noveltoon logo noveltoon
Yzaak Argoncillo (Stallion island 3)

Chapter 4

Ch. 4 / 10 Nov 28, 2025

THE BULWAGANG Fernando Amorsolo of the Cultural Center of the Philippines was buzzing with guests and press people. Manghang-mangha ang lahat sa mga artwork na nilikha ng kaibigan ni Rayanne na si Sapphire na isang sikat na painter at ng asawa nitong si Arthur na isa namang sculptor. Pero ang highlight ng gabi ay ang artworks ng mga ito kung saan siya ang subject.

“For the romantic princess of ballet.”

Awtomatikong ngumiti si Rayanne nang abutin ang flute ng champagne na inio-offer sa kanya. “Thank you, David. I didn’t expect na ganito ang magiging reception sa akin. I feel so special.”

Si David Pausinni ay isang Filipino-Italian na nagmamay-ari ng chain ng art gallery sa iba’t ibang panig ng mundo gaya ng Paris, New York at Milan. Kabubukas lang ng art gallery nito sa Manila. Ito rin ang pasimuno ng art exhibit para sa kanya. Bukod sa painting at sculptures ay may mga litrato rin siya na kuha pa mula nang magsimula siyang maging ballerina at estudyante sa Vaganova Academy hanggang sa maging bahagi na siya ng Mariinsky Ballet. At dahil guest ballerina siya sa Ballet Philippines na itatanghal sa CCP, naisip din nitong gumawa ng exhibit para sa kanya. She was more Filipina than Russian. Kaya naman gusto niyang sa Pilipinas itanghal ang exhibit para sa kanya.

“You are indeed special. You capture everyone’s heart. Girls envy you, guys fall in love with you and even little girls want to be like you someday. You are a living art form, Rayanne.”

“I owe it to you, David.”

Her striking looks made her a glamorous figure on and off the stage. Her long arms had fluidity and she was known for the height of her jumps, her extremely flexible back, the technical strength of her dancing, and her charisma. She was like a phoenix. She got better after she rose from the ashes.

Ang pinakamadilim na bahagi ng buhay niya ay nang mamatay si Sylvette. She stopped dancing for a few months. Hanggang makilala niya si David sa isang party na ibinigay ng lola nito para sa mga ballerina. Agripina Pausinni was a dear patron. Nang malaman nitong siya ang ini-request ni Prince Rostam para mag-perform sa Al Ashiq, ipinagmalaki agad siya nito. David showed her around. Naramdaman niya ang matinding pagpapahalaga ng lalaki sa sayaw niya. And that breathed life into her.

Tinanong ni David kung saan ang susunod niyang performance. Wala na siyang planong magsayaw noon. Sinabi nito na siya lang ang ballerina na gusto nitong makita sa stage. And that he fell in love with her dancing. Parang nagkaroon siya ng dahilan para magpatuloy magsayaw. David became a good friend until she fell in love with him after a couple of years. Isa na lang ang hinihintay niya—ang sabihin ng lalaking mahal din siya nito. At sa gabing iyon, nararamdaman niyang malapit na itong magtapat sa kanya.

“You deserve it. You worked hard for this.” Pinisil ni David ang baba niya. “Sold out na rin ang tickets mo. And you have several invitations…”

“Magseselos ang manager ko sa iyo. Parang hands-on ka na sa career ko,” tatawa-tawang sabi ni Rayanne. Asikasung-asikaso kasi siya ni David. Well, that’s David. Basta magkasama sila, ipinaparamdam ng lalaki na siya ang prinsesa nito.

“I won’t charge you with anything. Just dance and dance for me. Oh! Kausap ng manager mo si Neiji Villaranza. He wants you to endorse Stallion shampoo.”

“Whoa! Interesting!”

Ang Stallion shampoo na siguro ang pinakasikat na shampoo sa Pilipinas. Kapag iyon ang binanggit, maiisip agad ang magagandang babae at ang nagguguwapuhang miyembro ng Stallion Riding Club at ang bagong bukas na Stallion Island.

Kausap nila ni David si Neiji Villaranza na may-ari ng kompanyang nagma-manufacture ng naturang shampoo nang dumating si Sylvia. Hinayaan na ni Rayanne na ang kanyang manager ang makipag-usap kay David at sinalubong niya si Sylvia.

Niyakap siya ni Sylvia. “Darling, sorry we are late. I had to wait for Yzaak to arrive from the island. Siya itong mapilit na sabay kami. Siya pala itong male-late.” Ang islang tinutukoy ni Sylvia ay ang Stallion Island, isang eksklusibong isla para lang sa mga prestigious member ng naturang club at pag-aari iyon ni Prince Rostam at ng anim pa nitong mga kaibigan na kilala bilang village lords.

Ang kompanya ni Yzaak na RENGY Powers ang nag-develop ng energy source sa isla at nagme-maintain doon. Halos doon na rin nag-oopisina si Yzaak although umaalis-alis pa rin ito kung kinakailangan.

“Nasaan po si Yzaak?”

Matagal nang hindi nakikita o nakakausap man lang ni Rayanne ang lalaki. Alam niyang iniiwasan siya nito. And she was still excited to see him. Kahit pa may David na sa buhay niya, he held a special place in her heart. Kung hindi lang siguro nawala si Sylvette, baka si Yzaak na ang boyfriend niya ngayon o baka nga kasal na sila.

“Mauna na raw ako. Ipinasundo na lang niya ako sa mga kaibigan niya.” Inginuso ni Sylvia ang iba pang miyembro ng Stallion Island. Pamilyar na sa kanya ang ilan sa mga ito, lalo na si Oliver, ang security expert na namamahala sa Stallion Island at best friend ni David. Kaya nga hindi na kailangan pang maging miyembro ng isla si David dahil naroon naman na raw ang best friend nito.

Hinalikan siya ni Oliver sa pisngi. “Hey! Nasa Al Ashiq pa si Prince Rostam. He asked me to deliver this.”

Isang naka-emboss sa ginto na sulat ang natanggap ni Rayanne kay Prince Rostam. It was an invitation to Stallion Island. Espesyal na bisita raw kasi siya nito. At nire-recognize nito ang talent ng isang Filipina na katulad niya.

“Wow! Thank you.” Nananatiling si Rayanne ang paboritong ballerina ng prinsipe. Nangako ito na iimbitahan siya sa isla kapag operational na iyon.

“Tao ka ba talaga?” tanong ni Lee na kinusot pa ang mga mata habang nakatitig sa picture niya kung saan gumawa siya ng mataas na split jump. It was during a production of Don Quixote. “Kahit si Jairon, `di makakagawa niyan.” Magaling kasi sa kung fu si Jairon na namamahala ng isang computer company.

“Magkaiba kami. Ballerina siya,” sabi ni Jairon.

“May buto ka pa ba?” tanong ni Julian, nakababatang kapatid ni Jairon. “Parang `di kasi nagagawa ng normal na tao ang ginagawa mo.”

“She has fine bones. Can’t you see?” kontra ni Chrome, ang stable master ng Stallion Island. Sikat din kasi iyon sa mga kabayo at sa world-class na riding club niyon.

“Look! It’s my beautiful Sylvette!” manghang-manghang sabi ni Sylvia sa malaking black and white picture nila ni Sylvette. It was her first day in Mariinsky Ballet. Nakasalampak silang dalawa sa sahig habang hawak ang tutus nila. “She looked so young, so innocent and so alive.” Pinisil nito ang balikat niya. “Thank you. Hindi mo nakalimutan ang anak ko. I miss her.”

“Me, too.” Parang kapatid na niya si Sylvette. She was a big loss.

Lalong naging malapit si Rayanne kay Sylvia mula nang mamatay si Sylvette. Pero hindi si Yzaak. Isang kaaway ang tingin nito sa kanya. Ni ayaw siyang kausapin o tingnan man lang ng lalaki kapag nasa isang lugar sila. He still hated her.

Hindi naman niya magawang magalit dito sa kabila ng masasakit na akusasyon nito sa kanya. He always held a special place in her heart. Gusto sana niya itong damayan pero ayaw na niyang ma-reject uli. Tama na.

Nanghihinayang si Rayanne. Kung isinantabi sana ni Yzaak ang galit sa kanya at pumunta nang gabing iyon, sana ay nakita nito kung paano niya ialay ang kanyang tagumpa y kay Sylvette. Parang pangarap na rin nito ang natupad niya.

Kumukuha sila ng hors d’oeuvre sa buffet table nang mahuli niyang nakatitig sa kanya si Sylvia. “Yes, Tita?”

“David arranged everything, right? Did he propose to you already?”

“Not yet. But I’m hoping it is soon.”

David was a lothario. He dated women left and right. Ni minsan ay hindi pa siya niyaya ng romantic date samantalang open dito na gusto niya ito. Kung lalabas sila, palagi silang may kasamang mga kaibigan. She had been so patient. Natuto na rin siyang tiisin ang lalaki tuwing makikita sa mga diyaryo na may ka-date itong ibang babae. Ang katwiran niya, sa huli ay siya rin ang mamahalin nito.

Basta ang importante sa kanya, kapag uma-attend ng ballet shows niya ay walang kasamang ibang babae si David. Nasa kanya lang din ang mga mata nito habang nasa stage siya. She was the one he adored. Sa palagay niya ay isang senyales ang exhibit na iyon para ipakita ni David kung gaano siya kaespesyal dito. At alam niyang bago matapos ang gabing iyon ay magpo-propose na ang lalaki sa kanya.

“You deserve to be happy, Rayanne,” sabi ni Sylvia, saka huminga nang malalim. “Hindi ko na makikita si Sylvette na magpakasal. That’s why I’m hoping to see you at the altar someday. Akala ko pa nga, gusto ka ni Yzaak.”

Iling agad ang isinagot ni Rayanne. “No. Imposible iyon, Tita.”

Pumalatak ito. “Wala yata talaga siyang balak na mag-asawa. Wala ka bang mga kaibigang ballerina?”

“I have a lot of single friends, Tita. I’m sure they will say ‘yes’ to Yzaak.” Kahit pa siguro ang pinakamatanda nilang ballerina ay tatango agad oras na aluking i-date si Yzaak. He could easily charm any woman in sight. Baka kung hindi dumating si David sa buhay niya, hanggang ngayon ay si Yzaak pa rin ang mahal niya.

“Kung bakit kasi wala pa ang batang iyon ngayon dito.”

She excused herself. Baka tatawagan na nito si Yzaak. Sinalubong niya si Sapphire.

“Haay. Bakit ba hindi na lang ako naging dancer?” naiinggit na tanong nito.

“Paano ka pa magiging dancer? Buntis ka na.” Five months na itong buntis. And she was thrilled about it. “Bakit ba matagal mag-propose sa akin si David? Sana pala, noong nasa Sagada kami, pinikot ko na siya.”

Tumawa lang si Sapphire. “Come on. Hindi mo naman kailangang mamikot. You are beautiful. You can have any man you want.”

“Sana nga.” Impatience could break Rayanne’s confidence sometimes. Alam naman niyang siya rin ang mamahalin ni David sa huli. Marami na itong naging girlfriends. Marami nang babaeng naka-date. Pero palaging espesyal ang tingin nito sa kanya.

RAYANNE went to the restroom. May film showing gamit ang LCD projector sa huli niyang matagumpay na performance sa Perm, Russia kasama ang mga Filipino musicians at ballet dancers. Naiinitan na siya at humuhulas na ang makeup niya. She had to stay pretty for David.

Paglabas niya ay nilapitan siya ni Maggie, ang organizer ng exhibit at manager ng gallery ni David. “Rayanne, I’ve been looking for you. Someone wants to buy that painting.” Itinuro nito ang painting ni Sylvette.

Kumunot ang noo niya. “But it is not for sale.” Lahat ng itatanghal sa exhibit ay ibinebenta nila at ang beneficiary ay ang ilang institution para sa mga mahihirap na performing artists. Tanging ang picture lang nila ni Sylvette ang hindi niya ipagbibili.

“That’s what I told that guy. He told me to name your price.”

Sa dinami-rami ng artworks doon, bakit ang picture pa nila ni Sylvette? “Gusto kong makilala ang lalaking iyon.”

Malakas ang kaba ni Rayanne nang lapitan ang lalaking nakatayo sa harap ng painting. Matikas ito. Bahagyang mahaba ang buhok na halos sumayad sa suit nito. She knew that familiar feeling. Even that man was familiar. Isang lalaki lang ang nagbibigay sa kanya ng ganoong pakiramdam.

“I’m sorry. The painting is not for sale, Mr. Argoncillo,” sabi ni Maggie.

“Everything has a price,” sabi nitong naningkit ang mga mata nang malingunan siya.

“Kami na ni Mr. Argoncillo ang mag-uusap, Maggie,” sabi ni Rayanne, pagkatapos ay lumapit kay Yzaak. Parang may magnet na humahatak sa kanya palapit sa lalaki. Hindi rin niya maialis ang tingin sa madilim na mga mata nito. Kahit naman noon ay hindi niya kayang iiwas ang tingin dito kahit pa galit ito. “You made it, Yzaak!”

Hindi pa rin siya makapaniwalang pupunta ito. Ang akala niya ay titikisin siya nito. Napakagaan ng puso niya nang mga sandaling iyon. Parang si Yzaak ang pinakaimportanteng bisita niya. Siguro ay dahil sa mahabang panahon, alam niyang galit pa rin ito sa kanya. Halos six years na ayaw man lang nitong i-recognize ang existence niya.

“Yeah! Pinagbantaan ako ni Mama na ipapa-rape ako sa kababata kong matagal nang may gusto sa akin kapag `di ko ginawa.”

“Si Krizzie? Hanggang ngayon ba, may gusto pa rin siya sa iyo?”

Lalong dumilim ang mukha ni Yzaak nang subukan niyang tumawa. “Sige. Itukso mo pa sa akin si Krizzie at aalis ako rito.” Ibinaling uli nito ang tingin sa painting. “Bakit hindi ko puwedeng bilhin ang painting ng kapatid ko? Give me a price.”

“Hindi mo na kailangang bilhin ang picture ni Sylvette. Ibibigay ko talaga iyan sa pamilya mo.”

His eyes became misty. “Thank you. Hindi mo kinalimutan ang kapatid ko,” sabi ni Yzaak sa nanginginig na boses. Vulnerable pa rin ito pagdating kay Sylvette. At natutuwa siya dahil hindi galit ang narinig niya sa boses nito.

“She’s also like a sister to me. Maniwala ka man o hindi.”

Inilabas nito ang checkbook, nagsulat doon at saka iniabot ang tseke sa kanya. “Donation ko ito para sa mga tutulungan mo. I’m doing this for Sylvette.”

“I’m sure she’s happy wherever she is. Thank you.” Dinala ni Rayanne ang lalaki sa counter para pumirma ito sa list ng mga nagbigay ng donation. “Mayamang-mayaman ka na siguro. Being a member of Stallion Island and all. And girls run after you…”

Nagkibit-balikat si Yzaak. “I’m not really thrilled about it. Nag-member ako roon dahil gusto kong i-encourage ang maimpluwensiyang members para mas mag-focus sa environmental issue at paggamit ng renewable energy sources.”

“That’s business for you.”

“It’s an advocacy. Like you. I don’t believe you just dance for fame and money.”

“Of course not. I do it for my art.”

Isa sa mga magagandang katangian ni Yzaak ay ang pagiging firm nito sa bawat pinaniniwalaan. He was a man of principles. Nakatuon ang atensiyon hindi lang sa pangkasalukuyan, kundi maging sa panghinaharap. And he was very promising. She was delighted to see his visions come to life.

Kumuha si Rayanne ng dalawang flute ng champagne at iniabot dito ang isa. “Bakit ka na-late kanina? May ka-date ka siguro.”

“The last time I checked, you weren’t my mother.”

“The last time I checked, we haven’t talked for six years. Wala sigurong masama kung kukumustahin kita.”

Tinungga ni Yzaak ang champagne. “Go back to Pausinni. Baka hinahanap ka na niya at ng mga bisita mo. I don’t want to keep you.”

Mariing naglapat ang mga labi niya. Walang balak makipagkuwentuhan si Yzaak sa kanya. Siguro ay nagpunta lang ito dahil sa nanay nito. Pero wala itong pakialam sa kanya. Magpasalamat na lang siguro siya na kinausap siya ng lalaki kahit paano.

She couldn’t even tell him that she missed him.

“Okay. Make yourself comfortable.”

Patalikod na si Rayanne nang bigla nitong hatakin ang kamay niya at hapitin ang kanyang baywang palapit dito. Nahigit niya ang hininga nang masuyo nitong hawakan ang baba niya habang nakatitig sa kanyang mga mata. “Rayanne…”

Kinukulang na ng supply ng oxygen ang katawan niya dahil lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kanya. Halos hindi siya makagalaw. “Why, Yzaak?”

“Gusto ko lang matitigan ang mukha mo. I didn’t get the chance to stare at you that much during those six years. Gusto kong makita ang mga nagbago sa iyo.”

Parang dahan-dahang sinisilaban si Rayanne nang parang humaplos sa mukha niya ang mabangong hininga nito. Pinigil niyang mapapikit. It was a slow thrilling death to feel his warm breath against her skin. Ano ba ang ginagawa ni Yzaak sa kanya? Not even David could make her melt like this.

“A-ano’ng nagbago sa akin?” tanong niya.

“Lalo ka yatang pumapayat. Pausinni doesn’t take care of you, does he?”

Napalunok siya. “H-he does. Diet … and… all.”

Unti-unti nang humihina ang boses niya. Dahil siguro nanghihina na rin ang katawan niya sa kakulangan ng oxygen. Yzaak was dangerous. Wala itong lisensiya para ilapit ang katawan sa kanya. Yet she had no power to say “no.”

Nagulat si Rayanne nang marahan siyang bitiwan ng lalaki. “Kapag pumunta ka sa Stallion Island, titiyakin kong makakakain ka nang marami. Don’t kill yourself for the sake of art.”

She tried to steady her feet. “Y-you are right.” Naging normal na uli ang katawan niya nang muling magka-supply ng hangin. “And I should go back to my guests now.”

Parang nasagip si Rayanne mula sa lumulutang na dagat nang makita si David na kausap si Maggie. Lumapit si David sa kanila. “Argoncillo. What can you say about the exhibit?”

“You know I don’t have an eye for art,” kaswal na sagot ni Yzaak, saka nilingon siya. “Nandito lang ako dahil kay Rayanne.”

“Yeah.” Humawak siya sa braso ni David. “Sister niya si Sylvette.”

“I know,” sabi ni David, saka hinawakan ang kamay niya. “Nilalamig ka yata.”

Binawi niya ang kamay kay David saka hinaplos ang braso niya. “`M-must be the aircon.” Or it must be her encounter with Yzaak a while ago. Hindi basta-basta nawawala ang epekto nito sa kanya.

“Take care of her, Pausinni. Masyado nang payat si Rayanne. Baka hindi mo siya inaalagaan,” sabi ni Yzaak.

“I care for her the way I care for my Picasso.”

“You should care for her more than Picasso.” Pagkatapos ay saka nilapitan ni Yzaak ang ina.

Sinundan ito ni Rayanne ng tingin. She wanted to believe that Yzaak cared for her. Was it too much to wish that she still had a spot in his heart?