noveltoon logo noveltoon
Yzaak Argoncillo (Stallion island 3)

Chapter 8

Ch. 8 / 10 Nov 28, 2025

“HOW STUPID! Nagsasayaw nang hindi man lang nagwa-warm up. Hindi na nadala iyan nang minsan akong angasan dito. Umulit pa sa iyo,” sabi kay Rayanne ng katabi niya sa bench na si Sahara sa lobby clinic ng isla.

Nasa itaas ng Mist Fusion ang babae nang mabasag ang katahimikan dahil sa tili ni Merian. Nagtulong sila sa paglalapat ng first aid dito. Itinataboy kasi siya ni Merian at pinagbintangang naiinggit at gusto niya itong saktan.

“That’s why I told her to stop. Nakikita ko kasi ang mga galaw niya. Kung hindi siya maiipitan ng ugat o magkaka-cramps, malamang na mabalian siya ng buto.”

Olympic gold medallist si Sahara sa athletics at mahilig sa iba’t ibang extreme sports. Dahil pareho silang nabubuhay sa lakas ng katawan, naiintindihan nila ang isa’t isa. Hindi lang pala siya ang inangasan ng mga member ng Sirens kundi maging ito. Bukod sa kanya, kinuha ring endorser si Sahara para sa Stallion shampoo commercial. Naroon ito para sa horseback riding lesson nito kay Chrome.

“Iyang Sirens na iyan, counterpart ng Flower Girls sa Stallion Riding Club. Pakiramdam nila, sila ang may-ari sa mga Stallion boys. Mag-warm up muna sila bago nila hamunin ang professionals na katulad natin.”

So far, gusto ni Rayanne ang mga babaeng nakilala niya sa isla maliban sa Sirens. Nakakatuwa dahil iba’t ibang klaseng tao ang nakikilala niya roon.

Nilapitan siya ni Arjhilleyn, isa sa mga taga-security department. “Miss Rayanne, mabuti po natagpuan ko kayo. Nagkaproblema po yata sa singsing ninyo at hindi namin mai-activate ang tracker. Kanina pa po kayo hinahanap ni Sir Yzaak.”

Lagot! Nalaman na ni Yzaak na wala siya sa villa. “Where is he?”

“Nasa labas po. Naghihintay sa inyo. Nagprisinta na nga po akong pasukin kayo rito sa loob dahil hindi po siya makausap nang matino nang malaman niyang nandito kayo sa clinic sa halip na sa dance studio lang.”

“Okay. Thank you.” Nagpaalam siya kay Sahara at lumabas ng clinic. Nakatayo si Yzaak sa tabi ni Winter’s Sleep, madilim ang mukha. Kahit pa katirikan ng araw, pakiramdam niya ay may paparating na bagyo.

“Bakit ka nandito? Ang sabi mo, nasa dance studio ka lang. Nakadalawang dance studio na ako pero `di kita matagpuan. `Tapos hindi ka namin ma-trace. Alam mo bang nag-alala ako nang matindi nang sabihin nilang nasa clinic ka?”

Pinisil ni Rayanne ang braso ng lalaki. “Yzaak, I’m fine! Hindi ba nila sinabi sa iyo na isinugod namin sa clinic si Merian? Tumulong pa nga ako sa paglalapat ng first aid.”

Nagpalakad-lakad ito sa harap niya. “Hindi ko alam. Wala akong maintindihan sa sinasabi nila kanina. Ayoko ring maniwala na okay ka lang hangga’t hindi ko mismo nakikita. At sino ang nagsabi sa iyo na puwede kang lumayo sa Wind Village?”

“Nakita ko si Imhan na galing ng dance studio. `Di ko naman alam na kailangan pa palang magpaalam sa iyo.”

“Dapat lang na magpaalam ka sa akin.”

“Gusto ko lang magsayaw. Pati ba iyon, ipagpapaalam ko pa sa iyo? O baka naman gusto mo, pati sa paghinga ko kailangan ko pa ring magpaalam?”

Napipikon na talaga si Rayanne. Hindi naman siya gagawa ng makakasama rito. Alam niyang bisita lang siya roon. Naroon siya para magbakasyon. Hindi naman sinabi na parang isda siya sa aquarium na kailangang guwardiyado ang lahat ng galaw.

“Excuse me.” Isang kendo stick ang humarang sa pagitan nila ni Yzaak. Hawak iyon ng isa sa mga miyembro ng security na si Ridge. “In case hindi ninyo napapansin, nakakaabala na kayo sa ibang tao. Bago pa ito makarating sa isa sa mga village lord o kay Prince Rostam mismo, iuwi na ninyo sa bahay ang away ninyo, sabi ni Boss Oliver.”

Hinawakan ni Yzaak ang braso niya. “Sa villa na natin ituloy ito.” Pagkatapos ay saka siya inakay papunta kay Winter’s Sleep.

“Isasakay mo ako sa kabayo mo? Baka ihagis ako niyan.” Siyempre, magkakampi ang mag-amo. Kapag tinopak ang amo, may topak din ang kabayo.

“Yzaak, huwag na kayong sumakay kay Winter’s Sleep,” sabi ni Chrome na sinundo naman si Sahara. “Kinokopya ng alaga mo ang mood mo. Baka nga ihagis niyan si Rayanne. Tuluyan na siyang ma-confine sa clinic.”

Mariing naglapat ang mga labi ni Yzaak. Ang akala niya ay kokontra ito. “Chrome, ipara mo ako ng jeep. Ridge, ikaw ang magbalik kay Winter’s Sleep sa stable.”

“Ano? `Kita mong mortal enemies kami ng kabayo mo.”

Hindi na pinansin ni Yzaak ang mga pagkontra ni Ridge dahil isinakay na siya nito sa jeep. Hindi ito kumikibo. But she could feel him steaming. Kailangan na niyang ihanda ang sarili sa pagsabog ng bulkan.

Pagdating sa villa ay tumuloy si Yzaak sa kusina at nagsalang ng tubig. Wala pa rin itong kibo. Kumakapal ang hanging hinihinga niya habang tumatagal ang katahimikan. Mas gusto na niyang nagagalit ang lalaki sa kanya at sinisigawan siya kaysa tahimik ito.

“Yzaak, kung nahihirapan kang bantayan ako, aalis na lang ako. Ayoko namang maging pabigat sa iyo at bigyan ka ng sakit ng ulo.”

“Gusto kong makita ang paa mo,” sa halip ay sabi nito. “Saan masakit?”

Nagulat man, hinubad na rin niya ang ballet shoes. “Walang masakit sa akin. Nag-warm up lang ako kanina. `Di ko pa nga natapos dahil dumating ang Sirens. You have nothing to worry about.” Naghahanap ba ito ng maisisisi sa kanya at sasabihin na namang hindi niya kayang alagaan ang sarili?

Nang makita ni Yzaak na walang problema sa paa niya ay hinawakan nito ang kanyang kamay at hinaplos ang suot niyang singsing. “We have to go to the security headquarters. They must fix your ring soon.”

Hindi siya makapaniwala sa naririnig. Malumanay ang boses nito. Ni wala siyang mahimigang galit doon. “Yzaak, ano ba’ng nangyayari sa iyo? Galit na galit ka dahil lang pumunta ako sa dance studio. Ano ba’ng problema sa pagsasayaw ko? O talagang wala ka lang tiwalang gagawa ako ng maganda?”

Ayaw niyang isipin na galit pa rin ito sa kanya dahil sa pagkamatay ni Sylvette. Na ayaw pa rin nito sa ballet. She couldn’t stay with him if he had that idea.

“Natatakot ako, Rayanne. Kung aalis ka nang hindi mo ako kasama, baka may ibang taong manakit sa iyo. Those Sirens tried to hurt you, right?”

“No. They only tried to intimidate me. Hindi ako na-intimidate sa kanila. At hindi rin nila ako masasaktan dahil sarili lang nila ang sinaktan nila.”

Kung ang mga babaeng iyon lang ang inaalala ni Yzaak, hindi nito dapat intindihin pa ang mga iyon. Kaya naman niya ang sarili.

Bahagyang tumalim ang mga mata nito. “Paano ang mga lalaking sumusunod ng tingin sa iyo. Do you know it is not wise for a woman to walk alone here? Unless you are really looking for a man or a quick lay. Hindi ka naman katulad ni Imhan na girlfriend ni Jayden. You are single and available.”

“Hindi ba nila puwedeng isipin na taken na ako dahil sa iyo?”

Huminga ito nang malalim at hinaplos ang ibabang labi niya. “Sana, ganoon lang kadali ang lahat. We have to be very convincing to be able to do that. And I am willing to do everything just to protect you.”

She couldn’t fathom the emotion that shone in his eyes. Ayaw niyang magtanong. Natatakot siyang magtanong. Gusto niyang isipin na importante siya para kay Yzaak. O baka mahal pa siya nito. Mas mabuti nang isipin niya iyon kaysa bumagsak na naman ang pag-asa niya. She wanted to believe that she was still special. Na puwede pa rin siyang maging isang babaeng kaakit-akit. Na may lalaking magpapahalaga sa kanya at hindi siya isang dancing doll lang habang-buhay. She wanted to believe that Yzaak was that man.

“Paano kapag gusto ko pa ring gawin ang ballet exercises ko? Hindi naman kita puwedeng abalahin sa trabaho mo.”

Kinagat nito ang ibabang labi. “I will have people to look after you then. Dahil kung makikita kong may umaaligid na ibang lalaki sa iyo, I might be forced to do some drastic measures.”

“How drastic?” tanong ni Rayanne.

“This drastic,” he answered, then captured her lips with his. She felt hot all over. Pinapaso pati ang kaluluwa niya. Kayang ipalimot ng halik nito ang sakit na pinagdaanan niya. Kaya ring ipalimot ng halik na iyon ang sarili niya. And that was what she wanted. Nanlambot ang kanyang mga kamay at parang nawalan ng buto.

Kung hahalikan siya ni Yzaak sa ganoong paraan sa harap ng ibang tao, tiyak na iisipin ng mga iyon na boyfriend nga niya ito. If only a kiss could make a relationship.

“I’m sorry,” bulong nito. “I shouldn’t have kissed you. Parang sinamantala kita. Hindi ka pa nakaka-recover kay David. Baka naisip mong ako siya.”

She was suddenly heady. Bakit biglang napasok si David sa usapan? Ang alam niya ay sila lang dalawa ang magkasama roon. David never came into her mind. Hindi na nga niya ito naiisip nitong mga nakaraang araw. “David never kissed me that way. Mukhang wala sa plano niya.”

“What? Abnormal ba siya? You are beautiful!”

“I’m just a work of art. Nasa pedestal lang dapat.” And Yzaak showed her what she had been missing all her life—flame, passion. Habang parang tuod lang ang trato ni David sa kanya.

Hinaplos nito ang buhok niya. “I’m glad that I kissed you and I’m not as stupid as David.” He gave her a smoldering gaze. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya. Ano kaya ang tumatakbo sa isip nito? Hahalikan kaya uli siya nito? Sana ay hindi na ito madala sa kanya. “But I won’t kiss you again unless you are ready.”

“Handa saan?” tanong niya.

“For a new romance. Hindi ka pa nakaka-recover kay David.”

Gusto ni Rayanne na tutulan iyon pero pinili niyang huwag nang makipagtalo pa. Sa ngayon ay katiting na lang ang nararamdaman niya para kay David. Yzaak was starting to take over her heart.

“Ano’ng gagawin mo kapag naka-recover na ako sa kanya?” Huwag nitong sabihin na gusto lang nitong halikan siya.

“Saka na natin pag-usapan `yan kapag naka-recover ka na. Sa ngayon, kailangan muna nating ipaayos ang singsing mo.”

Walang direktang pahayag si Yzaak kung ano ang nararamdaman nito sa kanya. But ever since, she knew that they still have that special connection. Hindi iyon nawala kahit nang dumating si David sa buhay niya.

Kaya namang maghintay ni Rayanne. She would take things slow with him this time. Dahil kung magmamahal siyang muli, titiyakin niyang ang lalaking iyon na ang para sa kanya. She wished it would be Yzaak.

BUHAY na buhay ang maliit na plaza ng Santa Inez sa masayang tugtog gamit ang mga native instrument. Isang fishing village ang lugar na iyon at isa sa mga kinukunan ng supply ng pagkain sa Stallion Island. Walang kuryente roon kaya nag-install ang RENGY Powers ng kuryente roon. Bilang pasasalamat ng mga tao ay inimbitahan ng mga ito si Yzaak at ang mga miyembro ng Stallion Island na tumulong sa pagbibigay ng kuryente sa lugar.

Hindi makatanggi si Rayanne nang pasayawin siya sa saliw ng mga indigenous musical instrument na gawa sa kawayan at shells. Mula sa tribu ng Tawilis ang mga residente roon at naipreserba pa rin ang kultura kahit nabahiran na ng impluwensiya ng sibilisasyon ang mga ito.

Na-enjoy niya ang bagong experience na makisayaw kasama ang mga simpleng tao. Buong buhay niya, naka-focus siya na ang palaging nakakasayaw ay mga kilalang sikat sa mundo ng ballet. Ngayon ay mga bata pa ang nagtuturo sa kanya.

“I miss dancing,” sabi niya sa kasunod na si Imhan. Nagsasayaw sila habang umiikot sa bonfire kasama ang ibang mga kababaihan.

“Hindi naman pala masyadong mahirap ang sayaw na ito,” sabi ni Imhan, saka umikot nang tumapat sa harap ng boyfriend na si Jayden. The dance was made to attract men. Kaya naman nagkakaligawan na ang mga kasayaw niya at ang mga kalalakihang nakaupo sa paligid nila sa tingin pa lang. There was romance in the air.

Awtomatikong nagtama ang paningin nila ni Yzaak na kausap ang kapitan ng barangay na iyon. His heated gaze never left hers and she couldn’t pull away either. Parang may magnet na humihila sa kanilang dalawa palapit sa isa’t isa.

Unconsciously, she left the circle of dancers and walked towards him. Hindi niya alam kung nadadala lang siya ng musika o mas gusto niyang makasama ito. Their gazes could stay locked for eternity and she would be perfectly satisfied with it.

“Bakit tumigil ka nang magsayaw?” tanong ni Yzaak.

“Napagod na ako.” Mas masaya na titigan na lang ito.

Maang siya nitong pinagmasdan. “Napagod ka? You could do tendus and spins for hours in ballet. Mas mahirap at komplikado iyon kaysa sa sayaw mo ngayon.”

“Sasayaw lang ako kapag kasayaw kita.” Inginuso ni Rayanne ang mga magkakaparehang nagsasayaw paikot sa bonfire.

“Naku. Magugunaw na ang mundo kapag nagsayaw iyang si Boss.” sabi ni Jayden na dumaan sa harap nila.

“Mas gusto kong panoorin kang magsayaw,” bulong ni Yzaak sa kanya at niyakap siya mula sa likuran.

Pumikit si Rayanne. His warmth was heavenly. Kahit hindi na magsayaw pa, kontento na siyang kasama si Yzaak. Pero gusto niya ang narinig na gusto nitong panoorin siyang magsayaw.

“Paano ko gagawin iyon kung nakabakasyon ako?”

Hindi na nasagot pa ng lalaki ang tanong niya dahil itinuon nito ang tingin sa kapitan na nagsalita pagkatapos ng sayaw. “Isa sa mga bisita natin sa gabing ito ay isang sikat na ballerina. Ang totoo po, karamihan sa amin ay naririnig lang ang salitang iyon pero hindi namin alam at napapanood ang ballet. Wala po kasi kaming TV rito at ngayon lang kami nagkakuryente.” Nagtawanan ang lahat. “Puwede po bang paunlakan ninyo kami ng isang sayaw?”

Nagpalakpakan ang mga tao at tumingin kay Rayanne. Ang bawat isa ay umaasam na makita siyang magsayaw. Karamihan sa nakakaranas makanood ng ballet ay mayayamang tao. Bigla siyang kinabahan. Unang beses pa lang siyang magpe-perform sa ordinaryong audience. May mga taong ginagawang katatawanan ang classical ballet. Baka hindi magustuhan ng mga ito ang sayaw niya.

Pinisil ni Yzaak ang balikat niya at magaang itinulak. “Go. Show them how beautiful you are when you dance.”

Tiningala ni Rayanne si Yzaak. Nakita niya ang paghamon sa mga mata ng lalaki. Naalala niya ang sinabi nito kanina na gusto nitong panoorin siyang magsayaw. Iyon na ang pagkakataon niya para mapasaya ito sa pamamagitan ng sayaw niya.

Sinenyasan siya ni TJ, member ng Stallion Island na isang record producer at musician. Tumutulong ito sa pagde-develop ng ethnic music at ine-encourage ang mga composer at artist nito na magkaroon ng kanta gamit ang mga ethnic instruments. Mukhang alam na nito kung anong tugtog ang ibibigay sa kanya. Pero wala pa rin siyang idea sa repertoire nito.

Pumikit si Rayanne nang pumailanlang ang bamboo flute. It somehow relaxed her senses and calmed her nerves. Nang tumigil ang bamboo flute ay narinig niya ang jew’s harp at ang tunog ng percussions na gawa sa kawayan. Nang makuha na niya ang beat ng mga ito, kusang gumalaw ang katawan niya.

She found herself flying, jumping and gliding around the fire. Bago lang sa pandinig niya ang musikang iyon. It was not a part of classical ballet. Pero parang naging isa lang sila ng musika. Sa bawat bitaw ng nota, nakahanda na ang susunod niyang galaw. She was like a phoenix bird, burning back to life.

Nang tumigil ang tugtog, tumigil din si Rayanne sa pagsasayaw. Tahimik ang lahat. Kinabahan siya. Mukhang hindi nagustuhan ng mga ito ang sayaw niya. Then she saw the awe in their faces. Kahit ang mga miyembro ng Stallion Island ay natulala sa kanya. Natutuwa ba ang mga ito sa sayaw niya o hindi iyon nagustuhan ng mga ito?

Tumingin siya kay Yzaak. Ngayon lang niya makikita ang ekspresyon ng mukha nito pagkatapos niyang magsayaw. Ngumiti ito at pumalakpak. Parang nawala sa pagkatulala ang lahat at nagpalakpakan. They loved it!

Parang sasabog ang puso ni Rayanne sa sobrang saya. It was like dancing for the first time again. Nakakatakot. Hindi niya alam kung tatanggapin siya ng mga tao. Pero nang marinig na ang palakpakan at makita ang paghanga ng mga ito, parang nasa tuktok siya ng mundo.

Tinanguan niya si TJ at itinuloy nito at ang mga batang musikero ng Santa Inez ang pagtugtog. Pinaikutan siya ng mga batang mananayaw. They danced with their own tribal moves while she danced her ballet.

It was like a vision coming to life. She had this kind of scene inside her mind before. A fusion of two different disciplines. Parang isa iyong pangarap na unti-unting nagkakabuhay. Mukhang mae-extend pa ang bakasyon niya. Nang mga oras na iyon, isang pangarap ang biglang nagkaroon ng buhay.