noveltoon logo noveltoon
Yzaak Argoncillo (Stallion island 3)

Chapter 9

Ch. 9 / 10 Nov 28, 2025

NAKAPIKIT na si Rayanne dahil sa antok pero hindi pa rin niya tinitigilang panoorin sa home theater ni Yzaak ang mga video na kuha nang nakaraan nilang pagdalaw sa Santa Inez. Iyong habang nagsasayaw siya at ang mga bata, habang nasa isang kamay naman niya ang papel at lapis. Busy siya sa paglilista ng mga galaw na nakikita niya.

Pumitlag siya nang maramdaman ang halik ni Yzaak sa kanyang noo. “Mukhang hindi ka na lumabas dito sa entertainment room maghapon.”

“Nasa Manila ka naman kaya wala akong masyadong gagawin.” May business meeting ito na kailangang asikasuhin. Nakipagkita rin ito kay Vishneya para ipadala ang ibang gamit niya. Hindi niya napansin na ilang linggo na siya sa isla. Ngayon ay may bago na siyang pagtutuunan ng pansin.

“Kanina, nasa Manila ako. Pero paano bukas? Ilang araw mo nang tinititigan iyang video na iyan. Parang gusto ko nang magselos.”

Yzaak was less colder these days. Hindi katulad dati na nalulukot agad ang mukha kapag pinag-uusapan ang ballet. Ito pa mismo ang naghahatid sa kanya sa dance studio. Hindi rin siya puwedeng lapitan ng Sirens kapag naroon ito. Hindi na rin makapagpa-cute sa kanya ang mga lalaki sa isla dahil dito. Nobody would dare mess with his girl.

“Importante lang ito. Malay mo, baka ang mga dance note na ito ang mag-iiba sa mga plano ko sa buhay.”

Umupo si Yzaak sa tabi niya sa couch. “Masyado naman yatang malalim iyon.” Sinubukan nitong intindihin ang mga sulat niya pero ibinaba lang agad ang papel. Napansin nito ang lumang dance notes. “Marami ka na palang nagawa.”

“I bring those wherever I go. Lahat ng ethnic dances na napapanood ko, ginagawan ko ng dance notes para hindi ko makalimutan. Ewan ko kung bakit ginagawa ko iyon dati samantalang alam ko namang classical ballet lang ang gusto kong gawin. Pero habang kasayaw ko ang mga bata sa Santa Inez, mukhang nakita ko na kung ano ang gusto kong gawin sa kanila. I want a fusion of ballet with different ethnic dances.”

“That is an immense task.”

“At hindi ko siguro iyon maiisip o magagawa kung hindi ako nakapagbakasyon.” Masyadong busy si Rayanne sa pag-iisip noon sa mga tour niya at kung paano mai-impress si David sa sayaw niya. Ngayon, mas may direksiyon na ang iniisip niya kahit na hindi niya basta-basta matutupad ang kanyang mga plano.

“Ibig sabihin, wala ka pang balak bumalik sa trabaho?”

“Puwede na akong bumalik sa trabaho, pero dapat, mas maluwag ang schedule ko. Gusto kong mag-enroll sa ballet teaching class sa Vaganova. And I want more time in my hands for this ballet fusion and for you.”

Gusto rin niyang tulungan ang iba’t ibang mga mahihirap na kabataan ng iba’t ibang cultural groups katulad ng Santa Inez. Sayang naman kung mawawala ang katutubong musika at sayaw ng mga ito sa pagpasok ng sibilisasyon. Kung makakahanap siya ng mga taong tutulong sa kanya, puwede niyang iangat ang kultura ng mga ito kasabay ng pag-angat ng sining niya bilang ballerina.

Sumandal si Yzaak at tiningnan ang malaking LCD TV. “Hindi ko alam kung kaya mo pa akong isingit sa schedule mo. Once you leave this island, you might forget about me. You will go back to your glamorous world and more.”

Humilig si Rayanne sa balikat nito. “Mas gusto mo ba na dito lang ako?”

Humugot ito ng malalim na hininga. “I want you to experience everything. Hanapin mo ang bagay na magpapasaya sa iyo.”

“Paano kapag umalis na ako?”

Ang akala niya ay malulungkot ang lalaki pero ngumiti lang ito. “Maliit lang ang mundo. Puwede kitang puntahan kahit nasaan ka kahit kailan ko gustuhin.” He laced his fingers with hers. Pagkatapos ay idinikit ang kamay niya sa pisngi nito. “I just want to know where I stand in your life.”

Mahabang sandaling tinitigan ni Rayanne si Yzaak. Wala siyang matagpuang salita para sa eksaktong nararamdaman para dito. Kung puwede nga lang na basta na lang niyang ibigay ang puso rito, gagawin niya. “You are the one that I can’t get out of my head. Kahit pa minsan, pakiramdam ko, ako ang pinakakinamumuhian mong tao sa mundo, hindi ko magawang magalit sa iyo. Kahit yata simangutan mo ako o sigawan I will always love you. I loved you once. Hindi naman iyon nawala. Nagpahinga lang siguro ang puso ko dahil nasaktan natin ang isa’t isa dahil sa pagkamatay ni Sylvette. But if I would be given a chance, I want to go back to that time when you still love me.”

“This is your chance, Rayanne. Our chance.”

“Then I’d die if I couldn’t have you again.”

They found themselves in each other’s arms and their lips merged. Parang dam na umapaw ang nararamdaman nila para sa isa’t isa. It was like yesterday, noong hindi pa namamatay si Sylvette.

He was the one she was looking for all her life. Isang mahabang pagtulog ang pagkakawalay nila sa isa’t isa. Ngayon ay hindi na pakakawalan pa ni Rayanne ang pagkakataong makasama ito.

“Do you really want to gamble your heart with me, Rayanne?” bulong nito, saka dinampian siya ng halik sa noo.

“Kung mamahalin mo ako nang buo, I’m willing to gamble. Sana nga, ikaw na, Yzaak. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na magmamahal pa ng iba.”

“Paano kung bumalik si David at handa na siyang mahalin ka?”

She grimaced. “Huwag na siyang bumalik. Wala na siyang aasahan sa akin. I have my own life now with you.”

“Hindi ka pa nakakasiguro hangga’t hindi pa kayo nagkikita uli,” sabi nito.

Nag-aalinlangan pa rin si Yzaak sa nararamdaman niya para dito. Kahit siguro sabihin niya na natunaw na ang pagmamahal niya para kay David nang malamang mahal pa rin nito ang dating asawa kaya hindi siya kayang mahalin, hindi maniniwala si Yzaak hangga’t hindi pa rin niya napapatunayan iyon. Then she would prove to him one day… in her own time.

“BALLET infused with dance moves from different ethnic dances? That is very promising,” sabi ni Benj, ang sikat na choreographer ng Cordillera performing arts group na nagpe-perform maging sa ibang bansa.

Namangha si Leonard—na pinsan ni Sapphire—nang mapanood ang video ng mga bata. Isa itong theater arts performer at nagbibigay rin ng libreng cultural dance training sa mga bata.

“My girlfriend writes musical plays and happens to be anthropologist as well. Kung mai-interview namin ang mga villager para malaman ang folk stories nila, puwede niyang gawan ng play ito. At kung magiging scholar namin sila sa foundation, we can enhance their dancing skills and their cultural arts as well.”

Dumalaw ang dalawa sa Stallion Island para makita ang dance notes ni Rayanne at ang Santa Inez. Maganda ang response na nakuha niya sa mga ito.

“Sa palagay ko, matutulungan kita para ma-polish ito. I already danced with a great choreographer. He is based in California. He incorporated neoclassical ballet with African dance and music. But it took him two decades to polish it,” sabi naman ni Wolf na kagrupo rin ni Leonard.

“Good,” sabi niya nang makabawi. “Kung makukuha natin ang tulong niya, hindi na tayo aabutin nang dalawang dekada para i-polish ito. I hope we can work this out before I leave for Saint Petersburg.”

May ilang buwan pa siyang bakasyon kahit na nakikiusap ang director niya sa Mariinsky Theater na bumalik agad siya dahil maraming patron na naghahanap sa kanya. Plano niyang mag-enroll sa St. Petersburg Conservatory para kumuha ng degree bilang ballet teacher. Marami pa siyang gustong matutuhan at magawa. She was more than a dancing doll now. She loved herself more. Mas mahal din niya ang sarili dahil mahal siya ni Yzaak. Napaka-supportive nito sa mga plano niya. Kaya tiwala siyang matutupad ang mga pangarap niya. Then she and Yzaak would have a serious talk later in time. Kailangan nilang pag-usapan ang magiging plano nila para sa isa’t isa.

Inihatid ni Rayanne ang tatlong kalalakihan sa yate ni TJ. Ang mga ito ang magkakasamang dadalaw sa Santa Inez. Puwede na siguro siyang tumuloy sa Lighthouse Tower kung saan naghihintay si Yzaak.

Naghihintay si Rayanne ng masasakyan nang lapitan siya ng mga member ng Sirens. They were wearing frilly dresses. Masyadong makulay ang mga ito dahil sa dami ng accessories sa katawan. Kulang na lang ay putungan niya ng star sa ulo ang mga ito para magmukhang Christmas tree.

“We have an offer. Babayaran ka namin kahit magkano kung ikaw ang magtuturo sa amin ng ballet,” nakataas-noong alok ni Merian. Mukhang natuto na ito ng leksyon na huwag siyang kalabanin. Ngayon ay sasalpakan pa siya ng pera para lang turuan itong mag-ballet.

“Sorry. I’m busy.”

Wala siyang balak aksayahin ang panahon sa mga taong wala namang talent. Baka masira pa ang pangalan niya kapag pinatulan ang offer ng mga ito.

Hinarangan siya ni Merian nang sinubukan niyang umiwas. “Mayaman ako. Kaya kong doblehin ang kinikita mo sa ballet.”

“Marami akong importanteng gagawin. Kailangan ko pang tingnan ang contract na pipirmahan ko para sa Stallion shampoo commercial.” Gusto niyang ipamukha rito na kung mayaman ito, may pera din naman siya. At magkakapera pa.

Ang art ay hindi lang naman base sa pera. Nasa puso niya ang kanyang sining. At nararamdaman niya kung isinasapuso rin ng isang tao ang ballet. Mukha namang walang puso ang mga kaharap niya. Parang gusto lang magyabang.

Naglabas si Merian ng ilang lilibuhin at ipinaypay sa sarili. “How silly. Tumatanggi sa pera.” Dinuro siya nito. “Ibig sabihin, mas gusto mong makasayaw ang uncivilized na taga-Santa Inez, kaysa makasayaw ako, ang sikat na si Merian de Vera?”

“Alam mo, hindi ako ganoon kagaling sa ballet. Mag-aaral pa nga lang ako sa Saint Petersburg Conservatory para maging ballet teacher,” malumanay na paliwanag niya.

“Saint Petersburg Conservatory,” sabi ni Sassy habang inililista ang lahat ng sasabihin niya. “Ah, iyong may malaking telescope? Doon din nag-aaral ang mga astronaut at mga astronomist, `di ba? Gusto mong maging astronaut? Pangarap mo sigurong maging unang ballerina na makarating sa outer space.”

Ngiti lang ang isinagot ni Rayanne. Malamang ay observatory ang tinutukoy nito. Walang kuwentang kausapin pa ang mga ito. “Mabuti pa, bumalik ka na lang sa Vagamundo Ballet Academy. I’m sure marami ka pang matututuhan sa kanila.”

Ballerina na austronaut? Mukhang puwede niyang sunod na ilagay sa agenda niya iyon. Napagkatuwaan niyang i-save iyon sa kanyang reminder sa sketch pad nang marinig niyang may tumawag sa kanya. “Rayanne!”

Nilingon niya ang tumawag sa kanya. Nabura ang ngiti niya nang makaharap si David. “Hi,” lang ang nasabi niya. Hindi iyon ang karaniwang ibabati ng isang babae sa lalaking mahal nito o minsang minahal.

“Hindi na kita nakilala. You look exotic!”

“The sun loves my skin. Ikaw, ano’ng ginagawa mo rito?”

“May ilang art works ako na ide-deliver sa The Peak.” Ang The Peak ang palasyo ni Prince Rostam na nasa pinakamataas na bahagi ng isla. “H-hindi nasabi sa akin ni Oliver na nandito ka.”

“I didn’t want you to know,” direktang sagot niya. Ayaw niyang magkaroon ng tensiyon sa pagitan nila habang kausap ito. Pero hindi niya maiwasan iyon. Ilang taon din niyang minahal ito.

“I understand.” Tumango si David. “And we missed you at ballet. Hindi nga ako nanonood ng ballet show mula nang mawala ka. Ibig bang sabihin, babalik ka na?”

“Yes. I will enroll at Saint Petersburg Conservatory to take up ballet teaching. I’m also working with another group for a ballet fusion with different cultural dance. I know it’s not classical ballet but it is promising.”

“Hindi na-mention sa akin ni Miss Vishneya kung ano ang next show mo.”

Nagkibit-balikat si Rayanne. “I’m still on vacation. Baka pagka-enroll ko na sa conservatory, saka ako babalik sa ballet company.”

Pinakiramdaman niya ang sarili habang kausap si David. Ni hindi siya na-excite nang makita ito. Ni hindi niya na-miss ang lalaki. Kahit ang tibok ng kanyang puso ay normal. Wala namang kakaiba sa nararamdaman niya para dito. Ni hindi na nga niya maalala na nasaktan siya nito. Parang isang normal na kaibigan lang ang nasa harap niya nang mga sandaling iyon.

“May iba ka bang pupuntahan ngayon?” tanong nito.

“Yzaak is waiting for me.” Plano niyang sorpresahin si Yzaak. For the boys lang daw ang conference nito kasama ang ilang kaibigan. Maybe it wouldn’t hurt if she would see him for a while. Nami-miss na niya ito.

Mabanggit lang ang pangalan ni Yzaak, parang kinikiliti na ang kanyang puso. Kahit na pagkuwentuhin siya ng mga bagay tungkol kay Yzaak, hindi siya magsasawa. Kahit pa kakuwentuhan niya si David, kay Yzaak lumilipad ang isip niya.

Hinawakan ni David ang dalawang kamay niya. Parang hindi nito iniintindi ang tungkol sa magagandang balita niya. “Rayanne, galit ka pa ba sa akin? Ayaw mo pa rin bang bumalik sa stage dahil sa mga nasabi ko sa iyo?”

Natigilan si Rayanne. Ang akala ba nito ay nagrerebelde siya kaya ayaw na niyang mag-perform? “No. David, look at me. Masaya ako ngayon. And it has nothing to do with you. But it’s good to see you again. I want to know if I’m still in love with you.”

“Because of Yzaak Argoncillo?”

Tumango siya nang marahan. “Yes. Ayoko lang maging unfair sa kanya. I’m sorry that I have to bother you with this.”

“Hindi ka pa rin ba sigurado kung mahal mo ako o hindi? I can help you.”

Hinawakan ni David ang balikat niya at kinabig siya palapit. Nahigit niya ang hininga nang unti-unti nitong ilapit ang mga labi sa kanya. Hahalikan siya nito.

“David, no,” tutol niya at ubod-lakas na itinulak ang lalaki. Dali-dali siyang naglagay ng distansiya sa pagitan nila, saka niyakap ang sarili. Kinikilabutan siya kapag naiisip na hahalikan siya nito. She couldn’t even bear the thought of it. Lalo siyang nainis nang humalakhak ito na parang nakakaloko. “Huwag mo nang uulitin iyan.”

“Bakit? I thought you were in love with me all this time.”

Naipadyak ni Rayanne ang paa. “In love ka pa sa asawa mo dati. Saka kapag hinalikan mo ako, sisigaw ako rito,” banta niya.

Humalukipkip ito at itinapat ang mukha sa kanya. “Nakuha ko na ang sagot mo. You are not in love with me. You never were.”

Gulat na nag-angat siya ng tingin. “That’s not true. Minahal kita.”

“Nararamdaman ko na may pader na nakaharang sa ating dalawa. You like me but you don’t desire me. Pareho lang tayo. Na-attract ako sa pagiging artist mo. At grateful ka lang sa akin dahil ako ang naka-inspire sa iyo na magsayaw uli. But with Yzaak it is a different case. You are not just a plain ballerina. You live and breathe ballet now. You can live in a fairy tale with your prince even off the stage.”

“Right. So I’m not in love with you.” Sa simula pa lang ay mahal na niya si Yzaak. Hindi iyon nawala kahit nang layuan siya nito nang mamatay si Sylvette. Niyakap niya si David. “Thank you for helping me. I owe you.”

“Just don’t give up on your craft. I will always support you, friend.”

Friend. Dati ay hindi niya matanggap na kaibigan lang siya ni David. Pero ngayon ay maluwag na iyon sa loob niya. Kaibigan nga lang siguro ang turing niya rito.

May katiyakan na ang lakad ni Rayanne papunta sa Lighthouse Towers. Pupunta na siya sa lalaking mahal niya. Kay Yzaak. She would continue loving and dancing for him.