to death earlier.

Naramdaman na naman niya ang kabog ng kanyang dibdib. Ano ba?! Bakit may ganitong drama ngayon…?

“Well, gaya ng sabi ni Ran, enjoy the rest of the night,” basag ni Zech sa katahimikan. “Mauuna na ako sa inyo.”

“You’re not going to make Dunkey’s joke a thing, are you, Marquez?” tanong ni Lantis. “Nagbibiro lang `yon.”

“I know. Pero kailangan ko pa ring umalis. May dala akong trabaho galing opisina bago ako nagpunta dito dahil balak ko lang talagang bumati kina Denniz at Sofia. So, now, I have to go. Goodnight, Karin.”

Bahagya lang tumango si Karina. Tahimik nang naglakad si Zech pababa sa lower deck. Hindi niya mapigilang sundan ng tingin ang lalaki.

Nakahinga siya nang maluwag. But at the same time, she also felt a little disappointed. Disappointed. `Tapos may mga pagkabog pang drama ang lintik na dibdib na `to…

“Weird night, huh?”

Nagkibit-balikat lang si Karina pero buong-buo ang pagsang-ayon niya sa sinabi ni Lantis. Ang weird nga talaga ng gabing ito. Lalo na siya. Bakit bigla yatang naging iba ang reaksiyon niya sa pagkakalapit nila ni Zech? Siguro dahil hindi naman talaga sila nagkalapit noon. Pero iba pa rin ang nangyari sa kanya kanina. It was as if she was actually anticipating a kiss from him.

“Lantis, gusto mong sumayaw?”

“Wala namang music, ah.”

“Eh, di magpatugtog tayo.”

“Cool. Let’s go.”