EXCITED na naglakad si Rayanne papunta sa third floor ng Lighthouse Tower na naka-reserve sa grupo ni Yzaak. Hawak niya ang bote ng champagne para sa celebration nila. Nagpaganda muna siya bago umakyat doon. After putting on her favorite cologne, inilugay rin niya ang mahabang buhok. It was time for a celebration. Ngayong natiyak na niyang hindi niya mahal si David, para siyang nakalaya sa kadenang nagtatali sa kanya. Maraming taon na ang nasayang. Kaya ilalaan na niya ang natitirang araw ng buhay niya para mahalin si Yzaak.
“Yzaak, I thought ballerinas were off your book,” sabi ni Jayden. “Specially Rayanne Nolliedo. Kaya nga ayaw mong pumunta sa exhibit niya, `di ba?”
Natigilan si Rayanne nang marinig ang sinasabi ni Jayden. Siya ang pinag-uusapan ng mga ito. “Oo. Nagalit ka pa nang sabihin kong may irereto akong ballerina sa iyo,” sabi ni Chrome. “Sabi mo sa amin noong nakaraan, tinutulungan mo lang siyang maka-recover. Gusto mo siyang mag-relax. Naka-recover na siya.”
“Concerned ka lang dahil best friend siya ni Sylvette o baka in love ka nang talaga sa kanya?” nanunuksong tanong ni Jayden. “Mukhang hindi lang siya ordinaryong babae sa buhay mo katulad ng sinasabi mo sa amin dati, ah.”
“Just shut up.” angil ni Yzaak. Gusto niyang hayaan na lang ang mga ito sa tuksuhan pero hindi niya mapigil ang sarili na makinig.
“Kung in love ka talaga sa kanya, ibig sabihin, kinalimutan mo nang siya ang pumatay kay Sylvette?” tanong ni Jairon. “Sabi mo pinatay niya si Sylvette, `di ba? Siya ang nagyaya kay Sylvette na mag-ballet. Sylvette had to push herself to keep up with her. Kaya nang mabuntis si Sylvette, siya rin ang nagbigay ng idea na magpa-abort.”
Pigil ni Rayanne ang hininga nang idikit ang tainga sa pinto. Ano ang sinasabi ng mga ito? Ang akala niya ay matagal nang tapos iyon. Bakit bumabalik uli ang isyu tungkol kay Sylvette? Mahal siya ni Yzaak. Hindi na iyon importante.
“Yzaak, plano mo bang gumanti?” tanong ni Arvind. “Kilala kita. Mapagtanim ka ng galit. Imposibleng ma-in love ka sa babaeng pumatay sa kapatid mo. Nakalimutan mo na ba iyon?”
“So what’s this? You’ll make her fall for you and dump her?” Pumalatak si Jairon. “Pare, pag-isipan mong mabuti kung ano talaga ang gusto mong gawin.”
The taste of revenge was sweet. Tandang-tanda pa niya ang galit sa mukha ni Yzaak nang mailibing si Sylvette. Siya ang pinakahuling taong gusto nitong makita sa mundo. Matagal na panahon na hindi siya kinausap ni Yzaak. Ni ayaw nga siyang sulyapan nito kapag nagkikita sila.
Pero nagbago ang lahat ng iyon. He helped her recover. Tinulungan siya nitong matagpuan ang sarili niya. Binigyan siya ng pagkakataon na mahalin uli ito. And she thought everything was perfect.
Palabas lang ba ni Yzaak ang lahat? Kaya ba naging malapit ito bigla sa kanya ay dahil may balak sa kanya? Kaya ba nagagawa na siya nitong yakapin at halikan uli kahit na may galit pa rin sa kanya? Gusto lang ba siya nitong ihulog sa patibong? Pinaiikot lang siya para gawing tanga.
Hindi na niya matagalan ang katahimikan sa loob ng kuwarto. Wala siyang narinig na sagot mula kay Yzaak. Parang isang malaking sibat ang tumusok sa puso niya at paulit-ulit siyang sinasaktan. Hindi na niya iyon matatagalan.
Naramdaman na lang ni Rayanne ang pagtulo ng mainit na luha sa pisngi niya. Napahikbi siya. Pagkatapos ay nabitawan niya ang hawak na paper bag na may lamang bote ng champagne. Lumikha iyon ng ingay nang malaglag sa sahig at mabasag. Nagkapira-piraso iyon katulad ng puso niya. Hangos na lumabas ang mga nasa loob. Nagulat si Yzaak nang makita siya. “Rayanne, a-ano’ng nangyari?” Lumapit ito at tinangka siyang ilayo sa mga bubog. “Nasaktan ka ba?”
Humangos palapit sa kanya ang mga staff. Kanya-kanyang bilin ang mga ito na iwasan niya ang bubog pero wala siyang naririnig. Nakatutok lang ang tingin niya sa nag-aalalang mukha ni Yzaak. “Totoo ba ang pag-aalala mo sa akin? You don’t need to pretend that you care, you know.”
“Of course, I care about you.” Niyakap siya ng lalaki at hinaplos ang braso niya. “Bakit ka umiiyak? Are you hurt? Ano’ng nangyari sa pag-uusap ninyo ni David? Nagkausap daw kayong dalawa sabi ni Oliver.”
“I just found out that I don’t love him anymore and I’m in love with you,” sabi niya sa matamlay na boses. “Para lang malaman na palabas mo lang pala ang lahat. Hanggang ngayon, iniisip mo pa rin na ako ang pumatay kay Sylvette.”
Hindi makatingin nang deretso sa kanya si Yzaak. Napalingon na lang ito sa mga kaibigan na may naninising tingin. Guilt was written all over his face.
“Uh-oh. Trouble,” sabi ni Jairon.
Tumikhim si Jayden. “Mas mabuti pa siguro kung mauna na kami.”
Nag-alisan ang apat, pati ang mga staff ng restaurant pero nanatili sa kinatatayuan si Yzaak. Mabuti na ngang hindi na makialam ang mga ito. Baka pati ang mga ito ay madamay sa galit niya.
“Narinig mo ang usapan namin kanina,” mariing sabi nito. “I can explain. But it is not what you think.”
“What I think?” Isinuklay ni Rayanne ang mga daliri sa buhok at napatingala. Patuloy lang sa paglandas ang luha sa mga pisngi niya. “I will tell you what I think. Natatakot akong magmahal. Pero para sa iyo, kinalimutan ko ang takot ko. Because you make me happy. You make me feel good. Kay David, okay lang kahit hindi niya ako mahalin. Sa iyo, natatakot ako na mabale-wala. I’m willing to work things out with you. Napakalaki kong tanga. This is just revenge business for you. Basura lang ako sa tingin mo.”
Idinikit niya ang noo sa dingding. She had never felt so low in her life. She worked so hard to be worthy of everyone’s praises. Wala siyang taong sinaktan. Ang akala niya ay hindi na mauulit ang pambibintang ni Yzaak na pinatay niya si Sylvette. Nang mahalin uli niya ito, ang akala niya ay nalagpasan na niya ang pagsubok na iyon. He lifted her spirits. He made her feel more beautiful as a person. Only to pull her back to the pit of hell.
Niyakap siya nito mula sa likuran. “Rayanne, no. Hindi kita ginagantihan. Kung anuman ang narinig mo—”
“They are your friends. Huwag mong sabihin na ni minsan sa buhay mo ay hindi mo ako pinagtangkaang gantihan? Na tuluyan nang nabura sa isip mo na kasalanan ko kung bakit namatay si Sylvette.” Umiling siya. “This is your vicious plan. Malinaw na sa akin ang lahat.”
He was an expert in seduction. He used it with precision. Wala itong sinayang na oras. Lahat ng galaw nito ay para hatakin siya sa bitag nito. And she fell for it. She was totally clueless. All this time, ang akala niya ay mahal din siya nito.
“Wala akong ganoong plano,” kontra ni Yzaak. “Siguro noon, may nasabi akong hindi maganda. Galit na galit ako noon. Kamamatay lang ng kapatid ko. Kahit ang lalaking nakabuntis sa kapatid ko, muntik ko na ring ipakulam. Matagal na iyon.”
“But revenge is best served cold.” Mapait siyang ngumiti. “Hindi kita masisisi kung hanggang ngayon ay gustuhin mo pa ring gantihan ako. Sylvette is your sister. You love her so much. Pakiramdam mo, inagaw ko sa inyo ang kapatid mo. You lost her while I continued living. Pero sana, maniwala ka sa akin. Mahal ko ang kapatid mo. Hindi ko siya inimpluwensiyahan na magpa-abort. Kahit sa bangungot, hindi ko gagawin iyon. Ni hindi ko alam na buntis siya. Kung alam ko lang, sana, in-encourage ko siya na buhayin ang bata.”
Hinaplos nito ang pisngi niya. “Naniniwala na ako sa iyo. Maniniwala ka rin ba sa akin kung sasabihin kong wala akong planong gantihan ka? Yes. May nasabi ang mga kaibigan ko. Nagtatanong sila. They are worried about you. About us. Ang nasabi ko noong nakaraan, hindi kailangang maging realidad hanggang ngayon.”
“Bakit? Ano ba ang totoo ngayon?”
Hinawakan ni Yzaak ang kamay niya. “The truth is I love you, Rayanne. Gusto ko lang na bigyan mo ako ng pagkakataon na patunayang mahal kita.”
Sa nanlalabong mga mata, pilit na inaninag ni Rayanne ang sinseridad ng lalaki. Kaya pa ba niyang maniwala rito? Ayaw ba talaga siya nitong saktan? Parang masarap maniwala. Kung mahal siya nito, hindi na niya kailan gan pang isipin ang sakit. Madali naman siyang makalimot. Pero paano kung nagpapakatanga pa rin siya? Kaya pa ba niyang bawiin ang sarili? Hindi kaya parang siya na mismo ang sumaksak sa sarili? Believing him would be suicide.
Hinawi niya ang kamay nito. “Too late. Napatunayan ko na kung gaano ka kagaling umarte, Yzaak. You are an expert in the game of pretense. Ang alam ko lang, magpakita ng totoong pagmamahal sa isang tao. Nanalo ka na. And you did a great job. Kung si David, sinaktan ako dahil hindi niya ako minahal, mas nasaktan mo ako dahil minahal kita nang totoo, `tapos basura lang pala ang tingin mo sa akin. You intentionally made me fall for you just to crush me.
“This is your curse. Tama ka. Kahit na nasa itaas ako at hangaan ako ng buong mundo, walang lalaking magmamahal sa akin. You got your wish. I hope you are happy now. Sana `wag ka nang magpakita sa akin. Huwag mo nang dagdagan ang sakit na nararamdaman ko. Tirhan mo sana ako kahit kaunting dignidad. Para kahit sarili ko man lang, magawa ko pang mahalin.”
Taas-noong tinalikuran niya si Yzaak. “Saan ka pupunta?”
“I’m leaving this island! I’m leaving you!” Tapos na ang panaginip niya. Lahat ng nangyari sa lugar na iyon ay puro pagkukunwari. Walang totoo.
“You can’t do that. Hindi ka makakaalis dito nang walang permiso…”
“Puwede akong umalis dito anong oras ko man gustuhin.” Direktang tiningnan niya ito sa mga mata. Nasa kanya ang invitation ni Prince Rostam. Ang tanging makakapigil sa kanyang umalis ay si Prince Rostam lang mismo. “You can’t stop me, Yzaak. Kung pinahahalagahan mo pa ako kahit kaunti, pabayaan mo na ako.”
Nakatingin lang sa kanya si Yzaak at hindi siya pinigilan nang sumakay siya sa nagdaang jeep. Ayaw na niya itong makita. Tuwing nakikita niya na parang nasasaktan ang lalaki, na parang mahal pa siya nito, sinasaksak lang ang puso niya.
Ibinuhos ni Rayanne ang luha nang mapag-isa sa villa ni Yzaak habang ineempake ang gamit. Tapos na ang paghihiganti. Masaya na siguro ito. Bakit kailangang ang kaligayahan nito ay dusa ang maging katapat sa kanya? Gusto lang naman niyang magmahal. Hindi ba siya karapat-dapat na mahalin din? Matinding dagok ang iniwan ni David sa kanya. Pero ngayon kay Yzaak, hindi niya alam kung paano babangon. Makabangon man, hindi niya alam kung magagawa pang tumibok uli ng kanyang puso.
PALINGA-LINGA si Rayanne habang mine-make up-an siya. Nasa location siya ng shooting ng Stallion shampoo. Nasa Meditation Falls sila sa Mist Village ng Stallion Island. Nagmistulang isang kaharian ng mga engkantada ang magandang falls dahil sa mga bulaklak na inilagay roon. Ang falls ang magiging background ng eksena niya.
Sleeping Beauty ang concept ng commercial. Isa siyang prinsesang kinainggitan ng isang mangkukulam dahil sa kanyang magandang buhok. She was cursed to sleep until a prince would rescue her and wake her up with a kiss. At kapag nagising na, maganda pa rin ang buhok niya dahil sa Stallion shampoo.
Isa iyong kakaibang concept para sa Stallion shampoo. Ang hindi lang naiba ay isang katulad niya na nagsi-signify sa talent at lakas ng mga babae ang magiging endorser at hindi mawawala ang guwapong lalaki na makaka-partner niya.
Walang idea si Rayanne kung sino ang ka-partner niya. Wala siyang pakialam. Basta ginagawa lang niya ang ballet moves at ekspresyon na kailangan. She was a great actress she must say. She could enchant her audience and they must had no idea that she was hurting inside. Ang lalaking inakala niyang magmamahal sa kanya ang nanakit sa puso niya. She was like Sleeping Beauty, daang taon ang hihintayin para muling magising. Baka nga hindi na siya magising sa bangungot na iyon.
“Rayanne!” tuwang-tuwang tawag ni Imhan.
“Bakit ngayon mo lang ako dinalaw?” nagtatampong tanong niya. Pangatlong araw na niya sa isla pero karamihan sa mga naging malapit sa kanya sa isla ay hindi niya nakikita. Kung may makita man, parang nag-aalangang batiin siya. Mga malalapit na kaibigan kasi ni Yzaak ang mga ito, lalo na si Jayden.
“Baka kasi hindi mo ako pansinin,” sabi ni Imhan.
“Bakit ko naman gagawin iyon? Kaibigan kita.”
“Dahil kay Yzaak…”
Luminga si Rayanne sa paligid. Gaya nang mga nakaraang araw, nagbabaka-sakali siyang makita ito. “Nandito ba siya? Magpapakita ba siya sa akin?”
“Wala siya sa isla ngayon,” malungkot na sabi nito.
Binale-wala niya ang naramdamang panghihinayang. Perhaps he cleared out for her. Hindi nga naman siya magiging komportable kung nasa paligid lang si Yzaak. Mabuti na rin iyon dahil baka mangibabaw ang katangahan niya at iyakan pa niya ito. She would definitely look weak and pathetic. Hindi na siya puwedeng saktan nito.
Tatlong buwang namalagi si Rayanne sa Russia. Nagpe-perform siya sa Mariinsky Theater habang nag-aaral ng pagiging ballet teacher sa St. Petersburg Conservatory. Patuloy pa rin siya sa paggawa ng mga dance note. Maganda rin ang balita niya sa mga bata sa Santa Inez. Isang araw ay babalik siya at tuturuan ang mga ito.
Natutupad na niya ang pangarap pero may kulang pa rin sa kanyang puso—si Yzaak. Sa unang isang buwan niya ay sinubukan ni Yzaak na makipag-ayos sa kanya. Ilang beses pa nga itong nanood ng show niya at nagpadala ng regalo. Pero ibinalik din niya lahat ang mga iyon. Ayaw pa niya itong patawarin. Mas gusto niyang panatilihin ang sakit sa kanyang puso. Hindi niya matanggap na nami-miss niya ito. Sana ay katulad na lang kay David ang kanyang nararamdaman para kay Yzaak. Madaling maglaho. Malas lang yata dahil tinamaan siya ng sumpa. Hindi madali na kalimutan si Yzaak.
“Kailangan ko nang magtrabaho. Tawag na ako ni Direk,” sabi ni Rayanne.
Humiga siya sa gitna ng kama. Ang eksenang kukuna n nila ay ang paghalik sa kanya ni Prince Charming. Another loveless kiss. Isang lalaki lang ang gusto niyang humalik sa kanya—si Yzaak. Pero hindi na niya ito mahahalikan pa. She was already out of his life. Hanggang pagpapanggap na lang siya na ito ang lalaking hahalik sa kanya mamaya.
Kakaibang kaba ang naramdaman ni Rayanne nang lumapit sa kanya ang Prince Charming niya sa commercial. Pinilit niyang maging natural ang pagkakapikit. Bakit kakaiba ang kaba niya nang mga sandaling iyon? Hindi naman ganoon ang nararamdaman niya kapag may kaeksena siyang ibang lalaki. There was something different around her. Parang nasa paligid lang niya si Yzaak.
Unti-unting lumapit sa kanya ang mga labi ng lalaki. She smelled the whiff of perfume so much like Yzaak’s. Nang maglapat ang mga labi nila, she could taste Yzaak’s kiss. Ganoon ba katindi ang imagination niya at naiisip niya na si Yzaak ang humalik sa kanya?
She had a dreamy look in her eyes when she opened them. Ilang beses siyang kumurap nang matulala siya. Si Yzaak mismo ang kaharap niya. He was wearing Prince Charming’s costume. Ito na yata ang pinakaguwapong prinsipeng nakita niya.
“Yzaak, ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya.
“Cut!” malakas na sabi ni Direk Romanov. “Hindi iyan ang dialogue mo! Take two.”
Humiga uli si Rayanne. Hindi na siya mapalagay. Oo nga. Wala siyang pakialam kung sino ang model na hahalik sa kanya. Lumilipad na kasi ang isip niya noon. Pero paano naging si Yzaak iyon? Puwede ba iyon?
Nagulo na naman ang isip niya nang halikan nito. Pagdilat ay nakalimutan na niya ang dialogue at gagawin. “Bakit ikaw ang prince ko?”
“Cut!” pabulyaw na sabi ni Romanov. “Hindi ba ninyo kayang ayusin iyan?”
“Sorry, Direk Rom,” sabi ni Yzaak. “Hindi ko agad nasabi ang dialogue ko.”
“Ano’ng dialogue mo?” paniniyak ni Direk Rom para hindi niya makalimutan.
“Kahit one hundred years ka nang natulog, maganda pa rin ang buhok mo,” sagot ni Yzaak. “Okay na, Direk?”
“Get it right this time. I won’t tolerate idiocy,” mariing sabi ni Romanov.
Gusto na niyang makuha iyon nang tama. Gusto na niyang tapusin ang lahat sa kanila ni Yzaak. Nasasaktan lang siya. Parang torture sa kanya ang pangatlong halik nito. She missed his kisses. Hindi na siya nakatiis. Parang isang palabas lang ang nangyayari sa paligid. Pinaglalaruan lang ba siya? Pinaglalaruan ba ang nararamdaman niya?
“Yzaak, hindi mo ako makukuha sa halik mo! Akala mo naman, okay lang sa akin ang nangyayari? Na mapapatawad kita kapag hinalikan mo ako? Hindi!”
“I love you, Rayanne.”
He was now claiming her lips feverishly in front of the audience. Umusok ang tainga niya. Daig pa niya ang nakahigop ng chili sauce. But she didn’t need water to put off the fire he ignited within her. She wouldn’t mind if the kiss would go on forever.
Nawala ang lahat ng takot, galit at hinanakit ni Rayanne nang maglapat ang mga labi nila. Hangal nga yata siya. Isang halik lang ng lalaki, natunaw na ang lahat ng alaala ng pananakit nito sa kanya. Wala nang halaga ang lahat ng iyon.
“Cut!” malakas na sigaw ni Direk Romanov. “Hindi teleserye itong isinu-shoot natin. Stallion shampoo fairy tale! Kung may issues kayo, ayusin n’yo muna.”
Hindi makatingin nang direkta si Rayanne sa mga tao maging kay Yzaak. Bumaba siya ng kama. “Mag-usap daw tayo,” sabi niya, saka naglakad papunta sa wooden bridge. Walang mang-iistorbo sa kanilang dalawa roon. Hindi na niya kailangang magpanggap sa totoong nararamdaman niya o kahit ito man.
“May problema ba kung ako ang ka-partner mo?” tanong nito.
Inililis ni Rayanne ang manggas ng medieval gown niya. “Pinaglalaruan n’yo ba ako? Akala mo ba, natutuwa ako sa nangyayari ngayon? Marami namang matinong model sa mundo pero bakit ikaw pa ang kinuha?”
“Ayoko sana dahil baka magalit ka pero sabi nila, ako lang daw ang bagay na maka-partner mo. Miss Vishneya even suggested it.” Kasabwat pa pala ang manager niya. And she was starting to hate that innocent look on his face.
“Oh, please! Don’t pretend anymore. Natatakot ka ba na gaganti rin ako sa panloloko mo sa akin? Rest your worries aside. Masyado akong busy para isipin ka pa.”
Hinawakan ni Yzaak ang magkabilang harang ng wooden bridge. “Ibig sabihin, hindi mo ako nami-miss man lang?” Sumibi siya at hindi sumagot. Iniiwas niya ang tingin dito. “O! Bakit hindi ka makatingin sa akin?”
Bumigay ang pinipigil ni Rayanne na emosyon. Lahat ng depensang iniharang niya sa sarili ay tuluyang nabuwag. Tinalikuran niya ito. Hinayaan niyang umagos ang luha sa mga pisngi. “Why can’t you just leave me alone?”
“Ginawa ko na, `di ba? Dalawang buwan na akong hindi nagpakita sa iyo.” Hinawakan nito ang balikat niya. “Kung hindi lang may emergency sa kompanya, hindi ako aalis. Okay lang kahit ipagtabuyan mo uli ako. Tell me you don’t care about me anymore and I will go. Hindi ko na rin itutuloy ang commercial.”
Ikinuyom niya ang kamay. Nararamdaman pa rin niya ang init ng kamay nito sa balikat niya. Kaya ba niyang tiisin nang wala ito sa tabi niya? “Ang akala mo ba, madali ito sa akin? I love you, Yzaak. Ang alam ko, wala akong ginawang masama sa iyo.”
“Alam ko. Iyong narinig mo sa mga kaibigan ko, tuksuhan lang namin iyon. Alam nila na galit ako sa iyo noon. Wala akong hilig na i-discuss sa kanila ang love life ko kaya pinagkatuwaan nila ako. But that’s it. Alam nilang mahal kita kahit tanungin mo pa sila.”
“Natural, magkakaibigan kayo. Akala ninyo, mapapaikot ninyo ako?”
Hinawakan ni Yzaak nang mahigpit ang kanyang balikat. Naramdaman niya ang frustration nito. Then he let her go. Naramdaman niyang dinampian siya nito ng halik sa ulo. “All right. I won’t force you to believe me. But I love you. Kahit bulagin ko pa ang sarili ko sa galit at papaniwalain ko ang sarili ko na pinatay mo ang kapatid ko, mahal pa rin kita. And if I walk away right now, it doesn’t mean that I don’t love you anymore.”
Nakaramdam si Rayanne ng panlalamig nang bitiwan ng lalaki at naglakad ito palayo. Ang sabi ng isip niya, tama na at hayaan na niya ito. It was what she wanted after all. Aanhin niya ang lalaking gusto lang siyang gantihan? Pero bakit parang mali na hayaan itong lumayo na lang? Parang kapag pinakawalan niya ito, hindi na siya sasaya kahit kailan.
Nilingon niya si Yzaak. “I’m throwing away my pride now, Yzaak. I don’t care if you still hate me. I can’t lie to myself. I love you and I can’t bear to live without you.”
Nakangiting bumalik ito sa kanya at inangkin ang kanyang mga labi. Sa wakas ay nakangiti na siya nang totoo. Iyon naman ang gusto niya: ang makasama uli si Yzaak at ang mahalin nito. She couldn’t ask for more. “Me, too. I didn’t know how I survived these past months without you. Parang robot lang ako. Next time we will talk things out. Hindi na ako magpapadala sa galit at emosyon ko.”
“So do I.”
Nabulabog sila nang umalingawngaw ang boses ni Direk Romanov gamit ang megaphone. “Tapos na ba kayo riyan? Puwede na ba nating ituloy ang shooting nang makapag-party na tayo mamayang gabi?”
“AND THEY lived happily ever after,” sabi ni ni Yzaak, pagkatapos ay hinalikan ang noo niya. Sa wakas ay nagtapos ang shooting sa eksena kung saan sakay sila ni Winter’s Sleep. Tinakasan na nila ang party at pinili na lang magkuwentuhan habang nakaupo sa divan sa villa nito na tanaw ang dagat.
Humilig si Rayanne sa balikat nito. “I can’t believe it. You and me in a Stallion shampoo commercial. Masarap palang maging princess kapag mahal mo ang prince mo.”
“Do I deserve to be a prince? Marami akong masasakit na salitang sinabi sa iyo noong mamatay si Sylvette. Hindi talaga ako galit sa iyo. Mas galit ako sa sarili ko. Hindi ko naprotektahan ang kapatid ko. And I lashed it out on you.”
“Pero matagal na panahon mo akong hindi pinansin.”
“Sabi mo, mahal mo si David. And I still love you even if you are claiming that you are in love with another man.”
Nahuli niya ang pagtalim ng mga mata nito. “Nagseselos ka?”
“Of course! Kaya kunwari na lang, suplado ako kapag nakikita kita. Lumambot na lang ang loob ko at na-realize ko na hindi mo kasalanan ang nangyari kay Sylvette nang makita ko ang picture ninyo sa exhibit. I was touched. At nang saktan ka ni David, sabi ko, hindi na ako papayag na maulit iyon.”
“Hindi ko makakalimutan nang sabihin mo na walang lalaking magmamahal sa akin. That’s your curse, right?”
“I’m the one who is cursed. You cast me under your spell. Hindi ko matanggap na mahal ko ang babaeng inaakala kong pumatay sa kapatid ko.”
Hinalikan ito ni Rayanne sa mga labi. “I love you. Siguro, tahimik na si Sylvette ngayon.”
“Bakit kahit one hundred years ka nang natulog, maganda pa rin ang buhok mo?”
“Siyempre, Stallion shampoo ang gamit ko,” recite niya sa dialogue niya. “And because I’m waiting for you to take me back, Yzaak Argoncillo. I love you.”
“I love you, too, my romantic princess.”
Wakas