noveltoon logo noveltoon
Yzaak Argoncillo (Stallion island 3)

Chapter 3

Ch. 3 / 10 Nov 28, 2025

PARANG isang prinsesa na may invisible na korona si Rayanne habang naglalakad sa hallway ng Mariinsky Theater. Kasasabi pa lang ng director nila na siya ang pinili ni Prince Rostam, ang prinsipe ng Al Ashiq para mag-perform sa palasyo nito. Kahit ang mga sikat na ballerina sa ballet company nila ay hindi nagkaroon ng ganoong pagkakataon. The royalties of that kingdom were so picky. Siya pa na baguhan ang napili ng mga ito.

Nag-ring ang cell phone niya. Dali-dali niyang sinagot ang tawag nang makitang number ni Yzaak ang rumehistro sa screen. “Yzaak. I have a good news for you.”

“Prince Rostam told me that you will perform here at the palace of Al Ashiq right,” sabi agad nito. He was working for Prince Rostam. Kahit langis ang pangunahing yaman ng naturang kaharian bukod sa mga mamahaling Arab horses, gusto ng prinsipe na magamit ang iba pang natural resources na hindi nauubos sa Al Ashiq. At ang kompanya ni Yzaak ang kinuha ni Prince Rostam para i-develop iyon.

“Isn’t it great? Me performing for the prince and the whole kingdom. Teka. Alam ba niyang magkakilala tayo?”

“Nakita niya ang ticket ko sa show mo sa opisina ko. And I told him about you. He asked his dance critic friend regarding the reviews about you. The mere fact that you are part Filipino like him, he decided to talk to your director about bringing your company here. Next month na ang schedule ninyo.”

“Manonood ka ba?” tanong niya.

“It depends. Kung hahalikan ka na naman ng ka-partner mo, mas gusto ko pang mag-sandstorm dito. And every man in this kingdom will ogle you. Tama. Dapat talaga, mag-sandstorm para mapuwing sila.”

Sumandal si Rayanne sa dingding at natawa. “I want to think that you are jealous.”

“I want to think that you like me that’s why you kissed me the last time we were together,” he said in a husky voice.

Muntik na niyang mabitiwan ang teleponong hawak. Nanlambot ang kanyang mga tuhod. “Well, that’s something that we shouldn’t discuss over the phone.”

Hindi naman puwedeng mahalin niya si Yzaak sa telepono lang. Gusto niyang magkaharap sila kapag sinabi niyang ito ang prinsipe niya. And she didn’t give a damn about other men’s kisses. Halik lang nito ang may halaga sa kanya.

“Right. Pero kung may kissing scene, `di ako manonood.”

“Don’t worry. We will do Coppelia and I’ll be just a doll. No romantic scene.”

“Is Sylvette coming with you?”

“I’m not sure. May show rin siya sa araw na iyon. Guess what? She’s having a solo role. She is one of the fairies in Sleeping Beauty .”

Kahit hindi sila magkakasama sa naturang show dahil Giselle ang show na naka-schedule sa kanya, masaya na rin si Rayanne para kay Sylvette. Napapansin na ng ballet company ang talent nito. At umaasa siya na maabot din ng babae balang-araw ang kinalalagyan niya basta maging patient lang ito at magsipag.

“Good. I will give her a call later and I will see you soon.”

Soon. Pangako iyon. Dapat ay galingan niya kapag nag-perform siya. Hindi lang ang buong Al Ashiq ang dapat niyang ma-impress. Gusto rin niyang maging proud sa kanya si Yzaak at mahalin nito ang bagay na nagpapasaya sa kanya.

Nasalubong ni Rayanne ang mga kasamahan ni Sylvette para sa Romeo and Juliet. Tinanong niya kung nasaan si Sylvette. Naiwan pa raw ito sa dance studio kasama ang isa pang principal dancer na si Igor. Ang alam niya ay tinuturuan ni Igor si Sylvette sa steps na hirap itong makuha.

Dali-dali siyang pumunta sa dance studio. Nabitiwan niya ang hawak na bag nang makita si Sylvette na hinahalikan si Igor.

“W-what the hell are you doing?” pasigaw na tanong niya.

Agad na naghiwalay ang mga ito. Nagpaalam na si Igor. Pagkatapos ay lumabas na ng dance studio bitbit ang mga gamit. Gusto sana niya itong komprontahin.

Naiwan si Sylvette sa loob na parang hindi mapakali. Ini-lock na lang niya ang pinto. Nakaupo ito sa sahig at hindi makatingin nang deretso sa kanya. “A-Ate, magpapaliwanag ako…”

Pumikit si Rayanne nang mariin. “May relasyon na ba kayong dalawa?”

“I-I don’t know. We just realized that we are attracted to each other.” Nawala ang guilt sa mukha nito. Her eyes sparkled like diamonds. “Siya ang dahilan kung bakit nagsisipag ako sa ballet ngayon. Marami siyang naituro sa akin.”

“Hindi ko na alam kung tungkol pa rin sa ballet ang naabutan ko kanina,” may malisyang sabi niya, saka nasapo ang noo. “Girlfriend niya ang isa sa mga principal dancer dito. Where’s your head? You’re playing with fire.”

“A-ang bilis kasi ng mga pangyayari…” mangiyak-ngiyak na sabi nito.

“Paano kapag kumalat ang relasyon ninyo? Hindi ka tatagal dito. At ano na lang ang sasabihin ng pamilya mo? Ipinagkatiwala ka nila sa akin.”

Pumikit siya nang mariin. Naninikip ang dibdib niya maisip pa lang ang hitsura ni Yzaak oras na malaman nito ang tungkol doon. Alalang-alala ito kay Sylvette, pagkatapos ay iba na pala ang nangyayari.

“Hindi ko alam kung paano ko kontrolin ang nararamdaman ko.” Napaiyak ito saka yumakap sa kanya. “Ate Raye, please understand. Nagmamahal lang naman ako. Bakit kailangang maging mali?”

“Mali dahil wala ka sa lugar. Bata ka pa. May girlfriend na siya.”

“Wala akong pakialam kung ang girlfriend niya ay may kapit sa company. Ang importante, mahal namin ang isa’t isa. At hindi na ako bata. Malapit na akong mag-eighteen. `Di ba ako puwedeng magdesisyon para sa sarili ko?” diin nito.

Mukhang nabubulagan si Sylvette ng pag-ibig. She was young and impressionable. Madali para dito ang ma-attract. At kapag na-attract na, mawawala na ito sa katwiran.

“How long will he keep you? Poprotektahan ka ba niya kapag natanggal ka sa Mariinsky? Don’t be stupid.”

“Bakit hindi mo ako maintindihan?” Niyakap nito ang sarili. “Kaibigan kita!”

“Nagmamatigas ka?” Hinawakan ni Rayanne ang braso nito. “Sige! Sabihin mo sa kuya mo ang ginagawa mo rito. Ayokong madamay sa mga kalokohan mo, Sylvette.”

Kung hindi lang din naman makikinig si Sylvette sa kanya, mabuti nang mawala ito sa mga kamay niya. Ayaw niyang tuluyan itong mapahamak habang nasa poder niya.

“Ate, huwag mong sirain ang mga pangarap ko. Oras na malaman ni Kuya ang tungkol dito, baka mapatay niya ako. Pababalikin na niya ako sa Pilipinas at hindi na ako makakapag-ballet. I want to dance.”

Parang binibiyak ang puso ni Rayanne nang maglupasay ito sa sahig at humagulhol. She watched Sylvette grow. Kung anuman ang pangarap niya para sa sarili, iyon din ang pangarap niya para dito. Parang nakasalalay rin sa kanyang kamay ang pangarap nito.

Yumuko siya at hinawakan ang kamay ni Sylvette. “Alam ko na mahirap mamili sa pagsasayaw mo at kay Igor. You can’t have both at the moment, Sylvette. At oras na piliin mo si Igor, ipapaalam ko sa pamilya mo ang tungkol dito. I’m afraid you will lose everything. Kapakanan mo rin ang iniisip ko.”

“I… I will forget about Igor. Ayokong umalis dito. Gusto ko pang sumayaw. I will do my best, Ate.”

“Then I will be very firm with you as well. Hindi ka basta-basta makakalapit kay Igor. May mga matang nakasunod sa iyo mula ngayon. Doon din ako sa apartment mo titira.” Umungol ito bilang pagtutol. “Alam kong gusto mong magsolo but I have no choice.”

“Wala ka ba talagang tiwala sa akin?”

“You have to gain it, Sylvette,” mariing sabi niya. “At kapag out of town ako o nasa abroad, si Miss Vishneya ang titingin sa iyo.”

Marahang tumango ito bilang pagsuko. “I don’t have a choice, do I?”

“You don’t.” Dahil isang pagtutol lang ni Sylvette sa mga sinabi niya, pababalikin agad niya ito sa Pilipinas. Hindi niya hahayaang masira ang buhay nito.

MAGKAHAWAK-KAMAY sina Rayanne at Yzaak habang papunta sa Mariinsky Theater para habulin ang show ni Sylvette. Ilang oras pa lang ang nakalilipas nang lumapag ang eroplanong sinasakyan nila mula sa Al Ashiq kung saan naging maganda ang pagtanggap sa kanya.

“I really like that country. The audience is great and they are so generous,” sabi ni Rayanne.

Hindi siya makapaniwala nang regaluhan siya ng mamahaling alahas ng ilan sa mga royalty at may posisyon sa bansang iyon. She just didn’t know how to say “no.”

“Yes. And they even offered you to be a part of their harem,” hindi maipinta ang mukhang sabi nito.

“Nagselos ka na naman?” tanong ni Rayanne nang may pigil na ngiti sa mga labi. “Tinanggihan ko naman iyong mga sheikh na nag-aalok sa akin na maging part ng harem nila. And besides, sinabi ko na ikaw ang prince ko.”

Pinagsalikop nito ang mga kamay nila. “Good. At mabuti ring walang humalik sa iyo. Malaking problema talaga iyon. Masasaktan iyon sa akin.”

Pinanood ni Yzaak nang buo ang show niya. Nakita niya ang pagmamalaki sa mga mata ng lalaki. Finally, na-appreciate na rin nito ang ballet. Hindi rin siya iniwan habang kausap nito ang ibang patrons. a lerto agad ang lalaki kapag may indecent proposals sa kanya. Dahil alam ng lahat na malapit ito kay Prince Rostam, nobody would dare cross him. Hindi niya alam kung boyfriend na niya ito. Ang sigurado lang ay espesyal ang pagtitinginan nila. Hindi na nila kailangan pa ng kahit anong tawag doon dahil hindi rin naman niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman habang kasama ito.

“Yzaak, paano kung may show ako na kailangang—”

“Halikan mo uli ang ka-partner mo?” Dumilim ang mukha nito. “Quit ballet.”

“Yzaak,” angal niya.

Hinalikan siya nito sa noo. “Ako na lang ang lalabas.”

“Well, let me tell you a secret. Ikaw ang iniisip ko nang halikan niya ako.”

Umiling ito. “I don’t believe you.”

Hinaplos ni Rayanne ang mga labi nito. “Remember? Hinalikan kita habang natutulog ka sa apartment ko, my sleeping dragon prince.”

Unti-unting umukit ang ngiti sa mga mata nito. “Pumasok na tayo.”

She felt so light. Maaaring hindi pa sanay si Yzaak sa mundo ng ballet pero masasanay rin ito.

“Rayanne! Rayanne!” malakas na tawag ni Vishneya nang papasok na sila ni Yzaak sa theatre. Mababakas ang pag-aalala sa mukha nito. Mayamaya ay nakita ni Rayanne ang isang stretcher na galing ng dressing room. Bumilis ang tibok ng kanyang puso at dali-dali siyang tumakbo. Si Sylvette ang nakasakay sa stretcher. Puno ng dugo ang puting swan costume nito.

Nanlambot siya. Muntik na siyang matumba kung hindi lang nahawakan ni Yzaak sa balikat. “I’m sorry,” mahinang sabi ni Sylvette.

Namumutla ang babae at mukhang nanghihina. Wala naman itong sakit nang iwan niya. She was well. Nagpaalam pa nga na pupunta sa Moscow para sa Ballet on Ice doon.

“Sshh… don’t speak. Everything will be okay,” sabi ni Yzaak sa matatag na boses. Pero alam niyang nanlalambot din ito. Ang isa sa mga pinakaayaw nito ay ang masaktan ang nakababatang kapatid.

Marahang umiling si Sylvette. “Gusto ko lang sumayaw uli. I still want to be a prima ballerina. Tutuparin ko pa ang pangako ko, Ate Rayanne. I’m sorry. I was so stupid… stupid…”

Kasabay ng paghina ng boses nito ay ang unti-unting pagpikit ng mga mata. Nakalaylay na rin ang kamay nito nang isakay sa ambulansiya. Isinugod agad ito sa emergency room nang makarating sa ospital.

Napaiyak siya saka yumakap kay Yzaak. Naramdaman niya ang pagtiim ng mga bagang ng lalaki. “Ano ang nangyari sa kapatid ko?” mariing tanong nito. Naramdaman niya ang pagbaon ng daliri nito sa braso niya. “Sabihin mo!”

“Hindi ko alam!” Nanginig si Rayanne sa takot nang makita ang apoy sa mga mata ni Yzaak. She had never seen him so mad in his life.

“Tiyakin mo lang na wala kang alam!”

Nanlambot siya nang bitiwan ni Yzaak. There was a silent warning there. Kapag may nangyaring masama kay Sylvette, puwedeng siya ang managot.

THE MEMORIAL park was almost deserted. The sobs ceased moments ago. Kahit ang mga iyak ni Rayanne ay tumigil na rin. Wala na siyang iiiyak dahil isang linggo na ring mugto ang mga mata niya mula nang mamatay ang pinakamatalik na kaibigang si Sylvette. It was a week of scandal, sorrow and anger.

Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga pangyayari. Nang isugod sa ospital si Sylvette, saka lang nila nalaman na nagpa-abort pala ito nang mga panahong nasa Al Ashiq siya. Malala pa ang affair nito kay Igor kaysa sa inaasahan niya. At wala man lang siyang nagawa para protektahan ang kaibigan.

Bakit kasi hindi nag-isip si Sylvette noong una pa lang? Bakit hindi nito sinabi sa kanya na buntis ito? Hindi sana ito magpapa-abort kung naroon siya para dito. May karamay ang kanyang kaibigan. Hindi sana ito magkakaroon ng komplikasyon at mamamatay.

Muntik nang mapatay ni Yzaak si Igor nang malamang ito ang nag-udyok kay Sylvette na magpa-abort. That miserable jerk! Ayon sa isang kasamahan ni Sylvette sa corps de ballet, ito pa ang inutusan ni Igor na sumama kay Sylvette sa pagpapa-abort sa Moscow. Normal lang ang ganoong kalakaran sa bahaging iyon ng mundo. Wala na raw aasahan pa si Sylvette kay Igor dahil malapit nang ikasal ang lalaki. And Sylvette must have been crushed. Wala nang matitira dito kapag nagbuntis ito. She had to leave the world of ballet.

Pinigil na lang ni Yzaak ang galit para sa mama nitong si Sylvia na gustong tuluyan nang matahimik si Sylvette. Si Igor naman ay dali-daling nagpakasal sa girlfriend nito at lumipat sa ibang ballet company dahil natakot na tuluyang matanggal dahil sa reklamo ng mga Argoncillo. It was not enough. Ang dapat ay makulong ito. Pero walang batas sa bansang iyon na nagpoprotekta sa katulad ni Sylvette.

Niyakap ni Rayanne ang sarili at hinapit ang suot na coat nang umihip ang malakas na hangin. Silang dalawa na lang ni Yzaak ang naroon. Papadilim na rin at lalo pang lumalamig. Lumapit siya sa lalaki. “Umuwi na muna tayo. Dumidilim na rito.”

“Bakit kailangang mawala ang kapatid ko, Rayanne?” tanong nito sa mahinang boses pero may diin ang bawat salita.

“Hindi ko rin alam.” Mula nang magmahal si Sylvette, nakalimutan na nito ang sarili. At nang panahon na para buuin ang sarili, mali ang paraang ginawa nito. It ruined her career and dreams. It ruined her life.

“How could you allow this to happen?”

Tiningala niya si Yzaak. Nakatingin ito sa puntod ni Sylvette pero nararamdaman niya ang pinipigil nitong galit. Siya ba ang sinisisi ng lalaki sa pagkamatay ni Sylvette? “Yzaak, hindi ko ito gustong mangyari. Nalaman ko na lang...”

Dahan-dahang lumingon ito sa kanya. Mistulang sibat ang mga mata nito na tinulos siya sa kinatatayuan niya. “Alam mo nang nangyayari ito pero hindi mo sinabi sa akin? Pinabayaan mo ang kapatid ko!”

Pumikit si Rayanne nang mariin. He sounded as if she betrayed him. “Yzaak, it was not intentional. Nang mahuli ko sila, ginawan ko ng paraan para magkalayo sila. Gusto kong sabihin sa iyo ang totoo pero nakiusap siya sa akin na huwag kong gawin iyon. I didn’t expect that she’d end up pregnant.”

“Bakit hindi siya magsasabi sa iyo? She trusted you! And I trusted you,” sabi nito sa mahina pero mapanganib na boses.

Tinakpan ni Rayanne ng mga kamay ang mga mata dahil hindi niya matagalan ang akusasyon sa boses nito. Hindi na lang siya nagsalita. Ano ang depensa niya? Maitatanong pa ba niya kung bakit hindi nagtapat si Sylvette sa kanya?

Maaaring natatakot na magsalita si Sylvette. Alam nito ang mangyayari oras na sabihin na ang totoo. Ipapaalam niya sa pamilya nito ang nangyari at babalik ito sa Pilipinas. Hindi na ito makakapagsayaw. Tiyak na na-pressure din si Sylvette ni Igor. Gustuhin mang magsisi ng kaibigan niya sa pagkakamali ay huli na. She was pregnant. At ang nakikita nitong paraan para ituloy ang pagba-ballet ay ang magpa-abort.

“Is this your idea?” Mahigpit na hinawakan ni Yzaak ang balikat niya. “Did you also advise my sister to have an abortion so she could continue with ballet? Baka magkasabwat kayo ng Igor na iyon…”

Inalis niya ang takip sa mga mata. Sa naluluha at nanlalabong mga mata ay pilit niyang tinitigan si Yzaak. “What are you talking about? Hindi ko sinabi kay Sylvette na magpa-abort siya. Ni hindi ko alam na buntis siya.”

Ni minsan ay hindi niya naisip na tama ang pagpapa-abort. She loved kids. Ni sa panaginip ay hindi niya naisip na gagawin iyon ni Sylvette. Sa kanya na nabuhos ang galit ni Yzaak. Samantalang sa lahat ng iyon, si Igor ang may kasalanan.

Niyugyog ni Yzaak ang mga balikat niya. Kanina ay walang ekspresyon ang mukha nito. Pinipigil lang nito ang galit. Ngayon ay handa na iyong sumabog.

“Kung nalaman namin agad, susuportahan namin siya. Mas gusto naming buhayin niya ang bata kahit na walang ama. That child would be an Argoncillo. At hindi magbabago ang pagmamahal namin kay Sylvette. But no! Pinili niya ang ballet at ang pangarap ninyong maging sikat na ballerina. Pinili ka niya.”

Napaatras siya at umiling. “Hindi totoo iyan! I have nothing to do with it.”

Pero hindi nakinig si Yzaak. Lumapit ito sa kanya. Parang isa itong hayop na anumang sandali ay handang sumalakay. “Is this how you make things work? Is this how you conquer the world? Para matupad ang pangarap mo, kailangan mong pumatay ng inosente…” Hinawakan nito ang baba niya at iniangat ang kanyang mukha. “Yes. You can conquer the world with your innocent face and your sinful body. And you are ready to ruin everything…”

“Bakit sinasabi mo sa akin iyan, Yzaak?” Bakit kung magsalita ito ay isang halimaw ang tingin sa kanya? “I love your sister! I won’t do anything to hurt her. And I love you, Yzaak. Hindi ko sasaktan ang mga taong mahal mo.”

“Don’t give me that rubbish! Hindi na ako maniniwala na mahal mo ako o si Sylvette. It was a big mistake that I trusted you. Hinayaan kong ituloy ni Sylvette ang pangarap niyang mag-ballet para makasama ka. I allowed her to leave our family because I thought you’d take care of her. You put ideas inside my sister’s head. You killed her, Rayanne! You killed her.”

Tinakpan niya ang mga tainga. “No! That’s not true.”

Napayuko si Rayanne at umiyak. Ang akala niya ay bumagsak na ang kanyang mundo nang mamatay si Sylvette. Pero pakiramdam niya ay ibinabaon siya nang buhay sa masasakit na salitang binitiwan ni Yzaak sa kanya ngayon.

Mahal niya si Yzaak. Naiintindihan niyang nasasaktan ito.

“Go back to your world, Rayanne. Alam kong maaabot mo ang mga pangarap mo. You are so damn good,” puno ng sarkasmong pahayag nito. Iniluhod pa ang isang tuhod para mapagmasdan siyang mabuti. “Pero kahit makuha mo pa ang puso ng lahat ng tao sa mundo, walang lalaking magmamahal sa iyo nang totoo. All you love is yourself and your ballet. You will end up alone.”

Tumayo si Yzaak at naglakad palayo. Gusto niya itong habulin pero wala na siyang lakas. Kahit ano pa ang sabihin niya, hindi siya nito pakikinggan. Minaliit nito ang pagmamahal niya.

Hindi lang ang matalik na kaibigan niya ang nawala sa kanya kundi maging ang lalaking mahal niya. Nang mga oras na iyon ay nabaon na rin ang kanyang puso.

4